binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 5: My Lovely Chef

ALAS-OTSO NA NG UMAGA, naghahanda na si Amanda para umalis nang makarinig siya ng katok sa pinto. Alas nuebe ang usapan nilang magkikita nina Phoebe at Cathy at halos isang oras na biyahe iyon. Alas otso na ng umaga at naroon pa siya sa bahay. Kasi naman itong si Justin, naisipan pang lumabas ng gabing iyon at alas dos na sila nakauwi, tinanghali tuloy siya ng gising.

Inayos na niya ang mga gamit sa bag bago tumungo sa pinto. “Sandali lang!” Wala siyang inaasahang bisita nang umagang iyon at nagtataka siya kung sino iyon.

Maliit itong babae, payat, maitim. Naka-spaghetti strap itong pula and very short skirt. Nagulat itong makita ako, hindi ko alam kung bakit. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. At hindi ko ‘yon nagustuhan.

“Unit ba ‘to ni Justin? Kilala mo ba siya?”

Isa na naman ba iyon sa mga babae ni Justin? Tumango si Amanda. “Si Justin? Oo,” sabi n’ya. “Ito nga ang unit n’ya.”

Matagal pa bago ito muling nagsalita. At muli, tiningnan nito si Amanda mula ulo hanggang paa. “And’yan ba siya?”

“N-natutulog pa, alam ba niyang darating ka?”

Siguro hindi, dahil hindi ito sumagot.

“Pasok ka muna, gigisingin ko lang.” Iniwan ni Amanda na bukas ang pinto para sa bisita. “Pasok ka, tatawagin ko lang si Justin,” muli niyang sabi nang hindi ito umalis sa pagkakatayo roon.

Pero bago pa marating ni Amanda ang kuwarto ni Justin ay nakita na niya itong lumabas. Naghihikab pang lumapit si Justin kina Amanda at nagulat nang makitang may ibang tao sa loob ng apartment nila.

“Jane! Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na tanong ni Justin na biglang nawala ang pagkaantok.

“Justin, iniiwasan mo ba ‘ko? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit?”

Napailing si Amanda. Hindi na bago sa kanya ang ganoong eksena. Maraming beses nang nangyari ang ganitong tagpo simula nang makilala niya ang kaibigan. Pero ngayon lang may sumugod doon sa bahay, kaya gulat na gulat ito. Tahimik lang si Amanda habang inaayos ang ilang gamit na naiwan niya sa sala. Nagmamadali na siya, at ayaw niyang mahuli. After breakfast with friends, she’ll be meeting a new client and of course, she wanted to make the best impression possible.

“Pa’no mo nalaman ‘tong unit?”

“Hindi na mahalaga ‘yon! Justin, pinagtataguan mo ba ‘ko?” malakas na sigaw ni Jane. Sa liit nitong babae, nakakamangha kung saan nanggagaling ang malakas nitong boses.

“Jane, please, ‘wag kang sumigaw. Sinabi ko na sa’yo, diba? Tapos na tayo.”

“Gano’n lang ‘yon? Pagkatapos kong ibigay sa’yo lahat? Gano’n lang ‘yon? Bakit, ha? Dahil ba sa babae’ng ‘yan?”

Tumayo na uli si Amanda at tiningnan ang dalawa. Ayaw niyang madamay sa giyera’ng iyon.

“Ano’ng ginagawa ng babae’ng ‘yan dito?”

Kinuha ni Amanda ang bag niya. “Excuse me, but I have to go.”

Humarang si Jane sa daraanan ni Amanda. “Hindi ka makakaalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa ‘kin kung ano’ng ginagawa mo sa apartment ng boyfriend ko!”

Napangaga si Amanda sa sobrang pagkabigla at lumapit si Justin sa dalawa para pigilan sa pagsugod si Jane at para protektahan si Amanda. “Jane, ‘wag mo siyang idamay dito.”

“At ipinagtatanggol mo pa ‘yang babaeng ‘yan? ‘Yan ba ang ipinalit mo sa ’kin, ha?”

Galit na galit si Jane at sa tingin ni Amanda ay handa itong umatake anumang oras. Pumagitna si Justin sa kanilang dalawa. Habang naglilitanya si Jane ay bumulong siya kay Justin. “Ano na naman ba ‘to, Justin? May meeting pa ‘ko, kailangan ko nang umalis.”

“Justin! Naghihintay ako ng paliwanag! Bakit narito ‘yang babae’ng ‘yan?” muling pasigaw na tanong ni Jane. At bumaling ito kay Amanda. “Hoy, ikaw! Ang kapal naman ng mukha mo’ng matulog sa apartment ni Justin! Mang-aagaw!!”

“Jane! Ano ka ba?” sabi ni Justin. Wala itong karapatang pagsalitaan ng gano’n ang kaibigan at hindi na iyon maaaring payagan. “P’wede ba, umalis ka na?”

“Hindi ako papayag na basta palitan mo ng kung sino lang! Ano ba? Lahat naman ibinibigay ko sa’yo, lahat ginagawa ko para sa’yo! Bakit, Justin?!”

Malapit nang umiyak si Jane at hindi alam ni Amanda kung maaawa rito o matatawa. Para siyang nasa eksena sa isang telenobela. Halata namang talagang mahal na mahal nito si Justin, at sa tingin niya ay katangahan ‘yon. She should not trust someone like him and invest her feelings to this man too much.

“P’wede ba, umalis ka na, tsaka na lang natin pag-usapan ‘to.”

“Hindi! Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabi sa ‘kin kung sino ang babaeng ‘yan at anong ginagawa n’yan dito!”

Sa tingin nina Justin ay wala talagang balak umalis si Jane. Naisip ni Amanda na mas mabuti pa ngang marinig na nito ang gusto nitong marinig.

“Okay, s-she’s Amanda, s-she’s-“

“I-I’m his new girlfriend.”

Kapwa nanlaki ang mata ni Jane at ni Justin sa narinig. Tiningnan ni Justin si Amanda na seryoso ang mukha.

“And I live here with Justin.”

Napanganga si Jane at tuluyan nang umiyak. “Hindi totoo ‘yan!”

“Sorry pero ‘yun ang totoo. Kaya please, umalis ka na.”

Maraming iling ang naging tugon nito. Malakas ang hagulgol ng babae at kumalat na ang itim na mascara at ang makapal na make up nito sa mukha. “Justin, sabihin mo sa ‘kin na hindi totoo ‘yon! Sabihin mo sa babae’ng ‘yan na ako ang mahal mo at hindi siya! Justin, mamili ka sa ‘ming dalawa ngayon! Siya o ako?!”

Huminga ng malalim si Justin, tiningnan si Amanda, at pagkatapos ay si Jane. “I’m sorry Jane, pero matagal na tayong wala. Mahal ko si Amanda. Sorry.”

Napatingin si Amanda sa sinabing iyon ni Justin. Mahal ko si Amanda. Why does she feel as if he meant every word of what he said? Umiling-iling siya para gisingin ang sarili sa kahibangan na ‘yon.

Walang naging sagot. Patuloy lang si Jane sa pag-iyak. Ilang sandali pa itong nanatiling nakatayo roon at umiiyak bago umalis. Masama ang loob nito, masama ang mukha at padabog na isinara ang pinto. Parehong naiwan sina Amanda at Justin na nakatingin sa saradong pinto.

Tiningnan ni Justin ang kaibigan na nagmamadaling kinuha ang bag.

“Sorry about that.”

“W-what’s new?” sabi ni Amanda. “Sanay na ‘ko. Pero kapag ako, nakatanggap ng death threat, humanda ka sa ‘kin.”

Natawa si Justin. “Ako’ng bahala sa ‘yo.” Pinagbukas ng pinto ni Justin ang kaibigan. “Ingat.”

“By the way,” sabi ni Amanda bago pa tuluyang umalis. “Tinawagan ako ni Marianne. Break na raw kayo?”

“Matagal na. Ngayon lang ba n’ya na-realize ‘yon?”

Umiling-iling siya. “Bakit ba parang tinatakbuhan mo na ang mga girlfriends mo bigla-bigla?”

“Nagbago na ‘ko, Amanda,” nakangiti nitong tugon na may himig pagmamalaki.

Doon natawa si Amanda. Talaga nga kaya? Sana nga, totoo ‘yon.

—–

GOOD NEWS ‘YON, kung totoo ngang nagbago na si Justin. Wala na sila ni Marianne, at ng Jane na ‘yon. Magpapamisa na sana ko pero wala pang isang linggo, may ipinakilala na naman siya sa ‘kin. Si Samantha.

Tinawagan ako ni Justin habang nasa restaurant ako at i-meet ko raw siya sa favorite naming coffee shop. Tinanong ko kung bakit dahil busy ako ng mga oras na ‘yon pero wala siyang anupamang nasabi kundi sobrang importante raw. Kaya wala akong nagawa, kahit marami akong inaasikaso. Medyo nag-alala pa nga ako dahil akala ko, kung ano na ang nangyari sa kanya.

Nadatnan ni Amanda si Justin doon na naghihintay. Kinawayan siya nito at tumayo para salubungin siya. Maganda ang ngiti nito.

“Akala ko, di ka na darating.”

“Marami ako’ng ginagawa. So, ano ba’ng importanteng bagay ‘to?”

Naupo si Amanda sa couch at ini-order siya ni Justin ng iced tea.

“Ano, may problema na naman ba?”

“Wala,” nakangiti nitong tugon, at naupo sa harap ni Amanda.

“Bakit mo ‘ko pinapunta rito?”

Muling tumayo si Justin na ikinagulat ni Amanda. Mas lumaki ang ngiti nito at sinundan ni Amanda ang tingin nito. Natanaw niya ang isang matangkad na babae na nanggaling mula sa kung saan.

Matangkad ito at maganda. Sinalubong iyon ni Justin at humalik ito sa labi ng kaibigan niya. Ito pala ang sinasabi nitong ‘importante’.

“I’m sorry, I’m late. It’s so traffic,” sabi nito. Nakasuot ito ng sa tingin ni Amanda ay sinusuot lang sa mga pormal na pagtitipon.

Nakamasid lang si Amanda sa eksenang iyon. Hinatak ni Justin ang upuan para sa magandang babaeng iyon.

“Amanda, I’d like you to meet Samantha.”

Nakipagkamay siya at pinilit na itinago ang sobrang pagkabigla. Wala siyang kahit anong sinabi, hindi niya alam ang sasabihin.

“Honey, this is Amanda.”

Sabay na naupo sina Justin at Samantha. At ganoon pa rin ang mukha ni Amanda.

Honey. He called her honey. Hindi ko alam pero parang ang sakit sa tenga n’on. Tiningnan ko lang ang babaeng iyon na maganda ang ngiti. Maganda ito, mestisa, matangos ang ilong, matangkad. They look good together. And I don’t feel good about it, honestly.

“I finally meet the famous Amanda in person. Justin talks about you a lot.”

Ano ang ibig nitong sabihin do’n? Tiningnan niya ang kaibigan at nginitian at kinindatan lang siya nito.

Nasabi ko kay Phoebe ang tungkol sa bagong girlfriend ni Justin, na parang seryoso na sa pagkakataong iyon. Na iba si Samantha sa lahat ng babaeng ipinakilala sa ‘kin ni Justin. Hindi ko pa siya nakitang sobrang attentive sa isang babae. Ang mga babae ang palaging nag-aasikaso sa kanya. Pero kay Samantha, kabaligtaran.

“What do you think?” tanong ni Justin nang sandaling umalis si Samantha para sagutin ang natanggap na tawag.

Uminom lang ng iced tea si Amanda. Wala siyang masasabi dahil wala pang kalahating oras niya itong nakikilala. Bukod sa sinabi nitong upcoming model ito at nag-iisang anak ng isang business tycoon na nakalimutan na niya ang pangalan, wala na siyang alam tungkol dito.

“She’s pretty, isn’t she?” muling tanong ni Justin.

Tumango lang si Amanda, bahagyang tango, at muling uminom ng iced tea.

—–

Simula nang ipakilala ni Justin si Samantha, wala nang ibang babaeng bukambibig si Justin. At sa tingin ko, wala na rin itong ibang dini-date. “Sa tingin ko, nagbago na nga siya.”

Tiningnan ni Phoebe ang kaibigan, bago sila pumasok sa bahay. Inimbitahan ito ni Amanda para ipatikim dito ang bagong banana cake recipe. “Okay lang sa’yo?”

“Ang alin?”

“Na may bagong girlfriend si papa Justin?”

“Bakit naman hindi magiging okay?”

Sinundan ni Amanda ang kaibigan papasok, hanggang sa dining area. Wala si Justin, kasama ang bagong girlfriend. At siguradong umaga na naman ang uwi no’n.

“Di ka nagseselos?”

“Phoebe, hanggang ngayon ba naman?” tanong ni Amanda. Inilabas niya ang cake mula sa refrigerator at inilapag sa mesa. At nagsimula nang kumain si Phoebe.

“Pa’no nga kung talagang seryoso na nga si Justin this time? E di aalis ka na sa magandang condo unit na ‘to?”

Matagal ko na rin namang pinag-iisipan ‘yon. at wala namang problema sa’kin. Sa tingin ko, panahon na rin para magkanya-kanya na kami ni Justin. Kung si Samantha na nga ang magpapabago kay Justin, e di mahusay, dapat siyang parangalan ng Nobel Prize. “Actually, gusto ko na ring kausapin si Justin tungkol do’n.”

“Talaga?”

Tumango siya. Dala nito sa mesa ang dalawang baso ng tubig.

“Mabuti naman. Akala ko habang buhay ka na dito mabubulok kasama ang babaero’ng ‘yon. Ang tanong, papayag kaya ‘yon na umalis ka?”

“Bakit naman hindi?”

Tiningnan siya ni Phoebe na para bang siya ang pinakatanga’ng tao sa mundo. “Amanda, obvious naman na wala sa mga plano niya sa buhay ang mawalay sa piling mo.”

Natawa lang si Amanda.

Umiling-iling si Phoebe habang seryosong nakatingin kay Amanda. At tiningnan rin siya ng kaibigan. “Kasalanan mo ‘yan.”

“Ha? Bakit?”

“Masyado ka kasing manhid. Ayan, naghanap tuloy ng iba.”

Maraming beses nang nasabi sa kanya iyon ni Phoebe. Na kaya raw paiba-iba ng babae si Justin, ay dahil sa kanya. At malamang na pinagseselos lang siya nito. At manhid nga raw siya at walang pakialam. At ngayong nakatagpo na si Justin ng katulad ni Samantha, hindi niya alam kung anong mararamdaman.

“Amanda, ‘yung totoo, wala ka ba talagang pagnanasa kay Justin? Kasi, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon, matagal na kayong magkasama sa iisang bahay. Imposible namang kahit katiting wala kang pagnanasa sa kay papa Justin? Kahit sino kasi’ng tanungin mo, hindi maniniwala na wala kayong feelings sa isa’t-isa. At hindi rin ako maniniwala kapag sinabi ni Justin na wala siyang gusto sa’yo,” tuluy-tuloy na sabi ni Phoebe habang kumakain.

“Kaibigan lang ang tingin no’n sa ‘kin.”

Ngumiti si Phoebe. “Pero ikaw, kaibigan lang ba ang tingin mo sa kanya?”

“Ano na naman ba’ng tanong ‘yan?”

“Amanda, kung mahal mo si Justin, sabihin mo na ngayon, bago mahuli ang lahat.”

Sa tingin ko naman, talagang huli na ang lahat, that is, kung meron man akong nararamdaman para sa kanya. At siyempre, dapat akong matuwa para kay Justin. Dahil sa tinagal-tagal ng panahon, sa wakas, he has found his true love. Kung true love nga itong matatawag. At mula sa pagiging certified playboy, naging ideal boyfriend si Justin. Maybe this is something that would last a long time. Nakakatawa pero totoo. At naisip ko na mas okay na nga na lumipat na ‘ko sa isang apartment. Para kay Justin, para sa ‘kin, para sa lahat.

—–

“Sa’n ka pupunta?”

“I’ve got a date.”

Sinundan ni Amanda ng tingin si Justin habang isinasara ang butones ng itim nitong polo. Masama ang tingin niya rito, at nginitian lang siya nito at nakiinom pa sa kaka-timpla lang niya’ng kape. “Date? Ano’ng date?”

“May dinner kami ni Samantha. Romantic dinner,” nakangiti nitong sagot.

Ibinaba ni Amanda ang paa mula sa pagkaka-indian seat sa sofa. “Nakakalimutan mo ba kung ano’ng araw ngayon?”

“Bakit, ano bang araw ngayon?”

“Saturday. Ngayon lang naman ang meeting mo with Mr. Magno para sa magazine interview tugkol restaurant,” nakangiti niyang tugon.

“Ngayon ba ‘yon?”

“Ngayon nga. Kaya i-cancel mo na ‘yang romantic dinner n’yo na ‘yan.”

Umiling si Justin at umupo sa tabi niya. “I can’t. Matagal na naming na-plano ‘to,” sabi nito at tumingin sa suot na wristchwatch. “Ano’ng oras ba ang meeting?”

“Six pm.”

“Can I just reschedule?”

“No, you can’t. Dalawang beses ka nang nagpapa-reschedule ng meeting sa kanila dahil sa date-date mo na ‘yan. Hindi na tayo p’wedeng magpa-reschedule.”

Lumapit pa si Justin sa kanya nang mas malapit at napaurong siya dahil dito. “Kaya mo na ‘yon, ikaw na lang ang makipag-meet,” nakangiti nitong sabi. “Please?”

“Nagbibiro ka ba?” nakangiti rin niyang tugon. Pero isa iyong kunwaring ngiti.

“Please?”

Umiling lang si Amanda.

“Please?”

Tumayo si Amanda at ibinigay sa kaibigan ang hawak na mug ng kape. “Please lang Justin, ‘wag mo’ng hintayin na mainis na naman ako. Ilang beses mo nang ginagawa ‘to, ha? Palagi na lang ako ang inihaharap mo sa mga meetings at interviews dahil lang sa mga date na ‘yan. Mas importante pa ba ang babae’ng ‘yon sa ‘yo kaysa sa restaurant? Lahat na lang ng oras mo nakatuon kay Samantha, wala ka nang panahon sa restaurant. Kahit ‘yung mga araw na dapat tayo ang magkasama, nakakalimutan mo na. May iba kang buhay bukod kay Samantha, Justin. Hindi lang siya ang tao sa mundo.”

Saglit na hindi nakaimik si Justin at pagkadaka’y natawa. Sinundan nito si Amanda nang tumungo ito sa kuwarto. “Sinasabi ko na nga ba, nagseselos ka kay Samantha?”

“Utang na loob, Justin, bakit naman ako magseselos sa tao’ng ‘yon?”

“E bakit kasi ang init ng ulo mo kapag si Sam ang pinag-uusapan?”

Mula sa paghahanap ng damit sa closet ay tiningnan niya ang kaibigan. “Sa ‘yo ‘ko naiinis, hindi sa kanya. Palagi na lang kasi’ng-“

“Okay na, tama na, ‘wag nang mainit ang ulo,” sabi ni Justin at tinakpan ng kamay ang bibig ni Amanda. “Makikipag-meeting na tayo kay Mr. Magno.”

“Ano’ng tayo? Mag-isa kang makikipag-meeting sa kanya.”

Tumalikod na si Amanda at muling ipinagpatuloy ang paghahanap ng damit sa closet. “O, e sa’n ka pupunta?” nagtataka nitong tanong.

“I have a dinner date with Arthur. Romantic dinner,” nakangiti niyang tugon, gaya ng ginawa nito kanina.

“A gano’n, ipapa-cancel mo ang date namin ni Samantha, tapos ikaw aalis kasama ng Arthur na ‘yon?”

“Justin, hindi ako ang may appointment kay Mr. Magno, ikaw.”

Inilabas ni Amanda ang itim niyang palda at pink na blouse. Regalo iyon sa kanya ni Justin noong nakaraan niyang birthday. “Amanda, sasama ka sa ‘kin sa meeting.”

Inilapag niya ang damit sa kama at humarap sa kaibigan. “Matagal na naming nai-set ni Arthur ang dinner na ‘to. And besides, ikaw lang naman ang kailangang interview-hin ni Mr. Magno.”

“Hindi ka aalis,” matigas na sabi ni Justin. Kinuha nito ang damit sa ibabaw ng kama na ikinagulat ng dalaga. “It’s either sasama ka sa ‘kin, o hindi ka aalis.”

“At bakit?”

Hawak pa rin ni Justin ang damit ni Amanda sa paraang hindi maaagaw ng kaibigan. “B-basta.”

Ngumiti si Amanda ng ngiting sa tingin ni Justin ay pinakamagandang ngiti sa mundo. “Sinasabi ko na nga ba, nagseselos ka kay Arthur, ano?”

“Oo, nagseselos ako.”

Hinintay ko ang kasunod no’n, na sasabihin ni Justin na nagbibiro lang siya. Pero wala akong narinig na gano’n. Nagseselos si Justin, ‘yun lang. Seryoso ang mukha niya nang sabihin niya ‘yon. “N-nagseselos ka?”

Muling inilapag ni Justin ang damit ni Amanda sa kama. “Make sure na maaga kang uuwi. Call me when you get home.”

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

20 thoughts on “CHAPTER 5: My Lovely Chef

  1. ..ai soo kilig..:):)

    Posted by catherine | Hunyo 12, 2014, 3:54 hapon
  2. toinkz..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 7:12 umaga
  3. I’m amaze s details nd flow ng story… naiiyak n ko..huhu I’m aware na from the very start complicated n ang lahat still I just cant help it,, nake-carried away ako..nagiging complicated ang lahat!!

    Posted by bainisah | Disyembre 30, 2010, 9:10 hapon
  4. haha..kklurkey nman cla ,ang sweet ng bangayan nila

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 6:09 hapon
  5. thanks for reading🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 6, 2010, 9:58 umaga
  6. SWEETT!!
    hahah.. love it!

    Posted by angel | Nobyembre 5, 2010, 6:06 hapon
  7. I’m starting to get tired of the “selosan” between the two of them….

    Posted by K | Nobyembre 5, 2010, 1:57 hapon
  8. hahaha.. nka2tawa cla, lalona c justin,, nadulas.. haha aminin muna kc..😄 ka2kilig nmn n2 ui.. hehe

    Posted by reycel09 | Nobyembre 5, 2010, 1:44 hapon
  9. kaleerkii ! ganda na ng storiie !

    Posted by shemme | Nobyembre 4, 2010, 9:03 hapon
  10. pkibilis po ng paggawa ng next chapter////……….maganda!!

    Posted by angeline02 | Nobyembre 4, 2010, 6:50 hapon
  11. jealousy ..
    ayieee ..
    nakakakilig !🙂

    Posted by pAt | Nobyembre 4, 2010, 4:54 hapon
  12. wahhh…next chapter na poh…nakaktuwa sobra…

    Posted by jeon | Nobyembre 4, 2010, 1:45 hapon
  13. hahaha natatawa ako sa set up nila kakahyper sobra hehe,

    ang ganda ganda😀

    Posted by hyper | Nobyembre 4, 2010, 9:49 umaga
  14. ay ang ganda nya talaga…nakakakilig!!!
    ayan na malapit na silang umamin..hahaha

    Posted by shon | Nobyembre 4, 2010, 8:34 umaga
  15. OMG! yieeeeeeeeeeeeeeee. super duper kilig to the bones naman yon!! :”>

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 4, 2010, 4:41 umaga
  16. hahahaha ang gulo..kakatuwa naman po next na po..tnx tnx

    Posted by eizzy | Nobyembre 4, 2010, 2:59 umaga
  17. Ang ganda………….kakilig!!!!!nxt chapter na sana…….

    Posted by April<3 | Nobyembre 3, 2010, 9:54 hapon
  18. haha! nakakakilig naman.😀

    Posted by candy | Nobyembre 3, 2010, 9:34 hapon
  19. bitin… di ako mkhinga. hayyy sana aminin na ni justin. natawa ako kay jane. hahaha.

    Posted by bon | Nobyembre 3, 2010, 7:34 hapon
  20. waaaaaaaaaaaaaaaaaaah !!! NAKAKAKILIG! OMG !!! WAAAAAAAAAAH !

    Posted by Nylram | Nobyembre 3, 2010, 7:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: