binabasa mo ang...
My Love Is A Nerd

My Love is a Nerd : Chapter 11

Chapter 11

Nagmamadali si Ashgab nang umagang iyon. Naipit kasi siya sa traffic at ngayon ay male-late na. Pasakay na sana siya sa elevator nang mapansin niyang nakatayo malapit doon si Zed. Minabuti niyang pumanhik na lamang sa hagdan kaya hinihingal siya nang makarating sa sixth floor.

“Hi.”

Muntik na siyang mapasigaw nang maratnang nakaupo si Kyle sa swivel chair ng sekretarya niya. “What are you doing here? I mean… nasaan ba si Pia? Tukoy niya sa sekretarya niya.

“Nasa girl’s room yata,” nakangiting sagot nito.

“A-are you in need of something?” Binuksan na niya ang pinto ng opisina at tumuloy sa loob niyon. Sumunod  naman ito sa kanya.

“I think there’s no reason para tanggihan mo na naman ang pag-aya ko sa iyong lumabas mamaya,” prangka  nitong sabi nang makaupo na ito sa visitor’s chair sa harapan ng mesa niya.

“Busy ako, Kyle, eh,” kaagad niyang sabi.

“Please?”

Saglit siyang natahimik. Hindi maiwasang hindi niya isipin na baka hindi pa nakontento si Zed sa ginawa nitong paghihiganti sa kanya kaya ngayon ay ginagamit nito ang pinsan nito para lalo siyang masaktan.

“Bakit bigla kang umalis noon Kyle?” bigla niyang naitanong dito. “Why Kyle?”

Matagal bago ito sumagot. Sunod-sunod na pagbuntung-hininga muna ang pinakawalan nito bago nagsalita. “Nasabi ko na sa iyo ang dahilan, ‘d ba?

Nang malaman ko kung anong klase kang babae, kung sini-sino ang mga naging boyfriend mo, at gung gaano kaikli ang panahong ibinibigay mo sa isang relasyon, natakot akong baka gawin mo rin sa akin ang ginawa mo sa iba. Ang hiwalayan ako kung kailan hibang na hibang na ako sa’yo.” Napangiti ito.

“W-walang kinalaman si…Zed?” she asked. “Hindi ka ba niya sinabihang hiwalayan ako?”

“No. Sa tingin mo ba ay susundin ko si Zed kung siya ang nag-utos sa akin na gawin iyon? And besides, he was too nice before to think about that. Ngayon na nga lang nag-iba ang ugali ni pinsan.

“At ako ang dahilan ng lahat ng iyon,”malungkot niyang sabi. “He told me.”

“So what kung hindi ka niya seryosohin, Ashgab?” anito. “Nandito naman ako.”

“Okay, hindi kita mamadaliin. I just want to tell you that I know the truth.”

“What truth?” napatingin nitong tanong niya.

“Na ako ang dahilan kung bakit ka lumipat sa kompanyang ito,” confident nitong sabi. “But don’t blame Zed for that. Nagkainuman kami the other night. Nasabi lang niya nang hindi sinasadya na ako ang sinadya mo rito. Na ako ang hinahanap mo. That you picked him over me because of his financial standing. Pero ako talaga ang gusto mo.

Naumid na naman ang dila niya.

“Now that I know the truth, siguro naman ay wala nang problema, Ashgab,” he said again. “Huwag kang mag-alala., marami na rin akong investments, so may magandang future ding naghihintay sa’yo sa piling ko. Trust me, Ashgab.”

“I-it’s not the problem, Kyle,” hindi niya mapigilang sabi. “T-the truth is, nasabi ko lang iyon kay Zed dahil sa tindi ng galit ko sa kanya.”

“What do you mean?”

“It’s true, ikaw ang gusto kong makita nang pumunta ako rito sa LinkWorld. Kung nabaling man kay Zed ang atensiyon ko, iyon ay dahil sa masyado akong nagulat sa malaking ipinagbago niya. Nang pumayag akong magpakasal sa kanya, hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. But things happened so fast.

“Nang magkasama kami, nakita ko na naman ang mga bagay na kahanga-hanga sa kanya maliban sa panlabas na kaanyuan. Nakita ko ang mga bagay na muntik nang magpabulag sa akin noon. Nang araw na pumayag akong sumama sa kanya sa Cebu. The thing is, natutunan ko na siyang mahalin, Kyle. Pinasakitan ko lang siya ng masasakit na salita noon para pagtakpan ang nadarama ko. At aaminin ko nasasaktan pa din ako hanggang ngayon sa paghihiwalay namin.”

Natigilan ito.

“Ayokong nagmumukhang kawawa sa harap ng isang lalaki,” pagpapatuloy niya. “Ipinagkatiwala ko sa’yo ang lahat ng ito, sana lang ay huwag mo nang iparating kay Zed.”

“So, that’s true,” he declared.

Nakatungong tumango siya. “I love your cousin, Kyle.” Noon din ay gusto na niyang lumuha.

“I-I’m sorry, Ashgab,” anito matapos ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga. Lumapit ito, niyakap siya, at hinagod ng kamay ang likod niya.

Hindi na tuloy niya napigilan ang mapaluha. May ilang sandal rin sila ni Kyle sa ganoong posisyon. Nang humiwalay siya rito ay pinahid ang kanyang mga luha ay tila may naaninag siyang bulto sa sulok ng kanyang mga mata.

Pagtingin niya sa pinto ay pormal na Zed ang nakita roon. “Zed,” she whispered.

Subalit mabilis na tumalikod ito paalis.

***

Ilang araw na ang nakalipas magmula noon. Ilang araw na ring hindi makakilos nang normal si Ashgab. Wala yatang umagang  hindi siya nagduwal o nahihilo. Hindi na niya matapos-tapos pirmahan ang santambak na papeles sa opisina niya dahil sa maya’t maya niyang pagtungo sa rest room upang sumuka.

Ganito pala ang nagbubuntis, sa loob-loob niya nang lumabas mula sa rest room. Tutop-tutop niya ang sariling bibig dahil baka bigla na lamang siyang sumuka. Uupo na lamang siya sa harap ng kanyang lamesa nang bigla siyang natigilan.

May mga bulaklak sa ibabaw ng kanyang mesa. Seven bouquets of flowers. Iba-ibang klase ng bulaklak at iba-iba rin ang kulay. Tingin niya ay para iyon sa pitong araw, ngunit hindi na yata makapaghintay ang sender ng mga iyon kaya pinagsabay-sabay na lamang sa iisang araw.

Iisang lalaki lamang ang alam niyang mahilig magbigay ng ganoong bulaklak. Iisang lalaki lang.

“I-I hope you liked them.”

Awtomatiko siyang nag-angat ng paningin nang maring ang tinig na iyon. Noon lamang niya namalayang naroon si Zed at tila kanina pa nakatunghay sa kanya.

“W-what do you want?” Hindi na niya naitago ang sarcasm sa kanyang tinig.

“I just wanna say good-bye,” he said softly. “Ini-endorse ko muna kay Kyle ang company. Hindi pa pala ako dapat umuwi dito. Marami pa pala akong dapat pag-isipan. I cannot function normally. I fell so incomplete lately.

“Bakit ka pa nagpapaalam sa akin?” Humarap siya sa dingding na salamin. Ayaw niyang makita nito sa kanyang mga mata ang labis na kalungkutan. Ayaw niyang malaman nitong parang hindi niya kayang mabuhay nang wala ito.

“It’s not the only thing I want to do. Ashley, I…I want to apologize.” Bigla siyang napaharap muli dito. Nakatungo itong tila nagsisisi sa nagawang pagkakamali sa kanya. “Totoong inisip kong paghigantihan ka. Pero ako ang nahulog sa sarili kong bitag. Ako ang nahihirapan. Ako ang hindi makagalaw. Ako ang labis na apektado.

Nag-angat ito ng paningin. May naaaninag na siyang namumuong luha sa mga mata nito. “Sa araw ng ating kasal, litong-lito ako. Narito pa rin ang sakit na dulot ng nakaraan…” Itinuro nito sa dibdib. “yet, there was excitement. Parang gusto ko nang pakasalan ka. Pero nanaig pa rin ang galit sa dibdib ko. I felt so miserable when I left for the states on the day of our wedding. Sarili ko ang pinarusahan ko nang mga sandaling iyon at hindi ikaw.

“And when I was there, I realized something. Something that made me feels more scared. Nang talikuran kita sa araw ng ating kasal, ako ang mas nahirapan, Ashley. It was like killing myself. Lumipas ang maraming taon, ngunit hindi pala nawala ang pagmamahal ko sa’yo. Pinaniwala ko lamang pala ang sarili kong nakalimutan na kita. Yes, you are the girl that I loved so much.

Hindi siya nakapagsalita sa labis na pagkabigla. Totoo ba iyong narinig niya?

“Minsan na akong nagpakababa,” pagpapatuloy niya. “Ngmukhang tanga at halos mapabayaan ang sarili dahil sa sobrang pagmamahal. Hindi ako mahihiyang muling ibalik ang lahat na iyon, Ashley. But I guess, it’s too late. Alam kong si Kyle pa rin ang gusto mo.”

Gusto niyang itama ang maling akala nito ngunit hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig. Nabuo marahil iyon sa isip nito nang makita sila ni Kyle na magkayakap.

“Good luck sa inyong dalawa ni Kyle, Ashley,” muling sabi nito. “I wish you happiness. I hope you forgive me.”

Pagkatapos niyon ay may ilang sandaling naghari ang katahimikan. Hindi niya magawang salubungin ang mga mata nito marahil ganoon din sa kanya.

“I-if you need anything, lalo na tungkol sa b-baby natin, just tell me,” he said again in a very weak voice.

“If it’s okay with you, gusto ko sanang suportahan ang bata. At sana ay huwag mo siyang ipagkait sa akin. Honestly, I am an excited dad. I really am, Ashley.” May pait na ngiti na sumilay sa mga labi nito. “Good-bye, Ashley.”

Wala na siyang ibang nasabi nang humakbang ito patungo sa pinto. Nang makalabas ito sa saka lamang niya nagawang pakawalan ang mga luhang kanina pa gusto bumagsak sa kanyang mga mata.

Talakayan

32 thoughts on “My Love is a Nerd : Chapter 11

  1. awts..8 hurts u knw..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 8:29 hapon
  2. Dont crynot good for d baby

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 1:31 hapon
  3. naloloka na ako kina Zed at Ashley .
    excited na akong basahin yung next chapter🙂

    Posted by marshmallow | Mayo 2, 2012, 4:27 hapon
  4. napaka engot nman ni Zed…. wAAAAAAHHHHH ang ganda talaga ng kwento…..

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 8:33 hapon
  5. i want to shout para mawala sa aking dibdib ang sakit na nararamdaman ko habang binabasa ang chapter na iro…..waaaaaaaaaaaaaaaa

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 7:47 hapon
  6. ano ba yan.. ang drama ko naman.. **sniff sniff**
    thanks sa kdramahan ng story nakaka touch naman kasi eh.. kaya nakakahooked tlaga.. salamat sa writer!!
    next chapter na agad..
    dapat ituloy ang drama!.. huhuh

    Posted by aann023 | Disyembre 16, 2011, 4:23 hapon
  7. Maraming salamat po sa pagbabasa nito..ako ay sobrang natutuwa at kayo ay nagagandahan. I cant keep on smiling on how you react.

    Sana po ay hindi kayo mag-sawa sa pagbabasa at sana inyo pong subaybayyan hanggandg sa ito ay matapos.

    Posted by Cleof | Nobyembre 3, 2010, 11:51 hapon
  8. Ang ganda! Kaso bitin!! Can’t wait sa next chap… Bilis po!!!

    Posted by rma04 | Nobyembre 3, 2010, 11:14 hapon
  9. super crayola ako dun ah…….

    Posted by eki | Nobyembre 3, 2010, 6:47 hapon
  10. damn im so excited for the next chapter. can’t wait ! :))

    Posted by iamroseB | Nobyembre 3, 2010, 6:38 hapon
  11. Grabeh ate!!!!!!! watta story tlga to ! wla akong ma say!!!! ANG GANDA !!!!! i realllly realllly love it !!!

    Posted by Nylram | Nobyembre 3, 2010, 5:22 hapon
  12. kainiz, nabitin ako dun ah !! sakit naman non !! nagpaalam na si Zed, pero diba …. there’s still another chance ?? sana nga meron pa🙂

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 3, 2010, 5:17 hapon
  13. pakipost na poh ang nxt chapter plz…hehe

    Posted by jeon | Nobyembre 3, 2010, 3:09 hapon
  14. sshhheettttee….ang ganda na wahhh..kelan po next na chapter?

    Posted by eizzy | Nobyembre 3, 2010, 3:25 umaga
  15. sa wakas umamin nrin c Zed sa tunay niyang nra2mdman… LOve it!!..:D Ashgab habulin mu xaaaaa… hehe nxt chpter na sana agad..🙂

    clayof: Super ganda n2ng s2ry!!.. I rily love ur work.. keep it up!!.. ^_^

    Posted by reycel09 | Nobyembre 3, 2010, 2:59 umaga
  16. hay…parang ako ang nahihirapan. :((
    ganda ng story!!! nxt chapter na.

    Posted by bon | Nobyembre 3, 2010, 2:09 umaga
  17. nxt chapter pls…nkakaiyak…huhuhu…can’t wait for the chapter…super duper excited….:)

    Posted by anna | Nobyembre 3, 2010, 12:01 umaga
  18. Can’t wait for the next chapter……

    Posted by janrick | Nobyembre 2, 2010, 11:25 hapon
  19. OMG!!! gusto ko na nang nxt chapter…….pls and ty :))

    Posted by April<3 | Nobyembre 2, 2010, 10:22 hapon
  20. next chapter na … hehe

    Posted by irish | Nobyembre 2, 2010, 9:27 hapon
  21. ganda!!kaiyak!next chapter na😀

    Posted by Zheirah | Nobyembre 2, 2010, 9:19 hapon
  22. Ganda!! next chapter nah!! haha.😀 plss..

    Posted by roch17 | Nobyembre 2, 2010, 8:11 hapon
  23. badtrip naman excited na ako sa ending,,,sarap magmahal hirap lang talaga pagnasasaktan…
    ang galing talaga ng sumulat..

    Posted by oxann | Nobyembre 2, 2010, 7:59 hapon
  24. Kailan po ba yung next posting?

    Grabe. Nkakaiyak. Kelangan ko nang matapos to.🙂

    Posted by Erica | Nobyembre 2, 2010, 6:50 hapon
  25. hahaiz nku ang ganda……talagah..graveh……2 the highest lvl

    Posted by lyra codera | Nobyembre 2, 2010, 6:02 hapon
  26. ano ba yan! shushunga-shunga naman si ashley. =)) peace po! :DD

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 2, 2010, 5:26 hapon
  27. bakit nga gnun khit gaano k nsaktan ng taong mhal mo parang an daling magpatawad…
    huhuh ganda tlga…. nkakaiyak

    Posted by prey | Nobyembre 2, 2010, 5:19 hapon
  28. ANG GANDA GRABEH NA TLGA 2!
    EXCITED NA AQ;)))
    GOD BLESS

    Posted by jeli | Nobyembre 2, 2010, 5:03 hapon
  29. waa. ang ganda.🙂 sana mapost na yung iba. :>

    Posted by lyra | Nobyembre 2, 2010, 4:09 hapon
  30. ano ba??? iyak na ako ng iyak!!! grabeh na toh!!! they love each other na!!!!!!!!!!! awwww

    ate, ang ganda ang story!!!! more power sayo at sa iba pang writers ng top!!

    galing galing!!! promiss!!😀😀😀

    Posted by tracy93 | Nobyembre 2, 2010, 4:04 hapon
  31. nakaka.touch !
    ganda talaga ng story ..
    i can’t wait for the next chapter ..
    keep on posting po ..
    GOD BLESS ..🙂

    Posted by pAt | Nobyembre 2, 2010, 3:41 hapon
  32. shet !!!!! waaaaaaaah ! kaloka !!!!!!! ang gnda na !!! waaaah !

    Posted by Nylram | Nobyembre 2, 2010, 3:23 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: