binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 4: My Lovely Chef

“SHE’S EVEN MORE BEAUTIFUL, HUH,” sabi ni Paul kay Justin ang bumisita ito sa restaurant isang gabi. Ilang beses na rin na na-meet ni Paul si Amanda noon, noong nagsisimula pa lang ang friendship nila ni Justin. Nakaupo sila doon sa bar, umiinom ng beer. Paul sees Amanda as a sex object eversince and Justin doesn’t like it. Ang alam ni Paul, he’s just playing around with her, like what he has always known him.

“How long have you been together?”

Nag-isip pa muna si Justin at nagbilang sa utak. Gaano na nga ba sila katagal magkasama sa apartment ni Amanda? “Almost a year.”

“Wow! Really?”

“O, ano’ng nakakagulat do’n?”

“You’ve never been with one woman in a month, man,” sabi ni Paul, at iba ang ngiti nito sa labi. “She’s really that great, huh?”

Great in bed, that’s what Paul means. And he always hates it everytime Paul talks about Amanda that way. “Paul, kaibigan ko si Amanda. Magkaibigan lang kami. And I haven’t gotten her to bed or anything like that,” paglilinaw niya. He hasn’t even kissed her hand, for Christ’s sake.

Tiningnan ni Paul ang kausap. Tinging hindi makapaniwala. “Ha?”

“We’re good friends. Just friends.”

“Bakit?” hindi makapaniwalang  tanong ni Paul sa kaibigan.

“Anong bakit?”

“Sabi mo-“

“Alam ko ang sinabi ko, okay?”

“So, what happened? Ano, ‘yun, biglang ayaw mo na sa kanya kaya magkaibigan na lang kayo ngayon?”

Hindi sumagot si Justin. Talagang malaki lang ang respeto niya kay Amanda. Ilang libong beses na rin niyang pinag-isipan ang tungkol doon pero hindi yata n’ya talaga kaya.

“We had a deal, remember?”

Tiningnan niya ng masama ang kausap. Sa totoo lang, nakalimutan na niya ang tungkol do’n. Na kapag hindi niya naging girlfriend si Amanda, si Paul ang liligaw dito. At sa pagkakakilala niya rito sa loob ng maraming taon, alam niyang tototohanin nito ang usapan nilang ‘yon. “Don’t even think about it.”

“Ano ba’ng problema mo?” natatawang tanong ni Paul sa kanya. “Kaibigan lang talaga ang tingin mo sa kanya? Hindi ako naniniwala, Justin.”

Uminom muna ng beer si Justin bago sumagot. “It’s better that way.”

“Pero may usapan tayo.”

Muling tiningnan ni Justin ang kaibigan, tulad ng tingin na ibinigay niya rito kanina. At natawa si Paul.

“Okay, sige, sige, I’ll stay away from her. Pero pare, hindi lang ikaw at ako ang lalaki sa mundo. If you won’t get a hold of her, somebody else surely will. I’m telling you, you’ve gotta do something. Now.” Dahil alam ni Paul na gusto talaga ng kaibigan si Amanda, lalo na ngayon. Hindi kapani-paniwala, pero totoo. Hindi pa niya ito nakitang ganoon. If he doesn’t like her that much, hindi ito mag-aaksaya ng panahon dito, nang walang kapalit. Justin is the type who always plays fair game. He’s willing to do everything as long as there’s something good for him in return. If his observation serves him right, Justin is dangerously falling inlove with Amanda.

“Are you inlove with her?”

“W-what? Of course not!”

Natawa si Paul sa sagot ng kaibigan. “So, why are you acting like you are?”

“Of course not,” muling sabi ni Justin, mas mariin.

“Alam mo bang ang laki ng ipinagbago mo mula nang makilala mo si Amanda? You don’t treat Amanda the way you treat your other girls. They all run after you, man. But now as I see it, you are the one who’s chasing her. You are giving her special treatment.”

Tahimik lang si Justin. Siguro nga, malaki ang pinagbago niya pero hindi iyon dahil kay Amanda. Nagbago siya dahil gusto niya, hindi dahil kay Amanda.

“I think you’re inlove with her.”

“Kaibigan ko si Amanda.”

“’Yun na nga, pare, kaibigan mo s’ya. Diba mas madali ‘yon? Mas komportable na kayo sa isa’t-isa.” Umorder pa si Paul matapos maubos ang pangalawang bote ng beer.

Inisip ni Justin ang sinabi ni Paul. ’Yun na nga, kaibigan mo s’ya. Mas komportable na kayo sa isa’t-isa. Siguro nga, may punto si Paul. Iniisip lang naman niya ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Amanda kung sakali. If ever they take their relationship a step further, she might get too involved, emotionally. She might naturally ask for commitment and he just couldn’t give her that. And she would most likely end up being hurt. Hindi lang tayo ang lalaki sa mundo. If you won’t, somebody else surely will. Probably, there are a lot of men who desires Amanda. She’s single and very much available. Attractive. Very charming. Smart. Funny. And a very brilliant chef. She could easily charm any man- single, married or divorced. Some of them may be willing to take his place, as her best friend, and her housemate.

And there he was, contented with her friendship, seeing her with other men.

—–

IT WAS ONE OF THOSE WILD NIGHTS WITH MARIANNE. Pagkatapos manood ng walang kwentang pelikula sa sine ay dumeretso sila sa isang hotel room.

When it was over, Marianne was still kissing him with all her passion but Justin’s mind was far from it. Naroon siya, kasama si Marianne pero iniisip niya si Amanda na may date ngayong gabi kasama si Arthur. At iniisip niya kung ano ang ginagawa ng mga ito nang mga sandaling iyon.

Are they also spending the night in a place like this? Is Amanda kissing that man the way Marianne is kissing him now? Tiningnan ni Justin ang wristwatch na ipinatong niya sa nightstand. Alas diyes na ng gabi. He had the itch to call Amanda but his mind was against it. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na bahagyang lumayo si Marianne para tingnan siya.

“Honey, ano’ng problema?”

Hindi siya sumagot. Bumangon na siya at nagsuot ng bathrobe.

“A-aalis ka na?” tanong ni Marianne na obvious na naman ang sagot. Nakatingin lang si Marianne sa kanya. “Ano’ng problema?”

“Wala.”

Isang buwan na mula nang huli silang magkita ni Justin. At ngayon na lang ulit siya nito tinawagan. Busy raw ito at walang panahon. Pinipilit niya itong intindihin at ngayon ay masaya siya na makita uli ito, at muli itong makasama. Inaasahan niyang hanggang umaga sila doon. Pero ngayon ay handa na itong umalis.

Huwag lang niyang malalaman na aalis ito dahil kay Amanda. Nang huli silang magkasama, nakatanggap ng tawag si Justin mula kay Amanda at wala pang limang minuto ay umalis na ito. Ayaw man niyang isipin na mayroon ngang namamagitan sa dalawa, hindi niya iyon maiwasan. Dahil sa tuwing nagkukwento si Justin tungkol sa kaibigan ay para bang si Amanda ang pinakamagaling sa buong mundo. Si Amanda ang pinakamabait, si Amanda ang pinakamaaalalahanin, pinakamagaling magluto, si Amanda ang pinakamagaling sa lahat.

“B-bakit kailangan mo nang umalis?”

“Kailangan ako sa restaurant,” sabi ni Justin.

Matagal bago nakayanang magtanong ni Marianne. “Tapatin mo nga ako Justin, m-magkaibigan lang ba talaga kayo ni Amanda?”

Natawa si Justin. “Marianne, ilang beses na ba nating napag-usapan ‘yan?”

Sinundan ng tingin ni Marianne si Justin patungong banyo. At natatawang isinara ni Justin ang pinto. Napapailing si Justin habang naliligo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nilang napagtalunan ni Marianne ang tungkol kay Amanda. Bakit ba tila lahat ng tao ay ayaw maniwala na talagang magkaibigan lang sila ni Amanda?

Pumikit siya habang dumadaloy ang tubig mula sa shower. At naisip niya, bakit nga ba hanggang ngayon ay magkaibigan lang sila ni Amanda?

—–

Alas onse na nang gabi nang makarating si Justin sa restaurant. Nagulat pa siya nang makita na maraming tao roon. Tumuloy siya sa loob, hanggang sa kusina. Naroon si Amanda, abala sa pag-aasikaso ng lahat.

“Amanda, ano’ng ginagawa mo rito? Diba may date ka ngayon?” tanong ni Justin. Nagkakagulo sa loob ng kitchen at kinailangan pang lakasan ni Justin ang boses para marinig ni Amanda.

“May biglang nagpa-reserve for dinner. Tinawagan ako ni Tony. Buti na lang, nasa bahay pa ‘ko.”

Ibig sabihin, hindi natuloy ang dinner date nito kasama si Arthur. Bahagya siyang napangiti at lumapit sa kaibigan. “Bakit hindi mo ‘ko tinawagan?”

“Alam ko namang kasama mo si Marianne,” sabi ni Amanda na abala pa rin sa pagluluto.

“Kahit na, dapat, tinawagan mo ‘ko. Nasaan si Tony?” si Tony ang assistant chef ni Amanda.

“Pinauwi ko na, masama ang pakiramdam, kawawa naman.”

Surprise farewell dinner raw iyon ng isang empleyado sa opisina malapit sa restaurant nila. Kakilala nila ni Amanda ang nagpa-reserve kaya wala na silang nagawa. Tiningnan ni Justin si Amanda na hindi na halos malaman ang uunahin. Pawis na ito at alam niyang pagod na pero nakukuha pa rin nitong ngumiti. Gusto niya itong lapitan, at yakapin. At halikan.

Mali, gusto lang niya itong lapitan. Period.

—–

“So, what do you think about him?” tanong ni Amanda kay Justin nang makauwi na sila. Sinundan niya ito sa kuwarto nito at nauna nang nahiga sa kama.

“Kanino?”

“Kay Arthur.” Halos dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng kakaiba’ng dinner nila kasama ni Arthur. At wala pang nababanggit na anuman si Justin tungkol doon.

“Wala.” Hindi alam ni Justin kung bakit biglang nasama sa usapan nila ang Arthur na iyon. Kung siya ang tatanungin, ayaw niyang pag-usapan ang kahit na ano tungkol do’n.

“No, really, what do you think about him?” muling tanong ni Amanda.

“Okay lang,” walang emosyon nitong sagot at tumabi na ng higa sa kaibigan.

Sa tingin ni Amanda ay nagbibiro si Justin. Sa buong dinner namin, halata naman na hindi nito gusto ‘yung tao. “Hindi nga?”

“Oo nga, mukha namang okay, hindi ba?”

“You like him?”

“Of course not. I’m not interested,” sabi ni Justin, natatawa.

“Ibig kong sabihin, sa tingin  mo ba, okay siya, para sa’kin?” Bahagyang tiningnan ni Amanda ang kaibigan na nakapikit na.

“Hindi naman ako ang girlfriend, ikaw.”

Linya ko ‘yun sa kanya sa tuwing tinatanong n’ya ang opinyon ko tungkol sa mga girlfriends niya. Pero hindi pa naman ako girlfriend ni Arthur. Wala pa naman kami sa gano’ng level.

Hinintay ni Justin na itama ni Amanda ang sinabi niya at sabihin na hindi pa siya nito girlfriend pero wala siyang narinig mula rito. Ibig ngang sabihin ay boyfriend na nito ang Arthur na iyon.

“In-invite niya ‘ko sa Vigan next weekend.”

“Hindi ako p’wede, marami ‘kong gagawin,” sabi ni Justin. At kahit wala siyang gagawin ay wala siyang balak na sumama doon.

“Hindi ka naman kasama, ako lang,” sabi ni Amanda.

Sa lahat ng mga lakad ni Amanda ay palagi siya nitong isinasama. Pero bakit hindi sa lakad na ‘yon? “’Wag mong sabihin na kayong dalawa lang ang pupunta do’n?”

“Oo.”

Sumeryoso si Justin. “At sasama ka naman?”

“Iniisip ko pa. Papayagan mo naman ako’ng mag-leave, diba?”

“Hindi.”

Napatingin si Amanda sa kaibigan. Seryoso ang sagot ni Justin. “Weekend lang naman.”

“Kahit na. Marami tayo’ng dapat gawin sa restaurant next week.”

“Ang sungit naman nito, minsan nga lang ako mag-leave. Please?”

“Hindi.”

“Gusto mo ba kasama ka?”

“Ayoko. Marami nga akong gagawin.”

“Sus, nagseselos ka lang yata e,” nakangiti niyang biro.

“At, bakit ako magseselos do’n, e hamak naman na mas cute ako do’n.”

Walang nasabi si Amanda. Totoo naman kasi iyon.  “E bakit ayaw mo ‘kong payagan?”

“Ano naman ang gagawin n’yo sa Vigan? Painting?”

“Oo. Para sa exhibit nila.”

Natawa ito. “At naniwala ka naman na painting lang ang gagawin n’yo do’n?”

“Bakit naman hindi?”

Bigla ang naging pagbangon ni Justin kaya nayugyog ang kama. Pero nakapikit pa rin si Amanda. “Amanda, sa tingin mo nga, painting lang ang nasa utak ng taong ‘yon nang i-invite ka n’ya?”

Hindi siya kumibo. Wala na itong kakayahang makipagdiskusyon.

“When he invited you there, he’s not thinking about painting, Amanda. His mind is into something else.” Napaisip tuloy si Justin na malaki ang posibilidad na maging seryoso si Amanda sa lalaki’ng iyon. Ayaw man niyang maging selfish pero hindi niya maiwasang isipin na kapag nangyari nga ang gano’n, ibig sabihin ay mababawasan na ang oras na magkakasama sila ng kaibigan at mababaling na ang buong atensyon nito kay Arthur.

And he remembered seeing how the guy kissed her that night they had dinner. And he didn’t like every bit of it.

“Amanda, I’m telling you, he’s mind is into something else.” Tiningnan niya ang kaibigan na mahimbing na yatang natutulog. “Amanda?”

Walang tugon. Tumagilid si Amanda at humarap sa kanya, nakapikit pa rin.

Sinimulan nang kalabitin ni Justin si Amanda.  “Amanda, don’t you dare sleep here.”

Yes, he has to admit, eversince they met, he wanted Amanda to sleep in his bed. He wanted her to sleep in his bed with him. He wanted her here, but God knows he doesn’t want her asleep.

Umiling si Justin habang pinagmamasdan si Amanda. Baka tamaan siya ng kidlat sa mga kalokohang iniisip niya tungkol dito. “Pasalamat ka, kaibigan kita.” Because if she’s any other girl, he wouldn’t waste a single second just staring at her.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

17 thoughts on “CHAPTER 4: My Lovely Chef

  1. its really nice story

    Posted by rhodora tengco | Hunyo 21, 2014, 6:13 hapon
  2. ganda naman*^_^*

    Posted by honey_karyl@yahoo.com | Mayo 4, 2014, 8:52 hapon
  3. ayt..klig nmn..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 10:20 hapon
  4. ayeeeeiiiiiiiiiiiiiii…. kilig to the bones……. lol

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 8:07 hapon
  5. jeejejejeje kakakilig!

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 3:56 umaga
  6. “Yes, he has to admit, eversince they met, he wanted Amanda to sleep in his bed. He wanted her to sleep in his bed with him. He wanted her here, but God knows he doesn’t want her asleep.” Hahaha adik! cge mag paka-in denial k justin,,..it would only drive you crazy,,hehehe

    Posted by bainisah | Disyembre 30, 2010, 9:09 hapon
  7. ayw p kzing mgtpat e,ah alm q n mgttpat lng xia pg huli n ang lhat waaahh…let c s nxt chapie qng anong mangyyri.

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 5:53 hapon
  8. aminin mo na justin bago pa maagaw ng iba… cge ka, kaw din mawawalan. nxt chapter plssss.

    Posted by bon | Nobyembre 3, 2010, 2:15 umaga
  9. waah. sana po mapost na ung mga kasunod na chapters. :))) ang ganda ng story!

    Posted by lyra | Nobyembre 2, 2010, 8:15 hapon
  10. sobrang thank you po sa pagbabasa!🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 2, 2010, 4:43 hapon
  11. ano ba.???? bakit ayaw pang umamin ng dalawang to na mahal nila ang isat isa…hahaha
    ang ganda ng story!!!

    Posted by shon | Nobyembre 2, 2010, 1:51 hapon
  12. yayks !!!! nagseselos si Justin ….. eehh… nakakakilig ..🙂

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 2, 2010, 1:18 hapon
  13. this is a great story…really

    Posted by khira | Nobyembre 1, 2010, 11:04 hapon
  14. naku naku .. bkt d p kc aminin … mahal nmn .. dinedeny pa .. haaahahay ..

    Posted by animelady09 | Nobyembre 1, 2010, 7:26 hapon
  15. yeah !!!

    Posted by animelady09 | Nobyembre 1, 2010, 7:23 hapon
  16. ano ba yan. epal naman si arthur. =)) next chapter na po! :”>

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 1, 2010, 7:02 hapon
  17. waaaah !!! love this chapter .. ayaw pa kc iadmitt na my gs2 cia ky amanda .. ewan ko s knla ..

    Posted by Nylram | Nobyembre 1, 2010, 7:00 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: