binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER ELEVEN

CHAPTER ELEVEN

Paglabas niya ng silid ay narinig niya ang tunog ng door bell. Nagsuot siya ng shorts at pinagbuksan ang panauhin. Bakit ba ngayon pa dumating ang mga damit kung kailan mamataymatay na siya sa pagnanasa.

“Benos dias.” nakangiti ang matandang babaeng napagbuksan niya ng pinto. “Señorito, heto na po yung mga pinabili niyong mga damit.”

“Gracias, yaya Melinda.” Inabot niya ang mga dala nitong paper bag.

“Hindi na ako magtatagal, iho, e uuwi pa ako sa malaking bahay,” ang bahay ng grandparents niya ang tinutukoy nito. Sa Spain na kasi nakabase ang mga ito mula nang bumalik siya sa pilipinas para pamunuhan ang mga negosyo ng kanyang abuelo at yumaong ama.

“E yaya, apat na oras na biyahe pa yon. Ba’t ‘di nalang po kayo dumito muna hanggang tanghalian?”

“Ay hindi na iho. Kasama ko naman si Mariano.” ang anak nito ang tinutukoy ng yaya niya. Buong pamilya kasi nito ay sinama ng lolo’t lola niya nang mag migrate ang mga ito sa Spain, “Dinala niya ang sasakyan ng malaking bahay para mabilis kaming makarating dito.”

“Sige po, yaya, kung ‘yan ang disisyon niyo.”

“O sige iho at aalis na ako at nang makapagpahinga ka na.”

“Salamat po ulit.”

“Walang anuman, basta ikaw,” sabi nitong nakangiti.

Pagtalikod nito ay muli niya itong tinawag. “Ya, may nakakaalam po bang nandito ako?”

“Maliban sa lolo mo ay wala na iho. Ang sabi niya ay mahalagang walang makaalam na nandirito ka. Maging iyang si Mariano ay hindi alam na ikaw ang pinuntahan namin ang sabi ng Don ay kaibigan niya ang pupuntahan namin.” mahabang paliwanag nito.

“Salamat po, yaya.”

“Aba’y ikaw talagang bata ka hindi ka nanaman natapos magpasalamat,”

Natawa siya sa sinabi nito. Laging iyon ang sinasabi nito sa kanya tuwing nagpapasalamat siya. Paano naman kasi e makailang pasalamat siya rito.

Pagkaalis nito ay pamasok na siya sa loob. Kahit papaano nabawasan ang init na nararamdaman niya.

“Who was that?” si Camille. Nakatayo ito sa pinto ng silid nito.

“Ang yaya, hinatid niya itong mga damit natin,” Kailangan niyang paglabanan ang sarili. Ipinagkatiwala ito sa kanya ni James. “Maligo ka na, naroon ang banyo,” pagkasabi noon ay ibinigay niya dito ang dalawang paper bag na hawak, sumunod naman ito.

Mabilis siyang nagbihis at nagsulat ng bilin para kay Camille bago lumabas ng bahay.

“Camille, nakupo ka lang diyan, kung magwalis ka man lang sana, ‘di ba?” bungad sa kanya ni Rave. “Ang dumi ng sahig, ang gulo ng kusina, sana man lang mag-ayos ayos ka.”

Aba, walang hiya rin ang taong to e no matapos siyang iwan, akala mo kung sinong makapag utos. “Ano ako alalay mo? Katulong, ganon? Excuse me, hindi ako katulong!”

“At hindi mo rin ako katulong na mag-aayos ng mga kalat mo. Don’t you look at me that way, kalat mo naman talaga ang mga ‘yan a,” inis na tugon nito. “Look at your room, parang dinaanan ng bagyo, kung ako lang ang nakatira rito, kahit isang lingo pa akong hindi mag-ayos alikabok lang ang problema ko.”

“Sinasabi mo bang pinapagulo ko ang bahay at buhay mo?”

“Hindi ba!” nagpipigil na ito ng galit.

“E bakit hindi mo ako palayasin?” she snapped at him.

“At pagpinalayas kita saan ka pupunta, sige nga.” sarkastiko nitong tanong. “Ang yabang mong maghamon wala ka namang mapupuntahan dito”

“Uuwi ako sa bahay!” matapang na sagot niya.

“And how will you do that?” his voice was tinged with sarcasm. “You have no money, querida, not even a cent.”

“Tatawagan ko si kuya!”

“Do you have a phone?”

“I hate you! You’re ruining my life!” she literally shout at his face.

Sumandal ito sa diding, “Alam mo ba na may utos ang Diyos na ang mga taong tamad at ayaw magtrabaho, hindi dapat pinapakain.” kinuha nito ang mga susi sa ibabaw ng kitchen counter at ni-lock lahat ng capboards pati ang ref bago pumunta sa pintuan. “Bye, querida. Pagbalik ko at madumi parin ang bahay, wala kang dinner.” He closed the door and she heard him lock it outside.

Naiwan siyang nanggigigil. Hala hindi pa nga siya nananghalian e.

Hmp! Hindi naman niya iyon magagawa.

Umupo nalang siya sa kama niya at nagpatuloy sa pagbabasa.

Pagbalik nito ay nagluto na ito ng hapunan. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang masarap na pagkain.

“Camille!” tawag nito sa kanya.

Mabilis siyang tumayo at tumakbo papuntang kusina.

Hah! Sabi ko na nga ba hindi ako matiis niyan e.

“Hindi ka parin nag-ayos?” bungad nito pagdating niya sa kusina.

“Ano hindi mo ako pakakainin? Tingnan ko lang kung anong gawin sa’yo ni kuya.”

“Hindi ka kakain hangga’t hindi ka natututong makisama at makibagay sa mga taong nakapaligid sa’yo.” saryosong sabi nito habang sumusubo. Isang plato lang ang nandoon.

“Seryoso ka? Excuse me, kung gusto mo akong makasundo, ikaw ang makibagay sa akin.”

“You are such a brat, are you not,” tila balewalang sagot nito. “Ikaw ang bahala, kung gusto mong tumayo nalang jan at manood habang kumakain ako, sige lang. Hindi kita pipilitin.”

Napasinghap siya. Hindi nga siya nito papakainin.

“E di huwag!” tumalikod siya at bumalik na sa silid niya.

Nakatulugan na niya ang gutom.

Nagising siya kinabukasan ng pangangalam ng tiyan.

“Nagugutom na talaga ako,” naiiyak na sabi niya. “Kung nandito si kuya hindi niya ito gagawin sa akin. Kahit gaano siya kagalit hindi pa niya ako ginutom.”

Nang makarinig siya ng ingay sa kusina ay mabilis ang pasya niya. Lulunukin muna niya ang pride niya, wala takagang awa ang taong iyon, kung alam ‘to ng kuya niya malamang nabugbog ang Rave na ‘yon.

Tumayo na siya at pumunta sa kusina. Masakit na talaga ang tiyan niya. Pag pasok niya ay husto naming tatayo si Rave para dalhin sa lababo ang pinag kainan.

“Ako na ang maghuhugas niyan,” mahinang sabi niya.

Nilingon siya nito, “Come again.”

“Ako na ang maghuhugas niyan!”

“Sure,” sabi nito at inilapag ang pinagkainan sa lababo. Wala ang ngiting inaasahan niya rito, bagkus ay nakakunot ito at nakatingin sa kanya. Nabawasan naman ang sakit sa pride niya, at least hindi siya nito pinagtatawanan.

“Pakakainin mo na ako pag nahugasan ko ang mga ‘yan a,” parang batang sabi niya habang papalapit sa lababo.

“Sure, anong gusto mong kainin?” nagliwanag ang mukha nito. “Hmmm” anitong tila nag-iisip. “Mashroom soup nalang para hindi mabigla ang tiyan mo.”

Napatanga siya rito. “Ipagluluto mo ako ng mashroom soup?” aba mukhang nakonsensiya ata ang mokong na ‘to.

“Yup, basta hugasan mo ang mga pinagkainan at pinaglutuan.” nagbubukas na ito ng cabinet, kumuha ito ng delatang mashroom doon at ng iba pang mga gagamitin nito. Nakatayo lang siya doon habang manghang tinitingnan ang ginanagawa nito.Kahit papano may konsensya rin pala ang tukmol na ‘to e no?

“O ano ang tinatayo mo diyan? Tumulong ka na kaya rito, it’s for your tummy after all.”

Kusang lumapit ang mga paa niya sa lamesa. “Anong gagawin ko?”

Tinuruan siya nitong magluto ng mashroom soup, pagkatapos niyang kumain ay tinulungan din siya nitong maghugas ng mga pinggan. Tapos naglinis sila ng bahay.

“See, hindi ka naman namatay, ‘di ba?” sabi nito habang nakaupo sila sa kusina.

Pinagtimpla siya nito ng juice.

Nginitian niya ito. “Bumaho nga lang ako. Grabe kakapagod.”

Tumawa ito. “Ubisin mo iyan tapos maligo ka na, magluluto ako ng tanghalian.”

“Yessir!”

About kuletnimbles

Cute

Diskusyon

9 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER ELEVEN

  1. Reblogged this on retsgerra and commented:
    I love the story

    Posted by retsgerra | Nobyembre 10, 2014, 11:51 umaga
  2. ayan pra mtuto ka nman. lagi k kzng Senyorita ehhh..

    nywayz i super like the kwento po tlga! 🙂

    Posted by aileen | Setyembre 29, 2013, 11:06 hapon
  3. ang cute

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 2:58 hapon
  4. ang sweet ni rave

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:32 hapon
  5. sana po mapost na po yung mga next na chapters 🙂

    Posted by lyra | Nobyembre 2, 2010, 12:15 umaga
  6. Hi po! Accidentally ko lang po nakita tong site na to kanina kasi naghahanap ako ng free online pocketbooks. 🙂 Nabasa ko po tong gawa nyo, and sobrang kilig po ako kay Rave. Super nabitin po ako. Mahilig din po kasi ako magbasa ng pocketbooks, yung pinsan ko kasi bumibili ng mga PHR. Hinihiram ko. Sometimes, I write din. Natuwa naman ako nang ma-stumble ako sa site na to. Excited na ko mabasa ending ng Mi Odiosa Querida. 🙂

    Posted by Alteza Real | Nobyembre 1, 2010, 12:06 umaga
  7. aayyy ssshheettt ganda kabitin nga lang po ng subra kasi ang iksi iksi wahh

    Posted by eizzy | Oktubre 30, 2010, 10:09 hapon
  8. ang ikli nman..pero ayos na rin

    Posted by khira | Oktubre 30, 2010, 7:51 hapon
  9. eeeeeeeeehhhhhh!!! nakakakilig!!!!! more pa 🙂

    Posted by xxBunZxx | Oktubre 30, 2010, 5:11 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

TOP Calendar

Oktubre 2010
L T M H B S L
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan