binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 3: My Lovely Chef

IT WAS A SATURDAY WHEN I GOT A SURPRISING CALL FROM PHOEBE that Cathy got into a car accident. Kabarkada namin si Cathy nung high school. Halos isang taon na rin kaming hindi nagkikita-kita dahil na rin sa mga sari-sariling buhay. Abala si Cathy sa trabaho nito bilang isang manager ng isang bangko sa Makati. And when we visited her to the hospital, parang reunion. Balitaan, kuwentuhan. Wala pa rin itong pagbabago, liban sa pagkakaroon nito ng crush sa isang ka-opisina. Oo, crush. Parang high school.

“Kung hindi pa ‘ko naospital, hindi pa tayo magkikita-kita,” sabi ni Cathy na nakabenda ang kaliwang kamay at paa. Nabangga ang sinasakyan nitong taxi noong nakaraang gabi at kailangan nitong manatili ng ospital ng ilan pang araw para sa mga tests na ginawa dito.

“Free naman ako anytime, ito lang si Amanda ang masyadong busy,” sabi naman ni Phoebe habang kumakain ng grapes na dala nila.

“Siya nga pala Amanda, balita ko, magkasama na kayo ni Justin sa bahay?” tanong ni Cathy sa kanya.

Siyempre pa, kay Phoebe galing ang lahat ng balita’ng iyon. Naroon silang dalawa sa hospital bed ni Cathy, nakatingin sa akin, naghihintay ng sagot. “Huwag madumi ang utak, Cathy.”

“Ano nga, nagli-live in na kayo?” gulat niyong tanong. Akala kasi nito ay nagbibiro lang si Phoebe nang sabihin nito ang tungkol doon.

“We’re housemates,” paglilinaw ni Amanda sa issue.

“They’re housemates,” segunda ni Phoebe, na alam ni Amanda na nang-iinis lang. “Malaki nga naman ang pagkakaiba ng housemates at magka-live in, Cathy.”

“Seryoso nga, Amanda, magkasama kayo ni Justin sa bahay?” muling tanong ni Cathy na hindi pa rin makapaniwala. Sa kanilang tatlo, ito ang pinaka-conservative. Pakiramdam nga nila ay may balak itong pumasok sa kumbento balang araw.

Tumango si Amanda. “I don’t see anything wrong with it.”

“So, ibig sabihin, kayo na?” tanong ni Cathy.

“Magkaibigan lang kami.”

“Magkaibigan lang sila. Justin is like a big brother to her. ‘Wag mong bigyan ng malisya,” nakangiting dugtong ni Phoebe.

Tiningnan ko si Cathy. At malinaw na hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko. Minsan, napapaisip na lang ako kung talaga bang kaibigan ko ang mga ito. “May batas na ba’ng nagsasabi na bawal sa magkaibigan na tumira sa isang bahay?”

Ngumiti lang ang mga kaibigan ni Amanda at nagkatinginan. “So, kumusta namang ‘housemate’ si Justin?” tanong ni Cathy.

Tumayo si Amanda at kumuha ng orange. “He’s okay,” simple niyang tugon. Ayaw na niyang palawigin ang usapan.

“Amanda, bakit hindi mo sabihin sa kanya na he’s literally giving you everything you need like a generous boyfriend?” nakangiting sabi ni Phoebe. “And how sexy he looks with his bathrobe and boxers.”

Well, Justin really looks sexy with his bathrobe and boxers.

Malakas na hiyawan at tuksuhan ang sumunod. Mabuti na lang at tumunog ang cellphone ni Amanda at may dahilan siya para makaiwas sa panunukso ng mga kaibigan. Bahagya siyang lumayo sa mga ito para marinig ang kausap. “Hello?”

“Amanda, ‘asan ka?” tanong ni Justin sa kabilang linya.

“Sa hospital. ‘Diba sabi ko sa’yo, may dadalawin akong kaibigan?”

Tumangu-tango si Justin kahit hindi nakikita ng kausap. Nasa bahay ito, nakahiga sa sofa habang palipat-lipat ng tv channel. Sabado noon ng hapon at wala siyang magawa. “Anong oras ka uuwi?”

“I’m not sure. Teka, nasa’n ka ba?”

“Sa bahay.”

“O, bakit ka napatawag, may problema ba?”

“Wala.  Sa labas na lang tayo mag-dinner.”

“Bakit?”

“Wala lang, gusto ko lang lumabas.”

Inisip ni Amanda kung ano na naman kaya ang problema ni Justin at naisipang magyayang kumain sa labas? Nakipag-break na naman ba ito sa isa sa mga girlfriends nito? “O-okay, baka nand’yan na ko ng 7:30.”

“Susunduin na lang kita d’yan, sa’n ba ‘yan?”

Wala nang oras si Amanda para makipagdiskusyon at magtanong kung bakit kailangan pa nito siyang sunduin doon. Sinabi na lang niya ang address ng ospital, pati ang room number ng kaibigan.

Iniisip pa rin niya kung ano ang problema ni Justin nang magsimula na namang manukso ni Phoebe.

“Si papa Justin, ano? Chini-check na naman ang whereabouts mo.”

“Ang sweet naman! Kelan ko ba mami-meet ‘yan?” tanong ni Cathy.

Ngumiti rin si Amanda. “Don’t’ worry, pupunta siya dito mamaya lang.”

At pagkaraan nga ng dalawang oras, parang huminto ang mundo ng mga kaibigan ni Amanda sa kuwarto nang kumatok at pumasok si Justin.

“Good evening,” masayang bati ni Justin.

Tumayo si Amanda at sinalubong ang kaibigan. “Ang aga mo, a,” sabi ni Amanda. 6:45 pa lamang. Lumapit ito sa kanya and he kissed her on the cheek. It was too late before she could react. It was automatic, as if they’ve been doing it eversince. Alam ni Amanda na nagulat ang mga kaibigan niya sa nakita. Dahil kahit siya ay nagulat din.

—–

I didn’t know what happened. I didn’t know if Justin just got carried away, or what was he thinking for doing that. But it ‘s not a big deal. I’m more interested with Arthur now and I don’t have to make that kiss a big deal. At nang minsang mabanggit ko kay Justin ang tungkol kay Arthur, ito lang ang kanyang naging comment:

“Good luck na lang sa kanya.”

Pakiramdam ko tuloy, napakasama kong tao. Lalo na nang sabihin nya na maawa naman daw ako at linawin ko na ang mga bagay-bagay hangga’t maaga. Because I may want friendship from them, but naturally, they wanted more.

“Kasalanan ko ba? They’re assuming too much.”

“Because you’re giving them mixed signals.”

“I’m just being friendly.”

“Exactly, you’re being too friendly. You’re misleading.”

“E ano’ng gagawin ko?”

“Sabihin mo sa kanila kung ano talaga’ng gusto mo sa kanila.”

“Pa’no kung hindi ko alam kung ano talaga’ng gusto ko?”

Malaking problema raw ‘yon, sabi ni Justin. He has never been in that kind of situation. Sabi niya, sa simula pa lang, alam na niya ang gusto niya sa mga babae. So right then and there, he’d tell them what was it and get through with it. Gano’n ka-simple.

Pero siyempre, lalaki siya, madali ‘yong gawin para sa kanya. Basta ang alam ko, masayang kasama si Arthur. Gan’on lang.

“So, you like him. The question is, do you intend to have a commitment with him?”

Masyado pang maaga para magsalita tungkol do’n. “Ewan, siguro.”

“Amanda, bago ka gumawa ng desisyon, ipakilala mo muna sa ‘kin ‘yong Arthur na ‘yon. Baka mamaya, lokohin ka lang.”

Natawa si Amanda. Palibhasa, gawain nito ang manloko at magpaiyak ng mga babae. Kaya ang alam nito ay katulad nito ang lahat ng lalaki. Pero sa totoo lang, sa mga ganoong pagkakataon lamang niya napapatunayan na mas matanda at mas mature nga ang kaibigan kaysa sa kanya.

Pero parang nagdadalawang-isip ako na ipakilala si Arthur kay Justin. Dahil sa tuwing may ipapakilala ako sa kanya, kahit na kaibigan lang, palagi siyang may side comments. Maraming pintas na alam. At sigurado ako, hindi niya palalampasin si Arthur. Hahanap at hahanap ‘yon ng mali kay Arthur.

Kung sa bagay, nakakatulong din naman kahit paano ang mga komento ni Justin. Lagi naman siyang tama pagdating sa mga ganoong bagay. Tulad na lamang halimbawa ni David. Sabi ni Justin, David seems to be a quiet man who’s too old to play around. And he’s right. David isn’t looking for someone to take to dinner on weekends. For Christ’s sake, he’s looking for a wife.

Kaya nang muli kaming magkita ni Arthur, sinabi ko na gusto siyang makilala ni Justin. Wala raw problema, sabi ni Arthur, kaya after three days, we had dinner.

—–

Tahimik ang naging dinner. Hindi ko alam kung si Arthur, o si Justin ang hindi komportable. Wala naman akong maisip na paksa na maaaring pag-usapan dahil magkaiba’ng-magkaiba sila ng personalidad. Tahimik lang kami sa buong dinner, maliban na lang sa ilang komento tungkol sa pagkain.

“I’m a visual artist,” sagot ni Arthur sa tanong ni Justin na ‘what do you do’.

“Is that a temporary thing?” muling tanong ni Justin. Hindi ito tumitingin sa kausap. “Do you have another career besides that?”

Tiningnan ni Amanda ang kaibigan, at pagkatapos ay si Arthur. “Justin-“

Ngumiti lang si Arthur kay Amanda para ipaalam dito na okay lang sa kanya ang pagtatanong ni Justin. “I paint and that’s what I do.”

Hindi napigilan ni Justin ang matawa. As far as he’s concerned, painting is just a hobby and should not be taken as a serious career. Nagpatuloy na lang siya sa pagkain matapos makita si Amanda na halatang inis na sa kanya.

“Amanda told me a lot about you,” sabi ni Arthur, trying to make a conversation. But Justin doesn’t want to.

Kinuha niya ang baso ng tubig at inubos ang laman no’n. Tinawag niya ang waiter at muling humingi ng malamig na tubig. Tumangu-tango lang si Justin.

“I’m having my exhibit by the end of the year. If you’re interested, you could come with Amanda,” sabi ni Arthur nang hindi na sumagot si Justin. It’s very obvious that he’s making an effort to make themselves comfortable with each other. And that is just because Amanda asked him to.

By the end of this year. Naisip ni Justin kung bakit parang sigurado ang taong iyon na bahagi pa rin ito ng buhay ni Amanda sa panahong iyon. Nagpatuloy lang siya sa pagkain na para bang walang naririnig. “How long have you known Amanda?” bigla nitong tanong.

“A, almost two months.”

“Are you dating anybody else now?”

“Justin! Ano ka ba?” mahinang pigil ni Amanda sa mga tanong nito. Naniningkit niyang tiningnan ang kaibigan. Ngumiti lang ito.

Umiling naman si Arthur. “I’m not dating anybody else.”

“Gaano katagal ang mga previous relationships mo?”

Napaaray si Justin nang sipain siya ni Amanda sa paa. “Justin, stop it.”

“A, three years, and five years,” mahinahong sagot ni Arthur. Inihanda na nito ang sarili sa mga ganong klaseng tanong kaya hindi na siya nagulat at nagtaka pa sa interrogation na ‘yon. Hinawakan nito sa kamay si Amanda na hindi nakaligtas sa paningin ni Justin. “And I intend to keep this relationship the longest.”

Parehong napatingin sina Amanda at Justin kay Arthur. Nagulat si Justin at hindi niya iyon inaasahan. Mas nagulat si Amanda dahil wala naman itong nababanggit sa feelings nito tungkol sa relationship nila. Magsasalita na sana si Justin nang tumunog ang telepono ni Amanda. Bago pa ito tumayo at tuluyang umalis ay binigyan siya nito ng tingin na madalas niyang matanggap sa tuwing malaki ang kasalana’ng nagawa niya.

“Seryoso ka ba talaga kay Amanda?” seryosong tanong ni Justin kay Arthur nang wala na ang kaibigan. Hindi na nito nakuhang ubusin ang nakahandang dinner.

Tumango ito. “I love her.”

Tinawanan iyon ni Justin. He just met her. How could he possibly say that he already loves her? “Nasabi mo na ba ‘yan sa kanya?”

Umiling si Arthur. “I think I don’t have to. It’s obvious. Don’t you think?” nakangiti nitong sagot. Na nagpangiti rin sa kausap.

Tiningnan muna ni Justin ang kinaroroonan ni Amanda at nakitang abala pa rin ito sa telepono. Medyo lumapit siya ng kaunti sa kausap bago nagsalita. “Let me say this to you. She is not the typical woman that you think she is. She’s very friendly that most men usually get the wrong idea about her being nice and caring. And it’s clear that you also got the wrong impression,” sabi ni Justin. “Have you asked her about her feelings?”

Bahagyang umiling si Arthur, naguguluhan. “I think we have mutual feelings for each other.”

“That’s what you think.”

Tiningnan din ni Arthur si Amanda at ngumiti ito nang tumingin sa direksyon nila. Hindi niya naisip ang posibilidad ng sinabi ni Justin. “What do you mean?”

Nagkibit-balikat lang si Justin. “If ever you never hear from her again one day, isa lang ang ibig sabihin no’n. Tapos na ang relationship n’yo at ayaw ka na niyang makita kahit kailan. ‘Wag kang aasa na kakausapin ka niya para makipag-break o magpaliwanag dahil hindi mangyayari ‘yon. She’s not good at closures and she has the tendency to run away and never come back. So, good luck. ”

Matagal na natahimik si Arthur. He never thought of Amanda the way Justin talks about her. Parang ibang tao ang tinutukoy nito.

Naunang lumabas ng restaurant si Justin para kunin ang kotse. Sumunod kami ni Arthur sa kanya ilang sandali pa ang lumipas.

“I’m sorry about that.” Alam kong wala akong dapat ipaliwanag tungkol sa behavior ni ni Justin pero ayoko naman siyang pag-isipan ng hindi maganda ni Arthur.

“It’s okay.”

Ngumiti si Amanda. At pareho nilang tinanaw ang parating na sasakyan ni Justin.

“I’ll call you.”

“Okay,” sabi ni Amanda at tumango. Binuksan ni Arthur ang pinto ng kotse para sa kanya.

“Ingat.”

At bago pa makapasok si Amanda sa loob, Arthur kissed her. On the lips.

At inisip ni Amanda kung nakita iyon ni Justin.

—–

“What was that?”

“What was what?” balik na tanong ni Justin. Seryoso ito sa pagmamaneho.

“Daig mo pa ang imbestigador kung tanungin si Arthur. Kulang na lang ipa-lie detector test mo ‘yung tao.” Tiningnan ni Amanda si Justin habang nakatingin ito sa daan. “Ano ba’ng problema mo?”

“Wala.”

Alam ni Amanda na nagsisinungaling si Justin. He obviously didn’t like Arthur. “Justin, this is the first time that I asked you to meet someone special to me. You should have at least pretended that you like him.”

Tiningnan ni Justin ang kaibigan. “Someone special? So, he is someone special to you?”

Walang tugon.

“Mahal mo na?”

Ilang sandali pa bago siya sumagot. “So what if I do?”

Eksaktong naroon na sila sa parking area at mabilis na bumaba si Amanda. Mabilis namang sumunod si Justin dito. “Good luck na lang talaga sa kanya.”

Nasa harap sila ng elevator at naghihintay. Nakatingin lang si Justin sa pinto at nakatingin sa kanya ang kaibigan. Sabay silang pumasok sa elevator. “Kapag ‘yon hindi na ‘ko kinausap ulit, kasalanan mo, humanda ka sa ‘kin.”

“Ayaw mo no’n, hindi ka na mahihirapan na makipag-break at pagtaguan ‘yung tao.”

The way he acted that evening was really weird. I didn’t know what was wrong with him but I really hated him that night.

—–

“JUSTIN, TUMULOY KA MUNA,” sabi ni Marianne pagkahinto ng kotse ni Justin sa tapat ng apartment na inuupahan nito. katatapos lang nilang mag-dinner. Alas nuebe pa lang ng gabi.

“Hindi na, kailangan ko na ring umuwi.”

Hindi lang tatlong beses nangyari ang ganito sa kanilang dalawa ni Justin. At madalang na rin silang lumabas ngayon. Masyado raw itong busy, maraming inaasikaso sa restaurant. Masyadong maraming excuse.

“Sige na, kahit magkape ka man lang.”

“Next time na lang. May tatapusin pa ‘kong trabaho.”

Hindi kumibo si Marianne. Nanatili lang itong nakaupo sa tabi ni Justin. At alam ni Justin na nagtatampo na naman ito sa kanya.

“Please understand, busy talaga ako,” sabi niya. Dahil alam niyang she is offering coffee and a lot more.

“Busy ka saan? Sa mga iba mong babae?”

Napailing si Justin at natawa. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na silang nagtalo tungkol sa bagay na ‘yon.

“Hindi mo na siguro talaga ‘ko mahal, ‘no?”

And who said anything about love? Malinaw niyang sinabi kay Marianne, that what they have is not meant to last forever. And love is definitely out of the question.

“Sabi ko na nga ba, may iba ka na namang kinalolokohan, ano?”

“P’wede ba, Marianne, tigilan mo na ‘ko sa mga pagseselos mo. I really need to go now.” He leaned over to open the door for her. “Sige na, bumaba ka na, tatawagan na lang kita.”

—–

“Am I late?”

Tuluy-tuloy si Justin sa kusina para kumuha ng dalawang Coke in cans. Pagkatapos niyang maihatid si Marianne, dumaan muna siya sa paboritong pizza parlor ni Amanda at nag-take out ng paborito nitong pizza. Wala siyang anumang tatapusing trabaho, kailangan lang talaga niyang makauwi kaagad. Matagal na nilang hindi nagagawa ni Amanda ang ganoon. And he’d rather stay home and watch a video with Amanda than to be with Marianne, having a cup of coffee, and whatever she could offer him.

“Amanda, I’ve got your favorite pizza!” sigaw ni Justin mula sa kitchen. Nang walang tumugon ay tumuloy siya sa kuwarto ng kaibigan. “Amanda?”

Pero wala si Amanda. Muli siyang lumabas at inilapag ang dala sa center table sa sala. “Amanda?” muli niyang tawag. Hindi naman siya maaaring magkamali, kaninang umaga, bago sila maghiwalay ay napagkasunduan nila na manood ng DVD ngayong gabi. At naisip niya na baka may binili lang ito sandali at pabalik na rin.

Pero malayo sa pagbili ng kung ano si Amanda. She’s having dinner with Arthur, the same moment Justin came rushing home. Justin tried to call her after an hour pero ring lang nang ring ang cellphone nito.

Tumingin siya sa relo niya, 11:30 ng gabi. Nanonood siya ng TV habang hinihintay si Amanda. Medyo nakatulog na nga siya sa kakahintay. Naroon pa rin sa mesa ang family size pizza at dalawang coke in cans. Tumayo siya at sumilip sa bintana. Mula roon ay natanaw niya ang pamilyar na sasakyan ni Arthur na pumarada sa tapat ng condominium.

Bumaba si Arthur ng kotse at pinagbuksan ng pinto si Amanda. “Nag-enjoy ka ba?”

“Oo naman, thank you,” nakangiting tugon ni Amanda. Dinala siya nito sa restaurant kung saan tumutugtog ang bandang kinabibilangan ng binata.

Nakita lahat iyon ni Justin. Mula sa pagbaba ni Amanda sa kotse, ang seryosong pag-uusap. Even that kiss they shared. Iyon pala ang dahilan kung bakit wala si Amanda sa bahay. Si Arthur ang dahilan kung bakit nakalimutan ni Amanda ang lahat. Tumanggi pa naman siyang sumama kay Marianne, para lang pala sa wala. At naroon si Amanda, having the time of her life.

“Uy!”

Hindi man lang gumalaw si Justin nang kalabitin siya ni Amanda. Itinuon nito ang pansin sa telebisyon, na parang walang naririnig.

“What’s with the pizza?” nagtatakang tanong ni Amanda nang makita ang kahon ng pizza sa ibabaw ng mesa.

Hindi makapaniwala si Justin na talagang nakalimutan ng kaibigan ang usapan nila. Wala siyang sinabi. Nanatili lang siyang nakatingin sa telebisyon.

“Uy, Justin, okay ka lang ba?”

Tumango lang ito at saka tumayo. Tuluy-tuloy ito sa kuwarto nito at naiwan si Amanda doon sa sala, nagtataka. Muli niyang tiningnan ang pizza at softdrinks sa mesa. Malamig na ang pizza at wala nang lamig ang softdrinks. Ibig sabihin ba ay kanina pa doon si Justin at naghihintay sa kanya?

—–

NAGISING AKO NANG WALA SI JUSTIN, NAG-BREAKFAST AKO NG WALA siya at nagpunta ako ng restaurant nang wala siya. Tinanong ko kay Manang Gloria, ang nakakatuwa naming tagapaglaba ang tungkol kay Justin. Maaga raw itong umalis, at hindi na nga raw kumain ng agahan. Kung ano’ng problema n’ya, wala akong ideya. Sampung beses ko na siyang tinawagan nang araw na ‘yon pero hindi niya iyon sinasagot. Inisip ko na lang na masyado itong busy. Dahil ayoko namang isipin na iniiwasan niya akong kausapin. Dahil wala namang dahilan para gawin n’ya ‘yon.

“Ang tagal nating hindi nagkita tapos, ganyan pa ang isasalubong mo sa ‘kin? Para kang namatayan,” sabi ni Paul. Galing itong Los Angeles at si Justin ang sumundo rito. “Ano’ng problema?”

Naroon sila ngayon sa coffee shop na madalas nilang puntahan noon. “Pagod lang ako.”

Nagkibit-balikat si Paul. “So, kumusta? Kayo pa rin ba ni Amanda?” tanong nito na maganda ang ngiti. Alam nito ang kuwento tungkol kay Amanda at sa kaibigan. “So, how is she?” makahulugan nitong tanong.

“She’s okay, she’s nice.”

“I know. The whole world knows that she’s very nice. I mean, how is she in bed?”

“Paul, that’s out of the question,” seryoso’ng tugon ni Justin.

“Fine, fine, that’s out of the question.” Kahit pa nagtataka si Paul, hinayaan na lang niya ang kaibigan. Alam niyang hindi rin magtatagal ay magkukuwento rin ito tungkol do’n. “Ano ba’ng problema’t ganyan ang itsura mo?”

Hindi p’wedeng sabihin ni Justin sa kaibigan na kaya siya ganoon ay dahil sa nakalimutan ni Amanda ang isang napakaliit na bagay. Hindi iyon maiintindihan ni Paul.

Marami na siyang tawag mula kay Amanda na hindi niya sinasagot, at mas maraming text messages, tinatanong kung ano’ng ginagawa niya, kung bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag nito, kung ano ba ang problema niya at kung ano ang nangyari sa kanya. Concern nga ba ito sa kanya? Hindi niya alam.

Sa totoo lang, hindi naman nagkakaganoon si Justin dahil sa di natuloy ang panonood nila ng video nang gabi’ng ‘yon. Parte lang ‘yon ng dahilan. Wala na silang oras sa isa’t-isa nitong mga nakaraang linggo. Busy siya sa restaurant, at gano’n din si Amanda sa catering. Minsan na lang din sila magkatagpo sa restaurant, madalas pa nga, kasama nito si Arthur. Palagi na lamang nitong kasama ang lalaking iyon. Oo nga, at magkasama sila sa iisang apartment pero parang hindi rin.

He misses her, a lot. At miss niya ang mga panaho’ng wala pa’ng Arthur sa buhay ni Amanda.

—–

“Pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.”

Sobra na ang pag-aalala ni Amanda kaya kinailangan n’yang puntahan at kausapin si Phoebe. Sinundo niya ang kaibigan sa opisina nito at kumain sila sa malapit na restaurant.

“Baka busy lang.”

“Hindi siya nagpaalam sa ‘kin, hindi man lang sinabi kung saan pupunta. Hindi man lang nag-breakfast. Dati naman, tumatawag siya o kaya nagti-text.”

“Amanda, cool ka lang. Baka naman walang load. O kaya lowbat.”

Hindi ganoon ang tipo ni Justin. “Ano kaya’ng nangyari do’n?”

“E bakit ka ba nag-o-overreact? Hindi mo lang nakasabay sa breakfast, nagkakaganyan ka na. Tapos, sasabihin mo sa ‘kin na friends lang kayo? Utang na loob, Amanda,” natatawang tugon ni Phoebe.

“Baka kung ano na nga ang nangyari do’n, sa tingin mo?”

“Alam mo kung ano sa tingin ko? Sa tingin ko, nag-gu-goodtime lang ‘yon kasama ng mga girlfriends niya.”

Sana nga kung gano’n lang. Pero kahit pa nga ganoon, tumatawag ito sa kanya.

“Amanda, matanda na ‘yung kaibigan mo. Kaya na niyang sarili niya. Kaibigan ka lang, mare. Sa kinikilos mo, daig mo pa ang asawa.”

Nang gabi’ng iyon, naghintay si Amanda kay Justin hanggang mag-hatinggabi. Galit na siya, iniisip kung ano nga ba ang nangyari rito, at hindi man lang nakuhang tumawag. Nagbabasa siya noon ng libro at nakatulugan na niya ang paghihintay.

Nang pumasok si Justin sa apartment ay nagulat pa ito nang makita si Amanda  na tulog na tulog doon sa sofa, hawak ang isang libro. Nilapitan niya ito at ginising.    “Amanda, Amanda?”

Pinilit buksan ni Amanda ang mga mata. Nakita niya ang mukha ni Justin at dahan-dahan siyang umayos ng pagkakaupo. “A-anong oras na?”

Tumingin si Justin sa relo. “Five to two. Bakit dito ka natulog?”

“Bakit ngayon ka lang?” balik na tanong ni Amanda. Inilagay nito ang binabasang libro sa mesa. “Sa’n ka ba nanggaling?” nakapikit pa niyang tanong.

Naupo si Justin sa pang-isahang upuan, nagtataka pa rin kung bakit doon ito natulog. She’s wearing her pink pajamas which he thinks is the sexiest pajamas he has ever seen. Iniiwas niya ang tingin dito at tiningnan ang librong inilapag nito sa mesa. “Paul arrived from L.A. Nagkita kami.”

“Ba’t di ka man lang tumawag? Buong araw kitang tinatawagan. Hindi ko alam kung nasaan ka na, o kung ano nang nangyari sa’yo.”

Natawa si Justin.

“At ano ang nakakatawa? Nakakainis ka, alam mo ba ‘yon?”

“Bakit?” Tumayo si Justin nang tumayo si Amanda at sinundan ito sa kusina para kumuha ng tubig.

“Bakit? At nagtanong ka pa kung bakit? Hindi mo man lamang naisipan na mag-text at sabihin sa ‘kin na – ‘O, I’ll be a little late, I’m with Marianne’.”

“I was with Paul,” pagtatama ni Justin sa sinabi ni Amanda pagkatapos nitong uminom ng tubig.

“Para ano pang may cellphone ka? Hindi mo man lang naisip na merong nag-aalala sa’yo dito sa bahay.”

Tiningnan ni Justin si Amanda na noon ay nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa kanya. Muli siyang napangiti. “Nag-aalala ka sa ‘kin?”

“Ewan ko sa’yo.” Tumalikod si Amanda at muling nagpunta sa sala para kunin ang librong binabasa kanina.

“Hindi nga, nag-aalala ka sa ‘kin?” nakangiti nitong tanong.

“Bakit nga ba hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” muli niyang tanong na hindi pinansin ang panunukso ni Justin.

“E ikaw kasi,” bulong nito.

Mahina iyon pero sapat na para marinig ni Amanda. “Ha? At bakit ako?”

“H-ha? M-may sinabi ba ‘ko? Wala ako’ng sinasabi, Amanda,” sabi pa ni Justin at lumapit siya rito. “Matulog ka na, okay?”

Sinamahan ni Justin ang kaibigan hanggang sa pinto ng kuwarto nito at nanatili lang silang nakatayo malapit sa isa’t-isa.

“P’wede ba, sa susunod-“

Tumangu-tango si Justin. “Sorry po, hindi na mauulit.”

“Dapat lang.”

Napangiti ang binata. Biglang nawala ang lahat ng sama ng loob niya. Masaya siyang muling makita nang ganoon si Amanda, masaya siyang muli itong makasama nang ganoon. “Sige, good night.”

Tumingin pa muna sa wristwatch si Amanda bago buksan ang pinto. “Good morning.”

Nang isasara na nito ang pinto ay muli itong tinawag ni Justin. Nasa loob na ito ng kwarto, hawak ang pinto, at nasa labas si Justin.

“Bakit?”

“Thank you.”

“Thank you saan?”

“Sa pag-aalala.”

Ngiti lang ang nakuhang tugon ni Justin at isinara nan nang tuluyan ni Amanda ang pinto. Justin just stayed there in front of her door for a while, feeling happy and light, something he hasn’t felt for a long time.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

17 thoughts on “CHAPTER 3: My Lovely Chef

  1. so its love😀

    Posted by carlaalianza | Hulyo 25, 2014, 5:09 hapon
  2. aminin n kz..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 10:08 hapon
  3. naks. . . . .nakakaloka,.. . .U_~

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 7:58 hapon
  4. wow pakilig ng pakilig every chapters …..

    Posted by marlie | Marso 27, 2012, 6:24 hapon
  5. sana mapost na po yung mga chapters. :>

    Posted by lyra | Oktubre 31, 2010, 11:23 hapon
  6. weeee..kinilig naman ako sa simpleng “thanks sa pag-alala”. hehehehe..next chappy na po!

    Posted by bench | Oktubre 30, 2010, 11:01 hapon
  7. wow ang ganda naman..kakakilig si papa justin sana po mabilis lagi pag post ng mga chapter hihihihhi tnx tnx po..

    Posted by eizzy | Oktubre 30, 2010, 11:39 umaga
  8. thank you guys for reading!🙂

    Posted by cecilia | Oktubre 30, 2010, 11:07 umaga
  9. infairness kinilig ako… good job cecilia!

    Posted by sisilya_eliktrika | Oktubre 30, 2010, 11:00 umaga
  10. deny2 epek pa cla.. obvious nmn dey lab each ader.. hehe mypa selos2 epek pa… ka2kilig nmn!!.. weee 😉

    Posted by reycel09 | Oktubre 30, 2010, 3:14 umaga
  11. hay naku love nila isat-isa yet they deny it…….kakakilig tlga

    Posted by April<3 | Oktubre 29, 2010, 11:48 hapon
  12. kakilig nmn ung story ….sana macomplete na mga chapters…para mas msaya..😀

    Posted by roch17 | Oktubre 29, 2010, 9:22 hapon
  13. sa tingin ko lng ..
    arthur isn’t a nice guy ..
    opinion ko lng huh ?

    mas bagay pa rin sila ni justin ..🙂

    Posted by pAt | Oktubre 29, 2010, 9:07 hapon
  14. wOw, nakakakilig to the max!!!

    Posted by xxBunZxx | Oktubre 29, 2010, 8:15 hapon
  15. wow…buti naman at mahaba-haba

    Posted by khira | Oktubre 29, 2010, 7:49 hapon
  16. yieeeee. kakilig :”>

    Posted by arabeybsXP | Oktubre 29, 2010, 7:32 hapon
  17. uiii .. mutual tlga .. ayaw png aminin sa isa’t isa. . haha ..

    Posted by Nylram | Oktubre 29, 2010, 6:59 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: