binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 7

“Kung kailan ako nagmamadali saka naman humaba ang pila nang ganito!” nawawalang pasensiya niyang sabi. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang naghihintay ,nakatayo at nakapila roon. Kanina pa tumatawag ang manager niya kung nasaan na siya. Di naman niya maiwan ang kanyang pila dahil gustung-gusto niya ang kape doon.

Para kasing nakakapag-relax siya kahit kaunti pag-iniinom niya ang kape doon at bilang isang “avid fan” ng kape ay hindi pwedeng mapalampas yon. Malalim ang kanyang iniisip nang mga sandaling yon kaya hindi niya namalayan na siya ang susunod, kaya laking gulat niya nang may sumulpot bigla at pumwesto sa harapan niya tsaka nag-order.

“Hala! Ang walanghiyang ito! Kanina pa ko rito at naghihintay tapos bigla lang susulpot at uunahan ako! Ma kakatikim ka ngayon nang canyon mouth koh!” grrrrr..sabi niya sa kanyang sarili

“Hoy! Mister! Ako ang nauna dito sa pila! First come first serve dito kaya bakit ka sumulpot bigla! Alam mo bang kanina pa ako naghihintay! Idemanda kaya kita dyan!”pasigaw niyang sabi sa lalake sa harapan niya.

Nilingon siya nito. Nakatalikod kasi ito nang pagsalitaan niya. Hindi na niya inalam kung sino ito basta na lang kasi lumabas sa bibig niya ang mga sinabi niya,dala siguro nang pagod at pagmamadali ngunit ngayong nasa tamang pag-iisip na siya ay ngayon lang niya napansin na mas matangkad pa sa kanya ang lalake, sa height niya kasing 5’8 ay hanggang balikat lang siya nito,.”eh maano ba? Bigyan ko kaya ito nang neck chop para matauhan?”

“Miss! For your info ay nagmamadali ako kaya inunahan kita, kanina ka pa kasi nakatungnga diyan kaya di mo pinapansin na ikaw na ang susunod, sa tingin ko naman ay di ka nagmamadali kaya inunahan na kita. And look at you, mukha kang naliligaw na sisiw at napadpad lang dito, kaya if you’ll excuse me i have to go!” kalmado ngunit ma-awtoridad nitong sabi. Magsasalita na sana siya ngunit nang makita niya nang malapitan ang itsura nito ay nagulat siya.

Ito yung lalaking pinagpapantasya niya ang guardian angel niya! Aba’t masama pala ang ugali nito.akala pa namn niya mabait ito pero may itinatagong masamang budhi pala! Hindi naman siya nagtataka kung bakit nito sinabi na parang naliligaw siya. Di na kasi niya inayos ang buhok niya na basta na lang niya tinali at nilagyan nang wig, medyo punit-punit din ang t-shirt niya na oversized tsaka naka-pedal lang siya. Pero kahit na! magiging mabait lang ba ito kung kaharap nito si Thalia Krizzelia Martinez at magiging masama kung parang lukaret na Thalia ang kaharap nito? Matapobre ang mahaderong lalakeng ito. hindi pala niya ito guardian angel, kundi demonyitong churiring ito.

“Hoy! Di porket— napatigil siya ulit sa pagsasalita nang biglang umalis ito sa harapan niya.

“Hey! Hindi pa tayo tapos!”sigaw niya rito. Ang demonyitong churiring na yun! Iniwan siya dun!

“Miss, kung di ka oorder ay pwede bang tumabi-tabi ka dyan? Marami na kasing nakapila..nakakaabala ka na” biglang sabi nang susunod sa kanya. Inirapan niya lang ito tsaka humarap sa counter at nag-order.

“Hmp! Humanda kang mahadero ka! Sa susunod na pagkikikita natin ay maniningil ako!”

“I hate him!”
Bigla na lang napalingon ang mga kaibigan niya.pare-pareho ang mga ito na natigilan sa ginagawa

“Sinabi ko naman sa’yo Fam na huwag mo masyadong pa-iinumin nang kape yang si Thalia, kita mo tuloy baliw na!” sabi ni Girlie

“Baka naman kasalanan ni Kyla yun, sa sobra niyang maningil eh napatid na ang ka-isa-isang pisi nang katinuan nitong si ming-ming” wika naman ni Angel

“Basta ako wala akong alam diyan” wika ni Fam

“Hoy! Bruha, magkwento ka naman diyan? Para di kami nanghuhula dito. Noong isang araw ay parang may hangin ka ngayon ay tornado ka na,alam kong may climate change na nagaganap sa mundo pero pati utak mo may ganon?.ano ba talaga?” wika naman ni Kyla

Agad naman niyang inilahad ang nangyari at as usual wala na naman ang mga ito ni isang reaksyon. Kanya-kanyang kuha ang mga ito nang kape. Kasalukuyan kasi silang tumatambay sa paborito nilang pastry shop ni Kyla

“Hay! Ano pa ba ang inaasahan sa inyo?” napabuntong-hininga na lang siya at kumain nang cake

Dumiretso agad siya sa paborito niyang parke.Dala-dala niya ang unan niyang hinablot niya sa kanyang kotse. Agad hinanap niya ang paborito niyang bench.matagal-tagal na din niyang hindi napupuntahan ang paboritong niyang bench. Mabuti na lang at wala siyang gagawin ngayon kaya pinayagan siya nang manager niya. Gustong-gusto na niyang matulog kaya nang makita niya ang paborito niyang bench ay agad siyang tumakbo doon pero agad siyang nang hinayang nang makitang may nauna na sa kanya.

At bilang dakilang butangera ay agad niyang inihanda ang speech niya. Pero nang malapit na siya ay nagulat siya. Ang mahaderong lalake! Handa na siyang sermonan ito pero nang makita niya ang mukha nito ay nawala ang kanyang inihandang speech. Parang nawala lahat nang pagod niya. His angelic face made her feel like in heaven!. Ang may kahabaan na nitong buhok ay sumasayaw kasabay nang hangin. His nose is perfect! And his lips is well-carved! Parang babae ito pero mas tamang sabihing magandang lalake ito.

Parang ang sarap nakawan nang halik ito. Meron itong spanish features.makes him stand out even more. Parang gusto niyang magsisi sa kanyang kasalanan. Everything around him seems perfect. The trees,grass, flowers and everything. Parang naging perpekto ang mga ito nang pumunta doon ang lalake. Matagal na sandali pa niyang tinititigan ito kaya naramdaman siguro nitong kanina pa may tumititig dito kaya agad itong nagmulat nang mga mata. Nagulat siya! di kasi niya namalayan namalapit na siya sa itsura nito. Parang sa isang galaw niya ay mahahalikan niya ito. not in the cheeks but on the lips!she could smell his masculine scent. Parang tumigil ang buong pag-inog nang mundo niya.

“Nanakawan mo ko nang halik no?!” bigla nitong sabi. Agad na naglaho ang kanyang munting pangarap! “Naman! Ok na sana nagsalita pa kasi eh!” agad naman siyang lumayo rito. Ang bilis bilis kasi nang tibok nang puso niya! Weird!

“Hoy! Ni sa 2nd life hindi ko inisip na halikan ka! Sa itsura mong yan! Duh!” asik niya dito but deep inside of her kinakabahan na siya.

“Talaga lang huh! Kaya pala ang lapit mo sa akin” nang-aasar nitong sabi

“Ewan ko sa’yo!” naiinis niyang sabi.Teka di ba ang nauna niyang plano ay bombahin ito nang kanyang speech? Bakit ata bigla niyang nalimutan iyon?

“Hoy! Mister,hindi kita kilala kaya pwede ay umalis ka dyan sa lugar na yan dahil ako dapat dyan!” pagsusungit niya rito! Wala kaya itong karapatan na padamahin siya nang ganoon! Tsaka nangako siya na ipaghihiganti niya ang nalurayan niyang pagkatao! “Charing! Parang na-rape!” gusto niyang tumawa sa naisip

“Bakit may pangalan ka ba rito? And by the way hindi mister ang pangalan ko i’m Karl Danrick Monteverde and i hate people who dont call me by my name” kalmadong sabi nito.

“Bwisit! Anong karapatan mong maging gwapo at kalmado samantalang ako rito ay hindi mapakali at parang sasabog na!” “Wala akong pakialam sa pangalan mo mister—.”

“Karl”

“Whatever! Ang sa akin lamang ay pwesto ko yan dyan at pwede bang umalis ka dyan dahil wala pa akong pahinga nang buong araw na ito!” naghalo-halo na talaga ang damdaming napapaloob sa kanya. Pagod,puyat,tapos yung strange na pagbilis na pagtibok nang puso niya.She saw fondness flicker in his eyes pero saglit lang yon agad ding napalitan nang kalmadong emosyon ang nasa mga mata nito.Yung fondness bang iyon ay dahil sa pag-aalala o pakikisimpatya sa damit niyang magulo?

“Stay there,may kukunin lang ako sandali” agad itong tumayo at naglakad. Agad naman siyang nahiga at ni-review ang feelings niya. Ba’t ganoon? This man could make her feel so many emotions in one time? Weird. Pero hindi! Isa lang ang namamayani ngayon sa kanya. Inis siya dito tsaka napipikon na rin siya. Tama ganoon nga! Agad niyang niyakap ang dala niyang unan. Ilang sandali pa ang nakalipas ay dumating din ito ngunit may dalang pagkain.

“O! Ayan para sa’yo” sabay abot nang mga pinamili nito. “kanina ko pa naririnig ang pagkalam nang sikmura mo kaya binilhan na kita nang pagkain” sabi pa nito. Narinig ba nito yun? Ngayon lang niya naramdaman na gutom siya kung di pa siguro pinaalala nito yun. Agad niyang binitawan ang unan niyang yakap-yakap tsaka kinuha iyon at nagpasalamat. She dont know why but she found this man sweet.

“Ano ka ba? Nilait-lait ka nito tapos ganyan ka? Di pa nga nag-sosorry sa ginawa dati!” sabi nang munting tinig niya. “pero kilala ka ba niya nung nilait-lait ka niya? Di buh in disguise ka non?” kontra naman ng isang tinig niya

“Pero kung hindi ba si Thalia na sikat ang haharap sa kanya ay masama na ang ugali niya? Wala na siyang pinagkaiba sa ibang matapobre” sulpot ng isa. Biglang tumunog ang tiyan niya kaya agad niyang kinuha ang bag niya tsaka kumuha nang pera. “O! Eto, bayad ko di kasi ako nagpapalibre” pagsusungit niya rito

“Sino ba naman kasing may sabing libre yan? Utang yan”

“Kaya nga binabayaran ko di buh?

“Hindi pera ang kailangan ko, marami ako nyan”

“Di ka rin mayabang noh? eh anong kailangan mo?”

“Magsorry ka sa kasalanan moh”  Nagulat siya. Ito nga yung may kasalanan tapos siya ang magso-sorry? Gustuhin niya mang ibalik ang bigay nito ay hindi na pwede. Ubos na kasi, ganon niya kabilis nakain.

“Hoy! Ba’t ako mag-sosorry? Ano ba ang kasalanan ko? Eh ikaw nga itong may kasalanan”

“Ikaw kaya itong may kasalanan. Bigla ka na lang susulpot na parang sa’yo tong bench tapos paggising ko para mo na akong hahalikan kung makatitig ka dyan. Inabala mo kaya ako” wika nito
Masakit man sa maganda niyang tenga pero totoo ang sabi nito. Pero hindi! Ibabangon niya ang pride niya.

“Hoy! Ang lakas naman nang aircon mo noh pakihinaan nga! Tsaka feeling ko kanina ka pa dyan kaya ako naman. Tsaka ikaw kaya itong may kasalanan! Gosh! Ba’t ba ako nage-explain sa’yo?”

“Ano bang kasalanan ko?” biglang tanong nito

“May alzheimers disease ka ba? At bakit ko sasabihin sa’yo? Dapat maalala mo yon.”

“How would i know what i did eh ngayon lang tayo nagkita, i haven’t met you before” simpleng sabi nito

“Haven’t met me before?” “teka,oo nga pala noh, naka.wig ako noong lait-laitin niya ako pero di buh nakita na niya ako sa parking lot noon tsaka dapat maaalala niya ako, hindi na kaya ako naka-wig ngayon!”

“Nilipad ba ng hangin ang utak mo? Bakit tulala ka diyan?”

Sa sobrang gulo ng utak niya ay nasabi na lng niya ang sikreto niya “Do you remember last week? Nung may babae kang tinulungan dahil akala mo ay may nangyari sa loob ng sasakyan? That was me, then did you remember what happened at the cafe? I think that was Sunday, nilait-lait mo ang isang girl dahil parang isang basang sisiw siya, that was me also” walang hingang sinabi niya nang marealize niya ang sinabi niya ay agad niyang tinakpan ang bibig niya. “hala! Patay! I spilled the beans! Gosh! bakit ba kasi ipinanganak akong ganito! Grrr!”

“I dont remember, but ang naaalala ko lang ay may utang ka sa akin” simpleng sabi nito

“Madapa ka sana mamaya! Anong utak ba naman yan? Hindi pa nga 40’s makakalimutin na” “Fine, fine! Thank you kahit hindi ko na kailangan mag-thank you” simpleng sabi niya saka sumalampak sa bench.

“Ayoko lang may babaeng nagugutom” agad itong tumayo tsaka naglakad. Hindi pa ito nakakalayo nang magsalita ito uilit.“Hindi na kita sisingilin diyan! Bahala ka na dyan kung anong gusto mong isipin” sabi nito tsaka lumakad patungo sa kotse nito. Inihatid na lamang niya ito nang tanaw.

“Tingnan mo itong lalaking ito!Sasabihing hindi na niya naalala ang nangyari kahit di naman ulyanin!, Di man lang nag-sorry sa ginawa nito kahit panakip butas lang. Tapos sasabihing utang daw ito tapos hindi naman pala! Mawawalan ata ako nang katinuan sa kanya!” eksaherado niyang sabi. Pero teka.

Ni hindi nito nabanggit ang pangalan niya. Hindi ba talaga siya nito kilala? Maayos naman ang get up nya ah. Kung sino man ang makakakita sa kanya ngayon ay siguradong magpapa-picture sa kanya pero imposible talaga na hindi siya nito maalala kahit mamukhaan man lng. Grabeng utak yon ha, parang amnesia sa sobrang pagkakalimutin.

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 7

  1. Hahaha

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:47 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: