binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 1: My Lovely Chef

SABI NILA, IMPOSIBLE RAW NA MAGKAROON NG PLATONIC RELATIONSHIP ang isang babae at isang lalaki. Ang sabi ko naman, bakit hindi? Dahil kami ni Justin, isang taon mahigit kaming magkasama sa iisang apartment. As friends. Platonic ang relationship namin. Kakaiba oo, pero hindi imposible.

Nagkakilala kami ni Justin nang hindi inaasahan. Magkikita dapat kami noon ni Jay sa isang coffee shop. Pinsan ‘yon ni Phoebe galing New Jersey at nagkataong may importante’ng lakad si Phoebe, kaya pinakiusapan niya ako na i-meet ito doon at ihatid na lamang sa bahay nila.

Maraming tao sa loob at labas ng coffee shop. Ang iba ay para magkape, ang iba ay para sumilong at maghintay ng pagtila ng malakas na ulan. At naghintay ako do’n ng kalahating oras. Naisip ko na baka naligaw at napunta sa ibang coffee shop si Jay. Tatawagan ko na sana si Phoebe nang mayroon akong natanaw na isang lalaking palapit, nakangiti.

“Good evening. Sorry, I’m late.”

That was the most amazing smile that I’ve ever seen. He was tall. And really good-looking.

“Sorry to keep you waiting. You must be-”

“A-Amanda,” wala sa sariling tugon niya kahit pa hindi niya alam kung sino ba ang napakagandang lalaki na iyon.

“I’m Justin.”

Nakipagkamay siya sa akin at naupo siya na tinitingnan ako. Sa tono ng pananalita niya, sa tingin ko, matagal na itong nakatira sa ibang bansa. At hinayaan ko lang siya na kamayan ako. Ewan ko ba, para n’ya ‘kong na-hypnotize. Tumingin ito sa mamahalin nitong wristwatch. At napatingin din si Amanda sa sariling lumang relo. Mag-aalas siyete na ng gabi.

“Is it okay if we have dinner first?” tanong ni Justin.

“H-ha?” nagtataka niyang tanong.

“I think Paul won’t mind if we have dinner first,” sabi pa nito nang nakangiti.

“P-Paul?” naguguluhang tanong ni Amanda. Sino si Paul?

“He told me to pick you up, hindi ba niya nasabi sa’yo?”

Umiling si Amanda. Wala siyang naiintindihan isa man sa mga sinasabi nito.

Kumunot ang noo ng binata. “Aren’t you Paul’s girlfriend?”

Umiling uli si Amanda na nagpangiti kay Justin ng isang napakagandang ngiti.

A matter of mistaken identity. That’s how we first met.

Naghintay pa uli ako ng fifteen minutes matapos mag-sorry at umalis si Justin, at ilang minuto pa pero walang Jay na dumating. Ilang beses ko nang tinawagan si Phoebe pero hindi ko naman ito ma-contact. Kalahating oras pa ang lumipas at napagpasyahan ko nang umalis. Malakas pa rin ang ulan at nanatili ako sa labas ng coffee shop, hawak sa isang kamay ang payong at sa isa pa ang ilang libro, naghihintay ng taxi. At sa dami ng tao roon na tulad niyang naghihintay, tantiya ko na kinabukasan pa ‘ko makakauwi.

Nakita ni Amanda si Justin na kumaway sa di kalayuan. Mabilis itong tumakbo at sumukob sa payong niya. And he invited her in again to have coffee. That’s how their friendship started.

Whatever happened to Jay? Napag-alaman ko kay Phoebe na iba ang coffee shop na pinuntahan nito. Hindi si Jay ang naligaw. Kundi ako. At si Justin? After having a wonderful conversation over a cup of coffee, nagpaalam na siya. Hindi ko alam kung magkikita pa uli kami. Gusto ko sanang hingin ang number niya pero hindi naman niya hiningi ang number ko.

Nakakapanghinayang.

Pero pagkalipas ng isang linggo, muling nagtagpo ang aming landas. Sa pareho’ng coffee shop, sa pareho’ng mesa. Malayo pa lang, tanaw ko na si Justin at ang magandang ngiti nito. Nakaputi itong t-shirt at simpleng jeans. Lahat ng babae sa lugar ay napatingin sa direksyon ni Justin nang pumasok ito sa coffee shop. Gano’n katindi ang charisma ni Justin. Walang exaggeration.

To make the story short, we became friends, instantly. We started to go window shopping together, go out to dinner together, and watch movies together. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kami nagkasundo agad. Sabi ko kay Phoebe, gano’n siguro talaga. May chemistry kami ni Justin. Gano’n lang.

Sabi naman ni Phoebe, “Sus, obvious naman, may gusto ‘yon sa’yo.”

Tinawanan ko lang siya. Imposible. Magkaibigan lang talaga kami. For the passed ten months, we’ve been very good friends.

“’Yan ang imposible,” sabi ni Phoebe.

“Bakit naman?”

“Sa tipo ni Justin, hindi nakikipagkaibigan ang gano’n sa babae. Imposibleng friendship lang ang habol no’n sa’yo.”

Parang mas imposible yata ‘yon. Pero sa totoo lang, minsan, gusto ko nang itanong kay Justin kung bakit gano’n na lang siya kabait sa ‘kin, at kung bakit siya nag-aaksaya ng oras sa ‘kin. Pero ayoko namang bigyan ng kulay ang mga bagay-bagay.

At pagkaraan ng halos isang taon, kinailangan niyang bumalik ng California. Dahil ang totoo, bakasyon lang dapat talaga ang pagbisita niya noon sa Pilipinas. Pero bumalik din siya pagkalipas ng anim na buwan.

“So, what’s your plan?” tanong ni Justin sa kanya ilang buwan pagkatapos niyang mag-graduate ng Hotel and Restaurant Administration. Kasalukuyan pa niyang tinatapos noon ang ilang klase niya sa culinary school.

“Ewan ko. Gusto ko sanang subukan sa mga hotels sa US. O kaya sa isang International Cruise Line.”

Ilang sandali pa bago muling nagtanong si Justin. “How about working for me?”

Tiningnan ko siya. Kumakain kami no’n sa rooftop ng isang hotel. Kadarating lang niya galing California no’n.

“I’m actually putting up a restaurant. You could be my head chef, if you want.”

“Kaga-graduate ko lang, Justin,” natatawang sabi ni Amanda. “Baka kung ano’ng mangyari sa restaurant mo.”

“E di gawin mong training ground ang restaurant.”

Tinawanan lang iyon ni Amanda. “You’re just kidding, aren’t you?”

Umiling si Justin. “Do I look like I’m kidding?”

No, he wasn’t kidding. Totoong inaasikaso na nito ang restaurant. Well, nabanggit na niya noon sa ‘kin ang tungkol sa restaurant niya, pero hindi ko naman alam na seryoso siya.

And then, he made me decide the wildest decision I’d ever make my entire life. That is to live in the same house with him. Crazy, but true. So I ask myself, why in the world would he want me to live in the same house with him? Practicality raw. Masyadong malayo ang bahay ko sa restaurant. At bilang ‘head chef’, dapat accessible ang location ko. Simple reason. Na hindi ko dapat gawing big deal. Pero hindi ko maiwasang hindi gawing big deal ang sitwasyon. To think na si Justin ang magiging kasama ko sa bahay. Sabi ni Phoebe, bakit raw hindi? Kung talagang kailangan naman daw, bakit hindi?

“At kung gano’n naman ka-charming ang housemate, why not?”

Well, totoo ‘yon. Na sobrang charming si Justin. Kahit ako, the very first time I laid my eyes on him, I was really attracted. Katulad ng kahit na sino’ng makakita sa kanya. And maybe, if I didn’t get the chance to get to know him, I would go crazy over him, like any other woman. But we became close friends. And I got to know him too well.

Well enough to know that he is very dangerous to the heart. So I promised myself to control whatever feeling is budding inside me, at makuntento sa friendship na ibinigay ni Justin.

“And I will never fall in love with him.”

Malakas na tawa ang narinig ni Amanda mula kay Phoebe. “Oy, Amanda, wala akong sinasabi’ng inlove ka kay Justin. Ano ba ‘yang sinasabi mo’ng you’ll never fall in love with him?”

Namula ako pagkatapos no’n. Ano na naman ba ang nangyari at nasabi ko ‘yon? I’ve always been defensive pagdating sa feelings ko kay Justin. Na kahit pa walang idedepensa ay nakadepensa na.

“Defensive ka na naman, Amanda. Sinasabi ko na nga ba, mahal mo na, ano?”

“Oy, hindi, a.”

That was the time before Justin got back from California, when I was still confused wheather I’m starting to like him or not. That was the time when I thought the plan would be impossible. But we went on the arrangement as planned. Not less than a year, we started the restaurant and I stayed in his very nice unit in a condominium fifteen minutes away from the place.

Hindi naging madali ang ginawa kong desisyon. Maraming tao ang hindi nakaintindi, lalo na ‘yung mga taong malapit sa ‘kin, ‘yung mga taong nakakakilala sa ‘kin. At sa totoo lang, hanggang ngayon, after two years, iniisip ko pa rin kung tama nga ba ang ginawa kong desisyon. And if it was hard for me to get into the decision, it’s even harder for me to go through it. To live with him in the same house was like a rollercoaster ride. Ups and downs, paikut-ikot, mabilis, exciting. And of course, like riding on it, it’s fun, but scary. Sometimes, I still wonder why I got into this mess in the first place? Pero wala na rin naman para pagnilayan pa ‘yon. Narito na, ano pa nga ba ang sense ng mga reklamo ko sa buhay?

—–

Mula sa mandy’s, tumuloy kami ni justin sa bookstore. Bumili ako ng dalawang paperbacks ng paborito kong author at ilang greeting cards. Bumili si Justin ng mga kulang na supplies para sa opisina ng Mandy’s. Nananghalian muna kami sa isang fast food bago tuluyang umuwi.

“Kumusta na kayo ni Marianne?”

May kung ano’ng inayos si Justin sa kotse kaya hindi nito narinig ang itinanong ni Amanda. “Ha?”

“Akala ko ba nagkausap na kayo?”

“Oo.”

“O, di, kayo na uli?”

“Hindi,” simple nitong tugon nang makapasok na ng kotse. Nagbukas ito ng Butterfinger at iniabot sa kanya.

Tiningnan ko si Justin nang iabot nito ang bar ng chocolate. He hates chocolates. He even advised me to lessen eating chocolates. Since when did he start eating ones? “But you told me, you have plans of asking her to live in the house.”

“That’s against the rules. Bawal ang magdala ng babae sa bahay. You made that very clear.”

Yes, I made that pretty clear. Siyempre, natural lang naman ‘yon. That’s number one and the most important house rule we have. “Forget about the house rules. Kung talagang gusto mo siyang dalhin sa unit, forget the house rules. Rules are just rules.”

“Wala na kami,” simple nitong sabi.

“Gano’n na lang ‘yon?” Hindi ko lang masabi na ‘praise God’, natauhan rin. I’ve known Marianne for two years now. Okay, she’s kind and all but I think Justin deserves someone better than her. And as far my knowledge is concern, she’s just using him. And he said he knew it and there’s no problem with it because he’s just using her anyway. Pero minsan, kapag nagkakaproblema sila, he’s telling me how much he’s missing her, asking for my advice on how to get her back. S’yempre, hindi naman ako p’wedeng umarte’ng masaya kahit pa nga medyo masaya ako. “I’m sure, ilang araw lang, okay na uli kayo.”

Umiling si Justin.

Okay, whatever. Hindi ko na kailangang itanong kung bakit. Ano man ang dahilan ng paghihiwalay nila, wala na ‘kong pakialam. Basta hiwalay na sila, ayos na ‘yon.

“You didn’t really like Marianne, did you?” tanong ni Justin sa kanya nang huminto na ang sasakyan.

“O-of course not.” It was a lie. “She’s nice. A-and it really doesn’t matter if I like her or not. Ikaw naman ang boyfriend, hindi ako.” Nakita ko’ng ngumiti si Justin. Hindi ito naniniwala sa anuman sa sinabi ko. “Okay, okay, I didn’t like her that much.”

Tumangu-tango lang si Justin, ang ibig sabihin ay all along, alam nitong ayaw ni Amanda kay Marianne.

“Justin, you know I tried my best to like her. Para sa ‘yo.”

“And thank you for the effort. Don’t worry, you don’t have to do that anymore.”

Thank God. Nakahinga na ako ng maluwag. Isa ‘yong napakagandang balita. Pero kahit paano, nakakalungkot rin. Saksi ako sa away-bati na relationship nila at alam ko na marami na rin silang pinagdaanan. Kahit paano, sayang rin kung mauuwi lang ang lahat sa wala. “In fairness to her, she’s always been there for you. I think she genuinely likes you.”

Tiningnan siya ng kaibigan. “You think so?”

“I’m sure. Kung hindi, hindi naman siya magtitiyaga nang ganyan sa’yo.” Sa totoo lang, hanga rin ako dun kay Marianne. Sa lahat yata ng babae na nagkaroon ng affair kay Justin, ito lang talaga ang sobrang matiyaga. At si Marianne lang talaga ‘yung medyo nakilala ko nang husto. Usually kasi, isa o dalawang beses ko lang nami-meet ‘yung ibang girlfriends ni Justin. “Ano ba talaga kasi ang nangyari?”

“She wants to move in. And if she moves in the house, you naturally have to leave.”

Tumango si Amanda. “Naturally.” Pero ayos na sa kanya ‘yon.

“It wouldn’t be okay with you if she lives in the house with you and me, right?”

Tumango si Amanda.

“That’s exactly my point. Alam ko’ng hindi kayo p’wedeng magkasama ni Marianne sa isang bahay.”

“Kaya nga, okay lang naman sa ‘kin na-“

“Forget it, Amanda. No one else is moving in the house, no one is leaving. End of discussion.”

“Pa’no si Marianne?”

“Bahala na siya. I don’t need her or anybody else. As long as you’re here with me, okay na ‘ko.”

Tinawanan lang iyon ni Amanda. Hindi na iyon bago sa pandinig niya. “Justin, okay lang sa ‘kin kung tumira si Marianne sa bahay. In the first place, it’s your house, not mine. At ang importante, kung saan ka masaya. I’ll just make the necessary adjustments.”

Napatingin si Justin sa kaibigan. Naroon na sila at naka-park na sa parking area sa fourth level ng condominium. “Talaga?”

Tumango siya. Kahit pa nga mahirap, kung kailangan talaga, wala rin naman siyang magagawa.

“Hindi na kailangan, Amanda,” sabi ni Justin nang makalabas na sila pareho ng kotse. “Ikaw na ang pinili ko.”

Ngumiti siya. “Are you flirting with me again?”

Ngumiti rin si Justin. “Masyado bang obvious?”

—–

After a week, nakatanggap ako ng tawag galing kay Marianne. Inimbitahan niya ako’ng mag-lunch. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. Dahil hindi iyon ang unang beses na tinawagan niya ako at niyayang lumabas. Matapos naming umorder, nagsimula na siyang mag-imbistiga.

“M-may nasabi ba siya sa ‘yo?”

Umiling ako. It takes a great deal of experience to master the art of lying, para kay Justin.

Tumungo si Marianne at nilaru-laro ang hawak na tissue. “Hindi na n’ya ko tinatawagan. Hindi ko naman siya ma-contact. Ano ba’ng nangyayari sa kanya?”

Well, hindi ko naman talaga alam. “Actually, medyo busy siya nitong mga nakaraang linggo. Baka nagkakataon lang na busy siya kapag tumatawag ka.” Totoo naman, na talagang busy si Justin, sa restaurant, at sa marami pang mga bagay.

Umiling si Marianne. Tumingin ito nang matuwid kay Amanda. “M-may iba na naman bang babae’ng kinalolokohan si Justin?”

“Marianne, kilala mo ‘yon, kilala nating lahat ‘yon,” ang pagiging number one playboy ang tinutukoy ko. Ilang beses na akong kinausap at kinulit ni Marianne tungkol sa ganoong issue. At palagi kong pinagtatakpan ang mga kalokohan ni Justin. Minsan nga, nakakainis na rin dahil sa totoo lang kinu-condemn to hell ko ang mga lalaking katulad ni Justin. Pero, heto ako, walang magawa dahil kaibigan ko siya.

“Amanda, mahal na mahal ko si Justin. Nasasaktan ako kapag nalalaman ko’ng may mga babae siya.”

Ako ang napabuntung-hininga. Isa lang si Marianne sa napakaraming babaeng nabola at napaiyak ni Justin. Hindi ko nga alam kung isa ba talaga sa mga hobbies nito ang magpa-asa ng mga babae. “Don’t worry too much. Maaayos n’yo rin ‘yan.”

At tuluyan nang umiyak si Marianne. Hindi ko alam kung nag-o-over react lang siya o talagang masakit ‘yon sa kanya.

“Kahit mga simpleng bagay, pinag-aawayan na namin ngayon. Pati pagluluto ko, hanggang ‘yung pagtiklop ko ng mga damit. Hindi ko alam pero pakiramdam ko, matagal na niya ‘kong gustong hiwalayan, naghahanap lang siya ng dahilan.”

Siguro nga, naisip ko. At siguro din, may bago na namang kinahuhumalingan ang playboy na ‘yon. “’Wag kang mag-alala, kakausapin ko si Justin.”

“’Wag mo na sanang babanggitin sa kanya na nagsumbong ako sa’yo. Magagalit lalo ‘yon sa’kin. Sabi kasi niya, ‘wag na ‘wag raw kitang idadamay sa away namin.”

“Wala akong sasabihin. Basta, ‘wag ka nang masyadong mag-alala. Ako’ng bahala.”

“Thank you, ha. Alam mo, kung hindi ka lang ganyan kabait sa ‘kin, kahit ikaw, pagseselosan ko. Noon, hindi ko maintindihan kung bakit may kasamang ibang babae si Justin sa apartment. At hindi ako naniniwala na walang nangyayari sa inyo. Imposible.”

“Unusual, pero hindi imposible.”

Sa wakas ay ngumiti si Marianne. “Hanga ako sa’yo. Alam mo bang napakaraming babae ang nagkakandarapa na mapansin n’yang si Justin?  Samantalang ikaw, araw-gabi mo siyang kasama.”

Ngumiti lang ako. Kung alam lang niya kung gaano kahirap na maging housemate ni Justin. Kung alam lang niya kung ano ang mga pinagdadaanan ko sa araw-araw na kasama si Justin.

“Amanda, ‘yung totoo, kahit kaunti ba, wala kang gusto sa kanya?”

Lumakas ang tawa ko. “Kay Justin? Matagal na kaming magkaibigan no’n. At hanggang do’n lang talaga kami.”

Hindi ko lang masabi na hindi ako gano’n katanga para maniwala sa mga bola ni Justin. Ayoko namang palabasin na medyo tanga siya para maniwala kay Justin. At ngayon, hayan, iiyak-iyak. Di ko lang masabi sa kanya na dapat masanay na siya and in the first place, dapat expected na niya ‘yon. At katangahan lang ang iyakan si Justin. Pinasok niya ‘yon, she must face the consequences. At ‘wag siyang makakaasa na panghabang buhay ang relationship nila. Dahil kalokohan talaga ‘yon.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

27 thoughts on “CHAPTER 1: My Lovely Chef

  1. ang otoko n ateh bolero..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 9:20 hapon
  2. ganda ng unang pagtatgpo nila…ngkmli lng pero look at that they became friends….

    Posted by aljo | Agosto 31, 2012, 9:42 hapon
  3. wow….. ang cute naman. . .. next chapter….XD

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 7:10 hapon
  4. Chpater 1 pa lang pero ang ganda na…

    Posted by rhenz | Disyembre 20, 2010, 8:44 hapon
  5. NICE🙂

    Posted by sweetypink | Nobyembre 13, 2010, 11:48 hapon
  6. super like. para akong nagbabasa nga diary. wheee. NICE!🙂

    Posted by sweetypink | Nobyembre 13, 2010, 11:47 hapon
  7. @yes2yesha – thanks! namiss ko kayong lahat🙂

    @ to all – pagpaumanhin n’yo na lang po kung di n’yo maintindihan ang storya or medyo magulo. i will be better next time. i hope you still enjoy reading!🙂

    Posted by cecilia | Oktubre 27, 2010, 4:16 hapon
  8. Pero for the newbies… and ofcourse sa mga oldies narin… mas maganda parin yung ginagamit ko at ginagamit ng MAS NAKARARAMI..hehe yung ALTERNATING PERSON VIEW..hehe mas simple sya, sakop nya lahat yang 1st, 2nd and 3rd POV..

    kaso lang dapat gamay na gamay mo ang story mo at kung kanino na ang ginagamit mong POV sa mga characters mo para hindi din sya confusing…

    sana nakatulong!

    pero oks na oks ang story..next chap na pleaseeeeeeeeeeee?

    Posted by athenashih | Oktubre 27, 2010, 3:52 hapon
  9. Hi Cecilia! I’m glad you’re back🙂 At nakakawindang ang story mo ha, in first person siya…hindi lahat ay makasusulat ng ganyan pero tama ka, bakit mo lilimitahan ang ginagawa mo… so good luck sis and I’m just here to support you.

    Yesh🙂

    Posted by yes2yesha | Oktubre 27, 2010, 3:50 hapon
  10. Nice naman… ang galing ng mga readers dito, magaling magbigay ng objective criticism…

    With regards to your topic about narration naman… mas widely accepted and known kasi ang pag gamit ng 3rd POV kasi mas madali sya intindihin sa mga readers at mas madali din sya for the writers…

    marami kasing nako-confuse sa 1st and 2nd POV…

    when using 1st POV kasi, you are using YOUR characters personal opinion or experience and perception. For writers who uses this, their novels is based on their Main Character or Hero/Heroines point of view… by using this, dapat na pangatawanan mo sya.. kasi dito hindi mo pwedeng maexplain ang side ng iba pang characters which is mahirap kasi it will get the readers confused or baka mainfluence ng views ng bida ang characterization ng iba pang characters. .

    ang advantage nito is that you can make your readers feel like sila yung bida which is really good…

    yung sa Twilight na sinabi ni Master Foo… hehe kasi nabasa ko narin sya… yung Twilight, New Moon at Eclipse POV ni Bella yun, kaso dun sa Eclipse ang di ko nagustohan eh nagkaroon ng part na POV naman ni Jacob…ang ipinagpuputok ng butse ko ay hindi ko man lang makuha ang side ni Edward…

    when using 2nd pov naman… para lang din syang gumagamit ng 1st person pov kasi ang difference eh ang narrator ay directly talking to the reader… by making this parang kasali narin ang reader sa story… tapos ang narrator parang character narin sya ng story…

    good example of a 2nd POV are the songs that you hear…wherein there’s “you” which means the reader and “I” the narrator relationship… ang mahirap dito is that you cannot speak in behalf of other characters other than your own just like 1st POV…

    sa 3rd POV naman which is very conventional mas madali itong basahin dahil para lang syang storytelling… easier for the author naman para hindi na sya maguluhan sa shifting ng kanyang point of view… hindi na sya mamomroblema sa pag change ng form ng kanyang pagsusulat..

    sa 3rd POV merong tinatawag na subjective and objective narration… sa subjective.. dito pwede i-describe ang feelings, thoughts and ideas of the character… while objective doesn’t touch emotions but pure technical and physical narration…

    most common ang objective narration dahil it touches every single character in the story… it can explain things and questions regarding more than one character that the 1st and 2nd pov cannot…

    So wala naman dapat limit sa kung ano ang gagamitin sa kanila basta mapangatawanan lang…kasi nagkakaroon ng confusion…for the readers part…

    As writers can see, viewpoint can have a major impact on how readers respond to a story. Authors who want to target male teenagers may want to write from the perspective of a male teenager. Likewise, it’s important for an author to determine whether to write from a first person or third person POV and it is his/her prerogative.

    Posted by athenashih | Oktubre 27, 2010, 3:46 hapon
  11. That’s exactly what I’m trying to point out here Lizzie…there’s no problem with who’s/whom doing the POV/Narrating or whatever they call it..pero sana merong CONSISTENCY pra hindi magulo ang daloy ng istorya.
    Yah I know I’m just a reader here, may ibang magsasabing kung hindi ko gusto ang pagsusulat nung writer d2,then wag na akong magbasa, but what I want here, is to help by giving opinion.
    I hope I didn’t offend you guys.
    tnx and God bless!

    Posted by yaki | Oktubre 27, 2010, 3:37 hapon
  12. There’s no problem in using any POV… The thing is you should be consistent…

    Gaya ng sabi ni Yaki dun sa post niya, yung part na yun parang di na yung character ang nag-narate then biglang siya na naman…

    It’s true na sanay nga siguro tayo sa pagbabasa ng 3rd POV kase most of the pocketbooks na nabasa na natin before ay ganun ang way of writing. Medyo bago nga siguro yung ganyang klase sa maraming mambabasa, and wala namang masama kung magsulat tayo sa ganyang paraan. Ang main point lang talaga ay yung pagiging consistent para hindi nasisira yung ganda ng story. 🙂

    Posted by Lizzie | Oktubre 27, 2010, 12:33 hapon
  13. @cathy – MWF po ang posting ng story na ito🙂

    gusto kong maiba kaya ako gumagamit ng first person perspective sa ibang novels ko. when i read ‘laro sa baga’ ni edgardo m. reyes, na-inspire akong gumamit ng 1st POV. and although i know na mahigpit ang most publishing companies (esp. PHR) pagdating sa 1st POV, i won’t limit myself, itutuloy ko pa rin ang ginagawa ko. in fact, ‘yung isang novel na ipinasa ko sa PHR got rejected dahil lang sa POV na ‘yan😀

    anyways, thanks for your opinion, yaki.🙂

    Posted by cecilia | Oktubre 27, 2010, 11:28 umaga
  14. Yan din ang problema ko sa story ko. Hindi lang ako nagkakaoras na magproofread ng sinulat ko. Pero sabi daw mali ang ako dapat daw niya or something like that. Nung naging TOP lang ako ko nalaman un kasi sanay ako english ang sinusulat ko or play so ako talaga dun ang POV.

    Pero since there is no shift in POV I think it’s fine.

    At maganda sha so Kebs ^^,

    Posted by Pinaywriter | Oktubre 27, 2010, 11:08 umaga
    • when it comes to POV, mahigpit ang PHR sa ganyan kasi dapat nasa 3rd POV siya.

      kung papansinin, ang Twilight (na sumikat talaga) eh nasa 1st POV.

      which makes me wonder… should we really limit our writers to write in 3rd POV?

      still, many would answer, it depends. just my couple of cents

      Posted by foobarph | Oktubre 27, 2010, 11:18 umaga
  15. woowww.. Love it!!… nxt chpter plsss.. ^_^

    Posted by reycel09 | Oktubre 27, 2010, 1:59 umaga
  16. @cecelia, yeah it obvious na si amanda ang ngnanarate sa first part, pero sa mga ilang sumusunod na sentence is like si amanda ba or yung author yung ngnanarate,kya nga po naguguluhan ako eh, kc may mga part na parang hindi si amanda ang nagnanarate…try to read it again, para mapansin mo yung mali…yun lang eh kung sa tingin mo lang eh may mali ka d2 sa sinulat mo..
    OK katulad nlng ng part na ito…
    “Good evening. Sorry, I’m late.”

    That was the most amazing smile that I’ve ever seen. He was tall. And really good-looking.

    “Sorry to keep you waiting. You must be-”

    “A-Amanda,” wala sa sariling tugon niya kahit pa hindi niya alam kung sino ba ang napakagandang lalaki na iyon.— BAKIT D2 EH PARANG HINDI NMAN SI AMANDA ANG NGSASALITA (NGNANARATE)?????

    “I’m Justin.”

    Nakipagkamay siya sa akin at naupo siya na tinitingnan ako. Sa tono ng pananalita niya, sa tingin ko, matagal na itong nakatira sa ibang bansa. At hinayaan ko lang siya na kamayan ako. Ewan ko ba, para n’ya ‘kong na-hypnotize. Tumingin ito sa mamahalin nitong wristwatch. At napatingin din si Amanda sa sariling lumang relo. Mag-aalas siyete na ng gabi.

    “Is it okay if we have dinner first?” tanong ni Justin.

    “H-ha?” nagtataka niyang tanong.—SAME HERE!!!

    “I think Paul won’t mind if we have dinner first,” sabi pa nito nang nakangiti.

    “P-Paul?” naguguluhang tanong ni Amanda. Sino si Paul?—BAKIT NAMN PA BABANGGITIN NI AMANDA ANG PANGALAN NYA KUNG SYA ANG NGKUKWENTO D2??

    “He told me to pick you up, hindi ba niya nasabi sa’yo?”

    Umiling si Amanda. Wala siyang naiintindihan isa man sa mga sinasabi nito.

    Kumunot ang noo ng binata. “Aren’t you Paul’s girlfriend?”

    Umiling uli si Amanda na nagpangiti kay Justin ng isang napakagandang ngiti.

    A matter of mistaken identity. That’s how we first met.

    —HOPE HINDI KA NAIINIS SKEN OR MAGAGALIT CECELIA, PARA LNG KC SANA MAGING AWARE KA.
    TNX A LOT! GOD BLESS!

    Posted by yaki | Oktubre 27, 2010, 1:22 umaga
  17. every when po ang posting?

    Posted by cathy | Oktubre 26, 2010, 1:48 hapon
  18. ,,uu nga c amanda hehe..ganda ah…

    Posted by ♥LYN♥ | Oktubre 26, 2010, 1:11 hapon
  19. ang galing po…parang finding rico din…napaiyak ako ng sobra…

    Posted by sweet_anne | Oktubre 26, 2010, 12:31 hapon
  20. ehhh, ang ganda!!! more pa!!!!!!!!!!!

    Posted by xxBunZxx | Oktubre 26, 2010, 11:38 umaga
  21. @yaki – si Amanda po ang nagna-narrate. sa first sentence pa lang po, si Amanda na ang nagsasalita.🙂

    Posted by cecilia | Oktubre 26, 2010, 9:07 umaga
  22. medyo magulo po yung pagnanarate nung kwento…hindi ko po ma gets kung yung author ang ngkukwento or yung mismong character (amanda)…sana paki proof read po…though the idea of the story is good kaya lang kc kapag hindi maayos ang pagtratranslate ng kwento minsan nakakasira yun sa dating ng storya…pasensya na po I’m just giving my opinion lang po, I hope I didn’t offend the author.
    tnx and keep on writing.

    Posted by yaki | Oktubre 25, 2010, 10:49 hapon
  23. aww mukang ang ganda din nito..waahhh next na po agad…hhihihi tnx po

    Posted by eizzy | Oktubre 25, 2010, 8:40 hapon
  24. Woooww I like the plot of this story. Very interesting and exciting. I wonder what’s gonna happen next. But I do imagining stuff now, nakakadala ang story na toh. Keep up the gud work author!! Tnx.,

    Posted by jennie | Oktubre 25, 2010, 7:33 hapon
  25. i really really like it!

    Posted by khira | Oktubre 25, 2010, 7:27 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: