binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 6

Hindi niya alam kung tama ang hinala niya pero pakiramdam niya talaga may nakatingin sa kanya. Sa pagkakaalam naman niya siya lang nang naroroon sa parking lot dahil busy pa ang mga kasama niya sa pag-aayos. di kaya may multo roon? Agad niyang pinalis sa isip niya ang ideyang iyon. Baka naman stalker niya? Pwede pa..sa panahon ngayon ay marami nang ganoon. Marunong naman siya nang martial arts kaya walang panama ito sa kanya pagnagka-alaman na. “Di ko na kaya toh!” agad niyang binuksan ang mata niya at luminga-linga sa paligid. “Wala naman pa lang tao! Hay! Salamat!” huminga siya nang malalim as a sign of relief.

“Hi!” biglang sulpot nang kung ano sa likuran niya. Nakatalikod kasi siya sa pintuan nang nang kotse kung saan biglang may nagsalita kaya laking gulat niya talaga.

“Ay, Anak nang butete!” di niya inaasahan yun..handa na sana niyang pagalitan ang taong yun at bigyan nang karate move pero nang i-angat niya ang kanyang mukha ay nagulat pa siyang lalo. She was greeted by the most handsome face she had ever seen. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakakita nang ganoon kagwapo! “Darn! Ang wafu!” sabi na lang niya sa isip niya. “hala! Di lang pala gwapo kundi ang gandang gwapo”

“Ahm..pasensya na..nakita ko kasi ang kotse mong nakabukas,bilang isang concerned citizen ay nilapitan ko dahil baka kung anong masamang nangyari dito sa kotse. Pero nakita kitang natutulog kaya binantayan na kita. Ikaw lang kasi mag-isa rito tsaka baka kung anong mangyari sa’yo.

“Pasensiya na sa istorbo,tsaka isara mo yang bibig mo. Baka pasukan nang lamok.” Sabi lang nito tsaka nagpaalam. Bigla niyang isinara ang bibig niya tsaka kinusot ang mga mata niya,“Shucks! Grabeh! Anghel ba yon? Hala! Di man lang ako nakapagpasalamat! Di ko rin natanong ang pangalan niya! Tanga tanga ko talaga! Pero ang gandang gwapo naman nang guardian angel ko, naglaway tuloy ako” napabuntong-hininga na lang siya. Illusyonada! Umandar nanaman yang pagka-lukaret mo. Dapat nga eh magalit ka doon dahil bigla na lang sumulpot! Sigaw nang isa pang munting tinig. Napabuntong-hininga na lang siya saka nahiga ulit “Ang gandang gwapo naman yun! I’m sure hindi yun angel, tao yun!” ”hay! Pagod lang toh! Praning na nga ako!” kambyo nang isip niya tsaka pinagpatuloy ang tulog niya.

Aaahhhh!

Nagulat ang mga kaibigan niya dahil bigla siyang nagtitili. kanya –kanya ang mga ito sa pag-irap sa kanya. Paulit-ulit pa rin niya kasing iniisip ang itsura nang estrangherong lalake. “Talagang gwapo ito.grrr! simula ngayon i’ll call you my guardian angel!

“Hoy! Mag-hunos dili ka diyan! Kahit na maganda ka pa eh rinding-rindi na kami sa kakatili mo dyan!!” reklamo ni Fam. As usual ay get together nanaman sila nang mga kaibigan niya. Kanya-kanya nanaman ito nang mga ginagawa.

“He-he-he.huwag nyo na lang ako pansinin” nakangiti pa niyang sabi

“Hindi ko iniwan ang negosyo ko para lang makinig sa tili mo dyan! Parang kang sira” sabi naman ni Girlie

“Gutom lang yan katoto! Kumain ka na lang nang cake koh!” sabi ni Kyla tsaka sabay inilahad sa kanya ang sliced cake.
“Gusto mo bang gawan kita nang damit? Baka kasi kulang ka na kaya ganyan ka” singit naman ni Angel.

“Sino kayo?” ganti naman niya

“Eh ano bang nangyari sa’yo at ganyan ka?”
Umupo siya sa sofa saka prenteng-prente na nag-kwento nang mga nangyari. Natapos na siyang magkwento pero ala pa ring mga sinabi ito.

“O ano? Wala ba kayong masasabi?” Walang reaction ang mga ito. Patuloy lang ang mga ito sa mga ginagawa nito kanina pa. Maya-maya ay nagsalita ang isa sa mga ito.

“Teka lang praning ha, guni-guni mo lang yun, walang ganoon kagandang gwapo dito sa Pinas. Hallucination mo lang yun” katwiran ni Fam

“Alam mo kung di ka lang siguro naging artista isa ka sigurong panira nang pangarap by profession” pang-iinis niya rito

“Salamat! I’ll take that as a compliment” ganti nito

“Kumain ka, nalilipasan ka na lang ng gutom” pilit pa rin ni Kyla

“Bilhan kita nang kape gusto mo?Imaginasyon mo lang yung nakita mo. Kulang ka lang sa kape! Tsaka imposible yang kinukwento mo sa amin” singit nang isa.

“Tara! Bili na tayo sa starbucks. Thalia bigyan mo na ako ng pera.”

“Panira talaga kayo sa pangarap nang tao! Ba’t ba kasi kayo pinanganak?” pang-iinis niya.

“Tanungin mo nanay namin!” sabay-sabay ang mga ito na nagsalita.

“Ui! Mga kababayan! Huwag naman kayong pikon,he-he”
Hindi na nagsalita ang mga ito bagkus ay patuloy pa rin ang mga ito sa pagbutingting sa kung ano-ano sa mga gamit nito. Hindi na niya pinansin ang mga ito bagkus pinagpatuloy na lang niya ang paglantak sa pagkain niya
“By the way Thal,500 pesos yan” biglang sabi ni kyla

“Ha! Isang slice nang cake 500?!” nagulantang siya sa sinabi nito.

“Actually, libre na sana yan kung di mo kami pinikon.” Malumanay nitong sabi

“Hay! Mababawasan nanaman ang pitaka ko nang pera, di ka ba naaawa sa pitaka ko kyla? Tingnan mo o! Nagmamakaawa ito na hwag mo siyang bawasan” may pagsusumamo niyang sabi.

“Magbayad ka na lang kung ayaw mong dagdagan ko tsaka mayaman ka naman”.

“Opo ingkong!”

”Anong sabi mo?”

“Sabi ko magbabayad na ako kahit hindi makatarungan ang presyo mo”
“700 na”

“Ano?!grabeh ka sinobrahan mo naman ata ang VAT kaya maraming nagsasabing corrupted ang pinas eh-”

“Magsalita ka pa at dadagdagan ko talaga”

“Aahh-uuhhhmm!”

Talakayan

2 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 6

  1. Libre na lng sana

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:36 umaga
  2. graveh ang mahal naman ng cake……hehe

    Posted by gesela | Abril 18, 2012, 4:36 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: