binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER NINE

CHAPTER NINE

Gumising siyang masakit ang ulo. Ano bang nangyari? Tanong niya sa sarili. Baka hang over nanaman… uminom ba ako kagabi? pilit niyang inalala ang mga kaganapan nang nagdaang gabi.

Niyaya nga pala siya nila Jairus mag-inuman. Tapos sinamahan siya ni Gale umuwi. Tapos… Oh my! Natutop niya ang bibig. Ang kuya! I’m sure he’s mad at me. Tumayo siya ng mabilis sa naisip.

“Ouch!” nasapo niya ang ulo at napaupo sa kama niya. Nanatili siya sa gonoong pusisyon hanggang humupa ang pagkahilo at sakit ng ulo.

Tumayo siya ng dahan-dahan at dumeretso sa pintuan. Kinapa niya ang door knob. Wala. Kinapa ulit niya. Wala talaga. Kinapa pa ulit niya. Makinis ang bahaging iyon walang uka na palatandaan ng pinto.

Walang pinto!

Nagmulat siya ng mga mata.

“Oh no! Ang pintuan ko! Sinong nagnakaw ng pintuan kooo!!!” ang matinis at malakas niyang sigaw.

Natigilan siya nang may marinig na marahang pagtawa. Lumingon siya sa pinanggalingan noon at nanlaki ang mga mata.

“Mukhang hindi ka pa gising,” nakangiting sabi nito. “Talagang walang pinto dyan dahil andito ang pinto.” amusement was in his voice. Nakasandal ito sa hamba ng kulay puting pinto, hindi niya pinto.

“Rave?” anong ginagawang mokong na ‘to sa kuwarto ko.

“As you can see, this is not your room, querida,” sabi nitong tila nabasa ang iniisip niya.

Nilinga niya ang paligid. Maliit lang ang silid na ‘yon. Kasya lang ang isang may kalakihang kama, may maliit na table sa right side nito, at maliit na cabinet naman sa kaliwa. Kulay dilaw ang diding at may dalawang maliliit na bintana na may manipis na yellow curtains. Naaamoy sa pang-umagang simoy ng hangin ang dagat. It must be early morning and there is something in the breeze that speaks of out-of-my-country something.  Bumaling siya sa pinto para magtanong sa binata kung nasaan sila at anong ginagawa nila doon.

“Ay palakangmaybalahibongwayt!” nagulat siya dahil nasa mismong harap na niya ang lalaki. Kung hindi pa siya nito nasalo, sa sahig siya pupulutin, literally.

Ang lakas ng tawa nitong tila tuwang tuwa. Nakatingala pa ito habang tumatawa. Nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang niya kaya amoy na amoy niya ito. Hmmm… Ang bango. Halatang kakaligo lang nito. Basa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang after shave nito. Tawa parin ito ng tawa. Natawa siguro sa pagkagulat niya.

“Saan ko pwedeng makita ang palakang ‘yan, querida?” tumatawa parin ito.

Nipangiti siya, hinampas niya ito sa dibdib. Tumingin ito sa kanya at tumigil na sa pagtawa pero nakangiti parin.

“Ginulat mo kasi ako e,” lumabi siya. Anon a ba ang nangyari sa mga neurons niya at nakikipagharutan siya sa lalaking ito.

Nawala ang ngiti nito. “Don’t do that,” sabi nitong umiling iling.

What? Napakunot siya, ano naman kaya ang ginawa ko at nawala ang mga ngiting ngayon ko lang nakita? Ang guwapo mo pa man din pag nakangiti. Lalo lamang siyang napasimangot.

“Don’t pout,” sabi nitong titig na titig sa kanya.

Ok, yun lang naman pala e. No problem. Basta ikaw. Nanginginig pa.

She smiled quickly – too quick actually. Tumawa ulit ito, mas mahina kaysa kanina. Ewan ba niya kung bakit parang ang saya saya niyang nakikitang masaya ito at lalo pa siyang natutuwa sa kaalamang siya ang dahilan ng pagtawa nito. Hay, what a sight.

“You amuse me so much, querida,” hayun nanaman ang katagang iyon. Querida.

Naipiling niya ang ulo. Tinawag siya nitong darling, or maybe mistress? Excuse me sa ganda kong ‘to hindi ako pang mistress lang no, pang miss Universe kaya ang beauty ko. Napangiti siya ng maluwag sa naisip.

“So, hindi ka pa ba nagugutom?” tanong nito. “Hidi ka man lang nakatikim sa mga handa namin, iba kasi ang inatupag mo e,” ngumiti ito ng alanganin.

Naalala niya ang kuya niya. “Nasaan nga ba tayo? Bakit ako nandito? Bakit kasama kita? Nasaan si kuya? Galit ba…”

“Shhhh,” putol nito sa mga tanong niya. Inilapat pa nito ang hintuturo sa labi niya at inilapit ang mukha sa mukha niya. “Isa isa lang, mahina ang kalaban,” nakangiting sabi nito.

Tumitig siya sa mga mata nito. Iyon ang paburito niyang parte ng mukha nito. Parang may bagyo sa loob niyon dahil sa kulay na abuhin. Tila madilim na ulap na himihigop sa kanya. Gustuhin man niyang ibaling ang paningin ay tila may magnet naman ang mga mata nitong humihigop sa kaniya. Bumilis ang pintig ng puso niya at napigil niya ang kanyang hininga.

Teka nga… Gray? Gray ang mga mata nito? Pero sigurado siyang itim ang mga iyon nang makita niya. Napakunot siya, ipiniling ang ulo at tumitig ulit sa mga mata nito. Gray nga! Baka may contact lens, sa isip niya. Tiningnan niya ng mabuti ang mga matang iyon. Parang wala namang contacts. Inilapit niya ang mukha rito para mapag masdang mabuti ang mga mata nito. Unti-unting naagdilim ang mga iyon.

“What’s with my eyes, querida?” napitlag siya sa tanong nito. “Ano bang sinisilip mo dyan?”

Nilayo niya ang mukha dito at kumalas sa pagkakayakap nito. “Ah… e, naka contacts ka ba?” Susme, gaano ba ako katagal hindi huminga, bakit parang sumali ako sa marathon?

“What?” lukot ang mukha nito nang magtanong.

“I mean may lenses ka ba?” pag-uulit niya sa tanong niya.

“Wala. Malinaw pa ang mga mata ko ‘no,” mayabang na sabi nito. “Bakit ba?”

Tumingin ulit siya sa mata nito. Gray na ulit ang mga iyon, “Your eyes.”

“What about them?” banayad ang hagod ng tinig nito sa kanyang eardrums.

Mommy ko, kakainlove! tili ng girlaloo niyang isip.

Hoy, anong pinag-iisip mo jan? Mamaya dalawin ka nga ng mommy mo sa mga kagagahan mo, paninita naman ng kontrabida niyang konsensiya.

“They are gray.” sabi nalang niya.

Napakunot ito sa sinabi niya. “Yes they are.” umiling-iling ito. “Gutom lang yan, halika na at kumain na tayo.” tumalikod na ito.

Susunod na sana siya nang mapansing nakatago sa mahabang manggas ang mga kamay niya. Sinipat niya ang sarili, nakasuot siya ng malaking polo na kulay sky blue at wala siyang bra. Napakunot siya. “Who changed my clothes?”

Nilingon siya nito at saka napangiti. “Ako,” sabi nitong itinuro ang sarili. “Ako ang nagtanggal ng damit mong basa sa pawis at suka. Sinuot ko nalang sa’yo iyan. Wala kasi tayong nadalang damit dahil madalian…”

“What?!” naghihisyteryang tili niya. Hindi niya napansin ang bahagyang pagkagulat nito na para bang may nasabing hindi dapat sabihin. Namula siya. Oh my God, nakakahiya ito!

Amusement flooded through his face.

“You-” hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin dahil hindi siya makapag-isip ng pinakamasakit na salita para sa binata. Ang damuhong ito, nakuha pang ngumiti.

“Don’t worry, querida, pasado naman para sa akin ang nakita ko e,” sabi ntio.

Lalong ang-init ang pisngi niya. Gusto niyang awayin ito pero naisip niyang kung hindi siya nito binihisan ay malamang amoy suka siya ngayon. Napangiwi siya sa isiping iyon.

“Kumain na nga tayo,” mataray na sabi niyang nilagpasan ito sa pinto.

“Nice idea,” sabi nitong sumunod na rin sa kanya.

Hmp! May araw ka rin, sabi niya sa isip

Napatigil siya nang maalala ang sinabi niya kay Gale two years ago.

“Hayaan mo na ‘yon, Naya,” pampapalubag ng kaibigan niya matapos niyang ikwento ang kayabangan ng besrfriend ng kuya niya.

“Pareho silang mayabang ni James,” asar na tugon niya.

“You’ll get back to him somehow, someday,” sabi nito para matigil na ang pagngingitngit niya habang hinahalo ang nilulutong pasta.

“I’ll seduce him.” panloloko niya.

“Naya!” nanlalaki naman ang mga mata ni Gale at namula ang mga pisngi. Kahit kalian talaga napaka wholesome nito, para yun lang e nagba blush na.

Tumawa siya, “Tingnan ko lang kung makapagyabang pa siya. It would be his torture”

Napangiti siya sa naisip. Payback time!

“What?” sabi ni Rave na nakatingin na pala sa kanya.

“Tell me where am I, why am I here and…”

“And what’s for breakfast?” putol nito sa sasabuhin niya. “I’ll answer all your questions after we eat.” sabi nito nang makita ang pagkaasar sa mukha niya.

Sure, after breakfast then.

Ngumiti lang siya. Maganda ang naisip niyang laro. Masaya ‘to! And she knows she’ll win.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

16 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER NINE

  1. hahahaha! humanda ka rave!

    Posted by aileen | Setyembre 30, 2013, 7:07 hapon
  2. saya nman

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 2:47 hapon
  3. nice game ahahaah

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:15 hapon
  4. salamat sa pagbabasa…

    Posted by kuletnimbles | Oktubre 24, 2010, 12:27 hapon
  5. wow nice story!!! sana po pki bilisan ung pagpopost.. kakabitin po kc eh…
    thanks..

    Posted by blazed | Oktubre 23, 2010, 12:46 hapon
  6. ate nsan na po yung mga kasunod na chapters? ang ganda po ng story. :))))

    Posted by lyra :> | Oktubre 22, 2010, 9:43 hapon
  7. ate. nasan na po yung mga kasunod na chapters?? :)))

    Posted by lyra :> | Oktubre 22, 2010, 9:42 hapon
  8. tnx po sa mga tumatangkilik sa novel na ito…

    Posted by kuletnimbles | Oktubre 21, 2010, 3:38 hapon
  9. Hehehe i like this story… i want to read it over and over again pag natapos na mapost ang lahat na chapter…

    Posted by nely | Oktubre 18, 2010, 8:33 umaga
  10. ganda po d best ,, next chapter na po pls!!

    Posted by smile | Oktubre 17, 2010, 8:04 hapon
  11. ganda d best!!!! next chapter n po pls!!!!

    Posted by smile | Oktubre 17, 2010, 8:00 hapon
  12. waah bitin! sana next chapter na😦

    Posted by princessette | Oktubre 17, 2010, 11:16 umaga
  13. waahh kakabitin naman po…mukang excviting nga panu sila napunta sa ibang lugar…hihiihi

    Posted by eizzy | Oktubre 17, 2010, 9:04 umaga
  14. exciting ang chapter na ‘to ah. sana mas maging regular ang updates🙂

    Posted by sweetorange1226 | Oktubre 17, 2010, 12:37 umaga
  15. ganda.. sna mgwa agd ung next chapter.. xcted nq s mngyyri..hehe

    Posted by chelley23 | Oktubre 16, 2010, 11:38 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: