binabasa mo ang...
My Love Is A Nerd

My Love is a Nerd : Chapter 6

Chapter 6

“Hi Ashley.”

“Ay kabute!” gulat na sabi niya kanina pa siya pasilip-silip sa labas ng building para iwasang makita siya ni Zed yun pala nasa likod na niya ito. Napatutop nalang siya sa noo niya. “Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?”

“Napadaan kasi ako sa flower shop at naalala kita.” Iniabot niya ang bulaklak sa akin. Halos araw-araw itong nagbibigay ng bulaklak sa akin, walang palya itong magbigay at iba’t ibang klase pa ng mga bulaklak.

“Oh, please Zed, kalian mo ba ito ihihinto? Sinabi mo naman sa iyo na wala kang maasahan sa akin, d ba? Kailan ka ba magsa-sawa? Sinasayang mo lang ang pera at oras.” Lumakad na ako sa pasilyo ng building, naghahanap ng basurahan kung saan niya pwedeng itapon ang mga bulaklak. Hindi naman niya ito tatangapin kapag sinoli niya ang bulaklak.

“Ashley, maghihintay pa din ako.” Tipid nyang sabi.

“Huwag na, please.” Nakukulitan na siyang tumingin dito at napangiwing nakita ang itsura nto.

Kailan ba talaga niya ako nito titigilan?

“Birthday ng father ko sa makalawa, pwede ka bang maging date sa party?” tanong nito sa akin.

“Busy ako,” Mabilis kong sagot.

“Ako na ang bahal sa projects mo.” Ngumiti ito at nalantad ang sungki-sungking ngipin na may brace. “Ako na gagawa para hindi ka na mahirapan.”

“Hindi na, salamat nalang.” Ayaw niyang magkaroon ng utang ng loob dito baka ang maging kapalit pa ay maging girlfriend nito. No way, please! Mas binilisan niya ang paglalakad sa pag-aakalang titigil na ito sa kasusunod  sa kanya para mahalata nitong nagmamadali siya, ngunit dismayado pa din siya, nakasunod pa din ito.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga estudyante. Ipokrita naman siya kung hindi iya aaminin sa sarili na ikinahihiya niya si Zed. Sa pagmamadali niya natapilok tuoly siya. Kung hindi sa maagap na pag-alalay ay baka napaupo na siya sa sahig.

“Ooppss, careful,” sabi nito na nakayakap na sa kanya.

“Okay na ako!” sabi niya at kaagad siyang bumitaw dito na para bang meron itong nakakahawang sakit.

“Uuyy!” tukso ng mga estudyante na nakakita sa pangyayari.

Naiinis siya kay Zed at halos umusok na ang ilong niya. Inayos ang sarili at nagmadali uling maglakad paalis na binabaliwala ang mga panunukso ng mga estudyante. Nakalabas na siya ng gusali ngunit nakasunod pa din ito sa kanya.

“Kaya mo yan Zed!” tudyo ng isang grupo ng estudyante na kalalakihan na nakatambay sa may ilalim ng punong-kahoy. “Pupusta ako ng sampu, sasagutin ka rin niyan.”

Nakangiti itong kumakaway pa sa grupong iyon. Sa liit niyong suot na long sleeved na polo, halos mapunit na ang tahi sa bahaging kilikili ang itaas nito ang isang kamay. Pink ang suot na slacks at red ang rubber shoes at eto pa kulay dilaw ang medyas.

Naiirita ang tenga niya sa mga panunuksong naririnig. Bigla akong tumigil sa paglalakad at nakapa-meywang na hinarap siya. “Will you stop following me Zed?”

Hindi nito pinakinggan ang sinabi niya. Tumungin ito sa relo niyang kulay blue. “Lunch time na,” sabi nito sabay suklay sa makapal na buhok gamit ang mga daliri. “Sabay ka na sa akin. My treat,” yaya nito sa kanya sabay kindat sa akin.

“Bakit sa tingin mo ay makakain ako kapag kasalo kita?” hindi niya mapigilang sabi. “ Baka hindi matunawan , Zed.”

“Sige na, please…” pamimilit nito. Natawa naman siya dito dahil nabibigatan ito sa dalang bag ba kulay violet na punong-puno ng mga gamit kaya ito’y kanya munang ibinaba muna sa batong bench sa ilalim ng isag punong kahoy.

“And baduy mo talaga!” gigil niyang sabi. “Baduy!” Aalis na sana siya nang may makita siyang isang guwapong lalake na patungo sa kinaroroonan nila. Bigla siyang natigilan sa pagkakatayo nang ito’y tuluyan nang nakalapit. Moreno ito pero ang lakas ng dating sa kanya.

“Hi,” sabi nito sa kanya nang makalapit, pagkatapos ay binalingan naman si Zed..” Pinsan, nagamo mo na ba yung assignment ko?” pabulong nitong tanong kay Zed pero umabot sa kanya ang pandinig.

“Kagabi pa,” pabulong din nitong sagot sa pinsan bago nito binuksan ang bag at inabot ang notebook sa lalaki.

“Salamat pinsan.” Tumapik ito sa balikat ni Zed. “Sige, mauna na ako, baka ma-late na ako.” Aalis na sana ito nang muli siyang sumulyap. Ngumiti ito sa kanya at gumanti naman rin siya ng ngiti. Hayy mas gwapo pala siya sa malapitan.

“M-magpinsan kayo? Hindi siya nakatiis na tanungin si Zed.

“Oo,” sagot ni Zed. “Siyanga pala, siya si Kyle. Kyle si Gabrielle Ashley.

“Hi Kyle, but you can call me Ashgab, mahabakasi pangalan ko kaya you call me by my nickname.”

“Nice to meet you Ashgab.” Nagkamay silang dalawa at magkahinang pa ang kanilang mga mata. Ramdam niya ang pagpisil ng palad nito sa palad niya.” Ngayon ko lang nalaman na meron palang diyosa sa campus na ito.”saad nito.

“Bolero,” nakangiting sabi niya dito.

“Hmm, may subject ka pa ba?” tanong ni Kyle sa kanya.

Umiling siya.

“Lunch na, can you go with me. My treat.”

“Well, sure, “ kaagad siyang sumagot dito samantalang inaya siya ni Zed ay umayaw siya. Iyon lang at hinawakan na siya ni Kyle at hinila palayo sa lugar na iyon. Malyo –layo narin sila ng nilalakad ni Kyle nang lumigon siya kung saan iniwan doon si Zed.

Nandoon pa din si Zed ngunit malungkot itong nakatingin sa kanila.

***

“Tapos mo na ba ang proect mo, Ashgab?” isang araw tinanong siya ng kaklase niyang si Tinz.

“Anong project?” gumagawa siya ng love letter at nagtaas ng tingin dito. Kasalukuyan silang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng isang punong kahoy sa loob ng campus.

“Ano ka ba?” sabi nito. “Nakalimutan mo na bang nex day na isusubmitt iyon” Huwag mong sabihin na nakalimutan mong mag-research? Kaya mo bang tapusin iyon  hanggang bukas, eh, ang kupad kupad mong gumawa ng project?”

Bigla itong tumningin sa ginagawa niyang love letter para kay Kyle.

“Ayun, kaya naman pala, si Kyle na naman, ano?” sabi nito. “Nakalimutan  mo na naman  na may project tayong kailangan ipasa sa susunod na araw dahil wala kana inatupag kundi iyang si Kyle. Eh, hindi pa  nga nagtatapat iyang si Kyle sa iyo, halos araw-araw rin kayong magkasama tapos magsusulatan pa kayo. Ano ba ‘yan?”

Masyado kasi malakas ang attraction niya dito kaya nawiwili siyang kasama ito. Noon niya narealize na napababayaan na niya ang pag-aaral.

“OO nga pala!” aniya sabay sapo sa noo. “Ano ang gagawin ko Tinz? Puwede bang tulungan mo ako? I’m not good at working under pressure. Kaya sure  ako na hindi ko ito matatapos ang project.”

“Kailangan ipasa mo ito,” sabi nito. “Alam mo naman na terror ang professore natin sa Accounting. Puwede kang bumagsak sa subject niya ‘pag wala kang project?”

“Argg, anong gagawin ko?”

May naisip ito at nagpakawala siya ng makahulugang ngiti. “Sana si  Zed nalang ang sagutin mo. I’m sure na wala kang magiging problema sa project mo ‘pag si Mr. Genius ang naging boyfriend mo. Alam mo naman ang taong iyon, kayang-kaya gumawa ng project sa isang gabi lang. Mabilis kasi gumana ang utan niya, eh.”

“Si Zed ba?” mahina niyang sabi sa pangalan ng lalaki.

“Oo! Ang tagagawa ng project and assignments ng kinahuhumalingan mong lalake na tamad ding mag-aral.

Isinilid niya sa bag ang mga gamit niya sabay tumayo.

“O, saan ka naman pupunta? Tanong nito.

‘Sa library lang tinz,” sagot niya. “See you mamaya. Bye.” Halos matapilok na siya sa pagmamadaling makapunta sa library. Sigurado kasi siyang doon niya ito matatagpuan dahil doon ito madals tumambay kapag vacant period.

Hindi sila magkaklase ni Zed dahil ahead ito ng isang taon pati narin si Kyle.

Pagkadating niya sa libray, luminga-linga siya, hinahagilap si Zed kung saan ito naroon, saktong nakita niya itong nakaupo ito sa sulok. Mag-isa lang ito at nakasubsob ang ulo sa binabasang libro. Maraming tao sa loob ng library kapag lumapit siya at kinausap niya ito tiyak pagtsitsismisan siya ng mga ito pero wala siyang ibang choice. Kailangan kong pumasa sa Accounting.

Dahan-dahan akong lumapit sa mesang kinaroroonan ni Zed. Nang ako’y makalapit ay tumingin muna siya sa paligid. Palibhasa ay sobrang sungit ngnlibrarian nila kaya halos ng nandun sa loob ay nakatutok sa kanya-kanyang gawain.

“Hi,” bati ko sa kanya na may ngiti.

Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin. Ngumiti ito kaya nalantad na naman ang ngipin nitong sungki-sungki na may brace marahil sa pagkabigla. Ngayon lang kasi siya lumapit dito.

“A-ashley,” mahinang sabi nito.

“Pwede bang maupo dito?” sabay turo niya sa bakanteng upuan sa harap nito.

“Sure,” sagot nito at tumayo pa ito para ipaghila siya ng upuan. Nang makaupo siya ay bumalik na rin ito sa upuan nito at isinara ang binabasang libro. “What can I do for you?” tanong nito.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” panimulang sabi niya.” I have a problem, Zed. It’s a very big problem. Nakalimutan ko kasing may project pala akong dapat isubmit. Next day after tomorrow na pala ang deadline. I don’t know what to do. Baka bumagsak ako kapag hindi ko iyon nai-pass.

Nag-drama pa siyang niiyak na. “Kawawa ka naman ang Tita Tam at Lola Glo ko kapag bumagsak ako,” sabi pa niya. “Sila na ang nag-paaral sa akin, tapos…” kunwari nagpahid ng mga luha sa mata.

“Hey, it’s not a problem,” sabi nito sabay hawak sa mga palad niya. Naku kung wala lang siyang kailangan dito kanina pa niya ito nasampal.

“Ako ang bahala sa project mo. May exams ako bukas pero pwede akong matulog ng dalawang oras lang. Please huwag ka nang umiyak.”

“S-salamt Zed.” Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng guilt. But she really didn’t have a choice. Inabot niya dito ang piraso ng papel kung saan nakasulat ang title ng project at pangalan ng professor.

“Ah, Ashely,” sabi nito pagkatapos isilid sa bag ang papel na inabot ko.

“Ano iyon Zed?” tanong niya.

“Pwede ba kitang imbitahan na mag-lunch?”

“Ha?” Napatingin siya sa paligid at namalayan nalang niyang nakatingin na ang mga tao sa kanila.

“K-kasi, nag-lunch na kami n Tinz, eh,” pagdadahilan niya.”Kung gusto mo, next time nalang.”

“Eh, di samaan mo nalang ako sa canteen,” pamilit nito.”Mas gaganahan siguro akong kumain  kapag kasama kita sa isang mesa.”

“H-hindi kaya magalit si Kyle?” tumututol ang kalooban niya. Batid nitong alam na nito ang tungkol sa kanila ni Kyle.

“Naku, hindi ‘yon. Alam naman niyang magkaibigan lang tayo, eh. Sige na.” Bago pa siya muling magsalita sito ay nakatayo na ito at hawak-haak na ang mga libro niya. “I’ll carry this for you,” he was smiling when he said that. “Let’s go.”

Napakagat tuloy siya sa labi nang naglalakad na sila sa gitna ng mga estudyanteng nakamasid sa kanila. Kulang nalang ibaon na niya ang sarili sa sahig. Hiyang-hiya siya lalo na nang hawakan nito ang braso niya.

Hanggang sa canteen ay may mga nakamasid sa kanila. Zed is the one of the famous  students dahil isa ito sa dean’s lister. Siya naman ay naging famous dahil lahat ng lalaki sa campus ay nanghuhumaling sa kanya.

“Pakipot pa, papatol din naman,” parinig ng isang babaeng kumakain sa canteen.

“I’m sure na may kailangan lang yan kay Zed,” sagot naman ng kausap ng babaeng iyon na walang iba kundi si Nitz, ang mutya ng campus. “User!” saad nito.

Alam niyang narinig iyon ni Zed ngunit wala siyang nakitang reaksiyon dito. Tuwang-tuwa  itong nag-order ng pagkain para sa kanya na kahit na sinabi niyang tapos na siya. Hindi siya hinayaang nitong kumilos. Ito na rin ang kumuha ng plato at kubyertos niya, pagkatapos ay ganado itong kumain.

“May probinsiya ka ba?” pagkuwa’y tanong nito.

“Bicolana ang mother ko at Ilokano ang father ko, pero matagal na rin ako hindi nakakapag-bakasyon  sa province dahil namatay na sila sa isang accident kaya ang Tita Tam at Lola Glo ko na ang nagpa-laki sa akin.” Sabi niya.

“Kung gusto mong magbakasyon, just tell me,” isasama kita sa Cebu para dalawin ang lolo’t lola ko sa mother side. Maganda sa Cebu, panigurado mag-eenjoy ka.’

“Huh?” napatingin na naman tuloy siya sa paligid.

“Sa semestral break, ok lang ba sa’yo?”

Hindi pa rin siya makasagot.

“Masarap magluto  ang granda ko,” pagbibida sa lola nito. “I’m sure na magugustuhan mo na gluto niya. Doon kasi ako lumaki. Kinuha lang ako ni Papa ko nang  mag-college ako. Kaya heto, may pagkabaduy.” Napangito ito kaya nalantad na naman ang sungki-sungking ngipin. “Mahirap din palang mag-adjust dito sa Manila, ‘no?”

Puro tanog lang ang sinasagot niya dito. Hindi kasi niya maiwasang hindi tumingin sa paligid. Sa kanila pa rin nakapako ang mga mata ng mga kumakain doon. Ang bagal-bagal pang kumain ni Zed, sinasadya yata nito para mataggal silang magkasama nito.

Nakahinga siya ng maluwag nang saw aka ay matapos na itong kumain, ngunit tila siya madidismaya sa susunod nitong sasabihin.

“Escuse lang, Ashley?” sabi nito. “O-oder lang ako ng desert natin.

Hindi na niya mapigilang mapasimangot nang umalis ito para umorder ng dessert. Binigyan niya ng mapanuring mga mata ang mga nakatingin na parang gusto niyang iparating ay What are you looking at. Mga tsimosa, sa loob-loob niya.

Pilit niyang ngumiti nang bumalik si Zed. Hindi na nga maubos-ubos ang pagkain, nakuha pang umoder ng dessert, piping himutok niya.

“Zed, hindi kaya malate tayo sa klase?” nang hindi niya matiis na tanong dito.

“Wala akong first period sa hapon,” sabi nito. Absent si Ms. Glam. Eh, d ba’t two o’clock pa naman ang first subject mo.?”

“O-oo.” Malapit na siyang maubusan ng pasensiya dito. Alam na alam nito ang schedule niya. Siguro nagpaembistiga ito para malaman kung saan  siya pwedeng puntahan kapag gusto nitong magbigay ng kung ano-ano.

“I hope this will not be the last time na magkausap tayo ng ganito,” sabi nito habang kumakain. “Parati kitang ikinukuwento sa gradparents ko. Sabi ko na you’re the most beautiful woman I’ve ever known.”

“Talaga, ha.”

“Sinabi ko rin sa kanila that you’re a nice woman.”

Bigla siyang natigilan. Sa kabila ng pangbabalewala niya dito, nice pa din ang tingin niya sa akin.

“Can I visit you at home?” maya-maya tanong niya sa akin.

“Naku, strict ang lola glo at tita tam ko,” pagdadahilan niya.

“Gano’n ba? pero pwede ka sa sembreak, ha? Malo-long distance na ako sa lolo’t lola ko. I’ll tell them na mag-prepare dahil meron akong kasamang napakagandang babae.” Sabay kindat nito sa akin.

“S-sige, bahala ka,” sabi na lamang niya.

“Aasahan ko ‘yan, ha?”

Inabt sila ng alas-dos sa canteen. Maramiitong naikwento sa kanya at oon din ay na-realize niya kung gaano ito kabuting tao.

***

“O, natulala ka na diyan,” sabi ni Pre sa pananahimik niya. “Naalala mo ang past, ‘no?”

“Malaki ang kasalanan ko kay Zed,” sabi ko. “Pagkatapos  niya akong gawan ng project sa Accounting, pagkatapos kong makakuha ng mataas na grade doon, hindi ko na siya pinansin. Isang araw, nilapitan niya ako, reminding me of the vacation. Sa Cebu, sa bahay ng lolo’t lola niya.”

“Mukhang hindi mo naikuwento sa akin ‘yan,” anito. “What happen ba?”

Nagpunta ako sa airport para makipagkita sa kanya but not to go with him but to confront him.

“At bakit mo ba ang ginawa niya?” tanong ni Pre.

“That night nang pauwi na ako ng bahay nakasalubong ko ang barkada ni Kyle, sinabi na kung nagpaalam raw ba si Kyle sa akin. I said hindi, tanong ko, kung ano ang dapat kong malaman, then he said Kyle already flew to States, dun na raw ito tatapusin ang college. I was shocked I thought he loved me dahil alam mo na may Mutual Understanding na kami tapos ganun lang matatapos iyon.”

“Tapos kinabukasan tamang-tama naman na sana sasama ako kay Zed pero nagpakita ako sa kanya na at nilait lait ko siya. Siya ang sinisi ko kung bakit umalis si Zed. Kung ano-ano ang sinabi ko sa kanya. Then umalis na doon, hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataon para makapag-paliwanag. After that I never talk to him again.”

“Alam ko na kung bakit parating siya ang itinuturo ng daliri mo, Ashgab,” napapitik sa hanging sabi ni Pre. “Kasi, kailangang mong humingi ng tawad sa kanya at ito na ang magandang pagkakataon.”

“Paano?” nakakunot-noong taong niya rito. “Tama bang ipaalala ko pa sa kanya ang mga nangyari?”

“That’s your problem. If you really want to work in his company, it’s your decision. Marami pa naman kasing lalaking darating sa’yo. Bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong dapat ay inililibing mo na sa limot? Baka ‘yan pa ang magbigay ng problema sa’yo, sige ka.”

“I know what I’m doing,” confident niyang sabi. “Kayak o ito. Si Zed ang mapapangasawa ko and that’s final.” Pagkasabi niyon ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan niya rito.

Madaling na-process ang resignation ni Ashgab sa Marine’s at mabilis din siyang nakalipat sa LinkWorld.

First Step, successful. Umaasa siyang magtutuloy-tuloy iyon sa magandang ending.

Second day ni Ashgab sa LinkWorld nang magkasabay sila ni Zed sa elevator. Kanina pa siya pa-cute nang pa-cute ngunit hindi man lamang  siya nito pinapansin. Nang tumigil ang elevator sa fifth floor at lumabas si Zed, marahil ay may dadaanan lang sa palapag na iyon, sumunod siya kahit nasa sixth floor ang office niya.

Inunahan niya ito para mapansin siya nito, pagkatapos ay binuksan niya ang bag niya, dinukot ang panyo at pasimpleng inilaglag.

“Guard!” narinig niyang tinawag ito ni Zed.

“Sir,” kaagad namang lumapit ang security guard sa palapag na iyon.

“Pakipulot nga,” utos nito at itinuro ang panyo. “Nalaglag yata ni Ms. Moragan.” Pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong umalis at hinid man siya sinulyapan.

“Ma’am, panyo po,” sabi ng guwardiya nang iabot sa akin ang panyong inilaglag ko.

“Salamat,” sagot niya pero ang mga mata niya ay nakasunod pa din sa papalayong si Zed. “Uso rin pala  sa lalaki ang nagme-menopause!” hindi niya mapigilang sabi. “Ang sungit!”

“Sino po?” tanong ng guwardiya.

“Wala.” Nagmamadali na siyang pumanhin sa hagdan papunta sa office niya.

Kung ang laki at lamig ng opisina, posisyon at ang sahod ang pag-uusapan, masasabi niyang tama lamang ang ginawa niyang paglipat sa LinkWorld. Mataas magpasuweldo ang kompanya, modern ang mga gamit at okay ang mga empleyado.

Ang tanong, hanggang kalian niya tutugisin ang kanyang napipisil na groom?

Talakayan

17 thoughts on “My Love is a Nerd : Chapter 6

  1. kya mo yan gurl..tiis2 klng ng konti p..n_n

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 7:27 hapon
  2. Gogogo ash

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 12:40 hapon
  3. bat ang sungit ni Zed?

    Posted by marshmallow | Mayo 2, 2012, 3:04 hapon
  4. Ashley hang on there. . .😄

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 7:30 hapon
  5. Baliktad nah ang mundo ngayon..c Ashley nah ang nagpapa-pansin kay Zed..hehe!.gud luck girl!.Huwag kang susuko!!.🙂

    Posted by michsoliva | Pebrero 22, 2012, 7:15 umaga
  6. magpakumbaba ka ashley baby para masungkit mo ang matamis na OO ni Zed🙂

    wish you luck!

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 5:57 hapon
  7. hmm kulang lang sa edit tong story kc paiba iba ng spelling.. un lang pero na22wa ako kc naguily sya sa pinagagawa nya kay ZED.. weee

    Posted by aann023 | Disyembre 16, 2011, 12:03 umaga
  8. ganda nman to…

    Posted by Liv | Nobyembre 9, 2011, 10:28 hapon
  9. ang pagbabalik tanaw b0w jejeje

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 10:55 hapon
  10. ako ang na-guilty s ginawa ni Ashley kay zed.. =( the way u describe zed ang hirap mgsalita bka di ko rin sya sagutin.. as a friend pede p cguro,, ay nku! Karirin mo ngaun ashley ang word ‘patience’,, wla e hunky type n c papa zed!

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 8:18 hapon
  11. love it!!!

    Posted by Tin | Oktubre 18, 2010, 9:48 umaga
  12. kelan po next chapter?

    Posted by smile | Oktubre 17, 2010, 8:06 hapon
  13. ganda po.. kaso bitin..hehehe

    Posted by chelley23 | Oktubre 15, 2010, 10:54 hapon
  14. hayy kakabitin po talaga…waahh bkit sungit ni ZED..??

    Posted by eizzy | Oktubre 15, 2010, 2:29 umaga
  15. Ang gnda po ng story!

    Posted by Janena | Oktubre 14, 2010, 7:12 hapon
  16. Ang Ganda ng kwento, piro po ayosin LNG ang spell ng words… Maraming salamat and more power sa inyong lahat sa Top!!!!!!!!!

    Posted by Andy | Oktubre 14, 2010, 5:46 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: