binabasa mo ang...
My Love Is A Nerd

My Love is a Nerd : Chapter 5

Chapter 5

“How are you?” Naupo ito sa executive chair at diretsong nakatingin sa akin.

Paano naman siya makakapag-react, mukha ba ba ni Zed ito ang nakikita niya? Eh eto ang mukha na nakita niya sa restaurant at sa corridor.

“A-are you Zed? hindi pa din siya makapaniwala tanong niya.

“Ang bilis mo naman makalimot.” Tipid na ngiti nito bago binuksan ang drawer at kinuha ang eyeglasses at isinuot sa mga mata. “So, do I look familiar now?”

Hindi pa din siya makahuma. Kaya pala naisip niyang familiar ang mukha nito sa kanya nung nakita niya ito sa restaurant dahil siya pala si Zed. Ang laki kasi ng ipinagbago nito. Ang makapal na buhok nito noon ay naging manipis na ngayon at hindi na. Kuminis narin ang mukha nito.

Ngayon lang niya na-realize na maganda pala ang mga mata nito dahil noon ay lagi itong nakasuot ng salamin. Ang mga ngipin nito na noon ay ay naka-brace dahil sa sungki-sungki ngayon ay pantay-pantay na. Idagdag pa na hindi na ito baduy manamit. Mas naging guwapo ito sa suot na executive suit.

He’s different now, really different.

“Our HRD head just resigned,” pagkaraa’y sabi nito at tinanggal ang suot na salamin. “Do you want to have that position, Miss Morgan?”

Para siyang walang narinig. Nakatitig pa rin siya sa mukha nito na para bang ngayon lang sila nagkakilala. And take note. Iba ang nararamdaman niya. Hindi katulad ng kilig na nararamdaman niya para kay Kyle. Parang mas malala pa ito!

O baka naman na shock lang siya dahil sa laki ng ipinagbago ng itsura niya?

“Miss Morgan,” ulit nito.

Kung hindi pa siguro tumunog ang telepono nito na nasa lamesa ay hindi pa siya matatauhan.

“Excuse me, “aniya at sinagot ang tawag.

Natuon ang ang tingin niya sa mukha nito at sa mga mata habang nakikipag-usap sa telepono. She felt she couldn’t take her eyes off him, natatakot ba siyang mawala ito kahit sa isang pagkurap lang ng mata.

Kung mas natitigan niya itong mabuti kahapon sa restaurant baka sakaling mamukhaan niya ito. Hindi lang niya talaga akalain na magiging guwapo ito dahil sa kasanayang nakikita itong baduy at nakasuot ng makapal na salamin na bilog ang frame.

Pinilit niyang kontrolin ang panginginig ng buong katawan niya nang ibaba nito ang telepono sa cradle.

“So, where are we? tanong nito.

“Zed. I mean Sir, “ halos pabulong niyang sabi. “It’s really a surprised to see you…” nag-pause saglit at sabay lunok. “I-ikaw ba yung nakita ko sa restaurant kahapon?”

“Yes.”

“And you recognize me?”

“Of course. You are still the same Ashley I had known many years ago. Pero hindi mo na yata ako matandaan.”

Si Zed lang ang tumatawag sa akin na Ashley, sabi niya sa akin para naman daw maiba, mas maganda raw sambitin ang Ashley kesa sa Ashgab na tawag ng karamihan sa akin.

“Kahit naman sino siguro hindi ka na makikilala, you look different. You look very very handsome.” Tipid na ngiti pagkasabi noon.

Umiling-iling habang napangiti sa sinabi ni Ashgab. ‘Kung wiling kang i-handle ang position na iniwan ng HRD head ko, I will give it you . Kung ayaw mo, I will call you once there is vacant position na pwede sa’yo. Pero bakit ka aalis ng Marine’s Company?”

“A-alam mo rin na doon ako nagtatrabaho?

“Kyle told me,” sabi nito. Nagkita raw sila ni Nitz.”

“Yeah right,” tumangong saad niya. “I just  want to try a new experience. “So I heard this company, sakto naman na nangangailangan kayo. Ang hindi ko lang alam ikaw pala ang nagpapalakad nito.”

“It’s our family business, “sabi nito. “So, what’s your decision?”

“I’ll take it, “nakangiting sabi niya dito.

“Okay, you can start of Monday. If it’s okay with you?”

“Can you give me at least a week? Para naman maasikaso ko ang resignation letter ko sa Marine’s Company.”

“Sure, no problem with me.”

May gusto pa sana siyang sabihin nang biglang pumasook naman si Kyle. “Are you two finished discussing? Tanong nito sa amin. “It’s already lunch time. Baka gusto mong sumabay sa amin ni Zed, Ashgab, para naman makapag-kwentuhan pa tayo?”

“Huh?”

“C’mon, pamimilit ni Kyle.” Ngayon ulit tyo nagkita-kita.”

“Okay.” Pagkatos niyang sumagot ng ay napansin niya ang expression ni Zed na hindi ko mawari.

***

“Hello there!” bungad ni Pre na nasa pintuan na kwarto ko.” Nagtuloy-tuloy na ako, ha? Sabi kasi ng Tita Tam mo, kanina ka pa raw nagmumukmok dito sa kwarto mo. Pinoproblema mo na naman ba iyang pagtanda mo na nag-iisa?”

“Pre, andiyan ka pala,” hindi kita napansin, sabi ko. Mukhang kagagaling lang nito sa Marine’s Company dahil suot pa nito ang uniporme ng kumpanya. Siya naman ay nakadapa sa kama at tinititigan ang picture ni Zed.

“OMG!” reaksiyon ni Pre nang makita nito ang picture na tinititigan ko. “Don’t tell me na wala ka nang choice kaya iyan na ang papatulan mo, ang super baduy at freak na yan?” tanong nito. Nakita na kasi ni Pre lahat ng pictures na nangligaw sa akin noon. “Ano na nga ba ang name niyan? Siya ba si Kyle the nerd?”

“Zedrick,” sagot niya.” Pinsan niya si Kyle.”

Naupo na ito sa gilid ng kama at bakas dito ang hindi makapaniwalang reaksiyon nang itapat pa nito ang mukha sa mukha ko.

“So it means, papatulan mo iyang si Zed na iyan?”

“Nagkita na kami Pre,” kuwento niya. “You will not believe this, he looks different now. Super gwapo na niya ngayon. Siya ang Presidente ng LinkWorld na pagmamay-ari ng father niya. Wala na siyang eyeglasses na pagkalaki-laki at parang kwago sa hugis ng frame. Sobrang kinis ng mukha niya. Neat na neat siyang tingnan. Graveh Pre! Na shock talaga ako pagkakita ko sa kanya.”

“Talaga?” Inagaw ni Pre ang picture nito sa kanya at tiningnan. Ngayon ko lang napansin kung iyong tititigan, maganda ang mata niya, hindi lang napapansin ito dahil sa suot niyang salamin.

“Hindi na siya baduy manamit. Para na siyang artista!”

“Eh! anong plano mo ngayon? Tanong nito.

“Magre-resign ako sa Marine’s.” Tumayo siya at humarap sa full length mirror at tiningnan ang sarili. “Tutal naman, tanggap na ako sa LinkWorld as Head of Personnel Department.”

“Seryosa ka ba?”

“Oo. Alam mo ba kung saan ako naglunch kanina? nakangiting sabi niya sabay harap dito. “Sa executive lounge ng LinkWorld. Niyaya kasi ako ni Kyle kumain. Suplado na nga si Zed, hindi kagaya noon na halos kulitin ako para lang sabayan siyang kumain. Pero hindi siya naki-join sa amin.

“Ang dami naming pinag-usapan ni Kyle. Katulad noong nagkakaintindihan na kami. Kung bakit magkasundo kami sa ibang bagay. Akala ko pa naman si Kyle na ang makakatuluyan ko. Pero nang makita ko si Zed, nabaling sa kanya ang atensiyon ko.”

“Dahil ba guwapo na siya?” sabay taas ng kilay na komento nito.

“It’s because he’s an interesting guy. Sabi ni Kyle, he was a product of a one-month love affair. Ito ay nang minsang nagbakasyon ang father niya sa probinsiya, doon nito  na-meet ang mother niya, siyempre nagkagustuhan at nain-love, pero nang bumalik na sa manila ang father niya naiwang buntis ang mother niya at hindi na nga bumalik pa ito doon ang father niya.

“Pinarusahan raw yata ang father niya dahil baog raw ng napangasawa nito kaya hindi na magkaanak.Kaya ang ginawa hinanap nito si Zed at kinuha. Pumayag naman ang mother niya dahil mas maibibigay raw nito ng magandang buhay.

“Kaya nang lumuwas ito ng Manila ay sobrang baduy!” As in sobrang baduy, top one nga ito pero wala namang girlfriend. Binabatukan lang ito ng pinsang si Kyle. But look at him now. He’s the President of LinkWorld and super guwapong artistahin.

“Alam mo iisa lang ibig sabihin n’on.” Nakangiting sabi nito. “Na makakarma ang mga taong umapi sa kanya.”

Bigla siyang pumormal. “Pinapatamaan mo ba ako Pre?”

“Oopss. Uy, hindi naman ikaw ang tinutukoy ko,” sabi nito.

“Siyempre, ‘yong ibang babae na tinutukso-tukso siya noon. Sabi mo nga eh tampulan ng tukso si Zed, d ba?”

Pormal siyang umupo sa kama. “Kasama na ako sa mga taong iyon. Pre. Sa klase ng tingin niya sa akin kanina, hindi pa rin niya nakakalimutan  ang mga pangyayari noon.”

“Pero mabait naman siya, d ba?”

“Noon siguro pero ngayon, sa laki na ng pinagbago niya baka nagbago na rin ang ugali niya. Now he looks respectable. Nakakailang nang makipag-usap o makipag-biruan  sa kanya. Habang kausap ko siya alam mo bang ang liit kong tingnan kung ikukumpara sa kanya ngayon.”

“Parang nakakaamoy ako ng malaking problema ngayon,” sabay iling ng ulo. “Payo ko lang sa’yo, huwag mo nang ituloy ang pagre-resign mo sa Marine’s para lang mapalapit sa Zed na ‘yan.

“Hindi kita pipiliting maniwala sa akin , pero positive na siya ang magiging groom ko. Kumikislap pa ang mga mata nito pagkasabi n’on. Alam mo bang parating picture niya ang itinuturo ng daliri ko tuwing mamimili ako sa kanila. Pinagti-tripan ako ng litrato niya. Nang alisin ko ang picture niya, itinuro naman ng daliri ko ang picture ni Kyle, so it means, si Kyle ang magiging bridge naming dalawa.

“Napa-praning ka na yata?” sabay iling nito. “Nagbago lang ang itsura ni Zed ay naging ganyan ka na. Alalahanin mo na halos kutyain mo at duraan mo siya noon.

“Sobra ka naman Pre, hindi naman, “ingos niya.” Inaamin ko naman na isa ako sa mga nababaduyan sa kanya nonn pero hindi ko siya kinukutya, ‘no!. Npagsalitaan ko lang naman siya noon dahil siya ang sinisi ko sa pag-alis ni Kyle.

“Kaya?” taas ng kilay nito. Pagkatapos ay tumayo ito at hinila siya sa harap ng full length mirror at idinikit doon ang picture ni Zed.

“Pagmasdan mong mabuti ang mukha ni Zed, then go back to the past. Alalahanin mong mabuti ang mga ginawa mo sa kanya noon.”

Napaisip siya at tumitig sa salamin. Isa-isang nag-flash back ang kahapon na tila nakikita niya iyon sa malinaw na salamin….

Talakayan

20 thoughts on “My Love is a Nerd : Chapter 5

  1. karma lng c ateh..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 7:12 hapon
  2. Hahaha. . Desidido na gurl

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 12:16 hapon
  3. HRD nging head of personnel dept. mali po ata.

    ay msma k ateh! ur after sa physical looks..mkakarma k tlga nyan teh! bad un ehhh

    Posted by aileen | Oktubre 20, 2013, 3:35 hapon
  4. d kya kinkarma kn???

    Posted by alma | Setyembre 4, 2012, 10:35 hapon
  5. excited na ako sa next chapter!🙂

    Posted by marshmallow | Mayo 2, 2012, 2:44 hapon
  6. ayaaaan!!yehey!..malalaman que na ung past! ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 19, 2012, 8:31 umaga
  7. Ashley kaya mu yan….. Fighto. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 6:36 hapon
  8. goodluck ashley

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 5:49 hapon
  9. tsk tsk… kinakarma na ang loka!.. haha

    Posted by aann023 | Disyembre 15, 2011, 6:32 hapon
  10. hehe. ayan kasi nag-judge agad.

    Posted by mae | Nobyembre 22, 2011, 3:56 hapon
  11. ayos….exciting na ang kasunod na chapters nito…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 12:17 umaga
  12. naguguluhan lng ako dito ng kaunti ksi minsan first person tapos magiging second person

    Posted by liyuu | Marso 20, 2011, 11:11 umaga
  13. hayyy Ashley! Cge okey lang yan,, ituring mong sign ang lhat ng pangyayari,, desperate attempt.. be positive!! Itodo mo na!! gud luck s luv lyf mo!!^o^

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 8:17 hapon
  14. Lalong nakaka-excite na basahin… next chapter na pleazzzzzz…

    Posted by nely | Oktubre 13, 2010, 11:43 umaga
  15. aun paganda na ng paganda….

    Posted by ♥LYN♥ | Oktubre 13, 2010, 9:11 umaga
  16. kailan po ang kasunod???

    Posted by rapidhero | Oktubre 13, 2010, 3:26 umaga
  17. ang galing! i really love it! di na ako makapagintay sa kasunod

    Posted by rapidhero | Oktubre 13, 2010, 3:25 umaga
  18. ayy bitin naman po…bakit po ang iksi..hihiih

    Posted by eizzy | Oktubre 13, 2010, 12:58 umaga
  19. ai bitin po..hehehe.. kelan po next chapter??? srap subaybyan ng mga chapter..

    Posted by chelley23 | Oktubre 12, 2010, 10:45 hapon
  20. gumaganda na story…nxt chapter na po…

    Posted by che | Oktubre 12, 2010, 10:12 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: