binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER EIGHT

CHAPTER EIGHT

“Gud hivning hevriwan!”

Napatingin silang lahat sa pinanggalingan ng lasing na boses na ‘yon.

Nanghilakbot siya sa nakita. “Camille,” sambit niya sa pangalan nito.

Nakakapit ang dalawang kamay nito sa poste ng bubong na pansamantalang itinayo para liliman ang hardin na pinagdadausan nila ng kasiyahan. She looked…. wasted.

Walang kumilos isa man sa mga nasa bulwagang iyon lahat nakatitig sa babaeng nasa pinto. May babae sa likod nito na sa tantya niya ay kasing edad lang ni Camille. Hindi maipinta ang mukha nito habang naka alalay sa bewang ng huli.

Bumaha ang kaba sa buong pagkatao niya at napalingon-lingon. Napamura siya at mabilis na tinawid ang hardin para lapitan ang dalaga.

“Que barbaridad!” ‘yon ang unang boses niyang narinig. Si James. Mabilis itong nakalapit sa kapatid.

“What is it this time?” si James na nakatingin ng masama sa babaeng kasama ng kapatid. Inalalayan nito ang kapatid at iginaya sa papasok ng bahay.

“Please don’t hurt her,” paki usap ng nakasunod na babae.

“Have you seen me hurt my sister?” sigaw ni James na halatang ang babae ang sinisisi sa kalagayan ni Camille.

Sinundan niya ang mga ito hanggang sa sala.

“Khuya, why? Yu don’t love mhe? Do you hate mhe dhat much?” wala sa sarili na sabi ni Camille.

Nagkatinginan silang magkaibigan, ang alam niya hindi tanggap ni Camille ang best friend niya bilang kapatid, pero ngayon tinawag pa nitong kuya ang kaibigan.

“She called you ‘kuya’ didn’t you hear that?” it was more of a statement than a question galing sa babaeng kanina pa sunod ng sunod. Nakataas ang kilay nitong tila naghahamon ng away.

“Gale, will you just go home?!” sigaw dito ni James.

“Don’t shout at my face!” balik sigaw din ng babae.

“Shhh,” si Camille habang halos nakahiga na sa sofa. And there’s that urge again – an urge to hold her and keep her safe. Naupo siya sa tabi nito habang nagsisigawan sila James at Gale na para bang nasa magkabilang panig ng mundo ang mga ito.

Kaasar talaga ang babaeng ito, hindi na ba ito magtitino? Nakakahiya sa mga bisita nila. Hindi basta basta ang mga panauhin nila ng gabing iyon, mga makapangyarihan at mayayamang tao ang imbitado sa selebrasyong iyon.

Umupo siya sa tabi nito.

“Rave,” sumandig ito sa kanya. Nawala lahat ng inis at galit niya dito nang Makita ang mga luhang namamalisbis sa mga mata nito.

“Yes, darling?” inakbayan niya ito at hinapit, sinandig niya ang ulo nito sa kanyang dibdib at yumuko upang marinig ang sasabihin nito.

“Will you ask kuya to be good to me,” anito sa inaantok na boses. Nawala ata ang kalasingan nito at hindi na nabubulol.

Hindi nila napansin ang biglang pagtahimik ng kaninang nag-aaway. At lalong hindi niya napansing sa kanila na nakatingin ang mga ito.

“Bakit naman sa ‘kin mo naisip hilingin ‘yan?” nakangiting bulong niya. Natutuwa siya para sa kaibigan, tila tanggap na ito ng kapatid.

“Coz he loves you,” mahinang saad nito. “He loves you more than me,” naghihinampong bulong nitong walang tigil sa pag-agos ang mga luha. “I’m sure he’ll give you anything you ask.” And she sobbed on his shoulders clutching his shirt as if gathering strength from it.

Tila napipilas ang puso niya sa pag-iyak nito. Hindi ba nito alam kung gaano ito kamahal ngmatalik niyang kaibigan? “That’s not true, he loves you more than me. Alam mo bang hindi pa ako nakakatikim ng kahit kurot lang mula kay James? Pero dahil sa’yo nabigyan niya ako ng pinakamalakas na hook punch niya.”

“Is that true?” tanong nitong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanya.

“Yes.”

“I’m sorry then,” sagot naman nito bago tuluyang nakatulog.

Nagpakawala siya ng mahabang buntunghininga. Maybe it’s not just infatuation, what he feels. He cares, he cares a lot.

“That’s long,” napitlag pa siya nang marinig ang malamyang boses na yun.

“Yeah, Rave, that’s long,” segunda naman ni James. “And deep.”

Ngumiti siya nang alanganin, hindi niya kayang salubungin ang mapanuring titig ng kaibigan. Ngayon ay alam niya sa sarili niyang may pagtatangi siya sa dalagang yakap ngayon. And he knows it is more than mere infatuation. Kung ano man iyon ay hindi pa niya kayang pangalanan.

“What now,” sa halip ay sabi niya. “Are you two planning to stand there forever? I feel like you are my mom and dad interrogating me after a mischief.” Ngumiti siya ng makahulugan sa dalawa. Sa gayon man lang e maibaling sa iba ang atensiyon ng mga ito.

She blushed. How cute. James stood there staring at her.

Mayamaya ay binalik ni James sa kanya ang paningin.

“Shall I put her to bed?” tanong niyang tinutukoy ang tulog na dalaga.

Umiling si James. “No,” tahimik ngunit mariin nitong sabi.

Alam na niya kung ano ang gagawin. Nagtatanong naman ang mga titig ni Gale.

“You should go home now, Gale.” nag-isip ito. Pagkuwa’y, “Ihahatid na kita,” seryosong saad ng kaibigan nang bumaling sa babae.

“But James I thought…” litong sbi niya.

“You are going.” putol nito sa kung ano pa man ang sasabihin niya. “I can trust you with this, can’t I Rave?” Nakatitig ito ng mataman sa kanya.

“Yes, of course.” seryosong sagot niya.

“She’s my angel, bro. She’s all I’ve got,” sabi nitong bakas ang matinding emosyon sa mga mata.

“I know,” nakakaintinding sabi niya. “She’ll be fine.”

“And, Rave,” anitong bumaling ulit sa kanya. “Maintain a low profile and seal your mouth.” Iyon lang at lumabas na ito kasama si Gale.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

16 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER EIGHT

  1. bkt prang d pumapasok comment q. i need more gils! hekhek

    Posted by aileen | Setyembre 30, 2013, 6:20 hapon
  2. ayyyy dpat lng pla tlga
    mglashing c camille..ang gnda po no, kulang ung adj n ganda..the story is realy awesome!my nbbli po b na book nto.?i realy want one!:)

    Posted by aileen | Setyembre 29, 2013, 9:49 hapon
  3. hahaha galing talaga

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 2:43 hapon
  4. hahaha,,ok ah..ang galing nmaN….

    Posted by alma | Setyembre 3, 2012, 11:39 hapon
  5. sana ganyan kuya ko… hay! ='(

    Posted by estelle | Agosto 14, 2012, 9:21 umaga
  6. wow ang sweet ni kuya james .
    sana may kuya rin ako : (

    Posted by marshmallow | Mayo 7, 2012, 12:25 hapon
  7. ang cute naman….. napaka sweet ni kuya. . .XD

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 5:16 hapon
  8. ang sweet ng kuya nya😦 sana may kuiya rin aqng ganyan

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:05 hapon
  9. @ micole: susunod na po ung kina James n Gale…

    @ readers: thank you po…

    Posted by kuletnimbles | Oktubre 15, 2010, 11:37 hapon
  10. first time to share my comment and isa lng masasabi k0 super nice! i l0ve it!

    Posted by lala | Oktubre 12, 2010, 2:22 umaga
  11. mas kinilig ako sa bangayan factor ng kuya ni camille and gale ahhh…. sana meron din sila story… pagkatapos nito sakanila nman sana… “aba demanding huh!!!” @.@….
    ganda ng story po….

    Posted by micole | Oktubre 11, 2010, 10:10 umaga
  12. hay sa wakas nagka chapter 8 rin sana d aabot ng pasko yong chapter 9 hehehe

    Posted by angelsmile | Oktubre 10, 2010, 1:19 umaga
  13. ganda ng story! next na pls..=D

    Posted by rioangela | Oktubre 10, 2010, 12:52 umaga
  14. more pa !!🙂 ang ganda-ganda ng story nilang dalawa, nakakakilig … >.<

    Posted by xxBunZxx | Oktubre 9, 2010, 9:08 hapon
  15. ang ganda- ganda.. kelan po ipopost ung next chapter.. excited nq..

    Posted by chelley23 | Oktubre 9, 2010, 8:55 hapon
  16. ang ganda na…

    Posted by sweet_anne | Oktubre 9, 2010, 3:05 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: