binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 4

Di na niya alam kung paano pa niya tatapusin ang mga paper works niya sa opisina. Natambak na ata lahat yun. Paano ba yun naging karami? Ahw! Good heavens! Tanging sambit na lang niya.

“Ahm! Sir? Do you want anything? Coffee or juice?” sabi nang sekretarya niya.

“Coffee”

“Right away, boss!” agad itong tumalima tsaka pumunta sa pantry

“ah! Kailan ba toh matatapos? Reklamo na lamang niya.

“Ahm Sir Karl, pwde pa naman iyan ipagpa-bukas kung gusto nyo sir.” Bigla siyang napatingin dito. Nakita niya itong inilapag na sa mesa niya ang kape

“Anong ibig mong sabihin dyan, Jen?” naguguluhan niyang sabi

“Ahm..wala po sir..ahmm…kasi..kasi..”

“Kasi?” Nag-isip pa ito nang ilang segundo bago pa ito nagsalita

“Palagi kasi kayong over time?” tila hindi pa ito sigurado sa tanong nito

“Di ka na dapat nangingialam dun” malamig niyang sabi

“Sige sir alis na ako” paalam nito

“Sige” simpleng sabi niya. Nanahimik na siya doon kasama ang papeles niya nang biglang bumukas ang pinto.

“Hey! Hey! Madlang pipol..ui. hi kingkong!” bati nang kaibigan niyang si Jorge. High school pa lang ay magkakilala na silang dalawa. Hindi na niya matandaan kung paano sila nagkakilala noon basta bigla na lang silang naging magkaibigan.

“Ba’t nandito ka? Pinalayas ka na ba nang tauhan mo? O pinasa mo na naman ang trabaho mo sa tauhan mo o nalugi ka na? Sunod-sunod na tanong niya rito.

“Hay! unggoy. Sorry to say, hindi pa ako bankrupt. Magaling yata itong kaibigan mo tsaka Kaya di ka gumagwapo eh, parati ka na lang dito sa opisina mo and let me give you a lesson. Ang mga tauhan ay nandyan para pagsilbihan ka, kita mo ako..talagang gwapo na ko. To the highest level!” pagmamalaki nito

“Kausapin mo sarili mo..ungas!”

“Ui. Di ba,ngayon yung pictorial ni Thaliah para sa product mo na siya ang mag-eendorse?

“Sir Jorge, kanina ko pa nga sinasabi kay sir na may bukas pa naman para sa trabaho niya” singit nang sekretarya niya.

“Teka, di ba sabi mo umuwi ka na?” naguguluhan niyang sabi sa sekretarya niya.

“Ay! Ooops! Ahmmm…sige sir..evaporate muna ako!” paalam nito
Kaya pala nag-aalinlangan pa itong magtanong sa pag-o overtime niya kanina kasi ang talagang gusto nitong itanong kung pupunta siya doon sa pictorial. Paano ba siya nagkaroon nang Usiserang sekretarya at kaibigan.

“Mabuti at mabawasan ang sakit nang ulo ko!” pagtataboy niya rito

“Dude! Take it easy, ang mabuti pa ay pumunta ka na doon..kay?”

“Heh! Kausapin mo sarili mo! Tsaka bakit ako pupunta doon? May ipinadala na ko doon para mag-supervise tsaka ba’t ba kayo pilit nang pilit na pumunta ako doon?” litanya niya

“Dude! Halata ka na kasi, pag siya kasi ang topic, nagiging madaldal ka na,hindi mo naman ugali yun,di buh? tska masyado ka nang defensive.
Mr. Serious!” pang-aasar pa nito

“Ba’t ka ba nagpunta dito?” pag-iiba niya nang topic. Ngumisi lang ito tsaka nagsalita.

“Para kulitin ka?” nakangisi nitong sabi

“Lumayas ka na nga dito!” bulyaw niya rito

“Ahm..Yes sir! Tsaka nga pala kasal na ni Ed next week baka makalimutan mo nandyan ang invitation sa mesa mo” sabi pa nito tsaka umalis. Hindi niya alam kung paano niya naging kaibigan ito pero napapakinabangan naman ito paminsan-minsan.

“Kasal na pala ni Ed next week” agad naman niyang binitawan ang mga hawak na mga papeles at kinuha ang invitation sa mesa niya.
Isa na siyang matagumpay na businessman. Marami na rin siyang mga mga negosyo aside sa family bussiness nila. At the age of 31 ay na-accomplish na niya ang kailangan niyang i-accomplish.He is the one of most promising bachelor businessman in his field.

Maraming babae ang gusto siyang makuha. Tama!  Ang kulang sa kanya ay asawa, isang pamilya, naalala na niya tuloy ang sinabi nang mama niya na sayang daw ang genes nila kung di daw ma-ipapamahagi. Napangiti na lang siya sa naalala. Tiningnan niya ang invitation card ni Ed. Sa kanilang magbabarkada pala ay marami-rami na rin ang nagpapakasal. Di niya alam kung saan nanggaling pero he felt alarmed. Unti-unti na palang nalalagas ang single sa barkada nila.

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 4

  1. HHaha. . Thalia for you, wag na bagalan . . Baka maunaha ka. .

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:27 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: