binabasa mo ang...
My Love Is A Nerd

My Love is a Nerd : Chapter 3

Chapter 3

Pagkatapos niyang kumain ay pinuntahan niya ang pangalawang napili niyang picture, ito ay si Charlie. Natagpuan niya ito sa isang parlor shop kung saan pagmamay-ari ng kaniyang tiyahin.

Pagkapasok ko sa loob, tumingin sa akin ang mga tao doon at tinanong ako ng isang babae kung ano kailangan ko. Sabi ko ay,

“Meron lang po akong hinahanap, may nakapag-sabi sa akin na dito ko raw po siya matatagpuan.”

“Ano ba pangalan ng hinahanap mo? Tanong ulit ng babae.

“Charlie, kilala niyo po ba siya?”

“Ah! Si Charlie ba ang hanap mo? Upo ka muna at tatawagin ko.”

Umupo ako sa bakanteng upuan na nakita ko. Habang hinihitay tinitingnan ko isa-isa ang bawat galaw ng mga tao sa loob.

Hindi naman nagtagal ay lumabas narin ang babae.

“Miss, saglit lang at lalabas na din yun, makupad kasing kumilos.”

“Hindi pa rin po pala nagbabago.” Iiling-iling siya habang sinasabi iyon. “Matanong ko lang po kung meron kaya siyang asawa o nobya po?

“Walang balak na mag-asawa iyang si Charlie,” sabi nito.

“Bakit naman po?” naging interesado siya sa pag-uusap. “Naging busy po siguro sa trabaho o kaya naman po heart broken?” mabuti pala at single na din si Charlie, aniya sa isip.

“Natagpuan na niya kung ano talaga ang gusto niya at kung saan siya magiging masaya, that’s why.”

Bigla siyang napalingon sa pintuan sa may kaliwang side ng parlor nang ito’y bumukas.

“Sino ang naghahanap sa akin Auntie?” tanong ng baklang nakatirintas ang medyo mahabag buhok na nakasuot ng mini-skirt at tube na damit. Nakatiwas pa ng mga kamay nito na palagay ko ay bagong manicure lang.

Napanganga siya sa nakitang tao na lumabas doon. Kinikilala niya ng husto kung siya nga ba iyon. Nagbago man ang itsura nito hindi parin maikakailang na lalaki pa din ito dahil sa matambok na adams apple.

“OMG!” napatayo siya kaagad. “Charlie ikaw ba iyan?”

“Who’s Charlie, my dear it’s Chen ‘d Empresz,” taas noong pag-tatama nito.

“Chen ‘d Empresz!” bigla siyang napangiwi.”Ano ang nangyari sa iyo? I mean, bakit naging ganyang itsura mo? Bakla ka na ba?

“Gaga!” nakangiti ito lumapit sa akin para makipagbeso-beso. “Eto na ako ngayon, ang tunay kong katauhan. How are you Ashgab? It’s been long five years since we’ve seen each other.

Wala pa rin siyang maapuhap na magsalita at makakilos. Sa mga oras na pwede na siyang lamunin ng lupa dahil sa sobrang pagka-shock.

***

“Pre, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko..Remember mo ba si Charlie, yung laging pinakiki-alaman yun mga suot ko pati na ang makeup na ginagamit ko.

“Why? What’s the news about him?”

“We’ll Charlie was already a gay, and he change his name into Chen ‘d Empresz.”

“So anong plano mo ulit ngayon?”

“Ano pa eh ‘d hanapin ulit ang isa pang nangligaw.”

“We’ll friend, goodluck.”

Pagkatapos nilang mag-usap muli ni Pre, pinuntahan niya ang address ni Larry. Pagkarating doon, ang sabi ng katulong na naabutan ko sa kanila ay wala raw ito doon pero binigay niya ang address kung saan ko siya makikita.

Tamang-tama malapit lang dito yun, pero bakit sa isang simbahan? Pagpakasok ko sa loob tama naman ay meron akong napag-tanungan doon kung nandon ba ang hinahanap ko. Ang sabi ay maupo muna raw ako at tatawagin lang raw niya ito.

Masyado naman yatang relihiyoso si Larry, sabagay noong nililigawan niya ako sangkaterbang bible quotes ang natatanggap ko sa kanya, sulat man or text.

“Ashgab!” maya-maya lang ay narinig niya ang boses nito ng tawagin siya.

“La-larry, I—I can’t believe it.” Laking gulat niya nang makita itong nakapang-suot ng pang pari kaya nang makalapit ito, napamano tuloy ako.

“Kaawaan ka ng Diyos.” sabi nito. “Long time no see, huh!” I’m not expecting na makikita kita dito.”

“La-larry, I mean Father, bakit ka nagpari? Tanong kaagad niya dito.

“What a question,” Alam mo naman na mahilig na akong magbasa ng mga bible at eto nga pinalad na maging pari. At ano naman ang aking maipaglilingkod sa’yo, pumunta ka ba rito para mapagsilbihan ang ating Panginoon?”

“Salamat Father,” pero hindi po ako nag-punta rito dahil doon, nanganga-musta lang po ako. Hindi na niya nasabi ang pakay niya rito dahil impossibleng mangyari iyon. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala.

May oras pa naman kaya nang meron madaanang Phone Directory ay hinanap ang telephone numbers at Address ni Marlon Sarta. Nang mahanap niya ito ay pinuntahan kaagad niya address na nakuha.

Pagkakita niya kay Marlon, medyo ok pa naman ang itsura niya, guwapo pa din ito yun nga lang tumaba at malaki ang tiyan.

“Hi Marlon, kamusta na? medyo hiyang tayo ngayon ha!?”

“Ashgab anong ginagawa mo dito? gulat na tanong nito sa kanya.

“Wala lang, binibisita ka lang naman. Masama bang bumisita?”

“Hindi, hindi naman sa ganun, ang tagal na kasi nating hindi nagkikita kaya nasorepresa lang ako sa biglaan mong pagdating.”

“Gusto kasi kita sorpresahin, kaya eto ako ngayon.”

Magsasalita pa sana ito nang may batang umiyak.

“Papa, si dikong binatukan ako ng tsinelas.”umiiyak pa din ito.

“Nasaan na ba yang dikong mo? lumapit si Marlon dito at pinunasan ang luha ng bata.

“May anak ka na pala? nadismayadong si Ashgab.

Hindi muna ito sumagot at sunod-sunod lang na tango ang tinugon niya sa akin.

“Sampu silang mga anak ko.” Isa-isa nang nagpakita ang mga anak niya sa akin.

Nang biglang tumunog ang telepono na nakapatong sa lamesa.  Sinagot ito ni Marlon at nang matapos makipag-usap humarap muli siya sa akin.

“Pasensiya ka na Ashgab kung hindi kita maeestima, asawa ko yung tumawag at tinanong ako kung nakapag-luto na ako ng hapunan namin. Hindi pa ako tapos maglaba eh! kaya hindi ko pa nauumpisahan magluto. Ang kukulit kasi nitong mga anak ko.”

“Ha! Nasaan ang asawa mo? Anong trabaho mo?

“Eto ako ngayon isang houseband, bali nagpalit kami ng pwesto ng asawa ko, siya ngayon ang nagta-trabaho tapos ako dito sa bahay. Mailap kasi ang swerte sa akin.

Halatang under-de-saya! aniya sa loob-loob niya. Kung ganito lang ang magiging asawa ko tatanggapin ko nang maging maging matandang dalaga kesa ako pa ang magpakuba sa pagta-trabaho.

Laglag ang balikat niya nang umuwi siya ng bahay.

***

Kamusta ang pang-huhunting ng asawa?” sabay na natanong ng kanyang tiya tam at lola glo sa kanya nang madatnan niya itong nagbibilang ng pera mula sa Bakery na sa simula palang ay bumuhay na sa kanila.

“Sino naman ang maysabi sa inyong nanghu-hunting ako ng asawa? Humiga sa sofa at iniunan ang throw pillow sa ulo.

“Si Precila, tumawag dito, kanina ka pa hinahanap.” ang sabi ng tiya tam niya.

“Hindi mo raw sinasagot ang cellphone mo,” dugtong naman ng lola glo niyang payat ni minsan eh hindi na ito tamaba. Likas na itong payatot simula na noong kabataan nito kahit na malakas itong kumain.

Pakarinig niyon ay kinuha kaagad ang cellphone sa bag at tiningnan, Puro missed call nga ni Pre. Marahil dahil sa mga shocking na nangyari sa akin ay hindi ko namalayan ang tawag niya.

“Ang sabi pa niya hindi ka raw ngayon pumasok sa opisina sabi ng tiya tam niya. Iisa lang kumpanyang pinagtatrabahuan nila. Parehas silang supervisor ng magkaibang departments. “Kung ikaw ay nagsasawa na sa trabaho mo, eh, d mag-resign ka na lang at tulungan mo nalang kami rito ng lola glo mo.

“D po pa lola glo, maganda ang idea ko?” tanong niya dito.

“Oo nga naman apo,” pagsang-ayong ng kanyang lola glo.” Paayos natin itong Bakery para  marami tayong maintinda eh d mas lalaki pa ang kita natin.”

“At gusto niyong ako ang mag-bake ng mga tinitinda natin. Pinataas ang isang kilay. “ Eh, di  mas lalo akong hindi makakapag-asawa kung laging nasa loob lang akong bakery. Sino pa hong lalaki ang magkaka-gusto sa akin na amoy pawis dahil sa kagagawa ng tinapay?”

“Asus!” nagreact ang tiya tam niya. “Alam mo habang nagka-kaedad ka, mas nagiging masungit kaya wala ang nagtitiyagang manligaw sa’yo. ‘Pag lagi kang ganyan, aba’y talagang lilipasan ka na ng panahon. Alalahanin mo nasa lahi natin ang matatandang dalaga. Kapag lumagpas ka ng trenta anyos eh, hindi ka na makakapag-asawa. Nanay mo lang ang nakapag-asawa sa amin. Kahit na sa panig ng iyong ama eh may lahi din sila ng matatandang binata.

Mas lalo siyang naalarma nang sabihin iyon lola tam niya. Isang taon nalang at trenta anyso na siya. Paano kapag hindi na niya nakita ang groom niya?

“Gusto mo bang maglagay ako ng karatula sa  labas ng bahay?” o kaya magpa-advertise tayo sa diyaryo ng “Wanted: Husband”? Sabihin mo lang ang mga requirements mo.”

Iiling-iling siyang pumanhik sa kaniyang kwarto. Kahit kalian wala talaga siyang magiging problema sa kaniyang lola glo at tiya tam. Namatay sa isang aksidente ang aking mga magulang kaya sila na ang nag-alaga at nag-paaral sa akin. Parehas silang walang asawa, gaya nga ng sabi nila kapag ikaw ay lumagpas na ng trenta anyos ay hindi ka na makakapag-asawa at yun nga ang nangyari sa kanila. Si lola glo ay kapatid ng lola ko at si tiya tam ay kapatid ng nanay ko, parehas silang nasa side ng nanay ko. Halos lalaki ang mga kapatid ng tatay ko, may isang babaeng kapatid ngunit nagpakamatay ito dahil sa kadahilanang iniwan ng nobyo.

Hindi pa man siya nakakapag-bihis ay tiningnan na naman niya ang mga pictures ng mga nangligaw sa kanya noon. Tanggal na listahan si Chen d’ Empress, Fr. Larry, Jake at Marlon. Ginawa na naman niya ng routine pag mamimili kung sino ang susunod. At litrato na naman ni Zed the Nerd ang tinapatan ng kayang daliri.

“Eww, pwede ba ayoko sa’yo, okay?” aniya sa picture nitong parang kuwago. “Maawa ka naman sa magiging anak natin. Bale-wala kung matalino ka kundi naman kanais-nais ang itsura mo. Iniba niya ito ng pwesto pero siya pa rin ang itinuturo ng daliri niya.

“Hindi ito nakakatuwa ah!” Kaya minabuti na niyang huwag nang isali ang picture nito at nilagay sa side table niya. Nang muli niyang ginawa, tumapat na ito sa picture ni Kyle.

Si Kyle, her college suitor na pinsan ni Zed. Siya ang pinakamatagal na nangligaw sa kanya, sabihin na natin na meron kaming Mutual Understanding noon, sasagutin na sana niya ito nang bigla itong umalis at nagpunta sa amerika ng walang pasabi.

Ang pinagtataka mo lang naman ay bakit naging magpinsan ang dalawa, si Kyle ay ubod ng gwapo at itong si Zed ay super baduy. Ang balita niya ay may kaya ang mga pamilya nila kaya madali lang sa kanila ang umalis ng bansa.

“Nasa pilipinas na kaya siya? Sana available pa siya at panigurado mas lalo itong naging gwapo. Tinawagan kaagad niya ang numero ng bahay nito, buti nalang at naisulat ko sa address book ang telephone number nito.

“Hindi na po siya nakatira dito, “ang sabi ng katulong na sumagot ng telepono. “May sarili na po kasi siyang bahay.”

‘Ganun ba! maya alam ka ba kung saan ko siya pwdeng makontak o kaya address niya?” tanong niya sa maid.

“Aplikante po ba kayo para sa executive secretary?” usisa ng maid sa kanya.

“Ha, eh, o-oo,“ pagsisinungaling niya. “Ni-refer lang ako ng kaibigan ko sa kanya.”

“Pumunta lang po kayo sa LinkWorld sa Makati,” sabi nito. Doon niyo nalang ipasa ang requirements niyo. Bilin ho kasi sa amin kapag meron kaming mga kakilala na interesado sa nasabing posisyon.

“Itatanong pa sana niya kung sino ang pangalan ng pinsan nito pero binaba na nito ang telepono. ‘D bale nalang ang mahalaga eh alam ko kung san ko siya makikita, ang aking Kyle.

Talakayan

16 thoughts on “My Love is a Nerd : Chapter 3

  1. ganda ng story…hehe

    Posted by jessa fernandez | Oktubre 28, 2015, 11:10 hapon
  2. Haha lukaret

    Posted by Evelyn Pequiro | Hunyo 17, 2014, 10:02 umaga
  3. ahahah

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 6:52 hapon
  4. Haha

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 11:55 umaga
  5. ntawa aq sa mga nging suitor/bf..

    Posted by alma | Setyembre 4, 2012, 10:18 hapon
  6. ang gulo ah…

    Posted by ChasVic14 | Agosto 24, 2012, 6:14 hapon
  7. ayeeeeiiiii… nu ba yan….. lol……. desperada effect and girlalou d2. . .. nakaka amuse naman….

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 6:24 hapon
  8. .whaahh..meant to be nga talaga kayo ni Zed!.kita moh, palaging xa ang napipili moh..haha!.🙂

    Posted by michsoliva | Pebrero 22, 2012, 5:55 umaga
  9. magkikita na sila ni nerdy…

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 5:01 hapon
  10. sana lang talaga consistent ka sa paggamit kung 1st person, 2nd or 3rd para di masyadong confusing.. hehe.. napansin ko lang naman..

    *looking forward to the next chapters.. thanks🙂

    Posted by Myr | Disyembre 28, 2011, 1:34 umaga
  11. haha hirap naman maging desperada sa pag aasawa.. naku!! goodluck sau Ashgab!…

    Posted by aann023 | Disyembre 15, 2011, 6:03 hapon
  12. desperate na si ashgab na makahanap ng mapapangasawa. hehe

    Posted by mae | Nobyembre 22, 2011, 10:08 umaga
  13. hmmm…ayan chance na..mag pretend ka na applicant

    Posted by Liv | Nobyembre 10, 2011, 11:42 hapon
  14. Ehhhhh!! Ashgab bka maging forever single ka n..tsk tsk at c zed ibang level n sya.. wafu!!

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 8:17 hapon
  15. wow mukang gumaganda to ahh..next na po plz.z…tnx

    Posted by eizzy | Oktubre 6, 2010, 8:28 umaga
  16. ang ganda na…

    Posted by sweet _anne | Oktubre 5, 2010, 3:37 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: