binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER SEVEN

CHAPTER SEVEN

“Ma’am Naya!” ang magiliw na salubong sa kanya ng kasambahay nang makauwi siya.

Inirapan niya ito at dumeratso sa loob. Sipsip!

Matapos nilang makapananghalian ni Gale kanina ay napagdesisyonan niyang umuwi.

Babawi siya sa mga kasalanan niya sa kuya niya.

“Ang kuya?” mataray na tanong niya sa kasambahay.

“Ay hindi pa po dumarating, nagbilin po siya na gagabihin siya ngayon.”

“Ganon ba? Dalhin mo ang mga gamit ko,” utos niya dito bago ito talikuran.

Pagkatapos makapag hapunan ay nanood siya ng TV sa sala. Doon niya hihintayin ang kuya niya.

Ngunit hating gabi na wala pa ito. Nakatulugan tuloy niya ang paghihintay dito.

Paggising niya kinabukasan ay nasa sarili niya siyang silid. Kung papano siya napunta doon ay hindi niya alam.

“Baka dinala ako ni kuya,” napangiti siya sa naisip at masiglang naghanda.

Papasok siya ngayon. Huling araw na ng semester, magchecheck lang naman sila ng mga papel pero gusto niya paring pumasok para sa kuya niya.

“Ma’am, Ihahanda ko na po ang almusal niyo,” salubong sa kanya ng kusinera pagpasok niya ng dining hall.

“Dapat lang. Ang kuya?”

Napakunot ang kausap. Sanay na kasi ang mga ito na ‘James’ lang ang tawag niya sa kapaitd.

“Si sir James po ba?”

Nainis siya dito, may ibang kuya pa ba siya? Haler!!!

“Bakit may iba pa ba akong kuya?” naiiritang sagot niya.

“E umalis na po, ma’am.”

“Ganon?” Tumaas pa ang kilay niya. “Sige na, ang pagkain ko at male- late na ako.”

Pagkatapos ng klase nila ay umuwi siya agad ng bahay. Wala pa ang kuya niya.

Matutulog muna ako.

“Ma’am,” iyon at marahang katok ang gumising sa kanya.

“What!?” asar na sigaw niya sa kasambahay. Pambihira naman o, ang ganda ng panaginip niya e.

“P-pinapatawag po kayo ni sir James sa study,” nahintakutang sagot nito.

Napangiti siya at mabilis pa sa kidlat na lumabas ng silid.

“Pinapatawag mo raw ako?” nakangiting tanong niya sa kapatid nang makapasok sa study.

Tumingin ito sa kanya at iminwestra ang upuan sa harap ng table nito.

“Sit,” utos nito. His expression was blank. Galit pa siguro ito sa pagpapahiyang ginawa niya rito kahapon.

Sumunod siya. Ayaw na niyang lalo pang magalit ito sa kaniya.

“Camille, tomorrow is the forth anniversary of R & J,” anitong tinukoy ang firm na pinatayo nito at ng kulugo nitong kaibigan.

“I don’t want you to be there,” malamig na sabi nito.

Nasaktan siya sa sinabi nito. Galit talaga si kuya sa akin, sa isip-isip niya.

“Ok,” pagsang-ayon niya kahit pa tila mababasag ang puso niya. Kung sabagay kasalanan nga naman kasi niya.

“That’s all,” sabi nito at ibinalik ang mga mata sa mga papel sa ibabaw ng lamesa nito.

“I’m sorry,” mahinang sabi niya.

Nag-angat ito ng ulo. “Pardon?” Gulat na sabi nito.

“I said I’m sorry!” sinigawan niya ito at mabilis na tumakbo palabas ng study ng kuya niya.

Mahirap kayang mag sorry no. Unang beses ‘yon na nag sorry siya. Kahit kay Gale kasi hindi siya nag so sorry.

Bakit ayaw siyang padaluhin ng kuya niya sa celebration? Natatakot ba itong gumawa siya ng gulo? O baka ayaw nitong makasama siya sa celebration na ‘yon? Huli na nga siguro ang lahat, masyado nang nagalit ang kanyang kapatid. Huli na para sa pagbabago niya.

Habang naghahanda siya sa pagpunta sa condo ng kuya niya ay iyak siya ng iyak. Iyon ang utos ng kuya niya. Doon muna siya hanggang matapos ang celebration ng 4th anniversary ng kunpanya nito na gaganapin sa bahay nila.

Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa kaibigan niyang si Gale.

Umiyak ulit siya ng umiyak dito.

Bandang hapon nang makatanggap siya ng tawag mula sa barkada niyang si Jairus. Nagyaya itong mag-inuman, at dahil depressed siya umuo siya sa mga ito. Sumama rin si Gale para daw may magbabantay sa kanyang angel dahil puro devil ang mga kasama niya.

“Anong problema ng isang ito at parang pinagbagsakan ng langit at lupa?” saad ni Karla na siya ang tinutukoy.

“Ask her,” malumanay na sabi ni Gale. Inis ito sa mga barkada niya. Ayaw kasi nitong lagi siyang niyayaya sa inuman.

“Hey, girl. What’s up?” tanong ni Karla habang inaakbayan siya.

“Nothing,” sagot niya at tumungga ng alak.

“Nothing? E ba’t parang gusto mong inumin lahat ng alak dito?” si Jairus, ang ex niyang friend nalang niya ngayon.

“Ano bang bago dun, e lagi namang gahaman sa alak yang si Naya a,” pagbibiro ni Carl.

“Kung si James nanaman yan,” panimula ni Jairus. “Why not get a revenge kung ano man ang nagawa niya sa’yo.”

Hindi nakaligtas sa paningin niya ang matalim na titig ni Gale sa dating katipan.

“Will you stop!” galit na ba si Gale?

“Ghale, shhhh,” sabi niya. Lasing na siya. Naka ilang bote na ba siya? “Tama shi Jhai, makikita ng khumag nha ‘yon ang hinahanap nhiya. Abha, mhat pashori shori pha akoh.”

“Naya, lasing ka na,” nag-aalalang sabi ni Gale.

“Kailan ba hindi,” pang-aasar naman ni Carl

“Ghale, huwi nha nga tayoh. Lashing na nga ako.” tumayo na siya. Buti nalang maagap sa Jairus kung hindi ay sahig ang kahalikan niya ngayon.

“Thehenksh,” sabi niya bago nagpaalalay kay Gale palabas ng bar.

“Gosh, sana wag ang kuya mo ang mag bukas ng pinto.” si Gale habang lulan sila ng taxi at pauwi na.

Tumawa siya. “He ish enjhoying hish night. Mapapanshin lhang tayoh phag nagppapanshin na akho,” ang lakas ng tawa niya.

“Oh no, sis.Whatever is on your mind right now, please don’t,” pakiusap ng kaibigan.

Tinignan niya ito at nginitian ng makahulugan. “Har yu werid bowt kuyah? Don’t. Hil bi fahayn.”

“Sha likhod tayo dhaan, am shur nhandun shi khuya, yul shi him don’t weri.”

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

11 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER SEVEN

  1. hahaha wawa nman pasaway kasi ei

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 2:39 hapon
  2. d q like ang mga lasenggera..jejeje..peace

    Posted by alma | Setyembre 3, 2012, 11:32 hapon
  3. graveh…. pasaway talaga c camille..

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 5:08 hapon
  4. nako. anu naman kaya ang pinaplano ni naya? abangan. ^_^

    Posted by angel_YL | Disyembre 4, 2010, 5:30 hapon
  5. @ tracy: thanks to you, uhm hindi po ata pwedeng pabilisan kasi na schedule na po ng moderators…

    @ readers: alam ko pong naiinip na kayo, pagtiyagaan niyo na pong antayayin maraming salamat po…. umwah!

    Posted by kuletnimbles | Oktubre 15, 2010, 11:41 hapon
  6. sana naman maaga posting netoh! pls naman po, binabasa ko na ung story ni gale sa forum! sana matapos na pls!! :)) love ur story more power!🙂🙂🙂

    Posted by tracy93 | Oktubre 9, 2010, 2:45 hapon
  7. ang gnda pero nkkbitin.. sna mpost n po agd ung next chapter..

    Posted by chelley23 | Oktubre 9, 2010, 6:47 umaga
  8. next chap na plzzzzzzzzzzzzzzz……………

    Posted by sweet _anne | Oktubre 4, 2010, 9:04 umaga
  9. ayyy… nakaka-excite nman ang mga next chapters…

    Posted by Khira | Oktubre 2, 2010, 10:21 hapon
  10. awww kkabitin nmn po…next n po ulit..

    Posted by eizzy | Oktubre 2, 2010, 6:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Oktubre 2010
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: