binabasa mo ang...
My Love Is A Nerd

My Love is a Nerd : Chapter 2

Chapter 2

“Tao po,” kumakatok siya sa gate, “pwede po bang mag-tanong?”

“Ano ang kailangan mo ineng?”

“Magandang umaga po, may hinahanap lang po ako, kilala niyo po ba si Jake De Vera?” aniya sa ale.

“Ah, si Jake ba ang hinahanap mo? Pinag-buksan siya ng gate at pinatuloy sa loob ng bahay. Sandali lang ha? upo ka muna at tatawagin ko lang siya.” pumasok ito sa loob upang tawagin ito.

Nang maka-upo si Ashgab iginala ang paningin palibot sa bahay. Nag-punta siya sa dating tinitirahan niya noon ngunit may nakapag-sabing kapitbahay na sa tiyahin na siya nakatira at binigay naman nito ang address.

Saglit lang naman at bumalik narin ang tiyahin nito.

“Ano nga pala ang sadya mo sa pamangkin ko?” Tanong nito. At umupo ito sa pang-isahang upuan habang hinihintay lumabas si Jake.

Napangiting hindi kaagad makasagot dito. Ano nga pala ang sasabihin ko? Na wala pa akong asawa at desperado na akong makakuha.

“Manganga-musta lang po ako, for old times’ sake.” Sinundan kaagad niya ng matamis na ngiti. “Meron na po ba siyang girlfriend? O asawa po kaya?

Napa-iling nitong sagot, “Wala na yatang planong mag-asawa iyan, simula kasi nang maaksidente at namatay ang mga magulang, lagi nalang naka-kulong dito sa bahay.

Mag-kukuwento pa sana ito nang may lumabas sa loob ng kwarto.

Na-bigla ako sa aking nakita dahil naka-wheelchair na siya.

“Eto na pala siya, tumayo na ito, maiwan ko na kayo para makapag-usap.”

Tumungo ako at nag-pasalamat, “Salamat po at ikinagagalak ko po kayong makilala.”

“Upo ka,” aniya sa akin, “ano nga pala ang mapag-lilingkod ko sa iyo? Walang kangiti-ngiting sabi niya.

“Wala naman, nanganga-musta lang. Kamusta ka na?”

“Sa nakikita mo ngayon, masasabi mo bang ok ako?”

“Jake, huwag ka naman ganyan.”

“Sana namatay na rin ako kasama ng magulang ko, nabuhay nga ako pero naputol naman ang dalawang paa ko. Ano pa ang silbi ko.”

“Huwag kang mag-salita ng ganyan, lumuhod na ako sa tapat niya at hinawakan ang kanyang mga kamay, nabuhay ka dahil meron pang plano ang Panginoon sa’yo, huwag kang mawalan ng pag-asa.”

Nagtagal lang ako ng mahigit isang oras sa kanila, marami rin kaming napag-usapan, naikuwento rin niya kung papaano nangyari ang aksidente at naging buhay niya simula noon. Umalis ako sa kanila na may ngiti akong nakita mula sa kanya.

***

“You won’t believe this, wala nang mga paa si Jake. Kausap niya si Pre sa cellphone habang naglalakad sa kahabaan ng Ortigas. Kagagaling lang niya sa bahay ng tiyahin ni Jake na kasalukuyang doon na ito nakatira.

“What! Anong nangyari?”

“Ganito kasi iyon”, ikinuwento ko ang kung papaano ito naaksidente at sa pagkamatay rin ng mga magulang nito. “Yun ang buong pangyayari.

Awang-awa ako sa kanya nung nakita ko ang itsura niya.”

“So anong plano mo ngayon? Sino ang next hunting mo?”

“Yeah, right. I never imagined na ganito ako ka desperado. Magtetrenta na kasi ako. Hindi pwedeng abutan ako ng susunod kong kaarawan ‘pag hindi ko pa nakita ang groom ko. At ‘pag nangyari iyon magiging old maid na ako.”

“Hindi ka ba papasok ngayon.” tanong nito.

“Nag-leave ako remember, alam mo na birthday.”

“Bakit isang araw lang ‘yon ah?”

“We’ll, itutuloy ko nang vacation leave, tutal naman ngayon lang ako magba-bakasyon simula nang magka-trabaho ako, kaya nga siguro umabot ako sa edad na ito dahil sobrang busy sa work.”

Napatingala siya sa langit at nagsimula nang pumataka ang ulan. “Sige na Pre, I’ll hang up, it’s raining! Nakalimutan ko pa namang magdala ng payong.

“Ok, maghanap ka na ng masisilungan diyan at medyo busy ako.”

“Ok, I’ll call you later. Bye.”  Pagkatapos ng pag-uusap naghanap kaagad siya ng masisilungan at tumakbo sa isang restaurant.

Tamang-tama, lunch time na, gutom na rin ako. Nag-punta muna sa restroom upang makapag-ayos saglit, nang bubuksan na sana niya ang door knob meron boses na nagsalita sa likuran niya.

“Miss, nalaglag mo!”

Kaagad siyang humarap sa pinag-mulan ng tinig. Isang gwapong lalaki ang nakita at hawak nito ang kanyang nalaglag na panyo.

“Panyo mo nalaglag.”

“Sa-salamat. “Kinuha niya dito ang panyo na nakalahad sa mga kamay nito, pagkuwa’y nagkasalubong ang mga mata nila. He looked familiar? Saan ko kaya siya nakita? Meron lang siguro siyang kahawig sa mga kaibigan ko or mga manliligaw ko noon kaya nasabi kong may kahawig ito.

“Excuse me, “ sabi nito at tumalikod na.

Sinundan niya ito ng tingin. Habang ito’y naglakad, pinag-masdan ko siya, hmm bukod sa matangkad at maganda ang tindig na para bang alagang alaga sa ehersisyo ang katawan. Kahit na ito’y nakatalikod naiimagine ko pa din ang mukha niya. Manipis ang buhok niya, maputi at siyempre malakas ang sex appeal. He was wearing an executive suit, siguro may ka meeting siya dito.

Dumiretso na ako sa loob ng ladies’ room at nang nakapag-refresh na umorder na siya ng kaniyang kakainin. Lumingon siya at hinanap ito, nakita niya na naka-upo ito sa gilid ng restaurant at meron ng mga kasama. Yun na siguro yung mga ka-meeting niya.

Nang matapos ihain ang order niya, doon siya pumuwesto malapit dito. Habang kumakain pasulyap-sulyap siya rito.

Kung ganyang klaseng lalake ang liligaw sa akin, sasagutin ko kaagad siya at hindi lang iyon baka ako pa ang mag-aayang magpa-kasal kami. He has a perfect teeth na pag-ngumiti siguro ito’y para kang nasa ulap. Napa-ngiti siya sa iniisip niya.

Hindi sinasadyang napasulyap ang lalaki sa kanya. Binigyan niya ito ng napakatamis na ngiti pero he didn’t smile back as what she’s expected.

Suplado, aniya niya. Kunsabagay meron kang dahilan para mag-suplado dahil artistahin ka. And I’m sure marami kang naging girlfriend na pina-iyak na pang Miss Universe ang ganda. Bakit ko pa ba siya pinag-aaksayahan ng oras.

Kinuha niya mula sa bag ang mga dalang pictures ng mga dati niyang manliligaw. Inihilera niya ito, tinangal na niya ang picture ni Jake. Tahimik siyang nag-salita at mini mini mino mo sino sa kanila ang isusunod ko.

Napangiwi siya nang makita ang litrato kung saan nakaturo ang daliri niya.

Oh, my… pa’nong naligaw rito ang picture ng nerd na ‘to? Kinuha niya ang litrato at tinitigan. Napangiwi ulit. Picture yun ni Zedrick Saher Reyes o mas kilala sa pangalang Zed the Nerd, siya ang manliligaw niyang ubod ng baduy.

Top one ito sa kanilang university, ngunit never itong nagka-girlfriend dahil na rin sa pagiging nerd nito. Parating naka gel ang makapal nitong buhoy. Malaki at sobrang kapal ng salamin na graveh sa laki ng bilog ang hugis. Lagi nitong suot at polo shirt na fitted tapos bitin pa, katerno nito ay pantalong bitin din tapos ang sapatos ay rubber shoes na orange or violet ang kulay.

“No, no, no, never ko itong papatulan kahit siya nalang ang natitrang lalaki sa earth.” Iiling-iling siyang bumubulong habang tinititigan pa din ang picture nito.

Naalala pa niya noon na nagpapadala ito ng bouquet of red roses na sinamahan pa nito ng card at picture. Nakonsensiya naman siya na sunugin at itapon ang picture nito kaya isinama nalang niya sa mga collections niya.

Nang iangat niya ang kanyang mukha dahil parang napansin niya na may nakatingin sa kanya, hindi nga siya nagkamali. He gave her a meaningful stare. Parang meron itong sinasabi na hndi niya mawari.

Napakislot siya nang  tumayo ito ay lumakad patungo sa kanya. OMG, he’s coming to me! Ano ang gagawin ko? Kailangan maipakita ko sa kanyang  smart, beautiful and nice ako.

Yumuko ito at may dinampot sa sahig bago niya ako kinausap. “You’ve dropped this again,” sabi nito at sabay abot sa akin ng panyo ko.

Sumulyap pa ito sa mga pictures na nakahilera sa mesa ko.

“Thank you, “ sabi ko at sabay kuha ng panyo sa kanya. “I don’t—“ Hindi ba niya naituloy ang sasabihin  dahil kaagad itong tumalikod paalis. Hindi siya intersado na makilala ako? Nanlumong bulong niya sa sarili. Gentleman talaga siya.

Muli niya itong sinulyapan ngunit laking pagdismaya niya dahil busy na ito sa pakikipag-usap sa mga kasama nito.

Ang guwapo talaga niya, habang nakasulyap pa rin siya dito. Pero nakakadis-appoint dahil wala na siya appeal sa kagandahan ko. Paano ko kaya siya makikilala? Nakakahiya naman kung lagi nalang niya pinupulot ang panyo ko d ba.

Nang lumaon umalis na rin ito pati na ang mga kasama niya. Wala man lang sulyap na mula dito. Susubo na sana siya nang merong nasulyapan sa ibabaw ng lamesa na inupuan nila. Papalapit na ang waiter para ligpitin ang pinag-kainan kaya inunahan na niya ang waiter at nakita nga niya kung ano ito.

Car keys ang nakita niya.

Dinampot niya ito at saka lumabas patakbo palabas ng restaurant. Nakita niyang nakatayo ang lalaki sa harap ng sasakyan nito at napansin niyang may kinakapa ito sa bulsa, hinahanap yata niya ang susi ng kotse nito. Talagang sinusuwerte ka nga naman, napangiti siya. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. “Ito ba ang hinahanap mo?” tanong niya dito at sabay taas ng susi.

“Yes, thank you,” sagot niya at kinuha ang susi sa kamay niya. Hindi niya inaasahan nang mabuksan na nito ang kotse at bigla nalang itong sumakay at umalis. Inaasahan pa ‘man din niya na makikipagkilala ang lalaki sa kanya pero hindi nangyari.

Suplado talaga, umuusok pa ang tambutso nang papalayo ang kotse nito. Akala ko swerte na yun pala malas din! Hmp, gigil niyang sabi sa sarili. Kung bakit kasi hinabol-habol ko pa ang supladong iyon.

“Ma’am,” ang sabi ng security guard ng restaurant.

“What?” pasigaw niyang tanong dito.

“Pasensiya na po, hindi pa po kasi kayo nagba-bayad ng kinain niyo.”

“Hindi ako tatakas!” gigil niyang sabi rito. “Meron lang akong hinabol na ubod ng suplado.” Umirap siya dito at saka pumasok sa loob ng restaurant, inilagay ang mga pictures sa bag at binayaran ang pinag-kinain

Talakayan

27 thoughts on “My Love is a Nerd : Chapter 2

  1. toinkz..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 6:41 hapon
  2. Haha sya na un! C zwd. .

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 11:44 umaga
  3. Un n si Zed…ubod n ng guwapo..

    Posted by alma | Setyembre 4, 2012, 9:33 hapon
  4. si zed ba yon ? ang suplado naman niya.

    Posted by marshmallow | Mayo 2, 2012, 1:18 hapon
  5. haha…. nagkita na sila….. naks….

    Posted by prettii_ren | Abril 18, 2012, 6:12 hapon
  6. I have a feeling nah that guy was Zed..hehe..

    Posted by michsoliva | Pebrero 22, 2012, 5:22 umaga
  7. dedma ang beauty ng lola🙂
    distracted lang po kasi parang may narration…

    Posted by maritel go teves | Enero 12, 2012, 4:37 hapon
  8. ang labo kanina may narrator pa.. ngaun 1st person na ang nagsasalita.. maganda po ang kwento,, un nga lang medyo madaming typo kaya medyo magulo.. un lang..

    salamat ang cute ng story🙂

    Posted by Myr | Disyembre 28, 2011, 1:05 umaga
  9. haha naku deadma si Ash sa cute guy.. palagay ko si Zed un.. hmmm
    next chapter na!!! wohooo.. bawal mabitin.. ^O^

    Posted by aann023 | Disyembre 14, 2011, 7:10 hapon
  10. nakakahiya..hehe

    Posted by mae | Nobyembre 18, 2011, 11:33 umaga
  11. i think ang guy na yon is the nerd guy na nanligaw sa kanya.whahaha….

    Posted by Liv | Nobyembre 9, 2011, 10:01 hapon
  12. Nakakahiya naman!
    :))

    Posted by Delaney1018 | Abril 11, 2011, 12:05 umaga
  13. like it! Like it! I Like this chapter!

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 5:30 hapon
  14. shocks!! gurl!! na-snob ang beauty mo,, hehe curious tlga ako s story kea khit mejo nangangapa ako s compositions of words,, ok lng,, di man kc ako sanay n first person POV ang gamit =)

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 8:15 hapon
  15. Si Zed ‘yun! Aggghhh. Paano kaya siya nag-transform from the nerdy type to the i’m-so-high-and-handsome-i-don’t-care-about-the-world type?

    Eggzited.😀

    Alam kong maraming istilo ng pagsusulat, pero kasama ba talaga ‘yung mga naglalahong ” ” [panipi, quote, kung ano man tawag diyan] kasi may mga statement na kailangan nun pero wala. Iyon lang, para di tayo magkagulo sa pagbabasa.😀

    Posted by tamago | Oktubre 20, 2010, 9:27 hapon
  16. kung lahat ng suplado at ganyan ka gwapo! ok lng na habulin ko sya. hehehe

    Posted by Sheryl | Oktubre 11, 2010, 11:07 hapon
  17. Ganda nxt na plz.

    Posted by Cristine | Oktubre 9, 2010, 4:41 hapon
  18. nxt chapter na po pls …. pangalawang basa ko na >.<

    Posted by xxBunZxx | Oktubre 2, 2010, 10:50 umaga
  19. ganda! excited na aq! heheh.//

    Posted by Chiara | Oktubre 1, 2010, 8:04 hapon
  20. super gnda ng story…….sna next chapter na agad……excited na ako!!!!!!!!!!!

    Posted by angeline02 | Oktubre 1, 2010, 2:33 hapon
  21. waahhh bitin naman po..

    Posted by eizzy | Oktubre 1, 2010, 2:08 umaga
  22. hula ko si zed hehee next pls..=D

    Posted by rioangela | Oktubre 1, 2010, 1:53 umaga
  23. ang ganda ng story.. gwapo na si Zed..hihi cn’t w8 4 d nxt chpter.. :))

    Posted by cess | Setyembre 30, 2010, 10:24 hapon
  24. sana po mag karoon na kaagad ng next chapter. thank you

    Posted by Sheryl of Dubai | Setyembre 30, 2010, 8:03 hapon
  25. Nice… sino kaya yung guy na yon??? si Zed ba yon??

    Posted by xxBunZxx | Setyembre 30, 2010, 5:29 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: