binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 2

“Hoy! Thalia! Tulala ka na naman diyan!” sigaw sa kanya ni Girlie. Hindi na pala niya namamalayan na tulala na naman siya.

“Ha? Hindi noh!” tanggi naman niya.

“Oh sige nga. Anong masasabi mo sa tumataas na presyo ng gasolina?” tanong naman ni Angel.

“Sugod mga kapatid! Mag-rally tayo! Ibaba ang presyo ng gasolina!” agad naman niyang sigaw.

“Kita mo nga! Hindi talaga nakikinig si Thaliah! Parang ewan! Kanina pa yan” sulpot naman ni Fam.

”Hay mga bruha, hayaan niyo na yan! Epekto lang iyan nang madalas na pag-inom ng kape. Lantakan na lang natin itong baked macaroni ko!” sabi naman ni Kyla.

“Di ba dapat maging nerbyosa ka at hindi nakakatulog pag parati kang umiinom ng kape? eh sa case niya iba.” biglang sabi na Fatima

“Sino ka? Asan mo dinala ang kaibigan namin?” sabi ni Kyla

”Hay! Thalia! Kanina pa namin pinag-uusapan ang next gig natin! Ikaw pa naman itong vocalist tapos wala ka sa focus! Focus men focus!” sigaw ni Girlie tsaka pumitik pa sa harapan ng mukha niya.  Hindi niya alam kung bakit ganoon ang mga kaibigan niya but they all excel in their fields. Siya bilang isang model na patagong nagiging call center agent pag-ginusto niya. Siguro kung hindi siya naging model ay iyon ang trabaho niya ngayon.

Si Fatima naman ay isang model/actress. Yun lang ang pinagkaiba nila. Plus factor nito ang pagiging actress. Sikat na sikat ito kaya di niya malaman kung bakit di pa nabubunyag ang pagiging lukaret nito. Iisa rin ang manager nilang dalawa. Si Angel naman ay fashion designer. Hilig kasi nitong mag-disenyo ng mga damit. Sikat na sikat ang mga damit nito dito sa Pilipinas tsaka sa abroad kaya wala silang alalahanin sa damit ang kaso nga lang walang discount. ito ang pinakakuripot sa kanilang lima.

Si Girlie naman ay nagmamay-ari ng chain of malls. Marami ng branches ang Shoppers Shopping Mall nito kaya medyo pagpapayaman ang goal nito sa buhay. Kahit may mall ito ay hindi pa rin niya pinapayagang mangutang at tumapak sila doon. Baka raw di na bayaran at magkagulo pa ang mga tao pagpumunta sila doon.

Si Kyla naman ay isang Patissiere and Chef. Palagi itong nananalo sa sinasalihan nitong mga contest, hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa abroad kaya sikat na rin ito pero sa tuwing nagdadala ito ng luto nito para kainin nila ay pinagbabayad  pa sila nito. Paliwanag nito ay wala ng libre sa mundo. Nagmamay-ari rin ito ng bakeshop at coffee house. Sa kabila ng mga busy life nila ay hindi pa rin nila nalilimutan na mag-set ng schedule para sa get together nila. Minsan sa bahay nila o di kaya sa mall, bakeshop, restaurant o botique. sa madaling sabi, kahit saan-saan sila napapadpad pag-magkakasama silang lima.

“Hoy! Sabi ko sayo focus! Ba’t ba natutulala ka na ngayong mga nakaraang araw? May problema ba? Love life?Pera? Mundo? Pagkain? Ano? Sabihin mo!”  sabi ni Fatima sabay yugyog ng balikat niya.

“Banda kayo dyan! Kung pag-uumpugin ko kaya kayo dyan? Ayan na naman kayo sa pangarap niyong nililipad ng hangin and you want to know my problem? Nagsasawa lang nman ako sa trabaho ko ngayon kaya naiisip kong mag-quit tsaka i want to prepare for my future private life” sabi niya habang inilalayo si Fatima. Hindi na niya binanggit na war sila nang manager niya dahil alam niyang kakastiguhin siya ng mga ito. Hindi rin alam ni Fatima ito, hindi niya masabi-sabi dahil baka mag-wild ito.

“Uy! Nakakain ba yan?” sabi ni Kyla

“O pwedeng ibenta para may pera?”ani ni Girlie

“Pwede ba iyang beauty secret? Singit nang isa

“Bagong trend ba yan?” wika naman ni Angel

“Heh! Mga ungas! Mga self-centered talaga kayo! Puro kayo pagpapayaman eh mayaman na kayo”

“Kasi naman sister, you worry too much. Darating tayo dyan sa near future private life mong yan. Magkakaanak ka tsaka di ka mamamatay na virgin. Makakatagpo ka ng true love and you will live happily ever after with your prince at bakit ka nagsasawa eh dapat hindi nga, you’re the most popular model in the industry. Next to me of course. Mabangong-mabango ang name mo kaya bakit ka magba-back out” mahabang litanya ni Fatima.

“Salamat sa advise ha, wala na bang iba? Habaan mo pa nang kaunti sa susunod para madala-dala naman ako!” she said sarcastically.

“You’re welcome,sis!” nakangiti pa nitong sabi

“Tska Thaliah, alam mong di pa tayo ready sa ganyang bagay. All will fall into place in the right time kaya don’t worry at tayo nang mag-hapi-hapi!” anya ni Angel

“Birthday mo ngayon 3 in 1 plus 1. Birthtday mo ngayon its time to party!” kanta pa ni Girlie

“Hoy! Di ko birthday!” sigaw niya

“Kunwari na lang pero di naman masamang mag-advance!”

“Wooooo!”

“Tange!”

Hindi niya alam kung paano at kailan pero masaya siya at binigyan siya ng Diyos ng luka luka pero mapagkakatiwalaang mga kaibigan and that’s all she ever wanted.

Talakayan

4 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 2

  1. Nice. . Successful tlga ang career?

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:18 umaga
  2. ganda nang friendship..

    Posted by Sherilyn | Hulyo 31, 2013, 11:55 umaga
  3. saya ng samahan nila mga galing yata yan sa loob ng mental ei. . .hahahah
    (tawa ng tawa c aku ;p)

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 30, 2012, 8:47 umaga
  4. ano nga title nung story ni fatima?

    Posted by itsgonnabeme | Pebrero 13, 2012, 3:33 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: