binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 13 “Love Enemy” (The Finale)

Chapter 13 (The Finale)

“I just want to say that….“I hate you so much, kinamumuhian kita. I don’t need your love and get out of my life!” but ….

“Rowan .. “Don’t do this to me, please. I love you so much.”

Tumingin siya sa akin … lumapit at niyakap ako.

“Alam mo bang sobra akong nagalit sa iyo, sa ama mo nang sabihin niya ang katotohan  pero kahit anong galit ko sa’yo hindi ka mawala sa puso ko dahil ikaw at ikaw parin ang tinitibok nito…” sabay turo sa puso.

“Mahal na mahal pa rin kita sa kabila nang problemang ito. Tuwing makikita kita at kasama mo siya, alam mo ba na nag-seselos ako, I wish that it was me comforting you…

“Oh Rowan, ganun din ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita. Siguro nga hindi ko magawang magalit sa iyo sa kabila nga pagpapa-kulong mo sa daddy ko, dahil ikaw ang First Love ko, sa iyo lang tumbikok itong puso ko kahit na marami ang nang-liligaw sa akin.”

Inilayo ako ng kaunti sa kanya at tinitigan ako. “I love you Arabella.”

“I love you too Rowan.”

Bigla akong may naalala. “Paano nga pala kaso ni daddy? Tanong ko sa kanya”

<sigh> “Arabella meron siyang kasalanan, kailangan niyang panagutan yun sa batas hindi lang sa kasalanang pag-patay sa ama  ko kundi sa mga naging biktima ng drugs.”

“Huwag kang mag-alala, alam kong pinag-isipan ng daddy mo ang ginawang desisyon kahapon pero hindi naman mababawasan ang pag-mamahal ko sa’yo.”

Napangiti ako, tama siya kung hindi mapapanagutan ang kasalanan marami pang mga tao ang mabibiktima.

Sa loob ng korte kinabukasan, judge nalang ang hinihintay, ngayon na kasi malalaman ang desisyon . Kagabi ko pa inihanda ang sarili ko sa anumang maging desisyon.

Kanina pagdating namin ni Daniel, hinanap ko kaagad ng tingin si Rowan. Nang makita ko siya tumungo lang ako na para bang sinasabi ko sa kanya na handa na ako sa magiging desisyon.

Gusto ko muna sanang puntahan si daddy ngunit mahigpit talaga ang mga nagbabantay. Kahit anong pilit ko ayaw talaga nila. Kaya pumuwesto na ako sa likod ni daddy para mapuntahan ko kaagad siya pagkatapos marinig ang desisyon.

Pumunta na sa harap ang tagapag-salita upang basahin ang desisyon.

“May we request Mr. Alberto Santos to stand up.”

Tumayo nga ang aking ama.

“Sa pag-aaral ng ating hukom sa kaso at sa pag-presinta ng mga ebidensiyang pagpapatunay sa pagpatay sa biktimang si James Zaavedra.

Napatunayan ng hukom na ito na  si Albero Santos ay napatunayang nag-kasala sa pagpatay at sa kasong murder at sa kasong pag-gawa at pag-bebenta ng illegal na droga. Si Alberto Santos ay hinahatulan ng  panghabang buhay na pagkaka-kulong.” Sabay bagsak ng palo ng judge. “Case Closed.”

Sa pag-karinig sa desisyon, umiyak na ako at patakbong tinungo ang kinaroronan ni daddy sabay yakap ko sa kanya, buti nalang walang humarang.

“Daddy, I’m sorry, wala akong nagawa.”

“Ssshh.. tahan na. mas mabuti na ito kesa mas marami pa ang mapinsalang tao.”

“Pero daddy, paano ako? Sino magiging kasama ko. Daddy hindi ko kayang wala kayo?”

“Hindi ka naman nag-iisa, nandiyan ang mga kaibigan mo. Si Daniel, si Rowan.”

“Huwag ka nang umiyak, anak, pwede mo naman akong dalaw-dalawin dito.”

“Daddy iba pa rin yung kasama kita?”

“Hindi naman ako mawawala, pwede mo naman akong dalawin dito. Basta kung may problema ka puntahan mo lang ako.”

Halos ayoko nang humiwalay ng yakap pero kailangan na siyang dalhin sa muntinlupa. Pero bago lumabas ng court room meron hindi inaasahan na mangyayari.

Bigla nalang meron taong nagpaputok ng baril, sa dami ng taong nasa loob na gustong ma-interview si daddy at Rowan bigla nalang itong nahawi at natahimik sa  dahil sa putok ng baril. Pag-katapos marinig ang putok ng iyon ang mga awtoridad ay hinuli ang taong gumawa nito but I did not expect it to happen it’s because the man shot was my father.

I was so shocked, pagkakita ko kay daddy naka-handusay na ito, sobrang bilis kong tinakbo si daddy.

“Daddy, stay with me, they already called the medic.” Umiiyak na ako. Sa pagkakataong iyon si Rowan na ang nasa tabi ko.

Tumingin si daddy sa akin at hinaplos ang pisnig ko. “Nararamdaman kong hindi na ako magtatagal.”

“No daddy, dadalhin ka namin sa ospital, mabubuhay ka pa.” pang palakas ng loob kahit na alam kong hirap na si daddy.

“Arabella  anak, always remember na nandiyan lang ako sa puso mo. I’m sorry sa lahat ng naging kasalanan ko sa’yo.” Kay Rowan naman siya tumingin at hinawakan ang kamay nito.

“Take good care of my daughter. And I’m sorry for what I have done to your family. You father is my bestfriend, napangiti ito, alam mo bang ipinagkasundo namin kayo ni Arabella na makasal pero nagbago iyon dahil sa kagagawan ko. Huwag mong pababayaan ang anak ko Rowan, sa iyo ko na siya  ihahabilin. Pagkakamamahalin mo ang anak ko.”

“Makaka-asa po kayo na iingatan ko po siya at mamahalin. Patawarin niyo din po ako sa nagawa ko sa inyo.”

“Daddy, tumingin muli siya sa akin, hang –on stay with me please.”

“Arabella anak, always remember na mahal na mahal kita.”

“I love you too Daddy.” Sa pagkasabi ni daddy nun nawalan na siya ng hininga.

“Daddy… “umiyak na ako ng umiyak.

***

Halos wala akong tulog sa mga nag-daang araw, kumain hindi ko magawa dahil gusto ko andun lang ako sa tabi ni daddy.

Ang balita sa akin nila Daniel at Rowan, ang taong  bumaril sa daddy ko ay isa sa pamilyang nasira dahil sa droga.

Sa burol ni daddy hindi ako hinihiwalayan ni Rowan at Daniel. Nakakatuwa nga at naging mag-kaibigan sila. Tangap na rin ni Daniel na hindi kami puwedeng magkatuluyan dahil alam niyang si Rowan ang mahal ko at ganun din si Rowan sa akin.

Sa libing ni daddy parang wala na akong mailuha, napag-isip isip ko rin na kasi na masakit ang mga pangyayari ngunit alam nating merong kadahilanan kung bakit ito nangyayari sa buhay natin. Kasabihan nga “we have to move on.”

Masaya rin naman ako pagkatapos nun dahil nagpatawad si Dave at nagkabati-bati rin kaming magkakaibigan.

***

Pagkaraan ng isang taon. Sa isang malawak na hardin sa lugar ng Sagada, merong isang okasyon na lahat ng tao ay nakikisaya sa pag-iisang dibdib ng magkasintahan.

“Do you man, take this woman as your wife, for sickness and in health, ‘till death do us part.”

“Yes, I do”

“Do you woman, take this man as your husband, for sickness and in health, ‘till death do us part.”

“Yes, I do”

“May we have the ring, nagpunta sa harap ang ring bearer at inabot ang wedding ring, May you two say your vows at isuot na rin ang singsing habang sinasabi ito.

Nagharap ang mag-kasintahan.

“Arabella, una palang kitang nakita, alam kong ikaw na, ikaw lang ang nagpatibok sa puso ko. Sa bawat araw na nagdaan lalo kitang minamahal. Sa pagsubok na pinagdaanan natin, kahit na anong galit nawawala ito kapag ika’y nakita ko. Pina-pangako ko na  ikaw lang ang  minamahal nito at paka- mamahalin ko habang buhay.”

“Rowan, ikaw lang ang una kong inibig at huling iibigin, kahit na walang tuksuhan hindi pa rin mapigil ang pagbugso ng aking damdamin. Minahal na kita. Kahit na anong unos ang dumaan kahit na anong galit sa puso basta pag-ikaw ay nakita at marinig lang ang tinig bigla itong nawawala. Pinapangako ko rin na ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay.

Sa pag-bigkas nila ng mga salitang ito damang-dama ng nila at nang lahat ng tao kung gaano kamahal nila ang isa’t isa.

“Now, ladies and gentleman, I may pronounce Mr. and Mrs. Rowan Zaavedra.”

Nagpalakpakan ang ang mga tao. “May you now kiss your wife.”

“I love you Arabella”

“I love you too Rowan.” and they kissed.

Author’s Note:

Sa pagtatapos ng aking unang istorya “You’re everything that I dreamed” na malapit niyo na pong mabasa na ginawang E-Book. Ito pong pangalawang istoryang aking isinulat ay isa na namang karangalan na muli kong natapos.

Nagpapasalamat ako sa TOP Site at sa bumubuo nito. Thank you (RLQ) a.k.a Foobarph, Yesha, Louise. At sa Toppers ate nitz, glo, laiza, kriz, ein1, ein2, pre, Rr…etc dami niyo eh d ko man nabanggit ang pangalan niyo. Maraming maraming salamat.

Siyempre hindi pwedeng mawawala ang pasasalamat ko kay GOD. Who give me strength,, knowledge and wisdom.

Sa mga taong sumubaybay.. maraming salamat.

Clay

Talakayan

24 thoughts on “Chapter 13 “Love Enemy” (The Finale)

  1. nice story sya, but may ibang grammars na mali at hndi masyadong neat pagka gamit nang mga words.

    Posted by cha2 | Marso 29, 2016, 4:53 hapon
  2. yeah i agree with angie..ok ung ideA nung story but kulang xa sa emotions..maganda ung buod nakakacurious..yung emotion lang tlaga ms. clay..looking forward sa next book mo..

    Posted by rosemaryrmt | Setyembre 29, 2015, 3:04 hapon
  3. ang ganda talaga promise i want more stories,,

    Posted by Michelle | Enero 9, 2015, 11:06 hapon
  4. ganda ng story,,,,,,,mdyo naiyak aq s last part

    Posted by hairon macmod | Setyembre 28, 2014, 4:48 hapon
  5. nice story huh..

    Posted by regino | Nobyembre 8, 2013, 11:23 umaga
  6. medyo boring pero ok nman atleast mganda ang ending!!!

    Posted by kim | Oktubre 21, 2013, 10:04 hapon
  7. wow so nice story i love it. nabasa ko buong story nakakaiyak nakakainlab at least happy ending…tnkz po sa author n god bless more storie to write pls..

    Posted by wakaushime | Marso 29, 2013, 11:40 hapon
  8. Ahmm..ending lang po ung nbaxa ko..pero ok lng kxe maganda naman ung ending eh..

    xna nxt tym mbaxa ko n ng buo ung ibang story

    Posted by lirio | Oktubre 6, 2012, 10:21 umaga
  9. nakukulangan aq hehe x0ry jaz nid to be h0nest🙂

    Posted by earl | Abril 13, 2012, 12:44 hapon
  10. ooohhh. .wat a wonderful story!!! . .like it! like it! tlagah! ! !😀

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 1, 2012, 8:37 umaga
  11. wow great!!

    Posted by ness | Enero 29, 2012, 5:42 umaga
  12. anyway,nice story..

    Posted by shayanaember | Enero 4, 2012, 1:04 umaga
  13. the suicide part is tragic..

    Posted by shayanaember | Enero 4, 2012, 1:02 umaga
  14. Maganda ang story but… parang kulang. Dumaan ba ito sa editing? Parang hindi kasi marami grammatical errors.

    Posted by jgen | Enero 8, 2011, 7:45 umaga
    • I suggest that the author should avoid using english language as her medium. Tagalugin na lang. Pinoy naman tayo. Mali kasi ang grammar nya. Sakit sa mata..

      However, she has a gift in writting. Medyo idealistic nga lang ang approach at medyo kulang sa emotions. But with practice, im sure maeenhance ang talent.

      God bless and more power!

      Posted by Pretty | Agosto 25, 2012, 6:08 hapon
  15. maganda yung idea ng story pero parang pasalaysay lng ang pglalahad..walang gaanong emosyon sa mga linya ng characters..parang as the reader, hnde mo mafeel or maimagine masyado ang mga tagpo.sana sa susunod mas may excitement at mas detalyado..pasensya na ms clay pero constructive criticism lng nmn to…:)

    Posted by angie | Disyembre 25, 2010, 12:17 hapon
  16. okey naman..kaso mali mali yung mga punctuations..
    and yung mga english grammars dn..

    gudluck sa next story mo..God bless

    Posted by Lyn | Nobyembre 27, 2010, 10:51 umaga
  17. nice ng story, thanks for sharing ^_^

    Posted by gracy | Nobyembre 26, 2010, 6:20 hapon
  18. mganda xia but..tlgang my but p ah….prang my kulang,kulang s romansa hehe…sna s susunod n nobela mo meron n pra my thrill..gudluck s nxt novel mo more power🙂

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 6:25 umaga
  19. wow… grabe ang ganda ng istorya….. sana dumami pa at lalo pa gumanda ang mga gagawin mo pa……

    Posted by angel | Oktubre 23, 2010, 2:26 hapon
  20. woww..ang ganda ng kwento..sana gumawa ka pa..thanks for sharing this.!.mwaah

    Posted by jen4me | Setyembre 28, 2010, 5:39 hapon
  21. gnda .. . kaso bitin . .. hehe

    Posted by angel | Setyembre 28, 2010, 2:54 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: