binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER SIX

CHAPTER SIX

O, ano? Kumusta ang lakad mo? Nasapak mo ba yung walang hiya mong kapatid!” nanggigigil ito.

Aba bumalik na yata ang tunay na Gale. Kahapon kasi parang wala ito sa sarili. Tahimik lang ito nang dumating sa klase kahapon naunana kasi siya sa pagpasok kasi magwi-withdraw sana siya. Nang magkwento siya tungkol sa palpak na mga ATM niya at sa teyorya niyang may kinalaman ang kuya niya sa kapalpakang iyon, hindi ito kumibo.

Ngayon naman gigil na gigil. Tindi talaga ng topak ng kaibigan niyang ito. Nagkibit-balikat na lamang siya.

“O ano? Ba’t nakatanga ka lang dyan? Tinatanong kaya kita no,”

Nilagpasan niya lang ito at tumuloy sa sala. “I feel lost, sis,” umupo siya sa sofa at tumingala. Tinabihan naman siya nito. “Pinagtanggol ako ni kuya kanina.”

Nangunot ang katabi niya. “Kuya?” sabi nitong napapantastikuhan.

Nilingon niya ito at ngumiti ng malungkot. “Yeah, Kuya.” inulit niya ang katagang iyon at tumungala. “I feel good to refer to him as ‘kuya’”

Lumingon ulit siya sa kaibigan, nakakunot parin ito. “It’s weird, isn’t it? One moment I don’t even accept him as my brother, at ngayon kuya na ang tawag ko sa kanya.”

“You don’t hate him anymore?” tanong nitong hindi niya maintindihan kung natutuwa ba o nagagalit.

“I still hate him. But I begin wishing he’ll stop hating me. I don’t know sis. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon.”

Matagal siya nitong tinitigan, pagkuwan ay ngumiti ito at tumango-tango.

“What?” tanong niya rito, sa itsura kasi ng kaibigan parang nahanap nito ang sagot sa isang mahalagang tanong.

“You love him,” tumingin ito sa kaniya at ngumiti. “You love that fool.”

“Ano? Hindi ah, kadugo ko kaya yun no,” nagrerebelde siya sa sinabi nito. Hindi siya in love sa kuya niya sigurado siya dun.

Tumawa ito ng malakas. “That’s not what I mean.” Sumeryoso ito. “You love him as your brother, long before now. Kaya lang inis ka sa kanya kasi feeling mo nagkaroon ka ng kaagaw sa dad mo and because he hates you. What you want is for him to love you, too, to treat you as his precious little sister. Naiinis ka kasi you want him to take care of you and protect you, pero…”

Pinutol niya ang iba pang sasabihin nito, “…pero puro sigaw at galit ang napapala ko sa kanya. Gusto ko alalahanin din naman niya ako, pero lagi nalang niya akong kinukulong sa bahay. Sermon sa agahan, sermon sa hapunan. Buti nga sa office siya nanananghalian kung hindi, pati tanghalian sermon padin.” Ngayon nalinawan na ang damdamin niya para sa kapatid. She doesn’t hate him for any other reason, ikinatatampo lang niya ang pagpaparusa nito sa kanya.

Humarap sa kanya ang kaibigan at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Ni minsan ba sinaktan ka na ng kuya mo sa pisikal na paraan?”

“Hindi. Lagi naman niya akong sinasaktan emotionally.”

“Don’t you think yung mga pagkukulong niya at pagbabawal niya sa’yo ay paraan niya para protektahan ka? Yung mga galit niya, hindi kaya nag-aalala lang siya? At yung mga panenermon niya sa’yo ay dahil mahalaga ka sa kanya kaya ayaw ka niyang mapahamak. Di ba ako man sinesermonan ka rin? Hindi nga lang kasing lala ng magaling mong bro.” Nakangiti na ito sa mga huling sinabi nito.

Oo nga naman all this time wala namang ginawang masama si kuya sa akin maliban sa paghihigpit niya. Baka protective lang siya kasi pinahahalagahan niya ako, sabi niya sa sarili. Pero teka nga…

“E bakit nung nawala ako, hindi man lang ako hinanap,” nahihimutok niyang sabi. Dalawang araw din siyang nawala a.  “Pina-close pa niya lahat ng accounts ko.”

Her friend rolled her eyes. “Niransack niya kahapon ang aba kong tahanan,” tumayo na ito at pumunta ng kusina.

Nagulat siya sa sinabi nito. “What? And you didn’t tell me?”

“Sis, galit pa kasi ako kaya ayaw ko munang pag-usapan.” malakas na sabi nito galing sa kusina.

“Then tell me about it,” excited niyang sabi habang sinusundan si Gale.

“Nauna ka nang lumabas kahapon ‘di ba kasi ng sabi mo magwi withdraw ka ng pera?”

Tango.

“Pagbaba ko ng elevator nakita ko ang kuya mo papasok ng lobby, so I went back, straight to your room…”

Tango.

“Tinago ko yung mga gamit mo…”

Tango.

“Palabas na ako nung biglang pumasok ang kuya mo na akala mo pag-aari niya ‘tong unit ko. Lahat nalang ng pintong nakita niya pati mga aparador at drawers hinalungkat niya” inis na sabi nito. “Buti nanalng naitago ko ng maigi ang mga gamit mo,”

Tango.

“Hoy, para kang tanga! Tango ka ng tango!” sabi nitong binatukan siya ng mahina.

“And? And?” Excited siyang marinig ang susunod dahil alam niyang giyera yon.

“And… alam mo na siguro kung ano ang nangyari,” sabi nito na nag-iawas ng tingin. “At wala na akong balak ikwento iyon.”

“Ay bitin,” napakunot siya sa ginawa ng kapatid. “Ang bastos naman ni kuya sa’yo kahapon,” nakakunot na sinundan niya ang kaibigan sa ref.

“Nag-aalala lang ‘yon sa’yo. Nataranta siguro,” sabi nitong hinahalughog ang ref.

“At abogada ka na pala ngayon ng kuya ko. Kanina ko pa napapansing panay pagtatanggol mo kay kuya a,” nakapamaywang niyang sabi. Kanina pa siya may napapansin sa kaibigan, tila naiilang itong pag-usapan ang kapatid niya.

Nakatulala ito at ang layo ng tingin ngunit sumagot parin ito, isang sagot na ikagulat man niya ikinatuwa naman niya ng labis.

“Kahit saksakan ng sungit ang kulugo ‘yon, he is still gorgeous,” wala sa sariling saad nito, natutop nito ang bibig matapos siyang tignan. Nanlalaki ang mga mata nito kaya natawa siya.

“Aha! May crush ka kay kuya ha,” tatawa-tawang sabi niya.

“Excuse me! Sa’yo na ang kuya mo!” malakas na sabi nito habang pulang-pula ang mukha. “May neurons pa ako sa utak no!”

Tumawa siya. “Akala ko pa naman super hate mo si kuya. Ahay! Super kilig naman!”

“Ikaw nga dyan kung di ko pa alam e hanggang ngayon crush mo parin yung bestfriend ng kuya mong minsan mo lang naman nakita.”

Sukat sa sinabi nito’y natahimik siya. Napasimangot siya sa naisip.

“Oh no! Have you seen him?” excited na tanong ni Gale – well, iy was more of a statement than an inquiry. “I know you saw him. Oh, don’t you dare turn your back to me.”

“Yeah, I saw him and it was not a nice encounter,” naiinis niyang sabi.

“Yeah, I can see that,” nakatingin parin ito sa kanya na parang batang sabik sa bedtime stories.

“Well, pinahiya lang naman ako ng lalaking yon sa maraming tao!”

“How!”

“Sinalya niya ako sa pinto ng elevator,” she is not going into details, lalo lang siyang naiinis. “Let’s not talk about him, ok?”

“Mukhang galit galitan ang drama mo ngayon sis a.”

“Anong galit galitang pinagsasabi mo dyan? Hindi ako naggagalit galitan, galit na talaga ako sa kanya!”

“So di mo na siya crush?”

“Hindi na!” mabilis pa sa kidlat na sagot niya.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

19 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER SIX

  1. nice story🙂 haha

    Posted by luvlyangel | Disyembre 26, 2013, 11:06 umaga
  2. hahaha ang cute

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 2:30 hapon
  3. galit daw???hindi kya..

    Posted by alma | Setyembre 3, 2012, 11:26 hapon
  4. ayeeeiiii… cute..😀

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 5:04 hapon
  5. i like james😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 4:27 hapon
  6. parang may similarities ung story nito at ung nabasa kong pocketbook dati…nakalimutan ko nga lang ung title..peru ganito din un…magkapatid at magbestfriend…kaya lng ung magkapatid close sila…ganito din ung nangyayari, nagkatuluyan ung bestfriend niya at kuya niya…ang maganda lng eh based on real life story un ng 4 na college students sa isang university🙂

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 10:51 hapon
  7. sana ay may story din sina james at gale.. :))

    Posted by angel_YL | Disyembre 4, 2010, 5:26 hapon
  8. bk8 once a week lng i2 i post>? busy po ba kau!??
    kk lng!

    Posted by Chiara | Oktubre 1, 2010, 8:04 hapon
  9. mas kinilig ako sa kuya ni camille and her bff gale…. mukhang bagay sila… weeeeee….. galing nman ng story nato.. kakakilig…. love it….

    author:: keep it up….

    Posted by micole_seno | Setyembre 27, 2010, 8:03 hapon
  10. nakaka kilig naman hehehe,.,,=D

    Posted by rioangela | Setyembre 27, 2010, 12:49 hapon
  11. whewwwww…..bitin naman ‘to! nakakainis para kang lalong sinasabik eh!

    but i like the story so kakilig talaga sya!

    goodluck!:):)

    Posted by cristina | Setyembre 27, 2010, 3:46 umaga
  12. awww bitin naman po sana post na agad ug next..

    Posted by eizzy | Setyembre 26, 2010, 4:40 hapon
  13. kelan po ang sked ng posting????/ sana mag post na…nakakabitin……

    Posted by jendc | Setyembre 26, 2010, 11:23 umaga
  14. wah…. excited na ako sa next chapter…

    isa pa po…

    pleaseeeeee…

    ang ganda po talaga ng story nito… ehhh….. nakakakilig po kasi… makalaglag puso….

    Posted by xxBunZxx | Setyembre 26, 2010, 10:22 umaga
  15. wow…. excited na aq sa nxt chapter!!

    Posted by Chiara | Setyembre 26, 2010, 7:14 umaga
  16. Im still waiting for the next chapter.

    Posted by Sheryl Soriao | Setyembre 25, 2010, 4:38 hapon
  17. ganda nito… hehehe…

    Posted by Dana Faye Andrew-Lorenzo | Setyembre 25, 2010, 4:27 hapon
  18. ang ganda nito..tagal lang ng posting..hehehe..
    peace..
    galing ng writer nito..

    Posted by sweet _anne | Setyembre 25, 2010, 4:10 hapon
  19. eeeerrrrrr. nakakabitin. haha. i super love the story tlga.

    Posted by candy | Setyembre 25, 2010, 3:56 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: