binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 12 “Love Enemy”

Chapter 12

Pagkatapos namin mag-usap ni Arabella, nakatangap ako nang tawag mula kay Attorney na sinabing naaresto na si Alberto at kasalukuyang naka-kulong na. Pagdating ko sa lugar, papasok na sana ako ngunit meron tumawag sa aking pangalan. Habang naglalakad hindi ko pinapansin ang mga nasa paligid ko dahil na rin sa huli naming pag-uusap ni Arabella.

“Rowan?” tumingin siya sa akin.

“Arabella, what are you doing here?”

“What am I doing here? You know the reason what am I doing here?”

Napa-isip ako bigla sa sinabi niya. I’m sorry Arabella, hindi ko sinasadaya.”

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.  “Sisiguraduhin kong makakalaya ang ama ko.” Umiiyak na sambit ni Arabella.

“Halika na Daniel, baka lalo akong hindi makapag-pigil.” Saka ako diret-diretsong lumakad papunta sa paradan ng sasakyan.

Hindi kaagad ako nakapag-react nang bigla niya akong sinampal. Sinundan ko nalang siyang papalayo. Alam kong masakit para sa iyo ito pero hindi lang ikaw ang nasaktan, mahirap mawalan ng ama dahil ikaw pa mismo ang naka-saksi sa pagpatay sa kanya.

Siya siguro si Daniel, may itsura naman at sa palagay ok naman siya. Huwag lang sana niyang sasaktan ang Arabella ko.

Pumasok na siya sa loob at inisikaso ang pagdedemanda kay Alberto.

***

Habang nagmamaneho si Daniel, wala kaming kibuan nanatili lang akong nakatingin sa labas.

“Siya ba si Rowan? Tanong niya sa akin? Siya ba ang dati mong nobyo?”

Tumingin ako sa kanya at tumango lang sa tanong niya.

“Ang suwerte naman niya.” Tumingin muli ako sa kanya ngunit naka-tutok na siya sa pag-mamaneho.

Habang naka-tingin sa labas, iniisip ko pa din ang mga nangyari ngayong araw na ito.. imagine that in hst one day lahat nangyari ito. Una na ang pag-uusap namin ni Rowan tungkol kung sino ang pumatay sa ama niya, hindi ko talaga inaasahan na ang may kagagawan nito ay ang sariling kong ama tapos eto ang pag-bunyag ng lihim na illegal na trabaho ni daddy na ngayon ay hinuli ng mga pulis. .Paano ko ito malalagpasan.. makaka-gawa pa ba ako ng paraan para hindi makulong si daddy sa kabila ng mga nalaman ko at kami ni Rowan meron pa bang pag-asa na magkabalikan kami.

“Arabella nandito na tayo.”

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay.

“Ok ka lang ba Arabella?

“Ok lang ako Daniel, salamat sa pag-aalala at pag-sama sa akin sa presinto.

“Wala yun, mabuti pa kumain ka na para makapag-pahinga ka na para bukas may lakas ka.”

“Salamat talaga, samahan mo na akong kumain para naman may kausap.”

“Sige, halika ka na.” at tumungo na nga kami sa hapag kainan.

Malalim na ang gabi at kanina pa ako nakahiga, gusto ko nang ipahinga ang katawan at isip ko ngunit pag-pinipikit ko ang mga mata ko nagfa-flashback ang lahat ng nangyari sa buong maghapon. Ano bang klaseng pag-subok ito.

Kung kailan bumibigat na ang mata ko bigla nalang tumunog ang aking cellphone.

Hindi ko pinapansin at ayokong sagutin ito ngunit walang humpay sa pagtunog kaya sinagot ko nalng ito ngunit hindi ko inaasahan ang taong tumatawag.

“Hello! Arabella”

Bigla akong napabangon nang mapag-sino ang kausap ko.

“Ro-wan? Huminga muna ako ng malalim bago ak ulit sumagot. “Anong kailangan mo at bakit napatawag ka?”

“Pwede ba ulit tayong magkita bukas?”

“Sa nangyaring ito, I don’t know? Hindi ko alam kung papaano pa ako makakaharap sa iyo. Goodnight.” Pag-kasabi ko nun binababa ko kaagad ang telepono. Sinabi ko iyon dahil hindi ko talaga paano pa ako haharap sa kanya, sa mga nalaman kong tungkol sa pangyayari. Hangang sa nakatulog na rin ako.

Bakit nasabi sa akin ni Arabella iyon? Meron an  ba siyang nalalaman? Gusto ko lang naman marinig ang boses niya dahil alam kong masakit para sa kanya ang mga nalaman, kahit anong galit meron ako sa ama niya kapag nakikita ko siya nawawala lahat ng sakit.

***

Kinabukasan maaga akong nag-handa upang puntahan si daddy at para malaman kung ano ang update sa kaso niya. Pagdating ko sa presinto hindi ko expect na nandun siya. Well inaasahan naman na talagang nandun siya dahil siya ang nag-pahuli sa daddy ko.

Nagkatinginan kami pero ni isa man sa amin walang bumati. Tinanong ko ang isang pulis kung pwede kong makita ang daddy ko, pumayag naman ito at saka ako gumawi kung naroon si daddy.

***

May 3 araw na ganun ang eksena tuwing dinadalaw ko si daddy at tuwing na-tatagpo ang landas namin ni Rowan, para bang hindi kami mag-kakilala na walang pagmamahalan na nabuo. <sigh> sadya nga talagang ganito ang buhay. Bukas na naka-schedule ang first hearing ni daddy, kaya kahit may pasok hindi ako puwedeng hindi pumunta doon.

Nalaman narin ito ng kaibigan ko, hindi ko rin naman sila masisi kung bakit nagalit sila sa akin. Lalo na si Dave, halos hindi na niya akong panapansin. Si Mona nalang talaga ang nakakaintindi sa akin, sinabi ko narin dito ang lahat ng nalalaman ko.

***

Naka-upo na lahat ng tao sa loob ng korte, naka-pwesto na rin si daddy sa harap kasama ang abogado namin. Namataan ko narin sa kabilang side si Rowan at Dave. Tulad ng nauna naming pag-kikita walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha ni Rowan. Pinag-papasalama t ko dahil hindi ako iniwan ni Daniel, lagi siyang naka-alalay sa kin.

Nagsimula na ang mga tanong ng bawat panig, may mga testigo na rin na nagsalita.  May mga nagsasabing hindi si daddy ang pumatay meron din ding nagsabi na siya ang pumatay, ang mga ito ay ang mga pamilyang napatay nila.

Magtatanghalian na kaya nagkaruon muna ng lunch break. Pinuntahan ko kaagad si daddy.

“Daddy, yumakap kaagad ako sa kanya.”

“Anak sana hindi ka na nag-punta pa dito?”

“I’m here to support you, kahit anong mangyari nandito lang ako.”

Napahinga ng malalim ito at, “Anak, ano man ang mangyari tandaan  mo mahal na mahal kita. Dapat masanay ka nang wala ako sa tabi mo. “

“Daddy naman, hindi kayo makukulong.”

“Malakas ang ebidensiya nila, ayoko na rin naman na patagalin pa ito. It’s time to face the truth.”

“No daddy, gagawa ng paraan si attorney.” Umiyak na ako sa sinabini daddy

Hindi na muli kaming nag-kausap dahil sinimulan na ulit ang paglilitis. Umiiyak pa din ako nang mag-balik sa upuan at nang makita ko si Daniel mas lalo akong umiyak kaya napayakap ako sa kanya.

Tumingin ako sa direksiyon nila. Dapat ako ang kayakap mo hindi si Daniel. Sana lang hindi ang ama mo ang pumatay para hindi na tayo umabot sa ganitong sitwasyon.

Tinawag na si daddy at muling tinanong. Sa pagkakataong itong umamin narin si daddy sa kasalanang ginawa niya. Kung papaano at ano ang dahilan ng pagpatay niya dito.

Super shocked talaga ako at muli akong umiyak. Lahat ng tao ay nagsigawan, hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila.

Sa pag-amin ng kasalanan, sa susunod na araw malalaman na ang desisyon ng judge. Hindi na ako pinayagan na muling maka-usap si daddy, kahit anong pagpipilit ko ayaw na nila akong payagan.

Sa paglabas namin ni Daniel ng korte, nakatingin sa amin si Rowan na nakatayo sa gilid.  Nararamdaman ko na sinusundan pa rin niya kami ng tingin habang papalabas ng building. Panalo na sila sa kaso sa nangyari kanina alam kong galit ang nararamdaman nilang magkapatid sa amin ni daddy, malabo na rin na maayos pa ang relasyon namin.

Kinagabihan nakahanda na akong matulog nang biglang tumunog ang aking telepono, ayoko na sanang sagutin ngunit patuloy pa rin itong nagri-ring kay sinagot ko nalang ngunit bigla ako napa-bangon nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag.

Si Rowan? Bakit siya tumatawag? Ano kailangan niya? Sasagutin ko ba ito? ang daming tanong sa isip ko.. isang malalim na paghinga para makabuwelo.

“Hello!” may kaba sa pagsagot.

“Arabella? Pwede ba tayong mag-usap bukas? “

“Ha! Bakit?”

“I just want to talk to you at kung puwede sana ikaw lang, hindi mo siya kasama.” Ang tinutukoy nito ay si Daniel.

“Ok, saan tayo mag-kikita? Sinabi nito ang lugar kung saan kami mag-kikita.

Maaga akong nagising, para bang excited akong makita siya. Bumaba ako at tuloy tuloy na dumiertso sa kusina.

“Ma’am nakahain na po ang almusal niyo.” Ang sabi ng katulong.

“Salamat po.”

“Ma’am tumawag po si Sir Daniel, pinasasabi po niya na hindi raw po siya makaka-punta dito dahil meron raw po siyang aasikasuhin. Bukas nalang raw po siya pupunta dito.”

“Ganun ba! salamat po.” Tugon ko at iniwan na ako ng katulong.

Mabait si Daniel, maasikaso at ma-aalaga. Dagdag pa ang pagiging sweet nito.  Sa mga nagdaang mga araw naging magkaibigan kami, pero hanggang duon nalang ang pwede kong maibigay sa kanya.

Pagdating ko sa lugar na napag-usapan, luminga-linga ako sa paligid. Wala pa siya, siguro na traffic lang. Ilang saglit lang dumating na siya.

Kay gwapo talaga niya, kay sarap makulong sa kanyang mga bisig na para bang no one can harm you I will protect you kapag kayakap ka niya. Nakangiti ako habang papalapit siya.

“Pasensiya na na-late ako, medyo traffic at dumaan pa ako sa opisina.”

“It’s ok. Ilang saglit na walang kumibo. “So, ano ba ang pag-uusapan natin.”

“I just want to say that….“I hate you so much, kinamumuhian kita. I don’t need your love and get out of my life!” but ….

“Rowan .. “Don’t do this to me, please. I love you so much.”

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 12 “Love Enemy”

  1. may forgiveness and love reigns!

    Posted by shayanaember | Enero 4, 2012, 12:52 umaga
  2. madami pong maling grammar…=(

    TOP PR Team: Pasensya po. Salamat sa comment.

    Posted by ynah | Setyembre 26, 2010, 9:32 hapon
  3. Love will keep them alive !

    More power sa author, nice job, keep on writing great stories !

    Posted by Nikki | Setyembre 25, 2010, 5:28 hapon
  4. ang hirap naman ng sitwasyon nila..kahit ako si rowan baka ganun din gagawin ko..
    hay ano kaya ending nito..

    Posted by shon | Setyembre 24, 2010, 8:26 umaga
  5. Sana makulong na yun tatay nun girl..At sana wag manaig un awa nun boy sa tatay nun girl kc di na kapani paniwala un. I feel empathic to the boy, cos if that same fate happens to me, i’ll do the same thing he did. Sabi nga sa kasabihan, mawalan ka na ng asawa o kasintahan wag lang ng magulang.

    Posted by norman | Setyembre 23, 2010, 6:23 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: