binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 3

“Hoy! Thalia Krizzelia Martinez! Nariyan si Ate Che sa ibaba. Meron daw kayong pictorials! Hoy! Gising!” sigaw sa kanya ni Fatima.

”Hmmmmm?….maya na..pagod pa ako tsaka maaga pa” ungol niya rito. Pero teka lang? Tama ba ang pagkakarinig niya? Nandyan si Ate Che?

“Ah! maaga pala ha!” biglang sigaw nang isang tao sa likuran niya. Bigla siyang nagising at tumayo sa kinahihigaan niya tsaka kinuha ang twalya na nakasabit sa upuan at nagmamadaling pumasok sa banyo. Minsan lang pumunta sa kwarto niya ang manager niya para gisingin siya at kapag nangyari yun ay kailangan na niyang tumayo kung hindi ay sa kangkungan talaga siya pupulutin.

“Hmmmm. Ate Che. Paano mo yun nagagawa? Mismo ako hirap sa kanya gumising tapos ikaw boses mo pa lang kumakaripas na ng takbo.” Nabibilib na sabi ni Fam sa manager nilang dalawa

“Ako lang ang nakakagawa dyan, dear!” nangingiting sabi nang manager niya.
Narinig pa niya ang halakhakan nang dalawa pagpasok niya sa banyo. Di niya alam pero minsan naiinis din siya sa manager niya parang si Hitler kasi pero mabait naman ito minsan.”Wait lng? May kasalanan ako sa kanya ah, bakit siya mismo ang pumunta dito sa bahay?” naguguluhang wika niya tsaka shinampoo ang buhok niya.Kailangan pala niyang kausapin ito mamaya. Marami siyang ipapaliwanag dito at ihingi nang pasensiya.

Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin. Tahimik na tahimik ang buong sasakyan. Noong good terms sila pag nasa sasakyan sila ay ang ingay nila. Siya, ang PA niya, ang driver niya tsaka ito. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang dapat sabihin niya. “Well, here goes nothing”

”A-Ate Che?” nahihiyang sabi niya

“Hmmmm?” sabi lang nito na hndi lumilingon sa kanya

“Ahm..ano…kasi…sorry” wika niya sabay yuko nang ulo niya. Akala niya magagalit ito pero nilingon lang siya nito. Nasa front seat kasi ito.

“Wala yun..napag-isip-isip ko na rin na mali ang ginawa ko. Dapat pala hindi ko ginawa yun. I acted selfishly and childishly. Di ko man lang kinonsider ang feelings mo. Kaya ako dapat ang mag-sorry. Tsaka kung kung gusto mong nang magpahinga. Pwde na, tapusin na lang natin ang mga kontrata mo at hindi na tayo magre-renew nang mga projects” mahabang sabi nito. Mangiyak-ngiyak na niyakap niya ito.

“Salamat talaga, Ate Che. Buti naman at naintindihan mo ako. Promise. I’ll be a good alaga to you na” nangingiting sabi niya

“Ay!dapat lang kung di kukurutin kita sa singit” pagpapakwela nito. Natawa na lang silang lahat dito.

“Okay! Good job everybody! Pack-up na tayo ngayon. Bukas na natin ipagpatuloy yung ibang scene” Sigaw nang director nilang si Gino.
Agad siyang umupo sa nakalaang upuan sa kanya. Kanina pa sila nagta-trabaho. Pagod na pagod na talaga siya. Agad niyang tinungga ang mineral bottle na nasa mesa. Kasalukuyan sila ngayong nagso-shooting nang isang commercial ad. Hindi niya akalain na mabusisi talaga ang director nila kaya talang napagod siya. Agad niyang inutusan ang PA niya na kumuha nang pagkain. Tumalima naman agad ito. agad niyang nakita ang papalapit niyang manager.

“That was good Dear, Ang susunod sa schedule natin ay pictorials sa i-eendorse mong clothing line.” Paalala sa kanya nang manager niya. Mula
noong magkabati sila ay bantay-sarado na ito sa kanya.

“Ate, Di ba pwde naman akong umidlip? Pagod na kasi ako eh” paki-usap niya sa manager nya

“Hmm.. Sige, mauna ka na sa sasakyan, gisingin na lang kita mamya”

“Thanks! Youre an angel!”

“As always dear!”

Agad niyang tinungo ang sasakyan niya tsaka humiga siya sa backseat. At last! Sleep!

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 3

  1. Go on. .

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:22 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: