binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 11 “Love Enemy”

Chapter 11

Laking gulat ko sa sinabi ni Rowan. “Ano? Daddy ko ang pumatay? Paano ito nangyari? Naguguluhan ang isip. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Huwag ka namang mag-biro ng ganyan.”

“Totoo ang sinabi ko Arabella at hindi ako nag-bibiro.” Nang magka-isip ako lihim kong inimbistigahan kung sino yung taong yun at nang mag-college ako nalaman ko na nga kung sino siya.”

“Kaya mo ba ako pina-ibig para maka-ganti ka sa daddy ko at ako ang ginawa pong paraan? How could you.”

“It’s not what you think Arabella. Wala akong kaalam-alam na siya ang ama mo at wala rin akong intensiyong paibigin ka dahil hindi totoo yan.”

“Minahal kita  dahil sa’yo tumibok ang puso ko na hanggang ngayon ikaw parin ang tinitibok nito.” Sabay turo sa puso.

“Sinungaling. “Umiiyak na ito.

“Sana maintindihan mo ako, mahal kita pero hindi ko matangap na siya ang ama mo.”  Hindi lang ikaw ang nasasaktan, dahil ako nasasaktan din sa nangyayari lalo na ngayon na nalaman kong ikakasal ka na sa iba.”

“Hindi ko rin intensiyon na ilihim sa ‘iyo ito. Naghahanap lang ako ng tiyempo para sabihing matagal nang ipinag-kasundo sa akin ni daddy si Daniel para maging asawa ko.”

“Bakit pumayag ka sa gusto ng daddy mo?”

“Pumayag ako noon dahil baka magbago ang isip ni daddy atsaka wala akong nobyo noon time na yun, hanggang sa dumating ka nga sa buhay ko.”

“Nung naging tayo, alam kong magkakaruon ng problema dahil alam ko kung gaano kahigpit si daddy pero mas nanaig ang pag-mamahal ko sa’yo kahit humantong pa ito sa pagsuway ko sa kanya.”

“Nang makipag-hiwalay ka sa akin, sobra akong nasaktan, ni hindi ko alam kung anong dahilna para gawin mo ito. Umasa pa rin ako na kakausapin ako at makikipag-balikan ka sa akin pero nag-hintay ako sa wala. Kaya nang dumating si Daniel dito sa bansa wala na akong choice hintayin  ka kaya pumayag na akong makasal sa kanya.”

Ilang minuto rin na walang nagsalita  sa kanilang dalawa hangang sa pumasok si eksena si Mona.

“Kailangan niyo nang maghiwalay, hinahanap ka na ng bodyguard mo Arabella.”

Nagkatinginan muli kami. “Paalam, Arabella. Mahal pa rin kita.” At niyakap niya ito ng mahigpit.

Hindi naman tumutol si Arabella. “Mahal din kita Rowan.”

At nag-layo na sila ng landas.

***

Pag-dating sa bahay ni Arabella, hinanap kaagad niya ang kanayang ama. Nakita niya itong nasa library kausap muli ang taong nakita noon.

“Daddy, how could do this.”

“Arabella, what’s happening to you. Ano na naman yang isinisigaw mo?”

“Bakit mo pinatay ang ama ni Rowan? Kaya ba pinag-layo mo kami dahil ayaw mong malaman ang ginawa mong  pag-patay  sa pamilya niya?”

“Ulitin mo yang sinabi mo? Sinong pinatay? Bakit ko papatayin ang ama niya”

“Daddy, alam kong may kinalaman kayo dito. Narinig ko ang usapan ninyo dito, sabay tingin sa kaibigan ng ama. Umamin kayo dadddy ano ang kinalaman ninyo dito?”

“Huwag mo akong pagsasabihan ng ganyan Arabella, ama mo pa din ako.”

“Gusto mo malaman ang totoo?”

“Oo daddy gusto kong malaman.” Titig na titig sa ama at handang malaman kung ano ang sasabihin.

“Oo ako nga ang pumatay sa ama niya. Bakit ko pinatay ang ama niya? Dahil gusto na niyang kumawala sa grupong pinag-hirapan namin.”

“What group daddy? At bakit niya gustong umalis?“

“Oh Arabella! Don’t make this hard for me to say this it to you.”

“Why not daddy? I am your daughter and I have the right to know.”

Tahimik lang sa isang sulok nakikinig ang kaibigan ni daddy.

“Where in a group called “Belockers”, where we produce and sell of drugs in philippines. Marami narin ang sumapi sa amin pero isa isa narin silang tumitiwalag dahil gustong nang mag-bagong buhay kahit na sabihin nila na hindi sila mag-susuplong sa pulisya kaya isa isa rin namin  silang pinapatay, kasama na rin dun ang ama ni Rowan.”

“James wants to get out of the group, ilang beses ko narin siyang kinausap pero matigas talaga siya. James was my bestfriend and to think that ang magiging anak namin ay ipagkakasundo namin pero things change.”

“That night I went to their house to talk to him again but he refused me so I have no choice but to kill him.”

“Daddy, how could you kill someone is important to you, you just kill him because of this group. Daddy this is illegal job. Nagbebenta kayo ng bawala na gamot, hindi niyo ba alam na marami ang nasisira ang buhay dahil diyan sa drugs na yan. Hindi lang kayo makukulong ng ilang taon baka pang-habang buhay pa.”

“I’m sorry anak, it’s too late para pagsisihan pa.”

Matagal na walang nagsalita ni isa man sa kanila hangang sa kumatok ang katulong at …

“Sir, may mga pulis po na naghahanap sa inyo?”

Bigla akong napatingin kay daddy. Tumingin sa akin at..

“Paki sabi na baba na ako. “

“Daddy, why the police are here?

<sigh>” Kahapon meron akong natanggap na subpina. And I think it came from him.” Pag-kasabi nuon dumiretso na lumbas ng library si daddy at pinuntahan ang mga pulis. Hindi ko kayang makita ang nangyayari sa labas kaya patakbo akong pumunta sa aking kwarto. Nagkulong at umiyak ng umiyak dahil hindo ko matangap ang nabunyag na lihim.

Mag ilang sandali may kumatok sa aking pintuan.

“Sino yan?”

“Arabella, si Daniel ito.”

“Ano ang kailangan mo? Daniel pwede bang iwan mo muna ako, gusto kong mapag-isa.”

“Kailangan nating mag-usap, it’s about your dad?”

“Why what happen to him? “Binuksan at pinapasok ko na rin siya sa loob.

“Dinala na ng mga pulis ang daddy mo. Hinuli na siya, wala na rin kami magawa dahil meron silang warrant of arrest.”

Sa balitang iyon hindi ko na mapigilan na namang umiyak. Hinagod ni Daniel ang likod at inaalo. “Tahan na, huwag ka na umiyak, maayos din natin ito.”

“Sana nga Danel.. sana nga”

“Halika na at magbihis, puntahan natin ang daddy mo.”

Tumayo na ako at naghandang puntahan ang daddy.

Pag-dating namin sa presinto, pinagtanong kaagad namin siya, kasama na namin nun ang aming abogado. Kaagad naman itinuro sa amin kung nasaan ito.

“Daddy, I will do anything para mailabas ka dito.”

“What are you doing here? Sana hindi ka na nagpunta pa dito, ayokong madamay ka pa.”

“No daddy, dito lang ako sa tabi mo. I don’t want to lose you, wala na nga si mommy kaya dito lang ako.”

“Oh Arabella anak, in spite of hurts that I give it you. I’m sorry baby. Patawarin mo ako. “ Kahit may rehas na naka-gitna sa amin, niyakap ko pa rin siya.

“Umuwi ka na anak, magpahinga ka, bumalik ka nalang.”

“Ok daddy, I will be back, I will make sure na makakalabas ka dito. I love you daddy.” At lumakad na ako papalabas kasama si Daniel. Ang abogado ay nag-paiwan para maayos ang kaso ni daddy.

Sa aming pag-labas ng presinto nakasalubong namin si..

“Rowan?” tumingin siya sa akin.

“Arabella…”

Talakayan

8 thoughts on “Chapter 11 “Love Enemy”

  1. ang ganda kya lng nbibitin aq.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:46 hapon
  2. Nxt chapter plssssss……..

    Posted by Shighra | Setyembre 23, 2010, 7:03 umaga
  3. maganda na sana bitin pa..next pls

    Posted by jen4me | Setyembre 22, 2010, 9:26 umaga
  4. aaawww bitin naman po

    Posted by eizzy | Setyembre 21, 2010, 6:23 hapon
  5. next chapter plxxx

    Posted by angel | Setyembre 21, 2010, 6:10 hapon
  6. hahah , ,gnda ng kwento kso bitin . .next chapter pls .. .

    Posted by angel | Setyembre 21, 2010, 6:09 hapon
  7. tagal ng posting..huhuhu…
    ganda na…

    Posted by sweet _anne | Setyembre 21, 2010, 3:45 hapon
  8. ay naku..paano na yan..
    mukhang magiging magka-away pa ata cla..
    hay nakakabitin ung kwento..

    Posted by shon | Setyembre 21, 2010, 3:11 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: