binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FIVE

CHAPTER FIVE

“How dare you!” Nagulat pa ang mga empleyado ni James sa sigaw niya. Akmang papasok ito sa pinto ng opinsina nito na nasa dulo ng pasilyong kinatatayuan niya.

Lumingon si James. “Camille,” sa tono nito ay para bang nabunutan ito ng malaking tinik sa dibdib, relief flooded on his beautiful face, ngunit galit siya para pansinin pa iyon.

“Anong karapatan mong ipa-close ang mga account na binuksan ni Daddy para sakin?!” Sumisigaw parin siya. Masamang-masama ang loob niya. Those were the only proof na pinanghawakan niya para maniwalang mahal siya ng daddy niya.

Lalapit sana ito nang magsalita nanaman siya. “You, bastard!” Natigil ito sa paglapit at nagtiim ng bagang. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa eksena nila. “Si Daddy ang nag-open ng mga accounts na ‘yon! Wala kang karapatang ipasara” Naiiyak na siya. “Papabagsakin ko ang kumpanyang ito para mabawasan yang kayabangan mo!” napasinghap ang mga nakarinig sa kanya.

Nagulat pa siya nang may humablot sa braso niya.

Pabalibag siyang isinalya ng isang lalaki sa pinto ng elevator habang hawak nito ang magkabilang braso niya. Kilala niya ito. Hindi niya pwedeng makalimutan ang guwapong mukha nito kahit pa sabihing isang beses lang niya nakita iyon.

Rave…

“Hindi ikaw ang uri ng babaeng magpapabagsak sa pinaghirapan ko” mariing sabi nito na galit na galit. Napamaang siya dito dahil sa takot sa nakikitang poot sa mukha nito. Tila nagliliyab ang mga mata nitong maiitim. Pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay.

Tuluyan na siyang napaluha.

Bigla naman itong nawala sa harap niya.

“That is my sister!” sinuntok pala ito ni James at nakahiga ito ngayon sa sahig nakahawak ang kamay nito sa tagiliran. Parang siya ang nasaktan sa nakikitang sakit ngayon na nakalarawan sa gwapong mukha nito. Oh my! Parang gusto niya itong lapitan at yakapin. Ano ba ‘tong pinag-iisip ko. singhal niya sa sarili, kaaway mo ‘yang guwapong mayabang na ‘yan.

“Are you ok?” lumapit sa kanya si James at niyakap siya ng mahigpit. Ano na bang nangyayari? Magugunaw na ba ang mundo at tila may himig ng pag-aalala sa boses ni James? Gusto niya itong yakapin at umamot ng lakas dito, pero kaaway niya ito, kaaway din ang tingin nito sa kanya. Kumalas siya dito at tumakbo sa hagdan pababa ng building.

Dahil gulong-gulo na siya sa inakto ni James at sa nararamdaman niyang awa sa kaibigan nito, inilibas niya sa pamamagitan ng galit ang emosyon niya. Kailan man ay hindi pa siya nakramdam ng pagkaawa, natutuwa pa nga siyang panoorin ang mga taong inaapi at sinasaktan dahil para sa kanya mahihina nag mga ito.

Isa pa sa ginawa ni Rave ay napahiya siya sa mga empleyado ng firm.

“I hate him,” naghihimutok na bulong niya habang nagdadabog pababa ng building. “Ang yabang talaga ng mokong na ‘yon.”

Naaasar siya sa Raven Leandro na ‘yon, “Ni hindi pa nga ako nasasaktan ni kuya, tapos siya nasalya na niya ako sa diding! Kainis!”

Ang kinakaasar pa niya, inaalala niya kung kumusta na ang binata, sa nakita niya kanina ay labis na sakit ang nararamdaman nito. Kumusta na kaya ito?

“Whatever!” Frustrated na sigaw niya. Napatingin pa sa kanya ang dalawang receptionist sa lobby.

“What are you looking at!” singhal niya sa mga ito.

Buwisit ang lalaking ‘yon pinahiya pa siya sa harapan ng madaming impleyado.

“At anong kind of woman naman ang ibig niyang sabihin?” mataray na bulong niya.

Hanggang sa marating niya ang malalaking pinto ng building na iyon ay bumubulong bulong parin siya.

“Akala mo kung sinong magaling. Bwisit!!!” nilingon siya ng mga tao sa labas ng building. “Anong tinitingin-tingin niyo!” singhal niya sa mga ito bago bumaling siya sa guwardya. “At ikaw anong tinatanga-tanga mo dyan? Ipara mo ako ng taxi!”

“O-opo, ma’am,” tumawag ito ng taxi para sa kanya.

Nang makasakay siya ay hindi pa matanggal ang lukot sa mukha niya dahil sa galit niya.

Naiinis din siya kay James bukod pa sa wala na siyang pera ngayon dahil sa kagagawan nito, nalilito pa siya sa ikinilos nito kanina. Alam niya kung ano ang galit sa kanya ng kuya niya. Ilang sasakyan na nito ang naibangga niya, ilang problema na ang napasukan nito dahil sa mga kalokohan niya, ilang nobya na rin nito ang tumalikod ditto dahil parin sa kanya. “Hindi naman sila sineseryoso ni James e,” ang lagi niyang pangangatwiran. Kaya hindi niya maunawaan kung bakit ganon nalang kahigpit ang yakap sa kaniya nito.

“Nakakaasar talaga si kuya, wala nang ginawa kundi pahirapan ang buhay ko,” natigilan siya sa sariling mga salita. Unang pagkakataon iyon na tinawag niyang ‘kuya’ ito. At dalawang beses na niyang ginamit ang katagang iyon bilang pantukoy sa kapatid.

“Kuya,” mahina niyang bulong. Napakasarap sa pakiramdam na tawagin itong kuya.

Nang ipakilala ito ng daddy nila noon, nag-walk out siya.

Tuwing nasa bahay nila ito ay inaaway niya ito. Kahit hindi siya nito pinapatulan ay napakasama naman nito tumingin sa kanya, kahit pa nakaharap ang daddy nila. Paano naman kasing hindi niya ito aawayin e kung hindi niya gagawin ‘yon hindi siya mapapansin ng mga ito.

Mula noon hanggang ngayon naniniwala siyang malaki talaga ang galit sa kanya ng kuya niya kaya pinarurusahan siya nito. Bawat pagkakataon na Makita nito ay pinarurusahan siya nito.

‘You’re grounded, Camile’ o di kaya naman ‘wala kang allowance ngayon at kukunin ko ang susi ng sasakyan mo’ tapos ngayon naman pinasara nito ang bank accounts niya.

Akala pa man din niya pag naglayas siya hahanapin siya nito at mangangakong hindi na siya ikukulong sa bahay.

Dumeretso siya sa condo ni Gale. Pagdating doon ay sakto naming nakapagbihis na ito ng pambahay. Kalahating araw lang ang pasok nila noon dahil huling araw na ng final exams nila at nauna na siyang umalis kay Gale para puntahan ang kuya niya.

Namilipit siya sa sakit. Unang pagkakataon iyong napagbuhatan siya ng kamay ng matalik na kaibigan. Ngayon niya napatunayan kung gaano nito kamahal ang kapatid. Nang makitang tumakbo ang babae, akla niya susundan ito ng kaibigan, ngunit saglit itong nalito at sa halip na sundan ang kapatid, lumuhod sa harap niya si James at tinulungan siyang umupo, nakatanga pa kasi ang mga empleyado nila sa gulat.

“Bro,” sabi nitong nasa tono ang pag-aalala.

Napalakas ata ang suntok ng brother ko a, sa isip-isip niya.

“Hey,” utag nito sa kanya. “Malakas ba talaga?”

“Not really,” at last he managed to talk. Itinayo siya nito. “Medyo hindi ko lang napaghandaan,” nginitian niya ang kaibigan habang inaalalayan siya nito papasok sa opisina nito.

Pagod siya, kalahating oras lang ang tulog niya at ngayon nga’y nakasakay na siya ng elevator papuntang office niya.

Pagbukas ng elevator ay isang babae ang nakatalikod sa kaniya.

Camille…

An urge to hug her surged through him, she’s safe – she’s safe and she’s infront of him at this very moment.

“You, bastard!” Natigilan siya.

Did she just called my friend a bastard? Kitang-kita niya ang pagtiim bagang ni James.

“Si Daddy ang nag open ng mga accounts na ‘yon! Wala kang karapatang ipasara” Kaya pala. Bumaha ang galit niya para dito. Pinag-alala sila nito ng husto, yun pala paggastos lang ang inaatupag.

Ikinagulat niya ang mga sumunod nitong salita. “Papabagsakin ko ang kumpanyang ito para mabawasan yang kayabangan mo!” napasinghap ang mga nakarinig dito.

Hindi na siya nakapag-isip sa narinig. Hinablot niya ito at isinandig sa elevator. “Hindi ikaw ang uri ng babaeng magpapabagsak sa pinaghirapan ko!” Hindi siya makapapayag na may sino manng manira sa firm na pinagsikapan nilang itayo ni James, kahit na ang babaeng ito pa. Maliit lang ang firm na ‘yon nang simulan nila ngunit nagsikap sila para marating ng firm nila ang katayuan nito ngayon. Maraming pagsubok at paghihirap ang pinuhunan nila ni James para maabot ngayon ang kung ano mang katayuan nila. They shed sweat and blood for this business. He cannot allow a brat to bring it down.

“Rave?” utag ni James na pinapapasok na siya sa opisina nito. “Ganun ba tlaga kalakas ang blow ko at pati utak mo ay kung saan na napadpad?” biro nito na nakangiti man ay halata ang guilt sa mukha.

“I’m sorry for that, bro” tinignan nito ang tagiliran niya nang makapasok sila sa opisina. “I warned you already, ang sabi ko sa’yo kahit ikaw malilintikan pag pinaiyak mo kapatid ko.”

“I think I deserve it for making her cry.”

“Yeah,” pagsang-ayon nito. “You deserve that. What’s into you? You never hurt a woman before, at least not physically, and definitely not intentionally.” nakakunot nitong panenermon sa kaniya.

“Maybe I was just tired. And her words, I cannot control my urge to crash her to dust. This company is worth my life, who the hell is she to bag it down?” galit na sabi niya.

“Maybe you should take the day off,” sabi nito sa mababang tinig. “You are not yourself, Rave.” nag-aalalang dagdag nito.

“I don’t know about day off,” kanina pa siya wala sa sarili. Malamang dahil sa kawalan ng tulog. But he was always a late zeezzer but an early riser.

“Ikaw ang bahala,” umupo na ito sa likod ng mesa nito.

Lumapit siya sa mesa nito at tumayo sa mismong harap nito.

“Don’t you think you’re being hard on her? Baka nagrerebelde lang din siya tulad natin noon. I think she’s being hateful.”

Tumingin sa kanya ito.

“I thought about that already,” ngumisi ito. “Lucas is on her trail. He’ll bring her home tonight. And I’ll try a different approach to discipline my dear sister.”

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

15 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FIVE

  1. ganda tlga!!

    Posted by alma | Setyembre 3, 2012, 11:18 hapon
  2. much better to have a big sister rather a big bro

    Posted by elletse | Agosto 13, 2012, 2:11 hapon
  3. how i wish i have a big brother like James .

    Posted by marshmallow | Mayo 7, 2012, 11:28 umaga
  4. gusto ko rin magakroon ng kuya.. .. . arggggggh. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 5:00 hapon
  5. hmm.. nice!!

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 4:22 hapon
  6. Mi Odiosa Querida (My Hateful Darling)

    Posted by kuletnimbles | Oktubre 1, 2010, 3:29 hapon
  7. ganda ng story as in….. can’t hardly wait to read the next chapter….. mag hihintay na naman ako ng ilang araw.. huhai…

    Posted by micole :) | Setyembre 22, 2010, 4:08 hapon
  8. ano po ba meaning ng title in english?

    Posted by mariz | Setyembre 21, 2010, 1:25 hapon
  9. ang ganda naman ng story ………….whewwwwwwwwwww bitin nga lang sya…can’t wait for the nxt chapter!!!

    🙂

    Posted by cristina | Setyembre 19, 2010, 11:17 hapon
  10. tnx sa mga nagbabasa pasenxa na po, 1st time kong magpost dito, medyo di pa gamay…

    Posted by kuletnimbles | Setyembre 19, 2010, 12:57 hapon
  11. hay bitin naman ang onti..hihihihi next na po..

    Posted by eizzy | Setyembre 19, 2010, 11:33 umaga
  12. YOU ARE RIGHT SO BORE TO WAIT THE NEXT CHAPTER THAT TAKES A WEEK. PLEASE MAKE IT DAILY OR EVEN TWICE A WK.

    Posted by angelsmile | Setyembre 19, 2010, 4:05 umaga
  13. nakakabitin naman. ang ganda ng story.🙂 sana everyday ang posting or 3 times a week, kahit 2 times a week na lang. hehe. i lurve it!

    Posted by candy | Setyembre 18, 2010, 7:19 hapon
  14. ang tagal ng posting nito..huhuhu
    ganda na kasi…

    Posted by sweet _anne | Setyembre 18, 2010, 5:57 hapon
  15. wow… galing nman!!
    GOD BLESS!

    Posted by Chiara | Setyembre 18, 2010, 3:01 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: