binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 10 “Love Enemy”

Chapter 10

Personal si yaya mila ang bumili ng groceries nila Rowan at Dave para sa kanilang buwanang stock. Walang pasok nun si Dave at wala rin silang usapan ni Adela na magkikita kaya nang malaman niyang mamimili si yaya mila sumama siya.

“Himala at sumama ka sa’kin? Wala ka bang lakad ngayon o date man lang?” tanong ni yaya mila kay Dave.

“Wala po yaya, ayaw niyo nun, isang himala..hahaha”

“Ikaw talaga bata ka.”

Habang namimili sila. Napalingon sa kabilang lane si Dave. Parang si Arabella iyon ha! teka sino ang kasama niya? Lumakad at lumapit kay Arabella.

“Arabella, lumingon ito, anong ginagawa mo dito?”

“D-ave, ikaw pala. Meron lang binibili? Ikaw ano ang ginagawa mo dito?

“Sinasamahan ko lang mag-grocery si yaya mila. Tumingin ako sa kasama niya. ‘Baka gusto mo akong ipakilala sa kasama mo?”

“Ah—Dave siya si Daniel. Daniel si Dave, boyfriend ng kaibigan ko.”

Nag-shake hands ang dalawa. “Daniel pare, fiance ni Arabella. Invited ka pare para sa nalalapit na kasal namin next month. Ibibigay nalang sa’yo ni Arabella ang invitation.”

Alam ko nagulat si Dave, base sa naging reaksiyon niya.  Hindi ko rin inexpect na sasabihin ni Daniel iyon.

Tumingin si Dave sa akin. “Ikakasal ka na pala? Alam na ba nila Adela ito?”

“Hindi pa Dave, kaayos lang namin kasi ng detalye kaya hindi ko pa nasasabi sa kanila. Hayaan mo ako magsabi sa kanila.”

“We’ll congratulations to both of You. Paano mauna na ako sa inyo baka hinahanap na ako ni yaya mila. Nice to meet you Daniel.”

Hinihintay na nga ni yaya mila si Dave sa counter na kasalukuyang nagbabayad ng pinamili. “Saan ka ba  nanggaling? Kanina pa ako hanap ng hanap sa’yo.”

“Nakita ko lang yung kaibigan ko yaya, si Arabella, barkada niya ang nobya ko.”

“Sila ba ang kasama niyo sa Sagada?”

“Opo yaya, nagulat nga ako dahil hindi man lang niya nabanggit sa amin na may boyfriend na siya at kasama niya ngayon?”

Nagulat si yaya mila sa pagbanggit ng pangalan ni Arabella at nasabing may boyfriend ito. “Eh sino naman itong boyfriend niya? Tanong ni yaya mila.

“Ipinakilala naman ako ni Arabella sa kanya, Daniel, tama Daniel ang pangalan. At inimbitahan nga ako na dumalo sa kasal nila sa susunod na buwan. Nagulat nga ako sa sinabing yun!”

Kung nagulat kanina si yaya mila, mas lalo siyang nagulat sa huling sinabi ni Dave. Paano na sila ni Rowan? Kailangan maka-usap ko si Rowan tungkol dito.

“Sayang nga yaya kasi nung nasa Sagada kami, tinutukso namin silang dalawani Rowan, akala nga namin magkakadevelopan sila. Sayang talaga, bagay pa naman sila.”

Simula nang magka-usap sila ni Mona kanina, hindi na siya mapakali at binagabag ang utak niya tungkol sa sinabi niya nung huli. Halos hindi na siya makapag-concentrate sa trabaho.

Tumayo at nagsalin ng alak . Bakit nangyayari ito? Bakit siya pa ang naging ama mo? Mahal kita Arabella pero paano na magiging tayo muli kung ang iyong ama ang dahilan ng pagkawasak ng pamily ko. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ang iyong ama. Sa pagninilay-nilay ng kanyang problema biglang may hindi inaasahang tawag.

“Attorney, kamusta na po, kamusta na ang kaso natin? May balita ba kayo sa akin?”

“Talaga Attorney, kailan? Sige Attorney makaka-asa kayong dadalo ako.” Pagkababa niya ng telepono, inisip naman niya kasong pina-buksan.

***

Muli na namang gabi umuwi si Rowan at muli rin siyang hinintay ni yaya mila.

Pagpasok ni Rowan sa kabahayan, naka-upo si yaya mila sa sofa. “Hinintay niyo na naman ako?”Dumiretso muli siya sa mini bar at nagsalin ng alak.

“Itigil mo nga yang kaiinom mo at walang kang solusyon diyan na makukuha.”

“Yaya sinesermunan niyo ba ako?”

“Hindi kita sinesermunan, pinapangaralan lang kita. Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko?”

“Hindi pa yaya, pero may balita na si Attorney sa kasong pinabuksan ko.”

“Ano ang balita sa kaso?”

“Na-ipadala na yung warrant of arrest kay Alberto. May schedule narin ng hearing next week.”

“Ganun ba, ako rin may balita sa’yo.”

“Anong balita yaya?”

“Kanina sumamang mag-grocery sa akin si Dave at nagkita sila ni Arabella. May kasamang lalake ito.”

Napalingon si Rowan. “Anong sabi niyo may kasamang lalake si Arabella?”

“Oo may kasama siyang lalake at ang pag-kakasabi ni Dave, Fiance ito ni Arabella at inimbitahan itong si Dave na pumunta sa kasal nila sa susunod na buwan.”

“Kasal! Kasal ni Arabella? “ may hint na siya kung sino ang sinasabi ni yaya mila.

“Tatanungin ulit kita. Mahal mo ba talaga siya?”

Ilang segundo na hindi kumibo. “Mahal na mahal ko siya yaya pero…”

“Pero para sa iyo imposibleng magkatuluyan kayo dahil siya ang anak ng pumatay sa ama mo.” “Anak, kilala kita, ako na ang nagpalaki sa inyo ni Dave kaya alam ko na kapag-importante sa’yo ang isang tao lahat gagawin mo para sa kanya.”  “Hahayaan mo ba siyang makasal sa iba? Kailangan niyong mag-usap.”

Nakayuko at nakatitig lang sa basong hawak. “Siguro nga po dapat ko na siyang kausapin.”

***

Napagod si Arabella sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Daniel. Ilang beses pa niyang tinawagan si Rowan ngunit hindi na ito sumasagot. Kaya nagpa-isip isip na rin niya na itigil na tutal naman ito na rin ang nakipag-hiwalay sa kanya kahit hindi man lang sinabi ang dahilan.

Katatapos lang maligo nang mayruong tumawag.

“Hello!” walang naka-rehistrong numero pero sinagot ko pa rin baka importante.

“Arabella, si Rowan ito.”

“Ikaw pala, meron ba akong maipaglilingkod sa’yo dahil gabi na napatawag ka pa?” seryoso at walang kabuhay na sagot ko.

“Puwede ba tayong mag-usap?

“Mag-usap? Ano sa tingin mo hindi ba tayo nag-uusap ngayon?

“I mean is. . . personal na magkita tayo.”

Matagal na hindi ako sumagot. “Bakit ngayon lang Rowan? Bakit ngayon mo lang naisipan na kausapin ako?”

“I’m sorry Arabella, pero mas maganda kung magkita tayo, meron ka dapat malaman? Sunduin kita sa school niyo.”

“Nangyari na iyon Rowan. Hindi ko makaka-pangako, merong bodyguard kasi na nagbabantay sa akin.”

“Hihintayin pa rin kita kahit ano mangyari.” At ibinaba na nito ang telepono.

Pagkatapos nilang mag-usap.. pinag-iisapan kung makikipag-kita ba siya rito.

Bakit ngayon lang, kung kailan malapit na akong ikasal.

***

Kinabukasan nga. Hindi pumasok sa trabaho so Rowan upang abangan si Arabella sa school nito.

Sana makarating ka Arabella, we really need to talk. Ngayon ko sasabihin sa’yo kung bakit ako nakipag-hiwalay sa iyo.

Palingon-lingon si Rowan sa paligid sakaling makita si Arabella ngunit may taong tumapik sa kanyang likod a hindi niya namamalayan.

Paglingon. “Anong ginagawa mo dito?”

“Mona ikaw pala, pinakaba mo ako, akala ko kung sino na.”

“Ano ngang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok sa office?”

“Hindi muna ako pumasok, nagpag-isip isip ko na dapat ko na siyang kausapin kaya tinawagan ko siya kagabi na aantayin ko siya dito.”

“Hindi ako sure Rowan kung makakasipot siya ngayon dahil mahigpit magbantay yung bodyguard niya. Sinisigurado kasi ng daddy niya na hindi kayo magkikita. Tsaka bigla nalang sumusulpot yung lalakeng ipapakasal sa kanya.”

“Mag-aantay pa din ako, hindi ako mawawalan ng pag-asa.”

<sigh> “Kung gusto mo tulungan kita na makausap siya.  Meron pa kasi kaming last subject pero hindi makakarating ang professor namin kaya pwede kayong mag-usap. Ako bahalang gumawa ng paraan.”

“Salamat Mona.”

“Huwag ka muna magpasalamat, hindi pa kayo nag-uusap eh!, teka diyan ka lang at hanapin ko kung nasaan siya.”

Umalis nga si Mona para hanapin si Arabella. Sana pumayag si Arabella na magka-usapa kami.

Sakto namang nasa library si Arabella para dito na gumawa ng kanyang assignment. At doon nga natagpuan ni Mona siya. “Arabella..mahinang tawag sa kanya.”

“Arabella pwede lumabas muna tayo ng library? May sasabihin lang ako sa’yo”

“Bakit? Anong sasabihin mo? Importante ba yan?”

“Oo, importante ito, at ikaw ang involve”

“Ano na naman ba ito Mona at tungkol saan?

“Nasa labas si Rowan, hinihinta ka.” Gusto ka raw niya makausap.”

“Sinabi ko sa kanya kagabi na malabong makarating ako sahil diyan sa bodyguard na nagbabantay.”

“Kaya nga gagawa tayo ng paraan para magka-usap kayo. Nasaan ba yang bodyguard mo?”

“Nasa parking lot?

“Sige sa dulo ng building kayo mag-usap. Wala masyado dun nagpupunta, ako nalang ang magbabantay sa inyo. Pumunta ka na doon, donn ka nalang namin kitain, tatawagin ko lang siya.”

Tinawag na nga ni Mona si Rowan at doon na sila magkikita.

“Kamusta ka na? Namamayat ka?” gustong gustong yakapin ito ni Rowan si Arabella pagka-kita niya rito pero nag-alangan siya dahil alam niya malapit na itong ikasal.

“Mabuti naman ako, oo nga pumapayat na ako, lagi kasing  ang iniisip ang  problema.” Ikaw din naman nahuhulog na ang katawan mo.”

“Wala ito, gaya mo rin iniisip ko din ang problema ko.”

“So, anong pag-uusapan natin. Ano ang dapat kong malaman?”

“Natandaan mo yung kinuwento ko sa’yo nung nasa beach tayo. Yung tungkol sa pag-kamatay ng ama ko.”

“Oo, nabangit mo rin dun na mag-hihiganti ka. Bakit nahuli na ba yung taong pumatay sa kanya?”

“Hindi pa nahuhuli,pero, kaya nga pinabuksan ko muli ang kaso. Na close ang case nang hindi nila malaman kung sino ang pumatay.” Arabella, about this, huwag ka sanang mabibigla.”

“Bakit? Ano ang tungkol dito?”

“Sinabi ko sa iyo na kilala ko kung sino ang pumatay at meron na akong ibedensiya na magpapatunay na siya nga ang  pumatay. Malalim na buntong-hininga ang ginawa. Arabella kaya ako nakipag-hiwalay sa iyo dahil ang daddy mo ang pumatay sa aking ama.”

“What? ..”

Talakayan

9 thoughts on “Chapter 10 “Love Enemy”

  1. nagulat tuloy c arabella kya lng laging bitin.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:40 hapon
  2. maraming salamat po sa inyong pagbabasa @eizzy, sweet_annem shemme, xxBunZxx and mizty07. posting po nito ay every Tuesday and Thursday. nawa po ay hindi kayo magsawang sumubaybay sa mga istoray dito sa TOP. muli po salamat. Godbless

    Posted by Clay | Setyembre 18, 2010, 4:55 hapon
  3. cute st0ry..un lng a little bit bitin p0..kyln p0 b tp0s n2?;)

    Posted by mizty07 | Setyembre 17, 2010, 5:04 hapon
  4. wah!!!! next chapter na po pls!!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by xxBunZxx | Setyembre 17, 2010, 4:01 hapon
  5. kelan nxt posting? sbra kabitin eh..hehe

    Posted by alexis_shawn27 | Setyembre 17, 2010, 1:10 hapon
  6. mamamatay na talaga ako ! sobrang bitin talaga… i’ll be waitng sa next chapter.. i love the storry soo soo much :))

    Posted by shemme | Setyembre 16, 2010, 10:54 hapon
  7. kakabitin na..hehehe

    Posted by sweet _anne | Setyembre 16, 2010, 6:41 hapon
  8. awww bitin naman po…ako pala una…hihi

    Posted by eizzy | Setyembre 16, 2010, 6:24 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: