binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 1

“Hoy! Praning! Kanina ka pa tulala dyan! Nilipad na naman ba ng hangin yang utak mo?” Pukaw sa kanya ni Fatima . “Aba! Ilang oras ka na dyan ah. Teka..isara mo muna ‘yang bunganga mo, tumutulo yung laway!” sabi nito sabay tinampal-tampal ang pisngi niya.

Nagulat siya sa ginawa nito kaya bigla siyang nahulog sa duyan. “Ay! Anak ng– Ano ba yan Fam! Ano ba yang ginagawa mo?” Nagtataka niyang sabi. Agad siyang tumayo at pinagpag ang nadumihan niyang damit saka umupo ulit sa duyan at tumunganga. Kanina pa siya nag-iisip kung paano malulutas ang mga problema niya tapos dadagdag pa tong makulit niyang kaibigan.

Hindi na niya talaga alam kung ano ang gagawin niya sa buhay basta paggising niya na lang isang umaga ay naramdaman niyang kailangan niyang baguhin ang  kasalukuyang routine ng buhay niya, pati na rin ang trabaho niya. She wants everything to be new, hindi niya alam kung bakit. Ang isa pa niyang pinoproblema ay ang galit niyang manager dahil ilang araw na niya itong pinagtataguan at palihim na nagtatrabaho sa call center.

Nagtatrabaho siya sa isang call center lingid sa kaalaman ng manager niya. Pinaki-usapan niya lang ang may-ari na kaibigan niya rin na ilihim na doon siya nagta-trabaho pag-absent siya sa modeling career niya. Mapagkakatiwalaan naman ang kaibigan niya kaya hindi pa siya nabubuko. Ito ang first step niya para sa pagbabago, gusto na rin kasi niyang umalis sa career niya at mamuhay nang simple ngunit alam niyang hindi madali iyon. Maraming manghihinayang at magtataka kung bigla siyang magba-back-out sa modeling career niya. She was hailed as the most highly paid model in the industry kaya mahirap kung biglang aalis siya at iwan ang career niya.

Minsan lang niyang nasabi ang plano niya sa manager niya at hayun nagtampo agad.Nahirapan pa siyang suyuin ito. Sabi pa nito nasa kalagitnaan pa siya nang kasikatan at can’t afford daw nito na mawalan ng sikat na model. At siya bilang isang dakilang alaga ay sinunod niya ito, ayaw niya rin kasi itong nagtatampo. Mabuti na lang at na-isingit niya ang pag-aaral kaya nakapagtapos siya ng Business Management but she wants more.

Wala naman talaga kasi sa plano niya ang pagiging model.Kinailangan niya lang iyon gawin dahil nangailangan siya noon. Tumuloy-tuloy naman ang success niya roon kaya pinagpatuloy na lang niya but something came up with her mind. Nagsasawa na siya kaya binoycot niya ito kamakailan lang. Di naman niya akalain na magagalit talaga ito sa kanya ng todo-todo kaya dagdag na naman sa problema niya.

“Anong ano ba yang ginagawa mo? wag ka ngang magmukmok diyan, marami pa tayong gagawin!  Pasalamat ka nga at iniregalo ako sa iyo para sagipin kita diyan sa napakalalim mong iniisip! maloloka ka lang diyan” may pagmamalaki nitong sabi.

“Hala! Hindi ka pa mayabang sa lagay na yan noh? At bakit mo ako ililigtas? FYI! Hindi ako maloloka noh, ang pag-iisip ay good for the brain! Kung kausap siguro kita ng isang araw ay pwede pa.” ganti niya rito. Matagal-tagal na rin niya itong kaibigan. Since high school pa sila. Napagkasunduan nilang sa isang university lang sila mag-aaral ng college at sa college na rin nilang dalawa nakilala ang tatlo pa nilang kaibigan. Subok na rin ang pagkakaibigan nilang lima. Currently ay sa iisang bahay silang dalawa nakatira ngayon. Habang ang tatlo niyang kaibigan ay may sari-sariling tirahan. Silang dalawa lang ata ang ganoon. Sabi nga ng mga kaibigan niya kambal-tuko daw sila.

“Aba!suwerte ka kaya, kasi kinakausap ka ng isang kagaya ko. Regalo  ako sa mga lalaking nangangailangan ng isang tulad ko at sa mga babaeng palagi na lang tulala at tulo laway pa!” sabi pa nito.

“Hay! Kaibigan kong nag-proclaim na so-called-gift-of-men siya. Kausapin mo sarili mo! Kita mong namomroblema ako! Lukring ka talaga! Kung wala kang magawa sa buhay mo pumunta ka sa mall at bilhin mo doon lahat!” sanay na silang dalawa sa kabaliwan nang isa’t-isa. Para ngang out of this world ang pinag-uusapan nilang dalawa paminsan-minsan. Sila-sila lang ang nakakaintindi kaya madalas mapagkamalang may sira but it was fun, totoong kaibigan mo lang ang isang tao pag naipapakita mo ang totoong sarili mo at ang mga kapraningan mo sa kanya.

“Problema? Anong problema mo? Yung utang ng bansa? Wag mo nang problemahin yun. Sa Presidente ng problema iyon. Tsaka wala akong pera kaya bigyan mo ako para maka-pag-shopping  at mawala ako ngayon sa harapan mo.” Nakangising wika nito.

“Ha-ha.Very funny tsaka ano ako hilo? Di pa ako praning para bigyan ka ng pera. Ang yaman mo kaya.”

“Ikaw kaya nag-suggest! Batukan kaya kita diyan? Pero sa ibang araw na natin pag-usapan yan. Darating ang mga bruha kaya halika na dahil maghahanda pa tayo ng pagkain tsaka maglilinis ng bahay.” Tila nanghihinayang pa itong sabihin ang “maglilinis sila ng bahay.”

“Hoy! Teka lang. Maghanda ng pagkain pwede pa pero ang maglinis..hay..walang kwenta! Masasayang lang ang pagod natin dahil dadaanan naman iyan ng bagyo pag dumating na ang mga loka!” eksaheradong sabi niya.

“Sabagay, may point ka. Hay! Bakit kasi ganoon? Sinalo nga natin lahat ng kagandahan pero hilo ata tayo kasi pati kabaliwan at kamalditahan ay sinalo natin!” sabi nito tsaka hinila ang kamay niya. “ Halika ka na Praning. Marami pa tayong gagawin..” sabi pa nito. Wala na siyang nagawa kundi ang magpatianod na lang. wala rin namang magagawa kung kokontra pa siya.

Talakayan

7 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 1

  1. ang cute

    Posted by regino | Nobyembre 14, 2013, 3:26 hapon
  2. Lukring at praning tlga. . . How nice to hav friends likevthem. . 🙂

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:12 umaga
  3. akala q sosyal n model. eh bkt ang dialogue pang kanto at plengke

    Posted by aileen | Oktubre 10, 2013, 8:00 hapon
  4. nakaktawa

    Posted by Grace | Mayo 29, 2013, 12:56 hapon
  5. ano daw ang story?nah….

    Posted by poohpooh23 | Agosto 31, 2012, 1:26 umaga
  6. praning …naka2tawa..

    Posted by Aika Saro | Marso 4, 2012, 6:42 hapon
  7. ok lang…

    Posted by hanna | Pebrero 27, 2012, 11:20 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: