binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 9 “Love Enemy”

Chapter 9

“Mona,umiiyak,tulungan mo ako hindi ko na kaya ang sakit.”

“Bakit, anong nangyari? Relaks lang muna, ano ba ang nangyari sa’yo?”

“Nahuli kami ni daddy tapos pinag-bawalan na akong makipag-kita sa kanya. And worst nakipag-hiwalay na sa akin si Rowan.”

“What? Wait mo ako, pupunta ako diyan. Relaks ka lang.”

“What happen?”Pag-pasok  ni Mona sa kwarto ko, inabutan niya akong iyak ng iyak. “Tama na yang kaiiyak mo bestfriend, hindi mareresolve yang problema mo kung iyak ka ng iyak. Tingan mo yang mata mo? Para ka nang cobra sa maga ng mata.”

“Paano ako titigil sa kaiiyak, hindi ako makaalis ng bahay ng walang kasamang bodyguard tapos sinusubukan ko ulit tawagan si Rowan para alamin bakit siya nakipag-hiwalay pero ano..naka-turn na ang cellphone niya.”

“Mona, daddy is so unfair. Bakit kailangan siya ang mag-decide kung sino ang dapat kong makatuluyan. “

“Bakit kailangan akong hiwalayan ni Rowan? Ano ang dahilan niya?Bakit hindi man lang niya ipinag-laban kay daddy? Akala ko mahal niya ako? “

“Tahan na, siguro nga may dahilan siya kung bakit niya ginawa iyun?”

“Pero ano? Anong dahilan? Gusto ko siyang maka-usap? Gusto kong marinig mula sa kanya ang reason niya? Mona tulungan mo naman akong maka-usap siya.”

“Arabella, paano pag-nahuli tayo ng daddy mo? Baka mas lalo pang lumala kapag ngayon natin ginawa ito?” natatakot na rin si Mona sa anumang mangyari pag nagkaganun.

“Ayoko nang patagalin pa ito, kailangan ko na siyang makausap.”

“Arabella please, huminahon ka. Palipasin mo muna natin ng mga ilang araw saka tayo gumawa ng plano para makapag-usap kayo.”

“Hanggang kailan Mona, sabi ni daddy anytime darating na sa bansa si Daniel at pag-dumating na siya aayusin na kaagad ang kasal namin.

***

Naging busy si Rowan sa trabaho pati narin ang pag-aasikaso sa naturang kaso sa pagkamatay ng kanyang ama? Si Dave ay walang kaalam-alam pa rin sa pangyayaring ito.

Minsang umuwi ng hating-gabi . “Wala ka bang balak kausapin si Arabella? Tanong ni yaya mila.

“Gabi na yaya bakit hindi pa kayo natutulog?” dumiretso siya sa mini bar at nagsalin ng alak.

“Hinintay talaga kita. Ilang araw ka nang ginagabi ng uwi. Kaya naisipan kong hintayin ka para maka-usap.”

“Sa totoo lang yaya hindi  ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.”

“Mahal mo ba siya? Anak wala siyang alam sa nangyari? Hindi niya kasalanan yun, kagagawan ng ama niya iyun.” Kung mahal mo siya dapat mo siyang kausapin baka siya pa ang makatulong sa’yo. “

“Magulo pa ang isip, hindi ko alam ang gagawin ko.”

“Pag-isipan mong mabuti ang mga sinabi ko.” Naglakad na at iniwan si Rowan na nag-iisa.

***

“Rowan,wait. Pwede ba kitang maka-usap?” Gaya nga ng usapan nila ni Arabella, nagpa-lipas muna sila ng ilang araw. Pinuntahan ni Mona si Rowan sa opisina nito.

“Mona anong ginagawa mo dito?”

“Gaya nga ng sabi ko pwede ba kitang maka-usap?”

“Ano ba ang dapat nating pag-usapan? Pina-punta ka ba niya dito?” Mona huwag ka na sana maki-alam pa sa problema namin.”

“Hindi ako  pwedeng hindi maki-alam, dahil bestfriend ko ang sinasaktan mo. Ayokong nakikita siyang umiiyak.  Gusto ko lang naman malaman bakit mo siya hiniwalaya? Bakit hindi mo siya ipinaglaban sa daddy niya?”

“Mona hindi pa ako handang sabihin o makipag-kita sa kanya.  May rason ako kung bakit ko ito ginawa sa kanya at kung bakit ko siya hindi ipinaglaban sa daddy niya nung nahuli kami. “

“Anong rason ba iyon Rowan? Pwede ko bang malaman, kahit sa akin mo nalang  sabihin baka sakaling matulungan kita.  hindi ko ipararating sa kanya.”

“It’s too personal, huwag mo na sanang alamin pa. I got to go may meeting pa ako.”

“Ganun nalang ba iyon Rowan, sa kabila ng pagmamahal niya sa’yo, bigla mo nalng itatapon. Tinutulungan ko siya dahil masakit sa akin na lagi siyang umiiyak at sobrang nasasaktan.”  <sigh>. “Baka gusto mo rin malaman na ikakasal na siya next month, sa lalaking ipinag-kasundo sa kanya. Kaya hindi mo siya masisisi kung ayaw niyang ipaalam sa iba ang relasyon ninyo. Kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo.” At naglakad nang paalis ito.

Natulala. Ano ang sabi niya, ikakasal na ang Arabella ko. Napahilamos ng mukha. No! this can’t be… Arabella

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 9 “Love Enemy”

  1. ayan ntulala k tuloy rowan, ikakasal n c arabella tuluyan n sya mwawala syo. kkaexcite nman ito kya lang prang ang ikli ng chapter noh kkbitin.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:31 hapon
  2. hmmm attraction at first sight, whirl wind love, sabay kalas,, haisst nagugulumihana ako,, nase-sense ko ang flow ng story,, kinakapos ako s humor at compositions of words,, nabibitin tuloy ako,, sana gumanda pa ung story=)

    Posted by bainisah | Disyembre 30, 2010, 6:12 hapon
  3. aww ang iksi naman po ng chapter kakabitin…hihihihi

    Posted by eizzy | Setyembre 15, 2010, 1:37 umaga
  4. ano kaya nag gagawin ni rowan?
    sana naman puntahan nya si arabella..
    tama ung cnabi ng yaya mila nila..walang kinalaman si arabella sa ginawa ng daddy nya..

    Posted by shon | Setyembre 14, 2010, 4:55 hapon
  5. ilang chapters po to?..
    GANDA NA KASI…

    Posted by sweet _anne | Setyembre 14, 2010, 3:37 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: