binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FOUR

CHAPTER FOUR

“O, bro, napatawag ka?” tanong niya nang sagutin ang tawag ng kaibigan. Pass one na nang tingnan niya ang orasang pambisig. Nasa isang bar siya kasama ng kasalukuyang ‘girlfling’ at ang barkada. Hindi sumama ngayon si James sa labas nila.

“She’s missing!” bungad agad nito na tila wala sa sarili.

“What? Since when?” alam niyang ang kapatid nitong pasaway ang tinutukoy ng kaibigan. Kaya pala hindi ito sumama ngayon.

“Remember when I told you she escaped?” Nag-aalalang sabi nito.

“Yeah” that was two days ago. Nakaramdam siya ng kaba.

“I thought she’ll be home that night or at least the following morning, but she’s no where until now,” tila kinakapos ito ng hininga.

“Nareport mo na ba ‘to sa mga pulis?” Shit! Parang kakapusin din siya ng hangin! Baka kung napano na ang dalaga. Layas ang kapatid na ‘yon ng kaibigan niya at pariwara pero hindi ni minsang may narinig siya mula sa kaibigan na hindi ito umuwi ng ganon katagal. Bakit ba ganon nalang ang pag-aalala niya sa isiping baka napahamak ito gayong minsan palang niya ito nakikita sa personal? Marahil ang pag-aalalang iyon ay para sa kaibigan. Mahal na mahal nito ang kapatid.

“Kasama ko si Lucas, bro. Tumutulong na din ang mga pulis sa paghahanap kay Camille. Pinasara ko rin lahat ng accounts niya para kung sakali mang nag layas ay bumalik din pag naubusan ng pera,” nahaluan ng galit ang huling mga salita nito.

Napabuntong hininga siya. Hay, ang babaeng ‘yon talaga, sakit sa ulo. Lalo pa siyang nag-alala ngayong nalamang wala itong pag kukunan ng pera.

“Bro, baka naman makita niyo siya diyan paki tawagan naman ako o,” pakiusap nito sa nanginginig na tining.

“Sige, bro.” nagtataka siya kung bakit tila takot na takot ang kaibigan, para bang sigurado ito na may mangyayari sa kapatid nito.

Kung sabagay, ang dalaga na nga lang naman ang natitirang pamilya nito mula nang mamatay ang ama.

“Salamat,” iyon lang at tinapos na nito ang pag uusap nila.

“Anong problema, hon?” malambing na tanong ni Shiela na siyang date niya.

“I have to go, honey. I’m sorry,” sabi niya dito at tumayo na. “Ihahatid na kita, kung gusto mo namang dumito muna ibibilin nalang kita kay Sean.”

“I’ll stay,” maikling sagot ng tinanong.

Matapos ipagbilin sa kaibigan na ihatid si Sheila ay umalis na siya para hanapin ang pasaway na babaeng dahilan ng pagkabog ng kaba sa dibdib niya ngayon.

Magdamag siyang naghanap ngunit nabigo siya. It’s already 6 A.M. kailangan na niyang bumalik sa condo niya at magpahinga papasok pa siya ng office mamaya.

Tinawagan niya si James.

“Bro, did you find her?”

“Hindi pa nga e. God, Rave what will I do. Papano kung napahamak na ang kapatid ko!”

“Yung friends niya tinawagan mo ba?”

“Hinalughog ko ang unit ni Gale pero wala si Camille dun, bro.” tila may nahimigan siyang inis sa boses nito.

“We better take some rest,” pagod niyang turan.

“Whoa! We?” tila hindi makapaniwala nitong sabi. “Don’t tell me ngayon ka lang naka uwi?” sarcasm colored his voice.

“Bro, I’m trying to help here, okey? And correction, sir, pauwi palang ako,”

“Woaw! You helped?

“Yeah, I looked around a bit,”

“A bit?” pag-uulit nito. “‘A bit’ e six am na nasa labas ka pa?”  makahulugan nitong tanong. “Bro, I really do smell something fishy here,”

“Tingnan mo sa lababo, baka naiwan ng cook niyo yung mga isda doon,”

Tumawa si James.

“Hindi ako umuwi ng bahay, nandito ako sa condo”

“Oh, baka nasa bahay niyo na ‘yong pasaway mong alaga.”

“Tatawag sila sa akin pag-umuwi si Camille,”

“Okay then, and just so you won’t smell something fishy, I’m just trying to help you,” pangngatwiran niya.

Tumawa ito ng mahina. “Thanks. Matulog ka. Natulog na ako pagkatapos kitang tawagan kagabi, kagigising ko lang. Ikaw lang ang ‘di natulog,” tumawa ulit ito na nang-aasar.

Natawa na rin siya.

“Sige bro.”

Alam niyang kumikilos na si Lucas para ma-locate ang dalaga kaya mabutibuti na ang mood ni James ngayon. Bagman tipid sa tuwa, nakakatawa na ito ulit.

Nang makarating siya sa unit niya ay naligo siya at humiga sa kanyang kama ng may pag-aalala parin para sa dalagang pinag-aalayan ng pag tingin. May pag tingin nga ba siya kay Camille? Oo, mabilis na sagot ng pakialamero niyang konsensya. Ano namang klaseng pagtingin meron ka para sa kanya? tanong naman ng isa pang bahagi ng isip niya. Kung ano man ang sagot doon ay hindi na niya naisip pa. Pagod na siya at walang tulog kaya naman nahimbing siyang nakakunot ang noo.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

15 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FOUR

  1. pasaway n camille😀

    Posted by ecinaj | Pebrero 27, 2014, 9:20 umaga
  2. hahaha kaloka

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 11:46 umaga
  3. naks… inlove yan chong…. hahaha…ganda. .

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 4:52 hapon
  4. whew!!!! worried si rave😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 4:14 hapon
  5. parang c Gale at c James ay magkakamabutihan din at the end kc palagi din clang ng-aaway..aw

    yeah! cute story😀

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 10:20 hapon
  6. kalma lang, rave. magkikita rin kayo ni naya at pakikiligin nio pa kami sa story nio. ^_^

    Posted by angel_YL | Disyembre 4, 2010, 5:18 hapon
  7. wala pa pong next chapter nito??heheheh ang ganda po kasi kakabitin..

    Posted by eizzy | Setyembre 17, 2010, 11:24 hapon
  8. can’t wait to read the next chapter… what a nice story…. weeeee… nkakaaliw basahin to… pasaway na girlaloosh.. hehehe😀

    Posted by micole_seno | Setyembre 14, 2010, 8:50 hapon
  9. hay naku pasaway talaga si naya..hehehe
    si rave naman nawiwindang dahil nawawala ung mahal nya..
    galing talaga ng pagkakagawa mo nito nimbles..hehehe
    sarap ulit ulitin..

    Posted by shon | Setyembre 14, 2010, 2:05 hapon
  10. hep hep..ganda pala nito ihihihihi…sana po ma i-post na ung next chapter. wala na kasi ako aabangan puro wakas nah…waahhhh tnx po…

    Posted by eizzy | Setyembre 14, 2010, 2:16 umaga
  11. Kaya nga sana twice a week or much better if thrice a week. And sana mahabang kwento not just 10 chapters kakabitin un eh.. Sana marami pa mangyari sa kanila na nakakashocking like ipakasal si camille ng kapatid nya kay rave pra 2migil na ang kalokohan nya or she get pregnant by rave then get married cguro tatanda na si camille at titino na.. Lol ang imagination ko po gumagana toinksss.. Mga ganung twist po ba pra exciting basahin hehe suggestions lng poh.. Thank you!!

    Posted by jennie | Setyembre 12, 2010, 6:57 hapon
  12. nxt chapter na po pls…… ang ganda ganda kasi eh..

    TOP PR Team: By schedule po posting nito. Salamat po sa pagbabasa.

    Posted by xxBunZxx | Setyembre 12, 2010, 6:27 umaga
  13. i love this story.🙂

    Posted by candy | Setyembre 11, 2010, 8:51 hapon
  14. ang ganda na talaga nito..
    sana 3x a wk ang posting..
    tnx sa nagsulat…

    Posted by sweet _anne | Setyembre 11, 2010, 4:33 hapon
  15. first to comment hehehehe

    Posted by Queen | Setyembre 11, 2010, 4:25 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: