binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 8 “Love Enemy”

Chapter 8

“Arabella, ano ang ibig sabihin nito?”

“Daddy…” bigla akong napalingon.

“What’s the meaning of this? Explain it to me?” dumagundong na boses ni daddy ang narinig sa parking lot .

Kasalukuyan kaming pasakay ni Rowan nang biglang narinig ang boses ni daddy. Ano ang ginagawa ni daddy dito?

“Who is he? Bakit kayo ang magkasama? I thought si Mona ang kasama mo?” hindi ko na namalayang nakalapit na si daddy sa amin.

“Daddy, I can explain!” Siya po si – “

“Rowan Alvarez sir,” sabay lahad ng kamay ni Rowan kay daddy.

“Then who are you Mr. Rowan Alvarez? How come you know my daughter?”

“Daddy..ano kasi — ”

“Let him answer my questions.” Nakatingin parin si daddy kay Rowan.

“I’m her boyfriend sir.”

“You what?” biglang tumingin sa akin si daddy.

“Is that true Arabella? Is he your boyfriend?”

“Y-es daddy, Rowan is  – my boyfriend” maluha-luha na ako na handa nang bumagsak anumang segundo.

Bigla nalang akong hinila papalayo ni daddy. “Halika na uuwi na tayo.” At muling tumingin kay Rowan. “ At ikaw lalaki, don’t ever see my daughter again.”

Hindi tuminag sa pagkakatayo si Rowan, wala man lang mababakas reaksiyon sa kanyang mukha.

Hanggang sa umandar na ang sasakyan namin, muli ko siyang nilingon, nakatayo pa rin siya pero bakit ganun? Hindi man lang siya gumawa ng paraan para makapag-explain kay daddy? Parang ok lang sa kanya ang nangyari? Hindi ko na mapigilang bumuhos ang aking luha.

***

Pagdating sa bahay. Dumiretso kaagad si Rowan sa Mini Bar at kumuha ng alak.

How can you do this to me Arabella. Bakit siya pa? Siya pa ang naging ama mo?

Galit na galit hindi na mapigilan ang sarili at biglang ibinato ang basong hawak.

Biglang napa-labas ng kusina si yaya mila.” Rowan ano ba ang nangyayari sa’yo? Sino ba ang kaaway mo at ganyan ang itsura mo? Tanong ni yaya mila.

“Yaya how could her do this to me? Bakit siya pa ang naging ama niya?”

“Sino ba ang tinutukoy mo bata ka? “ tinawag ni yaya mila ang iang katulong para linisin ang binasag na baso.

“Si Arabella yaya, siya ang nobya ko.” Kanina nakita kami ng ama niya. Yaya alam mo ba kung sino ang ama niya?” pagka-galing sa bakasyon nila Rowan sinabi niya kay yaya mila ang buong kwento kung papaano pinatay ang kanyang ama, kung sino ito ngayon. Kaya sinabi niya rito ang plano niyang pabuksan ang kaso ng ama.

“Ang ama ni Arabella ay walang iba kundi ang taong responsible sa pagkamatay ni daddy.”

Nagulat si yaya mila sa sinabi niya. “Anak, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka naman magkamukha lang sila? “

“Hindi yaya, sigurado akong siya iyon. Hinding –hindi ko talaga makakalimutan ang mukha na yun. Yaya anong gagawin ko? Mahal na mahal ko siya pero namumuhi rin ako dahil ama niya ang may kagagawan kung bakit kami naulila ni Dave.” Tuluyan na itong  napa-iyak

Nagdumaling hinagod ni yaya mila ang likod niya.

***

Hindi na din tumigil sa kaiiyak si Arabella. “From now on hindi ka na makiki-pagkita sa lalakeng iyon.”

“But daddy I can’t do that .. mahal ko siya. Mahal ko si Rowan.”

“I already told you na hindi ka pwdeng magkaruon ng karelasyon dahil naipag-kasundo na kita. Umoo ka na sa kin at kahit ano pa ang gawin mo hindi na magbabago ang pasya ko.” “You will be get married to Daniel as soon na bumalik siya ng pilipinas.”

“Daddy no.. ayoko nang magpakasal sa kanya. How can I married to man that I barely know.”

“Hindi ka na pwedeng lumabas ngayon ng walang bodyguard, kahit saan ka magpunta lagi mo itong kasama. And don’t try to meet that guy malilintikan ka talaga sa akin.” Pulang-pula na sa galit ito.

“You can’t do this to me…patakbong umaykat sa kwarto.

Tinawagan kaagad ni Arabella si Rowan ngunit hindi ito sumasagot, ilang ulit pa niya ginawa ito pero wala pa ring Rowan na sumasagot. Bakit ayaw mong sumagot, kailangan nating mag-usap.  Muli na namang bumuhos ang luha niya hanggang sa nakatulugan na niya ito.

Nagising ako sa tunog ng cellpone ko. Hinablot ko ito tiningnan kung sino. Si Rowan nag text. Kaagad ko itong binasa at…

Arabella, I’m sorry for what what happen awhile ago but I’ve decided to  finished our relationship. I’m sorry.. Rowan.

Sumigaw.. No……… bakit???? Bakit mo ginawa ito Rowan… muli na naman siyang umiyak.

Talakayan

9 thoughts on “Chapter 8 “Love Enemy”

  1. an saveh? how could her do this to me?,ang tagal q pnag isipan un ahhh..hehe

    Posted by aileen | Oktubre 5, 2013, 11:37 hapon
  2. hala cnsbi ko n nga b end of love story eh. wawa tuloy c arabella.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:24 hapon
  3. kawawa nman..

    Posted by Liv | Nobyembre 8, 2011, 8:51 hapon
  4. ouch!! yn n po ng uumpisa n ang revelation …clay d q alm my talent k pla s pgsusulat hehe….

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 5:46 umaga
  5. .hhhmmmmmm……. exciting!!!

    Posted by blessbel | Setyembre 11, 2010, 9:03 umaga
  6. awtz…
    cant this be happen!!
    sana man lng ipinaglaban nila ung isat isa..
    sana magkaayos agad sila…!!

    Posted by maricar | Setyembre 10, 2010, 11:56 hapon
  7. OMG!!!ano na kaya ang mangyayari????

    Posted by April<3 | Setyembre 10, 2010, 7:13 umaga
  8. haaayyy..kawawa nman yung dlawa…tlaga bang yung daddy ni Arabella ang pumatay sa parents ni Rowan?

    Posted by Khira | Setyembre 9, 2010, 3:26 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: