binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 7″Love Enemy”

Chapter 7

Pagdating sa bahay hinanap ko kaagad si daddy, hangang sa nakita kong naka-awang  ang pintuan ng library. Aalis na sana ako pero parang ayaw umalis ng paa ko kaya nakinig ako sa pag-uusap nila.

“Alberto ano ang gagawin mong hakbang ngayon? Pina-buksan ulit ng anak ni James ang kaso pagpatay sa kanyang ama? Kailangan gumawa na tayo ng paraan para dito?”

“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan.”

“Anong paraan? Nakita ka nung bata nang patayin mo si James.” Natatakot na sabi ng kausap ni daddy.

“Sabi ko sa’yo, gagawa ako ng paraan. Ano ba pangalan ng anak ni James?”

“Ang pag-kakaalam ko ang pangalan ay…“

“Arabella, anong ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan? Ano oras ka dumating?” dire-diretsong tanong sa akin habang papalapit.

“Daddy! Ano o ah…kadarating ko lang po, hinanap ko po kayo kaagad kaya po nandito ako” Nauutal na sagot ko…

“Sige po daddy punta na po ako sa kwarto ko.” Paalam ko.

Alam kong nakatingin pa rin sa akin si daddy habang paalis ako. Nahalata kaya niya na narinig ko ang usapan nila?

“Narinig kaya tayo ng anak mo Alberto? Hindi ito sumagot .

Pabagsak akong humiga sa kama. Ano kaya ang pinag-uusapan nila? At bakit ganun na lang reaction ng kausap ni daddy na para bang may kinatatakutan. Hmm, sino nga kaya ang anak ni James na yun?bakit ang sabi ay pinabuksana ang kaso? Ano ang kinalaman ni daddy dito? Alma ko na para malaman ko ang sagot sa mga tanong ko. Mag-iimbestiga ako.

***

Matulin na lumipas ang dalawang linggo, hindi rin nagkaruon ng pag-kakataon na magkita kami Rowan, kaya sa text or tawag lang kami nakaka-pagusap. Busy siya sa trabaho at ako naman sa pag-eenrol.

“Hay salamat buti at natapos na din tayo at maganda ang nakuha nating schedule ngayon, meron pa akong time na maka-date ang honey ko..”

“Ms. Adelang baliw, aba’t simula nung naging kayo halos araw raw na kayong mag-kasama ah! D nga kayo mapaghiwalay kahit isang araw, kung hindi pa natin dapat ayusin itong pag-eenrol eh d ka pa sasama sa amin. “ May halong tampo ang salita ni Dalia.

“Inggit ka lang Dalia, kasi sa’yo walang nangliligaw. Tawagin mo na kong baliw, wah ako care..basta ako in-love. Nyahaha. “

“Bahala ka sa buhay mo! At FYI meron pong nangliligaw sa akin d mo lang kilala and no need to know him.”

Taas ng kila. “Ows, talaga, malas naman niya at ikaw pa ang niligawan.”

Ngingit ngti nalang kami ni Mona. Pero isang banda ng utak ko..kami kaya kailan mag-dedate? Hello paano nga kayo mag-dedate eh hindi nga kayo nag-kikita. Oo nga, kaasar. Arggg. Sopresahin ko kaya siya! Ako nag mag-aya sa kanyang lumabas kami. Miss na miss ko na siya eh!

Kinagabihan. “Buti naman at napatawag ka!”

“I’m sorry honey, busy lang talaga ako, alam mo naman na matagal akong nawala sa sa opisina dahil sa bakasyon.”

“Lagi ka nalang busy, pagtumatawag ka saglit lang, tapos hindi pa tayo nagkikita.” May pagtatampo sa boses.

“Sorry na talaga, kaya nga ako napatawag ngayon para ayain kang lumabas bukas.”

“Talaga! Inaaya mo akong lumabas bukas. Akala ko ayaw mo na akong makita eh!”

“Maluwag na shedule ko ngayon kaya pwede na tayong magkita..huwag ka na magtampo. Saan mo gustong pumunta bukas?”

“Kahit saan basta kasama kita.” Marami pa kaming pinag-kwentuhan at natulog akong may ngiti sa labi.

***

“Good morning daddy, “nakangiting bati ni Arabella.

“Maganda yata ang gising ng aking anak ha!” meron ba tayong special celebration or special someone kaya ka masaya?”

“Daddy, wala pong special someone, masaya lang po ako dahil natapos na rin ang enrollment namin, sa makalawa na po ang start ng klase, masaya lang po ako dahil makikita ko na yung mga dati kong classmate at teachers namin. Yun lang po daddy.”

“Alam mo naman na may usapan tayo d ba Arabella?” seryosong mukha ni daddy.

“Hindi ko naman po nakakalimutan yun daddy!” Ano ba ang gagawin ko? Paano kung malaman ni daddy na may boyfriend na ako..arrgg.  I wish hindi ako mabuking ni daddy, malakas pa naman ang pakiramdam ni daddy sa ganyan. Dapat akong mag-ingat mabuti para hindi ako mahuli ni daddy.

“Sige po daddy, alis po muna ako, magkikita po kasi kami nila Mona sa mall.”

“Mag-ingat ka”. “Sige po daddy, alis na po ako.” At humalik ako sa pisngi.

Pagdating sa Mall, hinanap ko kaagad sila Mona, saktong una kong nakita ay si Mona kaya kaagad ko siyang inaya sa isang resto.

“Eto naman kung makahila, ano ba ang meron at para kang hinahabol ha!”

“Walang humahabol sa akin, may gusto kasi akong sabihin sa’yo kaya kita dinala rito, atsaka ayokong malaman nila Dalia at Adela ito?”

“Aber! Ano naman yang sasabihin mo?” titig niya sa akin.

“Ganito kasi yun, d ba nung nasa Sagada tayo nabangit ko na sa’yo na unang kita ko palang kay Rowan ay nagkaron na ko ng gusto sa kanya, d ko alam na kapatid pala siya ni Dave. Tapos tinutukso niyo na kami lagi kaya lalo akong  na-inlove sa kanya, atsaka sinita mo pa nga ako nung nasa beach tayo kung saan kami nagpunta ni Rowan. ”

“Oo, binanggit mo nga sa akin yun!, bakit mag-coconfess ka na ba sa akin? Kayo na ba?”

Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis at sinabing, “Oo, kami na ni Rowan.”

“Talaga, kailan pa nung gabi ba nun? Nag-tatampo na nga ako sa iyo eh, akala ko pa naman ako ang bestfriend mo.”

“Gaga, huwag ka na nang magtampo diyan, kaya ko nga sinasabi ito sa iyo ngayon. At ang sagot ko sa tanong mo kung  kailan ko siya sinagot, nung huling gabi natin sa Sagada. Natandaan mo ba nung pumunta kami sa tindahan, duon ko siya sinagot.

At dun naman sa beach naman tayo ay nagkuwentuhan lang kami, siyempre kailangan din naman namin malaman ang tungkol sa isa’t isa.”

“Hmm.. ok, d na ako magtatampo, basta kuwentuhan mo tungkol sa inyo ha!”

“Oo naman, bestfriend kita eh” sabay yakap ko sa kanya. “kaya lang may problema ako? alam mo naman na may usapan kami ni daddy kaya hindi ako pwedeng magkaruon ng boyfriend.

“Talaga! Ilang taon na ba sinabi sa iyo iyan ng daddy mo? Matagal na d ba? Hindi pa rin pala nakalimutan ng daddy mo iyun? Paano mo nga pala sasabihin yung tungkol sa inyo ni Rowan? “

“Yun nga ang pinoproblema ko. Paano ko nga sasabihin?” <sigh>. “kaya nga sabi ko kay Rowan na ilihim mo muna namin ito.” Inaya nga niya akong lumabas mamayang gabi.”

“Paano yan kung matunugan kayo ng daddy mo?”

“Kaya nga kailangan ko ng tulong mo, kung sakaling tawagan ka ng daddy sabihin mo na kasama mo ako. Please…”

“Hay naku, kahit sabihin ko naman na ayoko, kukulitin mo pa din ako! Sige na nga payag na ako.”

“Yehey.. bait bait talaga ng bestfriend ko. “ hindi na rin kami nagkapag-kwentuhan na dalawa dahil  nakita na namin sina Dalia at Adela.

Kinagabihan nga, nagkita kami ni Rowan. Sa bahay ako nila Mona nag-pasundo sa kanya, sinabi ko na meron kaming tinapos na assignment kaya ako nandun.

“How is your day? “Tanong ko sa kanya.

“Ok naman, nakakapagod ang trabaho pero ok lang kasi nakita na kita.” Nakangiting tumingin sa akin.

“Ikaw talaga, may pagka-bolera na rin ha!.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Nakakawala ng pagod pag nakita mo na ang mahal mo.”

“Mag-drive ka na nga baka mabungo pa tayo sa kakatingin mo sa kin.”

“Wow, ang ganda naman dito, very romatic.”

“You like it?”

“Yes course, I really really like it.”

Ipinaghila niya ako ng upuan at tinawag na niya ang waiter para sa ming kakainin. Marami kaming napag-kwentuhan at sobrang saya ko talaga nung gabi na yun. “Our First Date”. At hindi lang natapos dun ang aking kasiyahan dahil naulit pa ang ilang beses ang paglabas-labas namin. Kung hindi dinner, namamasyal din kami kung saan-saan.

Hanggang sa.. “Arabella, ano ang ibig sabihin nito?”

“Daddy…”

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 7″Love Enemy”

  1. naku nagkita na cla, ito n yta ktpusan ng love story ni rowan at arabella.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:19 hapon
  2. awww….yari n,1st date bolilyaso p noh b yn..bukingan portion n b d2?hmmm… let c s nxt chapie

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 5:38 umaga
  3. OMG!!!ano na kaya ang mangyayari???

    Posted by April<3 | Setyembre 7, 2010, 9:22 hapon
  4. ganun tlaga lagi ung posting nuh? bitin para abangan, haha

    Posted by fate | Setyembre 7, 2010, 7:42 hapon
  5. naku lagot!!nahuli cla arabella at rowan..
    ano kayang mangyayari?
    makilala kaya ni rowan ung daddy ni arabella..

    Posted by shon | Setyembre 7, 2010, 2:54 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: