binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

Sa wakas nakatakas din siya sa parusang bahay na ‘yon. Hindi na siya babalik doon. Doon nalang siya kay Gale. Sa condo ni Gale siya tumuloy matapos takasan ang mga kasambahay at guard sa bahay nila.

“Kain na, sis,” tawag nito sa kanya.

“Yup, coming,” aniyang lumabas na ng room. Dalawa ang silid sa condo ni Gale. Sa kuya nito dati yung isa pang kwarto pero nang mag-asawa ay bumili na ito ng sariling bahay.

“Wow! Mukhang masarap ang niluto mo a,” nakangiting saad niya pagpasok ng kusina.

“Para hindi ka na umuwi,” tugon naman nito. “Dito ka nalang ha? Nakakalungkot ang walang kasama e,” pinapungay pa nito ang mga mata.

Magkaklase sila mula noong 1st year Highschool. Parehong Mass Communication ang course na kinukuha nila ngayon at nasa 1st year palang sila. Nagging magkaibigan sila dahil ipinagtanggol niya ito sa campus bitch nilang si Karen nang minsang awayin ito ng huli.

“Count on that, sis,” tugon niya dito. “Hindi na ako babalik sa palasyo ni King James Feeling,” dugtong pa niya.

Tumawa ito. Inis din ito sa James na yon. Ikaw ba naman ang nananahimik sa buhay tapos pagsasabihan ka na bad influence ka, maruming babae at palayaw. Susme nag-init nga ang ulo ng bestfriend niya noh. Ang bait bait pa man din nito. Mataray nga lang pag feeling nito inaapi ito. Mula nang mag-away si Gale at si James madalang pa sa pag ngiti ng huli kung pumunta ito sa bahay nila, at pag pumupunta pa ito doon sinisiguro nitong wala si James. Pag nag pang-abot naman ang dalawa ay nakakamatay na irapan ang nagaganap, wag lang na may mga salita sa mga ito, pag nagkagayon ay sumasabog sa sigawan ang dalawa.

Napailing siya sa naisip.

“O, di naman kita tinatanong iiling-iling ka jan,” nakatawang biro nito.

“Naisip ko lang kung ano na ang itsura ngayon ni King James Feeling. I bet he looks like King-kong already,” natawa sila pareho sa sinabi niya. Natakasan niya ang kapatid niya at siguradong naka uwi na at nag-iinit ang ulo nito ngayon.

Napatingin siya kay Gale nang salinan nito ng kanin ang plato niya. Para talaga ‘tong nanay niya. Maasikaso kasi ito sa kanya.

Nakakatawa nga silang dalawa ni Gale e, kung iisipin malabong maging magkaibigan sila, magkaibang magkaiba sila. She’s a devil, Gale is an anghel. Siya tamad, ito masipag. Siya ayaw mag-aral, ito pala aral. Siya walang alam sa gawaing bahay, ito madami. Siya masungit, ito mabait. Siya saksakan ng yaman, ito bagaman hindi mahirap ay hindi naman ganoon kayaman. Kung siya alak ang tinitira, ito pineapple juice. Siya nga ang laging ngayayaya rito para mag bar hopping e, sumasama naman ito pero hindi upang makipag-inuman kundi para bantayan siya, at pag sinabi nitong ayaw uminom, kahit anong gawin mo ay hindi ito iinom.

“Uy,” utag nito sa kanya. “Na-iilab ka na sa akin no? Kanina ka pa nakatitig e,” humalakhak ito ng malakas.

“Huwag ka nga diyan,” sabi naman niyang natatawa rin. “Sabi nga ni James, ‘Que barbaridad!’” pinalaki niya ang tinig sa huling sinabi upang gayahin ang kapatid. Sabay ulit silang tumawa.

Naghuhugas sila ng pinag kainan nang magtanong ito na ikinabigla niya.

“Siya nga pala, nakita mo na ba ulit si Mr. Papalicious?”

Napakunot siya sa sinabi nito. “Bakit naman bigla mong naisip yang si Mr. Papalicious ko?” maarte niyang sabi.

Minsan palang niya nakita ang lalaki pero hindi na naalis sa isip niya ang guwapo nitong mukha. Inulan nga siya ng tukso mula sa kaibigan nangikwento niya ang pagkikta nila at ang paghanga niya sa binata. Laging ang binata ang laman ng kuwentuhan nila noon. But that was long time ago, kaya naman nagtataka siya kung bakit nito iyon natanong ngayon.

“Wala lang, naisip ko lang,” nagkibit balikat ito. “Medyo wala na kasi tayong napag uusapang boylet mo ngayon e, kaya naisip ko lang i-update ang encyclopedia ko tunkol kay Mr. Papalicious.”

“It’s been two years sis,” sabi niya dito.

“So, di mo na siya crush?”

“I never saw him after that evening. And I don’t know kung crush ko pa siya.”

Napaisip siya. Bakit nga ba ang lapit lang naman ng binata kung tutuusin pero once lang niya ito nakita. Hindi naman kasi ito pumupunta sa bahay nila – bukod sa una nilang pagkikita.

“Ano ba!” singhal niya sa lalaking basta nalang umupo sa tabi niya at inagaw ang alak na iinumin sana niya.

“Drinking wine like a sucker at 15 is not good,” sabi nitong sumandal sa table sa harap niya at ininom ang para dapat sa kanya.

“Ano bang pakealam mo? E kung si daddy nga hindi ako pinagbawalan ikaw pa ang magbabawal sa akin, who are you anyway? You’re no one!” patuyang sabi niya dito. Ngumiti ito na para bang nagsasabing ‘Really now? And your someone?’ lalo pa siyang nainis. “Don’t you smile at me like that,” lalong lumapad ang ngiti nito. “Get lost!” Binawi niya dito ang baso at nagsalin muli ng alak mula sa bote.

Kinuha nanaman ito ng lalaki. “I’m your brother’s bestfriend, so may karapatan din akong pagbawalan ka,” sabi nitong nakatingin sa hawak nitong alak.

Tinignan niya ito nang masama dahil nainis siya sa mayabang nitong pagsasalita. “Bestfriend ka lang niya!” isisigaw sana niya pero nalunok ata niya ang dila niya. That’s new, bulong niya sa sarili.

Nakatitig lang siya dito, unang pagkakataong natitigan niya ito. In fairness he is gorgeous. Napangiwi siya sa adjective na ginamit, mukhang kulang na kulang ang adjective na yon para i-describe ang lalaki. Ang sarap pagmasdan nito sa suot nitong business suit. Wala itong neck tie at nakabukas ang unang tatlong butones ng polo nito. Sa ayos nito ay lalo pa itong naging mas sexy sa paningin niya. Napalunok siya.  The man is oozing with sex appeal. Oist! Magtigil ka nga kinse anyos ka palang no, saway niya sa sarili. Tumitig siya sa mukha nitong bahagyang nakatagilid sa kanya. Katamtaman ang tangos ng ilong nito, mapupula ang manipis nitong mga labi. Masarap kaya itong humalik? Ipiniling niya ang ulo. Kaaya-ayang pagmasdan ang bukas ng mukha nito. Lumingon ito sa kanya. Napahugot siya ng hininga nang matitigan ang mga mata nito. Maiitim iyon na parang kumikinang.Or was it just the lights? Bilugan ang mga iyon  ngunit may pagkasingkit sa mga gilid.

“Do you like what you see?” napitlag siya sa tanong nito. “I’m sure nalagpasan ko ang standards mo,” mayabang itong ngumiti na ikinainis niya.

Grabe ang hangin a. Super!

“Pareho kayo ni James, mayayabang!” tumayo na siya at iniwan ito.

Pagdating niya sa silid ay pabalibag niyang isinara ang pinto non. “Ang kapal ng mukha!” inis na sabi niya dahil napahiya siya dito.

Pero aminin, may ipagyayabang naman talaga, anang isang bahagi ng utak niya. Napangiti nalang siya sa naisip.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

11 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER THREE

  1. ay lab et tlga!!!!!!!!!!

    Posted by aileen | Setyembre 29, 2013, 8:43 hapon
  2. nice

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 11:42 umaga
  3. wow! nice🙂

    Posted by yhang | Nobyembre 18, 2012, 11:38 umaga
  4. excellent. .. lol

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 4:48 hapon
  5. waaaaahhh pangalawa q na toh ah😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 4:11 hapon
  6. ate nimbles, buti ka pa marunong diyan, ahaha! I mean marunong mag-post..’di kasi bukas ang access ko sa pagpost ng story sa TOP🙂 ahaha! natatawa ako, wala lang…eheheh

    Posted by empresz23 | Setyembre 8, 2010, 11:13 hapon
  7. Tnx… sana basahin nyo mga susunod pa…

    Posted by kuletnimbles | Setyembre 7, 2010, 7:00 hapon
  8. Nakakabitin xobra

    Posted by Tintin26 | Setyembre 5, 2010, 11:00 umaga
  9. ayyy!!!superblicious poh!!!
    tanx 4 sharing

    Posted by purple | Setyembre 4, 2010, 4:23 hapon
  10. bitiiiinnn!!!! sna everyday ang posting…..

    Posted by Rochelle | Setyembre 4, 2010, 4:05 hapon
  11. sana thrice a wk ang posting nito..
    ganda na..

    Posted by sweet _anne | Setyembre 4, 2010, 3:43 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: