binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 6 “Love Enemy”

Chapter 6

Ang bilis ng araw, isang linggo nalang at uuwi na kami. Kamusta na kaya si daddy? I hope ok siya, hindi ko kasi makontak ang cellphone laging out of coverage, pag tumatawag naman ako sa bahay, laging sinasabi ng maid na wala si daddy. <sigh>

Bago kami umalis ng Sagada, napag-usapan namin na mag-overnite sa Beach kasama siyempre ang mga boys.

“Mag-ingat kayo sa daan pa-uwi”, bilin sa amin ni Lena. “At saka pwedeng lalake ang mag-drive sa sasakyan niyo Dalia?

“Huwag kang mag-aalala pinsan, Si Rowan ang mag-mamaneho ng sasakyang dala namin at mag-iingat kami. “ Maraming salamat nga pala pinsan sa pag-tangap mo sa amin dito.”

“Naku wala yun, masaya ako na meron bumibisita dito sa amin at salamat din dahil nagustuhan niyo ang lugar namin dito sana ay nag-enjoy kayo sa pamamasyal.”

“Enjoy na enjoy kami dito Lena, tugon ko, napaka-ganda ng inyong lugar.”

“O siya sige humayo na kayo at baka gabihin kayo sa daan niyan.  Sana makadalaw ulit kayo rito.”

“Hayaan mo mo Lena dadalaw ulit kami dito.”

***

Sa  Dave ang nag-maneho ng sasakyan nila kasama niya dun siyempre si Adela, Si Jeremy at Mona. Sa amin namin ang nag-maneho ay si Rowan, ako at Dalia.

Habang nasa daan, panay ang sulyap ni Rowan sa front Mirror kung saan nakikita ang tao nakasakay.

“Rowan baka mabunggo tayo, bakit ba kasi tingin ka ng tingin diyan sa likod? May problema ba?”

“Ha! walang problema. Ano kasi.. tinitingnan ko lang si Dalia kung tulog na?”

“Eh bakit mo gustong mong malaman kung tulog na siya? “Tumingin ako sa likod, tulog na tulog si Dalia. Sabay tingin kay Rowan.” Tulog na siya”

“Mabuti naman at tulog na.” ngingiti ngiting si Rowan. At biglang kinuha ang aking kamay. “Ayan, pwede na akong magdrive.”

“Teka, teka ano yang ginagawa mo.” At bakit may pahawak-hawak ka ng kamay diyan?”

“Wala, gusto ko lang hawakan ang kamay mo, baka kasi d ko na mawahakan yan mamaya eh!”

“Ikaw talaga! “ at hinayaan ko nalang siyang hawakan ang kamay ko habang ang nag-dadrive siya.

Pagdating namin sa resort which is napili namin sa lugar ng Pangasinan.

“Hay.. ang sarap itapak ng paa sa buhangin at sarap langhapin ng simoy ng dagat,    d ba Rowan? “tingin ko sa kanya.

“Oo,”habang palapit siya sa akin. Nang makalapit, “sana masolo kita mamaya?”

“At bakit gusto mo naman akong masolo aber?” “siyempre girlfriend na kita tsaka I want to know you more.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “Ako rin gusto kong malaman ang tungkol lahat sa’yo.”

“I love you Arabella.”  “I love you too Rowan.”

Nang makita namin sila, naghiwalay na kami at sumunod sa mga kasama.

***

Sa pag-sapit ng gabi, nag-karuon ng bonfire sa tabi ng dagat at dun napag-alaman namin na sinagot na ni Mona at Adela sina Dave at Jeremy. Masaya ako para sa dalawang kaibigan ko.

Nagkaruon kami ng pag-kakataon na mag solo ni Rowan, napili namin  na pumunta sa dulo ng resort.

“Buti naman at nasolo din kita, akala ko wala na tayong pagkakataon”

Umalis kami dun na hindi nila namamalayan ng dalawang pares, busy kasi sila sa pag-lalambingan nila. Si Dalia naman ay maagang pumasok sa cottage at inaantok na raw siya.

Mag-kahawak kamay kami ni Rowan habang naka-upo sa batuhan. Masaya siyang kausap, kung ano ano ang pinag-uusapan namin, gaya ng favorite color, bakit yun ang napili mong kurso  at iba pa, hanggang napa-dako ang usapan sa pamilya.

“Dalawa lang ba talaga kayong mag-kapatid ni Dave? “ tanong ko sa kanya.

“Oo, dalawa lang kaming magkapatid. Ulila na kami kaya si yaya Mila na ang nagpalaki sa amin ni Dave.

“Hindi ko alam na ulila na pala kayo. Ok lang kung itatanong kung bakit na-ulila kayo?”

Tumingin siya sa dagat at huminga ng malalim saka sumagot. “si mommy inatake sa puso dahil nakita niyang nakahandusay si daddy. Pinatay si daddy sa mismong bahay namin, nandun ako nang mangyari yun pero hindi ako nagpakita. Hinding hindi ko malilimutan ang mukha ng pumatay sa kanya.” Namumula sa galit si Rowan habang kinukwento niya yun.

“I’m sorry for what happen!” yakap ko sa kanya. “Nahuli ba kung sino ang pumatay sa daddy mo?”

“Hindi dahil wala naman nakakita sa pagpatay kundi ako lang.”

“Eh pano nakapasok yun sa bahay niyo? Kahit katulong hindi alam na pumasok yun sa bahay niyo?”

“wala yung mga katulong dahil day off nila kaya kami lang nila mommy ang nasa bahay.” Paano rin siya mahuhuli kilalang tao siya, isa siya sa mayamang Business Tycoon.”

“Kung nakita mo siya bakit hindi ka nagsalita, hindi nagsumbong sa mga awtoridad.”

“Gusto ko ako ang papatay sa kanya, nag-iipon lang ako ng ebidensiya para mahuli siya. “

“Huwag mong ilagay sa kamay mo ang batas hayaan mo ang mga awtoridad ang gumawa niyan. “

Alam ko nagtitimpi lang siya dahil masakit para sa kanya ang mawalan ng magulang lalo na at nkita niya kung paano ito namatay.

“Pwede bang iba nalang ang pag-usapan natin? Ikaw naman ang mag-kwento?”

“Kagaya mo wala narin akong mommy, she died nang ipinanganak niya ako kaya si daddy na ang nag-palaki sa kin. Close kami ni daddy kaya kahit wala na si  mommy hindi naman niya ako pinababayaan.” Sabay ngiti ko sa kanya habang nakayakap.

“Medyo lumalamig na, halika na  at bumalik na tayo sa grupo baka makahalata sila na eh! “yaya niya sa akin

Inalalayan niya akong tumayo at magkawak-kamay kaming bumalik sa grupo. Gaya ng pag-alis namin halos ayaw nang mag-hiwalay ang dalawang lovebirds. Umupo na kami sa dating pwesto at bigla silang tumingin sa amin ni Rowan.

“Uyy! San kayo galing dalawa? Nag-date kayo noh! “ngiting tanong sa amin ni Dave.

Sabay kaming nag-katinginan ni Rawan. “Diyan lang kami sa tabi-tabi, naglakad-lakad at nagkwentuhan.” Sagot ni Rowan sa kanila.

“At ano naman ang pinag-kwentuhan niyo? Baka iba na yang kinuku-kwento mo bro.? O baka naman nagtapat ka na ng iyong pag-ibig? Sinagot ka na niya ba?” makahulugang ngiting tanong ni Dave. “Abay bilis-bilisan mo bro. kung hindi ka pa niya sinasagot, baka naman umiral yang pagka-torpe mo”. Nagtawanan silang apat.

Hindi nalang sumagot si Rowan sa kanila. Kaya pagtingin ko kay Adela naka-ngiti siya sa akin at ako ang tinanong. Ano ba naman ito mga ito napa-HOT SEAT tuloy kami ni Rowan, dapat pala hindi nalang kami umalis, ayan tuloy, pero kung hindi naman kami umalis hindi kami makapag-solo, hindi namin malalaman ang mga tungkol sa amin sarili at pamilya.. Bahala na kung ano ang mai-sagot.

“Arabella, nag-tapat na ba ng pag-ibig itong si Rowan sa’yo? Baka naman eh kayo na at nililihim niyo lang? patay! “paano kung malaman nila.. d muna dapat nila malaman.

“Ha! hindi na kami ni Rowan, sinabi naman niya sa inyo na nag-kwentuhan lang kami sa buhay-buhay namin.”dipensa kong sagot.

Tumayo na ako at nag-paalam na matutulog na, baka kasi kung ano-ano pa ang maitanong nila. Tumingin s akin si Mona na ipinahihiwatig na magtapat ng nangyari. Bago ako tumalikod sumulyad ako sa kanya na huwag na akong ihatid.

Hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko ang mga huling sinabi niya. Sana mahuli na ang pumatay sa kanyang ama. Ayokong siyang mapahamak. Hanggang sa nakatulog ako.

Kinabukasan. Sa pag-uwi sa manila ganun pa din ang set-up. Lumapit sa akin si Mona at bumulong. “Psst.. Arabella, may inililihim ka ha? san kayo nagpunta ni Rowan kagabi? Nakikitawa lang ako kagabi?”

“Huwag ka ngang maingay, nagkuwentuhan lang kami tsaka ang hirap makisali sa inyong mga lovebirds.. baka langgamin kami dun ni Rowan.”

“Ows! Yun lang ba talaga, baka naman kayo na hindi mo lang sinasabi. Aminin mo kasi, ako lang naman ang makaka-alam eh!”

“Paano magiging kami, eh hindi naman niya ako nililigawan? Nagkuwentuhan lang kami.” Pag-dedeny ko.

“Ok, sabi mo eh, pero kapag nagsinungaling ka sakin magagalit ako sa’yo.”

“Eto naman, tampororot, hayaan mo kapag nangligaw ikaw ang unang makaka-alam.” “dapat lang noh!, ako yata ang bestfriend mo.”

“Sige na maghiwalay na tayo at hinihintay ka na ng lavidabs mo baka ako pa ang singhalan niyan.” “Ok, magkita nalng tayo sa bahay.”Ingat kayo ha!”

“Kayo din ingat.” at nag-beso beso kami ni Mona saka sumakay sa aming mga sasakayan.

***

Pagdating sa bahay nila Mona, nagkuwentuhan muna saglit at naipakilala na rin ni Mona si Dave sa mga magulang nito. Hindi na rin nag-tagal ang mga ito para raw makapag-pahinga narin raw kami. Sina Dalia at Adela ay nag-paalama narin. Ako naman tumawag sa bahay para magpasundo sa driver.

“Mang Kanor, kamusta na po kayo?”

“Ok naman po m’am Arabella.” Kayo po kamusta ang inyong bakasyon? Nag-enjoy po ba kayo doon?”

“Mabuti naman po ako mang kanor at tama nga kayo sobra akong nag-enjoy”, lalo na kasama ko ang mahal ko, tuloy sabi ng isip ko.

“Ang daddy po, kamusta na? Busy po ba lagi ang daddy? Tuwinf kinokontak ko kasi ang phone niya laging patay tapos pag-sabay naman lagi sinasabi ng maid na wala raw ang daddy, laging nasa labas.”

“Eh! ma’am, nasira po ang cellhpone ng daddy niyo at oo po laging busy yun, laging may ka meeting.”

“Ganun po ba, eh bakit naman po nasira ang phone ni daddy? Hindi man lang nagtatanong sa inyo sa bahay kung tumatawa ako?”

“Alam po ni sir na tumatawag kayo, sinasabi mo ng mga katulong kaya alng po sa sobrang busy ng daddy niyo kaya hindi kayo makuhang matawagan.”

“Kakaasar naman yang si daddy.” Mang kanor pwede po bang magtanong ulit?”

“Ano po yun ma’am.” “d po ba matagal na kayong naninilbihan sa amin? Bakit po laging may nag-pupunta sa bahay kahit na hating –gabi tapos puro mukhang sanggano pa! ano pa po ba ang ibang negosyo ni daddy?”

“Ah-eh.. ma’am wala po akong idea diyan, ang alam ko lang po nanghihingi sila ng tulong.”

Hmmm..alam ko may itinatago rin itong si mang kanor, siguro kasabwat rin ni ito daddy. Malalaman kung ano ang itinatago nila sa akin.

Talakayan

8 thoughts on “Chapter 6 “Love Enemy”

  1. nakuuu ano kya negosyo ng tatay ni arabella? abangan.😀

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 9:12 hapon
  2. nikikilig ang lola haha…

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 4:54 umaga
  3. hahaha

    ganda nmn..
    kelan poh ung nxt chap??
    prang d na aq mkapgintay…

    love it..^_^

    Posted by maricar | Setyembre 7, 2010, 12:11 umaga
  4. parang alam ko na ang mangyayari yong dady ni Arabella ang pumatay doon sa daddy ni rowan.
    para lng sya tulad nong ibang story na nababasa ko
    tapos magagalit si rowan sa kanya
    pero in the end sila parin magkakatuluyan.

    Posted by gel | Setyembre 4, 2010, 9:11 hapon
  5. @sweet_anne & April<3 : salamat sa po pagbabasa at kung sa tingin niyo ay po suspense abangan po natin kung ano ang susunod na mangyayari. muli salamat sa pagsubaybay. Godbles🙂

    Posted by Clay | Setyembre 4, 2010, 12:10 hapon
  6. Parang alam ko na kung bakit magagalit si rowan kay arabella ah……suspense na’to over!!!!

    Posted by April<3 | Setyembre 3, 2010, 12:25 hapon
  7. wow…
    suspense ito ah..kakaiba…
    ang bilis ng atake..
    ang ganda rin nito..
    tnx sa nagsulat..

    Posted by sweet _anne | Setyembre 2, 2010, 6:48 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Setyembre 2010
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: