binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 4 “Love Enemy”

Chapter 4

Blag! “Aray!” bigla akong napa-upo dahil meron bumanga sa akin.

“Miss, tingnan mo naman yang dinaraanan mo! Pag-naglalakad dapat hindi naka-yuko ayan tuloy nangyari sa’yo.”

Tumayo ako mula sa pag-kakaupo at..

“Hoy mister, akala mo ikaw ang may-ari nitong daan ha! “Pinapag-pag ko pa din ang puwitan ko dahil sa pagkaka-upo. Pero ako ay napatulala nang makita ko kung sino ang nabangga ko..

“Arabella ok lang ba? “Tanong sa akin ng mga kasama ko.

“Hoy Arabella, gumising ka? Yug-yog sa akin ni Mona

“Miss pagsabihan mo naman yang kasama mo, hahara hara sa daan eh.”

Hindi pa din ako matinag sa kinatatayuan ko… siya kasi ang kasama nila Dave at Jerome sa bar. Sa wakas nag-kita na rin kami.

“Bro. may problema ba? Biglang dumating sina Dave at Jerome.

Sa pagkarinig ko sa boses nila .. “Ok ka na ba Arabella?” tanong ulit ni Mona

“Oo, ok na ako.”

Biglang napatingin sa akin si Dave. “Ikaw pala iyan Arabella? Anong ginagawa niyo dito sa Sagada?”

“Dave, nag-babakasyon kami dito. Siya nga pala kasama ko sina Mona, Dalia at Adela.”

Binati ni Dave sina Mona at Dalia at huli si Adela na halos ayaw nang hiwalayan ng tingin.

“Ahem..ahem.. “si Rowan. “Baka gusto mo naman kaming ipakilala Dave?”

“Oo nga pala Arabella si Jerome classmate ko at ang kapatid ko si Rowan.”

“Hi, nice to meet you Jerome and Rowan.”

Matagal na kaming mag-kakilala ni Dave. Siya ang una kong naging kakilala nang una ankong pumasok sa Unibersidad. Naging mag-kaibigan kami pero habang sa magka-iba ng kurso bihira narin kami magkita o mag-kausap man.

Nakipag-kamay sa amin sina Rowan at Jerome, gaya nang nauna nang sina Mona at Jerome ay parang walang tao sa paligid nang magtapo ang kanilang mga mata halos ayaw ang bitawan ang mga kamay.

Naging crush ni Mona si Jerome nang minsang nagkasalubong kami ni Dave sa school, yun ang una nilang pagkikita at simula noon nagkaron na ang lihim na pagtingin si Mona. Napansin na din ito nina Dalia at Adela dahil, na rin sa nabasa nito ang ginawang sulat ni Mona para kay Jerome..

“Saan ang punta niyo ngayon yan Arabella?” tanong sa akin ni Dave.

“Pauwi na kami, kami kasi ang nagprisintang mamalengke.”

“Ganun ba! Pwede ba namin kayong maihatid? “

“Huwag na Dave may dala naman kaming sasakyan.”

“Kung ganun pwede ba ko bang malaman kung saan kayo tumutuloy para naman madalaw namin kayo.?”

Binigay ni Dalia ang address ng pinsan niya pati na rin ang telepono sa bahay.

“Tatawaga ko para madalaw namin kayo at para narin maaya namin kayong mamasyal dito sa Sagada.”

“Sige, hintayin namin ang tawag niyo.” Tugon ko kay Dave.

Sa pag-uusap na iyon parang kami lang ni Dave ang nag-kikibuan. Busy kasi si Mona at Jerome sa pagtitigan at si Adela ganun pa din nagpapa-cute kay Dave at si Rowan hindi ko alam kung kanino nakatingin kung sa akin ba o kay Dalia.

***

Naka-uwi na rin sila Dave ngunit parang malayo pa din ang isip ni Rowan.

Parang pamilyar ang mukha niya sa akin.. parang may kamukha siya .. d ko lang maisip kung sino? Kanina pa ang-iisip si Rowan kung sino ang kamukha ni Arabella? Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya, bakit nga pala d ako naka-pagsalita kanina? Tama yata si Dave na torpe ako. Sana magkita ulit kami? Sabihin ko kay kay Dave na yayain silang lumabas? Huwag na, nakaka-hiya pagkatapos kong sungitan kanina pero eto na ang yung chance para makapag-sorry ako. Bahala na.

Sina Jerome at Dave naman masaya dahil nakita nila ng tinitibok ng puso nila. Si Jerome para kay Mona at si Dave para naman kay Adela.

“Jerome kailan natin sila dadalawin? gusto ko nang makita ulit si Adela.”

“Bukas Dave, bukas natin sila dadalawin.”

Walang humpay ang ngiti nina Dave at Jerome.

***

“<Sigh> nakangiting si Adela, ang gwapo ni Dave.” Kailan kaya siya tatawag?

“… si Adela nababaliw na naman.. hahahaha.” Si Dalia

“Ikaw Dalia, hindi ako baliw ha…  humahanga lang ako noh!”

“Humahanga? Lahat naman naman ng makita mong gwapo eh ganyan ka?” lalo pang inaasar ni Dalia si Adela.

“Hay naku tigilan mo nga ako Dalia.. pabayaan mo na nga ako..”

Sa aming apat si Adela ang pinaka-kikay sa akin, basta may nagwapuhan hindi pwedeng hindi mo mahalata. Si Mona tahimik pero alam kong happy siya dahil nakita niya na rin si Jerome.

“Bago kayo mag-kapikunan diyan, mag-ayos na tayo ng mga pinamili natin at makapag-luto narin at darating anyung mag-asawa, paniguradong gutom na yun sa maghapong pagtatrabaho. “ wika ko sa kanila

Pagkasabi ko nun, nag-sitayo na sila at kumilos sa mga gagawin.

***

Kinagabihan.. nag-hahanda na kaming matulog nang marinig namin na..

“Kring..kring..kring… Dalia may tumatawag baka kung sino na iyon?” sabi ni Mona sa kanya.

“Hello, pwede ko bang maka-usap si Arabella? “

“Ah..sino sila?

“Paki-sabi si Dave, yung kaibigan niya.”

“Dave, si Dalia ito. saglit lang at tatawagin ko si Arabella.”

“Salamat Dalia”. Pumanhik ulit sa kwarto si Dalia at tinawag ako.

“Arabella para sa’yo ang tawag.” Sa akin? At sino naman yan?”

“Si Dave, bumaba ka na para maka-usap mo siya”. Sabay na nagulat si Mona at Adela.

“Hello Dave, si Arabella ito. Bakit napatawag ka?

“Pasensiya na Arabella kung naka-istorbo ako. Natutulog ka na ba?”

“Hindi pa naman, nagreready palang kaming matulog. Napatawag ka yata?”

“Wala naman, sinubukan ko lang itong number na binigay iyo sa akin. Arabella free ba kayo bukas?”

“Bakit mo naman naitanong?”

“Ah..gusto sana naming ayain kayong lumabas bukas, kayong apat? Ok lang ba? Wala ba kayong lakad?”

“Kung papayag kami, saan naman niyo balak kami ipasyal?”balik kong tanong kay Dave.

“Kahit saan niyo gusto pumunta..yung hindi niyo pa nalilibot.”

“Sige, wag mo ibababa ang phone ask ko sila kung papayag.”

“Ok, I’ll wait”

Ini-hang ko ang phone at dali-daling umakyat sa kwarto.

“Si Dave ang tumawag, nag-aaya bukas na maglibot. Ano ok ba sa inyo?”

Wala akong narinig na salita pero based on their face expression alam ko na ang sagot.

“Hello Dave, andiyan ka pa ba?”

“Nandito pa ako Arabella. Ano payag na kayo?”

“Oo, pumayag na sila.”

“Talaga, eh d bukas sunduin namin kayo? Huwag na kayo magdala ang sasakyan, mas maganda kung isang sasakyan lang gagamitin natin.”

“Sige, kayo ang bahala, wala problema sa amin.” “What time niyo kami susunduin?”

“Mga 9 am. So I’see you girls tomorrow.”

“Sure, thanks for inviting us Dave.”

“Your Welcome. Gudnite.”

“Gudnite too.”

***

“Ano Dave, pumayag ba sila? “ Tanong ni Jerome.

“Oo,pumayag, sabi ko 9 am natin sila susunduin. Makikita ko na rin si Adela.”

“Buti naman at pumayag?”

Biglang pumasok sa kwarto si Rowan nag-tataka sa dalawa.

“Bro. may lakad tayo bukas, alis tayo dito mga 8:30am.”

“Ang aga naman, may date ba kayo bukas?

“Meron.. apat na girls. Susunduin natin sila bukas.”

“Dave, isa ba dun sa apat yung gusto mong babae?”

“Isa nga dun, kaya nga nung nabalitaan kong dito sila magbabakasyon kinausap ko na itong si Jerome dahil alam kong meron silang bahay dito sa Sagada. Hindi lang naman ako ang may popormahan dito?” sabay kindat kay Jerome.

“Pati ikaw Jerome? Pwde bang pass muna ako sa lakad niyo?”

“Hindi pwede bro. dapat kasama ka namin. Kaya nga kita isinama dito para ma-relax ka.”

Bakit ba ako nag-karoon ng makulit na kapatid. <Sigh>.

“Siya sige, sige, wala rin akong panalo sa kakulitan mo.”

“Tska bro. irereto ko sa’yo si Arabella. Bagay kayo nun. Para naman mag-karon ng love life yang buhay, hindi yung puro trabaho. Aba simula nung ikaw na ang naghandle ng kumpanay natin eh wala ka anang gianwa kundi trabaho. Wala akong nababalitaan na may dine-date kang babae. Paminsan-minsana naman eh lumbas ka naman kasama ng girl para hindi kita inaasar na torpe. Hahahaha”

“Huwag mo akong isasali diyan sa kalokohan mo ha! sumama ako sa’yo para makapag-bakasyon hindi para mag-hanap ng babae.”

“Kung hindi ka torpe Rowan, si Jerome, bakit hindi mo diskartehan si Arabella? Sa pag-kakaobserve ko sa’yo nung nagkabung-guan kayo at ipinakilala tayo ni Dave sa kanila, meron ka ring pagtingin na tinatago? Sabihin na nating na love at first sight ka na sa kanya? “

“Pati ba naman ikaw Jerome ay pumapatol, na rin sa kalokohan nitong kapatid ko. Wala akong gusto sa kanya at hindi siya ang tipo kong babae. “ Pero sa isip ni Rowan simula nga nung nakilala niya si Arabella hindi na ito nawala sa sip niya.

“Ows talaga bro. wala kang pagtingin sa kanya. Sinabi mo yan ha! tulak ng bibig kabig ng dibdib” tawa  ng tawa sina Dave at Jerome.

Hindi ako nag-pahalata sa kanila na totoo nga na nabighani ako kay Arabella. Pero labis akong natuwa sa sinabi ni Dave. Sa wakas makikita ko narin siya.

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 4 “Love Enemy”

  1. pa deny2 p c papa r0wan nga hlata nman

    Posted by Khrishna | Agosto 24, 2012, 5:13 hapon
  2. exciting na to’…

    Posted by Liv | Nobyembre 8, 2011, 8:22 hapon
  3. haha…kk2wa nman c rowan msyadong pkipot

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 8, 2010, 4:07 umaga
  4. hahaha..
    nakakatuwa naman to…

    Posted by sweet _anne | Agosto 29, 2010, 2:06 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: