binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

“I hate you, Jake! You’re such a looser! How I wish for you to die!!!!” Malakas na sigaw niya sa kapatid. Well, hindi naman niya ito itinuturing na kapatid.

Nang mamatay ang Mommy niya four years ago, iniuwi ito ng Daddy niya at pinakilalang anak nito sa dating kasintahan. Dise nuebe palang ito noon pero nakatapos na ng pag-aaral. At ipinagmamayabang nga ng daddy niya na sa Spain pa raw ito nag-aral at na may sinisimulan na daw itong business. Hindi niya ito gusto, bukod pa sa isa itong ebidensiya ng pagtatatksil ng ama niya sa kaniyang ina, napakasungit pa nito sa kanya. Tapos mula nang dumating ito, lalong nawalan nang time ang daddy niya sa kanya. Isa pa lagi siyang kinukumpara dito, hindi lang ng daddy niya, kundi pati na ng ibang mga kamag-anak nila. Kesyo bakit daw si James napaka responsible samantalang siya gumastos lang ang alam gawin, bakit daw si James hindi maluho, siya daw puro gimik ang alam.

“Bwisit ka talaga!!!” At di pa siya nagkasiya sa pagsigaw niyang iyon. “You’re ruining my life!!!” Ang favorite line niya syempre hindi mawawala.

Lumingon ito sa kanya. “That doesn’t change anything, Camille,” mahina ngunit may diin nitong turan. Ito lang ang tumatawag sa kanya sa pangalawang pangalan niya. “Grounded ka parin at hindi ka makakalabas ng bahay. Mawawalan ng trabaho ang magpapalabas sa’yo!” Malakas na sabi nitong para bang sinasadyang iparinig sa mga kasambahay ang mga sinabi. Sumakay na ito sa kotse nito at umalis.

“I hate you!” Pahabol pa niyang sigaw dito bago tumakbo papasok ng silid niya. Nag-iiyak siya sa sobrang inis.

Mula kasi nang mamatay ang Daddy niya may isang taon na ang nakakaraan, si Jake na ang namahala ng lahat ng mga negosyo nitong hindi naman niya kinahiligang pakealaman. Si Jake din ang tumayong guardian niya mula noon dahil iyon ang nakalagay sa testamento ng ama niya. She’ll get her inheritance when she’ll turn 21 and that’s four long years from now. Ang lahat ng mana niya, ganoon na din siya ay nasa pangangalaga ngayon ni James.

“Kung matatawag ngang pangangalaga ang ginagawa niya sa akin. E kulang nalang dalhin na niya ako sa Bilibid!” Paghihimutok niya. Nagngingitngit na binato niya ng unan ang pinto ng silid niya

Hindi daw siya responsible sabi pa nito. Puro kalokohan lang daw ang alam niya. Nais lang naman niyang makuha ang atensyon ng daddy niya kaya niya ginagawa ang mga kalokohang iyon. Totoong hindi siya kinakapos sa pera at mga mamahaling gamit pero ni patak ng pagmamahal ay hindi niya naranasan. Mula pagkabata ay hindi siya nakaranas ng pagmamahal ng isang magulang. Ang mommy niya puro pagpapaganda ang inaatupag. Nang magdalaga siya ay kung kanikaninong mayayamang lalaki siya nito pinakikilala, kaya naman papalit-palit siya ng boyfriend noon. Para maging proud sa kanya ang mommy niya, kung sino ang gusto nitong maging nobyo niya sinusunod niya iyon, pero wala siyang napala. Ang daddy naman niya ay puro trabaho, halos hindi na ito umuuwi. Kinakausap lang siya nito pag pinapagalitan, kaya ayun lagi siyang nagpapapansin. At nung dumating nga si James ito nalang ang laging kinakausap ng ama. Para siyang hangin sa bahay na hindi pinapansin kaya naman mas minabuti niyang sa labas nalang mamalagi, kasama ang mga kaibigan niya, o kaya naman sa condo ni Gale at ng kapatid nito siya tumatambay.

Si Gale ang best friend niyang ubod ng bait at ubod ng sipag at ubod ng galing magluto. Kaya nga gustung-gusto niyang sa condo ng mga ito tumambay. Kaso, kahit ubod pa ito ng bait, madalas naman siyang talakan nito. Pakiramdam niya pinangangaralan siya ng isang nanay pag ito ang nagtalak. Pinagagalitan siya nito sa mga kalokohan niya pero hindi naman siya nito iniiwan sa tuwing nagkakasabitan na. Nakilala niya si Gale noong nag-highschool siya. Noong mga panahong kadarating lang din ni James sa buhay niya.

“Kaasar! Ba’t ba kailangang sa bahay pa tumira yung bastardong ‘yun!?” bumubulung-bulong siya habang papunta sa canteen.

“Tama na nga ‘yan,” si Jairo, ang kasalukuyan niyang nobyo na kaklase din niya. “Kaysa ginagawa mong miserable ‘yang buhay mo, why not make his life miserable, ‘di ba?” Dugtong pa nito na nakapagpangiti sa kanya. Napatingin siya sa kasintahan, ang guwapo talaga nito lalo pagka ganong nakangiti ito. Hahalikan nalang niya ito nang may marinig na ingay mula sa loob. Hinila niya ito papasok ng canteen.

“Hoy! Mayaman ka nga wala ka namang modo!” nakatayo ang babaeng yon sa harap ni Karen – ang Campus Bitch. Simple lang ito, walang make-up at walang mga suot na alahas maliban sa white Hello Kitty nitong relo. “Bakit hindi mo kaya gugulin ‘yang daan-daan mong baon sa pagbili ng modo! Hindi ‘yang sa kung anu-anong kalandian mo ginagastos!”

Namangha siya dito. Bukod kasi sa kanya, wala nang ibang sumasalungat kay Karen. Anak kasi ito ng gobernador ng lalawigan nila kaya lahat napapayukod at napapasunod nito, maliban sa kanya – at sa bagong schoolmate nilang ito. Napangiti siya, nakahanap siya ng kakampi.

“Walang hiya kang, hampaslupa ka!” inis na sigaw ni Karen. “If I know, inggit ka lang. Palibhasa piso lang ang baon mo!” at saka ito tumawa ng malakas.

Parang hindi naman natinag ang kaaway nito. Humalukipkip ito at ngumiti. “At least hidi ko na kailangang bumili ng modo kasi marami naman ako non. Hindi ko na rin kailangang bumuli ng make up kasi natural na maganda na ako, hindi katulad ng iba dyan, kung hindi mo pa lalagyan ng make-up, I doubt kung magmumukhang tao.”

Sukat sa sinabi ng bagong istudyante ay sinabunutan ito ni Karen, at dahil maliit ito sa huli, halos hindi ito makaganti. Nag-init ang ulo niya sa nakita, feeling niya kasi kaibigan niya ang sinasabunutan ni Karen. Lumapit siya at hinatak ang buhok nito patalikod. Dahil nabigla at nasa likod siya, hindi ito nakapalang, napaupo ito kaya kinaladkad niya ito palabas ng canteen.

“Ayan! Diyan ka sa putik!” Itunulak niya ito sa putikan. “Diyan ka nababagay! Tutal naman you’re a pig, asal baboy ka!” Nagngingitngit na sigaw niya.

Nagulat ang lahat sa ginawa niya. Sanay na ang mga ito na nagbabangayan at nagsasakitan ang dalawa. Ang ikinagulat nila ay ang pagkampi nito sa baguhan. Kilala kasi siya sa pagiging mapangmata at matapobre katulad ni Karen. Lagi niyang binu-bully ang mga kaklase niyang masmababa ang katayuan kaysa sa kanya. Maging si Jairo ay natulala sa ginawa niya. News para sa mga ito na kampihan niya ang bagong kamag-aral.

Pagbalik niya sa loob, “halika na,” hinila niya ang kamay ng bagong mag-aaral. “Comb your hair. You look like a witch. Eeew!” maarte niyang sabi nang makalayo sila ng canteen.

Sinuklay nito ng mga kamay ang nagulong buhak, umayos naman ‘yon. “I’m Gale by the way,” anitong inilahad ang kamay. “Maricar Gailine Samonte”

Tinanggap niya ang kamay nito. “Nice to meet you. You can call me Naya. Short for Shanaya Camille Montaño”

At mula noon ay lagi na silang magkasangga. Mabait nga si Gale pero hindi naman ito paaapi.

Nang maisip si Gale may kalokohang pumasok sa kokote niya.

“Humanda ka, James. Tignan ko lang kung hindi malukot ang mukha mo sa gagawin ko,” tumawa siya ng nakakaloko. “Maiisahan din kita,” at tumawa ulit siya.

Kung may makakakita sa ginagawa niya ngayon ay pihadong iisipin non na baliw siya.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

10 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER ONE

  1. Geh away2 pa,,hehe

    Posted by morena | Setyembre 28, 2014, 8:44 umaga
  2. wat po title nung story n gale at james?🙂

    Posted by aileen | Setyembre 30, 2013, 8:53 umaga
  3. taray ni ate..hehe

    Posted by Sherilyn | Hulyo 31, 2013, 1:09 hapon
  4. Ang gulo anu bah tlaga nym ng half brther nya
    Jake o james?

    Posted by aNgeLpieceS^_^ | Hulyo 6, 2013, 10:28 hapon
  5. pasaway

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 11:35 umaga
  6. iisa lang ba sina jake at james ?
    naguguluhan kasi ako .

    Posted by marshmallow | Mayo 7, 2012, 10:11 umaga
  7. mukhang interesting to ah. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 19, 2012, 3:48 hapon
  8. uhm. .w8 pla heheh. .
    mai puna lan pu aque sa story. . .mediu nagu2luhan pu xe aque. .imbex na c james eh. .c jake pu ung naba2ngit na nym. .mediu nagu2luhan pu tului aque. .

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 6, 2012, 10:53 hapon
  9. gandah! . . ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 3, 2012, 11:08 umaga
  10. ahahaha i like gale😀 sana may story na sila ni james..

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 3:57 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: