binabasa mo ang...
Love Enemy

Chapter 1 “Love Enemy”

Chapter 1

“Arabella, ano pinayagan ka na ba ng daddy mong sumama sa amin?” tanong ni Dalia.

“Kinukulit ko pa..  ilang araw nang bad mood si daddy tapos hindi pa nawawalan ng tao sa bahay.” Paano ka naman makaka-pagpaalam ng ganun?” <sigh>

“Sayang kung hindi ka makakasama sa amin sa Sagada. Makakapag-relax tayo dun bago mag start ang school year natin. “

“Oo nga Arabella, sumama ka na? Sayang din ito ngayon lang ulit tayo makakapag-bakasyon ng matagal-tagal.” Dugtong ni Mona.

Last year na namin ito sa kursong Chemical Engineering. Chemical

Engineering basically is applied chemistry. It is the branch of engineering concerned with the design, construction, and operation of machines and plants that perform chemical reactions to solve practical problems or make useful products. Hindi ako o kaming magkakaibigan ay matatalino pero hindi rin naman kami mga bobo o walang laman ang utak, sabihin na natin na nasa average lang kami.

Ito ang aking mga kaibigan. Sina Mona, Dalia at Adela. Nabuo ang pagkakaibigan dahil iisa ang mga gusto namin, ibig sabihin iisa ang mga tinatakbo ng isip. Gaya nga nitong kursong kinuha namin, weird para sa iba dahil mga babae kami, pake namin eh eto ang trip namin. We love searching, solving facts dahil curious kami sa lahat ng bagay.

Napag-usapan naming magkakabigan na magbakasyon bago sumabak sa eskuwelahan. Kung noon medyo petiks petiks pa kahit marami projects pero this time we need to be serious.

Kailangan ko talagang makausap ang daddy para payagan akong magbakasyon. Ewan ko ba sa aking ama malaki na ako pero baby parin ako kung ituring.

“Dapat nakapag-paalam ka na dahil next week na ang punta natin doon. “ excited na wika ni Dalia.

“Oo, basta wait lang! Hanap ako ng tiyempo para makausap si daddy.”

“If you need help, call or text mo lang  kami. Hindi kami tutuloy kapag hindi ka kasama, kailangan kumpleto tayo.”

“Thank you mga friends. Kaya labs na labs ko kayo eh..”

“Aba pag-hindi tayo natuloy sa buong bakasyon na iyon ikaw ang taya sa lahat ng lakad natin.. hahahaha. “ Nang-aasar na Mona.

“Graveh ka naman Mona… iba nalang basta huwag yun?” Palambing kong  sagot sa kanila.

“Hahahahaha… ikaw naman hindi na mabiro. “

“Ang balita ko marami raw wafu dun sa Sagada?” Kinikilig na Adela.

“Sobra ka naman maka-kilig Adela, maghunus dili ka baka may makakita sayo at mapagkamalan kang baliw.”

“Ito namang si Mona hayaan mo na ako, wala naman nakakakita eh! tsaka ikaw kinikilig ka rin naman pag-nakikita mo si Jerome ah!.”

Biglang nag-blush si Mona”bakit halata ba ako? “Pa-inosenteng tanong ni Mona.

“As in, sobrang halata na nag-bublush ka.” Nyahahaha.

Kasalukuyan silang nasa Gym ng school, last day na ng Semester nila at doon nila pinag-usapan ang planong pag-babakasyon sa Sagada.

***

“Ano bro. tuloy na tuloy na tayo  ha! at huwag ka nang tumangi. Kung ako kailangan ng bakasyon lalo na ikaw ngayon ka palang magbabakasyon simula nang itake-over ang company.”

“Oo na, sasama na ako, so sobrang kulit mo halos araw-arawin mo ako.”

“Hahaha.. wala ka na talaga magagawa bro. kasi kahit tumangi ka pa ikakaladkad kita para lang makasama ka.”

“Ikaw Dave kahit kailan basta sa babae gagawin mo lahat mapa-ibig mo lang.

“Ganyan talaga.. eh sa mahal ko kaya nga kahit sa kasuluksulukan ng mundo susundan  ko siya ganun ko siya kamahal.”

“Baduy mo talaga…”

“Ingit ka lang kasi torpe ka. Marunog ka bang manligaw?”

“Batukan kaya kita, ayoko lang ng padalos-dalos. “

Dalawang lang kaming magkapatid ni Dave, siya ang bunso. Ulila na  kami ni Dave. Naalala ko pa noong bata ako, nakita ko kung paano pinatay ang aking ama pero hinding hindi ko makakalimutan kung sino ang pumatay dito. Nang tanungin ako ng mga pulis kung sino hindi ako nagsalita dahil sumumpa ako sa sarili ko na ako mismo ang papatay sa kanya. Ang aking ina naman ay inatake sa puso nang makitang nakahandusay ang aking ama.

Lumaki kami sa pangangalaga ni Yaya Mila matagal nang naninilbihan sa amin, siya ang itinuring naming pangalawang ina.

***

Pag-uwi ko sa bahay. “Hi Daddy,” bungad ko pag-pasok ng bahay. Kasalukuyang may ginagawa ito sala. Sana naman po nasa mood si daddy para payagan ako magpunta sa Sagada.” Nandito ka na pala?” ” Kararating ko lang po daddy.”

“Pumasok ka na sa loob at maka-kain ka na ng hapunan.” Nakayuko pa din ito at abala sa pag-babasa ng papeles.

“Kayo po daddy hindi niyo po ba ako sasabayan sa hapunan?”

“Mauna ka na at susunod na ako. Tapusin ko lang ito.”

“Ok dad” at tumungo na ako sa kwarto para maka-bihis.

“Daddy, ah.. ah.. pwede po bang mag-paalam sa inyo? Tutal naman po bakasyon namin ngayon, may balak po kaming mag-kakaibigan na sa Sagada mag-bakasyon.”

“Sagada? Ang layo nun? Ilang weeks ba ang bakasyon niyo at bakit dun niyo pa napiling magpunta?

“Dad may 1 and half month lang kaming bakasyon. 3 weeks lang po kami mag-stay dun balik na kami dito para ayusin ang schedules namin para sa darating na enrollment. Maganda naman dun dad, mare-refresh kami  dun.

Close kami ni daddy lahat sinasabi ko sa kanya, wala na si mommy, she died after she gave birth to me kaya protective masyado.

Ok papayagan kita dahil may tiwala ako sa’yo but anything problems tawagan mo ako at susunduin kita doon.”

“Talaga daddy?”.. tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. “I love you daddy. Thank you, thank you so much.” Mwahhh

Pagkatapos ng hapunan umakyat na kaagad ako sa kwarto ko at tinawagan sila Mona para ibalita na pinayagan na ako.

“Oh! Arabella napatawag ka? Don’t tell me kailangan naming sumugod diyan para ipag-paalam ka?”

Sinuspense ko muna siya para hindi ako mahalata na pinayagan na ko. Bibiruin ko muna siya.. hahahaha

“Hay, nagsabi ako kanina pero hindi ako pinayagan. ”

“Gusto mo pumunta kami diyan? Hindi na Mona baka masigawan pa kayo.”

“Ok lang friend pewde rin naman matuloy ito pagka-graduate natin. Hehehehe”

“Ano ka ba Mona next year pa iyon kung sakaling maka-graduate nga tayo.”

“Don’t say bad words.. kaya natin ito noh! At makaka-graduate tayo basta magtulungan tayong apat. “

“Hahahahahaha.. nakaka-tawa ka talaga Mona.” Hahahaha..

“Aber ano ang nakakatawa sa sinabi ko ha! “

“Kasi sarap mong asarin.. hahahaha. Akala mo hindi ako pinayagan noh!” We’ll saktong good mood si daddy kaya pinayagan ako.”

“Talaga! Ikaw kung nandiyan lang ako sa tabi mo binatukan na kita. Arrggg”

“Hahahaha.. Ang dami kayang tanong ni daddy bago ako pinayagan.” Buti nalang may tiwala si daddy sa akin.”

“So kailan tayo aalis?

“Sa lunes pa po, kaya may two days pa para makapag-ready ka.”

“Ah ok, inform mo nalang ako kung saan tayo magkikita-kita ha!.”

“Ok friend.. call you later. Mwahh. Gudnite. Sweetdreams”

Si Mona ang pinaka-close friend ko sa kanilang tatlo. Nagsasabi ako ng secrets kay Dalia at Adela pero si Mona ang nakaka-alam lahat talaga ng scerets ko.

Sa kasarapan ng pagtulog ko… blag! blag! blag. Ano ba yun ang ingay naman.

Kakaasar lagi nalang ganito,kahit hating-gabi may dumadating na bisita. Minsan nakakapag duda narin ang work ni daddy. Puro mga mukhang sanggano ang madalas pumupunta sa kahit gabi.

Talakayan

6 thoughts on “Chapter 1 “Love Enemy”

  1. wow, kkaexcite ang story.

    Posted by Irene | Abril 29, 2012, 5:05 umaga
  2. HhHhMmMm i smell something. . .
    panu kaya mangya2ri sa story nito? . .Itz thrilling me. . .I love it! . .hahahah

    Posted by pazawaiy_1901 | Enero 21, 2012, 12:04 hapon
  3. next chapter please…

    Posted by Liv | Nobyembre 8, 2011, 7:55 hapon
  4. ung daddy ni mona may kinalamn sapagpatay ng daddy nung lalaki?

    Posted by Jerrica | Agosto 20, 2010, 3:19 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Agosto 2010
M T W T F S S
« Jul   Sep »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: