binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 13 : Finding My True Love FINALE

Makalipas ang dalawang linggong pag-iisip at pagkalap ng impormasyon ni Julio tungkol sa ginawa ni Vinia ay sasabihin na niya ang lahat ng kanyang nalalaman kay Yanyan. Sana hindi pa huli ang lahat para lumigaya sina Yuan at Yanyan. Nang nakipag-ayos siya sa dalawa ay totoo at tapat iyon. Hindi na rin siya nakipagsabwatan pa kay Vinia. Napag-isip-isip niya kasi na kung mahal niya talaga si Yanyan ay hahayaan niya itong lumigaya sa piling ng taong mahal nito na alam naman niyang mahal na mahal din ito. Darating din naman ang araw para siya naman ang lumigaya.

” Yanyan, may sasabihin ako sa’yo. Ang totoong nangyare kina Vinia at Yuan. ” bungad niyang panimula dito habang pareho silang nasa sala nito.

” Hindi ako interesado,Julio. Kaya huwag mo ng sabihin pa. ” ang suway nito sa mga sasabihin pa ni Julio sa kanya.

” Kahit sabihin kong inosente talaga si Yuan sa lahat at gusto lang talaga ni Vinia na magkahiwalay kayong dalawa? ” patuloy pa rin ni Julio sa kanyang gustong sabihin dito.

” Anong ibig mong sabihin,Julio sa sinasabi mo? “

” Inosente si Yuan. Lahat ng nangyare ay planadong lahat ni Vinia. ” Isinalaysay nga niya dito ang lahat ng kanyang nalaman at pati ang pakikipagsabwatan niya dito ng una hanggang sa pag ayaw na niyang makipagsabwatan dito sinabi niya lahat.

Sa mga nalaman niya buhat kay Julio ay sising-sisi siya sa ginawa kay Yuan at galit na galit siya kay Vinia. Pinaglaruan sila nito at higit sa lahat ay ang pagsira ni Vinia sa pagkakaroon ng magandang pamilya sana ng batang nasa kanyang sinapupunan. Pero mabuti na lang ay nalaman niya agad ang mga iyon. Gagawa siya ng paraan para magkabalikan sila ni Yuan at lalo ang mapatawad siya nito. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila ni Yuan.

” Salamat sa mga sinabi mo, Julio. Kaya lang hindi ko alam kung paano magsisimula kay Yuan. Sobra ko siyang sinaktan at pinagbintangan sa bagay na hindi naman pala niya ginawa. Kung sana pinakinggan ko lang ang paliwanag niya. ” ang mangiyak-ngiyak na wika ni Yanyan kay Julio.

” Sshhh.. Dont cry, Yanyan. Its not your fault. Everything will be alright. Yuan loves you. ” ang pag-aalo nito sa umiiyak na dalaga.

” Sana nga,Julio. Sana mahal pa ako ni Yuan. ” tanging naibulalas nito kahit umiiyak pa rin.

Sa mansyon naman nila Yuan ay abala na siya sa pag-eempake ng kanyang mga damit. Sa makalawa na kasi ang kanyang flight papuntang Canada. Doon na siya maninirahan para maasikaso ang kanilang bagong biling steel company sa bansa na iyon. Magbabakasyon na lang siya paminsan-minsan dito sa Pilipinas para makasama ang kanyang lolo at lola.

” Sigurado ka na ba,pare sa ginagawa mo? Talaga bang iiwan mo na kami dito sa Pilipinas? ” bungad sa kanya ng bagong dating na si Kenny galing sa restaurant nila.

” Oo naman, pare kaya ikaw na ang bahala sa lahat dito lalo kina lolo at lola. ” mabilis naman niyang sagot dito habang isa-isang tinitiklop ang mga damit sa maleta.

” Si lolo at lola lang ba? Hindi ba kasama si Yanyan at ang magiging baby ninyo? ” tudyo nito.

” Of course pati sila. Kahit naman hindi ko sila ihabilin sa iyo aalagaan mo naman sila, di’ba? ” halata sa tinig nito ang kalungkutan.

” Para sa’yo oo naman.Babalitaan pa kita araw- araw. ” pakwelang sambit ni Kenny pero ang totoo ay gusto lamang niyang mapatawa ng konti ang kaibigan niyang alam niyang nahihirapan.

” Aasahan ko yan,Kenny kung hindi sisisantihin kita sa trabaho mo. ” biro rin niya dito.

” Hindi ka ba magpapaalam sa kanya? ” biglang seryosong tanong nito at umupo na sa kama habang hinihintay ang isasagot niya.

” Hindi na. Afterall ito naman ang gusto niya talaga. ” garalgal na boses na sagot nito na hindi napigilang tumulo ang luha.

Sa pagkakataon na iyon ay tumahimik na lamang si Kenny habang pinapanood nito ang pag-eempake ng kaibigan.

Habang papalabas na sila Julio, Cleo at Yanyan sa mall galing sa pamimili ay nasalubong sila ni Vinia na papasok pa lang. Ito ay hindi nila nakita kaya naman nagulat na lang sila ng bigla na lang ito nasa harapan nila at may kasamang dalawang kaibigan na tulad nito ay pusturang pustura ang ayos.

” Guys,guys,guys look who’s here? Siya lang naman ang babaing hindi sinipot sa kasal ng lalaking papakasalan niya sana. Tingnan ninyo naman kasi ang ayos niya. ” ang pang-iinis na sabi ni Vinia sabay tawa ng malakas.

” Correct. Ang baduy at ang cheap niya. ” sang-ayon na wika ng isang kaibigan nito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Yanyan.

” Alam mo, Vinia pakisabi sa mga kaibigan mo kung cheap at baduy kami kayo naman mga walanghiya lalo ka na. Kahiya-hiya ka. ” iritang sabat ni Cleo at tinaasan pa ng kilay ang tatlong magkakaibigan habang sila Julio at Yanyan ay tahimik na nakatingin lamang sa kanila.

” Tama na yan, Cleo. Huwag mo na silang patulan. ” saway ni Yanyan sa kaibigan at ng aakma ng aalis sila Yanyan ay mahigpit itong hinawakan sa braso ni Vinia para hindi makalagpas sa kanya si Yanyan. Tapos ang kanilang paligid ay marami ng nakikiusyoso.

” Huwag kang bastos babae ka. Huwag mo akong tatalikuran hanggat kinakausap pa kita. ” ang pataray na wika ni Vinia habang hawak-hawak pa rin ng mahigpit ang braso ni Yanyan.

” Vinia, bitiwan mo si Yanyan. ” may pagbabantang wika ni Julio kay Vinia at aakmang susugurin ni Julio ito ngunit biglang nagsalita si Yanyan.

” Huwag ka ng makialam, Julio. Kaya ko ito. ” wikang sabi ni Yanyan kay Julio at pare-pareho silang nagulat ng magpakawala ng isang malakas na sampal si Yanyan kay Vinia.

Paaaaakkkkk!

” Huwag na huwag mo akong sasabihan na bastos dahil alam mo kung sino ang bastos sa ating dalawa. Kulang pa yan sa mga atraso mo sa akin, Vinia. ” galit na sambit niya dito at muling nagpakawala ng isa pang sampal na ikinagulat na naman nila.

Paaaaakkkkk!

” Iyang pangalawang sampal para sabihin ko sa’yo hindi ka magtatagumpay sa pagpapahiwalay mo sa amin ni Yuan. Dahil sisiguraduhin kong magkakabalikan kami at magmamahalan habambuhay at hinding hindi mo na kami mapaghihiwalay pa. ” hindi na niya hinayaang makasagot pa ito dahil agad na niyang tinalikuran ito at bakas sa mukha nito ang pagkagulat sa hindi inaasahang gagawin niya at bakat na bakat din sa pisngi nito ang kanyang pagkakasampal dito. Maging ang dalawang kaibigan nito ay napatulala din sa nangyare. Ang mga tao rin sa paligid nila ay nagulat at ang iba ay natuwa sa nakitang eksena na nakikita lang nila sa telebisyon.

” Grabe ka naman,bez. Nagulat kami ni Julio do’n ah! ” ang tatawa-tawang sabat bigla ni Cleo ng nasa parking lot na sila ng mall.

” Ako rin. Hindi ko akalaing gagawin mo iyon, Yanyan. Ngayon lang kitang nakitang gan’on. ” hindi makapaniwalang wika rin ni Julio.

” Actually, kulang pa nga iyon. Saka para magtanda siya at masakit na kasi ang kamay ko kaya hanggang dalawang sampal lang nagawa ko. Ang tigas ng mukha niya. ” pakwelang sagot niya sa dalawa at tumawa ng malakas. Kasi naman pati siya ay nagulat din sa kanyang ginawa kanina. Kaya niya palang gawin iyon.

” Kaya lang,bez baka maging kamukha ng bruhang Vinia na iyon ang baby mo. ” biglang tawang biro ni Cleo kay Yanyan.

” Bruha ka,bez. No way noh! ” tugon niya at pabirong sinabunutan ang kaibigan habang si Julio ay tatawa-tawa lang habang nagmamaneho.

Habang nanonood ng dvd si Yuan sa kuwarto niya ay nagulat siya ng pumasok ang kanilang katulong at sabihin sa kanyang nasa garden nila si Yanyan. Gusto raw siyang makausap nito. Parang alam na niya ang dahilan ng pagpunta nito sa kanila.

Nang papalapit na si Yuan ay hindi siya nakikita ni Yanyan dahil nakatalikod ito sa kanya kaya naman malaya niya itong nakikita kahit likuran lamang ng dalagang magpahanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya. Gusto nga niya itong takbuhin para mayakap ng mahigpit na mahigpit at mahalikan. Sobrang miss na miss na niya ito kung alam lang iyon ng dalaga.

” Gusto mo raw akong makausap, Yanyan? ” ang naisatinig niya ng tuluyan na siyang makalapit sa dalaga.

” Na-nandiyan ka na pala, Yu-yuan. O-oo sana kung pu-puwede lang na-naman. ” kandautal-utal na sagot ni Yanyan ng makaharap siya kay Yuan.

Pagkakita niya kay Yuan ay gusto na niya itong yakapin at halikan pero alam niyang hindi maaari dahil sa kanilang sitwasyon ngayon. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana pagkatapos ng gabi ay magkabalikan na sila nito at hindi na sana nito ituloy ang pag-alis bukas.

” Puwede naman. Kaya lang kung maaari pakibilisan mo lang kung anuman ang sasabihin mo dahil
kailangan kong magpahinga ng maaga. Flight ko na kasi bukas. Ano bang sasabihin mo? “

” Tu-tungkol sa a-ating dalawa. ” kandautal-utal na naman niya sagot dito.

” Ano naman ang puwede pa nating pag-usapan tungkol sa ating dalawa? Ang alam ko wala na tayong dapat pang pag-usapan pang dalawa dahil tinapos mo na ang tungkol sa atin. ” sabi nito na titig na titig sa kanya.

” I-Im so sorry, Yuan. ” tanging nasabi niya at nag-uumpisa ng tumulo isa-isa ang kanyang mga luha na pinipigilan niyang pumatak.

” Sorry for what, Yanyan? Dahil nalaman mo na ang totoong nangyare nu’ng araw na iyon, Yanyan. Dahil nalaman mo na,tama? ” bakas sa tinig nito ang galit pagkasabi niyon.

” Oo, Yuan. Pinagsisisihan ko ang araw na hindi ko pinakinggan ang paliwanag mo at naniwala ako sa nakita ko. Nagpatalo ako sa galit kesa paniwalaan ang sasabihin mo. ” wika niya na patuloy sa pag-iyak.

” Kung kapatawaran ko lang ang kailangan mo pinapatawad na kita. “

” Mahal na mahal kita, Yuan. “

” Mahal? Mahal mo ako, Yanyan? Sana pinagkatiwalaan mo ako.Kung mahal mo ako sana pinagkatiwalaan mo akong kahit kailan hindi ko magagawang lokohin ka.Alam mo ang masakit inakusahan mo na agad ako na parang hindi mo alam kung gaano kita kamahal at ang pinakamasakit pa ang tanggalan mo ako ng karapatan sa magiging anak natin. Tingnan mo hindi pala totoo ang binibintang mo sa akin. Ang sakit-sakit, Yanyan. Sobrang sakit. ” ang hindi na maitagong hinanakit na wika ni Yuan na umiiyak na rin.

” Sorry talaga, Yuan. Sorry. Alam ko hindi sapat ang sorry ko sa naging kasalanan ko sa iyo. Kahit masakit na hindi ka makakarating aasa pa rin akong darating ka bukas sa park na pinupuntahan natin. Pumunta ka man o hindi maghihintay ako doon. Pero aasa akong darating ka dahil mahal mo pa rin ako. Kung hindi ka naman dumating ibig sabihin tumuloy ka sa flight mo at hindi mo na ako mahal. Kung anuman ang maging desisyon mo bukas tatanggapin ko at ingat ka sa flight mo. Goodnight, Yuan. ” wika ni Yanyan at aakma ng aalis ng nagsalita si Yuan.

” Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na baka mapaano pa kayo ni baby. ” ang sambit ni Yuan habang hindi tumitinag sa kinapupuwestuhan.

” Salamat na lang, Yuan. May naghihintay namang taxi sa akin sa labas. ” tanggi niya hanggang sa naiwang nag-iisa na lamang si Yuan sa garden.

Kinabukasan kahit alam naman ni Yanyan na gabi pa ang flight ni Yuan ay kahit umaga pa lang ay pumunta na siya sa park. Doon lang siya hanggang gabi. Hindi siya aalis doon hanggat hindi pa dumarating si Yuan. Umaasa ang kanyang puso na darating doon ang binata dahil mahal pa rin siya nito at hindi sila iiwan nito.

” Tutuloy ka sa airport, Yuan? ” tanong ni Kenny pagkakita sa kaibigan.

” Oo naman. Papunta na nga ako eh. ” diretsong sagot nito.

” Hindi mo ba alam kanina pang umaga si Yanyan sa park hanggang ngayon nandoon pa rin. “

” Ano’ng ginagawa niya doon? “

” E,di hihintayin ka. Sinabi niya iyon kagabi sa’yo,di’ba? “

” Seryoso pala siya. “

” Oo seryoso siya,Yuan kaya pag-isipan mong mabuti ang desisyon mo. At siguraduhin mong mapapanindigan mo dahil kapag iniwan mo si Yanyan tulad ng ginawa ko dati hinding hindi mo na siya makukuha sa akin. Ingat ka sa flight mo. ” sabat na wika ni July mula sa likuran at umalis rin.

” Sige, Yuan. Aalis na kami ni July. Kukumbinsihin na namin si Yanyan na umuwi na dahil hindi ka na makakapunta pa. Ingat ka doon ha! Tawag-tawag ka na lang kapag bored ka. ” tugon nito at naiwan na siyang mag-isa.

Habang nasa kotse na si Yuan at malapit na sa airport ay paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi sa kanya ni July. Kaya ba niya talagang iwan si Yanyan at ang magiging anak nila? Gano’n ba katindi ang kasalanan ni Yanyan sa kanya para balewalain ang lahat? Paano kung magkabalikan si Yanyan at si Julio? Makakaya ba niyang tanggapin na mawala ng tuluyan sa kanya ang babaing minamahal? Hindi na ba niya mahal si Yanyan? Kaya pa ba niyang umibig sa ibang babae? Iyan ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ngayon. Sa kasalukuyan ay nasa loob na siya ng airport pero hanggang sa ngayon ay naguguluhan pa rin siya kung tutuloy o hindi.

” Yanyan, uwi ka na. Hindi na darating si Yuan. By this time im sure he is in the airport now. ” ang malungkot na wika ni Kenny kay Yanyan ng nasa park na sila ni July. Mahigit dalawang oras na silang nandoon. Sinasamahan si Yanyan.

” Alam ko darating si Yuan. Hindi niya ako iiwan. ” ang hindi nawawalan ng pag-asang si Yanyan habang nakatingin sa malayo.

” Kung talagang darating si Yuan sana kanina pa. Hindi ka niya hahayaang mag-isa dito. ” ang walang gatol na sabi ni July na sadyang iparinig dito ang di pang sang ayon sa kanyang sinabi na darating pa si Yuan. Ayaw na kasi niyang umasa pa ito.

” Bez,tama sila Julio. Umuwi na tayo. Wala ka ng hinihintay pa. Nakasakay na yon sa eroplano ngayon. ” ang pang sang ayon pa ni Cleo.

Sa mga narinig galing sa mga maituturing niyang mga kaibigan ay hindi na niya napigilang umiyak. Tama naman ang mga ito dahil kung pupunta talaga si Yuan sana kanina pa at hindi siya nito papabayaang maghintay ng matagal sa park na iyon. Kaya niya napiling sa park hintayin ito dahil sa lugar na iyon niya na naamin sa sarili na mahal na niya si Yuan noon kaya napakahalaga ng park na iyon sa kanya. Kaya lang sa park na iyon rin pala magwawakas ang lahat ng tungkol sa kanila. Inaamin niyang nasasaktan siya sa hindi pagpunta ni Yuan pero ang mas masakit sa kanya ay ang nalamang hindi na siya nito mahal. Kung bakit naman kasi hindi niya pinakinggan ang paliwanag nito noon. Magsisi man siya ay huli na. Ganoon ba talaga ang kapalaran nila ni Yuan ang maghiwalay na ng tuluyan? Pero di’ba nga siya naman ang may gustong mawala na sa buhay niya ng tuluyan si Yuan? Bakit ngayon nasasaktan siya sa nangyayare na siya naman ang may gusto.

” Guys,iwan nyo na lang muna ako. Susunod na lang ako. Gusto ko munang mapag-isa. Tatapusin ko lang ang iyak ko, ” pakiusap niya sa mga ito.

” Sige, Yanyan hihintayin ka namin sa kotse. ” sabay sabay na wika ng tatlo at isa isang yumakap sa kanya bago siya iniwang mag-isa.

Si Yuan naman sa kanyang pag-iisip ay namalayan na lang niya ang sarili na nasa park na siya at kanina pa nakatitig sa dalagang kanina pa umiiyak. Hindi pala niya kayang iwan ito dahil mahal na mahal pa rin niya ito. Totoong nasaktan siya pero hindi ibig sabihin ay nawala ang kanyang pagmamahal para dito. Kung alam lang nito na gustong gusto niya itong yakapin at halikan kagabi ng magkausap sila nito. Gusto na niya sanang makipag-ayos dito kagabi ngunit pinigil lang niya ang sarili dahil sa sobra siyang nasaktan sa nangyari sa kanila pero hindi niya pala kayang tuluyan silang magkahiwalay nito kaya nandito siya sa lugar na sinabi nito kagabi. Hindi lang niya alam kung paano lalapitan ang dalaga na batid niyang nasasaktan ngayon sa pag- aakalang iniwan na niya ito ng tuluyan.

” Ku-kung i-ito ta-talaga a-ang ka-kapalaran na-nating da-dalawa, Yu-Yuan ka-kahit ma-masakit ta-tanggapin ko-ko. Pe-pero i-isa la-lang a-ang sa-sasabihin ko-ko i-ikaw na-na a-ang hu-huling la-lalaking ma-mahalin ko-ko. Ma-mahal na ma-mahal ki-kita at ng ma-magiging ba-baby natin. ” ang wika niyang tapos sa kanyang naisatinig kahit mag-isa lamang siya doon habang umiiyak na may kasamang hikbi. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay hindi lamang siya nag-iisa doon kundi dalawa na sila ni Yuan at lahat ng kanyang sinabi ay dinig na dinig nito. Pagkatapos ay may naramdaman siyang mga yabag na inakala niyang isa kina Cleo ang dumating kaya bigla niyang binalingan iyon. Laking pagkabigla niya ng mapagsino ito.

” Yu- Yuan? ” wika ni Yanyan ng makahuma sa pagkabigla.

Patlang

Nanatili lamang tahimik ang binata habang nakatingin sa kanya. Maging siya ay nakatingin din sa gwapong mukha nito. Tanging ang kanilang mata lamang ang nag-uusap ng mga sandaling iyon. Mas lalong gumwapo at gumanda ang tingin nila sa isa’t isa ngunit halatang malungkot silang pareho. Malungkot dahil ulila sila sa isa’t isa. Matagal din ang namagitang katahimikan sa kanilang dalawa ng basagin iyon ni Yuan at hindi nito namalayan na nakalapit na pala siya kay Yanyan.

” Yanyan, Im so sorry kung … ” hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin ng biglang nagsalita si Yanyan.

” Sshhh.. huwag ka ng magsalita, Yuan. Sa-sapat na sa akin ang dumating ka ngayon. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya. ” ang pigil na wika ni Yanyan sa kung anumang sasabihin sa kanya ni Yuan habang ang daliri ay nakalagay sa bibig ni Yuan bago muling nagsalita. ” Mahal na mahal kita, Yuan. ” habang hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak. Pero hindi na iyon iyak ng kalungkutan kundi iyak na ng kaligayahan.

” Mas mahal kita, Yanyan at ang magiging baby natin. ” ang sagot nito sa kanya bago nito niyakap ng mahigpit na mahigpit si Yanyan na parang sa pamamagitan niyon ay hindi na sila magkakahiwalay nito. Matagal din ang yakap na iyon ng biglang maramdaman ni Yuan na parang gustong kumawala ni Yanyan sa pagkakayakap sa kanya.

” Bakit,love? ” takang tanong niyang baling kay Yanyan.

” Hindi ako makahinga,love. ” sagot niya dito.

” Sorry,love. Super happy lang kasi ako eh. ” hinging paumanhin niya dito.

” Gano’n ba, love. Akala ko kasi gusto mo na akong patayin sa pagkakayakap mo sa akin eh. ” birong sabi niya dito bago tumawa.

” Gusto kitang patayin sa pagmamahal ko,love. ” ganting biro din niya dito bago sinakop ang mga labi ni Yanyan ng kanyang labi.

Sa mga sandaling iyon ay muli na naman nilang nalasap ang labi ng isa’t isa at sa bawat halik nila ay naipaparamdam pa nila sa isa’t isa ang kanilang pagmamahalan. Matagal-tagal din bago naghiwalay ang kanilang mga labi.

” Mahal na mahal na mahal kita, my precious Yanyan. Habambuhay ikaw lang at ako wala ng ibang makakapagpahiwalay sa ating dalawa. At ang baby pa pala natin. ” ang madamdaming pagpapahayag ni Yuan habang titig na titig sa mga mata ng minamahal.

” Oo, Yuan habambuhay tayong tatlo ng baby natin. Mahal na mahal na mahal din kita, my precious Yuan. ” tugon din niya dito na tulad nito ay nakatingin din siya dito.

At pagkatapos sabihin iyon sa isa’t isa ay muli na namang naglapat ang kanilang mga labi. Sa pagkakataon na iyon wala ng makakapagpahiwalay pa sa kanilang dalawa. Wala ng sinuman silang hahayaang sumira ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa. Alam nila habambuhay na silang magmamahalan kasama ang kanilang magiging mga anak pa sa hinaharap.

Sa di kalayuan naman sa kanilang kinaroroonan ay tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa sina Cleo, Kenny at Julio. Kapwa masaya ang mga ito para sa kanilang dalawa. Lalo si Julio na naging bahagi ng nakaraan ni Yanyan. Kapwa siya maligaya para sa kaibigang si Yuan at sa dating kasintahan na si Yanyan.

– W A K A S –

Talakayan

47 thoughts on “Chapter 13 : Finding My True Love FINALE

  1. Ang ganda ng kwento.. Kudos sa writer. Galing mo…

    Posted by Ganda | Pebrero 10, 2015, 3:36 umaga
  2. sobrang ganda ng kwento.. parang movie, hehehe..

    Posted by lynder | Oktubre 2, 2014, 11:50 hapon
  3. Love is in the air..

    Posted by morena | Setyembre 17, 2014, 12:18 umaga
  4. ang ganda naman ng story nakakaiyak..sana magkaron din aq ng love story na ganito,, je je.

    Posted by riz | Hulyo 26, 2014, 2:57 hapon
  5. Ganda ng ending…pinuyat ako nilo,worth nman eh

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 10:40 umaga
  6. Ganda ng ending super like

    Posted by Yuds ansaldo | Abril 10, 2014, 1:27 hapon
  7. Hmmp. Gnda

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 6:15 umaga
  8. Maganda tlaga

    Posted by Regino | Nobyembre 2, 2013, 12:42 umaga
  9. ganda nito,,thumbs up!!

    Posted by unatz | Setyembre 21, 2013, 3:28 hapon
  10. naiyak ako grabe.,. ganda🙂

    Posted by hazel | Hunyo 22, 2013, 10:27 umaga
  11. maganda…

    Posted by lani | Hunyo 11, 2013, 1:57 umaga
  12. Grabe ang ganda !! :))

    Posted by romz | Hunyo 7, 2013, 1:29 hapon
  13. woooshh,., grabeh sa mga nagdaang chapter nito speechless ako., ngayon lang ako nagkaroon ng sasabihin

    ang ganda graveh,., nice :thumbsup: ako sa ending nakaka-intense na nakaka-touch., kilig much

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 7:41 hapon
  14. wow gnda

    Posted by Cris | Pebrero 12, 2013, 5:03 hapon
  15. npka.ganda ng st0ry🙂
    aus ung twist..
    galing ng author..
    aq dn may gngwang n0bela pro pra sakin mas maganda tlga i2ng kwento kesa s mga nauna k0ng nbsang kwento🙂
    keep up the good work..
    GODBLESS

    Posted by HeroMarco | Enero 8, 2013, 1:17 umaga
  16. Super ganda!!!naiiba siya unlike sa ibang nabsa q na..!!!congratz po sa writer..

    Posted by alma | Setyembre 11, 2012, 12:02 umaga
  17. GANDA NG STORY ^_^

    Posted by yui panlican | Agosto 22, 2012, 11:34 umaga
  18. ayeeeiiiii. . . super duper kilig talaga ako todamax…… ang cute talaga ng story. . . . thumbs up to the writer…. keep up the good work and god bless. . . 🙂

    Posted by prettii | Abril 10, 2012, 11:28 umaga
  19. Waaa! Kulang p ung ginawa ni yanyan kay vinia para msabing nkganti n sya… Kung ako yun, bka ipinamuka kong isa syang mababang uri ng babae! Sorry! Peace!😉

    Posted by Lyn | Marso 20, 2012, 12:33 umaga
  20. ooohhh. .sobrang ganda ng story na to. . ;;)
    makakakuha ka ng lesson. .heheh =)
    peru bat nde na nabanggit c vinia? . .bwict un lukaret na un. .ahmf! . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 3:10 hapon
  21. oh nice story! worth it ang pagpupuyat ko para basahin ito!😀

    Posted by akeisha | Pebrero 19, 2012, 5:12 umaga
  22. ganda ganda naman ng story……sana more stories pa din…like yung mga kaibaigan din nila yuan and yanyan

    Posted by marlie cabrelles | Abril 11, 2011, 6:12 hapon
  23. _eow ang ganda nmn poh ng story, request quh lang sana c cleo and kenny ayy my story rn. Hehehe

    Posted by lovely ann piamonte E. | Abril 8, 2011, 12:19 umaga
  24. hay…kala ko di na sila magkakatuluyan…buti nagbago isip ni Yuan…

    Posted by beautiful_mary | Marso 1, 2011, 6:41 hapon
  25. communication clears everything..sana lahat ng lovers gawin yun pra walang nasasaktan ng paulit-ulit..dapat parehong bukas ang tenga sa mga paliwanag..para happy ending pa rin..^_^

    Posted by haze | Pebrero 11, 2011, 8:27 hapon
  26. weee,sana si cleo at kenny din. tapos si julius sana may partner din…weee…di ba mas happy ending?love it

    Posted by uncomplete... | Enero 18, 2011, 9:14 hapon
  27. ooh. tapos na.

    nice ending. ^_^

    Posted by angel_YL | Disyembre 31, 2010, 12:23 hapon
  28. ang ganda…

    pero sana wedding pa rn yung ending..hehe

    Posted by Lyn | Nobyembre 28, 2010, 9:29 umaga
  29. the best…grabe sobrana kilig!
    love is so powerful tlga khit anong pagsubok kakayanin….

    Posted by kiss | Nobyembre 11, 2010, 2:10 hapon
  30. kesooo naman ni Yuan! haha. but nice story kht na nakakagigil si Vinia bitch! ahahaha.. congrats!

    Posted by alexis | Nobyembre 10, 2010, 9:17 hapon
  31. grabe ang ganda….nakakakilig…..keep it up

    Posted by aizadin | Setyembre 12, 2010, 10:20 umaga
  32. Ngayun lang ako nahilig sa pocketbook, kakaboring kasi sa office…
    At sa marami marami na ring story na nabasa ko, isa ito sa napakaganda…
    Siguro mas maganda kung mas masama pa yung kuntrabida,
    kasi mas lumalabas ang kabaitan ng bida dahil sa sama ng kalaban hehehe…
    Yun lang po, katulad ng dati wala na namang magawa sa office, just waiting lunch break.
    Hirap kumita ng dollars hehehe More power! sa Meralco hehehe

    Posted by Ako | Agosto 19, 2010, 10:48 hapon
  33. ansaya.. nakakatuwa.. pero nd aq naiyak.. mga emumu lang mga umiiyak haha.. piz..lab it.. tnx for sharing..

    Posted by rishelL_18th | Agosto 18, 2010, 6:22 hapon
  34. wow nmn..
    ganda tlaga ng story…i love it…
    to the writer keep up the good work…
    sana mrami k pang maisulat..

    Posted by maricar | Hulyo 21, 2010, 7:25 umaga
  35. good khit medyo oa…hehehe

    Posted by Khira | Hulyo 19, 2010, 10:27 hapon
  36. hahaha kakaiyak naman..

    Posted by eizzy | Hulyo 17, 2010, 8:38 umaga
  37. .loVe diS stoRy..xA nGslAt..amAziNg TlgA..xNa mAi nxt pah..

    Posted by lappa | Hulyo 17, 2010, 5:29 umaga
  38. cute, naiyak ako..

    Posted by marice | Hulyo 16, 2010, 8:56 hapon
  39. haayyyy! sa wakas.. happie ending na rin!
    i lOve it pOh!

    thank u so much!!!

    Posted by angel | Hulyo 16, 2010, 6:53 hapon
  40. congrats!!!!

    nice one….

    Posted by ghie | Hulyo 16, 2010, 6:11 hapon
  41. na kakaiyak naman ang huling istorya na touch ako talalga.. salamat

    Posted by ladyjhun | Hulyo 16, 2010, 1:53 hapon
  42. oyyyyyyyyyyyyy 1st ako ang ganda ng story nakakaiyak

    Posted by gel | Hulyo 16, 2010, 12:57 hapon
  43. wow..nakakaiyak naman…thanks..super ganda ng ending…keep it up..the good work..god bless you..

    Posted by blue | Hulyo 16, 2010, 11:46 umaga
  44. nice ending…
    congratulation..

    Posted by Dana Faye Andrew-Fonacier | Hulyo 16, 2010, 9:32 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: