binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 12 : Finding My True Love

Araw na ng kasal. Sa simbahan ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga bisita at sa hotel naman ay inaayusan na rin si Yanyan. Simple lamang ang makeup ni Yanyan at maging ang kanyang wedding gown pero hindi mo mahahalatang simple lamang iyon dahil ng maisuot na iyon ni Yanyan ay aakalain mong isa iyong mamahalin at lumabas pa ang kagandahang itinatago nito. Habang inaayusan siya ng kinuhang makeup artist ni Yuan para sa kasal nila ay pinapanood siya ng kanyang dalawang kapatid at ng kanyang bestfriend na si Cleo. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan.

” Im happy for you,bez. Maya-maya lang hindi ka na single,bez kundi Mrs. Yuan Madrigal ka na. Aaayyyeeiii! ” kinikilig na sambit ni Cleo sa kaibigan na inaayusan ng bading na makeup artist.

” Oo nga eh. Parang kahapon lang pareho tayong walang boyfriend tapos ngayon ikakasal na ako. At sa lalaking mahal ko. Mahal na mahal. ” masayang tugon ni Yanyan habang nakangiti.

” Natatandaan ko pa nga dati galit na galit ka kay Yuan. Bakulaw pa nga tawag mo sa kanya. Sabi mo pa nga hinding-hindi ka magkakagusto sa bakulaw na iyon kahit kailan pero tingnan mo naman ngayon. ” pagbabalik tanaw ni Cleo dati.

” The more you hate,the more you love. Iyon ang tawag sa love story nila. ” sabat ng bading na makeup artist kahit na patuloy ito sa pagmimakeup kay Yanyan.

” May part na ganun,ate pero naging magkaibigan naman sila na naging magka-ibigan.Bagay na bagay sila,di’ba? “wika ni Cleo habang tinitingnan isa-isa ang iba pang makeup ng bading.

” Bagay na bagay talaga. Super duper mega bagay talaga silang dalawa. Ang kagandahan ni Yanyan ay nababagay lamang sa kaguwapuhan at kakisigan ni Yuan. Wala ng iba pa. ” pangsang-ayon na sambit ng bading at biglang nag-apiran ang dalawa.

” Sigurado ako excited na si Yuan na masilayan ang kagandahan mo,bez. Im sure matutulala iyon pagkakita sa iyo sa simbahan. ” ani ni Cleo.

” Matutulala talaga siya kay Yanyan. Siya ang pinakamaganda doon. Ayan tapos na. Ikaw talaga ang pinakamaganda sa lahat ng namakeupan ko na ikakasal. Kahit simple lang mga napili mong kulay bagay talaga sa iyo at lumabas talaga ang kagandahan mo. Mas gumanda ka pa lalo. Talagang pagtitinginan ka mamaya sa simbahan lalo ng mga lalaki at maraming maiinggit sa iyong babae. ” mahabang litanya ng bading.

” Sinabi mo pa,ate. Ayan puwede na nating ilagay itong belo mo para makapuntahan na tayo sa simbahan. Nine twenty five na pala ng umaga. Sige,bez tawagin ko lang ang photographer at ang dalawa mong kapatid para makapagpicture na kayo ulit. ” sambit ni Cleo at lumabas na nga para tawagin ang photographer.

” Sige, bez. Thank you. ” tugon naman ni Yanyan at sinipat-sipat ang sarili sa salamin habang ang bading ay nakatingin sa kanya.

Kinakabahan man ay excited na rin siya sa magaganap mamaya sa simbahan. Hindi rin siya makapaniwala na mamaya ay magiging Mrs. Madrigal na siya at makakasama na niya habambuhay ang lalaking mahal na mahal niya. Pero may kakaibang kaba siyang nararamdaman simula paggising niya na hindi niya batid kung ano at para saan. Siguro naman walang mangyayare sa kanilang kasal ni Yuan. Lahat handa na maging ang kanilang bisita. Kakatawag lang sa kanila ni Kenny para sabihing unti-unti ng nagsisidatingan ang mga bisita at halos puno na ng iba’t ibang klaseng kotse ang kalsada. Nakalimutan nga lang niya kamustahin si Yuan dito pero sigurado naman siyang pareho sila ng nararamdaman ng mga oras na iyon. Maya-maya ay magkikita na rin sila nito. Siya na talaga ang pinakamasayang babae sa buong mundo ng araw na iyon dahil ikakasal na siya sa lalaking mahal na mahal niya.

Sa simbahan naman ay lahat na ng mga bisita at abay ay nandoon na maliban sa groom at bride na talaga namang nahuhuli sa pagdating kapag kasal. May excited at masasaya rin ang lahat sa magaganap na kasal maya-maya lamang. Si Julio nga ay nandoon na rin kausap ni Kenny na sobra ang excitement at sobrang kinakabahan na animo’y ito ang ikakasal.

” Relax lang, Kenny. Kanina ka pa lakad na lakad diyan. Nahihilo na ako sa iyo,pare. ” pagpapakalma nito sa tense na tense na kaibigan habang nakahawak pa rin sa balikat nito.

” Si Yuan kasi eh. ” wika nito.

” Ano’ng nangyari kay Yuan? ” inosenteng tanong nito.

” Hindi ko macontact si Yuan. Cannot be reached lagi. ” sagot nito na kasalukuyang tinatawagan pa rin si Yuan.

” OA mo naman, Kenny. Malay mo naman sinadya niya talaga iyon para mas exciting di’ba?! ” tatawa-tawang wika ni July sa kaibigan.

” Pero hindi iyon gawain ni Yuan eh. ” wika nito bago bumuntong hininga.

” Darating na iyon. Tingnan mo maya-maya nandito na iyon. Kaya huwag ka ng kabahan diyan. Baka mamaya niyan dalhin pa kita sa hospital dahil sa hindi ka makahinga diyan. Lalo pa nating hindi makikita ang kasal nila. Relax,Kenny. ” mahabang pagpapakalma nito ulit.

” Sana nga,July. Kailangang siya na muna ang mauna dito bago si Yanyan. Pero alam ko on the way na sila Yanyan ngayon eh. ” ani ni Kenny.

Hindi nga nagtagal ay dumating na ang bridal car na lulan sina Ricky, Emman, Cleo at ang bride na si Yanyan na lalong gumanda sa suot na wedding gown.

” Bez,baba muna ako. Tingnan ko muna ang nagaganap at hahanapin ko na rin si fafa Yuan. ” pagpapaalam ni Cleo kay Yuan at binuksan na nga ang pintuan ng kotse.

” Sige,bez. Ang dami na ngang tao eh. Balitaan mo ako ha! Thank you,bez. ” sambit naman ni Yanyan habang nakatingin sa labas ng bintana ng bridal car.

” Yes,bez. Babalik agad ako pagkatapos. Kayo na bahala sa ate nyo ha! Hawakan nyong mabuti baka bumaba yan dito dahil magbabago ang isip. ” patawang wika ni Cleo na baling sa dalawang kapatid ni Yanyan.

” Oo,ate Cleo kaming bahala kay ate Yanyan. ” sang-ayon naman ng dalawa.

” Ikaw talaga, Cleotilde puro kalokohan. ” angil naman ni Yanyan sa kaibigan na tanging tawa lang ang sinagot at tuluyan na ngang lumabas ng kotse.

Pagkababa naman ni Cleo sa kotse ay agad niyang nakita si Kenny na kausap ang lolo at lola ni Yuan.

” Kenny, nasaan na ba si Yuan? Kagabi pa namin siya hindi nakikita. ” tanong ng lola ni Yuan na nasa tinig ang sobrang pag-aalala.

” May balak ba siyang hindi siputin ang sariling kasal niya. ” ang lolo naman ni Yuan ang nagsalita.

” Hindi ko nga po alam. Kanina pa nga ako tumatawag sa cp niya kaso nakapatay naman. ” malungkot na sagot naman ni Kenny sa dalawang matanda.

Sa mga narinig ni Cleo na usapan napasabat na rin siya.

” Hanggang ngayon hindi pa dumarating si Yuan? Ten minutes kasal na nila. Nasaan na si Yuan? Nandiyan na si Yanyan. ” sunud-sunod na wika niyang sabat.

” Hindi ko alam,Cleo. Kanina ko pa talaga siya tinatawagan pero laging cannot be reached. ” pagpapaliwanag ni Kenny.

” Nagbago na ba ang isip ni Yuan at ayaw na niyang magpakasal? ” tanging na itanong na lang ni Cleo dahil unti-unti na rin itong kinakabahan sa puwedeng mangyare sa kasal ng kanyang bestfriend.

” Hindi naman,hija. Actually nga sobrang excited na ang apo namin kahapon para ngayong araw. Kaya imposibleng hindi siya sisipot sa sarili niyang kasal. ” agap na sabi naman ng lola ni Yuan sa kanyang tanong.

” Pero nasaan po si Yuan? Paano ko po sasabihin ngayon kay Yanyan na wala pa rin si Yuan. Sobrang mag-aalala rin po iyon. ” tanging sambit ni Cleo bago napabuntong hininga bigla.

Maya-maya lang ay tumunog na ang kampana ng simbahan para sabihing hudyat na iyon ng kasal. Kailangan ng umayos ang mga abay,ninong at ninang lalo na ng groom at bride pero paano sila magsisimula kung wala pa ang groom. Nagkaroon na tuloy ng tensyon at bulung-bulungan kung bakit wala pa ang groom. Kahit nasa loob pa rin ng kotse si Yanyan ay may nararamdaman siyang hindi magandang nangyayare sa labas. Nakikita niya sa mga itsura ng mga tao na ang iba ay nakatingin sa kinaroroonan niya na bubulung-bulong. Lalo tuloy tumindi ang kanyang hinala dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakabalik si Cleo simula pa kanina.Alas-diyes na pero parang wala pang balak ang isa man na tawagin siya para makapaghanda na sa kanyang paglalakad patungong altar. Kaya naman bumaba na siya ng kotse. Sa kanyang pagbaba ay agad niyang nakita ang paparating na sina Cleo, Kenny,Julio at ang lolo at lola ni Yuan.

” Yanyan,hija saan ka pupunta? ” tanong ng lola ni Yuan.

” Sa loob po. Alas-diyes na po. Kailangan na po ako sa loob. Bakit po? ” nagtatakang tanong ni Yanyan.

” Hija, may kaunting problema. ” sambit ng lolo ni Yuan.

” Ano po? “

” Bez,ano kasi eh. Aahhmm. ” hindi pa man natatapos ni Cleo ang sasabihin ay nagsalota na si Yanyan.

” Ano kasi,bez? Sabihin mo? ” medyo naiirita na siya dahil sa mga sinasabi ng mga ito sa kanya na paligoy-ligoy.

” Hindi pa dumarating si Yuan. Tinatawagan ko na siya pero hindi ko macontact laging cannot be reached ang cellphone niya. ” diretsong pag-amin ni Kenny kay Yanyan.

” Ako rin,tinatawag ko siya wala pa rin talaga. ” sabat naman ni July

Sa narinig ay hindi agad siya nakapagsalita dahil sa pagkagulat pero hindi naman pumasok sa kanyang isip na hindi siya sisiputin ni Yuan kundi baka may masamang nangyare dito kaya hanggang ngayon ay wala pa ito. Alam niyang hindi magagawa ni Yuan ang hindi siya siputin sa kanilang kasal dahil makausap pa niya ito kahapon ng hapon at excited pa nga ito para ngayong araw. Kaya tingin niya baka may masamang nangyare lamang dito.

” Hindi ba kayo magkasama ni Yuan kagabi,Kenny? Baka may alam ka pang pinupuntahan ni Yuan. Baka may nakaaway kayo at ginawan siya ng masama. ” halos hindi humihingang wika niya sa mga ito.

” Wala kaming kaaway, Yanyan lalo si Yuan. Napakabait niya. ” sambit na sagot ni Kenny.

” Nasaan na si Yuan? Nasaan na siya? ” Halos maiyak-iyak na niyang tanong sa mga ito at nanginginig-nginig pa habang sinasabi ang mga iyon.

” Calm down,hija. Calm down. ” pagpapakalma ng lola ni Yuan kay Yanyan.

” Dalhin ninyo muna siya sa loob ng kotse baka ano pang mangyare sa kanya. Kenny,sabihan mo muna ang mga tao na madedelay lang ng kaunti ang kasal dahil sa nagkaroon lang kamo ng konting problema. Humingi ka ng paumanhin. ” maawtoridad na wika ng lolo ni Yuan.

Iyon na nga ang ginawa ni Kenny humingi siya ng paumanhin at konting pasensya dahil sa nagaganap na problema na naiintindihan naman ng iba at ang iba naman ay nagalit dahil sa may iba pa silang gagawin pagkatapos ng kasal. Habang si July naman ay binuhat na si Yanyan papuntang kotse para makapagpahinga.

Samantala sa bahay naman nila Vinia ay tahimik lamang siyang nakatingin sa lalaking katabi niya sa kama na tulad niya ay wala rin ni isa man suot sa katawan. Tanging kumot lamang ang nakatabing sa kanilang hubo’t hubad na katawan. Buong magdamag silang magkasiping nito.

” Mamuti na ang mga mata nila sa paghihintay sa iyo, Yuan pero walang darating na Yuan sa simbahan. ” tatawa-tawang mahinang wika niya sa sarili habang dinadaanan ng kanyang daliri ang mukha ng mahimbing pa ring natutulog na binata.

Muli niyang binalikan ang nangyare noong nakaraang gabi. Ang dahilan kung bakit niya kasama ngayon ang binatang dapat na ikinakasal ng mga oras na iyon. Planado niyang lahat ang pangyayare na iyon. Habang abala sina Yuan at Yanyan sa kanilang paghahanda sa kanilang kasal ay siya rin ay abala sa pagpaplano kung paano niya masisira ang pinaghahandaan ng mga ito sa araw mismo ng kasal ng mga ito. Nang dumating na nga ang nakatakdang araw niya sa kanyang plano na isang araw nga bago ang kasal ng mga ito ay tinawagan niya si Yuan para papuntahin sa bahay niya upang may sabihin na importanteng bagay. Ito naman ay pinaniwalaan ni Yuan kaya sobra niya itong ikinatuwa. Halos lahat ng hinanda niyang pagkain ay nilagyan niya ng pampatulog bago pa man dumating si Yuan. Kaya wala siyang kahirap-hirap sa nangyare kay Yuan kagabi. Bago pa man ito makalabas ng kanyang bahay ay tumalab na ang nilagay niyang gamot. Kaya naman tagumpay na siya at para lubos na ang kanyang tagumpay ay papapuntahin niya sa kanyang bahay si Yanyan upang makita nito kung bakit hindi nakapunta sa kasal nila si Yuan. Sigurado kapag nakita sila nito sa kanilang ayos ngayon ay isusumpa na nito si Yuan. Isipin palang iyon ay natutuwa na siya. Magiging kanya pa si Yuan. Nasa pag-iisip siya noon ng biglang tumunog ang cellphone ni Yuan na kakabukas niya pa lamang. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tumatawag o hindi pero ng makita niya na si Yanyan ang nasa kabilang linya ay kanya itong sinagot.

” Guys, nagriring na ang cellphone niya. ” tuwang-tuwang wika niya kina Kenny ng nagring na ang cellphone ni Yuan. Kaya lang nawala ang kanyang ngiti ng boses ng isang babae ang sumagot sa kabilang linya na parang bagong gising lamang. Pero ang totoo ay sinadya iyon gawin ni Vinia na magkunwaring bagong gising lamang.

” Hello! Who’s this? ” ang medyo malat na boses kunwari na wika ni Vinia.

” Ikaw ang sino ka? Bakit na sa iyo ang cellphone ni Yuan? ” ang medyo mataray na wika ni Yanyan sa kabilang linya.

” Ako lang naman ang girlfriend ni Yuan. Natutulog pa kasi siya kaya ako na ang sumagot ng tawag mo. Napagod kasi sa ginawa namin magdamag eh. ” ang pang-iinis na sagot niya dito na talagang sinadyang sabihin ni Vinia kay Yanyan inisin ito.

” No! Hindi ako naniniwala sa sinasabi mong iyan. Hindi magagawa sa akin ni Yuan yang sinasabi mo. “
halos pasigaw na sambit niya sa kausap.

” Nagawa na nga niya eh. Besides,hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin eh. Pero kung gusto mong malaman talaga na nagsasabi ako ng totoo puwede kang pumunta dito sa bahay ko para makita mo si Yuan at ako. ” lalo pa niyang pang-iinis dito.

” Nagsisinungaling ka lang. Hindi magagawa sa akin ni Yuan yan. ” ang galit na sigaw na niya sa kausap na babae. Pilit pa rin niyang pinapaniwala ang kanyang sarili na hindi siya kayang lokohin ni Yuan.

” Hindi ako nagsisinungaling. Kaya nga pinapapunta kita dito sa bahay ko ngayon para malaman mo kung nagsisinungaling ako o hindi eh. Alam mo sobra akong nag-enjoy sa ginawa namin ni Yuan lalo mga ginagawa niya sa akin. Ang galing niya talaga. Ititext ko ang address ko. Hihintayin kita ha! ” pagtatapos niya ng usapan nila at pagkatapos ay tinext nga niya ang address ng bahay niya kay Yanyan.

Nang matapos na ang pakikipag-usap ni Yanyan sa kausap ay sunud-sunod na ang pagtatanong nila Cleo sa kanya kung sino ang kanyang kausap.

” Si Yuan ba ang nakausap mo? Kamusta na siya? Pupunta na ba dito? ” iyan ang halos mga naririnig niyang tanong sa kanya pero kung sino man ang nagtatanong noon ay hindi niya alam dahil masyado siyang nasaktan sa mga sinabi ng kanyang kausap na babae na girlfriend daw ni Yuan at may ginawa pa sila magdamag. Napuyat ba ito dahil doon kaya hindi nakapunta sa kasal nila ngayon? Magagawa ba iyon ni Yuan sa kanya? Binigay niya na rin naman ang kanyang sarili kay Yuan ha! Pero bakit nagawa pa rin iyon ni Yuan kung nagsasabi talaga ng totoo ang babae. Ang alam niya lang ay ang sakit-sakit.

” Kenny samahan mo ako,please sa address na ito. ” ang pasigaw niyang sabi kay Kenny at binigay ang cellphone para ipakita ang address ng kinaroroonan ni Yuan sabi ng babae sa kanya. Dalangin niya na hindi totoo ang sinabi sa kanya ng babae at hindi niya matatagpuan doon si Yuan. Sana. Sana. Sana.

” Ako rin sasama. ” halos magkasabay na wika nila July at Cleo at pumasok na sa kotse habang ang lolo at lola at kapatid ni Yanyan ay naiwan pati ang mga bisita sa kasal. Ni hindi alam ng mga ito ang nangyayare.

Halos gusto ng paliparin ni Yanyan kay Kenny ang kotseng sinasakyang ng mga ito para lang makarating agad sa address na sinabi ng babae sa kanya.

” Ano bang nangyayare, Yanyan? Bakit tayo pupunta sa address na iyan? ” nagtatakang tanong ni Kenny sa dalaga.

” Matatagpuan daw natin diyan si Yuan sabi ng nakausap ko na girlfriend daw siya ni Yuan. ” ang pigil niyang pag-iyak na sagot kay Kenny.

” Imposible yang sinasabi mo, Yanyan na may ibang girlfriend si Yuan. ” ang hindi makapaniwalang wika ni Kenny.

” Yeah! Kenny is right. Hindi magagawa iyon ni Yuan sa iyo,Yanyan dahil mahal ka niya. ” sang ayon na sabat naman ni Julio mula sa likuran.

” Sana nga tama kayong dalawa sa sinasabi ninyo sa kaibigan ninyo. Pero hindi rin ako naniniwalang magagawa iyon ni Yuan. ” sabat rin ni Cleo mula sa likuran.

“Hindi ko alam,guys. Ayoko rin isipin. ” tanging tugon ni Yanyan habang tumulo na ang luhang pinipigilang bumagsak.

Habang titig na titig si Vinia sa natutulog pa rin na si Yuan ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi halikan ito sa mga labi.Paulit-ulit niyang hinahalikan ito ng biglang magising ang binata sa ginagawa niyang paghalik. Nagulat pa ang binata ng mabungaran siya nito. Naitulak pa siya nito para makabangon.

” A-anong ginagawa ko dito? Bakit ako nandito? Anong ginawa mo sa akin,Vinia? ” ang sunod-sunod na tanong niya kay Vinia na puno ng pagtataka sa lahat ng nangyare.

” Relax, Yuan. Nandito tayo sa bahay ko. Sa kuwarto ko. Hindi mo na ba natatandaan ang ginawa natin kagabi at ang paulit-ulit mong ginawa sa akin? ” ang tanong niya kay Yuan at gustong ipaalala ang nangyare sa kanila kagabi.

” You’re crazy,Vinia. Alam mong walang nangyare sa ating dalawa. Ang alam ko lang ngayon may inilagay ka sa pagkain kaya ako nahilo kagabi. ” ang galit na sagot ni Yuan kay Vinia na ang tingin ay galit na galit talaga.

” May nangyare sa atin kagabi kaya nga ganito ang ayos natin. Ikaw pa nga ang biglang humalik sa akin. Tumanggi ako pero nagpumilit ka. ” pagsisinungaling nito.

” Sinungaling ka. Hindi sana ako nagtiwala sa isang katulad mo. ” wika nito ang masama pa rin ang titig kay Vinia ng nakatayo na.

” Hindi ako nagsisinungaling at papatunayan ko sa iyong mahal mo pa rin ako. ” sambit ni Vinia at biglang sinabasib ng halik si Yuan na dahil sa ginawang iyon ni Vinia ay napadagan siya dito.

Nasa ganoong tagpo sila ng biglang bumukas ang pinto. Laking gulat niya ng makita kung sino ang mga iyon.

” Yu- Yuan.” gulat na wika ni Yanyan sa pangalan ng nobyo ng makita ng tagpong iyon.

Bago pa man makapagsalita ang nobyo ay agad na siyang nakatalikod para makalabas ngunit narinig niya pa rin ang pagtawag nito ng pangalan niya. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa nakitang tagpo na iyon. Napakasakit. Sobrang sakit. Wala sabi-sabing nilisan niya ang lugar na iyon ng hindi alam kung saan siya pupunta. Basta ang importante makaalis siya sa lugar na iyon.

“Ya-Yanyan. ” tanging nasambit niya dahil sa pagkagulat habang papalit-palit ng tingin sa tatlo maliban kay Yanyan na bigla ng umalis ng makita siya. At hindi rin nagtagal ay sinundan ito ni July.
Gustuhin man niyang sundan si Yanyan ay hindi na niya ginawa dahil na rin sa ayos niya. Kitang kita niya sa mga mata nito ang sakit na nadarama nito ngayon. Sakit na siya ang nagbigay.

Tulad niya ay nagulat din ang mga ito. Kitang-kita sa mga reaksyon ng mga ito ngayon. Habang si Vinia ay tahimik lang na nakatingin din kanila.

” What’s this, Yuan? ” tanging tanong ni Kenny sa kaibigan.

” I can e-explain. ” mabilis na sagot nito.

” Dress up, Yuan. ” at iniwan na nila Kenny at Cleo sila Vinia at Yuan,

” Damn! tanging nasambit ni Yuan pagkaalis ng mga ito at isa-isa ng isinuot ang mga damit na kanyang pinulot isa-isa kanina.

” I hope your very happy now, Vinia. ” tanging nasabi niya sa babae at padabog niyang isinara ang pintuan ng kwarto pagkalabas niya.

Nang makalabas si July sa kwarto ay nakita niya ang unti-unting pagkabagsak si Yanyan sa sahig. Dahil doon ay dali-dali siyang napatakbo upang saluhin sana ang dalaga sa pagkabagsak ngunit bago pa man siya nakalapit ay bumagsak na ang wala ng malay na si Yanyan sa sahig. Hindi na siya nagdalawang isip pa agad niya itong binuhat para dalhin sa hospital. Pababa na siya ng hagdanan ng maabutan sila nila Kenny at Cleo.

” July,anong nangyare kay Yanyan? ” nag-aalalang tanong nila Kenny at Cleo ng makita sila nito.

” Nakita ko na lang siya kanina na unti-unting bumabagsak sa sahig. Bilisin nyo dalhin na natin siya sa ospital. ” ang sagot naman ni July habang buhat-buhat ang wala ng malay na si Yanyan.

Nasa may pinto na si Yuan ng makita niya si July na buhat-buhat si Yanyan habang si Cleo ay binuksan ang pinto ng kotse upang maipasok ni July sa loob ng kotse si Yanyan samantalang si Kenny ay pumasok na sa driver seat. Maya-maya lamang ay umandar na ang kotse na lulan ang mga ito.

” Bakit buhat-buhat ni July si Yanyan? Bakit parang walang malay si Yanyan? Anong nangyare? ” sunod-sunod niyang tanong sa kanyang sarili at mabilis na sumakay ng kotse at sinundan ang sasakyan nila Kenny.

Sa ospital habang naghihintay sila sa may lobby ay biglang bumukas ang pintuan kung saan naroroon si Yanyan. Iniluwa noon ay ang doktorang tumingin kay Yanyan ng kanila itong dinala doon. Nang kanilang makita ito ay gad nilang nilapitan ang doktora.

” Ka-kamusta na po siya,doktora? ” halos sabay-sabay nilang tanong dito.

” Okey na naman siya. Medyo napagod lang kaya siya kaya nawalan siya ng malay at … ” hindi pa man tapos magsalita ang doktora ay sumabat na ulit si July.

” At ano po, doktora? ” sabat na tanong ni July.

” Ikaw ba ang asawa ng pasyente? ” ang tanong ng doktora kay July. Sasagot na sana siya ng biglang may sumagot na iba sa tanong ng doktora mula sa likuran na kanilang ikinagulat maging ng doktora.Kaya naman sabay-sabay silang napalingon sa pinanggagalingan noon.

” Ako po ang asawa niya,doktora. ” ang biglang sagot ni Yuan.

” Ah ganun ba. I want to congratulate you. Your wife is three weeks pregnant. Puwede na kayong pumasok sa loob. ” pagkasabi niyon ay umalis na ang doktora at naiwan na silang apat sa lobby.

” Thank you,doktora. ” tanging nasabi niya bago pa man makaalis ang doktora.

Nang mga oras na iyon ay pare-pareho silang nagulat sa sinabi ng doktora lalong-lalo na siya kaya halos hindi na siya nakapagsalita. Siyempre sobrang masaya siya dahil magkakaanak na sila pero hindi lubos dahil may problema pa siyang dapat na lutasin. Ayaw niyang mawala sa kanya ang tanging babaing minahal niya ng higit pa sa buhay niya.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanilang apat bago basagin iyon ni July.

” May mukha ka pa talagang magpakita dito Yuan pagkatapos ng ginawa mo kay Yanyan. ” ang galit na galit na pigil ni July sa sarili na masuntok ito.

” Umalis ka na, Yuan. Sigurado naman kaming kapag nagkamalay si Yanyan ayaw ka niyang makita eh. ” ang pagpapaalis na wika ni Cleo kay Yuan na pinipilit pigilan ang galit dito.

” Gusto kong makita si Yanyan. Hayaan nyo akong makapasok. Please naman oh. ” pagmamakaawa ni Yuan sa mga ito.

” Wala ka ng karapatan, Yuan. Kaya umalis ka na. Kenny ikaw na bahalang magpaalis kay Yuan. Pasok na tayo sa loob, Julio. ” ang pagalit na wika na ni Cleo at pumasok na nga ang dalawa sa loob ng kwarto at naiwan sa labas sina Kenny at Yuan.

” Gusto ko lang naman makita si Yanyan,pare. Masama ba ‘yon? ” ang maiyak-iyak na wika ni Yuan habang nakaupo na sa sahig.

” Huwag na muna, Yuan. Hindi makakabuti kay Yanyan. Isipin mo na lang ang baby nyo. Umuwi ka na muna,pare baka maabutan ka pa ng mga kapatid ni Yanyan magkagulo pa. ” ang pagpapaliwanag na wika ni Kenny sa kaibigan.

Pagkauwi naman ni Yuan sa lanilang mansyon ay agad siyang sinalubong ng kanyang lolo at lola.Siya ay niyakap ng mga ito. Basta niyakap lamang siya ng mga ito ng mahigpit. Dama niya ang pagmamahal ng mga ito at nalulungkot sa nangyare. Hanggang sa ikinuwento niya ang tunay na nangyare. Lahat ng detalye ay ikinuwento niya sa mga ito at kapwa nagalit sa ginawa ni Vinia. Nalungkot din ang mga ito sa nangyare sa kanilang dalawa ni Yanyan. Natutuwa rin ang mga ito ng sinabi niyang magkakanak na sila ni Yanyan dahil sa three weeks pregnant na si Yanyan. Gusto na kasi ng mga ito ang magkaapo sa kanya pero batid ng mga ito ang problema. Nagpasya ang mga ito na dalawin sana ng araw na iyon si Yanyan sa ospital ngunit pinigilan niya ang mga ito bagkus ay sinabi niyang bukas na lamang para makapagpahinga ng lubusan si Yanyan at maging ang kanyang lolo at lola ay pinagpahinga na rin niya.

” Kamusta na si ate Yanyan,ate Cleo? ” tanong ni Ricky pagdating na pagdating sa ospital habang si Emman ay nakaupo sa tabi ng kanilang ate na wala pa ring malay.

” Okey na naman ang ate ninyo. Na-stressed lang ang ate ninyo kaya nawalan ng malay kanina at three weeks pregnant din. ” ang sagot naman ni Cleo ng lumapit din sa tabi ni Yanyan.

” Bu-buntis si ate Yanyan? ” ang pautal na tanong ni Emman.

” Oo, Emman. Nagulat din kami kanina ng sabihin ng doktorang tumingin sa kanya. ” diretsong sagot naman ni Cleo.

” Alam ba ni ate na buntis siya? ” si Ricky naman ang nagtanong.

” Hindi ko lang alam, Ricky. Wala naman nasasabi sa akin si Yanyan eh. ” wika ni Cleo.

” Pumunta na ba si kuya Yuan ito? ” tanong ulit ni Ricky na ang tinig ay may galit.

” Kanina nandito siya pero hindi namin pinapasok dito kaya hindi pa niya nakikita si Yanyan. “

” Kapag pumunta dito,ate Cleo huwag na huwag mong papapasukin. Wala na siyang karapatan pang makita ang ate namin pagkatapos ng ginawa niya. ” ang galit na galit na wika nito na makikita mo talaga sa mata ang galit.

” Pero kuya Ricky asawa siya ni ate Yanyan. Tsaka hindi pa naman natin alam ang totoong nangyare. Hindi ako naniniwalang magagawa ni kuya Yuan iyon kay ate. Mahal na mahal niya si ate. ” ang inosenteng sabat ni Emman sa usapan nila Cleo at ng kuya Ricky niya.

” Hindi pa sila kasal ni ate Yanyan,Emman. Hindi naman natuloy ang kasal nila kaya hindi pa sila mag-asawa. Hindi na siya puwedeng magpaliwanag pa dahil nakita na nila ang ginawang panloloko ni kuya Yuan kay ate Yanyan. May mahal bang lolokohin ang taong mahal nila? Basta kahit ikaw ang bantay dito huwag na huwag mong papapasukin ang lalaki na iyon dito hanggang hindi pa nailalabas si ate. Maliwanag ba, Emman. “

” Opo,kuya pero hindi talaga ako naniniwala. ” sagot ni Emman sa kuya niya.

” Baka bukas puwede ng lumabas si Yanyan. Pinaconfine lang namin ngayon para mamonitor talaga siya. “

Habang nag-uusap sila ay unti-unting gumagalaw ang mga daliri ni Yanyan at mga mata ay unti-unti na ring dumidilat.

” Nagkakamalay na yata si ate Yanyan. ” ang tuwang tuwang sabi ni Emman kina Ricky at Cleo.

” Oo nga. Kamusta ka na,Yanyan, ate. ” magkasabay na wika ni Ricky at Cleo ng makalapit na kay Yanyan habang si Emman ay titig na titig sa ate niya.

” Na-nasaan ako? Anong nangyare? ” tanging naibulalas ni Yanyan ng makadilat na talaga ng lubusan pero ang tinig ay halatang hinang-hina.

” Nandito tayo sa ospital. Nawalan ka kasi ng malay kanina kaya dinala ka namin nila Julio at Kenny. ” ang paliwanag na sagot ni Cleo sa kaibigan.

” Si Yuan,bez? “

” Wala si Yuan dito. Bakit? “

” Ayoko na siyang makita pa. Huwag na huwag na ninyo siyang papalapitin pa sa akin. ” ang umiiyak na sabi nito.

” Oo, ate Yanyan hindi namin siya palalapitin sa iyo. Huwag ka ng umiyak makakasama pa iyan sa baby mo. ” ang awat na wika ni Ricky sa ate Yanyan niya.

” A-anong baby? A-nong ibig sabihin ng baby? ” ang naguguluhang tanong niya sa mga ito.

” Hindi mo alam, Yanyan? ang gulat na wika ni Cleo.

” Alam ang alin,bez? “

” Na buntis ka. You’re three weeks pregnant,bez. ” ang diretsong sagot niya dito.

” Bu-buntis ako. ” ang gulat na gulat na sambit niya.

Isang beses lang naman namin ginawa iyon. Bakit nabuntis ako? Hindi naman sa ayaw niya sa ipinagbubuntis niya. Masaya nga siya na magiging ina na siya pero ang ikinagagalit niya magiging kawawa lang ang magiging anak niya wala itong magigisnang ama dahil hinding- hindi na siya makikipagbalikan pa sa ama nito kahit na mahal na mahal niya ito. Sobrang sakit ng ginawa sa kanya ni Yuan. Matatanggap pa niyang nakipaghiwalay ito sa kanya dahil hindi na siya nito mahal pero ang hindi niya matanggap ay ang ginawa nitong panloloko sa kanya at pagtuloy pa nito ng kasal nila kahit hindi na pala siya mahal nito. Ipinamukha pa sa kanya ng mga ito iyon ang lahat sa mismong araw pa ng kasal nila.

” Oo,bez kaya kailangan mong magpalakas at magpakatatag sa baby mo. Maya-maya darating na sila Kenny at Julio may mga dala silang pagkain kaya kumain ka, Yanyan para ilalabas ka na namin bukas.

” Salamat,bez. ” sambit ni Yanyan habang hawak-hawak ang isang kamay ni Cleo.

” Okey lang,bez. Huwag ka na rin mag-alala sa bills mo kasi nabayaran na nila Kenny at Julio. “

Katatapos lang maligo ni Vinia ng madatnan niya sa kanilang sala si July na ng makita siya ay kung tingnan siya nito ay para siyang gustong patayin.

” What are you doing here,traitor? ” ang galit na bulyaw ni Vinia kay July. Akala niya talagang kakampi niya ito pero iniwan lang siya sa ere.

” Talaga palang tinuloy mo pa rin ang plano mong sirain ang relasyon nila. “

” Oo tinuloy ko pa rin kahit wala ang tulong mo,coward. At sa tingin ko tagumpay ako,di’ba July? “

” So masaya ka na sa ginawa mo,brilliant Vinia? “

” Hindi lang masaya kundi masayang-masaya dahil kung miserable ang buhay ko pare-pareho lang kami nila Yuan. “

” Iyon ay kung hahayaan kong mangyare, Vinia. “

” Anong ibig mong sabihin, July? “

” Sasabihin ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Hindi ko hahayaang may inosenteng batang madadamay sa pagkamakasarili mo. “

” Bu-buntis ang babae na iyon, July? “

” Oo buntis siya at si Yuan ang ama ng ipinagbubuntis niya. Binabalaan na kita,huwag na huwag mong
gagalawin si Yanyan dahil ako ang makakalaban mo. ” pagbabantang babala ni July sa babae na mahigpit na nakahawak sa isang braso nito.

” Hindi ako natatakot sa’yo,July kaya huwag mo akong pinagbabantaan. ” matapang na sagot ni Vinia sa pagbabanta ni July saka inalis ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.

” Dont try me, Vinia. Hindi mo alam ang kaya kong gawin kapag ginalaw mo si Yanyan. ” pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ito.

Bago pa man makalabas ng pintuan si July ay isang malakas na sigaw ang kanyang narinig at may narinig siyang may binasag ito na kung anuman iyon ay hindi niya alam. Ang importante ay nasabi na niya dito ang gusto niyang sabihin.

Kinabukasan habang naghahanda na sa pag-uwi sila Yanyan ay naabutan pa sila ng lolo at lola ni Yuan sa ospital. Kanya namang hinarap at kinausap ng maayos ang mga ito. Nagsabi pa ngang ikinalulungkot ng mga ito ang nangyare sa kanila ni Yuan at sobrang natuwa sa nabalitaang buntis nga siya. Sana nga raw magkabalikan pa sila ni Yuan na hindi niya nasagot na iginalang naman ng mga ito. Gustuhin man nilang mag-usap ay hindi na maaari dahil uuwi na sila kaya nagsabi na lang ang mga ito na dadalaw sa mga susunod na araw sa bahay nila. Bago maghiwa-hiwalay ay mahigpit siyang niyakap ng dalawang matanda. Dama niya ang pagmamahal at lungkot sa mga ito.

Mag-iisang linggo na siyang nakakauwi sa kanilang bahay galing sa ospital ay hindi pumapalya sa pagpunta sa kanilang bahay si Yuan na may mga dala-dalang mga prutas at iba pang mga pagkain kahit na hindi nila ito kinakausap at pinapapasok. Nasa labas lamang ito habang nagmamakaawang kausapin niya ito pero ni isa man sa pakiusap niya ay hindi niya pinagbigyan hanggang sa napipilitan na silang matulog ng maaga para lamang umuwi na rin ito. Ngunit isang araw ay nakakuha ito ng tiyempo ng papauwi pa lamang siya sa kanilang bahay. Ito ay nakaabang na sa kanya sa harap ng bahay nila. Nang makita siya nito ay lumapit na ito sa kanya.

” Please, Yanyan kausapin mo ako. Magalit ka sa akin. Suntukin mo ako o sampalin mo ako. Basta kausapin mo lang ako. Ilabas mo ang galit mo sa akin. Matatanggap ko lahat iyon. Kausapin mo ako,Yanyan. ” ang pagsusumamong wika ni Yuan na umiiyak habang nakayukong hawak-hawak ang isang kamay ni Yanyan.

” Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Yuan. Tapos na tayo. At ayoko ng mag-aksaya ng panahon sa iyo. ” ang wika niya dito na pinipigil ang totoong nararamdaman at pilit na kinukuha ang kamay mula sa pagkakahawak ni Yuan ngunit hindi pa rin binibitiwan ng binata.

” Marami tayong dapat na pag-usapan pa, Yanyan. Marami pa. Hindi ako aalis dito hanggang hindi tayo nag-uusap. ” pangungulit na wika ni Yuan habang titig na titig sa babaing mahal na mahal pa rin niya.

“Gusto mo talagang mag-usap tayo ha! Sige mag-uusap tayo. Gusto mong malaman kung anong nararamdaman ng puso ko? ” ang galit ng wika ni Yanyan at kinuha ang isang kamay ni Yuan upang dalhin sa tapat ng puso niya bago nagsalitang muli. ” Ang sakit-sakit,Yuan eh. Minahal kita eh. Mahal na mahal kita, Yuan. Alam mo bang gustong- gusto kitang sampalin at pagsusuntukin ng paulit-ulit para maramdaman mo ang sakit na nararamdaman ko. Pero alam kong kahit gawin ko iyon sa’yo kulang ang saktan kita sa pamamagitan ng mga iyon sa nararamdaman kong sakit ngayon, Yuan. Hindi sapat, Yuan. ” ang umiiyak ng si Yanyan habang pinagsususuntok si Yuan sa iba’t ibang parte ng katawan nito na kanyang matamaan.

” Alam kong kahit magpaliwanag ako sa iyo hindi mo ako paniniwalaan dahil anong laban ng paliwanag ko sa nakita ng dalawa mong mata kahit hindi iyon ang talagang totoong nangyayare. Ano’ng puwede kong gawin para mabawasan man lang yang nararamdaman mong sakit ngayon? Gagawin ko. “

” Umalis ka na ng tuluyan sa buhay ko, Yuan. Ayoko ng makita pa ‘yang mukha mo kahit kailan. ‘Yon ang tanging hiling ko, Yuan. ” ang hiling na sagot niya dito.

” P-pero paano ang magiging baby natin, Yanyan? ” ang pagpoprotestang sabi ni Yuan.

” Huwag kang mag-alala papalakihin at bubuhayin ko siyang mag-isa. Hindi ka namin kakailanganin at hindi ka na kailangan pang kilalanin ng magiging anak natin, Yuan. ” diin niyang sabi kay Yuan. Pero ang totoo ay ayaw niya talagang sabihin iyon ngunit kailangan para talagang mawala na ito sa buhay niya. Para makalimutan na niyang mahal niya ito.

” Ganyan ba katindi ang galit mo sa akin, Yanyan? Talagang aalisin mo ang karapatan ko sa magiging anak natin? Kung tutuusin wala naman talaga akong ginawa. Kung magiging bukas ka lang sa paliwanag ko. ” ang nasasaktang litanya nito at nakipagsukatang ng tingin kay Yanyan.

” Ikaw naman ang nagsabing gagawin mo eh. Sana pala hindi ka nagsabi kung hindi mo pala mapapanindigan. ” asik niya dito na hindi pinansin ang sinabi nito.

” Sige kahit masakit gagawin ko para man lang mabawasan ang sakit na naidulot ko sa iyo. Kahit sobra-sobra na yang gusto mong gawin ko. Pero sana dumating ang araw maipakilala mo ako sa magiging anak natin. “

” Salamat, Yuan. ” tanging sambit niya sa sinabi nito.

” Pero sana kahit sa huling saglit hayaan mong gawin ko ito sa iyo. ” pagkasabi niyon ay bigla niyang hinalikan sa labi si Yanyan. Noong una ay simpleng halik lamang hanggang sa naging maalab na ito. Nang tumagal ay siya na rin ang kusang tumigil sa paghalik dito at muling nagsalita. ” Mahal na mahal kita, Yanyan at ang magiging anak natin. ” pagkasabi niyon ay iniwan na niyang mag-isa ang napatulalang si Yanyan.

Kahit halik ng pamamaalam iyon ay natuwa pa rin si Yuan dahil tinugon ni Yanyan ang kanyang mga halik. Kahit papaano pala ay mahal pa rin siya nito. Panghahawakan niya iyon kahit hindi siya sigurado.

Talakayan

17 thoughts on “Chapter 12 : Finding My True Love

  1. Ang saklap

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 6:02 umaga
  2. nakakainis nabitin aq sa story nla…

    Posted by jhoy | Hulyo 3, 2013, 4:07 hapon
  3. namis ko talaga to

    Posted by raicel sambuturan miguel | Enero 25, 2013, 4:55 hapon
  4. ooohhh. . .so sad. .huhuh

    lesson=>hndi lahat ng nakikita ng mata mu ay totoo. . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 2:16 hapon
  5. kelan po llabas ang nxt chapter..i rily love your stories here..anyways im a newbie here..but ive been reading TOP stories for 2months now…..way to go guys!!!!

    Posted by nicolelabs | Hulyo 15, 2010, 5:34 hapon
  6. ganda ng twist nya,, kala ko kasabwat si july.. nyc work… hehehehehehe

    Posted by eczztah | Hulyo 14, 2010, 10:44 hapon
  7. awwww kakalungkot naman un..huhuhuh next na po….

    Posted by eizzy | Hulyo 13, 2010, 9:32 hapon
  8. grabeeh namn! sayang tlga yun bruha na yun! nakakainis!;((

    Posted by angel | Hulyo 13, 2010, 6:53 hapon
  9. nakakaiyak nmn naalala ko 2loy ung away namin ng asawa ko kagabi dahil sa call nong bwesit na babae na un gf daw sya ng asawa ko ng away 2loy kami

    pahiya ung girl kc tinawagan sya ng asawa ko kapal daw ng mukha nya para sabihing gf sya

    naiiyak nnmn 2loy ako

    Posted by gel | Hulyo 13, 2010, 6:12 umaga
  10. nakakainis naman ang bruhang yon panira talaga….
    nakakaiyak xa…..

    Posted by joy | Hulyo 12, 2010, 9:29 hapon
  11. hay naku nakakainistalaga bakit my kontra bida ba…. nakakabitin

    Posted by ladyjhun | Hulyo 12, 2010, 8:55 hapon
  12. ,,ilang chapters poh vah 2?
    ,,,,sna malaman nah nla ung 22o pra nman happy ending nah…

    Posted by ,,,alphanz_06,,, | Hulyo 12, 2010, 8:45 hapon
  13. ahhahha
    oo nga kakainis
    ehheh
    naunahan ako ng sasabihin…

    Posted by kimie | Hulyo 12, 2010, 6:56 hapon
  14. sadness…huhuhuhu

    Posted by eithak | Hulyo 12, 2010, 5:43 hapon
  15. sana huwag nang pahabain pa ni july ang paghihirap ng dalawa at sabihin na agad niya ang totoo.kawawa naman ang ating lovers….

    Posted by wenz | Hulyo 12, 2010, 5:13 hapon
  16. grav sarap ptayin ng vinia’ng yan…
    sna svhn n ni julio ang 22o..
    pra maintindhan ni yanyan..

    Posted by maricar | Hulyo 12, 2010, 8:31 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: