binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 12: Ever Since

CHAPTER 12 LAINe SERIES: JEW & DREI

Another Three long years later

“Iha say sorry to the man” wika ng isang matanda na sa wari ni Drei ay nasa mid-sixty’s na ang edad.

Naaaliw si Drei sa nakikita niyang pag-iling ng bata sa harapan ng matanda na pakiwari niya ay lolo nito. Nabunggo kasi siya ng bata habang tumatakbo ito na may dalang ice cream na sa una ay kinainis niya ng mapansing mismong sa shirt niya dumikit ang buong ice cream. Pero ng makita niya ang bata ay parang may naalala siya sa napakaganda at napaka among mukha nito. At some point in his life, he felt that he wanted to be a father, pero mukhang mananatiling pangarap na lang iyun dahil wala na ang babaeng minsan ay inakala niyang habambuhay na niyang maaangkin. And now, seeing this look a like princess frowning in front of him ni hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman na kasiyahan.

Hinihintay niya kasi si Eve sa restaurant na iyon dahil siya ang napili nitong yayo for the day, pinaglilihihan pa yata siya nito para sa pangatlong anak nito nila ni Justin and out of nowhere this little pretty kid puke her interest. He bended over the kid para makatapat ang mukha ng bata ng magulat siya ng may magsalita mula sa likod niya.

“Dad, any problem?” takang tanung nito sa ama habang papalapit sa mga ito, kagagaling lang kasi niya sa restroom. “Fehy An-” natigilan siya sa nakita, sandali siyang natulos sa kinatatayuan ng mapag sino ang lalakeng humarap sa kanyang direksiyon na kanina lang ay wari niya kausap ang kanyang anak. Pakiramdam niya ay biglang lumukso ang puso niya sa sobrang pagka-bigla.

Limang taon ang nakalipas, pero hinding – hindi niya malilimutan ang mukhang iyon. It is Drei, and she’s not prepared to see him there. Mukhang malaki ang pinag- bago nito. Mula sa usual business suit nito noon, ngayon ay simpleng pants at black shirt lang ang suot nito na lalo lang nagpa obvious sa kutis mestizo nito. ‘Why the man have aged at thirty, pero bakit yata mas lalo pa itong gwumapo at kumisig?’. Sandali silang nagkatitigan ng biglang tumakbo sa kanya ang anak.

“Mommy sorry, don’t get mad” Nagulat si Drei sa narinig niyang tinuran ng bata kay Jew, muling bumangon nanaman ang sakit sa puso niya, kahit yata sampung taon pa ang magdaan, hindi pa rin iyun mawawala. Maya-maya pa ay narinig niya ulit na nagsalita ang bata na bumaling sa kanya “Sorry po!” animoy nag papa cute pa ito sa kanya na ikinasiya naman niya at tumingin siya ulit kay Jew na dumukwang sa bata.

“It’s okay baby” ngumiti ito sa anak ng biglang may bumangga sa kanya at nahulog ang handbag niya at nagkalat ang ilang laman noon dahil nga sa kagagaling niya pa lang ng restroom ay nakaligtaan niyang i-zipper iyun, mabilis na kumilos ang waiter upang pulutin ang mga gamit niya.

“Ma’am sorry po, hindi ko sinasadya” sambit ng waiter.

Lumapit naman ang kanyang ama para makipulot ganun rin si Drei pero pinigilan iyun ni Jew. “D-Don’t – Don’t mind kami na lang.”

“Jewish” narinig niyang sambit nito at nagkatinginan sila ni Drei pero madali rin niyang binawi ang tingin at hindi na ito pinansin pa. Alam niyang baka ilang minuto pang magtagal at mayayakap niya na ito ng wala sa oras. Nang makuha niya ang mga gamit ay – “Come on Dad, let’s go” nagmamadali niyang yaya sa ama habang hawak si Fehy ng bigla na lang -.

“Drei, oh darling can you help me with my shopping bags?” bungad nito papalapit kay Drei.

Lalong natulos sa kinatatayuan si Jew, limang taon man ang lumipas pero hindi pa rin niya malilimutan ang boses na iyon. At lalo pa siyang kinabahan ng makitang buntis ito sa laki ba naman ng umbok ng puson nito at medyo nanaba na rin mula ng huli niya itong makitang mala modelo ang katawan. Akmang tatalikod na sana siya ng -.

“Jewish, Jewish Mari Favela?” paniniyak nito saka ngumiti ng malapad “Oh my god! Is that you? Still remember me though we haven’t introduced before, I’m Evelyn so glad to see you after long years. Since when did you arrive from Florida?” Masayang bati nito at inilahad ang kamay kay Jew.

Si Drei naman ay nanatili lang sa may likod ni Eve at buong pag hangang nakatitig kay Jew kahit na may kirot sa puso pa rin itong iniinda. Hindi na rin niya pinigil si Eve sa pag-uusisa nito dahil siya man ay gustong kumustahin si Jew. ‘What happened to her life after five years? … Because she’s obviously looking so damn gorgeous as always while he on the other hand was left alone like a tortured shadow mess’

Tawag ng antas ng manners she still manage to smile and shake her hand pero sa puso niya ay gusto na niyang magwala, well wala siyang karapatan. The nerve mukhang alam pa nito ang lahat, well asawa siya ni Drei so malamang honest sa kanya ito at lahat ng nangyari noon sa kanila ay inamin pa siguro nito.

“Hi Eve nice to see you, If you’ll excuse, mauna na kami.” Inakay nito si Fehy at ang ama habang naiwang nakatingin lang sila Drei.

Ilang minuto ng nakaaalis sila Jew…

“Drei, are you okay?” Puna niya ng di ito kumilos then may napansin siya sa ilalalim ng table, at kinuha iyon at nanlaki ang mga mata ng tiningnan iyon “Oh My Drei, you should see this!” agad namang tumalima si Drei at ikinabigla rin nito ang nakita.

–=-=-=-=–

Maraming nangyari sa buhay niya ng mga nagdaang taon, mapait man o maligaya lahat ng iyon ay pinagpapasalamat niya na sa wakas ay nalagpasan niya rin. Almost two weeks na rin mula ng makabalik siya ng Pilipinas kasama ang dad niya at ang kanyang anak. She was longing for someone, in her heart, she was empty. Sandaling napukaw sa pag-iisip si Jew ng may dumating na bisita.

“Jewish Mari Favela walang ya ka, mang iiwan sa ere, tapos ako pa talaga ang pupunta sa iyo rito ha!” malanding pagalit na sabi nito pagbungad ng pintuan na may halong hinanakit.

Naiiyak niyang tinakbo ang kaibigan at buong higpit na niyakap ito, halos hindi niya mapigil ang paghikbi, para sa kanya ay tunay na niyang kapatid si Mosh at masayang masaya siyang nakita niya ulit ito. “Mosh miss na miss, over, sobra, super miss kita girl!”

Naluluha na rin ito na hinigpitan ang yakap sa kaibigan “Chucera ka, Tsansingera ka pa” natatawa silang bahagyang lumayo sa isa’t-isa habang nagpupunasan ng mga luha. “Loka ka, hindi dapat ganito ang scenario, dapat susumbat sumbatan kita, tapos jombag at sapok, sinira mo ang acting ko” kapwa pa sila lalong nagkatawanan at napaiyak.

“I know hindi mo ako matitiis” habang sumisinghot pa ito at namumula ang mga mata.

“Tiisin mong lelang mo, teka nga since when pa you arrived?”

“About four days ago” habang pinapahid nito ang luha at yumakap kay Mosh.

“Four days ago pa pala?!” hysterical ng bakla “Talagang gusto mo ng magkalimutan ano? Ngayon mo lang ako tinawagan at akala ko kararating mo pa lang, at si Aunt Heather wala rin saking sinabi, super hurt na talaga ako” himutok nito.

“I told her not to tell because I’m still not prepared to explain to you, wait, calm down muna okay, I’ll tell you everything.”

“Dapat lang ano, pero super tampuret talaga ako sayo, you left me with so much questions ng umalis ka five years ago. Andami kong gustong sabihin sayo, I wanted to clear you about things, about Drei” pagtataas nito ng boses.

Sandaling natigilan ito at lumungkot ang mukha “We’ve already seen each other yesterday Mosh and… she’s with Eve, pregnant na pala siya?”

“Anung pala?, nanaman kamo, ikaw kasi out of chika ka na, that’s their third, ibang klase rin si Ju-” tuloy na salita nito na hindi napansin na natigilan si Jew.

“Lets not talk about them” maikling putol niya.

“Who? si Eve at Just?” kunway patay malisyang tanung niya.

Napakunot-noo siya “Eve at Just?” Ulit na tanong niya.

“U-huh, yung cousin namin sa Bahamas remember na partner ni Drei sa resort, why? Hmmm…girl sino ba ang akala mo kashi?…. Si Drei at Eve?” naaliw siya sa pagtango ng kaibigan “Naku harush para na silang magkapatid no, at kung mahal man ni Drei si Eve eh gaya lang yon ng pagmamahal niya kay Ate Julia.”

Nagulantang sa narinig si Jew ‘All along she was wrong, pero sa PICC sinabi ni Drei, God!’ “But he didn’t deny me-”

“Nor confirmed.” agaw niya sa sasabihin nito. “Girl, I know everything five years ago, I tried to console you and even tried na pakiusapan ka about Drei dun sa nangyari sa Palawan, pero ng makita kung mukhang masaya ka naman kay Joseph dahil sa engagement niyo, sino ba naman ako para sirain yun, and will just add more danger kung sasabihin ko pa sayo that time lahat ng alam ko, baka maguluhan ka lang and in turn not to marry Joseph at baka bumalik ka nanaman sa lifestyle mo kung sakaling hindi kayo maging okay ni Drei-”

Nangilid ng luha ang palibot ng mata niya “I have to give up everything here for a hellious life waiting for me sa states. I’ve seen Michael, comatose at pilit na pinaalagaan siya sakin ni Joseph at ng mama nila.”

“Damn, buhay pa pala ang hayup na iyon?” napataas ang dibdib nito sa galit.

Tumango –tango siya “Hindi ko nakayanan na ako pa ang dapat mag-alaga sa taong labis na pumatay sakin, sa buong pagkatao ko sa loob ng ilang taon mula ng college. Joseph had real loved me, Michael lied to him about me, he told the opposite sa mga nangyari noong nag-propose siya sakin. He doesn’t told Joseph the part about Maricor, ang alam lang pala nito ay ang pinahiya at iniwan ko sa engagement namin si Michael ng dahil may iba na akong gusto at niloko ko lang daw si Michael, which is totally not, you know the real story right?” Huminga siya ng malalim habang kwinekwento ang lahat.

“Narehabilitate pala siya for two years sa states noon after college because of drugs at sinisi din iyon sakin ng kanyang ina, na ako daw ang dahilan kong bakit nasira ang buhay ni Michael dahil sa pag-tanggi ko sa engagement but now they know that it’s Maricor who supplied him the drugs. Pero hindi nag laon nakalabas rin si Michael at inakala ng lahat na okay na siya pero nalulong ulit siya sa drugs and suddenly na coma ng ma-accident ito under the influence of it. Yun pala ay pati yun sinisi sakin ng mama nito at pinahanap ako kay Joseph. There the story kung bakit pilit siyang pumasok sa buhay ko. He wanted to please his mother dahil matagal silang nagkalayo nito. Magkapatid sila sa ina, si Joseph ay bata pa lang ay kinuha na ng ama niya dahil hindi matanggap nito na ang kanyang ina ay sumama sa ibang lalake at nagka-anak pa, yun na nga si Michael.” Mataman lang na nakikinig si Mosh habang hawak ang kamay ni Jew.

“Mga unang linggo na sinasaktan ako palagi ni Tita Carmen, I tried to explain her everything pero sarado na ang isip niya at dahil na rin sa mga nangyari sa buhay niya ay naging alcoholic siya, pasalamat ko na lang ng natigil rin iyon ng malaman namin that I was pregnant.”

“You were? May anak ka? Kay Jose-?” sandaling namilog ang mga mata nito ng may maalala “God kay Drei?” natutop nito ang bibig. “Yung sa hotel Amy nagbunga?”

Impit na tumango lang si Jew habang naiiyak na napatawa sa tinuran ng kaibigan.

“God Jew, why didn’t you call us? Si Aunt Heather?” nasa himig nito ang sobrang pag-aalala at pagka habag.

“I can’t, ang kumpanya niyo ang mapapahamak at si Drei, I can’t bear that to happen” nanlulumong pag-amin niya.

“What do you mean?” nagtatakang tanung nito.

“That time, yung party sa PICC, lahat yun plinano ni Joseph” at kwinento nito lahat ng nangyari pati sa sapilitan nitong pag pilit sa kanya papuntang Florida. Halos hindi matigil ang dalawa sa iyakan habang yakap ang isa’t-isa.

“Pero magkaganun man, hindi na ako galit kay Joseph. Minahal niya ako at si Fehy dahil… he’s impotent. Kahit papano ay naipanganak ko ng maayos si Fehy, siya ang nag-alaga sakin kahit pa nga alam kong may galit pa rin siya sa puso niya ng dahil sa kapatid niya, pero kahit anong gawin niya ay hindi ko talaga siya nagawang mahalin. Then two years ago when… Michael died, eventually, ni let go din ako ni Joseph but God, I know that he had love Fehy more than as him. Then I saw Dad through Joseph, iyon lang daw ang tanging maibibigay niya sakin kapalit ng lahat ng hirap na dinanas ko sa pamilya nila.

Nagkapatawaran na kami ni dad and we live with him ni Fehy sa California for almost years kaya hindi agad ako nakabalik dito dahil gusto raw mabawi ni Dad ang mga sandaling hindi niya ako nakasama. He even insist na ihatid kami rito ni Fehy sa Philippines ng mag decide akong bumalik na rito sa atin. There’s no room for anger in my heart now, napapagod na ako, I just wanted to be happy for real Mosh.”

“So si Fehy?” naiiyak na natutuwa nitong sambit

Oh meet your niece Moshing, Fehy Andrea Safierna” sabay abot niya ng larawan nito. “Ni minsan hindi ko pinag-kait sa kanya ang pangalan ng kanyang ama, yun nga lang sosyal ang pamangkin mo, US citizen na!” biro nito na ikinatawa nilang dalawa.

“Oh God no need for so many explanation, kamukhang-kamukha ko nga siya.”  saka ito humalakhak ganun na rin si Jew “Ganito pala ako kaganda if I’m gonna be a real female, well just kidding ang totoo ay kayong dalawa ang sobrang magkahawig” tumawa ito ng pagak “Wait where is she? I wanna hugged her, I wanna see her.”

“She’s with dad and her cousins, mag sho-shopping daw sila saka pupunta sa timezone” Then her phone rings.

–=-=-=-=–

Samantala, sa Timezone…

“Mr. Favela, I’m Andrei Safierna, can we talk for few minutes?” mahinahon nitong tanung sa matanda ng makalapit siya.

Mukhang nagulat ang matanda sa pagkaka upo habang nakatingin sa mga batang naglalaro pero pinaunlakan pa rin si Drei na maupo “What do you need young man?”

“Your daughter and your grand child, Sir” takang napa maang sa kanya ang matanda sa diretsong pagkasabi niya rito.

“Sir, I just wanted to let you know how much I loved your daughter ever since, five years ago was real painful for me, but it seems that she have someone that also… belongs to me” sabay tingin sa direction ng mga naglalarong bata at may inilahad na isang bagay sa harapan ng matanda si Drei na ikinatigil naman ng huli.

“She is my daughter, and I wanted to meet her sir, please… allow me” nagsusumamong pakiusap nito.

Mataman itong tumitig sa binata at saka ngumiti “Take care of them, Jewish hated me much before, I can’t bear it if she will like her old self again… because of another man again. Partly, I know the whole story and also I know… and so sure that my daughter is still in love with the father of her child…very much in love!”

Maya-maya pa ay tinawag nito ang apong naglalaro “Baby, Fehy… come I want you to meet someone here” medyo pasigaw nito sa apo na agad rin namang lumapit.

“Lolo didn’t I told you not to call me baby if we’re in public, because I’m big girl na oh!” natatawang naiiyak si Drei habang nakatitig sa anak.

“Okay, okay iha, but there is someone here who missed you so much”

Saka pa lang siya napansin ng bata at nabahala siya ng biglang sumiksik ito sa kanyang lolo.

“Iha why?” nag aalalang tanong ng matanda sa apo.

“He’s the man I crushed with ice cream at the restaurant lolo, right? Are you here to put me in jail?” nagkatawanan silang dalawa sa pagka kasaad na iyun ng bata.

Sobrang bibo ng bata at hindi akalain ni Drei na may anak siyang lalaki na ganito kaganda kagaya ng ina nito. ‘Oh his Jewish, they really have a lot of things to talk to or maybe…’ sa isip niya habang pilyong napangiti ito.

“Isn’t she brainy?” Natatawang tanung nito kay Drei saka bumaling ulit sa bata “Fehy, he is… your father, why don’t you show him some love?”

Pagkarinig noon nito ay umaliwalas ang mukha nito “Daddy?,… Daddy?,… Dadddddy!!” at nagtatalon itong yumakap sa ama na agad namang kinarga ni Drei na halos hindi na maintidihan ang pagkarga sa bata.

“Thank you, oh, I can’t say anything, I love you baby, I love you, I miss you.. God! Thank you sir” naluluha nitong sambit sa matanda habang hinahalikan ang anak sa buhok at pisngi nito.

“Sir I need a little favor, na sana mapagbigyan mo po ako” masayang hiling niya at maghapon pa silang nagkasama ni Fehy at may sariling secret pa silang mag-ama.

–=-=-=-=–

Kararating lang ng bahay ng kanyang Daddy pero kinakabahan pa rin siya kung paano sasabihin sa ama ang lahat.

“Mommy!” salubong ng anak sa kanya at humalik sa pisngi niya

“Oh Fehy, you guys enjoy mukhang ginabi na yata kayo ah, dad hindi ka ba napagod sa mga batang iyan?” pag aalala nito sa ama.

“No tita because we’re with – ” sandaling natigilan ito ng hatakin ni Fehy.

“Mom it’s okay, Ate Tricia and Jeline will gonna play in our room, let’s go” naguguluhan man ang mga pinsan ay tumakbo na lang sila pataas.

Hindi naman na iyon pinansin ni Jew dahil may isang malaking problema siya na dapat harapin “Dad I receive a phone call early, huwag kayong mabibigla ha, nagpa reserve na ako ng flight natin pabalik ng California, tomorrow morning.”

“Huh why?” takang tanung ng ama.

“Tita Mathilde suffer from nervous breakdown, but don’t worry she’s okay now kaya lang naka confine sa hospital, Kevin told me” tukoy niya sa half brother niya sa step mother na kinakasama ng ama niya ngayon. Naging napakabait nito sa kanila ni Fehy sa loob ng ilang taon ng tumira sila sa poder ng ama ayun na rin sa pakiusap ng huli.

Then nag ring ang phone ni Jew “Dad, I need to take this call, just relax and no-worry huh, not good for you, we’re going tomorrow” tango lang ang sagot ng kanyang ama at tinahak na nito ang staircase papunta sa silid nito.

“Yeah Mosh?…sa condo?….as in now?….errr..okay I’ll be there in half an hour, I have to tell you something too.” Naisip niyang mag paalam ng personal sa kaibigan, mukhang ma sho-shock nanaman ang bakla kapag nalaman nitong paalis nanaman siya ng bansa eh kakakita pa lang nila ulit kanina, kung hindi nga lang may urgent na meeting kanina si Mosh ay ayaw pa siyang iwan nito. Napangiti siya sa biglang naisip. Dali-dali niyang kinuha ang car key at hindi na nagpaalam pa sa ama, tamang-tama naman at kararating lang ng kanyang Aunt Heather kaya binilin niya si Fehy at ang ama dito.

–=-=-=-=–

Pagdating niya sa tapat ng condo nila ni Mosh ay sandali siyang natigilan. Limang taon rin ang nakalipas mula ng huling tumuntong siya sa lugar na ito. Mula ng iwan niya ang buhay niya sa fashion world at ang papel bilang isang kilalang play girl, marami na nga ang nabago. But she promise to start again of what she had left five years ago, including Drei. Pero kailangan na muna niyang tiyakin na nasa maayos ang kalagayan ng Tita Mathilde at daddy niya sa California before her and her little Fehy’s life. She deserved to see her father, yes… but in the right time kapag tuluyan ng maayos ang lahat. She wanted it perfect pag nagkitang muli si Drei at ang anak niya, lalo na ngayon at alam na niyang hindi pa rin kinakasal si Drei after all these years. She thought as she knocks at the door.

“Mosh!… I’m here…” and to her surprise when she tried to squeeze the doorknob, it is not lock. “Mosh?…” As she enters the room and lock the door, she only heard the sound of shower. “Bakla ka talaga, hindi nag la-lock ng door” She went straight in front of the shower room and yelled.

“Mosh I’m here, why didn’t you lock the door? You could have asked me to get the passkey at the lobby, mananakawan ka sa ginagawa mong yan eh” She heard no answer, then the shower suddenly stops and Jew wasn’t prepared to see what she’s about to see again.

–=+-=+-=–

TOPPERS: pwede bang humingi ng konting tulong?… given na magkakatuluyan sa ending si jew & drei… gusto kong malaman kong PAANO? – ngayon ay opisyal kung binubuksan ang isang MINI-GAME para sa ending ng EVER SINCE..

Basahin po at unawaing mabuti ang mga patakaran:

UNA: MAG KOMENTO sa tanong na (ano kaya ang sunod na mangyayari base sa chapter 12? paano magtatapos ang ever since? hindi bat aalis nanaman si Jew kasama si FEhy at ang dad niya, paano na sila magkikita ni Drei, another years nanaman?)

hindi naman kailangang masyadong naka-detalye ang inyong sagot…. HALIMBAWA:  nagkita sila drei at jew..pingilan ni drei si jew…nagpakasal..tapos..etc. – depende sa istilong gus2 niyong mangyari kong paano ang ending…

PANGALAWA: isang komento lang po kada isang reader ang pwede, kung ano ang unang nailagay yun na yun..

PANGATLO: ilagay ang inyong [gmail, yahoo or fb account—> isa lang po] sa END ng inyong komento bilang PALATANDAAN na gusto nyung makasali ang inyong komento sa MINI GAME at  para na rin sa PREMYO kung sakaling ang inyong komento ay mapipili…

PATAKARAN:  ang pag-bibigay komento po ay magsisimula ngayong SABADO-araw na inilathala itong Chapter 12 hanggang sa araw ng LUNES ganap na HATING- GABI bago mag- alas DOSE..para sa mga hindi naman makakaabot sa deadline maaari pa rin kayo mag-iwan ng inyong komento ngunit hindi na iyun mapapabilang sa Mini-game…

… at ang tumpak o dikaya’y nakapagbigay ng isang magandang opinyon tungkol sa magaganap na ending ay makakatanggap mula sa akin ng ‘ekslusibong premyo’.  *na mapapaisip kayo* ANo kaya ang kaya kong maibigay na premyo sa inyo through NET kapalit ng isang magandang komento?? hmmm…..

Wala po itong pilitan.. yun ay kung gusto niyo lang – kung ayaw niyo naman sumali ay simple – maaari pa rin kayong mag komento pero wag niyo ng ilagay ang [gmail, yahoo or fb account—> isa lang po] sa END ng inyong komento.

3 lucky Winners will be announced sa Miyerkules kasabay ng paglathala ng ending NGUNIT ang kanilang premyo ay matatanggap na agad sa araw ng MARTES – TANGHALIAN ganap na alas dose…exciting ba?.. comment na… enjoy

=-=-=-=–

Toppers: Maraming maraming salamat sa inyong pagsubaybay…. parang kailan lang ay naghihintay akong mapublished sa TOP ang story ko… at ngayon di ko namalayan isang chapter na lang at tapos na ang EVER SINCE… haha ma mi-miss ko ang inyong mga komento… baka matagalan pa ang sunod kong story-posting ehe… pero sana ay subaybayan niyo rin iyun kapag na-aprubahan ni Foo at mapagpasyahang ipublished din sa TOP… muli maraming salamat at abangan sa MIYERkuLES ang pagtatapos ng seryeng ito…. *big hugs & kisses* xoxo

PS: Siguro po pagka post nito ay matatagalan bago ako makasagot sa inyong mga komento, mangyari lamang po ay nakatakda akong magbakasyon ngayong weekend… sa lugar kong saan walang access sa net.. hehe.. self exile ang drama ko.. ano’t anu pa man sa aking pagbabalik, tamang-tama sa pagpopost ko ng FINAL Chapter ng EVER SINCE at pagbasa ng inyong mga komento kong meron mang sasali sa MINI-game.. eh sana ay salubungin niyo rin ako ng inyung mga bonggang-bonggang komento.. muli salamat…

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

28 thoughts on “Chapter 12: Ever Since

  1. C drei ung naliligo….amoy ko na happy ending ….hehehe

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 4:07 hapon
  2. naaamoy ko n ang happy ending..yehey!

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 6:20 hapon
  3. Cnt w8 na. . Na mging tgether n cla. .

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 2:53 umaga
  4. i thnk everythngs gnna be fine after thix! . .ahahah
    xempre next is ending na
    wahahahah!!! . . . =D

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 3:08 hapon
  5. Kht anung ending bsta hapi at cla ang magk2luyan hehe. . Ang panget ng comment ko umaga n kc la p 2log

    Posted by jassimplegrl | Oktubre 17, 2010, 6:52 umaga
  6. pwede po ba to ma’download? paano po? pleeeaaasee.. i want to read this on my phone.

    Posted by judith | Agosto 21, 2010, 9:55 umaga
  7. Kailang p0 ninu ila2bas ung nxt nu po na s2ry? Danke und guten tag.🙂

    Posted by KAULITZ_belle | Hulyo 31, 2010, 11:49 hapon
  8. Kelan po posting ng kasunod nito?

    Posted by Merly Isidro | Hulyo 15, 2010, 8:02 hapon
  9. @ asia & to all the readers.. sorry guys if na delay ang publish ng final chapter yesterday… hindi kz inaasahan due 2 typhoon eh 2 days blackout sa province namin… but as soon as today depends sa admin ng TOP ay mapa- publish na ang ending.. thanks guys for waiting…

    Congrats: TOPREADER, SWEETLEMON & DANA… winners of the mini-game…

    Posted by Laine | Hulyo 15, 2010, 10:48 umaga
  10. its already night time pero wala pa rn nxt chapter.. follow scheds!!!!!!!!!

    Posted by asia arellano | Hulyo 14, 2010, 7:49 hapon
  11. 12 noon nah.. where’s the nxt chapter??? hehe.. xcited mxado..

    Posted by asia arellano | Hulyo 14, 2010, 12:10 hapon
  12. syang di ako nakaabot,,,

    Posted by marice | Hulyo 13, 2010, 2:11 hapon
  13. hummmmwag na naman sana paabutin ng olang years heheheheh ganda grabeee…!!!

    Posted by eizzy | Hulyo 13, 2010, 8:58 umaga
  14. Toppers i’m so back.. wow nakaka touch naman po ang pagiging responsive niyo.. ehe.. officially at ds moment close na ang mini game… i’m reading all your comments, wait til 12 noon 2morow f ur d lucky one… thanks guys

    Posted by Laine | Hulyo 13, 2010, 12:26 umaga
  15. for me ok lng kahit anong ending as long as it’s happy ending.at sana naman huwag na silang mawalay pa ng matagal sa isat isa.5 yrs.of separation is long enough and too much of a suffering already.i’m already excited for the conclusion of this wonderful story.

    Posted by wenz | Hulyo 12, 2010, 5:19 hapon
  16. nagkita sina jew at drei sa condo… at nag usap..
    nagkapaliwanagan and sumama si drei kina jew pabalik ng california..
    drei offer to marry jew…
    got married…

    __END__
    mitz_chem.engr@yahoo.com

    Posted by Dana Faye Andrew-Fonacier | Hulyo 11, 2010, 10:08 hapon
  17. hmm.. si drei yung nsa cr… mag uusap sila at magkakaunawaan, pero bandang huli na mababanggit ni jew yung about sa step mom niya at yung flight nila early morning the following day, si drei wala ng time para magpabook makasabay sa knila. so nagkasundo sila na babalik agad sila jew kapag nakasiguro na sila na okay na okay na tlaga yung step mom niya. then jew and fehy left together with mr. favela… tapos hindi alam ni jew na right after nilang umalis, drei took the earliest flight and follow them in california, tapos with the help of jew’s father malalaman ni drei kung san hospital nakaconfine yung step mom ni jew at dun niya pupuntahan and mag ina niya. syempre masusurprise si jew, at habang magkasama sila dun sa california, drei manage to arrange their wedding in the philippines with the help and in contact with mosh, aunt heather, justine and eve. para sa kanilang pagbabalik nila sa pinas kasalan na agad… pwede ring nagdadalang tao na ulit si jew at that time… hehehe….

    blue_eillen03@yahoo.com

    Posted by Nellie | Hulyo 11, 2010, 9:40 hapon
  18. Nice story

    Posted by leslie | Hulyo 11, 2010, 9:00 hapon
  19. i think si drei ung nasa cr., tapos aun nag hesitate c jew to confess and still she denied dahil alam nya na masasaktan nanaman sila dahil iiwan nanaman nya si drei, and hindi rin sya prepared para sebihin dito ang tungkol sa anak nila., on the way sa airport sina jew biglang tumawag si mosh drei had a serious accident at nasa hospital na si drei at critical daw ito., agad agad na pumunta si jew doon.,
    sa hospital super histerical si jew at confess na cya ng love nya for drei pero palabas lng pla nila drei yon para umamin na rin si jew sa totoo nyang nararamdaman.,then pagdating nila sa california ay nagpakasal sila sa maliit ngunit historical na simbahan.,..,.,
    gine07_sweetlemon@yahoo.com

    Posted by sweetlemon | Hulyo 10, 2010, 10:59 hapon
  20. ….dapat poh cguro ay pag ngkita cla sa condo nla mosh eh mai settle na nla ang lhat ng unanzwered na questions nla sa isat isa….taz pwedeng pareho clang pumunta ng states taz mgiging okei ung step mom nia den sabay2 clang bumalik ng pilipinas pra duon idaos ung kasal nla…. ung point na engrande man o hindi bzta detailed lhat ng anggulo nung kasal…. tpos sna ung feel na feel mo din ung wlang ktapusang pagmamahalan nla…den the end nahh… hahaha

    Posted by ,,,alphanz_06,,, | Hulyo 10, 2010, 6:44 hapon
  21. Magkikita si Drei and Jew tapos ikukwento ni Jew yung lahat ng nangyari 5yrs ago. After niya magkwento may nangyari ulit sa kanilang dalawa. Habang nasa kama, kinuwento ni Jew na aalis sila ulit tomorrow dahil sa situation ng stepmom nia. Tapos habang natutulog si Jew tinawagan ni Drei yung dad ni Jew to tell him na alam nia yung pag-alis ulit nila ng bansa tomorrow tapos nag-plan cla na magpa-book ng flight tonight yung dad para mauna na yung dad sa US. Sinabi din ni Drei na sabihan si aunt Heather about the plan para hindi na magtataka si aunt Heather pag nakitang umalis yung dad ni Jew tonight.

    After the phone call bumalik si Drei sa kuwarto at nagising na rin si Jew nagyaya na si Jew umuwi without knowing the plan of her dad and Drei. Dahil nga maaga pa at maaaring maabutan ni Jew sa bahay yung dad nia sinabi ni Drei na mamaya na lang dahil ihahatid naman daw xa pauwi….at sila nga ay nag round 2.

    That same day, unang nagising si Jew at napatingin siya sa orasan alas-dose na….natutulog pa rin si Drei. Nagsisisi siya dahil sa pangalawang beses ay kailangan na naman niyang iwan ang pinakamamahal. Nang magising si Drei nagbibihis na si Jew at siya man ay nagbihis na rin. Knowing na by that time nasa plane na yung dad ni Jew ay hinatid nia na nga ito sa bahay nito.

    The next day, pagkagising ni Jew inasikaso nia na agad ang dadalhin nila pabalik ng US. Pagkababa nia ay naabutan nia ang tiya at anak na nag-aalmusal nang tinanong nia kung nasaan ang ama sinabi nila na may binisita itong kaibigan at pinasasabi din na didiretso na ito sa airport at dun na lang cla magkita para sa flight nila. Dumating din sina Drei, Mosh, Eve at Justin upang sumama sa paghatid. Nang handa na ang lahat tinawag xa ni Drei at sinabi na kung pde ay mag-usap cla sandali sa garden.

    Nang nasa garden na, inamin ni Drei yung naging plano nila ng dad ni Jew kagabi at sinabi nia rin dito na alam na ni Fehy na xa ang ama nito. Nagulat si Jew sa nalaman at mas nagulat ng nilabas ni Drei ang isang box na may singsing at niyaya nia si Jew na magpakasal. Pumayag si Jew at nagsigawan ang mga tao sa loob.

    After 2 months naganap ang kasal at flowergirl si Fehy, coin bearer naman ang anak nila Justine at Eve. After one year nasundan si Fehy and they live happily ever after.

    shin_chan90210@yahoo.com

    Posted by topreader | Hulyo 10, 2010, 6:19 hapon
  22. C drie ang lalabas ng banyo.mag uusap cla at may mangyayari ulit.magpapakasal cla bago umalis papuntang US with drie.
    Ang ganda ng kwento.TOP thank you.

    Posted by Anabell | Hulyo 10, 2010, 5:44 hapon
  23. ahhahha exciting yan ah…
    bat di na lng may naaksidente
    tpos nawala
    pakaraan ng ilang buwan
    lumitaw…
    pero may nawawala
    nmang ibang taong kelangan
    makita upang maging
    masaya ang happy ending………
    suggest lng….
    heheheh

    Posted by kimie | Hulyo 10, 2010, 4:57 hapon
  24. LuV iT!!!!!!!!!!!!!!!!!!! x2 kuh binasa, pra makacgurong c drei nga ang ama…… kasi baka nag-iilusyon lng akuh…. hayz, nakakatuwa tlga…… keep up the good work ate Laine!!!!!!!!!!……

    Posted by xxBunZxx | Hulyo 10, 2010, 4:36 hapon
  25. Si Drei yung naliligo sa condo and not Mosh it’s because they made a plan na pumunta dun si Jew para makapag-usap sila ni Drei and to explain the things that had happened to them 5 years ago. And then nagkaintindihan sila (nagkamabutihan ulit). Jew told Drei about her problem regarding the situation of Tita Mathilde, that they need to go back to California the next day so Drei decided to go with them. Naging close sina Drei and Fehy whilw they were in California.When Tita Mathilde recovered, Drei and Jew decided to go back to the Philippines para planuhin ang kanilang kasal. Nagpaiwan na ang daddy ni Jew take care his wife but he promised that they’ll attend the wedding of Jew and Drei.
    *Philippines
    The day of Jew and Drei’s wedding. Masaya ang lahat ng mga dumalo, pati na rin si Joseph na kasama ang fiance. The wedding was perfect. and then nagkaroon pa sila ng isang anak.
    akhimev@yahoo.com,

    Posted by Khira | Hulyo 10, 2010, 4:33 hapon
  26. waaaaaaahhhhh!!!!!!!!!….. nxt chapter na phOe…… nakaka2wa meon p plang nxt chapter…..

    Posted by xxBunZxx | Hulyo 10, 2010, 4:19 hapon
  27. gusto kong ending yong nagpunta siya sa condo diba at sigurado si andrei yon nandon at mag usap sila about past,plan etc….,tapos paunahin na lang niya ang daddy niya, at susunod na lang sila sabay sabay silang tatlo si drei,jew at fehy,para bisitahin ang daddy niya at tita mathilde niya……fb:::::annedevero@yahoo.com

    Posted by oxann | Hulyo 10, 2010, 2:59 hapon
  28. after the shower imbes na si mosh si drei ang lalabas..then talk.. then the lovemaking..then the wedding..
    the end hehehe

    Posted by eithak | Hulyo 10, 2010, 2:56 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: