binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 11: Finding My True Love

Tulad nga ng sinabi ni Yuan kay Yanyan ay makalipas nga ang dalawang araw ay kakausapin niya si July. Papunta na siya sa restaurant na sinabi niyang pagkitaan nila. Pagdating niya sa restaurant ay wala pa si July pero makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na rin ito.

” Ano’ng pag-uusapan natin Yuan,pare? “

” Order na muna tayo, July. I mean Julio. “

Pagkarinig niya ng tawag sa kanya ng Yuan ay natigilan siya at kinabahan. Pero sana hindi pa nito alam.

” Huwag na, Yuan. Busog pa naman ako. Siguro beer na lang ang akin. ” pagkasabi niyon ay tinawag na ni July ang waiter at nag-order na dito.

” Hindi mo ba narinig ang sinabi ko, July? “

” Ano bang sinabi mo? ” pagkukunwari niyang wala siyang narinig kanina.

” You know what I mean, July. Alam ko na ang lahat. ” inis na wika niya dito.

” Alam mo naman na pala ang lahat,eh bakit mo pa tinatanong sa akin? ” pamimilosopong sagot naman ni Julio.

” Tigilan mo na ang panggugulo kay Yanyan. She already told you that she dont love you anymore. ” maawtoridad na utos ni Yuan dito.

” Hindi ko basta-basta isusuko pagmamahal ko kay Yanyan. Una siyang naging akin bago naging sa’yo “

” Wala akong pakialam kung una siyang naging iyo. Ang mahalaga ngayon ako na ang mahal at mamahalin niya habambuhay. Saka ikakasal na kami. Tanggapin mo na lang iyon. “

” Ito lang sasabihin ko sa’yo, Yuan babawiin ko ang matagal ng akin. Gagawin ko ang lahat makuha lang si Yanyan sa’yo. Dahil alam kong ako talaga ang mahal niya at hindi ikaw. ” galit na pagtatapos ni July ng usapan nila ni Yuan at sa galit ay napatayo pa ito ng sabihin ang kanyang huling sinabi. Bago lumisan si July nag-iwan na ito ng bayad sa kanilang inorder na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa. Hindi rin nagtagal ay umalis na rin si Yuan na galit na galit sa naging pag-uusap nila.

Sunod namang pinuntahan ni Yuan si Vinia dala ang box na pinaglagyan nito ng nakuhanan nitong video nila July at Yanyan na magkayakap “daw”. Kahapon niya lamang ito nakita ng papauwi na siya at ipinakita niya rin iyon kay Yanyan. Pagkakita nga ni Yanyan sa video ay ikinuwento nito ang totoong nagaganap sa video na iyon na kanya namang pinaniwalaan.

Pagkakita niya kay Vinia sa garden ng bahay nito ay patapon niyang inihagis sa table ang box.

” Isusoli ko lang yan sa iyo,Vinia. And please tigilan mo na ako. Alam ko na ang totoong nangyare diyan sa pinadala mong video sa akin. Salamat na lang sa concern mo. ” galit na wika niya kay Vinia.

” Naniwala ka naman sa sinabi ng santa santita mong nobya ha, Yuan? “

” Oo. Mas hamak namang paniniwalaan ko siya kesa sa iyo. Kaya puwede ba tigilan mo na ako. Kahit kailan hindi na puwedeng maging tayo dahil hindi na kita mahal, Vinia. ” pagkatapos no’n ay tinalikuran na ni Yuan si Vinia at hindi na hinintay na makapagsalita pa. Pero bago pa man makalabas ng gate si Yuan ay narinig pa niya ang pagsigaw nito.

” Hindi pa tayo tapos, Yuan. Hindi pa ako sumusuko. Tandaan mo yan. ” sigaw na pagbabanta ni Vinia sa nakaalis na si Yuan. Alam niya na narinig pa iyon ni Yuan kahit na malayo na ito sa kanya.

Pagkatapos niyang makipagkita kina Vinia at July ay dumiretso naman siya sa bahay ng kaibigang si Kenny para sabihin dito ang kanyang ginawang makikipag-usap kina Vinia at July.

” So tingin mo tapos na ang problema ninyo sa kanilang dalawa? “

” Ako tinapos ko na ang problema ko sa kanila. Kaya sana tumigil na rin sila pagkatapos ko silang kausaping pareho. Next week aayusin ko na ang kasal namin ni Yanyan. Para two months from now na ang kasal namin. “

” Sana nga tapos na yang problema mo para happy ending na kayo ni Yanyan. Pupunta ka ba kina Yanyan ngayon? “

” Oo nga eh. Bukas pa ako pupunta kina Yanyan. Bakit mo natanong? “

” Gusto ko lang sumama. “

” Sus! Ang sabihin mo gusto mong makita si Cleo kaya gusto mong sumama. ” panunukso ni Yuan sa kaibigan na si Kenny na kasalukuyang kumakain ng pizza na dala niya.

” Ganda niya eh. ” tatawa-tawang sambit ni Kenny matapos makainom ng juice.

Kinabukasan nga ay pumunta siya kina Yanyan na kasama si Kenny. Naabutan nila ang mga itong nasa bahay at nagkukuwentuhan habang ang dalawang kapatid naman ni Yanyan ay nasa court naglalaro ng basketball.

” Knock, knock. ” sabay katok ni Yuan sa pintuan nila Yanyan kahit na nakabukas naman ito.

” Looovveeee! Buti napadalaw ka. Miss na miss na kita. ” halos patakbong salubong niya sa nobyo na yumakap at humalik ng mabilis sa labi ng nobyo.

” Ooy! Ang OA mo, Marianna ha! May pakiss-kiss ka pang nalalaman diyan. Hindi ka na nahiya. Nandito kaya ako oh. ” at iminuwestra pa ang kanyang sarili sa kaibigan na tanda na nandoon talaga siya. Kasi naman ayaw niya talaga ng ganoong eksena kina Yuan at Yanyan.

” Pagpasensiyahan mo na, Cleo. Masyado lang ako namiss ng love ko. Kasama ko nga pala si Kenny. ” tatawa-tawang sambit ni Yuan habang nakayapos pa rin sa nobya.

” Kung gusto mo, Cleo kiss mo rin ako para hindi ka na mainggit kay Yanyan. ” hirit naman ni Kenny na inilapit ang mukha kay Cleo.

” Oo nga,Cleo. Kiss mo na rin si Kenny para hindi ka na mainis sa akin,bez. ” sabay tawa ng malakas ni Yanyan.

” Ewan ko sa inyo. ” pasupladang wika niya sabay irap sa tatlo na ikinatawa na lang ng tatlo.

” Kumain na ba kayo, Yuan at Kenny? ” tanong na wika ni Yanyan sa dalawa habang nakaupo na ang mga ito.

” Hindi pa. Eto nga pala pasalubong namin cake at pizza. Meryenda natin. ” sagot naman ni Kenny habang hawak-hawak ang box ng pizza at cake na sinasabi nito.

” Nag-abala pa kayo. Salamat dito ha! ” sambit naman ni Yanyan.

” Oy,panget samahan mo ko bumili ng softdrinks para ipartner diyan sa pasalubong ninyo. ” utos na wika ni Cleo kay Kenny na agad namang tumayo para samahan ang dalaga.

Nang dalawa na lang sina Yuan at Yanyan ay agad na lumapit si Yuan sa nobya at marahan itong hinalikan sa labi na agad namang tinugon nito.

” I love you,my precious. ” wika ni Yuan pagkaraan ng marahang halik na ginawa niya kay Yanyan.

” I love you too. ” masayang sambit nito na titig na titig sa nobyo.

” Nakausap ko na pala si July at Vinia kahapon tinapos ko na ang anumang problema sa kanila at sinabi ko na rin na layuan ka na ni July. Galit silang pareho pero sana kapag nahimasmasan sila matanggap na nila. Afterall, wala na naman silang magagawa para paghiwalayin tayong dalawa eh. “
pagkukuwento ni Yuan sa ginawa niyang pagkausap sa dalawa.

” Oo naman,love. Wala talaga. Hinding- hindi na nila tayo mapaghihiwalay na dalawa. Forever na tayong dalawa. ” sang-ayon ni Yanyan sa sinabi nito.

” Yap! Next week aayusin na natin ang kasal natin para talagang wala na silang habol sa atin. And I want you to become Mrs. Juan Alessandro Madrigal two months from now. ” wika nito sabay binuhat si Yanyan na para silang bagong kasal at nagpaikot-ikot pa si Yuan habang buhat-buhat ang nobya. Nasa ganoon silang ayos ng maabutan nila Kenny,Cleo at dalawang kapatid ni Yanyan.

” Cheeeeezzzzzzyyyyyyyyyyy! ” halos sabay-sabay na wika ng apat ng makita ang tagpong iyon.

Isang malaking belat lang ang sinagot nila Yuan at Yanyan bago hinalikan pa ang isa’t- isa sa harap ng apat at pinagsaluhan na nila ang dala-dalang pangmeryenda nila Yuan.

Sa mga sumunod na araw ay inasikaso na nga nila ang mga dapat ayusin sa kanilang nalalapit na kasal. Sabay nilang inayos ang mga papel na kakailanganin nila sa kanilang kasal. Nang matapos sila doon ay ang sumunod naman nilang inayos ay ang simbahan na kung saan gaganapin ang kanilang kasal. Sa Manila Cathedral nila pinagpasyahan na doon ikasal at sa isang sikat na hotel naman ang kanilang reception. Nakapili na rin sila ng kanilang isusuot sa kasal at maging isusuot ng kanilang mga abay,ninong at ninang sa kasal at mga pagkain.

Kakauwi palang galing sa rehearsal ng kanilang kasal ng maabutan nila Yuan at Yanyan si Julio sa labas ng bahay nila Yanyan. Isang linggo na lang ay kasal na nila.

” Julio,ikaw ba yan? ” takang tanong niya dito kahit na batid niyang ito nga iyon. Gusto niya lang makasigurado dahil sa nakayuko ito.

Nang marinig ng lalaki ang tinig niya ay unti-unti itong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanya.
” Ako nga,Ianna I mean Yanyan pala. ” sagot naman nito agad.

” Anong ginagawa mo dito? ” tanong ni Yuan sa oras na iyon.

” Dont worry Im here to congratulate you and Yanyan for your coming wedding. Tanggap ko na ang lahat na hindi talaga kami ni Yanyan para sa isa’t isa. Pero sana hindi pa ako huli para maging kaibigan ka at si Yanyan muli. ” sinserong wika ni Julio na titig na titig sa dating kasintahan at kay Yuan na magkaakbay ng mga oras na iyon.

Sa narinig ay parehong nagulat ang dalawa sa sinabi ni Julio. Kahit medyo may pag-aalinlangan ay pumayag na rin sila. Baka nga seryoso talaga ito.

” Thank you,Julio. ” sabay na pagpapasalamat ng dalawang magkasintahan kay Julio.

” About sa friendship,pare oo naman. Magkaibigan pa rin tayo. Kaibigan ka na namin ni Yanyan. Salamat,July. Friends? ” sabay lahad ng kamay ni Yuan para makipagkamay kay July.

” Friends. ” sabay abot ng kamay ni Yuan at pagkatapos ay ang kamay naman ni Yanyan. Sabay niya rin ang mga itong niyakap.

” Kailan nga pala ang kasal ninyo? Matatagalan pa ba? ” pag-uusisa ni July sa dalawa ng sila ay nasa sala na ng bahay nila Yanyan.

” Hindi naman. Actually,next week na kasal namin. And you’re invited. ” sagot ni Yuan sabay abot kay July ng wedding invitation nilang dalawa ni Yanyan.

” Thank you. Pupunta ako. Gusto kong makita ang magaganap na masayang kasal ninyo. ” sambit nito na nakangiti.

” Bakit mo nga pala,Julio tinatanong kung kailan ang kasal namin? ” tanong ni Yanyan.

” Kasi after two weeks babalik na ako ng Australia. Kaya natanong ko na kung kailan kasal ninyo baka kasi hindi na ako makaattend eh. ” sagot naman ni July.

” Ganoon ba. Mabuti naman makakapunta ka pa. ” masayang tugon naman nila Yuan at Yanyan.

” Oo nga eh. Mabuti na lang talaga. So,paano mauna na ako? May pupuntahan pa kasi ako eh. Salamat nga pala ulit. ” pagpapaalam na wika ni July sabay tumayo na.

” Sige,pare ingat ka. ” sinserong wika nila sa papauwi ng si July.

” Salamat. Kayo rin ingat. ” tugon ni July at umalis na nga.

” Love, ang saya ko. ” biglang nausal ni Yanyan ng makaalis na si Julio.

” Ako rin,love. Wala na tayong problema kay July. ” wika rin ni Yuan sa nobya.

” Sana pati kay Vinia bago ang kasal natin maayos na rin para talagang masaya na. ” nangangarap na sambit ni Yanyan habang nakayakap kay Yuan.

” Oo nga eh. Sana talaga. ” tanging natugon ni Yuan bago hinalikan sa noo si Yanyan.

Matapos makipag-ayos sa kanila ni July ay ngayong araw naman magaganap ang pakikipag ayos ni Vinia kay Yuan isang araw bago ang kasal.

” Im glad you’re here,Yuan. ” masayang wika ni Vinia ng makalapit sa mesa si Yuan at hinalikan ito sa pisngi. Nasa bahay sila nito.

” Ano’ng pag-uusapan natin, Vinia? diretsong tanong ni Yuan agad.

” Masyado ka namang nagmamadali,Yuan. Kumain na muna tayo. “

” I have no time for this,Vinia.Bukas na ang kasal ko. Ang sabi mo importante ang sasabihin mo kaya pumunta ako kahit gabi na. ” medyo na ang tinig nito.

” Importante naman talaga,Yuan. Pinapalaya na kita. ” mabilis na sagot ni Vinia na ngiting-ngiti.

” Ta-talaga,Vinia? “

” Yes, Yuan. Ayoko ng ipagpilitan ang sarili ko sa iyo. I just want you to be happy with the one you really love. That’s why I setting you free. ” masayang wika nito na titig na titig sa mukha ni Yuan.

” Thank you, Vinia. Thank you talaga. ” ang tuwang-tuwang wika ni Yuan dahil sa kasiyahan ay hindi nito napigilang hindi yakapin si Vinia.

” So, let’s eat na muna, Yuan. Gutom na ako eh. ” wika nito sabay himas ng tiyan para halata talagang gutom siya.

” Sure, Vinia. ” tanging tugon niya.

Pinagsaluhan na nga nila ang kaunting pagkain na inihanda ni Vinia ng gabing iyon. Habang kumakain sila ay nagkukuwentuhan pa sila at sinabi pa nga ni Yuan na sobra na siyang excited para sa kasal nila ni Yanyan na gaganapin bukas ng umaga. Kaya naman nagpaalam na ito na after one hour ay uuwi na siya para makapagpahinga dahil sa alas-diyes ng umaga ang kasal nila kinabukasan. Pumayag naman si Vinia at nagsabi pa ngang pupunta siya para masaksihan ang kasal.

” Ang sarap nitong hinanda mo, Vinia. Salamat ha! “

” Wala iyon. Parang goodbye party mo na rin ito sa pagiging binata mo. Bukas kasal ka na eh. Nakatali ka na. ” birong totoo nito.

” Oo nga eh. Pero okey lang kasi mahal na mahal ko naman siya. ” sabay inom ng wine.

” Yeah! Iyon naman ang importante mahal ninyo ang isa’t-isa. “

” Uwi na ako,Vinia. Medyo nahihilo na ako. Kailangan ko na nga talagang magpahinga. Salamat sa dinner. ” wika nito habang hinihimas-himas ang sentido.

” Sigurado ka bang kaya mong umuwi? Ipagdadrive na lang kita kasi masakit na pala yang ulo mo baka may mangyari pa sa iyo. Ikakasal ka pa naman. ” nag-aalalang wika ni Vinia.

” Dont worry kaya ko ito. Thank you na lang, Vinia. ” sambit naman ni Yuan pero hindi pa man siya nakakalabas ng pinto ay nawalan na ito ng malay.

Talakayan

11 thoughts on “Chapter 11: Finding My True Love

  1. Saan ang chapter 12 ??

    Posted by Yuds ansaldo | Abril 10, 2014, 12:24 hapon
  2. Ang sama tlga ni vinia

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 5:45 umaga
  3. hay naku any traydora!!

    Posted by alma | Setyembre 10, 2012, 11:21 hapon
  4. OMG!!!ang sama tlga ng vinia na yun!!!
    Ahmf!!ayao nia pa tlga tumigil!! . .ggrrrrhh!!! >=o

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 11:46 umaga
  5. nako! panira naman si vinia.

    Posted by angel_YL | Disyembre 29, 2010, 11:10 umaga
  6. shet ka vinia! loooooser! desperada! ang dami pa lalaki dian!

    Posted by alexis | Nobyembre 10, 2010, 9:00 hapon
  7. maldita tong viniang ito.sana magawan pa ng paraan at makakasipot pa rin si yuan sa kasal nila.nice plot though.

    Posted by wenz | Hulyo 10, 2010, 5:04 umaga
  8. Ang sama talaga ni Vinia… akala niya mahal pa rin siya ni Yuan, hmmmppp!

    Posted by Faith | Hulyo 9, 2010, 5:48 hapon
  9. awwww may twist pala to..hahhahhaa kala ko happy ending na na kakaiba sa mga kwento dito..per ok lang po…ganda naman…tnx

    Posted by eizzy | Hulyo 9, 2010, 3:23 hapon
  10. mmmmmmm
    parang
    alam
    ko
    na
    mangyayari
    nilagyan
    ni
    vina
    ng
    pampas2log
    ung
    wine
    kunyari
    lng
    nakipagbati
    sya
    para
    ]hindi
    makaatend
    si
    yuan
    sa
    kasal
    nya

    Posted by gel | Hulyo 9, 2010, 9:12 umaga
  11. waaah!!kontrabida talaga c vinia..
    halos lahat ng storie s s TOP ay maganda. keep it up

    Posted by marice | Hulyo 9, 2010, 9:06 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: