binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 10 : Finding My True Love

Makalipas ang dalawang linggo matapos ang party ay hindi na sina Yuan at Yanyan tinigilan nila Vinia at Julio. Magkahiwalay sila nitong pinupuntahan. Si Julio sa bahay nila Yanyan at si Vinia ay sa opisina ni Yuan.

Kinukulit silang dalawa ng mga ito kahit na pinapakita na nila ang pagkainis sa mga iyon. Lalo na si Vinia ginagawa ang lahat na magagawa niya para lamang makuha niya ulit si Yuan ngunit bigo siya kahit na nga inaakit na niya ito ay bigo pa rin siya. Kaya naman buo na ang kanyang pasya na ilalabas na niya ang kanyang huling alas na sigurado siyang ikakapanalo niya. Si Julio naman ay sobra ang pagpapaliwanag ng dahilan ng pag-iwan niya kay Yanyan noon na hindi niya talaga gustong gawin. Pinaniwalaan naman iyon ni Yanyan pero sinabi na niya talaga kay Julio na hindi na puwedeng maging sila lalo na may minamahal na siyang iba. Siguro kung nakabalik siya agad baka puwede pang maging sila kaso hindi na talaga puwede ngayon. Lalo pa pumayag na siyang magpakasal kay Yuan. Hindi naman siya nagsisisi dahil totoong mahal niya si Yuan at ito na ang gusto niyang makasama habambuhay.

” Sure ka talaga, Vinia na ipapakita mo iyan kay Yuan? Di’ba nga nakita mo rin na hindi naman pala talaga nakayakap yang girl na yan kay July kundi si July lang at nagpupumiglas lang siya? ” ang paniniguradong wika ng kaibigan niyang si Mildred

” Sure ako, Mild. Besides malalaman ba ni Yuan kung ano talagang nangyayari diyan? Ako lang naman at ikaw ang totoong nakakaalam ng totoo. Ang importante kitang-kita diyan sa video ang pagyayakapan ng mahinhin niyang girlfriend at ni July. Its a good shot. Nakikini-kinita ko na ang magiging reaction ni Yuan kapag nakita niya iyan. ” maarteng wika ni Vinia at talagang sigurado na sa nakikitang tagumpay sa pagkawasak ng relasyon ni Yuan sa girlfriend nito.

” You’re so brilliant, Vinia. For that,cheers. ” ang hangang wika ni Mildred sa kaibigan saka nagtoast ng wine glass sa ere.

” Of course! Cheers! ” tuwang-tuwang sagot naman ni Vinia sa kaibigan bago uminom ng wine.

Kahit kanina pa nagbabasa ng mga papeles si Yuan ay wala namang pumapasok sa kanyang utak ni isa man sa mga detalyeng naroroon kaya naman sa kanyang pagkainis ay naitapon niya iyon bago napabuntong hininga. Ganoong tagpo siya nakita ni Kenny.

” Anong problema mo,Yuan? Pati itong mga papel na walang kamalay-malay ay dinadamay mo. ” wika ni Yuan habang pinupulot isa-isa ang mga nagkalaglagang mga papel saka inayos isa-isa at inilagay sa table ni Yuan bago naupo sa bakanteng upuang naroroon.

” Buwisit kasi eh! ” tanging naisatinig niya habang nakatingin sa labas ng building.

” Ano naman ang nakakabuwisit? Di’ba nga nakapagclose ka na ng deal sa mga japanese businessmen. So dapat magcelebrate,pare. ” sambit naman nito.

” Its not that, Kenny. Its Vinia. Ginugulo niya ako. Ayaw pa niya akong totally pakawalan. ” ang asar na sagot niya sa kaibigan.

” What do you mean na totally pakawalan? Matagal na kayong hiwalay di’ba at ikaw pa nga ang nakipagbreak sa kanya as far as I remembered everything. “

” Yeah! Ako nga nakipagbreak but I forgot to tell you na hindi siya pumayag. Kaya iyon ang sinasabi niya sa akin ngayon. Siya pa rin daw ang legally girlfriend ko at hindi si Yanyan. “

” Maldita pala talaga yang si Vinia eh. Siya pa may ganang magsabi niyan sa iyo. Kapal niya. So,ano ng plano mo ngayon, Yuan? “

” Hindi ko pa alam. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Yanyan. “

” Ito lang sasabihin ko, Yuan huwag mo ng patagalin yan. You know, Vinia. ” yon lang sinabi ni Kenny at lumabas na ito ng opisina niya.

Naiwan namang napapaisip si Yuan. Tama si Kenny na huwag na niyang patagalin ang pag-iisip dahil kailangan na niyang masabi ang lahat habang maaga. Pero hindi niya alam kung paano sasabihin iyon kay Yanyan dahil natatakot siya sa maaring isasagot nito sa kanya.

Habang nasa malayo palang si Yanyan pauwi sa kanilang bahay ay natatanaw na niya si Julio sa labas ng kanilang bahay.

” Ano na namang ginagawa mo dito,Julio? Nagkaliwanagan na tayo,di’ba? ” asik niya dito ng madatnan na naman sa bahay nila.

” I just wanna see you, Ianna. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Kahit hanggang dito man lang huwag mo ng ipagkait sa akin. “

” Pero Julio hindi magandang tingnan. May boyfriend akong tao tapos may pumupunta pang ibang lalaki dito sa bahay. Ilagay mo na lang ang lugar mo sa akin o kaya kay Yuan kung makita mong may pumupunta pang ibang lalaki sa girlfriend mo,di’ba? “

” E.di huwag mong sabihin kay Yuan para walang problema. “

” Nababaliw ka ba, Julio? I can’t do that to Yuan. “

” Just do it for me, Ianna. Please, I begging you. “

” I dont know, Julio. ” bago nagbuga ng hangin.

Pagkatapos ng meeting ni Yuan ay masayang masaya siyang pabalik na kanyang opisina dahil nakapagclose na naman siya ng deal sa isa na naman nilang client ngunit bigla na lang nasira ang kanyang mood ng mabungaran ang isang babae sa kanyang opisina at nkaupo pa talaga sa kanyang swivel chair ang babae. Plano pa naman din niya sanang tawagan agad si Yanyan para makausap ito pero hindi niya magagawa dahil sa babaing naabutan sa kanyang opisina.

” What are you doing here, Vinia? ” pagalit niyang tanong dito ng makapasok sa kanyang opisina.

” Well, I just wanna see you and I want to invite you for snacks. Shall we,honey? ” sagot naman nito na ngiting-ngiti sa kanya.

” I cant and I dont want to be with you, Vinia. So you can go now. I have important to do. I dont want someone to disturb me. ” pagalit niyang wika dito sabay turo ng pintuan dito para lumabas na.

” You know what,honey dont be so faithful to your girlfriend if you dont want to regret in the end. ” makahulugang sabi ni Vinia kay Yuan at talagang lumapit pa sa binata at hinawakan ng daliri ang mukha nito ng pataas pababa.

” What? Are you insinuating something? “

” Well,you will know in right time, honey. ” pang-iinis ni Vinia kay Yuan bago humalik sa pisngi nito at lumabas na ng opisina ni Yuan.

Dahil tuloy sa sinabi ni Vinia ay hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-isip at muling naalala ang huling pag-uusap nila ni July sa party. May kinalaman kaya ang sinabi nito sa sinabi ngayon ni Vinia.

Pauwi na si Yuan sa kanilang mansyon ng makatanggap siya ng tawag mula kay Yanyan.

” Hello,love! Napatawag ka?

” Hi love! Namimiss na kasi kita eh. Puwede bang dumaan ka muna dito sa bahay bago ka umuwi sa inyo. Saka may sasabihin din ako sa iyo. “

Pagkarinig sa sinabing iyon ni Yuan ay kinabahan talaga siya. Ano kaya ang sasabihin sa kanya ni Yanyan? Dapat ba niyang katakutan ang anumang sasabihin nito sa kanya? Dahil sa pag-iisip na iyon ay mabilis siyang nakarating sa bahay nila Yanyan.

” Hi love! Kumain ka na ba? Ang bilis mo naman yata. Kakatawag ko lang sa iyo kani-kanina tapos andito ka na agad. “

” Syempre ganun talaga kasi namimiss na rin kita eh. Katatapos ko lang kumain. Gusto ko ng masilayan ang kagandahan ng my precious ko. Ano ba yung sasabihin mo sa akin,love? Importante ba? ” kinakabahang tanong niya dito at hinalikan ang nobya sa noo nito.

” Hindi naman,love. I just wanna say I love you very much,love. And you’re the only guy I truly love like this. ” sagot ni Yanyan sabay yakap sa nobyo ng mahigpit.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga iyon ang kanyang sasabihin sana kundi ang tungkol kay Julio. Kaya lang nagbago ang kanyang isip. Saka na lang niya sasabihin dito.

” Naglalambing ang my precious ko ha! I love you too,Yanyan. Mahal na mahal kita. ” wika niya rin dito at ginantihan ng yakap si Yanyan at maya-maya ay hinalikan na niya sa labi ang nobya.

Noong una simpleng halik lamang iyon ngunit ng tumagal at nagiging malalim na lalo pa tumutugon ang nobya sa bawat halik niya dito. Mabuti na lang tulog na ang mga kapatid ni Yanyan kaya hindi sila makikita ng mga ito. Ang kaninang halik lang ay nagkaroon na rin ng paglikot ng kamay ni Yuan sa katawan ni Yanyan. Nang sila ay napagod na sa pagkakatayo ay dahan-dahan niyang inihiga si Yanyan sa sofa habang patuloy silang naghahalikan nito. Kaya lang ng nagbalik sa katinuan si Yuan ay siya na rin mismo ang tumigil sa ginagawa niya. Naisuklay niya ang kanyang mga daliri sa buhok ng bumaling kay Yanyan.

” Sorry,love hindi ko dapat ginawa iyon. I really really sorry talaga. ” ang sising sising wika ni Yuan.

” Dont be sorry,love. Ako rin naman ang my kasalanan dahil pinabayaan kita. “

” I love you so much. Kaya lang hindi ko talaga maipapangako sa iyo na makakapagpigil pa ako sa susunod kapag pinabayaan mo na naman ako. ” pilyong wika nito.

Mula naman sa labas ay kitang-kita ni Julio ang pagmamahal ni Yanyan kay Yuan. Siguro kung hindi niya iniwan ito ay siya pa rin ang mahal nito at siya ngayon ang kasama ni Yanyan hindi si Yuan. Pero hindi pa rin niya basta isusuko ang kanyang pagmamahal kay Yanyan.

Sa isang bar siya humantong at hindi inaasahang nagkita sila doon ni Vinia.

” Do you have lighter? ” tanong nito mula sa bakanteng upuan habang may sigarilyong nakalagay sa bibig na wala pang sindi.

” Here. ” sagot niya at sinindihan ang lighter at itinapat sa sigarilyo para masindihan.

” Thanks. So how are you and Yuan’s fiancee? ” pagtatanong nito pagtapos magbuga ng usok.

Sa narinig na tanong ni Vinia ay nagulat siya pero hindi niya pinahalata dito.

” What do you mean, Vinia? ” maang-maangan niya bago tumungga ng alak.

” Oh common! I know you know what I mean,July. Dont play innocent here. I saw the two of you together at the party. “

” Its none of your business. Just mind your own business, Vinia. “

” You know that woman, do you? “

” Yeah! She’s my exgirlfriend two years ago and she’s the reason why Im here in the Philippines. I want to win her back in my life just like before. “

” I see. Well, I think thats my business. I mean our business. ” makahulugang wika ni Vinia habang titig na titig kay July.

” What do you mean? “

” Just like you I want Yuan back in my life also. All you need to do is help me. “

” What kind of help? “

Pinaliwanag na nga ni Vinia kay July ang kanyang mga plano na pagsira ng relasyon ni Yuan at ni Yanyan.

” So,July can you help me? “

” Yeah! I can help you. “

Mula ng maging magkasabwat ang dalawa ay lagi na ang mga ito magkasama at pinag-uusapan ang kanilang gagawin. Tulad ngayon ipapadala na ni Vinia ang video na nakunan niyang nagyayakapan daw si July at Yanyan kay Yuan.

” Sir Yuan,may nagpapabigay daw po sa inyo nitong box sa labas sabi ng guard. ” wika ng kanyang secretary.

” Okey, Ella. Thank you. Pakilagay na lang muna diyan sa mesa. Tingnan ko na lang mamaya. ” sagot naman ni Yuan habang nasa monitor ng computer pa rin ang tingin.

” Sige po,sir. ” tugon nito at nilagay nga sa mesa na itinuro ni Yuan ang box saka lumabas na ng opisina.

Pero ng matapos si Yuan sa kanyang ginagawa ay nakalimutan niya ang tungkol sa box na iyon. Basta ang kanyang konsentrasyon ay ang pagkikita nila ni Yanyan ngayong araw. Lingid din sa kaalaman nila Vinia at Julio ay ngayong araw na rin sasabihin ni Yanyan ang tungkol sa nakaraan niya at ni July.

Sa isang park nagkita sina Yuan at Yanyan. Doon talaga sa lugar na iyon gusto ni Yanyan na makapag-usap sila ni Yuan para sila lamang dalawa. Unang dumating si Yanyan sa park na talaga namang kinakabahan sa pagsasabi kay Yuan. Makalipas lamang ang sampung minuto ay dumating na rin si Yuan lulan ng sasakyan nito.

” Love,kanina ka pa ba? ” tanong ni Yuan pagkababa ng sasakyan nito at humalik sa pisngi ng nobya.

” Hindi naman,love kadarating ko lang din. ” sagot naman niya dito at sabay silang umupo sa bakanteng upuan na naroroon sa park.

” Ano ba sasabihin mo sa akin,love at dito pa tayo mag-uusap? May problema ka ba,love? ” nag-aalalang tanong ni Yuan kay Yanyan.

” Si Ju-julio. ” pautal na sabi niya.

” What about Julio? ” ang kinakabahang tanong niyang muli dito.

” Nandito na sa Pilipinas si Julio at nagkita na kaming dalawa. Tayong tatlo. “

” Huh?! What do u mean tayong tatlo? Kailan at saan kami nagkita ni Julio? “

” Sa party two weeks ago. Im sorry kung hindi ko nasabi sa iyo agad. “

” Wait lang, Yanyan sino si Julio sa party? “

” Si Ju-july. Kaibigan mo. Nagulat ako ng makita ko siya doon. Pati siya nagulat sigurado ako doon. Im really sorry kung hindi ko sinabi agad. ” pagpapaliwanag niya.

” Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? “

” Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo. Saka ayokong masira ang party nating dalawa. Tapos natatandaan mo ba iyong gabing sinabi kong hinahanap kita? “

” Yeah! I still remember that. Why? “

” Imbes na ikaw iyong makita ko si Julio ang nakita ko tapos patakbo siyang niyakap ako at sinabing mahal niya pa rin ako at sigurado siyang mahal ko pa rin daw siya. Tapos ngayon two weeks na niya ako pinupuntahan sa bahay at kinukulit pero hindi ko naman siya kinakausap kundi pinapaalis ko. Kaya ko sinasabi ang lahat ng ito sa iyo ngayon dahil ayoko ng maglihim pa sa iyo, Yuan. Pero maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. ” mahabang paliwanag niya dito.

” Kaya pala. “

” Kaya pala ano, Yuan? “

” Kaya pala may sinabi sa akin si July noong party na huwag akong pakasiguro sa ating dalawa. Dahil siya pala si Julio at ikaw ang sinasabi niyang exgirlfriend niya na babalikan niya at kaya pala kinabahan ako noong nagbar kaming tatlo nila Kenny. Isa lang ang tanong ko, Yanyan. Do you still love him? “

” Hindi na, Yuan. Ikaw na talaga ang mahal ko. Akala ko nga noong una baka hindi talaga kita mahal at kapag nakita ko si Julio siya pa rin ang mahal ko pero masaya talaga ako ng malaman kong ikaw na talaga ang mahal ko, Yuan. “

Pagkarinig ni Yuan sa sagot na iyon ni Yanyan ay nawala na ang anumang pangamba niya sa kanyang loob na baka hiwalayan na siya ni Yanyan.

” You mean hindi ka makikipaghiwalay sa akin? “

” Hindi. Bakit naman ako makikipaghiwalay sa iyo, Yuan? “

” Dahil kay Julio. Di’ba sabi mo nga dati mahal na mahal mo si Julio. “

” Like you said dati hindi na ngayon. Ikaw yata ang nakikipaghiwalay na ngayon eh. “

” Hindi ah! Mahal na mahal kaya kita, Yanyan. “

” So ano na? ” nakataas kilay na tanong ni Yanyan.

” E,di tayo pa rin. Saka hindi ako galit,Yanyan. Nagtatampo lang kasi hindi mo sinabi sa akin agad. Paano kung may ginawa sa iyo si July? Wala akong kaalam-alam sa nangyare. “

” Sorry na talaga,love. Saka hindi naman siguro magagawa iyon ni Julio sa akin. “

” Kahit na ba. Kailangan mo pa rin mag-ingat. Sa makalawa kakausapin ko si July para masabi kong alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa. “

” Sige, Yuan para tigilan na rin niya ako. “

” May iba ka pa bang sasabihin sa akin, love bukod sa sinabi mo na sa akin? “

” Wala na. Iyon lang naman. Bakit? “

” Eh kasi nagugutom na ako, love. Kain tayo ha! “

” Oo,sige. Nagugutom na rin ako eh. “

Ang kaninang seryosong pag-uusap nila ay nauwi na sa tawanan.Dahil sa gabi na masyado ay sa jollibee sila nakakain. Umorder sila ng tig-isang meal.

” Love,gabi na oh! ” biglang sabi ni Yuan habang nasa sasakyan na sila.

” Oo nga. Kaya nga iuuwi mo na ako sa bahay,di’ba? ” ang sagot naman niya.

” Love, sa condo ko na lang tayo matulog ngayong gabi. Gusto lang kitang makasama ng matagal eh. ” paglalambing ni Yuan kay Yanyan habang hinihimas-himas ang mukha ng nobya.

” Hindi puwede,love. Hindi ako nakapagpaalam sa dalawang kapatid ko. “

” Naipagpaalam na kita. Tinawagan ko na sila kanina bago pa tayo nagkita sa park. “

” So it means pinlano mo na itong gabi. “

” Oo, love. ” papilyong sagot ni Yuan then he smiled naughtily.

” Sige na nga. Pero behave ka ha! Kundi lagot ka sa akin. ” pagbabanta ni Yanyan sa nobyo.

” Yes. Promise,love behave lang ako. ” at tinaas nga ang kaliwang kamay tanda ng pagsasabi ng totoo.

” Ano na kayang ginagawa nila Yuan at Yanyan ngayon? Ano sa tingin mo, Vinia? walang sabi-sabing naitanong ni July habang nasa condo unit niya sila ni Vinia ng gabing iyon.

” E,di ano pa e,d nag-aaway na ang mga iyon at siguradong maghihiwalay na ang mga iyon ngayong gabi. ” tatawa-tawang sagot naman ni Vinia habang nagsasalin ng manok sa pinggan na ipampupulutan nila ni July.

” Sana nga. Sana nga talaga. Magdilang-anghel ka sana, Vinia. “

Pagkapasok nila Yanyan sa condo ni Yuan ay namangha siya sa ganda nito. Halata mong lalaki ang nakatira doon dahil sa kasimplehan nito at wala masyadong design-design na makikita.

” Shower lang ako,love ha! Ikaw na bahala muna dito. Kung gusto mong manood ng tv or ng dvd iopen mo lang iyang tv at ang dvd player. “

” Okey,love. Ako ng bahala. ” sagot naman ni Yanyan at patuloy pa rin tinitingnan ang kabuuan ng condo ng nobyo.

Namangha rin siya sa laki ng tv na nakikita niya sa sala ang laki ng flat screen nito na akala mo nasa sinehan ka. Halos kumpleto lahat ng gamit nito sa sala. Pagkatapos niya sa sala ay sunod naman niyang pinuntahan ang kitchen. Tulad sa sala ay namangha rin siya sa ganda noon. Kulay dark green naman ang kulay niyon at kumpleto rin ng mga gamit. Binuksan niya ang fridge nito halos puno pa ang laman niyon para ngang hindi pa nabawasan eh. Habang nasa terrace siya ay hindi nagtagal ay dumating na rin si Yuan na bagong paligo.

” Anong ginagawa mo diyan,love? Pasok ka kaya dito. Malamok diyan. ” bungad na aya niya sa nobya.

” Napasilip lang ako. Tapos ka na palang maligo. “

” Oo. Fast shower lang naman ang ginawa ko eh. Gusto mo na bang matulog,love? “

” Ikaw,love kung inaantok ka na ba eh. Saan ba ako matutulog,love? “

” E,di sa kuwarto ko,love. ” nakangising wika nito.

” Ano? Ayoko nga noh! Uuwi na lang ako kung sa kuwarto mo ako matutulog noh! ” todo ayaw na wika ni Yanyan.

” Behave naman ako,love. Tinatamad na akong magdrive at nakaligo na ako eh. “

” E,di magtaxi na lang ako. “

” Love naman. Promise,behave ako. Tabi lang tayo matulog. Baka nga ako pa ang rapein mo eh. “

” Mukha mo. Rapein ka diyan. Hmmpp. Behave ka lang talaga ha?! “

” Opo, promise. “

Hindi nga nagtagal ay magkatabi na silang nakahiga sa kama ngunit magkatalikod ang dalawa at may unan pang nakaharang sa gitna nilang dalawa. Mabuti na lang king size ang kama ni Yuan kaya hindi masikip kahit may nakaharang pang unang sa kanila.

” Love,sigurado ka bang dapat pang may harang na unan? ” reklamo ni Yuan kay Yanyan habang nakaharap na siya sa nakatalikod na si Yanyan.

” Oo noh! Para siguradong limit ka. ” sagot naman ni Yanyan.

” Tanggalin na lang natin. Gusto kitang yakapin eh. ” pangungulit pa rin ni Yuan.

” E,di yang unan ang yakapin mo. Isipin mo na lang ako yan. ” pamimilosopa namang hirit ni Yanyan.

” Ayoko nga. Gusto ko ikaw,love. ” pamimilit ni Yuan.

” Hay naku! Tumigil ka diyan, Yuan. Tulog na tayo. Goodnight, Yuan. ” pagtataray at pagtatapos ni Yanyan ng usapan nila.

” Kainis naman. Goodnight na nga rin. ” inis na suko niya.

Hindi nga nagtagal ay nakatulog na rin silang dalawa na magkatalikod at may nakaharang na unan sa gitna nila habang si Yuan ay yakap-yakap ang isa pang unan. Matagal na silang nakakatulog ng biglang nagising ang dalawa sa lakas ng ulan na may kasamang kulog at kidlat.

” Anong oras na ba,love? Ang lakas naman ng ulan. Wala namang bagyo,di’ba? ” sunud-sunod na tanong ni Yanyan kay Yuan.

” Alas-tres na ng madaling araw,love. Lakas nga ng ulan. Kagabi naman maganda ang panahon tapos biglang umulan ngayon. “

” Paano sila Emman niyan? ” nag-aalalang nasambit ni Yanyan.

” Dont worry,love malalaki na sila kaya alam na nila ang gagawin. Saka titigil din naman yan maya-maya eh. Tulog na tayo. ” pag-aalo niya sa nobya.

” Kahit na,Yuan nag-aalala pa rin ako. “

” Titigil din yang ulan. Hindi naman siguro kayo babahain eh. Huwag ka ng mag-alala ha! ” malambing na wika ni Yuan.

” Sana nga. ” tanging nasabi ni Yanyan.

” Thank you, love ha! “

” Para saan,love? “

” Sa pagmamahal mo sa akin dahil ako na talaga ang mahal mo. ” titig na titig na wika ni Yuan kay Yanyan.

” Ano ka ba,love wala iyon. Mahal mo rin naman ako eh. Kaya mahal na mahal din kita. ” titig na titig ding sagot ni Yanyan kay Yuan.

Kasunod noon ay unti-unting naglapat ang kanilang mga labi. Una ay simpleng halik lamang iyon pero ng nagtagal ay nagiging mapusok at mapaghanap na ang mga iyon. Nang matapos ang kanilang halikan ay titig na titig lang silang dalawa sa isa’t isa. Tanging kanilang mga mata lamang ang nag-uusap at ng magkaunawaan na ay unti-unti ng kumilos ang kamay ni Yuan para alisin ang blouse ng walang katutol-tutol na si Yanyan. Pagkatapos tanggalin ang blouse ni Yanyan ay ang sando namang suot ni Yuan ang tatanggalin. Nang tatanggalin na iyon ni Yuan ay tinulungan pa siya ni Yanyan para maialis iyon. Pagkatapos ay muli nilang ninamnam ang tamis ng kanilang mga labi at sumunod ay sa leeg. Maya-maya ay natanggal na rin pala ni Yuan ang hook ng bra ng nobya ng hindi nila namamalayan at kanya rin iyong pinagpala sa kanyang isang kamay at ang kabila naman ay ang kanyang bibig na hindi nagsasawa sa ginagawa. Gustuhin man niyang itigil ang ginagawa ay alam niyang huli na para doon dahil nasa gitna na sila ng kaligayahang kailanman ay alam nilang hindi nila pagsisihang dalawa. Nang maramdaman siguro ni Yanyan na parang gustong tumigil ni Yuan ay kusa na itong nagsalita. ” Make ourselves happy, Yuan ” sa kanyang narinig na iyon ay lalo pa niyang pinagbuti ang ginagawa sa nobya. They both naked that time. Ilang ulit niya itong hinalikan sa labi,sa leeg,sa dibdib,sa puson at sa iba pang parte ng katawan habang ang kanyang mga kamay ay patuloy sa pamamasyal sa katawan ng nobya lalo sa pagkababae nito. Maging si Yanyan ay ganoon din ang ginagawa kay Yuan. Nagsisimula na ring maglakbay ang kanyang kamay sa katawan ng nobyo. Gently touching the tight muscles of Yuan. She always moaned when Yuan started kissing and caressing her body.

” Yu-Yuan ” halos laging lumalabas sa bibig niyang sambit sa pangalang ng nobyo.

Nang maramdaman niyang handa na si Yanyan ay unti-unti at dahan-dahan niyang inangkin ito. Nakagat na lang ni Yanyan ang kanyang pang-ibabang labi ng makaramdam siya ng sakit sa pag-angkin ng nobyo sa kanya. Masakit man ay hindi niya pa rin pinahalata sa nobyo. They are one now and will become one forever.

” Mahal na mahal kita, my precious Yanyan. I will love you forever until our next life. ” madamdamin at seryosong wika ni Yuan sa kanya.

” And I love you too, love. You’re the only guy I’ll love for the rest of my life. ” maluha-luhang sabi niya dito. Akala niya hindi na niya mararanasan pang maging masaya pagkatapos nilang maghiwalay noon ni Julio. Mabuti nakilala niya si Yuan ang nagparanas muli sa kanya ng kaligayahan at pagmamahal.

” Sorry,love kung hindi ko natupad ang promise kong magbi-behave ha! ” hinging paumanhin ni Yuan.

” Okey lang. Ginusto ko rin naman eh. Hindi ako nagsisisi sa nangyari sa atin ngayon. “

” Ako rin. Mas minahal pa kita ngayon, Yanyan. Mahal na mahal. ” masayang wika ni Yuan.

” Mahal na mahal din kita, Yuan. ” tugon niya at yumakap sa nobyo.

Hindi rin nagtagal ay sabay silang nakatulog ng magkayakap na may ngiti sa mga labi. Pareho silang masaya at hindi nagsisisi sa namagitan sa kanila kahit na hindi nila natupad ang pangakong walang mangyayari sa kanila hanggat hindi pa sila kasal.

Talakayan

10 thoughts on “Chapter 10 : Finding My True Love

  1. Ang swerte.nila both

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 5:35 umaga
  2. suwerte ni Yanyan and also si Yuan…ang sweet nila

    Posted by alma | Setyembre 10, 2012, 11:09 hapon
  3. buti nlang nde ni yuan napanuod ung video!. . =)
    at buti cnabi na agad ni yanyan ung truth!!hahah
    OM!!mai nangyari na sa knila!!waaaaaahh!!
    para sa dalawang kumag!!
    bEeEeLaAaAaAaTt!!! =þ
    nde kau nagtagumpai!!
    wahahahahaha!!!
    {evil lough}

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 9:12 umaga
  4. pde nyo po bang ipost d2 ung summary ng finding my true love?

    Posted by anita tejada | Marso 9, 2011, 8:37 umaga
  5. aiiiiiiiiii..kakakkiliggggg tlgaaaaaaaaaaaaaa..hhehehe
    nxt chapter n pohhhhhhhhhhhhh

    Posted by alexis_shawn27 | Hulyo 8, 2010, 5:20 hapon
  6. waaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh Hindi KO Na mahintay ung next chapter guys add nyo ko face book angela_chater@yahoo.com.ph or search for my name Angela Andalosa

    Posted by gel | Hulyo 8, 2010, 3:28 hapon
  7. awww bitin naman..:(

    Posted by eizzy | Hulyo 6, 2010, 1:36 umaga
  8. Nakakakilig! sana hindi magkakahiwalay sina Yuan at Yanyan…. hahai!

    Posted by Faith | Hulyo 5, 2010, 7:16 hapon
  9. ganda at kakakilig naman ng chapter na to.

    Posted by wenz | Hulyo 5, 2010, 5:13 hapon
  10. ganda ganda talaga ng story….

    Posted by ladyjhun | Hulyo 5, 2010, 4:33 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: