binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 10: Ever Since

CHAPTER 10 LAINe SERIES: JEW & DREI

Walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama niya, it’s good to be love again at ng taong minamahal niya rin. Halos kwarenta minutos na rin buhat ng makaalis si Drei sa condo niya, ayaw man niyang umasa pero bakit tila gusto ng puso niya. She didn’t ask anything to Drei, basta ang alam niya ay may unawaan na silang dalawa and he promised his love to her, that is enough. Marahan siyang napangiti habang dinadama ng katawan niya ang lagaslas ng tubig mula sa shower ng biglang may nag doorbell – lalo pang lumapad ang ngiti niya, ‘Hindi kaya si Drei iyon?’, nagmamadali siyang nagtakip ng roba at pumunta sa may pintuan and to her surprise pag bukas niya ng pinto – ay ang halik ni Joseph ang bumungad sa kanya, ngunit agad din niyang binawi ang sariling labi rito at –
“Joseph?”

“Sweetheart, haven’t you missed me?” masayang bati nito saka diretsong pumasok sa loob at ni lock ang pinto ng condo.

“I-I thought sa Saturday pa ang dating mo?” takang tanung niya ng makitang umupo ito sa sofa at animoy relax na relax.

Matagal itong tumitig kay Jew “Bakit?, so you can still have time for these?” sabay inilapag nito ang isang brown envelope sa center table, agad naman iyong kinuha ni Jew.

“What’s this?” to her horror, pictures niya with Drei sa yatch party dancing, ang confrontation nila sa shoreline, at lalong nagpakaba sa kanya ang litrato sa Hotel Amy last night- ang pagpasok nila sa reception area, sa room nila, paglabas nila ng hotel na mag-ka holding hands at masayang nakangiti sa isa’t-isa and lastly, picture nila ni Drei sa loob ng sasakyan nito habang hinahalikan siya nito kanina bago sila tuluyang umalis ng hotel. Maang siyang napatingin kay Joseph na lalo niyang ikinatakot, ang mga mata nito ay puno ng galit, ngunit ang mukha nito ay wala pa ring gaanong ekspresyon.

“I’m… so sorry”. Buong sinseridad niyang nasambit pero bakit parang wala siyang awang nararamdaman para kay Joseph? All she felt at the moment ay guilt, no less, hindi nga bat nakumbinsi na niya ang sarili na mahal niya si Joseph kaya nga niya tinanggap ang proposal nito?.

Ngumiti si Joseph at tumayo habang dahan-dahang lumapit kay Jew na saglit ay napaatras, at ng makalapit siya ay agad nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha na animoy pwedeng pumatay anumang oras at mahigpit na hinila ang buhok ni Jew dahilan upang mapatingala ito sa kanya at saka isinakal ang kanyang kamay sa leeg ng dalaga.

“Joseph ano ba, nasasaktan ako” habang nakikipag labanan siya ng tingin sa binata. Napapikit siya ng mariin ng makitang inihaya ni Joseph ang isang kamay nito animoy sasampalin siya ngunit agad din siyang nagdilat ng maramdamang hindi iyon itinuloy.

Marahan nitong hinagod ang pisngi ni Jew “Don’t worry much sweety, because I wont hit you… for now”

“Bakit hindi mo ituloy?, Why don’t you hit me? Niloko kita” buong tapang na bulyaw niya habang lumalagaslas na ang mga luha sa mga mata niya. Bigla siyang binitawan ni Joseph at napaupo siya sa sahig.

Sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi nito “I’ll save it sweety, we have our lifetime together of hitting you after our wedding sa Florida. But for now, I need your beautiful face in front of the camera at sa munting palabas natin tomorrow night”

Kinabahan siya sa narinig, tila ibang Joseph ang nasa harapan niya ngayon “Wedding?… And what hell do you think na papayag akong magpakasal at sumama sayo?” poot na ring pagkasabi niya.

“Sweety, sa tingin mo ba ang nangyari kahapon sa Batangas ay coincidence lang? Did’nt I’m the one who told you about the flower farm?, ang na flat mong gulong? Ang pagdating roon ni Safierna na may ka-meet sa Anilao? Ang checkpoint? The room availability?… Well except the rain” ngumisi ito ng nakaloloko at nagpatuloy “Kung lahat ng iyon ay namanipula ng mga tauhan ko para magkita lamang kayo ni Safierna, ano pa kaya sa tingin mo ang kaya kung gawin within my capabilities?”

“Damn you! Bakit mo ba ito ginagawa?” mariing usal niya

“The moment I saw you and that Drei sa may shoreline noong yatch party, I came to conclude that you like the guy, kaya nga bago mabago niya ang isip mo, agad ko ng prinepare ang proposal ko for you sa yatch while you two having a little quarrel there.” He smiled fakely “And so I thought I can use that over you in the right time, and I’ve never been mistaken about that.” Umayos ito ng tayo at muling umupo sa sofa. “Well, didn’t Drei had an early call kanina? Problem about… shipment?” naalarmang tumitig sa kanya si Jew “Sweetheart, don’t give me that look. Alam mo naman siguro that we owned Valena Properties na kung saan nakuha ng Safierna Textiles ang bid for more than 500 houses each on our three newly subdivisions, which makes you think – how much it costs?” saka pinawalan nito ang isang malakas at mapang uyam na tawa na lalong kinainis ni Jew. “1.2 Billion sweety, materials pa lang iyon, so what will happen if suddenly out of nowhere, ang textiles shipment nila ay magkaroon ng di sinasadayang aberya at unwanted damages, ano kaya ang effect niyon -? ”

“What do you want exactly, why are you doing this to me?” mariing bulyaw niya.

“Sweety… meet Michael’s brother, right in front of you.”

Parang isang bomba ang sumabog sa harapan niya. Nanghina siya at halos naparalisa at gusto na niyang sumabog anumang oras. “Paanong-?” nagtatakang tanung niya sa kaharap.

“Asking me how? Varin, isn’t his last name?, and me… the truth is Joseph Varin Libreto, not Valena – that is the surname of my step mother in which I’d borrowed for quite awhile for this little act.”

Umagos ang mga luha sa kanyang pisngi at sandali ay nagbalik sa kanya ang nakaraan.

She was nineteen then, Michael was her life, one year ahead sa kanya ito, halos lahat ay naiinggit sa almost perfect relationship nila together, college cager ang boyfriend niya at lahat ng babae ay kaagaw niya rito pero pinapayapa siya nito na siya lang ang babaeng pakaka-ibigin nito. Halos mag-dadalawang taon na silang mag-on ng alukin siya nitong magpakasal.

“Babe, let’s get married, marry me please, after your graduation! I have one year to work hard for our business and after we get married” buong pusong hayag nito.

“Are you sure about this? You really wanted us to get married that early?”

“I’ve never been sure in my life more than now..to you..to us…I can’t wait you to be wife.”

“Oh Babe I love you, of course I want to marry you, if it’s just possible, I want it now but -.”

“That’s all I wanted to hear, I love you too, trust me, and I wanted to make this official’ and they’ve kissed.

Sandaling natigilan si Jew, that was the same last line that Joseph said at the yatch.

–=-=-=-=–
Saturday night
PICC, Grand ball

The hall started to filled with crowds. “Good evening everyone, welcome to the 2010 inauguration of Valena Properties Incorporated for the three newly developed Valena Homes Subdivisions” nagpalakpakan ang lahat habang patuloy pa rin ang pagsasalita ng announcer.

Samantala…
Hindi mapakali si Drei, napag-alaman niyang si Jew ang nag-organize ng event na ito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita ang dalaga sa karamihan ng mga tao, he was at the stage kasama ang iba pang mga Presidente ng naglalakihang kumpanya na ka tie ups ng Valena for the project. Ngayon ay nasa tabi niya ang CEO ng Valena Properties na nakilala niyang si Juliane Libreto – sounded familiar to him ang last name nito pero hindi na niya muna iyon pinansin dahil nakatuon sa paghahanap kay Jew ang atensyon niya. Napatingin siya sa may gawi ng CEO at may two vacant seats on his side. Siguro ay para sa VIP iyon na inimbitahan nito at saka muli siyang nagpalinga-linga sa crowd.

Kahapon ng binalikan niya ng gabi sa condo si Jew gaya ng napag-usapan nila ay wala roon ang dalaga, halos madaling-araw na siya ng umalis roon pero wala pa rin ni anino nito. He tried to contact her at nag-aalala na siya pero out of reach iyon. He even called his mechanic na nagdeliver sa condo ni Jew ng sasakyan nito at sinabi nitong ng umaga rin iyon ay diniliver na ang sasakyan nito at isang lalake named Joseph Libreto ang nag-receive noon dahil wala daw si Jew at may pinuntahan, tutal naman ay siya daw ang boyfriend nito ay siya na lang ang mag-rereceive at binayaran pa nga daw ang mekaniko niya kahit tumanggi ito dahil ang alam ng huli ay si Drei na ang magbabayad noon pero mapilit daw ang lalake.

Kanina maghapon ay pinuntahan niya sa office ang dalaga pero wala namang maisagot sa kanya ang assistant nito, hinanap niya si Heather pero nasa Malaysia pala ito at sa makalawa pa ang balik. Para na siyang nababaliw at ng tinawagan niya ulit ang phone ni Jew ay boses ni Joseph ang sumagot sa kanya, gusto niyang hanapin si Jew, pero mukhang maliwanag na magkasama ang dalawa, sabay inoff na rin niya ang phone niya at hindi na sumagot pa kay Joseph na nagtatanong kung sino siya. Pero nag-aalala pa rin siya sa dalaga, at kanina nga ng pagpasok niya sa hall at marinig niya sa business partners niya na si Jew ang nag-organize ng event ay bigla siyang nabuhayan ng loob.

“Everyone, once again, I just wanted to take this good opportunity to thank all of you, our investors, our business partners, and most especially to all of our clients who’s been pioneering Valena Properties as our sister company which of course known to you the Libreto Realties and Development.” Panimulang salita ng CEO para sa opening remarks nito.

Biglang naalarma si Drei sa narinig, ‘Libreto Realties, how can he be so stupid?’ Kaya pala familiar ang Libreto ay dahil kay Joseph, na hindi pa man niya nakikilala ng lubusan ay medyo may kaunting alam na rin siya rito dahil sa mortal niyang karibal ito kay Jew.

“As you all know, building family and living good life provides having a good home, which Valena properties will offer for the next coming great years.” Sa tinurang iyon ay lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao tanda na tapos na ang speech nito pero- “Well this is not the only reason for we to celebrate, May I just call my son Joseph and his fiancé Jewish”

Nagpalakpakan ang lahat ng dumaan sa red carpet si Joseph na naka black tuxedo and Jewish wearing blue haltered dress, simple ngunit elegante ito dahil sa diamond headband niya at sa engagement ring na tanging palamuti lamang nito sa katawan. Camera flashes on them.

Kinakabahang napamaang si Drei sa nakikita niya. ‘Ano ba ang nangyayari, well technically ay fiancé pa rin si Jew ni Joseph sa harapan ng maraming tao, pero hindi bat may unawaan na sila ni Jew?’ Halos gusto na niyang bumaba ng stage para agawin si Jew sa mga kamay ni Joseph, pero natulos na siya sa kanyang kinatatayuan ng makitang nakangiti si Jew at animoy napakasya nitong nakikipagkamay sa bawat madaanan nito. Hindi niya alam kong nakita na ba siya nito pero he’s sure she does.

Pero bakit parang hindi man lang siya nito napapansin, pinakatitigan niya si Jew para mahuli niya ang mga mata nito ngunit bigo siya, ni sulyap ay tila pinag kait nito sa kanya. At ng makarating ang dalawa paakyat sa stage ay sinalubong ito ng CEO na animoy masayang masaya at niyakap pa si Jew. And there… napatingin ito sa kanya, na lalo niyang ikinalumo dahil isang tipid lang na ngiti ang binigay nito sa kanya at saka umalalay na ito sa CEO habang hawak pa rin ni Joseph ang mga kamay nito.

“Good evening and thank you for gathering here tonight with us. Aside from the successful opening of Valena Homes, may I just announce a very important matter in which I would like to share with everyone. I must admit that it’s been two weeks, since I’ve proposed to my sweetheart here Jewish.” Saka umakbay kay Jew na pilit ngumiti “Well I guess my date doesn’t expired in one week just for the benefit of that writer who wrote the article about my fiancé being chained by me” He laughed na ikinatawa rin ng lahat sa biro niya. “Now, it was official that were getting married next month in Florida”
Sandali itong tumigil at narinig ang bulong-bulungan ng mga tao, lalo na ang mga press na nagkagulo sa baba ng stage sa pagkuha ng picture sa kanila.

Si Drei naman ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman, gusto niyang sugurin si Joseph sa mga pagkakataong iyon ngunit hindi niya magawa sa halip ay nakuyom na lang niya ang mga palad at matalim na tumitig sa dalawa.

“I know this is a surprise, but its just came to us recently of how about settling down in a new and wonderful place where we can live well and raise our future children? So I decided to give up my position here as VP for a great opportunity of handling our states-based project in Florida as President.” Nagalak naman at nagpalakpakan ang lahat sa narinig “Which will run down for two years construction and of course I can’t afford to leave here my Jewish so we agreed to go there together so I can still be with the only lady I loved” buong ningning na tumingin ito kay Jew na sa paningin ng lahat ay parang madly inlove ito sa dalaga, pero kay Jew ay alam niya ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon, na galingan niya ang pag-arte kung hindi malalagot siya “Sweety,would you like to tell them something?.” sabay itinapat nito ang mic kay Jew.

“Ahhm..Uh..I decided to leave Philippines and my career in the fashion world to be with Joseph in Florida… and build a peaceful and happy… family life in there. I hope everyone will be happy for us.” Aral na pag-kasabi niya habang kinakabahan, narinig na lang niya ang palakpakan at pagbati na mula sa mga di niya kilalang tao.

Habang nagsalita na ulit ang announcer para may ipapanuod sa big screen using the projector tungkol sa Valena projects ay natahimik na ang lahat. Iginiya naman ni Joseph si Jew sa VIP table at ipinakilala isa-isa sa mga nakaupo roon.

“Act natural sweety” bulong sa kanya ni Joseph ng isang tao na lang ang pag-itan ay si Drei na ang ipapakilala sa kanya nito. Kinakabahan siya, baka hindi niya kayanin. “Oh Mr. Andrei Safierna right? Nice to meet you personally.”

“Yes Mr. Libreto, it is pleasant… meeting you” pero nakatuon naman kay Jew ang mga mata niya na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Joseph.

Hinapit nito ang baywang ni Jew at- “By the way this is my future wife, Jewish Mari Favela, I believe you knew each other.” makahulugang salita nito na ikinatingin rito ni Jew na hindi pa rin nagsasalita.

Marahan itong tumawa “Because of Mosh right?, you’re his twin.” patuloy nito.

“Yeah” maikling tugon nito na nakatitig pa rin kay Jew

“Sweety don’t you have something to say with our little fellow here?”

Napatingin siya kay Drei “Uhm… Welcome to the party, I hope you enjoy working with Valena Properties” sabay napalunok siya at agad nagbawi ng tingin rito, sobrang torture na ang nararanasan niya at hindi niya alam kung paano siya makakatakas rito.

Ilang minuto na buhat ng makaupo sila ni Joseph ay hindi pa rin siya mapakali. Habang ang lahat any nanunuod sa big screen ay alam niyang kanina pa nakatitig sa kanya si Drei mula sa upuan nito na dalawang seat lang ang pag-itan sakanya. Katabi nito ang CEO, at si Joseph naman ang katabi ng huli tapos ay siya na kaya kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito kahit medyo may kadiliman sa stage. Ng matapos ang video clip ay nagsitayuan ang lahat habang nagpapalakpakan kaya nagkaroon naman ng pagkakataon si Jew na mag paalam kay Joseph para pumunta ng ladies room dahil hindi na niya makayanan ang nararamdaman. Pinayagan naman siya ni Joseph pero tiningnan siya nito ng makahulugan at alam na niya ang ibig noong iparating sa kanya.

Dumeretso siya sa backstage at tinungo ang hall way kung saan may arrow ng rest room, lingid sa kaalaman niya ay nakasunod sa kanya si Drei.

“Jewish, wait!” maawtorisado nitong pigil habang hawak ang kamay ni Jew na ikinagulat naman nito ngunit walang reaksiyon sa ginawa niya “What the hell is going on with you?”

“Nothing” mahina at maikli nitong sagot ngunit hindi makatingin ng diretso kay Drei.

“Pumunta ako sa condo mo last night, you weren’t there, alalang-alala na ako sayo, I tried to call you pero out of reach ang cell mo” saka niyakap niya ang dalaga pero nagulat siya ng pilit itong kumawala sa kanya “What’s wrong?” tangkang lalapit siya ulit rito pero umatras ito.

“Please, don’t get near me.” mababang tono nitong sabi.

“Honey, Ano bang sinasabi mo?” kinakabahan siyang ngumiti pero pilit pa ring lumapit kay Jew at hinawakan ang pisngi nito na pinalis naman ng huli ang kanyang mga kamay.

We’re done malamig na pagkasabi nito at hindi alintana ang mahigpit na pagkakapit ni Drei sa kanya.

“Yun lang?, We’re done?” he roared in frustration, he felt helpless and take pause for awhile before he continued. “After what happened between us? Sa Hotel? Anu yun ? – Anu ito? Explain to me, hindi yung ganito.” mariin nitong bulyaw kay Jew habang niyuyugyog  ang magkabilang balikat ng dalaga at saka biglang dumaloy ang isang patak ng luha sa kanang pisngi nito pero wala pa rin siyang narinig na anumang tugon mula sa dalaga.

“Tell me!” nanginginig na bulyaw niya “Magsalita ka, awayin mo ko, tarayan mo ko, magsungit ka gaya ng dati, sabihin mo sakin kung ano ang tumatakbo diyan sa isip mo, hindi yung ganito. Huwag mo namang gawin sakin ito Jew.” He cupped her face “Mahal mo ako hindi ba? Hindi mo nga sakin sinabi pero naiparamdam mo naman sakin, Please don’t do this” nagsusumamong pakiusap niya kay Jew ngunit nanatiling blangko ang mukha nito.

“I -…” she clears her throat, she’s weakining inside but that does’nt mean she should be the same outside, nonetheless, hindi niya matatapos ang ginagampanang papel sa harapan ni Drei saka diretsong tumitig siya rito. “I just let you experience my taste, didn’t I satisfied you, Huh?” sa mga sinabi niyang iyon ay halos gusto na niyang lamunin siya ng lupa sa sobrang pait na nararamdaman niya, lalo na ng makita niya ang poot sa mga mata ni Drei na kanina lamang ay ubod ng pagsusumamo at pagmamahal ang bakas niyon.

Napapikit siya ng mariin ng isang malakas na suntok ang pinakawalan nito si pader malapit sa mukha niya. Mabuti na lamang at walang tao ang dumadaan doon dahil intended for VIP guests lang ang restroom na iyon. Siya lang ang nakarinig ng nakabibinging tunog na iyon mula sa mga kamao ni Drei.

“Damn you, woman!” mariing sambit nito habang nakatitig kay Jew ni hindi alintana ang sugat sa braso niya dahil mas matinding sugat ang nararamdaman ng puso niya.

Nanlumo naman si Jew nang makita ang umaagos na dugo sa kamay ng binata, halos panawan siya ng ulirat sa samot saring damdamin na lumulukob sa pagkatao niya ng mga sandaling iyon, gusto niyang bawiin ang sinabi niya, ang mga ginawa niya ngunit wala ng atrasan ito at mas hindi niya kayang tanggapin na mapahamak ang taong pinakamamahal niya para lang sa kanyang pansariling interes. Mas nanaisin pa niyang magdusa na lamang kahit alam niyang wala siyang kasalanan, ngunit iyon ang hinihingi ng pagkakataon sa kanya, wala siyang kakayanang baliin iyon.

“You heard it all right, I’m marrying Joseph, sana maliwanag na iyon sayo, there is really no us, its just… the game is over, I thought you knew how to play, I’m sorry if you’ve got the wrong message about what happened sa hotel” tanging tugon niya saka pilit na ngumiti ngunit siya naman ang pinapatay ng kalooban niya.

Napatangu-tango ito at ngumiti ng mapait saka may pumatak na luha nanaman mula sa mga mata nito ngunit agad din niyang pinalis, ‘There’s no sense of crying in front of this lady’ he thought.  “Siguro nga, nagkamali lang ako, I guess we should go back to our separate lives, you with Joseph, congratulations… and me… with Eve, I shouldn’t be drug by my lust over you the other night… thank you, you made me so happy… because you tasted so well” lantaran pang-uuyam niyang sinambit na ikinawasak naman ng puso ni Jew ngunit hindi nito ipinahalata iyon.

“I feel sorry for myself dahil naging unfaithful ako kay Eve, I should be true to her, she’s the right one for me.” Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga sinabi niya, pero hindi na niya kaya pa ang sariling damdamin kaya ng maalala niya si Eve na pinagseselosan nito noon ay nakagawa na lang siya ng kwento. Kagabi sana kung naabutan pa niya ito sa condo ay sasabihin niya na wala silang relasyon ni Eve at ang tanging problema lang nila ay si Joseph pero mas maganda rin palang hindi na iyon pa nalaman ni Jew. Napahilamos siya ng palad niya sa mukha dahil sa mga luhang patuloy ang paglabas mula sa mga mata niya saka dali-daling tinalikuran si Jew at di na nilingon pa habang tahimik naman ang huli na tumakbo papuntang ladies room at doon ay impit na umiyak.

-+=-=-=+-

Muli ay marami pong salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa seryeng ito…

Ngayon ay may dalawang ending ako para sa seryeng ito, alin kaya ang pipiliin ko? Ang ending na makapagpapaligaya ng aking mga readers at magiliw na manunubaybay? o Ang totoong ending nang storyang ito na bagamat maaaring umani ng mga negatibong komento ay sang ayon naman sa kagustuhan ko na maipakita ang sarili kong istilo at paraan ng pagsulat?

An ending destined to please my views and not to please anyone?- Pero hindi bat ang mga romance writers ay nagsusulat ayon sa gusto ng kanyang mga readers? – bahala na nga, depende siguro sa mga komento sa chapter na ito. Since malapit ng matapos ang Ever Since hindi naman siguro masama kung hihilingin ko sa inyong magtala ng inyong komento sa bawat huling kabanata nito. Iyon na lamang ang pa consuelo niyo sa akin dahil libre ko namang ibinabahagi ang kwentong ito sa inyo at ang tanging hangad ko lang ay pakiligin ang inyong mga puso. :’)

… Sana rin ay ibahagi niyo sakin ang mga di malilimutang linya ng bawat karakter sa kwentong ito na tumatak sa inyong isipan..mga nag painis, nagpatawa o nagpakilig man….negatibo o positibo man ang inyong komento ay tatanggapin ko ng buong puso….salamat

Maari niyo rin po akong i-add sa FB : Laine Manunulat kung may mga katanungan kayo ay PM niyo lang ako

o i like ang FB page na: Laine Favela kung inyo pong naibigan ang Ever Since at maari rin kayo doon mag post ng kahit anong inyong ibig ibahagi sa akin at sa mga fellow TOPPERs

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

35 thoughts on “Chapter 10: Ever Since

  1. Wawa nman c drei….prang iiyak ako ,lol

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 1:04 hapon
  2. i want a happy ending haiz…

    Posted by luvlyangel | Disyembre 9, 2013, 4:39 hapon
  3. nakuw..nxt chap n

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 5:37 hapon
  4. Kwwa nman c jew

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 2:19 umaga
  5. i go for jew and drei.i just cant imagine jew living in hell with joseph until he realize n mali xa db…

    thankz for this nice story ms writer! more power to u!

    Posted by aileen | Oktubre 13, 2013, 4:58 hapon
  6. oh my g! drei is actually crying.,so touchy!
    g.r.r.r.R! kainis tlga evil guys gaya ni joseph..sobrang relate aq huhuhu. sarap nla tadtarin ng pino! grrrrr.

    thankz!

    Posted by aileen | Oktubre 13, 2013, 4:53 hapon
  7. img.ang sakit sa dibdiv.

    Posted by tianna | Abril 23, 2013, 9:31 hapon
  8. Hello! I know this is kinda off topic but I was wondering if you knew where I could get a captcha plugin
    for my comment form? I’m using the same blog platform as yours and I’m having trouble finding
    one? Thanks a lot!

    Posted by Power Precision | Abril 10, 2013, 11:58 umaga
  9. Joseph is such a devil !

    Posted by Kate Nicole Paler | Mayo 3, 2012, 2:41 hapon
  10. Bakit ngayon ko lang nabasa ‘to? But so happy Iv’e got the chance to read this for free, thanks Ms. Laine and TOP!😀
    -Though I know na matagal nang na-post ang story na ito, at may ideya na ako kung sino ang magkakatuluyan (base na rin sa nakalagay na “LAINe SERIES: JEW & DREI” every chapter) sana i-post nyo rin po yung side ng story ni Joseph towards Jewel.
    –And got to say this, this is really a very nice story kahit na may mga lapses yung ibang grammer and spelling hehe.
    —Ang ganda ng twist, kaya lang di na ko masyado nagulat kasi nag-ka-ideya na ako nung mabasa ko yung isa sa mga teasers for this story. If I’m not mistaken, dalawa po yung teaser for this stroy right? Hala, haba na ng comment ko.😀

    Posted by IAmIncognito | Marso 7, 2012, 12:17 hapon
  11. OMG!!cnu kayang nka2luyan nia??but coming in my mind. . of wat i have read is joseph?. . . .how sad if datz da real ending, .ahmf!
    but wat ever it is. .itz oqei. . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 1:50 hapon
  12. Ouch wat a painful part. . . Yoko nito waaah

    Posted by jassimplegrl | Oktubre 17, 2010, 5:53 umaga
  13. hehe… Toppers grabe na ang pag-iisip ko sa ending dahil sa mga komento niyo..pabago-bago talaga isip ko..hmmmm
    if you want to see the cover of Ever since…visit the site: http://laine8855.wordpress.com/2010/07/06/18/

    Posted by Laine | Hulyo 7, 2010, 9:40 umaga
  14. baka si jew at si mosh….joke he he he.i firmly believe na si jew at si drei pa rin in the end lalo na at magkakaanak pala sila.

    Posted by wenz | Hulyo 7, 2010, 4:00 umaga
  15. ayoko pong magkatuluyan sila jew at drei.. i want joseph for jew.. pati
    gusto ko lang pong marealize ni joseph na mali ang inaakala niyang masamang babae si jew.. masaya sana kung maiinlove si joseph kay jew di ba🙂 sana may part na makilala ng mabuti ni joseph si jew at pati na rin si jew kay joseph.. tapos si drei naman eh bigyan ng ibang partner..🙂

    Posted by Chelsea | Hulyo 6, 2010, 11:09 hapon
  16. gusto ko sana na sina jew at drei ang magkatuluyan..
    kaya lng sa nabasa kong patikim ng chapter 11 parang si joseph ang makakatuluyan nya..
    nakakalungkot😦
    if ever man na di cla ni drei, sana magawan ng love story si drei..un lng po..

    Posted by shon | Hulyo 5, 2010, 3:34 hapon
  17. naku sana sila Jew and Drei ang magkatuluyan sa ending na mapipili. kasi nakakadismaya naman kung hindi sila yung magkakatuluyan parang nasayang lang yung kilig moments nila together sa previous chapters.. Please naman Laine sana Happy ending sina Jewn and Drei.

    Posted by topreader | Hulyo 5, 2010, 7:58 umaga
  18. TOPPERS… how i wish i can post two endings but NO. ang hindi mapipiling ending ay magiging ending ng ibang story na aking binabalak na mailathala d2 sa TOP kaya no worry dahil mababasa niyo rin yun..isa lang dapat po ang ending… so here’s a glimpse of my decision sa nalalapit na pagtatapos ng Ever Since bilang pasasalamat sa mga komento ninyo…

    PATIKIM CHAPTER 11

    …Sandaling napukaw sa pag-iisip si Jewish ng marinig niya ang pag-iyak
    ng sanggol, dali-dali niya iyong kinuha saka kinarga mula sa crib.
    “Sshhh, baby Fehy, tahan na..shhh…Gising na ang prinsesa ko…gising
    na..yehey tatahan na yan” wari ay pagkanta niya habang inihehele ang
    anak.

    “Sweety” humahangos ito na bumungad sa pintuan “I heard our little angel crying!”

    “Yeah, kagigising lang kasi, but don’t worry she’s fine” napangiti siya.

    “Oh that’s good to here, anyway there’s a good news!, Michael
    responded sa treatment niya, his nurse called me at nagising daw ito
    last night and he’s looking for us.” nagliliwanag ang mukha nito sa
    kasiyahan.

    ==->Sobrang Bitin ba? SWEETY? – who’s the guy then? Michael?… abangan sa Miyerkules ang susunod na kabanata ng Ever Since…

    Posted by Laine | Hulyo 4, 2010, 7:33 hapon
  19. pareho, puwede?🙂 ganda ganda🙂

    Posted by yes2yesha | Hulyo 4, 2010, 7:19 hapon
  20. un original ending po…

    Posted by eithak | Hulyo 4, 2010, 5:01 hapon
  21. sana dalawa ending..para malaman qng anu mas maganda..pwd naman un db?plz.

    Posted by mar | Hulyo 4, 2010, 5:00 hapon
  22. Hayy naku…Epal si Joseph. Hmppf…

    Posted by velvettelle | Hulyo 4, 2010, 9:36 umaga
  23. Ganda ahh..dapat sana’y Happy Ending

    Posted by Mariegabbie | Hulyo 4, 2010, 9:14 umaga
  24. sna poh c jew and drei pdn s huli….
    nkakainis tlga ung c joseph..ang sama nya

    Posted by alexis_shawn27 | Hulyo 4, 2010, 9:12 umaga
  25. sana yung happy ending na lang po,kasi bagay talaga sila andrei and jew..

    Posted by marice | Hulyo 4, 2010, 8:00 umaga
  26. piliin niyo po yung gusto niyong style ng ending niyo.. kayo po ang nagpapatakbo ng storya .. so kayo ang dapat masunod 🙂

    Posted by jessica | Hulyo 3, 2010, 10:16 hapon
  27. iniisip ko po yung may twist dun sa ending🙂 para masaya.. hehe

    Posted by jessica | Hulyo 3, 2010, 10:03 hapon
  28. whew! i want the haapy ending!
    ang ganda ng story!
    gsto q tlga mgkatuluyan c jew at drei..

    Posted by phoebi | Hulyo 3, 2010, 8:04 hapon
  29. ,,,eh gus2 quh ung happy ending plzzz… wawa nman cla drei at jew kung malungkot ung ending…..

    Posted by ,,,alphanz_06,,, | Hulyo 3, 2010, 7:41 hapon
  30. oh my gosh…dis is soo good…yung happy ending na long po pls

    Posted by Khira | Hulyo 3, 2010, 4:29 hapon
  31. How sorry 4 drei!!hay

    Posted by lappa | Hulyo 3, 2010, 3:32 hapon
  32. gusto ko ung happy ending pls….love the story too much

    Posted by Charm | Hulyo 3, 2010, 3:16 hapon
  33. hahahahaha………………….

    aga talaga posting ngayon…. thanks…. nice story talaga
    🙂🙂

    Posted by ghie | Hulyo 3, 2010, 2:20 hapon
  34. hay kawawa naman si jewish………..

    Posted by deezz | Hulyo 3, 2010, 2:14 hapon
  35. pwede po bang pareho niyo na lang ipost ang ending?para mabasa namain pareho..

    Posted by deezz | Hulyo 3, 2010, 2:13 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: