binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 9 : Finding My True Love

Dumating ang araw ng sabado halos lahat sa mansyon nila Yuan ay abala sa paghahanda na gaganapin mamayang gabi. Ang kanyang lola ang punong abala sa lahat. The old lady wants the best for tonight. She makes sure that everything is organize and complete. Excited na rin itong makilala ang nobya ng kanyang pinakamamahal na apo. Nakausap na naman nila ito pero sa telepono lamang at nakita na rin pero sa picture lamang. Dasal nilang mag-asawa ay sana ito na nga ang babaing magmamahal sa kanilang apo ng wagas at totoo. Tanging hiling lang nila ay maging maligaya ang kanilang apo. Wala sa kanilang kaso kung malayo ang agwat ng buhay nito sa buhay nila ang importante sa kanila ay kapwa nagmamahalan ang mga ito. Sa bahay naman nila Yanyan ay kinakabahan na ito sa gaganapin mamayang gabi sa mansyon nila Yuan. Iyon kasi ang kauna-unahan niyang pagpunta doon at makikilala ng personal ang lolo at lola ng kasintahan. Idagdag pa na malaking okasyon iyon na dadaluhan ng mga kamag-anak at mga kilalang tao sa iba’t-ibang larangan. Para ngang gusto na niyang umatras dahil natatakot talaga siya. Ngayon pa lang kasi siya makakapunta sa ganoon. Saka natatakot din siya na baka may magawa siya doon na ikapahiya pa ni Yuan. Lalakasan na lang niya ang kanyang loob para kay Yuan. Mahal na mahal niya ito. Kung kabado naman si Yanyan sa gaganaping party mamayang gabi ay ito namang si Yuan ay excited na. Gusto na nga niyang hilahin ang oras para maggabi na. Maipapakilala na niya si Yanyan sa lahat. Ang babaing kanyang gusto ng makasama sa buhay niya. Kung maaari nga lang ay gusto niyang isigaw sa mga taong dadalo sa party ang kanyang pagmamahal at pagiging maswerte nya sa nobya. Mahal na mahal niya talaga ang nobya. ” Bez,excited ka na ba mamayang gabi? ” biglang tanong ni Cleo sa nagbabasang si Yanyan. ” Hindi noh! Kinakabahan nga ako eh. Alam mo namang hindi pa ako nakakapunta sa mga party ng mayayaman eh. Ngayon pa lang tapos para sa amin pa iyon ni Yuan. ” ang sagot ni Yanyan ng maibaba ang binabasang magazine. ” Kunsabagay nga,bez. Kami naman nasa tabi lang kaya hindi kami kabado tulad mo. Kaya mo naman yan,bez. Ikaw pa. ” pagpapalakas ng loob nito sabay kindat dito at muling nagsalita. ” Ako magmakeup sa iyo mamaya ha! Siguradong ikaw ang pinakamaganda mamayang gabi. ” ” Sana nga,bez. ” tanging nasambit niya sa kaibigang si Cleo dahil talagang kabado na siya para mamayang gabi. Nang sumapit na ang gabi ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga bisita sa mansiyon. Hihintayin na lang ang takdang oras talaga ng okasyon. Ngayon pa lang susunduin ni Yuan sina Yanyan. Excited na talaga siya. Hindi niya binisita si Yanyan kanina kaya ngayon pa lang niyang gabi makikita ang nobya pagsundo niya sa mga ito. Excited na talaga siya. Finally maipapakilala na rin niya sa wakas ang kanyang pinakamamahal na si Yanyan sa lahat. ” Tapos na,beezzzz. Ganda-ganda mo. ” ang hindi napigilang sigaw ni Cleo ng matapos niyang makeupan si Yanyan. Ang dalawang kapatid nito ay seryoso lang na nakatingin sa kanilang dalawa lalo sa kanilang ate. ” Ingay mo naman,bez. Over ka! ” nangingiti-ngiting wika ni Yanyan sa kaibigan. ” Ang ganda mo,ate Yanyan. ” nasambit na wika ni Ricky na titig na titig sa kanya. ” Hindi lang maganda kundi napakaganda. ” ang pagtatamang tugon ni Emman. ” Mga kapatid ko talaga kayo at kaibigan. Pinagbobobola ninyo ako. ” pagtataray niyang wika sa tatlo habang sinisipat ang kanyang sarili sa salamin. Simple lang naman ang kanyang suot. Long dress na kulay pink lang ang kanyang suot na nabili niya lang sa palengke. Tinernuhan niya ito ng kwintas,earrings at 2 inch high heels. Gusto siyang bilhan ni Yuan kaso tinanggihan niya ito at sinabing kapag nagpilit ay hindi na siya pupunta sa party kaya hinayaan na lang siya ni Yuan sa gusto niya. Pero hindi naman siya nagkamali dahil kahit simple at mura lang ang kanyang suot ay lumabas naman ang kanyang angking ganda at hindi mahahalatang mura lamang ang suot. ” Of course not, ate maganda ka naman po talaga. Lalo pang gumanda dahil naayusan ka. ” ang paliwanag ni Ricky sa sinabi niya. ” Tama si Ricky. Wala ka talagang kasingganda, Yanyan. ” hirit bigla ni Yuan na ikinalingon ng lahat. ” Andiyan ka na pala,kuya Yuan. Ang guwapo-guwapo mo po. ” guwapong guwapong wika ni Emman at sinalubong si Yuan. ” Ikaw rin naman at kuya Ricky mo guwapo rin at ate Cleo nyo maganda rin pero mas maganda pa rin si Yanyan. ” sabay kindat sa nobya. ” Mag-cheezzy na naman kayong dalawa diyan. ” tukso ni Cleo at niyaya ang dalawang kapatid ni Yanyan na lumabas na ng silid para makapag-usap ang dalawa. Nang sila na lang dalawa ang nasa silid ay nag-usap sila tungkol sa party. ” Are you ready for tonight,love? ” tanong ni Yuan sa nobya dahil ramdam nito na kabado si Yanyan. ” Still nervous,love pero alam ko namang hindi mo ako papabayaan mamaya eh. Kaya okey na ako. ” nakangiting sagot ni Yanyan sabay buntong-hininga. ” That’s my girl. Ang ganda mo talaga, Yanyan. Mas gumaganda ka pa pala kapag naaayusan. ” malambing na wika ni Yuan sa nobya at unti-unting bumababa papalapit sa labi ng dalaga. Nasa ganoong eksena ng biglang pumasok sa kwarto si Cleo. Gusto man niyang lumabas muli ay huli na. ” Sorry! ” hinging paumnhin nito na naka-peace sign pa. ” Cleo naman! Konting-konti na lang eh. Bitin! ” kakamot-kamot ng ulong wika ni Yuan kay Cleo. ” Bez naman, malapit na eh. ” asar ding wika ni Yanyan. ” Sorry na nga eh. Mabagal lang talaga si Yuan. ” pang-iinis pang lalo Cleo sabay tawa. ” Alis na nga tayo,love bago ko masakal ang napakabait kong bestfriend. ” birong wika ni Yanyan. ” Mabuti pa nga. ” sang-ayon ni Yuan sa biro ni Yanyan. Tawa na lang ang sinagot doon ni Cleo. Pagdating nila sa mansyon nila Yuan ay punung-puno na ng mga sasakyan sa kalsada. Kaya halata mong marami na ngang bisita. May inimbitahan din si Yuan na nakatira din sa lugar nila Yanyan na naging kaibigan din niya doon pati ang naging kaibigan din niyang mga kargador sa palengke. Halos lahat ng mga bisita ay mga mayayaman at kilala sa mundo. Pagpasok nila sa mansyon ang lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa kanilang lahat lalong lalo kay Yanyan na inaalalayan ni Yuan habang naglalakad. Kitang kita ni Yanyan ang mga tingin ng mga tao doon. May mga nakangiti habang pinagmamasdan sila ni Yuan na naglalakad at ang iba naman ay mga nakairap at nakataas ang mga kilay ng mga babae. Alam niya naiinggit ang mga iyon sa kanya dahil kasama niya si Yuan na kahit na sinong babae ay pantasya ito. Sabi na lang niya sa kanyang sarili na sorry na lang ang mga ito dahil ang kanilang pantasyang lalake ay siya ang pinapantasya at minamahal. Nang makapasok silang ganap ay sinalubong sila ng lolo at lola ni Yuan. ” Good evening,hija! You’re so beautiful with your dress. ” nakangiting salubong ng lola Helen ni Yuan sa kanya at bineso-beso siya saka hinalikan si Yuan. ” Thank you and Good evening too, Donya Helen. ” magalang niyang wika dito at bineso beso rin ito. ” Nope! Dont call me Donya Helen,hija. Just Lola Helen. ” nakangiting saad nito at nginitian din niya. ” Yes, hija. Just call us Lolo and Lola. And Yuan is right your gorgeous and beautiful. ” ang sambit naman ng lolo ni Yuan na si Don Enrico at hinalikan siya sa kamay. Kahit na matanda na ang mga ito ay kita pa rin sa mga itsura ng mga ito ang kagandahan at kaguwapuhan. Halata mo rin sa mga ito na mahal nila ang isa’t isa. ” Thank you po,Lolo and Lola. ” pagpapasalamat niya sa mga ito. ” Pagpasensyahan nyo na po si Yanyan kasi kinakabahan po yan eh. ” wika ni Yuan sa dalawa. ” Dont be,hija. We cant eat you. ” pagbibiro ni Don Enrico sa kanya. ” Yeah! He’s right. ” segunda naman ni Donya Helen. ” Anyway,Lolo and Lola I would like you to meet Ricky,Emman and Cleo. Yanyan’s brother and betfriend. ” pagpapakilala ni Yuan sa tatlo. ” Really,apo?! Glad to meet you. ” masayang tugon ng dalawang matanda. ” Glad to meet you too. ” sagot din ng tatlo. ” Maiwan po namin muna kayo diyan,lolo,lola. Hatid lang po namin sila sa table nila. ” ” Sige,apo. ” Bago magsimula ang party ay nagsalita na si Yuan sa maliit na stage. ” Hello po sa inyo! Magandang gabi po. Marami nga po palang salamat sa pagpunta ninyo ngayong gabi. Alam ko po mga busy po kayong tao pero gayunpaman ay pinaunlakan nyo pa rin po ang imbitasyon ko. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na ang araw po na ito ay napakahalaga para sa akin. Ito po kasi ang matagal ko ng hinihintay na araw para ipakilala sa inyong lahat at sa buong mundo ang isa sa pinakaimportanteng tao at pinakamamahal ko sa buhay ko bukod sa lolo at lola ko. Mula ng makita ko siya binihag na niya ang puso ko lalo pa ng makilala ko siya ng lubos. Masasabi kong nakita ko na ang babaing pag-aalayan ko ng buong buhay ko at gusto kong maging ina ng dalawang dosenang magiging anak namin. Gusto ko pong makilala ninyo ang mahal na mahal ko. ” sabay lapit sa nobya at inalalayang makaakyat sa stage saka muling nagsalita. ” Siya po si Yanyan. Ang sinasabi ko po kaninang bumihag na ng puso ko sa simula pa lamang. Yanyan,gusto kong malaman mo at malaman ng lahat na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko buong buhay ko. ” ” Mahal na mahal rin kita, Yuan. Mas mahal kita. ” tanging nasabi lang ni Yanyan sa kanya. Kahit maikli lang iyon ay tagos naman sa kanyang puso iyon. Hindi pa kasi siya nakakabawi sa ginawa ni Yuan kaya iyon lang ang kanyang nasabi. Nagulat kasi siya sa mga ginawa nito. Mas lalo pa siyang nagulat sa sumunod na ginawa ni Yuan. Lumuhod ito sa harap niya habang may hawak-hawak ng pulang lalagyan. ” Will you marry me, my precious? ” seryosong tanong niya habang nakaluhod. Maging ang mga bisita ay nagulat din sa ginawang iyon ni Yuan. Matagal- tagal bago nakasagot si Yanyan dahil hindi niya inaasahan iyon. Buong akala niya kasi ay ipapakilala lamang siya nito sa mga taong naroroon. ” Ginulat mo naman ako,Yuan. I dont know what to say but a BIG YES. ” nakangiting sagot ni Yanyan na parang walang taong nanonood at nakikinig sa kanila. Sa narinig na iyon ay hindi napigilan ni Yuan ang hindi mapalundag sa tuwa. ” Talaga?! Yes,yes,yes. ” ang wika nitong naglululundag sa saya. ” Yes, Yuan. I’ll marry you. ” Isang halik sa labi ang sinagot doon ni Yuan. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay may naramdaman silang pareho na parang may gumagalaw-galaw sa kanilang tiyan. Unang halikan palang nila iyon at unang halik ni Yanyan. Walang kasing sarap sa pakiramdam. Kay tamis ng halik ni Yuan. Ang labi nito ay kay lambot na ayaw na niyang tantanan. Bawat halik nito ay kanya ng tinutugon. Ginagaya na lamang niya ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Tumagal din ang kanilang halikan ng mga minutes. Nang bumalik lang ang kanilang katinuan ay saka lamang sila naghiwalay at natatawang hinarap ang mga bisita nila na masayang nakatitig sin sa kanila. ” Sorry,guys. Nawala kami sa sarili. May audience pala kami. ” tatawa-tawang hinging paumanhin ni Yuan. ” Okey lang,Yuan. We’re happy to both of you. ” sabay-sabay na wika ng mga nandoon at nagrequest pa ng isang kiss na kanila namang pinaunlakan. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang tao ang naroon na hindi nagugustuhan ang mga nagaganap. Ito ay sina July at Vinia. Parehong galit sa nagaganap. ” Hindi dapat matuloy ang kasal ninyo. Hiiinndddiiiii! Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kanya, Ianna” sigaw sa sarili ni July at nanlilisik sa galit na nakatingin sa dalawa. ” Akin ka lang, Yuan. Akin ka lang. Magiging akin ka,Yuan. Akin lang. ” sabi ni Vinia sa sarili habang galit na galit na nakatingin kina Yuan at Yanyan. Nang matapos ang anunsiyong iyon ni Yuan ay sabay na silang bumaba sa stage at hinarap ang kanilang mga bisita. Kapwa masaya ang mga ito sa kanila at ang halos lahat nga ay nagsabing kunin silang ninong at ninang sa kasal nilang dalawa na tinanggap naman nila. Sobra rin ang sayang nadarama ng lolo at lola ni Yuan sa nagyari dahil batid ng mga ito na talagang nagmamahalan sila ng kanilang mahal na apo. Sabi pa nga ng mga ito ay bilisan na nila ang kasal kasi gusto na nila makita ang magiging apo nila sa kanilang dalawa. Sila rin ay lumapit sa kaibigan ni Yuan na sina Kenny at July. “Congrats to both of you. ” salubong na wika agad ni Kenny sa kanilang dalawa. ” Thank You,Kenny. ” wikang sabay nila Yuan at Yanyan. ” Saka nga pala,Yanyan I want you to meet my balikbayan friend si July. ” pagpapakilala ni Yuan sa kaibigan kay Yanyan. Hindi kita ni Yanyan ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya pero batid nito na kausap nila ito. Kaya naman laking gulat niya ng humarap ito at mabatid kung sino ito. ” Glad to meet and to see you, Yanyan. Im July. ” makahulugang wika nito sa kanya sabay halik sa kanyang kamay nito at hindi agad binitiwan ang kamay niya. Nakakatitig lang ito sa kanya ng makahulugan. Hindi pa sana siya magsasalita at bibitiwan ni July kung hindi lang nagsalita si Yuan. ” Something wrong?” tanong nito na ang tinig ay nag-aalala. ” Nothing, Yuan. Glad to meet you too, Ju-juli- July pala! kinakabahang sagot ni Yanyan. Pero hindi kumbinsido si Yuan sa sinagot sa kanya ni Yanyan. Parang meron siyang dapat na malaman na hindi niya pa alam kung ano. Itatanong na lang niya iyon sa mga susunod na araw. ” Sige,guys mauna na muna kami ha! Mamaya na lang ulit. ” paalam na lang niya sa mga ito. Ang kanyang kaibigan na si Cleo at ang dalawang kapatid ay masayang masaya rin sa kanilang dalawa ni Yuan. ” Kakasal ka na,bez. Im happy for you. ” masayang wika ni Cleo na naiiyak iyak pa. ” Over ka naman,bez. May paiyak-iyak effect ka pang nalalaman diyan. Pero thank you,bez. ” ” Over ka diyan! Masaya lang ako kasi nakita mo na ang iyong prince charming. ” ” Kaya ikaw maghanap ka na rin. Sige,kain ka pa,bez. ” ” Nasaan na ba si Yuan? Para maaway ko. Lokong ‘yon hindi sinabing yayayain ka ng magpakasal. ” ” Ako rin kaya hindi sinabihan. Nagulat kaya ako. Para nga yata akong tanga doon sa stage kanina hindi ako nakasagot agad. ” tatawa tawang litanya niya. ” Oo nga,bez. Para kang tanga. Mabuti nga hindi ka nagwalkout eh. ” birong sambit nito. ” Loka! ” tanging tugon niya at pareho na silang tumawa. Si Yuan naman ay pumunta sa dalawang kapatid ni Yanyan. ” Okey lang ba kayo dito? Kain lang kayo. ” tanong niya sa mga ito. ” Oo naman, kuya. Congrats nga pala sa inyo ni ate,kuya. ” sabay na sagot ng dalawa. ” Huwag mo pong lolokohin si ate kundi kame makakalaban mo. ” banta ni Emman kay Yuan at tinikom ang dalawang kamao. ” Katakot ka naman,kuya Emman. Siyempre hindi po. Love ko ate nyo eh. ” paninigurado niyang sabi sa mga ito. ” Alagaan at huwag mo pong sasaktan si ate ha,kuya Yuan. ” sabi naman ni Ricky. “Talagang mahal ng dalawang ito ang kanilang ate. ” sabi niya sa sarili bago sumagot kay Ricky. ” Oo naman. Kahit hindi ninyo sabihin yan sa akin. Hinding hindi ko sasaktan at aalagaan ko talaga ang ate ninyo kahit kayo aalagaan ko. Hindi lang ate ninyo ang mahal ko kundi pati kayong dalawa. ” seryoong wika niya sa mga ito. ” Aasahan namin at tatandaan yang sinabi mo,kuya. ” sagot ni Ricky. ” Oo ba! Sige kain na muna kayo diyan. Puntahan ko lang mga kaibign ko ha! Babalikan namin kayo diyan ng ate nyo. Kain lang kayo diyan. ” Nang nakalapit na siya sa kanyang mga kaibigan ay masaya na naman siyng binati ni Kenny. ” Congrats ulit,pare. Ikakasal ka na. ” bati ni Kenny sa kanya at niyakap pa siya. ” Thank you,pare. Kinabahan pa nga ako. Akala ko hindi sasagot si Yanyan kanina. Mabuti talaga pumayag siya. ” masayang sabi niya. ” Huwag ka lang pakasiguro, Yuan. Malay mo bukas maghiwalay na kayo. ” hirit naman bigla ni July sabay tawa. ” Ano’ng sabi mo, July? ” ang pagpapaulit na tanong ni Yuan sa tinuran ng kaibigan. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng kaibigan. Ito naman ay napansin din ni Kenny kaya naman pumagitna na ito sa mga ito. ” Oooppsss! Walang pikunan. Im sure July is just joking. ” awat na nito sa puwedeng mangyare sa dalawa. ” Just kidding,pare. Hindi ka na mabiro. ” bawi naman nito sa una niyang sinabi pero talagang seryoso siya ng sinabi niya iyon kanina. ” Hindi nakakatuwa ang biro mo,pare. ” pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Nang hinahanap ni Yuan kung nasaan na si Yanyan ay nagkasalubong silang dalawa ni Vinia. ” Hello,my honey Yuan! How are you? ” nang-iinis na salubong na tanong ni Vinia kay Yuan. ” Dont call me honey, Vinia. What are you doing here? As far as I remember you’re not invited here. ” ang galit na wika niya dito. ” We’ll as far as I remembered too,we’re not yet broke up. So it means your still my honey and im your legally girlfriend not that woman. ” galit na ding wika ni Vinia. ” We’re already broke up a year ago. Ako ang nakipagbreak,di’ba? ” pagpapaalala niya. ” Did I say Yes,we’re break? ” pang iinis niyang sagot dito. Hindi nakasagot si Yuan dahil iyon naman ang totoo. Hindi ito pumayag sa pakikipagbreak niya dito. ” See,hindi ka nakasagot dahil tama ako. You’re still mine, Yuan. ” ” Dont you dare make a scene here, Vinia. Can you please go? ” pakiusap niyang sabi dito. ” Sige,pagbibigyan kita, Yuan. Aalis na ako. Pero hindi pa ito ang huling pagkikita natin, Yuan. ” sambit nito bago siya hinalikan sa labi. Nang makaalis na ito ay naihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at saka malalim na bumuntong hininga. Maging si Yanyan din ay hinahanap ang kinaroroonan ni Yuan ngunit imbes na si Yuan ang kanyang matagpuan ay si Julio ang kanyang nakita. Gustuhin man niyang lumayo dito ay nakita na siya nito. ” Ianna,sa wakas nakita na rin kita. ” wika ni Julio at mabilis na niyakap si Yanyan na ikinagulat naman nito. ” Ano ba,Julio may makakita sa ginagawa mo. ” saway niya dito at pilit na kumakawala sa yakap nito. ” What’s wrong,Ianna? Nagmamahalan tayo. Mahal kita at miss na miss kaya kita niyayakap ngayon. ” pamimilosopo nito. ” What’s wrong, Julio? Tinatanong mo ako? Itong ginagawa mong pagyakap sa akin at pagsasabi mo ng pagmamahal mo,Julio ito ang mali. ” saka mabilis na humiwalay sa pagkakayakap ni Julio. ” Ano’ng mali? Totoo namang mahal natin ang isa’t isa eh. Alam kong mahal mo ako, Ianna. ” ” Hindi na kita mahal,Julio. Si Yuan na ang mahal ko at alam mong ikakasal na kami. ” ” Hindi ako naniniwalang hindi mo na ako mahal,Ianna. Papatunayan kong mahal mo pa rin ako. ” at muli na naman siyang niyakap ni Julio. ” Let me go, Julio. Hindi na kita mahal. Hindi na! ” pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niyang nag-iisa si Julio ng makawala ulit siya sa yakap nito. Nang mga sandaling iyon ay hindi alam ni Yanyan kung saan siya kumuha ng lakas para masabi iyon kay Julio. Ayaw man niyang gawin iyon sa binata ay wala na siyang pagpipilian. Ayaw na niyang umasa pa ang binata na mahal pa rin niya ito. Iyon naman kasi ang totoo hindi na niya talagang mahal si Julio kundi si Yuan na ang kanyang mahal. At mamahalin habambuhay. Sa pag-uusap na iyon nila Julio at Yanyan ay hindi nila batid na may nakakakita sa kanila si Vinia na iba ang nasa isip. ” Akala mo kung sinong mahinhin.Malandi pala! Lalandi lang sa kaibigan pa ni Yuan. Kawawang Yuan. Kailangan niyang makita ito. ” usap ni Vinia sa sarili habang tinitingnan ang kuha niyang magkayakap sina Julio at Yanyan. Pero ang totoo ay si Julio lamang ang nakayakap at nagpupumiglas lamang si Yanyan kaya aakalain mong magkayakap ang dalawa. Habang pabalik na siya sa party ay nakita niya si Yuan sa isang sulok na tahimik lang na nanonood sa mga taong nagsasaya. ” Nandito ka lang pala,love. Hinahanap kaya kita. ” bungad na ani ni Yanyan ng makalapit sa kinaroroonan ni Yuan. ” Nag-cr kasi ako,love kaya siguro hindi mo ako nakita. ” pagsisinungaling niya. ” Lalim yata ng iniisip mo kanina,love? pag uusisa niya. ” Hindi ah! Masaya lang ako kasi pumayag kang magpakasal sa akin. I love you,my precious. ” ” I love you too,love at sayo lang ako naging masaya ng ganito. ” sabay yumakap kay Yuan. Habang magkayakap silang dalawa ay napansin iyon ng mga tao na nandoon kaya tinukso sila ng tinukso ng mga iyon at humihingi pa ng isang kiss na kanila namang pinagbigyan. Sa pangalawang pagkakataon ay muli na namang nagtagpo ang kanilang mga labi. Mas malalim ang kanilang halikan ngayon kumpara kanina. Nang mga sandaling iyon ay kapwa nila parehong nakalimutan ang kanilang problema sa naging bahagi ng kanilang buhay noon. Sasabihin naman nila iyon sa isa’t isa ngunit hindi pa nila alam kung paano sabihin ngayon. Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ang party at isa-isa ng nagsialisan ang mga bisita nila. Sa mansyon na matutulog ngayong gabi si Yanyan kasama sina Cleo at dalawa niyang kapatid. Lima naman ang kuwarto sa mansyon kaya hindi problema kung saan sila matutulog. Hindi pa nga kasama doon ang guestroom. Sa isang kuwarto ay magsasama na lang sina Ricky at Emman at sa isang kuwarto ay silang dalawa ni Cleo. Gusto nga sana ni Yuan na sa kuwarto na lang niya siya matulog ngunit kanyang tinutulan talaga. Mabuti na lang talaga hindi na nagpilit pa si Yuan dahil baka pumayag siya sa bandang huli.

Talakayan

10 thoughts on “Chapter 9 : Finding My True Love

  1. Kakahilo basahin dugtong dugtong ang pag sulat sakit sa mata.

    Posted by sushibar | Pebrero 21, 2014, 4:10 umaga
  2. Hala. . War na to. .

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 3:13 umaga
  3. kaloka ang chapter n to. super corny..taz ang hba po mxado ng narRation. boring at mhrap basahin..:)

    Posted by aileen | Oktubre 16, 2013, 11:25 hapon
  4. sorry po peo ang hirap po basahin.. hehe..

    palagay po sna ng proper spacing para mas maenjoy ang pagbbasa..

    slamat po..

    loving the story so far..

    exciting.. ^^

    Posted by edely acilo | Mayo 29, 2012, 1:04 umaga
  5. YES!!!engage na sila!!!
    hahaha!!ang saya aman! ;;)
    kaso may mga epalerz!!!
    Ahmf!!!kainix aman!!
    Epal tong vinia nato kapal mukz tlga! Over!!
    to aman c julio!ayao pa i let go c yanyan !
    kaatar!!daming epalerz!!

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 1:46 umaga
  6. kakahilo chapter na ito.hehe

    wala man lang proper spacing..hehe

    oks lang.

    Posted by Lyn | Nobyembre 28, 2010, 9:27 umaga
  7. grrr! EPAL naman ni Vinia ai! looser!
    at si Julio naman, talo na ayaw pa tumigil. partly ksalanan naman nia kung bkt hnd na nia gf si Yanyan!
    kaibigan pa naman xa ni Yuan! what a friend o! tsk :’>

    Posted by alexis | Nobyembre 10, 2010, 8:40 hapon
  8. Kakabitin po..Next Chapter po please…….
    Exciting talagah….

    Posted by Mariegabbie | Hulyo 4, 2010, 9:26 umaga
  9. i’m so thrilled to this story..next chapter pls…

    Posted by eithak | Hulyo 2, 2010, 3:48 hapon
  10. Kakainiz hay!! May asungot pa

    Posted by lappa | Hulyo 2, 2010, 12:36 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hulyo 2010
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: