binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 9: Ever Since

CHAPTER 9 LAINe SERIES: JEW & DREI

Thursday afternoon

“Dammit, Damn, Dammit” sunod-sunod na sambit ni Jew habang inis na sinipa ang gulong ng sasakyan niya. Naiinis siya na dinayal ang number ni Demi and to her dismay out of reach iyon.

“Lucky day Jewish” iiling-iling na napahilamos ng palad niya sa mukha habang lilinga-linga sa paligid na lalo lang niyang kinairita dahil nasa highway siya kung saan madalang dumaan ang mga sasakyan at motorista.

Kundangan naman kasing pinili pa niyang personal na pumunta sa flower farm sa Batangas na pagkukunan ng mga fresh flowers na gagamitin sa grand ball sa darating na Sabado. Well ginusto naman niya talagang personal makita ang mga flowers para makapili siya, she’s in details pagdating sa party dahil syempre first time mag-request sa kanya ang fiancé niya so she wanted it perfectly done.

Naging okay naman ang transaction at pricing na nakuha niya mula sa mag-asawang may-ari ng farm, ni-refer kasi iyon ni Joseph sa kanya ng mag-usap sila the other night through phone dahil nasa Hong Kong ito pero sinabing kinausap na nito last week pa ang mag-asawa kaya sure ito na mahahandle ang lahat ng orders na need niya for the event gaano man iyon karami. Higit pa roon ay binigyan pa siya nito ng special delivery sa PICC kung saan gaganapin ang naturang event.

Kaya lang, nang on the way na siya pabalik ng Manila ay heto at flat ang gulong niya, buti man lang kung isa lang dahil marunong naman siyang magpalit ng reserba kaya lang ay napag-alaman niyang parehas palang sumabog ang gulong niya sa kanang harap at likod. Buti na lamang at mabagal lang ang patakbo niya at nagawa pa rin niyang maitabi sa gilid ng tinampo ang kanyang sasakyan. Matagal na rin siyang nakatayo habang nakasanday sa gilid ng kotse niya dahil baka sakaling may dumaan roon at matulungan siya, habang walang humpay din ang pag dial niya para macontact si Demi dahil hindi naman niya pwedeng tawagan si Mosh na nasa Palawan pa at ng mapatingin siya sa langit ay – “God, no rain please, not now” dalangin niya ng makitang dumidilim ang kalangitan at biglang kumulog ng bigla na lang -.

“Jewish?” it was a soft and sweet masculine voice at alam ni Jew na ilang linggo ring na-miss niya ang boses na iyon.

Pilit siyang ngumiti at maging kaswal rito ngunit hindi niya maipaliwanag ang bilis ng silakbo ng dibdib niya “D-Drei, h-hi” ‘hell bakit naman kailangang mag-stammer pa siya’ nakita niyang nagmamadali itong bumaba ng sasakyan nito at lumapit sa kanya.

“What are you doing here? I thought it was just my eyes fooling me ng madaanan kita, yun pala totoong ikaw, good thing I pull in, problem here?” nasa himig nito ang pag-aalala

“Err..ahm..you see Flat, okay na sana dahil kaya kong palitan ng reserba yung isa kaya lang meron pang isa pala” compose niyang sabi sabay tingin naman ni Drei sa kotse niya.

“I see, I will call some help, hindi naman kasi pwede yung riserba ko diyan, ipapa-tow ko na lang yan sa mekaniko ko, don’t worry” mahinahong sabi nito

Bigla siyang kinabahan, why the man still manage to be cool towards her at para bang walang nangyari “Ah, hindi na, I’m calling my assistant and sure na dadating rin siya in just few minutes”

“Yan bang assistant mo eh nasa centro lang ng Batangas?” malambing na tanong niya.

“H-huh?” naalarma siya sa mukha nitong nakatitig sa kanya.

“Because you see Jew kung ang sinasabi mong assistant na parating na ay magmumula pa sa office niyo sa Makati ay malamang-” he glance at his watch “Baka gabi na ay nandito ka pa rin sa kalsada” nang-uuyam itong ngumiti saka naman-

Biglang tumunog ang phone ni Jew, at lalo pa siyang naaburido ng makitang nag battery empty signal iyon sabay off na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Drei. “Damn” bulalas niya

Pilyong ngiti ang sumilay sa bibig nito “So Jew, do you need my help or not, because the truth is, I don’t want to be late with my meeting, so it is as if your coming with me or you stay here and get rob or worst case scenario – ” sabay tingin niya rito mula ulo hanggang paa at mukha namang nakuha ng dalaga ang ibig niyang sabihin dahil rumehistro sa magandang mukha nito ang pagkabahala.

She bit her lower lip na hindi naman nakaligtas sa paningin ni Drei “Okay Fine, pero sandali saan ka ba papunta?” pag aatubiling tanong niya

He clears his throat “Well if your not in a hurry, may i-memeet akong isang possible supplier na nasa Anilao resort at five, after that, going back to Manila”

“Okay then I can hitch hanggang sa centro bus terminal going to Manila, if that’s okay with you?.” Saad niya ng napasigaw siya ng biglang kumidlat “Ayy” awtomatikong napahawak siya sa kanyang dibdib.

“Okay ikaw ang bahala” animoy di man lang alintana ang pag kidlat “So lets go, mukhang uulan na, don’t worry, first thing in the morning ay ayos na ang kotse mo at ipapadeliver ko sa condo niyo.” Sandali itong nag-dial over phone at may kinausap na tauhan habang si Jew naman ay inayos ang mga gamit niya sa car at kinuha ang mga importanteng bagay roon, Good thing girl scout siya at may clothings pa siyang dala sa compartment niya.

“So Jew, san ka ba galing at naisipan mong mag-drive alone dito sa Batangas?” basag nito sa halos trenta minutong katahimikan nilang dalawa, habang nakatutok pa rin sa driveway ang mga mata nito. ‘God he missed the lady so much, at kung hindi nga lang mali dahil engage na ito ay gusto niyang ikulong ito sa mga braso niya at halikan.’

She manage to be natural kahit sa palagay niya ay parang napaka-awkward ng moment, sa halip ay inisip niya na lang na parang si Mosh lang ang kausap niya para mapalagay siya “Ahh..Uhm I came here to personally check yung mga flowers na gagamitin para sa event na inaayos ko, unfortunately on my way out sa Batangas proper pabalik ng Manila ay yun na nga, na flat ang tire ko.”

“Siguro naman hindi mo iniisip na kasama ako sa misfortune mo ng ako pa ang nagkataong mag-rescue sayo” ngiting biro niya na ikinataas ng kilay ni Jew kaya “oops, just kidding.” marahan itong tumawa

Gusto sanang bumuka ng bibig ni Jew para tanungin ito tungkol sa flowers na pinadala nito sa kanya last week at kung kumusta ang ang engagement nito kay Eve at kung gaano kakapal ang mukha nito?, pero nanatiling nakatikom lang ang bibig niya dahil ayaw niya ng pahabain pa ang pag-uusap nila.

Tumingin siya sa rear view at nakitang kumakapal na ang moist nito dahil sa lakas ng ulan “Heavy rain, ngayon pa talaga” naalarma siya ng maya-maya ay nakita niya ang check point at pinatitigil sila sa tabi.

Nabahala itong tumingin kay Drei “What’s it Drei? Bakit may checkpoint?, wala naman yan kanina”

“We’ll find out after this” saka may pinindot na button at automatic na bumaba ang window sa side nito. “Sir ano po bang problema?” tukoy nito sa pulis na nakasuot ng kapote at may payong na hawak.

“Sir pasensiya na po sa abala, kaya lang pina-close na ang daan papasok ng centro dahil nag kagulo ang mga mamamayan sa kalokohan nung mga taong nagpapakalat na may tsunami alert daw, dahil sa lakas ng ulan” mahinahon ngunit maawtorisadong pahayag nito. “Hindi naman po yun totoo pero ayaw ring i-risk ng gobyerno ang mga tao kaya mas mabuti po kung bumalik na kayo at maghanap ng pinaka malapit na hotel, mas lalakas pa daw po ang ulan sabi sa Pag-asa.

Kinabahan siya bigla hindi dahil sa tsunami alert kuno kundi dahil sa pinababalik sila ng pulis, meaning wala siyang choice kundi makasama si Drei “Eh manong pulis baka pwede padaanin niyo na kami, hanggang terminal lang naman ako at itong kasama ko babalik na rin agad pagkahatid sakin-“ singit niya, she can’t afford to be with this man for another hour even a night.

Napangunot-noo ito “Eh pasensiya na po Ma’am, traffic na kasi sa sentro at anytime tataas na ang tubig, mula dito kung papayagan namin kayong makadaan ay fifteen minutes pa ang byahe at anumang oras ay tataas ang tubig, baka ma-stranded pa kayo, mas malaking problema iyon. Saka hanggang dito na lang po talaga ang boundary ng mga sasakyan papasok rito samin at wala ho kayong choice kundi bumalik na lang talaga.” mahabang paliwanag nito “Huwag kayo Ma’am mag-alala, sigurado po kaming maraming hotel sa daan pagbalik niyo.”

“Its okay sir, ako ng bahalang mag explain sa kasama ko, sige po babalik na kami” mahinahong sabad nito na ikinabahala naman ni Jew.

“Sige din po sir salamat, dito na lang po kayo bumaling” magalang na saad ng pulis at saka tinuro nito ang bakanteng lote para makaatras sila.

–=-=-=-=–

Hotel Amy

Hindi siya mapakali, kanina lang ay nakikipagtalo siya sa receptionist ng hotel para mabigyan siya ng sariling kwarto pero nabigo lang siya.

‘Ma’am sorry po talaga, isa na lang ang available room namin, nakita niyo naman po sigurong madaming tao ngayon dahil sa lakas ng ulan’ mahinahong saad nito.

‘Jew don’t make a scene here, baka isipin pa nila na isa akong rapist kaya ganyan ka nalang makatanggi na makasama ako sa room, sakin ay okay lang naman maghanap pa tayo ng ibang hotel kaso ang inaalala ko ay paano kung wala na tayong room na makuha pa? Ayaw kong matulog sa kalsada atleast dito secured ang park ng kotse ko.” Mahabang bulong nito kay Jew at wala namang nagawa ang huli.

At ngayon nga, the nerve, hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya, nasa shower room ito at rinig na rinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula roon, at split second naisip niya ang yatch party, ang matipunong katawan ni Drei, ano kaya ang hitsura nito kung totally naked na ito- sandali siyang natigilan at pinilig pilig ang ulo para iwaksi ang iniisip na pantasya.

“Jew I’m done, ikaw na” malambing na sabi nito pagkalabas ng banyo.

Napasinghap siya ng matitigan ang lalakeng tuwalya lang ang tapis at lantad na lantad sa kanya ang halos kahubdan nito kaya bigla siyang nag-iwas tingin ng mapansing nakangiti sa kanya si Drei buti na lang at may nag-doorbell, nakabawas iyon sa pagkapahiya niya.

“I think that’s our food, I’ll get it, now take your shower so we can eat after, I know your hungry” saad nito na ikinatango lang ni Jew at dali-dali ng pumasok sa shower room.

An hour later

“Jew get out there, almost an hour ka na diyan at malamig na ang pagkain mo, don’t worry I wont bite, come out honey” panunudyo nito habang prenteng nanunuod ng t.v.

Samantala sa loob ng banyo ay pulos kaba na ang nararamdaman ni Jew, hindi niya kasi mawari ang nararamdaman niya lalo na at mula pa kanina ng pumasok siya roon ay panay ang check sa kanya ni Drei  kung tapos na siya, sa palagay niya ay nakakain na rin ito. Sa totoo lang ay kanina pa siya bihis pero hindi pa rin siya kumportableng lumabas “Matagal talaga akong maligo, ano bang problema mo?” tinarayan niya ang boses “Why don’t you sleep I’m sure pagod ka na rin, I can manage myself”

“Okay ikaw ang bahala”

Narinig ni Jew na sagot ng binata at narinig din niya ang pag switch off ng lights, nagtagal pa siya ng limang minuto sa banyo ng makapag decide siyang lumabas na, nagulat pa siya pag labas niya ng may biglang yumakap sa kanya na ikinasigaw niya “Ahhhhy” mula sa ilaw na galing sa c r. ay nakita niya ang mukha ni Drei na nakangiti sa kanya. “Drei ano ba?” naiinis na sita niya samatalang halakhak lang ang tugon roon ni Drei.

Kagyat siya nitong inilayo ngunit hindi pa rin siya binitawan habang pinaikut-ikot siya nito animoy nagsasayaw sila. Pinilit niyang tumawa para pagtakpan ang kakaibang damdaming biglang bumalot sa kanya dala ng mahigpit na pagyakap nito sa kanya kapag pinapaikot siya nito tapos ibabalik sa mga bisig nito.

“Come on Jewish, let’s dance more” ang swabeng boses nito at samyo ng hininga habang malakas na tumatawa ang nagpapakaba lalo kay Jew.

“Nasisiraaan ka na ba?” kung dati ay pa asik siya siguro sa pakikitungo sa lalake, ngayon ay pakiramdam niya ay parang safe siya at mukhang nahahawa na rin siya sa mabining tawa ng binata na animoy musika sa kanyang pandingig. Tumatawa na rin siya habang patuloy pa rin si Drei sa pagpapa-ikot sa kanya habang karga siya nito. Para silang mga batang masayang naghaharutan, na noon naman naramdamn ni Jew na ngayon na lang pala niya ulit naramdaman ang ganitong klasing kaligayahan na sa simpleng pagsayaw at pagtawa parang nabura lahat ng sama ng loob na meron siya sa lalake.

Nang ibaba siya nito ay hindi siya nito agad pinawalan. Napatitig siya sa mga mata nito.Nagniningning ang mga iyon, bakas ang kasiyahang ayon doon ay nadarama nito. Kapagkuwan ay tila nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Nawala na rin ang ngiting nagpapaaliwalas sa mukha nito. Ramdam niya ang tensiyong biglang bumalot sa kanila, it was the same tension that sprung up between them every now and then. Tensiyon iyon na dulot ng awareness nila sa isa’t isa, kung dati ay inis at galit ngayon ay hindi na maipaliwanag ng puso niya.

Bumilis ang sasal ng dibdib niya. Bumilis din ang paghigit niya ng hangin na tila kinakapos siya ng oxygen. Dapat siguro ay lumayo na siya rito pero para siyang pansamantalang naparalisa.

“I’ve dream of holding you like this.” Usal nito, “I shouldn’t but I couldn’t stop myself.” At mariin niyang siniil ng halik ang dalaga.

“Drei-” The rush of heat that flowed through her the instant their lips met was mind-blowing. She never expect that fire burning flames over her. Marahil ay dahil na rin iyon sa matagal niyang pagsikil sa kanyang kalooban.

She had fallen for Drei. She didn’t want to. She didn’t even think it was possible for that to happen given the circumstances. But it did. Patunay iyon ang damdaming nag uumapaw sa kanya at hindi niya magawang sikilin kahit ano ang gawin niya.

The minute she acknowledged the feeling, she was lost. Tuluyan na siyang nawalan ng kakayahang itigil ang nangyayari sa pagitan nila. Imbes ay buong layang tinanggap niya ang halik nito at tinugon niya iyon ng katulad ding init.

Naramdaman na lang niya ng buhatin siya ni Drei at inihiga sa malambot na kama at nagsimula nilang pagsaluhan ang nag-aalab na mga halik kasabay ng pag-aalis ng kanilang mga saplot. Napasinghap si Jew ng madama niya ang paghawak ni Drei sa isa niyang dibdib at ng namnamin iyon nito ng buong tamis. Dahan-dahang tumaas ang halik nito mula sa kanyang dibdib papunta sa kanyang leeg, baba, at muli ay inangkin nito ng nag-aalab ang kanyang bibig habang ang mga kamay nito ay patuloy pa rin ang paglalakbay sa pag-itan ng kanyang mga hita at dibdib.

“Drei, this is..not right” nahihirapang usal niya habang nakadait pa rin ang mga labi niya sa mga labi ni Drei, ngunit sa kaibuturan ng puso niya, she wanted him.

Sandali itong animoy nababaliw na tumigil sa paghalik at tumitig kay Jew “Let’s not care about what is right, Jew” usal nito saka muli siyang hinalikan “Ang alam ko lang ay nababaliw na ako sayo at hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko, love me Jewish..love me..please” hirap at namamaos nitong pagtatapat saka muling inangkin ang mga labi ni Jew. He wanted more. His body was screaming out for more. Hindi siya kontento sa halik na pinagsasaluhan nila. Iyon ay kahit pa nga halos hindi na siya makahinga sa ginagawa niyang paghalik sa dalaga. “Jewish” paanas niya.

Jew take a long breath while lifting her mouth to his, she suckled his lower lip. She heard him moaned and after that was a more deeper and passionate kiss coming from him. Hindi na sapat ang simpleng paghaplos lang nito sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan, kahit pa ang paglalakbay ng mga labi nito sa mga nasabi ring mga bahagi. At ngayon niya napagtanto na she had loved him more at that moment… more than any man she’s been with, more than Joseph, more than Michael.

“Andrei… I want you inside me” mahinang pakiusap niya, hindi na niya alam kung saan nanggaling iyon, basta lumabas na lang sa bibig niya ni hindi man lang siya nahiya. Maybe she just wanted this to happened, Oh how she loved the guy, pati ang sariling bibig niya ay wala na siyang kontrol.

Ubod ng tamis siyang ngumiti “Gladly, honey” ang mga katagang iyon ang nagpapanatag sa kalooban ni Jew. He kissed her again and make their body as one. At doon ay walang humpay na kaligayahan ang pinag saluhan nila sa buong magdamag kasabay ng dumadagundong na kidlat, malakas na hangin at ulan sa labas ng hotel.

–=-=-=-=–

Kagigising lang niya at napakaganda ng pakiramdam niya. Somehow she felt so right, she felt that everything was just made perfect for her ng mga sandaling iyon. Then bigla siyang natigilan- Was it just a dream? or a nightmare? Well hell kung magkagayunman, that would be the sweetest and beautiful nightmare that she ever had experience in her entire life. She felt like complete, like a real woman.

Biglang may gumalaw sa tabi niya. ‘Yes she’s not dreamin’ sambit ng utak niya.

Niyakap siya ni Drei at habang hinaharap nito ang katawan niya rito.
“Hmmm…honey, Good Morning”

At one moment gusto niyang itago ang mukha sa sobrang pagkapahiya dahil sa ginawa niyang mapangahas na pagtugon rito ng nag-daang gabi ngunit natakluban na ang lahat ng kahihiyan niya ng malamyos na tinig ni Drei at sa simpleng gesture nito na pagdampi ng mga labi nito sa sulok ng kanyang mga labi ay animoy kuryenteng nanulay sa kaibuturan ng pagkatao niya.

He smiled at tinitigan ang magandang mukha ni Jew ‘God he’s her first! How can he be so stupid of thinking this past few months that this lady slept with every man she’s been with?’ and now he felt like loving her more sigaw ng utak niya.‘Damn him’. ‘How can this lady be so sensual to look at even in a morning shine, her scent, her skin, oh god lahat ng iyon ay nagpapabaliw sa kanya’.

“Hey stop staring like that” marahan niyang pukaw kay Drei.

“Like what honey?” malambing na sambit niya sabay ngumiti.

Bakit ba ganun na lang kung makahawa ang lalakeng ito sa kanya, siguro if that moment eh iiyak ito ay ganun rin siya, pero since nakangiti ito ng ubod ng tamis pati siya ay napangiti rin “Oh please, don’t be this like, baka maniwala na ako sayo” medyo may pait niyang saad saka inilayo ang paningin sa binata.

“Hey… Jewish, look at me” naalarma ito at hinarap ang mukha ng dalaga na halos butil na lang ang pag-itan nilang dalawa “No pretentions honey… I love you… I love you the moment I’ve seen you entering the hall way of NBC Tent…I’m in love with you and that’s the only thing I felt of what is right” Habang hinahaplos ng marahan ang mga labi ni Jew

In split second, uminog ang mundo niya, ‘How he love the man now, ever since but -’ “God, how about Eve?”

“I should have ask you the same, how about Joseph?” may pait na tugon nito.

Sandaling natigilan si Jew ng biglang nag-ring ang phone ni Drei-
“What?”…. “You sure about this?”… “About an hour, I’ll be there, call the inspection department and tell them that I needed the reports about the scrap” sabay off nito ng phone at bumaling sa nababahalang si Jew

“Any problem?”

“Yeah, little problem with the shipment, Errr.. Jew let’s talk tonight sa condo mo, I will tell you everything and eventually will settle about things…about us, I just need to be in the office as soon as now, let’s go honey, dress up, I’ll explain on our way” Nagmamadali na itong tumayo at nagbihis, ganun rin si Jew ay tumalima.

-+=-=-=+-

Muli ay marami pong salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa seryeng ito…Sana ay maibigan niyo ang huling mga kabanata ng Ever Since… Sana rin ay ibahagi niyo sakin ang mga di malilimutang linya ng bawat karakter sa kwentong ito na tumatak sa inyong isipan..mga nag painis, nagpatawa o nagpakilig man….negatibo o positibo man ang inyong komento ay tatanggapin ko ng buong puso….salamat

Maari niyo rin po akong i-add sa FB : Laine Manunulat kung may mga katanungan kayo ay PM niyo lang ako

o i like ang FB page na: Laine Favela kung inyo pong naibigan ang Ever Since at maari rin kayo doon mag post ng kahit anong inyong ibig ibahagi sa akin at sa mga fellow TOPPERs

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

21 thoughts on “Chapter 9: Ever Since

  1. Waaaaa……so sweet

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 12:46 hapon
  2. hehheeeeh

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 5:14 hapon
  3. Ahem. .

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 2:05 umaga
  4. ooohhh. .so sweet!!
    how i wish everything settle after wat happened to them. .
    kakakilig ung moment nila!
    Over-over!!!. . .har. .har! . . ;;)

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 1:02 hapon
  5. nice storey……. good job writer…….kilig…………….

    Posted by Kj Matu | Pebrero 10, 2012, 3:18 hapon
  6. Wow. . Speechless kakakilig naman te laine ang galing. . . Parang pang PHR n ang gawa mo very nice story ncacaried away 2loy ako gcng pa ako oh my god.best page i thnk

    Posted by jassimplegrl | Oktubre 17, 2010, 5:35 umaga
  7. woow…super love the story..more…more…kilig moments….grabe na..1st tym ko mag comment..

    Posted by locker | Hulyo 4, 2010, 7:14 hapon
  8. awww ala na pong next?>.

    Posted by eizzy | Hulyo 2, 2010, 1:53 umaga
  9. i super love it!!!!!!!!!! God bless!!

    Posted by daicsx | Hulyo 1, 2010, 7:11 hapon
  10. wowwwwwwwwwwww..kakiliggggggggggggggg
    hehehehe
    nxt chapter n poh..
    cant w888888888888888
    good job pohhhhhhhhhhhhh

    Posted by alexis_shawn27 | Hulyo 1, 2010, 6:46 hapon
  11. nicey…….more more plsssssssssss!!!!!!!!

    Posted by Charmae | Hulyo 1, 2010, 1:52 hapon
  12. huh,huh,huh, next chapter na plz….

    Posted by Theresa | Hulyo 1, 2010, 1:31 hapon
  13. .. kilig moments naman.. hay bitin.. we want more..=)

    Posted by ron | Hulyo 1, 2010, 1:06 hapon
  14. Mga Toppers…anu pa nga ba masasabi ko eh di THANK YOU SooOOOOO MUcH for reading…mwaaaahhh..abangan sa sabado ng hapon ang chapter 10….

    PATIKIM chapter 10:

    Jew was nineteen then, Michael was her life, one year ahead sa kanya ito, halos lahat ay naiinggit sa almost perfect relationship nila together, college cager ang boyfriend niya at lahat ng babae ay kaagaw niya rito pero pinapayapa siya nito na siya lang ang babaeng pakaka-ibigin nito. Halos mag-dadalawang taon na silang mag-on ng alukin siya nitong magpakasal.

    “Jewish- babe, let’s get married, marry me please, after your graduation! I have one year to work hard for our business and after we get married” buong pusong hayag nito.

    “Are you sure about this Mic? You really wanted us to get married that early?”

    “I’ve never been sure in my life more than now..to you..to us…I can’t wait you to be wife.”

    “Oh Babe I love you, of course I want to marry you, if it’s just possible, I want it now but -.”

    “That’s all I wanted to hear, I love you too, trust me, and I wanted to make this official’ and they’ve kissed.

    Sandaling natigilan si Jew, that was the same last line that Joseph said at the yatch.

    -=-=–>Bitin ba? sino si Michael? Abangan….

    Posted by Laine | Hulyo 1, 2010, 11:30 umaga
  15. next chapter na po pls…….

    Posted by jendc | Hulyo 1, 2010, 4:28 umaga
  16. excited to read each chapter……

    sooooo……………… nxt chapter pls……

    i know dis sunday nxt post… but anyway i like it.
    🙂🙂

    Posted by ghie | Hulyo 1, 2010, 12:32 umaga
  17. ,,,nxt chapter plz….

    Posted by ,,,alphanz_06,,, | Hunyo 30, 2010, 10:24 hapon
  18. love it….ang ganda n ng flow ng story,..kakakilig talaga….cant wait 4 d nxt chapter!..thanks Ms. Laine…=)

    Posted by Vanet | Hunyo 30, 2010, 7:22 hapon
  19. oh…i really love this story….
    more chapter please

    Posted by Khira | Hunyo 30, 2010, 5:49 hapon
  20. waaaaaaaaaa!!!!!! excited na ako sa next chapter!🙂 nakakakilig, superb!!!!!🙂

    Posted by xxBunZxx | Hunyo 30, 2010, 5:01 hapon
  21. I love it…zo exctd nxt chap na plz..

    Posted by lappa | Hunyo 30, 2010, 3:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: