binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 8 : Finding My True Love

Tulad ng gusto niyang mangyare ay niligawan pa rin siya ni Yuan kahit na sila ng dalawa nito. Mula ng maging sila nito ay lagi na masaya ang dalawa. Hindi na nga sila mapaghiwalay na dalawa. Kapag magkasama ang dalawa ay parang humihinto ang mundo ng mga ito. Makikita mo talaga sa mga itsura nito ang walang katapusang kaligayahan. Minsan nga ay naiirita na sa kanila si Cleo dahil sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

” Maghanap ka na rin kasi ng lovelife mo, Cleotilde. Para may partner ka na rin. ” wika niyang sabi sa kaibigan.

” Oo nga. Para hindi ka mainggit sa amin. Gusto mo ipakilala kita sa kaibigan ko? Single din iyon tulad mo. “
tatawa- tawang sang-ayon na sambit ni Yuan.

” Che! Tigilan ninyo akong dalawa diyan. Masaya ako sa pagiging single ko. Huwag lang kayong masyadong sweet sa harapan ko dahil naiirita na ako sa inyong dalawa. ” pagtataray ni Cleo sa dalawang magkasintahan.

” Sama ka na lang sa amin bukas. Kain kami sa restaurant kasama sina Ricky at Emman. Isicelebrate namin ang pagiging mag- on naming dalawa ng my precious ko. Di’ba,my precious? ” malambing na wika ni Yuan sa
kasintahan.

” SA bahay na lang kasi. Gagastos ka pa kung sa restaurant. ” angal na wika ni Yanyan na hindi yata pansin ang pagtawag sa kanya ni Yuan ng ” my precious”.

” Sweet naman talagang my precious ha! ” tudyo ni Cleo sa tawag ni Yuan kay Yanyan.

” Syempre naman, Cleo she’s my precious. And I really love her very much. Sa restaurant na marami akong budget kaya huwag kang mag- alala. ” paliwanag naman niya.

” Bahala ka nga basta sa mura lang ha! “

” Opo. Takot ka sigurong paghugasin ko kayo noh?! ” biro niya.

” Nice one, Yuan. Talagang takot lang yang si Yanyan, Yuan.” sabay halakhak ni Cleo.

Imbes na sumagot ay isang irap lang ang binigay ni Yanyan sa kaibigang si Cleo.

Tawa na lang din ang tinugon ni Yuan. Baka kasi pati siya ay mairapan nito maya-maya.

Dumating ang kinabukasan ng gabi tulad ng kanilang plano ay kumain nga sila sa restaurant. Sa isang high class restaurant niya dinala ang mga ito. Nagulat tuloy ang mga ito ng doon sila niyayang pumasok ni Yuan. Kahit ayaw man ng mga itong pumasok sa loob ay napilit niya rin ang mga ito. Sinadya kasi niyang hindi talaga sabihin sa mga ito. Siya at ang kaibigan niyang si Kenny ang may- ari ng restaurant na iyon at bago siya nagpunta sa lugar na iyon ay kinausap na niya ang mga tauhan niya doon na huwag siyang ituring na boss nila kundi isa lang din simpleng customer. Ang kanilang restaurant ay meron din stage kung saan may kumakanta rin na solo singer at mga banda. Ang kanyang plano ay kapag kumakain na sila ay kakanta siya pero hindi niya sasabihin sa mga ito. Susurprisahin niya ang mga ito na bigla na lang siya makikita ng mga ito sa stage para maghandog ng isang kanta para sa pinakamamahal niyang si Yanyan. Dalawang kanta ang kanyang kakantahin ito. Pagpasok nila sa restaurant ay may sumalubong na sa kanilang waiter. Sinabi niya lang ang kanyang reservation ay inihatid na sila nito sa kanilang table.Nang nakapasok na sila sa loob ay hindi napigil ng mga ito ang mamangha sa ganda ng loob ng restaurant na iyon. Maya-maya ay binigyan na sila ng menu book ng waiter. Siya na ang umoorder para sa mga ito. Puro seafoods ang kanyang inorder at may mga karne din pero mas lamang pa rin ang seafoods dahil paborito ng mga ito iyon. Nasa kalagitnaan ng pagkain sila ng nagpaalam muna siya na pupunta ng restroom pero ang totoo ay pupunta na siya sa stage para maghandog ng isang kanta.

” Ganda dito noh,bez. Wow talaga! ” ang namamanghang wika ni Cleo.

” Oo nga,ate Cleo. Ang sarap pa ng pagkain. ” sabad naman ni Emman.

” Kaya lang siguradong mahal dito. Nag- aalala lang ako kay Yuan. ” tugon naman ni Yanyan.

” Ano ka ba,Yanyan. Malay mo naman mura lang dito. ” wika naman nito para lang hindi na mag-alala ang
kaibigan.

” Sana nga,Cleo. ” tanging nasambit niya.

” Oo nga,ate. Im sure may budget talaga si kuya Yuan para dito. ” hirit ding wika ni Ricky.

Nasa ganoon silang pag-uusap ng biglang may narinig silang nagsalita sa stage.

” Ladies and gentlemen may I have your attention,please. I want to dedicate this song to my precious one. The girl sent God to be my precious. This is for you. Pagkatapos niyang magsalita ay pumailanlang na ang musikang kanyang kakantahin habang may hawak din siyang gitara.

Habang kumakanta siya ay may ibang mga matang nakakatitig din kay Yuan. Si Mildred,ang kaibigan ng dati
niyang kasintahang si Vinia. Seryoso itong nakatingin sa kanya at tumingin din sa direksiyon nila Yanyan.

” Kailangang malaman ito ni Vinia. ” nausal ng Mildred sa sarili.

” Ay grabe na yang si Yuan, bez. He’s so sweet. Ganda pa ng boses. Puwede bang akin na lang siya,bez? ” kinikilig na biro ni Cleo.

” Manigas ka, bez. Hindi ko siya ibibigay sayo. Maghanap ka ng iba. ” seryosong sagot niya habang nakatitig sa nakatitig din sa kanyang si Yuan.

Nang matapos ni Yuan ang unang kanta ay nagsipalakpakan din ang mga tao at may nagrequest pa ngang isa pang kanta na kanya namang pinaunlakan.

” This my last song is my song to my precious Yanyan. The beautiful lady out there who wear blue dress she’s my precious one. I love you, Yanyan. ” ang nakangiting wika niya at tinuro ang direksyon ng tinutukoy niyang
precious one niya.

Halos lahat ay napatingin sa dalagang minamahal niya. Tanging ngiti lang ang tinugon ni Yanyan sa mga ito. Kita niya sa mga itsura ng mga ito ang pagkagusto ng mga ito sa dalaga. Maraming nagsabing bagay sila. Maya-maya lang ay sinimulan na niya ang pagtugtog at pagkanta.

I’m so glad…
I will never find another lover
Sweeter than you
Sweeter than you
And I will never find another lover
More precious than you
More precious than you
Girl you are..
Close to me you’re like my mother,
Close to me you’re like my father,
Close to me you’re like my sister,
Close to me you’re like my brother
And you are the only one my everything
And for you this song I sing…

All my life
I prayed for someone like you
And I thank god
That I..that I finally found you
And all my life
I prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do love me too

Maya-maya ay may lumapit ng waiter kay Yanyan na may dalang bouquet of flowers na siya namang tinanggap ni Yanyan at inalalayan si Yanyan na pumunta sa stage na kung saan andoon si Yuan. Nang malapit na sila sa stage ay hindi na hinintay pa ni Yuan na makaakyat ang mga ito dahil kanya na agad itong sinalubong. Nang nasa stage na silang pareho ay pinagpatuloy nila ang pagkanta ng kinakanta ni Yuan. Sweet silang nagduet ng kanta.

Said I promise to never fall in love with a stranger
You’re all I’m thinking of
I praise the lord above
For sending me your love
I cherish every hug
I really love you

All my life (ohhhh..baby, baby)
I prayed for someone like you
And I thank god
That I… that I finally found you
All my life
I prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do love me

Nang mga sandaling iyon ay parang sila lang ang taong nandoon. Bawat salita na kanilang kinakanta ay
nanggagaling sa kanilang mga puso. Makikita mo sa kanila na talagang nagmamahalan sila na parang ang tagal-tagal na nilang magkasintahan pero ang totoo ay dalawang linggo pa lamang ang kanilang relasyon.

” I love you, my precious. You’re the best thing ever happen to me. Im the luckiest guy in whole world because I
have you in my life. I love you very much, Yanyan. ” sincere na sabi ni Yuan.

Ramdam ni Yanyan ang pagsasabi ng totoo na iyon ni Yuan.

” I love you too, Yuan. Basta ang alam ko mahal na mahal kita. Ikaw lang. ” sagot naman niya sa sinabi ni Yuan at niyakap niya ito.

(fading)
And all my life
I prayed for someone like you
And I thank god that I… that I finally found you…

Nang matapos na ang kanilang kanta ay sabay silang nagpasalamat at sabay na nilang tinungo ang kanilang mesa.

” Grabe ang sweet ninyo sa stage ha! Mamamatay ako sa kilig dito. ” salubong na wika ni Cleo pagdating nila sa mesa.

” Oo nga,ate niyayakap na nga ako ni ate Cleo. ” angal ni Emman.

” Loko kasi si Yuan pinapunta pa ako sa stage. ” kunwaring reklamo niya.

” Gusto mo naman talaga eh. Feel na feel mo nga ang pagduduet ninyo ni Yuan sa stage noh. Ayyyeeeiii! Kinikilig talaga ako sa inyo. “

” Pati nga ako kinilig sa inyo. ” sabat din ni Ricky.

” Gusto ko kasing ipakita sa lahat ng tao kung gaano ako kaswerte at kung gaano ko kamahal si Yanyan. ” paliwanag ni Yuan at saka nilaro ang tungki ng ilong ni Yanyan.

” Ramdam ko naman iyon, Yuan kahit hindi mo ginawa iyon. Alam kong mahal na mahal mo ko talaga. “

Hindi pa tapos magsalita si Yanyan ng biglang may nagsalitang lalake mula sa likuran nila. Si Kenny ito.

Kadarating lang nito sa restaurant pero naabutan pa niya ang eksena kanina sa stage.

” Yeah! Mahal na mahal ka ni Yuan. ” sang ayon nito na ikinalingon ng lahat. Nang makita siya ni Yuan ay agad
siyang sinalubong nito.

” Kenny, pare andito ka pala. Kanina ka pa ba? ” salubong na wika ni Yuan at nakipagkamay pa dito.

” Yap! Nakita ko pa nga ang pagiging sweet ninyo ni Yanyan sa stage. You look perfect together. Puwede mo ba akong ipakilala sa kanila? ” hirit din nito.

” Oo nga pala. Guys, I want you to meet my bestfriend Kenny. Kenny,meet the brothers of my girlfriend Ricky and Emman. My girlfriend Yanyan and her bestfriend Cleo. ” pagpapakilala ni Yuan sa mga ito sa kaibigan.

Kanya-kanya naman ang mga ito ng pakikipag kamay sa binata at huling kinamayan nito si Cleo. Matagal pa nga nitong hinawakan ang kamay ng dalaga. Kung hindi pa tumikhim si Cleo ay baka hindi pa bitawan ni Kenny ang kamay nito.

” Tama na ba iyang order ninyo.guys? Magdessert kayo. Masarap dessert namin dito. ” kumbinsi pa nito.

” Naku hindi na. Marami na rin ang inorder ni Yuan. Hindi nga namin maubos- ubos eh. ” sagot naman ni Yanyan.

” Okey lang iyan. Sige na order pa kayo ng dessert. Libre na na iyang mga inorder ni Yuan. Kaibigan ko naman
siya eh. ” nakangiting wika nito.

” Nakakahiya naman,pare. ” si Yuan.

” Bawal hiya- hiya,pare. Sige na order lang kayo. Maiwan ko na muna kayo. May icheck lang ako sa kitchen na
mga stocks. “

” Sige,pare ingat. “

Wala na nga silang nagawa kundi umorder ulit at ng matapos silang kumain ay pinabalot nila ang mga natirang
pagkain at saka nagpaalam sa kaibigan ni Yuan na si Kenny na uuwi na sila. Pagkadating nila sa bahay ay pare
-pareho silang pagod kaya pagkahatid niya sa mga ito ay umuwi na rin siya sa kanyang bahay para
makapagpahinga na. Humingi lang siya kay Yanyan ng goodnight kiss sa pisngi saka siya umuwi.

” I saw Yuan the other night with his new girlfriend.And guess what your exboyfriend is very much deeply inlove
with that woman even that woman. You will feel that if you saw them personally. Kinantahan pa nga ni Yuan on
stage ang babae na iyon. Nagduet pa sila. And I admit she’s beautiful and Yuan is more handsome than before I saw him. ” ang pagkukuwento ni Mildred sa cellphone kay Vinia.

” Are you really sure that its Yuan, Mild? ” ang paniniyak na tanong ni Vinia sa kaibigang nasa kabilang linya.

” Yes, Vinia. Hundred and two percent my friend. And I saw Kenny too talking to them in their table. We’re in
Kenny and Yuan owned restaurant that night. So whats your plan, Vinia? ” pagtitiyak niyang sagot dito.

” Well, I’ll be back there in Philippines. I will do everything I can to win Yuan back in my life. I cant afford to lose
him. ” may himig pagbabantang wika ni Vinia at sabay pinindot ang end button ng cellphone saka nagsindi ng
sigarilyo hinithit iyon bago nagbuga ng usok. Kasalukuyan kasi siyang nasa Amerika dahil sa pag- aakalang nasa Amerika si Yuan. Iyon kasi ang sinabi sa kanya ni Kenny noong tinanong niya ito kung nasaan si Yuan. Niloko lamang pala siya nito.

” Ano ba itong bahay mo, love ang kalat-kalat. ” agad na sabi ni Yanyan ng mabungaran ang makalat na bahay ng nobyo at isa- isang pinagpupulot ang mga damit na nakakalat at ang mga magazines at dyaryo. Iyon pa lang ang unang beses na makita ni Yanyan ang loob ng bahay ng nobyo. Noon kasi ay sa labas lamang siya kapag napapadaan lang. Gusto naman siyang papasukin noon ni Yuan pero ayaw niya lang.

” Pasensiya na, hindi pa kasi ako nakakalinis eh. ” nahihiyang hinging paumanhin ni Yuan habang kakamot
kamot ng batok.

” Ganyan ba talaga kayong mga lalake sadyang makalat? ” biglang tanong ni Yanyan habang patuloy na inaayos ang mga magazines na nakakalat sa sala.

” Oo,love. Wala pa kasing reyna sa bahay na ito eh. Hari pa lang kaya makalat pa. Gusto mo ikaw na maging reyna dito sa bahay. Payag ka ba,love? ” wika niya sabay yakap mula sa likod ni Yanyan at hinalikan ang balikat ng nobya.

Nagulat si Yanyan sa ginawa ng nobyo kaya naman hindi siya agad nakasagot. Nang makabawi sa pagkagulat ay agad siyang kumalas sa pagkakayakap ng nobyo at pinandilatan ito.

” Ayoko nga! Gagawin mo lang pala akong tagalinis sa bahay mo. ” pagtataray niyang wika sa nobyo bago inirapan ito.

” Of course not, love! Im just joking. Ibaba mo na nga yang kilay mo,love baka matusok pa ko nyang kilay mo. “
sambit nito at kunwaring ibinaba ang kilay ng nobya.

” Inayos nga. Sira ka talaga,love. Ikaw talaga. ” sambit na lamang niya.

” Love, ang ganda mo talaga. ” wika ni Yuan at lumapit kay Yanyan bago nagsalitang muli. ” At ang bango- bango pa. ” at inamuy- amoy niya ang dalaga mula buhok,sa batok at hanggang sa kamay nito habang titig na titig dito.

Sa ginagawa ni Yuan sa kanya ay hindi alam ni Yanyan kung ano ang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Naeexcite siya na kinakabahan na hindi niya talaga mawari. Mataman lang siyang nakatingin sa nobyo.

Matagal silang nagtitigan bago bumaba ang mukha ni Yuan papunta sa kanyang mga labi.

“Hahalikan niya yata ako. Patay na! hindi ako marunong humalik..Paano yan? Bahala na! ” ang kausap niya sa
sarili.

Konting konti na lang ang pagitan ng kanilang mga labi ng biglang…

” May dumi ka sa mukha, love. Tanggalin ko lang. “

Pagkarinig noon ay bigla siyang nainis. Buong akala niya ay hahalikan na siya ni Yuan. Iyon pala, iyon pala
hindi. Kasi naman kahit mag-iisang buwan na ang relasyon nila ay hindi pa rin sila naghahalikan sa labi ni
Yuan. Hindi niya talaga alam kung bakit hindi pa siya hinahalikan sa labi ni Yuan. Kung nahihiya ba ito hindi
niya alam. Hindi pa tuloy niya alam ang feeling ng mahalikan sa labi. Wala naman siyang lakas ng loob na siya
ang unang hahalik dahil babae siya at lalong lalong hindi siya marunong humalik. Kasi kahit nagkaroon na rin
siya ng nobyo dati ng dalawang taon ay hindi pa rin siya nahahalikan nito sa labi.

Pero ang totoo ay hahalikan na niya sana si Yanyan ngunit bigla na lang nagbago ang kanyang isip. Meron pa kasi siyang hindi nasasabi sa nobya kaya hindi pa niya nagagawang halikan ito sa labi at gusto niya na maipakilala niya muna si Yanyan sa kanyang lolo at lola na gustung-gusto ng makilala ang nobya ng sabihin niyang may kasintahan na siya sa mga ito.

” I love you, Yanyan. ” mabilis na wika nito pagkatapos tanggalin ang kunwaring dumi na sinabi nito kanina sa
mukha niya.

” I love you too, Yuan. ” sabay ngumiti ito ng mapakla. Inis pa rin siya.

Makalipas ang isang linggo at sa matagal-tagal na pag-iisip ay napagpasyahan na ni Yuan na sabihin kay Yanyan ang lahat. Ang kanyang naging plano kung bakit siya nasa lugar na iyon at ang buo niyang pagkatao. Natatakot man siya sa mangyayare ay gagawin niya ang tama. Ayaw na niyang magsikreto pa kay Yanyan. Mas maganda ng sa kanya na manggaling ang katotohanan kesa sa iba pa malaman ni Yanyan ang totoo.

Sa kanyang pagpunta sa bahay nila Yanyan ay naabutan niyang nag-iisa lamang ito. Kanya na itong
sasamantalahin.

” Love, puwede ba tayong mag-usap? ” kinakabahang ani nito.

” Oo naman. Tungkol saan ba? May problema ba, Yuan? ” usisang wika ni Yanyan sa nobyo sabay lapit at yapos dito.

” Yeah! Its about us. ” ang seryosong sambit nito at nakatingin sa labas ng bahay.

” W-what about us? pautal na tanong niyang muli.

” May ipagtatapat ako sa iyo. Bago ka sana magalit sa sasabihin ko sa iyo makinig ka munang mabuti. “

” Okey! Simulan mo na, makikinig ako. Pero hindi ako magagalit sa iyo. “

” Hindi ako totoong mahirap. Nagpapanggap lang akong mahirap. Pero wag mong isiping niloloko lang kita. May
reason ako kung bakit ko nagawa itong magpanggap. May mga naging girlfriends ako dati. Minahal ko silang lahat pero ako hindi nila ako minahal kundi pera ko at kayamanan ko lang. Akala ko iyong huling naging girlfriend ko siya na ang magmamahal sa akin ng totoo pero nagkamali rin ako kasi tulad din siya ng iba. Kaya naman naman nagplano akong magpanggap bilang mahirap nagbabakasakali na may makikilala akong magmamahal talaga sa akin ng ako talaga ang mamahalin at hindi kayamanan na meron ako. Natuwa ako ng makilala kita. Unang kita ko pa lang sa iyo noon may naramdaman na agad ako. Natuwa pa talaga ako ng mas nakilala kita at nalaman ko rin na mahal mo ako. Hindi mo lang alm kung gaano ako kasaya ng sabihin mong mahal mo rin ako hanggang ngayon masaya ako dahil ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin. Kaya heto nagtatapat na ako sa iyo ngayon kahit alam kong baka mawala ka sa akin dahil sa ginawa kong pagpapanggap na mahirap. Isa lang sasabihin ko ang pagpapanggap ko lang ang kasalanan ko sa iyo. Ang pagmamahal ko sa iyo at sa mga kapatid mo totoo iyon.Tatanggapin ko kung anuman ang magiging desisyon mo. Gusto ko lang din na malaman mo na hindi ako nagsisisi sa ginawa ko dahil kung hindi ko iyon ginawa hindi ko mararanasan na makilala kita at hindi ko rin mararanasan kung paano mahalin ng tulad mo. Alam ko minahal mo ako ng totoo. Mahal na kahal din kita, Yanyan. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito. ” ang hindi na mapigilang pag-iyak ni Yuan. Dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. Maghihiwalay na sila ng kauna-unahang babae na nagmahal sa kanya ng totoo. Mahirap at masakit man tatanggapin niya ang magiging desisyon nito pagkatapos ng lahat ng kanyang sinabi. Pero umaasam pa rin siya sa huling sinabi kanina ni Yanyan na hindi ito magagalit at sa pagmamahal nito sa kanya.

Si Yanyan naman ay seryoso lang sa pakikinig kay Yuan at minsan ay napapaluha na rin. Hindi siya naaawa kay Yuan kundi nagagalit siya sa dating minahal nito na ang ipinalit lang sa pagmamahal ng binata ay panloloko. Wala rin siyang nakapang galit sa pinagtapat nito kundi lalo pa siyang humanga sa binata dahil nagtapat pa rin ito sa kanya kahit na batid nito ang puwedeng mangyari sa kanila pagkatapos. Matagal siya bago nagsalita. Nakatingin lang siya sa nakayukong si Yuan.

” Gusto ko lang sabihin sa iyo na galit ako. Galit na galit ako, Yuan. ” napalakas na wika ni Yanyan.

” So is t-this g-goodbye, Y-yanyan? ” kandautal- utal na pagtatanong nito. Habang nakatitig sa mukha ni Yanyan.

” Let me finish first,okey?! ” medyo mataray niyang litanya dito.

” Okey! Go on. “

” Hindi ako sa iyo nagagalit kundi doon sa mga babaing minahal mo ng totoo pero niloko ka lang. Ang laki nilang tanga dahil hindi nila totoong minahal ang tulad mo. Nasilaw sila sa yamang meron ka. Hindi nila nakita ang totoong ikaw. Ako kahit bago lang tayong nagkakilala at hindi pa gaano katagal na nagmamahalan ramdam ko na ang tunay mong pagmamahal sa akin at sa pagmamahal mo lang mayaman na ako. Nalulungkot ako sa nangyari sa iyo . Salamat din sa pagmamahal mo sa akin. Tinuruan mo ulit akog magmahal. Mahal na mahal din kita. “

Sa narinig ni Yuan ay hindi niya napigilang yakapin ang dalaga. Akala niya katapusan na ng kanilang relasyon
pero hindi pala. Unang bumitiw sa yakap si Yanyan bago muling nagsalita.

” Kaya lang hindi na ako bagay sa iyo, Yuan. ” malungkot na wika nitong nakatanaw sa kawalan.

” Bakit naman? Dahil ba sa mayaman ako at mahirap ka lang? “

Tungo lang ang kanyang naisagot doon na hindi pa rin tumitingin sa kausap.

” Wala namang kaso iyon. Ang mahalaga mahal kita at mahal mo ako. Iyon ang importante. Saka alam ko minahal mo ako ng ako. Huwag mo ng isipin iyon, okey Yanyan? “

” Pero hindi ko pa rin maiwasan ang hin- ” hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil pinigilan na siya
ni Yuan sa kanyang ibang sasabihin.

” Ssshhh.. ssshhh.. Wala ng pero- pero. Ang isipin mo na lang mahal na mahal kita. ” sabi nito habang ang mga daliri ay nasa bibig niya dahil pinipigilan siya nito na magsalita.

Gusto man niyang tumutol ay wala na siyang magawa.Kaya naman sumang-ayon na lamang siya dito.

“Saka ipapakilala na kita kina lolo at lola pati mga kapatid mo. Ipapakilala na kita sa family at mga kaibigan ko.
Tamang- tama may darating akong kaibigan galing Australia. For sure matutuwa iyon. “

” Nakakahiya naman,Yuan. Huwag na lang. Natatakot ako. ” natatakot na sagot niya.

” Dont be scared, love. Kasama mo ako at wala kang dapat na ikahiya dahil ako hindi kita ikakahiya at never
kong gagawin iyon sa iyo. ” sabay halik nito sa kanyang noo.

” Salamat,love. I love you. ” tanging tugon niya dito.

” I love you more, Yanyan. “

Simula ng sinabi ni Yuan ang kanyang pagpapanggap kay Yanyan ay naging mas matatag pa ang kanilang relasyong dalawa. Sa mansyon na nila siya umuuwi kapag weekdays dahil bumalik na siya sa pag- aasikaso ng kanilang negosyo na matagal- tagal din niyang hindi naasikaso. Mabuti na lamang maaasahan niya ang kanyang pinsan at ang kanyang kaibigan na si Kenny. Tuwing weekends naman ay doon siya tumutuloy sa dati niyang tinitirhan sa lugar nila Yanyan. Para makasama naman si Yanyan. Hindi pa niya naipapakilala si Yanyan sa kanyang lolo at lola dahil na rin sa kagustuhan ni Yanyan na huwag muna kaya pinagbigyan niya ito kahit na gustung- gusto na ng kanyang lolo at lola na makilala ito. Isang linggo lamang ang kanyang binigay na palugit kay Yanyan dahil sa gusto na niya talagang ipakilala ito sa kanyang pamilya,mga kaibigan at mga kakilala. Ipagmamalaki niyang nakita na niya ang babaing kanyang mamahalin at ang magmamahal sa kanya ng habambuhay bilang siya at hindi dahil sa kayamanan niya.

Samantala makalipas ang tatlong araw. Sa NAIA naman ay lumapag na ang eroplanong nanggaling sa Australia at sa America. Sabay na dumating ng araw na iyon sina Vinia at July na ang tunay na pangalan ay Julio. Ang
dalawang naging parte ng buhay nila Yuan at Yanyan.

” Its nice to be back. ” ang masayang wika ni Julio ng makalabas ng eroplano. ” Magkikita na tayo, Ianna. Mahal na mahal pa rin kita. “

” See you soon, Yuan. I win you back in my life. ” ang seryosong wika naman ni Vinia sa sarili.

” Sa saturday na ang special occassion for both of us, love. Are you excited? ” masayang tanong nito ng gabi ng huwebes ng dinalaw niya si Yanyan. Tabi sila nitong nakaupo sa sala. Kakatapos lang nilang kumain ng gabihan noon.

” Nope! Im nervous. Big party iyon. Hindi ko pa nararanasan ang makapunta doon. Tapos sabi mo pa mga kilalang tao pa mga bisita. Kaya talagang kinakabahan ako at natatakot. Baka mapahiya ka lang dahil sa akin. “

” Ano ka ba mga mbabait sila at huwag kang kabahan kasi hindi naman kita iiwan doon. Sasamahan kita lagi.
Saka be yourself. Everything will be alright. ” paalalang wika nito.

” Basta kinakabahan pa rin ako. “

” Makikilala mo rin sa party si July. Dumating na siya the other day. After ko nga dito magkikita kami nila Kenny
at July. Sabi nga nila isama kita kaso sabi ko sa party na lang. Mahirap na baka maagaw ka pa nila sa akin. Ayoko nga!” pagkukuwento nito.

” Hindi naman ako magpapaagaw noh. Mag-iingat ka doon,love. Kung umalis ka na kaya para mahaba-haba ang kwentuhan nyo ng mga kaibigan mo? ” ang mungkahing wika niya sa nobyo.

” Sige,love. Tatawagan na lang kita mamaya. Goodnight. Pakisabi na lang kina Ricky at Emman. ” wika nito at
humalik sa pisngi niya.

” Goodnight din. Ingat ka ha! “

Tumango na lamang ito at nag- i love you pagkatapos na tinugon naman ni Yanyan.

Pagkarating niya sa bar na usapan nila ay naabutan na niya sina Kenny at July na masayang nagkukuwentuhan
at nag-iinuman doon. Nang makita siya ng mga ito ay kinawayan siya ng mga ito na agad naman niyang nakita.
Pinuntahan niya agad ang mga ito at binigyan agad siya ng isang boteng alak.

” Akala namin hindi ka na darating ni Kenny. ” halos pasigaw na wika ni July sa kanya dahil maingay sa loob ng
bar.

” Dumaan pa kasi ako kina Yanyan eh. Nagdinner ako sa kanila kasama ang dalawa niyang kapatid na lalake.
Namiss na raw kasi ako ng mga kapatid niya lalo ang bunsong si Emman. ” pagkukuwento niya sa mga ito sabay lagok ng alak at napansin ang pagkabigla ni July.

Sa narinig ni July sa name na Yanyan at Emman ay bigla siyang natigilan at napaisip. Dahil pamilyar sa kanya
ang mga pangalan na iyon. Pero agad naman niyang inalis sa isip na baka mga ito ang mga kilala niya na may
ganoong pangalan.

” Marami namang may ganoong pangalan sa mundo kaya imposible” pangungumbinsi niya sa sarili.

” Ayos ka lang ba,July? Natigilan ka yata diyan. ” sita ni Yuan sabay tapik sa balikat nito.

” Wala naman. May naalala lang ako sa mga names na sinabi mo. Pero imposible naman na ang mga tinukoy mo ay kilala ko rin. ” sagot naman nito.

” Sino ba ang naalala mo,July? ” ang usisang tanong ni Yuan sa kaibigan.

” Sino pa nga ba, Yuan e,d ang exgirlfriend niya na dahilan ng pag uwi niya dito sa Pinas. ” ang sagot naman ni
Kenny.

” Talaga?! Wow! Balikan mo na agad,July para pareho tayong may girlfriend. “

” Oo naman. Magstart na nga ako bukas na hanapin siya eh. Hindi ko na siya pakakawalan. “

” Paano kung may boyfriend na, July? “

” Kakausapin ko boyfriend niya na ibalik na sa akin ang girlfriend ko. Kung hindi naman siya madaan sa usap
aagawin ko na lang. ” seryosong sabi nito sabay tawa ng malakas.

” You can do that, dude? ” halos sabay na tanong nila Yuan at Kenny sa kaibigan.

” Yap! Because I really love her. I will do everything to win her back. ” wika nito sabay nag order p ng isang boteng alak.

Hindi na lamang sumagot sina Yuan at Kenny bagkus ay tumahimik na lamang ang mga ito. Pero pagkarinig ni Yuan ng sinabi ng kanyang kaibigan ay bigla siyang nakaramdam ng kaba na hindi niya maintindihan. Anong ibig sabihin no’n? Hindi niya alam. Napabuntong hininga na lamang siya.

Habang nag-aalmusal ng umagang iyon si Vinia ay napadako ang tingin niya sa front page ng dyaryong kanyang
binabasa. Ang nakalagay doon ay ang picture ni Yuan kasama ang girlfriend nito. Nakasaad doon na sa sabado ay may malaking okasyon na magaganap para kina Yuan at sa girlfriend nito. Kanya itong pinakatitigan at sa tindi ng inis niya ay kanya itong nailamukos at may pagbabantang nagsalita.

” You will be mine, Yuan. Only mine. Kailangan kayong maghiwalay ng babaing yon. ” ang galit na pagbabanta nito habang nakatikom ang mga kamay.

Talakayan

9 thoughts on “Chapter 8 : Finding My True Love

  1. Omg

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 2:56 umaga
  2. drating ng mga villain.

    mganda sana tong story kaso wlang thrill kz pnpatay lahat ng suspense,i mean inuunahan ung eksene ehhh. hehe

    Posted by aileen | Oktubre 16, 2013, 10:52 hapon
  3. OM!!they here!!at join force pa tlga huh?! . .
    Ahmf!heto na ng mga contrabida’s!!
    for sure!panira lan ng moment itong dalawang itech!! I can’t wait to ending na!. .hahah ;;)

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 1:09 umaga
  4. Gosh..I reAli loVe dIs sToRy..cAn’t wait thE chApTer 9..good job pO.

    Posted by lappa | Hunyo 30, 2010, 5:36 umaga
  5. nice…nxt chapter n po…
    super kaintriga n..bigatin nmn ng mga kntrabida..sna happy ending pdn

    Posted by alexis_shawn27 | Hunyo 29, 2010, 7:15 hapon
  6. ngetpa’ng kriz diko pa nababasa to :))

    Posted by empresz23 | Hunyo 29, 2010, 11:11 umaga
  7. nakaka excite nman ang chapter n e2 at ang mga susunod pa for sure…ang tagal nman ng friday pr s pag popost ng ksunod n chapter…haiiisssttt……..

    Posted by pink_samurai | Hunyo 28, 2010, 11:24 hapon
  8. … thanks!!! s s2ry…
    … ayeeeehhhh…
    … ang gnda ng s2ry na 2 ^_^
    … haLa!
    … mag kkta n cLa JuLy & Yanyan…

    Posted by jhenrheyn21 | Hunyo 28, 2010, 4:45 hapon
  9. wala po bang chapter 7???? bket 8 agad????

    TOP: ito po yung chapter 7 – https://tagalogonlinepocketbook.wordpress.com/2010/06/25/chapter-7-finding-my-true-love/

    Posted by jin13 | Hunyo 28, 2010, 11:24 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: