binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 8: Ever Since

CHAPTER 8 LAINe SERIES: JEW & DREI

Nagugulat siya sa nakikita, pag-akyat pa lang niya ng deck ay nakita na niya si Joseph standing at the center of the stage na ngayon ay punong-puno ng red roses at may tatlong musikero pa sa likod nito at nagsimulang tumugtog ng dumating siya, si Mosh naman ay lumapit sa kanya.

“Girl where have you been, God” wari’y kinikilig itong bumulong sa kanya

“What’s this?” napatingin siya sa mga tao and everyone was smiling at her except her Aunt and Ate Julia, bakit parang malungkot ang expression ng mukha ng mga ito? And Joseph, smiling at her at may hawak na microphone.

“Just go sa center stage girl, Joseph has to make an announcement” utos sa kanya ni Mosh at naguguluhan man ay tumalima siya rito

Habang naglalakad si Jew towards the stage ay nakatitig lang sa kanya si Joseph at nagsimula na itong magsalita over the mic. “I have waited this night to arrive, I really wanted to surprise the most beautiful girlfriend that a man could have, luckily she’s mine! And I wanted to make this official.” lahat halos ay naghiyawan at naglakad naman si Joseph pababa ng stage at sinalubong na si Jew.

“Joseph, what are you doing?” naguguluhang tanong niya rito ng magkalapit na sila though she knew na ano mang oras ay maaaring mag-propropose ito sa kanya, she’s not stupid not to find out

Ngumiti ito at iniabot sa lumapit na waiter ang mic “Sweetheart, I want everybody to know how much I love you, remember what I’ve told you awhile to answer me when I asked you?”

“Y-Yes?” pagkukumpirma niya kahit naguguluhan pa rin siya

Napangiti siya at tumango-tango “That’s a nice try sweety, but I haven’t asked you yet” sabay pindot nito sa tungking ilong ni Jew at  kinuha ang velvet box sa tray ng waiter at binuksan ito saka tumambad sa lahat ang isang engagement ring, kumislap iyon at nagtilian ang lahat, sabay lumuhod si Joseph sa harapan ni Jew.

“Sweetheart accept this as a sign of my love to you, will you marry me sweety?” he smiled

Damn she don’t know what to answer, sandali siyang natigilan, She was trapped! Just the same feeling that she felt four years ago, medyo malaki nga lang ang kaibahan ng ngayon at saka pilit winaksi na niya sa isip ang alalahaning iyon. She knew herself well and her feelings for Joseph is not enough reason for her to marry him, sandali niyang nilibot ang paningin sa mga tao, ang Aunt niya at si Ate Julia na parehas nakatingin lang sa kanya ng makahulugan, si Mosh, si Ms. Rima, ang buong AIM team na mukhang masayang-masayang nakatingin sa kanila, pero…may isang tao pa siyang gustong makita…there she caught him, kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito, ‘was that real pain o galit’ pero sandali rin naglaho ang simpatya niya rito ng makita niya si Eve na nakahawak sa may dibdib at balikat ni Drei, the brute.

“Sweetheart, will you marry me?” ulit na tanong ni Joseph ng hindi sumagot ang dalaga ngunit nakangiti pa rin ito habang halos lahat sa paligid ay tahimik rin na naghihintay sa isasagot ni Jew.

Ayaw niya itong mapahiya and its not easy to say no, pero hindi pa siya ready, nagtatalo ang isip niya pero ng makita niya si Drei ewan ba niya parang gusto niyang pasakitan ito at – “Yes! Joseph” wala sa loob na sambit niya at ang huli na lang niyang natandaan ay ang hiyawan ng mga tao roon at binuhat siya ni Joseph at hinalikan then to her surprise the camera flashes came, well nasa fashion show nga pala sila and sure maraming press people ang naroon, God what the hell she have done? Hinanap ng paningin niya ang kinaroroonan ni Drei ngunit wala na ito roon pati na si Eve.

“THE PLAYGIRL SENSATION MEETS HER MAN & SOON TO BE MARRIED” kinikilig na pahayag nito habang binabasa sa front page ng isang news article ang write up tungkol sa naganap sa Palawan “How they can be so quick? It’s just a day ago at nasa headlines ka na Ma’am Jew.” Saad ni Demi

Afternoon at Jewish office, kahit tomorrow pa naman ang talagang resume ng work niya ay pumasok na rin siya kahit half day lang, mamatay siya ng kai-isip sa condo alone lalo na at alam niyang kagabi ay engage na rin Si Drei, Oh how she wish na bumagyo sana sa Palawan last night. Cruel isn’t it? and the only she had left last night is to cry in her room. Gusto niya sanang tumawag kay Mosh para alamin kung anong nangyari kala Drei, pero pilit niyang sinaway ang sarili dahil alam naman niyang wala siyang karapatan.

Ngumiti lang siya ng mapakla, after the party sa Palawan ay halos lahat ay bumati sa kanila ni Joseph, they have no dates and they agreed to a long term engagement, pero ewan ba niya ngayong nakabalik na siya sa mundo niya ay parang may kulang at parang andaming mali sa mga nagawa niya. After the yatch party ay sumabay na siya kay Joseph that night pabalik ng Manila sakay ng private chauper nito. Ang Aunt Heather naman niya ay nagpaiwan dahil moment daw yun nila ni Joseph at si Mosh naman ay ganun rin dahil aatend pa daw ito ng secret engagement na hindi na niya pinagkaabalahang tanungin pa kung kanino dahil maliwanag na sa kanya ang sagot. Well call her selfish pero sa isip niya eh atleast nauna siya kay Drei na ma-enggage, that lessen her pain and insecurity pero bakit hindi siya masaya? God she’s not inlove with the brute! Maybe? Definitely not.

“O eto pa ma’am according sa article, Jewish Mari Favela known to be one of the greatest sought after lady of the fashion world finally decided to settle down and ready to be chained by the hottest tycoon businessman Joseph Libreto, Vice President of the largest real estate in the country Libreto Realties & Development. Oh, I think this news will broke the heart by half of the male population, Jewish is now unavailable, lucky Joseph, he’s the man Jewish had been waiting all along. But Jewish faith -” napakunot-noo ito at hindi na tinuloy ang pagbabasa.

Napansin naman niya ito “Why, what’s in there?”

“Ah wala ma’am Jew” nag aalalang tanggi nito

“You sure?, Demi can I see it?” bigla niyang kinuha ang newspaper sa harapan nito and to her surprise “But Jewish faithfulness towards this engagement will be at great challenge, knowing her reputation, no one can tell if she’s for real with Joseph Libreto’s proposal. If that happens the poor man will be dumped a week after this public engagement just like Jewish other usual dating game. But who knows? maybe not, hopefully. Nonetheless we still have five days left to determine how far this almost perfect couple can go”

“Ma’am wala lang siguro maisulat yang writer na yan, naku ang inggrata niya, sa simula papuri tapos yun pala may segway, inggit lang yan” salo niya ng makitang nag iba ang timpla ng mukha ng amo niya.

–=-=-=-=–

ONE WEEK LATER

Naging napakahirap para sa kanya ng nag-daang linggo. He never knows how he had coped up. He was miserable, idagdag pa ang mga nangyari sa Palawan, after Jewish engagement parang gumuho na ang mundo niya. Kung hindi lang sa trabaho na nakaatang sa balikat niya ay baka gabi-gabi siya naglalasing. Iyon na lang ang naiisip niyang paraan para maibsan ang nararamdaman niyang lungkot. He thought it was easy na pag-gising niya isang umaga, wala na ang nararamdaman niya para kay Jew, but he was damn wrong.

Thanks to his Ate Julia, Eve, Justin and Mosh, the day after the yatch party was the surprise engagement ni Justin for Eve, though sa simula ay ayaw na iyong ituloy ni Justin dahil sa mga nangyari, still nag-insist pa rin si Drei na ituloy iyon. Morning ng nasa isang resto silang tatlo nila Justin at Mosh habang masakit pa rin ang ulo ni Drei dahil sa kalasingan nito the other night. Si Eve naman kagaya ng plano ay sinama ni Julia maglibot sa mga tiangge.

‘No Justin, I’m fine, matagal rin nating plinano ang engagement niyo, so there’s no reason for postponing it lalo na kung tungkol sa kin ang concern mo’ maawtorisado niyang pahayag.

‘Guys, did I miss something? Kanina pa kayo nagtatalo kung itutuloy ito o hindi? Why ba? Explain naman dahil gulo na me eh, kaloka kayo’ takang tanung ni Mosh na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring alam tungkol kay Jew at Drei.

Nagkatinginan sila Drei at Just, at ng walang sabihin si Drei ay si Just na ang nagsalita –

‘ Drei, Mosh should know’ tumingin kay Drei na animoy nag papaalam rito para siya na ang magpaliwanag.

‘Ano ba yun? Super serious ba yan at dapat pa mag-lead sa postponement ng engagement mo Just? And why Drei, oh don’t tell me you like Eve?’ he widened his eyes kahit sa totoo lang ay alam naman niyang hindi.

‘Ofcourse not’ na alarmang sagot niya ‘I mean I do like Eve but not the like your referring to’ inis na napahilamos ng palad niya

‘Eh ano nga? Suspense na suspense na ang beauty ko Andrei’ maarteng pahayag nito

‘Your twin is in love with your bestfriend, there I said it finally, ha..ha..’ nasisiyahan na di mo mawari ito.

To his great horror at halos hindi na niya siguro mapicture ang circumference ng kanyang mga mata sa pagkalaki nito ganun rin ang pagkabuka ng kanyang bibig ‘May gusto ka kay Jewish?’ halos sigaw niya sabay tinutop naman ni Drei ang bibig niya.

‘Thanks for announcing it publicly’ at tinitigan ng matalim ang kakambal sabay bitaw rito ‘Shut up okay’

‘Okay, windang ang beauty ko’ Hindi pa rin ito makapaniwala ‘So nag-sesentir ka diyan dahil sa engagement niya last night?’

Tatangu-tango naman si Justin kay Mosh ng walang reaksiyon si Drei ‘That is why I’m planning to postponed this engagement, I’m sure hindi rin magiging ganap ang kaligayahan  ni Eve because she knew your heartbreak’ tudyo nito sa pinsan ‘Isa pa, Eve and I waited for more than five years already, so I think delaying it by few weeks doesn’t really affect anything. Besides tayo na nga lang apat ang present-’

‘No, tuloy ang engagement niyo and it will happens tonight, huwag mo na akong isipin okay?’ pinal na pahayag niya

‘Drei sandali nga, kelan pa ito?’ singit niya ‘I mean how? I don’t remember Jewish saying good words over you, palagi eh sinusumpa ka niya kapag nag-uusap kami, why I haven’t know even just notice these things?’

‘Because I didn’t plan that these things would turn out this way’ he shrugged his shoulder ‘Well partly’ he sighed

‘So meaning fake lang yung galit-galitan kuno mo sa kanya sa bar? At sa cottage? Ugh! Chucera ka’ saad nito.

‘Well hindi lang yung sa cottage at sa bar, napakarami pa nilang encounters na hindi mo alam Mosh, you should ask Eve, she really knows every details, love counselor ata yun ni Drei’ tumawa ito at pinukol ng matalim na tingin ni Drei na lalo lang nitong kinatawa ‘Can’t believe you Drei, Torpe!’ dagdag pang-asar nito

‘Kaya pala halos gumapang ka na sa kalasingan kagabi?, Bakit mo naman kasi hindi sinabi agad-’may kaunting simpatya siya para sa kakambal

‘Well nagtapat na siya kahapon at basted siya, yun lang yun’ animoy siyang-siya na pinapahiya si Drei but that just to lessen the pain sa part ng huli.

‘Shut up dude’ inis na sansala niya rito

‘Nagtapat ka? Andami ko talagang hindi alam, considering ako ang kakambal mo ha’ maktol niya ‘And si Jew she never told me a thing at ikaw-?’ himutok niya.

‘Adrian, bestfriend mo si Jew, how do you think I would suppose to confessed on you? Pero for your peace of mind, yes I got busted last night’ at kwinento pa niya rito lahat-lahat ng nangyari sa pag-itan nila ni Jew ng nagdaang linggo.

Halos hindi siya makapaniwala sa lahat ng narinig niya ‘Gago ka, eh dapat pala andun din ako para sinabunutan kita eh’ nanggigigil at galit na pahayag nito sabay palo sa balikat ng kakambal after marinig ang kwento nito sa gazebo ‘Kundangan naman na nagpasama ka sakin Justin that night eh’ bumaling siya kay Just at-‘Well I’m not making you sisi Just’ sabay bawi niya at tinapat ulit si Drei ‘When did you became this brutal? Kahit sinong babae eh maiinsulto sayo tapos nagtataka pa you na binasted ka niya?’ pagsisimangot niya. ‘Kawawa naman si Girl’

Nagpakawala ito ng marahas na paghinga ‘I’m definitely sure that she’s not, she knows the game well, engage na nga siya hinda ba?, I’m just hell stupid’ nagpakawala ito ng malalim na hininga ‘Surely in weeks time, I’ll be fine.’ ngunit sa isip-isip niya ay baka taon pa ang kailangan niya para magkatotoo iyun. ‘Though one thing Mosh’ tumikhim siya ‘Stay out of this and just keep everything to yourself, pwede ba yun? considering bestfriend mo si Jew at kakambal mo lang naman ako, atleast you know where to stand’ pinal na pahayag niya at iiling-iling na tango lamang ang sinagot sa kanya ni Mosh.

After ng medyo pilit na naging sobrang masayang surprise engagement nila Eve at Just dahil sa imbes na si Eve ang ma surprise ay in turn si Mosh, Julia, Drei at Just pa ang lalong na surprise ng ihayag ni Eve na 1 month pregnant ito at last week lang ng matuklasan nito. Hindi naman daw kasi maselan ang pagbubuntis niya kaya hindi niya agad nalaman pero nagtaka na siya ng matapos ang buwan ng hindi pa siya dinadatnan ng kanyang period at ng mag check siya ng pregnancy test- ayun positive. Naging ganap ang kaligayahan nilang lahat dahil may madadagdag na naman sa pamilya at pagkabalik nila sa Bahamas ay ang kasal naman nila ang kanilang plaplanuhin at syempre nangako sila Julia na ano man ang mangyari at mapagdesisyunan ang date ng kasal ng mga ito ay lilipad silang tatlo papuntang Bahamas. Pagkatapos ng gabing iyon ay napagkasunduan pa na mag extend sila Just sa Palawan kasama si Mosh dahil hindi pa rin naman tapos ang photo shoot nito. Si Drei naman at Julia ay bumalik na ng Manila kinaumagahan din dahil sa mga nakabinbin na trabaho.

“We got the bid” pahayag ni Mr. Lim sa harapan niya at malakas na palakpakan mula sa mga board of directors ang pumukaw sa kanya at natigilan siya sa kanyang pagbabalik-tanaw. Its been a week ago since her Ate left him alone at the company papunta ng Australia, he was miserable, idagdag pa ang ilang linggo na ring gumugulo sa isipan niya, ang mga nangyari sa Palawan, sa kanya, sa kanila ni Jew, pinipilit na nga niyang kalimutan pero heto at paulit-ulit naman sa isipan niya. Mabuti na lamang at naging abala siya sa buong linggo na iyun sa trabaho dahil pagbalik niya buhat Palawan ay may isang linggong final preparation naman siya para sa upcoming bid ng kumpanya nila sa new housing subdivision project under Valena Properties Inc. Actually aside sa kanya ay ang Ate niya ang nag-push sa project na iyon upang maging first accomplishment niya sa kumpanya after his appointment.

“Congratulations! Safiena, I believe your thirteen percent of sales increase is not at stake anymore, after this project, a promise of thirty five percent increase in sales will matters most, good job!” pahayag ni Mr. Singson kay Andrei.

Agad siyang napatayo ng marinig iyon “Thank you sir” patuloy niya habang nag-sitayuan na rin ang ibang director at nakipag-kamay at masaya ring bumati sa kanya.

–=-=-=-=–

Libreto Towers

“Sir, okay na po ang lahat, surely nagsasaya na ngayon ang kampo ng mga Safierna dahil nakuha nila ang bid para sa sister company ng kumpanya natin.”

“That is good to hear, Brent arrange the ball party nextweek Saturday, contact my fiancé Jewish, and tell her immediately that I wanted her to organize the event. I want everybody present including lahat ng ka tie-ups natin sa project for Valena most especially ang Safierna Textiles, distribute the invitations as soon as Friday.”

“Yes Sir” animoy puppet na sagot nito

“But one thing Brent huwag mo ng ipa-handle kay Jewish ang guests list, handle it yourself and don’t tell her about Safierna as our VIP guest, I’m sure she’ll ask every details, just tell her its for the inauguration of our newly housing projects at development ng subdivisions for our new site, no less.” utos niya sa kanyang personal assistant

“Ofcourse sir, would that be all sir?”

“That’s all and oh before I forgot, deliver some flowers for Jewish sa office nito, write to the card that its coming from… Andrei Safierna” blangkong ekspresyon na pagkasabi niya ngunit may poot sa kanyang dibdib.

“Sir?” takang tanung nito.

“Do I have to repeat my orders Brent just do want I’ve said?” at sumenyas siya na lumabas na ito ng office niya habang kinakabahang tumango- tango ito sa kanya, saka siya sumandal sa swivel chair habang nakatanaw sa glass window at pinagmamasdan ang replica ng Maynila “I have the ace now, I can picture a perfect fall sweety” matalim na ngiti ang sumungaw sa mga labi nito at biglang lumitaw sa kanyang balintataw ang napakagandang mukha ni Jew. Mapait siyang ngumiti.

“I could have love you more Jewish… kung hindi lang sana… kay Michael.”

Tandang-tanda pa niya ang lahat, ang paghihirap ng nakababatang kapatid dulot ng pagkapahiya nito sa buong pamilya sa mother side nila. Ang pagka-rehabilitate nito sa loob ng tatlong taon dahil sa drugs, isama pa ang tangka nitong pagpakamatay noon – na hindi niya matanggap na isang babae lang pala ang dahilan. Pasalamat ang babae at wala pa siya sa buhay ng kapatid ng mga panahong iyon kung hindi ay baka magilitan niya ng buhay ang babae. Ayaw man niyang isiping masamang babae si Jew pero mas matimbang pa rin ang dugo ng inang nananalantay sa kanya kaysa ano pa mang damdamin na meron siya para sa kasintahan. And this time lahat gagawin niya para sa inang matagal ng nalayo sa kanya. Nalalapit nang matapos ang panahon ng pagsisilbi at pagpapanggap niya dahil nasa kanya na ngayon si Jew though she can easily break the engagement anytime, pero nagawan na niya iyon ng paraan. Now, he’ll just waiting for the right time of explosion.

–=-=-=-=–

“Ma’am Jew, mukhang busy nanaman kayo ah”

Katatapos lang niyang kausapin si Brent, ang assistant ni Joseph over phone at medyo napaliwanagan naman siya nito about sa pakiusap ng fiancé niya. “Demi, don’t accept any events for me until next Saturday, pakisabi na rin kay Aunt Heather, baka kasi tumanggap nanaman siya ng mga special events, tell her early so she can pass it on to Mia, I’m sure na hindi rin makakahandle si Mosh dahil extended pa until nextweek Sunday ang shoot nila.”

“Oo nga pala, kawawa naman si sir Mosh, nagka bulilyaso sa mga arists schedule at kailangan pa ng re-shoot” simpatyang pagkasabi nito

“Anong kawawa? I’m sure nag-eenjoy ang lukaret na yun, ni text nga hindi magawa sakin eh” natatawang pahayag niya ng biglang may kumatok sa office niya.

“Ma’am ako na” sabay naglakad ito at binuksan ang pintuan at tumambad ang messenger ng company nila. “Mang Nestor anu yan? Flower delivery department ka na rin pala ngayon?” natatawang biro ni Demi sa matanda.

“Ah eh, Ma’am Jew, iniwan ito sa reception area para daw po sayo kaya pinadala na rin sakin.”

“Ang sweet, akin na yan Mang-” tangkang kukunin ni Demi ang flowers ng-

“Bakit ikaw ba si Ma’am Jew?” habang inilalayo kay Demi ang bulaklak

“Aba itong matandang to -” naniningkit na sabi niya

“Its okay Demi, I’ll take it Mang Nestor” naiiling siyang napangiti sa dalawang nagbabangayan habang lumalapit siya patungo sa mga ito at kinuha ang mga bulaklak “Thanks Mang Nestor” saka siya naglakad pabalik ng desk niya at naupo sa swivel chair habang binubuksan ang card, she knew it’s from Joseph-

Bigla siyang natigilan, halos gusto niyang itapon ang mga bulaklak sa basurahan kung hindi lang alam niyang nagmamasid si Demi sa kanya.

“Impakto talaga si Mang Nestor, anu ma’am galing kay Sir Joseph diba?” tumango lang si Jew at pilit ngumiti “Hay ang sweet naman, ang sarap sigurong ma-engage lalo na kung ganyan ang fiancé mo.” Animoy nangangarap pa ito habang nakatingin sa kawalan, tama lang para hindi nito mapansin na nagngingitngit sa sama ng loob si Jew.

-+=-=-=+-

Marami pong salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa seryeng ito…Sana ay maibigan niyo ang huling mga kabanata ng Ever Since… Sana rin ay ibahagi niyo sakin ang mga di malilimutang linya ng bawat karakter sa kwentong ito na tumatak sa inyong isipan..mga nag painis, nagpatawa o nagpakilig man….negatibo o positibo man ang inyong komento ay tatanggapin ko ng buong puso….salamat

Maari niyo rin po akong i-add sa FB : Laine Manunulat kung may mga katanungan kayo ay PM niyo lang ako

o i like ang FB page na: Laine Favela kung inyo pong naibigan ang Ever Since at maari rin kayo doon mag post ng kahit anong inyong ibig ibahagi sa akin at sa mga fellow TOPPERs

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

18 thoughts on “Chapter 8: Ever Since

  1. panu po mbasa ang novel na 2…

    Posted by jessa | Hulyo 29, 2014, 10:56 hapon
  2. Very complicated…tsktsk

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 12:34 hapon
  3. ayyyy

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 4:55 hapon
  4. Ganfa

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 1:50 umaga
  5. ganda ng story wlang halong kbabawan…thou some of the words or grammars are wrong…
    pero keri p rin! 🙂

    Posted by aileen | Oktubre 13, 2013, 8:53 umaga
  6. OM!!he all do thiz just for revenge to jew for his brother?!!!
    Over huh! . .
    Galing aman ng sumulat nito!!. . .😉
    naka2inix na nakaka2wa. .
    hahah!

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 12:12 hapon
  7. My twist pla ang kwento, cnt w8 to c it

    Posted by jassimplegrl | Oktubre 17, 2010, 5:09 umaga
  8. contact my fiancé Jewish

    – fiancee

    Posted by empresz23 | Hulyo 11, 2010, 12:12 hapon
  9. … nyekz!!!
    … ang tagaL nmn ng rep0st ng beauty is the beast😦

    Posted by jhenrheyn21 | Hunyo 30, 2010, 11:34 umaga
  10. ganda ng story, pwede mo malaman kung kelan ang labas ng Chapter 9. Thanks.

    Posted by Theresa | Hunyo 29, 2010, 8:02 hapon
  11. toppers…july 17 po daw ang start ng re post ng beauty is the beast by marysol…. keep posted

    Wednesday afternoon po ang next chapter nito…. abangan ang chapter 9…tnx

    Posted by laine8855 | Hunyo 27, 2010, 5:49 hapon
  12. heheh can’t relate kasi di q pa nababasa ung Beauty and the beast and eversince..wait ko p kasi na matapos ung story para di aq mabitin! heheh sna mging mblis na po ung posting ng mga chapters..kasi i’m dying to read this stories na!!

    Posted by caszxie | Hunyo 27, 2010, 2:19 hapon
  13. Toppers…. hindi ko rin po alam kong bkt nawala ang beauty s the beast…

    13 chapters po ang ever since

    Posted by laine8855 | Hunyo 27, 2010, 11:02 umaga
  14. ,,,ilang kabanata pa po vah i2?

    Posted by ,,,alphanz_06,,, | Hunyo 26, 2010, 7:59 hapon
  15. ang ganda po ng story……….!!!!!!!!!!!11

    OT: bakit nawawala ang Beauty is the Beast????????kainis naman..kung kailan magkikita na sila ava and steven…… sana mapost ulit… kaso simula nananaman sa chapter 1

    Posted by deezz | Hunyo 26, 2010, 7:00 hapon
  16. .. nice dear.. keep up d good work.. =)

    Posted by ron | Hunyo 26, 2010, 5:37 hapon
  17. waahh super kawawa nman po si andrei….basted agad…
    gusto ko tlaga ang story na ‘to

    Posted by khira | Hunyo 26, 2010, 3:37 hapon
  18. bitin….kailan nyo po ba ipost yong next chapter??? nakakainis kay joseph…ang sama sama nya…hehehehe….gusto ko si drew…bagay sila ni jew…..hehehehe..sana happy ending….para masaya…heheheh

    Posted by blue | Hunyo 26, 2010, 2:24 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: