binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 7 : Finding My True Love

” Malapit na tayong magkita,Ianna. Mahal na mahal pa rin kita. Wala ng makakapaghiwalay sa ating dalawa. ” ang usal sa sarili ni Julio habang titig na titig sa litrato ng dating nobya na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya.

Kahit taon na silang hiwalay nito ay hindi kailanman nawala ang dalaga sa kanyang isip lalong lalo na sa kanyang puso. Marami man siya naging ibang nobya ay wala ni isa man sa mga ito ang pumalit sa puso niya. Sinubukan niyang magmahal ng iba ngunit hindi siya nagtagumpay na magmahal ng iba.Tanging ang dating nobya niyang si Ianna ang nasa puso niya. Hindi niya talaga nais na hiwalayan ang dating nobya kung hindi lang talaga inatake sa puso ang kanyang mama noon. Mula ng maghiwalay sila ng dating nobya ay para na rin siyang namatay dahil ang nobya lang ang kanyang buhay. Sobra niyang mahal ito. Desidido na siyang balikan muli ang dating nobya kahit magalit pa ang kanyang mga magulang na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin gusto ang dalaga. Gagawin niya ang lahat para lamang magkabalikan sila ng dating nobya. Ito lamang ang tanging babae ang gusto niyang makasama habambuhay. Mahalin man siya nitong muli o hindi ay okey lang sa kanya basta ang importante ay makasama niya ito habambuhay. Wala ng sinuman ang makakapaghiwalay sa kanila.

Abala sa paglilinis ng kanilang bahay si Yanyan ng biglang may nahulog na litrato sa kabinet na kanyang nililinisan. Agad niya itong dinampot at bigla na lang nagbalik ang alala sa kanya noong kasama pa niya ang taong nasa litrato. Wala rin siyang kaalam- alam na isang buwan na lang ay muli ng magbabalik sa Pilipinas ang dati niyang nobyo na si Julio.

Ikadalawang taon na anibersaryo nila noon iyon ni Julio. Nagcelebrate sila nito sa Baguio. Ang araw na iyon na ang pinakamasayang anibersaryo nila dahil kahit na mraming pagsubok
sa kanilang relasyon ay umabot pa sila ng dalawang taon. Hindi kasi siya gusto ng mga magulang nito dahil mahirap lamang siya samantala ang pamilya ng nobyo niya ay isa sa mga
mayayamang tao sa mundo. Pilit silang pinaglalayo ng mga ito pero talagang pinaglalaban siya ng nobyo dahil mahal na mahal siya nito tulad ng pagmamahal niya dito.

” Happy second year anniversary,mahal ko. ” masayang bati ni Julio sa nobyang si Ianna sabay abot ng mga roses at chocolates.

Kasalukuyang inihahanda ng nobya ang kanilang baon na pagkain na kanilang kakainin ng tanghali na iyon. Picnic style ang kanilang ayos. Dahil pareho nilang naisip iyon. Ang kanilang
baon ay ang paborito nilang pagkain pritong manok, adobo, kanin, ,sandwich, softdrinks at prutas. Masaya na sila kapag magkasama silang dalawa.

” Thank you,mahal ko. Happy anniversary din. ” ganting bati nitong niyakap ang nobyo.

” I love you very much, Ianna. You’re the most important person in my life now and forever. ” malambing na sambit ni Julio na titig na titig sa magandang mukha ng nobya.

” Mahal na mahal din kita, Julio. Mahal na mahal ng sobra. ” tugon naman ng nobya niya na tulad niya ay titig na titig din sa nobyong si Julio.

” Always remember that whatever happens I love you and I always will,Ianna. ” saad niya and he kissed Ianna in forehead.

” Yeah! I will remember that,Julio. Ikaw lang ang mamahalin kong lalaki at wala ng iba pa. ” she said sincerely.

” You’re my life,Ianna. “

” You’re my life too,Julio. ”

Laking pagtataka ni Yanyan sa sarili kung bakit sa pagkaalala niya ng pangyayaring iyon ay bakit hindi na siya nakakaramdam ng panghihinayang at lungkot. Dati naman kapag naiisip niya iyon ay sobra pa siyang nasasaktan at umiiyak pa nga siya pero bakit ngayon hindi na. Di ba nga dinadrama-drama pa niya iyon dati
sa kanyang kaibigan na si Cleo. Hindi niya talaga maintindihan. She knew that she still inlove with Julio and God’s knows that.

” Talaga,bez? That’s goodnews. Matagal na kayong hiwalay ni Julio kaya dapat lang talaga. ” masayang wika nito sa sinabi niyang naramdaman niya noong maalala niya ang nakaraan nila ng dati niyang nobyo. Dahil alam niya na matagal na ring gusto ng kaibigan na makalimutan na niya si Julio kasi nasasaktan din ito tulad niya sa tuwing nagkukuwento siya dito.

” Kaya lang,bez talagang hindi ko alam kung bakit ganun eh. Kasi alam ko mahal ko pa rin talaga si Julio hanggang ngayon. ” naguguluhan pa ring sambit niya saka nangalumbaba sa bintana ng bahay nila Cleo.

” Alam mo maaaring inlove ka na lang talaga sa memories ninyo at hindi na kay Julio mismo. Gets mo ba ako,bez? “

” Hindi ko talaga alam,bez. Hindi ko talaga alam. “

” Or maybe your inlove with someone,bez. ” nakakalokong wika ni Cleo sa kaibigan habang ngingiti-ngiting nakatitig sa kaibigan.

” Inlove? Nagpapatawa ka ba? Kanino naman ako maiinlove? Wala naman akong inientertain na manliligaw kaya paano naman ako maiinlove. ” nakataas na kilay na wika niya.

” Kanino raw oh! Hindi naman dapat nanliligaw ang isang guy para mainlove ka sa taong yon eh. ” makahulugang wika niya kay Yanyan.

” Huh?! Anong pinagsasasabi mo diyan,bez? I dont get it. ” naguguluhang tanong niya. Kasi sigurado siya na may ibang kahulugan ang sinabi ni Cleo na iyon.

” Umandar na naman ang pagkashunga- shunga mo, Marianna Baltazar. I mean is your inlove already. You’re inlove with Yuan. ” diretsa niyang sabi sa kaibigan at hindi na talaga nagpaliguy-ligoy pa.

” Ewan ko sayo, Cleo. Im not inlove with him. We’re just friends. Thats it. Uuwi na nga ako. Gulo mong kausap.” ang tanggi niya at sabay walkout.

” Gasgas na iyang line mo,bez. Puwede mong itanggi iyan sa akin pero sa sarili mo hindi. Aamin ka rin. ” sigaw niya sa papaalis na kaibigan at tatawa-tawa pa.

Sigurado talaga siyang inlove na ang kanyang kaibigan kay Yuan. Dahil nakita na rin niya ang gano’ng ekspresyon dati ng inlove ito kay Julio. Pero alam niya na mas matindi ngayon ang pagkainlove ng bestfriend niya dahil sa kakaibang ganda at sigla nito kumpara noon. Sana matanto na iyon ng kanyang kaibigan para lumigaya na ito.

Pagkadating ni Yanyan sa kanilang bahay galing kina Cleo ay dire-diretso na siya sa kanyang kuwarto. Hindi na nga niya namalayan ang pagtawag sa kanya ng kanyang dalawang kapatid na nasa salas nila.

Nang nasa kuwarto na siya ay inilock niya ang kanyang kuwarto at biglang pabagsak na humiga sa kanyang kama. Mabuti na lang malambot iyon kaya hindi siya nasaktan. Habang nakahiga na siya sa kama ay nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang napag-usapan nila ni
Cleo kanina. Tama nga kaya ang sinabi ng kanyang kaibigan sa kanya. Inlove na nga ba siya kay Yuan? Paano nga kung inlove na talaga siya kay Yuan? Paano na si Julio? Handa ba siyang kalimutan ang lahat ng nangyare sa kanilang dalawa para lamang sa bagong pag-ibig kung sakali na hindi naman niya alam kung may
katugunan?

Naguguluhan talaga siya. Hindi niya talaga alam nangyayare sa kanyang sarili. Nagpasya na lang siya na itulog na lang iyon bago siya mabaliw sa pag- iisip.

Nang magising siya ng gabi ay ang guwapong mukha ni Yuan ang kanyang nabungaran sa kanilang kusina. Pagbangon niya kasi ay agad ng kusina ang kanyang naisip na puntahan agad. Dahil baka hindi pa nakakapagluto ang dalawa niyang kapatid ng kanilang gabihan. Nagulat pa tuloy siya ng makita sa kusina si Yuan na may niluluto.

” Nakakagulat ka naman, Yuan. Anong ginagawa mo dito? ” tanong niya agad sa binata at naupo sa upuan.

” Hi Yanyan! Gising ka na pala. Heto, nagluluto ng ulam natin. Tikman mo nga kung okey ang timpla ko. ” nakangiting sagot ng binatang. Lalo tuloy lumabas ang kaguwapuhan ng binata na nakasuot lamang ng puting t-shirt at maong na kupas na.

” Ano ba yang niluluto mo? Ikaw na lang kaya ang tumikim niyan. ” masungit na sabi niya dito pero lumapit naman kay Yuan.

” Chicken Pork Adobo ala Yuan. Sabihin mo kung tama lang ang pagkakatimpla ko ha! ” malambing na wika ni Yuan at unti-unting inilalapit kay Yanyan ang kutsara na may sabaw para ipatikim sa dalaga.

” Hmmm… Masarap siya, Yuan. Tamang- tama lang ang lasa. ” sambit naman ni Yanyan pagkatapos matikman ang adobong niluluto ni Yuan.

Pag- angat ng kanyang ulo ay nagsalubong ang kanilang mga mata ni Yuan. Nakatitig pala ang binata sa kanya. Matagal ang kanilang naging titigan. Walang gustong magpatalo.

” Yuan naman,huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako. Ang guwapo mo pala lalo kung tinititigan ka.” sabi niya sa sarili.

” Ang ganda mo talaga, Yanyan. Wala kang kasingganda. You’re the most beautiful girl I’ve ever met in my entire life. I really love you. ” wika din nito sa sarili.

Bago pa man matuksong halikan ni Yuan si Yanyan ay una itong nagbitiw ng tingin sa dalaga. Inasar na lang niya ang dalaga.

” Naguguwapuhan ka sa akin noh,Yanyan? Aminin? ” asar ni Yuan kay Yanyan na sa kasalukuyang nakatitig pa rin sa kanya.

” Excuse me! Hindi noh! Panget mo kaya. ” tanggi nito at binatukan si Yuan.

” Aray ko naman,Yanyan. Deny deny ka pa diyan. Huli ka na ngang nakatitig sa kaguwapuhan ko eh. “

” Kapal mo talaga, Yuan. Hay naku! ” inis na sabi niya dito at inirapan ang binata.

” Uuuuyyyy! ” pang aasar pa niyang lalo sa dalaga.

” Ewan sayo,Yuan. Tapusin mo na nga yang niluluto mo. Nagugutom na ako. Saka para ikain mo na rin yang ilusyon mo. Tawagin mo na lang ako sa sala kapag kakain na ha! ” utos nito at pumunta na nga sa sala kaya naiwan na lang mag- isa si Yuan sa kusina.

” Yes, boss. ” tanging sabi na lang ni Yuan sa dalaga.

Nang nasa sala na si Yanyan ay saka niya inamin sa kanyang sarili na baka nga inlove na siya sa binata. Dahil kaninang nagtitigan sila nito kay bilis ng tibok ng kanyang puso. Sobrang bilis talaga kumpara noong nainlove siya kay Julio. Pero kailangan pa niyang masigurado talaga. Kung paano ay hindi pa niya alam.

” Kakain na po, senyorita Yanyan. Nakahanda na po ang mesa. ” biglang sulpot na wika ni Yuan sa sala.

” Mabuti naman luto na,muchacho. Kanina pa ako gutom eh. ” mataray na sambit niya dito.

” Grabe naman. Talagang muchacho ha! “

” Syempre sabi mo senyorita ako alangan namang senyorito rin itawag ko sayo. ” pamimilosopa niyang tugon dito.

“Oo na. Suko na ko. Sige na, iwan muna kita. Tawagin ko lang sa labas sina Ricky at Emman. “

” Okay! ” tugon naman nito.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga ito at masaya nilang pinagsaluhan ang niluto ni Yuan ng gabing iyon. Nagpalipas lang ng dalawang oras si Yuan sa kanila bago nagpasyang umuwi na.

Lumipas ang mga araw ay nasigurado na ni Yanyan ang kanyang totoong nararamdaman kay Yuan. Inlove na nga siya sa binata. Lagi niya ito gustong makita at makasama. Nagseselos siya kapag may kausap itong ibang babae at kapag may kumakausap dito. Ang iba pa nga ay alam niyang nilalandi si Yuan at ito namang
si Yuan ay nagpapalandi naman kaya lagi niya ito naaaway. Pero syempre hindi alam ni Yuan ang dahilan ng pang- aaway niya. Hindi naman niya nararamdaman ang mga iyon dati. O hindi lang niya pinapansin. Basta inlove na siya. Sana kung inlove rin sa kanya si Yuan ang saya sana.

” Finally,bez you’re inlove. Akala ko talaga hindi ka na maiinlove eh. Aaaayyyeeeiii! ” kinikilig- kilig na sigaw ni Cleo at sa sobrang saya ay napayakap sa kaibigan.

” Wag ka namang maingay diyan, bez. Over ka namang magreact eh. ” saway niya sa kaibigan.

” Over na kung over pero talagang natutuwa ako. Sana maging kayo ni Yuan. Ako na talaga magiging masaya sa buong mundo kapag naging kayo. “

” Ewan ko lang,bez. Ako lang naman ang inlove dito eh. ” tanging nasambit niya sa malungkot na tinig at napabuntong hininga na lang.

” Malay mo naman, bez inlove rin sa’yo si Yuan hindi niya lang pinapahalata,di’ba? Kaya wag ka ng malungkot diyan. ” pagpapalakas ng loob ni Cleo sa kaibigan.

Ngiti na lang ang kanyang itinugon sa matalik na kaibigan. Nagpapasalamat siya at nagkaroon siya ng kaibigan na tulad nito na laging nakaalalay sa kanya kung kailangan niya. Sana nga totoo ang sinabi ni Cleo na inlove din sa kanya si Yuan kasi sobra niya iyong ikakatuwa. Baka nga sagutin niya ora mismo ang binata kapag nagtapat ito sa kanya. Isipin pa lang niya na mangyari iyon naiexcite na siya e,di lalo kapag nangyari nga.

” So kamusta na,Yuan? May girlfriend ka na ba? ” bungad na tanong ni Kenny kay Yuan ng hapon na iyon.

Kasalukuyan silang nasa terrace ng mansyon nila Yuan. Kadarating niya lang sa mansyon ng maabutan niya si Kenny na nandoon.

” Okey naman pero wala pa akong girlfriend. Pero plan ko ng magtapat sa girl. Hindi ko na kasi kayang ilihim pa eh. ” mabilis naman niyang sagot bago nilagok ang iniinom nilang
alak.

” Well, that’s good para naman pagdating ni July maipakilala mo na sa amin ang girl na yan. Maganda ba yan? ” natutuwang tugon naman ni Kenny sabay subo ng barbeque..

” Of course. She’s beautiful but thats not the reason why I love her. She’s admirable, fantastic, simple and a precious one. That’s why I love her. “

” Wow naman! Talagang precious huh! I hope soon I meet her. “

” Oo naman. Sana maging girlfriend ko nga eh. Ikaw unang makakakilala sa kanya. Anyway, kailan nga pala ang uwi ni July dito? Is that for good or on vacation? ” tanong naman niya patungkol sa paparating na kaibigan nila.

” It’s for good and I think one month from now ang dating niya. “

” Ah ganoon ba? Malapit na pala. ” tanging nasabi na lang niya.

Lingid sa kanyang kaalaman na ang pagdating ng kaibigan niyang iyon ay siyang magiging malaking balakid sa kanyang kaligayahan sa babaing kanyang minamahal.

Gabi ng linggo bago matulog si Yuan ay may plano na siyang nabuo. Magtatapat na siya ng kanyang nararamdaman sa dalagang matagal na niyang iniibig ng palihim. Tanggapin o hindi man iyon ng dalaga ay tatanggapin niya iyon ng maluwag sa kanyang sarili. Alam din niya na dapat niya rin ipagtapat ang tunay niyang pagkatao sa dalaga. Bahala na si superman bukas sa mangyayari. Alam niya pagdating ng bukas ay marami ng magbabago sa kanila ni Yanyan. Tanging dasal na lamang niya ay hindi masira ang pagkakaibigan nila ng dalaga.

Pag-uwi niya kinabukasan sa tinitirhang bahay sa squatter’s area ay agad niyang pinuntahan si Cleo para sabihin dito ang kanyang gagawing pagtatapat sa kaibigan nito. Nang matapos niyang sabihin iyon ay laking tuwa nito at sinabi pang boto ito sa kanya para kay Yanyan. Sa sobra pa nga nitong saya ay nasabi tuloy nito sa kanya na tulad niya ay inlove na rin sa kanya si Yanyan. Nang kanyang malaman iyon ay sobra niya iyon ikinatuwa dahil mahal rin pala siya ni Yanyan. Hindi na rin siya masyadong mahihirapan na sabihin iyon. Kaya lang hindi pa niya alam kung papatok ba ang kanyang istilong gagawin para masabi ang kanyangnararamdaman kay Yanyan. Talagang desidido na siyang magtapat sa araw na iyon sa iniibig. Hindi na niya puwedeng ipagpabukas ang bagay na iyon. Pagkatapos niyang masabi kay Cleo ay pinuntahan din niya ang dalawang kapatid ni Yanyan na sina Ricky at Emman sinabi niya rin sa mga ito ang kanyang gagawing pagtatapat sa ate nila at sinabi niya rin kung gaano niya kamahal si Yanyan. Natuwa rin ang mga ito pero binantaan din siya ng mga ito na kung sasagutin siya ng kanilang ate ay huwag na huwag niyang sasaktan ang ate nila dahil ang mga ito raw ng kanyang makakalaban. Naintindihan naman niya ang mga ito. Sabi naman niya ay hindi niya sasaktan kailanman si Yanyan.

Nang sumapit ang gabi ay kabadong- kabado na si Yuan sa gagawin niyang pagtatapat sa dalaga. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Matatapos na ang gabi ay hindi pa siya nakakapagtapat sa dalaga. Kanina pa siya gitara ng gitara sa labas ng bahay nila Yanyan pero hindi naman niya maibuka ang kanyang bibig.

Kanina pa nag- aalala si Yanyan kay Yuan dahil sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi siya masyadong kinakausap nito na di tulad dati ay super kinukulit siya. Kaya naman nilapitan niya ito sa labas ng kanilang bakuran na naggigitara.

” May problema ka ba, Yuan? Kasi ang tahimik mo eh. ” tanong niya dito ng makalapit sa binata. Tumabi siya dito.

” Wala naman. Kinakabahan lang. ” sagot naman nito na nakangiti at patuloy sa paggigitara.

” Kinakabahan saan? ” takang tanong niyang muli.

” Wala. Request ka nga ng kanta tapos kakantahin ko. Kantahin nating dalawa. ” pa-cute na wika ni Yuan at kinindatan pa si Yanyan.

” Wala pa akong maisip eh. Ikaw na lang kaya muna. “

” Sige, crazy for you. ” sagot niya at sinabayan niya ng kanta ang kanyang paggigitara.

Habang kumakanta si Yuan ay titig na titig siya kay Yanyan. Lahat ng salita ng kanta ay nasa puso niya dahil totoo niyang nararamdaman iyon sa dalaga. Kanta niya talaga
iyon para sa dalaga.

Lingid na kaalaman niya ay kinikilig na ng lihim ang dalaga sa kanyang mga kinakanta. Halos lahat kasi ay paborito niya. Nangangarap tuloy siyang hinaharana siya ni
Yuan. Titig na titig din siya kay Yuan habang kumakanta ito.

Nakakalimang kanta na siya ng ipasya niyang kantahin ito ;

All my life
I prayed for someone like you
And I thank god
That I..that I finally found you
And all my life
I prayed for someone like you
And I hope that you feel the same way too
Yes, I pray that you do love me too

” Para sa akin ba yang kanta na iyan, Yuan? Gosh! kinikilig na ko talaga.Ang guwapo niya talaga. Huwag mo na akong titigan,
Yuan baka mahalikan na kita. Guwapo mong bakulaw, Yuan. ” wika niya sa kanyang sarili.

Nang tapos ng kumanta si Yuan ay binalingan niya ang nakatulalang dalaga sa kanya. Parang nawala sa sarili ito.

” Yanyan, okey ka lang? ” nag- aalalang tanong nito dahil sa pagkatulala ng dalaga pagkatapos niyang kumanta.

” O-oo naman. Okey lang ako. May naisip lang ako. ” pagpapalusot ni Yanyan.

” Ah okey! ” tugon naman niya.

” Uuwi ka na ba? ” biglang tanong nito.

” Hindi pa naman. May sa- sabihin pa ako eh! ” sagot ni Yuan na nauutal.

” Ano naman iyon? ” tanong nitong muli.

” Mahal kita, Yanyan, Simula palang ng makita kita alam kong minahal na kita lalo pa ng mas nakilala kita. Lalo kitang minahal. Masaya ako kapag kasama kita. Sa totoo lang takot akong magmahal muli dahil sa mga minahal kong babae noon na niloloko lang ako. Pero handa akong masaktan muli atleast nasabi ko sa iyo ang pagmamahal ko. ” mahabang wika ni Yuan at paalis na sana ng biglang sumagot si Yanyan.

” Mahal din kita, Yuan. Mahal na mahal din kita. Wala na akong ibang mahal ngayon kundi ikaw at mga kapatid ko. ” mabilis na sagot ni Yanyan.

” Anong sabi mo Yanyan? Puwede mo bang ulitin? “

” Sabi ko po mahal kita. “

” Talaga? Kurutin mo nga ako baka kasi panaginip lang ito eh. “

Imbes na kurot ang dapat gawin ni Yanyan ay isang malakas na batok ang kanyang ginawa kay Yuan.

” Totoo nga hindi panaginip. Ramdam ko ang sakit. Yes! ” masaya pang turan nito saka muling nagsalita.

” Mahal mo rin talaga ako,Yanyan? “

” Oo, Yuan. Mahal na mahal kita. ” nakangiting sambit ni Yanyan.

” Mas mahal kita, Yanyan. ” pagkasabi niyon ay niyakap niya ng mahigpit si Yanyan.

” Pero liligawan mo pa rin ako, Yuan. ” pahabol na wika ni Yanyan.

” Oo naman kahit segu-segundo,minu-minuto, at oras-oras liligawan kita. ” ang masayang masayang sabi ni Yuan habang yakap yakap si Yanyan.

Nang mga sandaling iyon ay sobrang maligaya na ang dalawa. Magiging masaya pa sa mga susunod na araw,linggo at taon. Yan ang sabi nila sa kanilang sarili. Wala ng mas liligaya sa kanila ng mga sandaling iyon kundi ang mga ito lamang. Kapwa na nilang nasabi sa isa’t isa ang pagmamahal sa bawat isa.

Talakayan

8 thoughts on “Chapter 7 : Finding My True Love

  1. Wow

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 2:36 umaga
  2. ooohhh. .so swit aman. , =p
    but dont 4get!!
    da ex is coming!!!
    wahahahah!!. .(evil_lough) ;;)

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 12:33 umaga
  3. yown. ^_^

    ai hala. nagpaligaw pa si yanyan. hehe

    Posted by angel_YL | Disyembre 28, 2010, 4:58 hapon
  4. wow…naman…kilig 2 da max….ano kaya mangyayari next chapter….?? next chapter na pohh…ka bitin…heheheheheheh….

    Posted by blue | Hunyo 26, 2010, 1:35 hapon
  5. bakit nawala po ung story ng beauty is the best

    Posted by gel | Hunyo 26, 2010, 12:17 umaga
  6. ay…nakakasabik naman. next chapter na please! nakakakilig talaga! naku papano na pag nagkita na sila july at yuan? ano kaya sasabihin ni yanyan? yuan ipagtapat u na kay yanyan ang tunay mong pagkatao…

    Posted by vicky | Hunyo 25, 2010, 11:40 hapon
  7. Naku po!!! baka hindi na magkakatuluyan sina Yanyan at Yuan…
    Ang gusto ko, sila ang magkatuluyan ni Yuan.. at sana si Julio may
    mahanap na iba… na mas mahal niya kesa mahal niya si Yanyan
    noon…. please ito sana ang mangyari… huhuhu

    Posted by Faith | Hunyo 25, 2010, 9:09 hapon
  8. … w0w nman!
    … kakakiLig 2 d max…
    … ehehehehehe…
    … what kya mangyayari next chapter…
    … pag maLaman ni Yanyan na mag pinsan cLa JuLio at Yuan….

    Posted by jhenrheyn21 | Hunyo 25, 2010, 1:28 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: