binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 7: Ever Since

CHAPTER 7 LAINe SERIES: JEW & DREI

“The night is about to start, were glamour, beauty and fashion indulge you. Witness the 2010 summer/fall collection of RIMBA, the brand that is first to elegance and will surely sizzles your summer escapade.” The announcer said to welcome the start of the fashion show then nagsimula na rin ang pag rampa ng mga models, in the meantime-

“Auntie how do you like the yacht design?” kasalukuyan silang nasa deck ng yacht at over looking sa baba ang nagaganap na fashion show

“It was so fastidious yet it leads to perfection, something earthy and unique, I loved it” sagot nito na kararating lamang ng Palawan dahil isa ito sa mga VIP guests ng event na iyon “Rima Barthon wanted to talk with the team sa after party later, she wanted to congratulate you for a job well done, kahit hindi pa daw niya nakikita ang mga special effects na hinanda mo eh sobrang okay na sa kanya ang stage decoration and makeshift waterfalls na ginawa mo, I’m always been proud of you”

“Thank you Auntie, I would never been here if it’s not of you” she winced sabay niyakap siya ng Auntie niya then-

“Uy, cheesy, what’s this ha?” nakangiting nakipag beso kay Jew at Heather “Ate Julia is here” nakangiting turo niya sa kapatid na naglalakad na papalapit sa kanila

Ewan ba niya kung bakit bigla siyang naging excited ng makita si Julia, maybe because maaaring nasa paligid lamang si Drei pag nagkataon, Ugh the man who first made her cried after a very long time in her entire life, well he was actually the third, her father was the first and second was the man she had abolish to her system a long time ago when she was just nineteen but that was a close story of her life and now the gigantic rude Drei made her cried again buti na lang at hindi iyon napuna ni Mosh dahil madalas ay busy ito at lalong hindi naman niya pwedeng sabihin rito ang mga nangyayari sa kanila ng kakambal nito. Well ang huling pagkikita pa nila ay ng sampalin niya ito two days ago, babalik sana siya ulit sa gazebo pero hindi na niya tinuloy dahil mukhang masaya na ang bruhong makipag-usap sa babaeng kasama nito at nakahawak pa sa braso niya. Bilib din naman talaga siya sa lalake, wala pang  minuto ng makaalis siya eh may kapalit na agad siya. And to her great horror, she started to sob. From then on bigla na lang hindi niya ito nakita na kung tutuusin ay nasa harap lang naman ito ng cottage nila and even Eve had no show, well of course kung aalis nga naman si Drei eh di kasama nito ang bruhang babaeng iyon. Hindi naman niya tinanung si Mosh dahil baka lalo lang siyang paghinalaan nito na may gusto siya rito. Napukaw siya sa pag-iisip ng makita ang paparating kaya lang to her dismay wala ang hinahanap niya.

“Nice party huh!” nakipagbeso rin siya rito “Hi Heather you look fabulous. Oh look at your niece here Heather, stunning, you were gorgeous Jew” nakipag beso ito kay Jew na ngumiti lamang.

“Well kanino pa ba naman niya yan mamamana kundi samin ng Mommy niya” at saka nagkatawanan na sila

“Oh girl baka naman lumaki ang ulo mo ha, wag ka masyadong magpapaniwala dito kay Ate” malanding tumawa ito

“Ikaw talaga Mosh, anyway have you seen Drei?” baling nito kay Mosh

“Nah, kanina pag arrive niyo palang sa port eh nakita ko na siyang may kausap na staff ni Ms. Rima, I don’t know their business eh, after that hindi ko na siya nakita, baka he’s with Justin or Eve.”

Nagpantig ang tenga ni Jew sa narinig. So tama pala ang hinala niya, biglang napaisip si Jew, umalis nga ang lalake at kababalik lang kanina at kasama pa rin ang Eve na yun kaya siguro hindi niya ito nakikita. What is it to her then? ayaw man niyang aminin pero siya pa ang na guilty ng sampalin niya ito noon sa gazebo and how she wanted to apologize to him, and how he missed him, hell sa kabila ng mga pang-iinsulto nito sa kanya nakukuha pa niya talagang mag-isip ng mga ganitong kabaliwan ha?.

“O Excuse lang mga sister ha, I’ll just mingle with the guests” paalam nito at tinanguan naman nila Julia

“Kararating mo lang din ba Julia from Manila?” tanung ni Heather ng makaupo na sila sa round table.

“Yes, kung hindi nga lang nangulit si Rima over phone eh hindi ako pupunta, may big surprise daw siya for me, tapos ng malaman ko din na andito kayo eh yun sumunod na ko kahit ang dami pang papers ang nakatambak sa desk ko, saka may simple wedding proposal na gagawin daw sila Drei tomorrow night, gusto nila Drei na present ako at si Mosh dahil kami na nga lang ang relatives dito-.”

Napataas ang kilay ni Jew ngunit wala namang nakapansin until her Aunt Heather ask Julia “Si Drei, nagpreprepare ng isang wedding proposal?” makahulugang sumulyap ito kay Jew.

“My god I’m not to tell anything, it’s a surprise, nagulat na nga lang ako ng dumating rito sila Eve from Bahamas last week kaya nga ng mag request sila sakin ng vacation dito for couple of days ago eh binayaan ko na si Drei mag leave sa office, first time kasi ni Eve na makarating dito sa Phil., so I let them enjoy. Well Eve is more than part of the family, she’s one of the person I have trusted to guide Drei for the last four years from the time they’ve met through Justin our cousin, kaya no wonder she was loved by my brother”

Hindi niya alam kung anong iisipin, she’s not supposed to feel this so called, ugh she finally admitted to herself, she was damned jealous and to hell with this man trying to flirt with her few days ago yun pala eh soon to be married na ang bwisit, she don’t know parang hindi niya kayang tanggapin na mag pro-propose ito sa Eve na yun at anu pala siya, well actually aside from their luring kissing scenes, nothing! She was just nothing oh how she hated the idea, she’s the one being played now, what happened to her? Stupid!

“Totally I don’t get it, so Eve is the fiancé of Drei-? Takang tanung ni Heather na ikina kunot-noo naman ni Julia, sasagot na sana ito ng –

Bigla na lang nanlaki ang mga mata ni Mosh habang nakatingin sa baba “Oh my God!” sabay naglakad ito ng mabilis papunta sa table nila Julia “Ate look down!”

“Why what’s it?” takang tanong ni Julia saka tumingin na rin sa baba ganun rin sila Heather at Jew “Is that D-Drei?”

“Am I seeing myself half naked? How can Drei made his body that big?” malanding biro nito na wari ay may pagnanasa sa kapatid kaya binatukan siya ni Julia “Ouch naman Ate eh”

Samantala nakatitig lang si Jew kay Drei sa baba, he was real sexy wearing only a an underwear cover up with white overlooking pants, bakit hindi niya napansin noong nagkatabi sila sa bed sa cottage nila ni Mosh na ganun kaganda ang body nito eh half naked din naman ito?, well probably she’s too busy with her anger over him that’s why, but god, yes he has a body like the description of Gods on myths, those abs, biceps and ugh his chest, bigla siyang napalunok ng makita niya itong nakatitig rin sa kanya habang naglalakad sa kahabaan ng runway, she don’t know kung ano yung nakikita niya sa mga mata nito, so expressive parang  may gustong sabihin sa kanya. Then she felt a hand covering her hand, napatingin naman siya rito. “Ate Julia”

Nakangiti ito “I don’t know how to thank you Jew, hindi ko alam na ang most wanted gossip playgirl of the town ang magbibigay ng sense of direction sa kanya” makahulugang pahayag nito.

Napangunot-noo siya “What are you talking about Ate Jul-?”

Ngumiti ito “You don’t have to get the answer from me, I’m sure siya na lang ang mag pro-provide sayo ng sagot plus apologize” at binalik na ulit nito ang paningin sa runway ganun din si Jew ngunit naguguluhan siya, mag-aapologize na ba ang lintik na lalake sa kanya dahil magpapakasal na ito and to clear his conscience? Wait alam kaya iyon ng Ate nito? Did the brute tell his sister everything that had happened between them? Ugh she’s about to suffer headache. Then fireworks came applauded on top at hindi na niya namalayang tapos na pala ang show.

–=-=-=-=–

“Well Julia its been long since I’ve called your brother to be the closing face of my collection, kahapon nga lang siya umo-o sakin over phone, and I’m happy that he accepted it”

“So may commission ako dapat diyan Rima, well future President ang kapatid ko at hindi ramp model” ngiting biro niya at nagkatawanan na sila sa table kung saan tahimik lang roon si Jew.

“Well Heather I haven’t congratulated you yet for this wonderful event” ani ni Rima kapagdaka

“A-uh, I think this one beside me is responsible for this event” tukoy niya kay Jew

“Well of-course, Jewish right?” isang tango lang at ngiti ang tinugon ni Jew ang totoo ay kanina pa siya wala sa mood “Totoo nga ang sinasabi ng almost half male models ko”

Hindi man nauunawaan ay nagtanung siya “H-Ho?”

Ngumiti ito “Na napakaganda daw ng organizer ng event, and everyone was talking about you backstage, no wonder your outer beauty resembles exactly as your work, job well done iha”

Pinilit niyang ngumiti, siguro kung nasa ibang pagkakataon at sinabi sa kanya ni Ms. Rima na maraming hunk models ang pinag-uusapan siya ay go na agad siya sa backstage para lumandi but tonight is just different, isa pa nasa working mode pa rin siya as far as the party is concerned “Thank you po Ms. Rima, our team always work for our clients satisfaction”

“Oh you were nice and so charming, if I’d just saw you earlier, I could have made you to open the show, why you were gorgeous, mas bagay siguro sayo na nakikita ka sa runway than just a mere audience after organizing an event, what do you think Heather?”

“Ever since marami na ngang kumukuha sa batang iyan na maging model, pero ewan ko ba, dine-decline niya palagi ang mga offers, I think she’s happy with her career under me.” Then a phone rings, Jewish immediately got her phone on her pouch and said excuse to everyone and keep a little distance from them.

“Hello, Joseph, Sweety I can’t here you well, I’m at the yacht party”

“I know that, I just called to say that I love you and can’t wait to see you, I have to tell you something”

“Hey is that serious? You sounded like-”

“Jewish, please say yes the moment I asked you”

“Why, what is it, I don’t understand, what will you ask from me? Nakauwi ka na ba?”

“I love you, just say yes when I asked you, gotta go sweety, bye” sabay inoff nito ang phone habang nakatingin sa yacht kung saan naroon ang babaeng gusto niyang paghigantihan mulat sapol, well he will love her in hell and drag her out of her wonderful life. Mapait itong ngumiti habang hawak ang isang velvet box “Tonight you’ll be mine Jewish Mari Favela, and the moment you say yes to me means death.” Makahulugan itong ngumiti. “Malapit na Michael, malapit na” saka tumingala ito sa langit.

In the meantime, naguguluhan mang bumalik sa kinauupuan si Jew ay sandali lamang iyon ng marinig niya ang pagtawag ni Julia sa lalaking pinagkahanap-hanap niya mula pa kanina.

“Oh Drei-” masayang bati nito sa kapatid, nakapag palit na ng suit ito. “Come sit beside me here” utos ni Julia na kung saan makakatabi ni Drei si Jew, dahil kanina si Mosh ang umo-occupy ng sit na yun kaya lang ay bigla itong nawala. “So what have you eaten today at nag model ka?” patuloy nito ng makaupo na ang kapatid. “Oh by the way, have you met Jewish Aunt?, Si Heather ang owner ng AIM Fashion.” pagpapakilala niya rito.

“Hello Drei, Finally we’ve met, I heard so much about you…” napansin niyang gulat na napatingin sa kanya si Jew as if warning her, saka siya ngumiti “… from Mosh, I can’t believe that you were real identical, just looking at you, is totally like looking at Mosh in a different perspective” Ngiti lang ang isinagot ni Drei dito. Nagsimula ng pumailanglang sa ere ang isang love song na may pagkagroove at may ilan ng mga couple ang pumupunta sa dance floor sa baba ng yacht deck, napakabilis talaga ng mga staff ng AIM, kanina lang ay runway iyon, ngayon ay makeshift stage na pabilog na ito.

“Drei, why don’t you dance with Jew?, I think you two will make a perfect couple of the night” saad ni Rima, awtomatikong napatingin kay Drei si Jew na wari ay may pagtutol sa mga nito.

“Oo nga Drei, why don’t you two, dance?” dagdag pa ni Julia “I believe you have so many things to settle with her” she smiled at nakita niyang pinanlakihan siya ng mata ni Drei pero tinaasan niya rin ito ng kilay.

Tumayo na ito “Dance with me Jew, will you?” inilahad niya ang kamay rito

Tumaas ang kilay niya “Utos ba yan o pakiusap?” Napatingin siya sa Auntie Heather niya ng hawakan nito ang kamay niya as if telling her na pumayag na siya, well she must have her pride pero ayaw rin naman niyang ipahiya ito, kaya tumayo na siya pero hindi tinanggap ang kamay ni Drei sa halip ay nagpatiuna na siyang naglakad pababa ng deck papuntang stage pero mabilis namang nakasunod sa kanya si Drei.

“Jewish, I wanna make up to you” he whispered at her back ng marating nila ang stage, sabay namang humarap na si Jew sa kanya “Can I hold you so we can dance?” He smiled softly ng wala siyang nakuhang response kay Jew except sa nakatitig lang ito sa kanya na animo’y nayayamot “I don’t know what to say first sa sobrang dami kong gustong ugh-” sabay hinapit niya ang baywang nito, sa pagkabigla naman ni Jew ay napahawak na ito sa may balikat niya at nagsimula na silang sumabay sa saliw ng musika habang nakatitig lang si Drei kay Jew na halata namang naiilang.

I really only met her ’bout a week ago
But it doesn’t seem to matter to my heart
I know that I love her
I’m hoping that I never recover
‘Cause she’s good for me
And it would really make me happy
To never let her slip away

Mmmmmm I love her

“You were beautiful Jewish!” ang mga linyang ito ang nagpataas ng mukha ni Jew at nagpakatitig sa kanya.

Sa ibang pagkakataon siguro ay bibigay na siya rito, yes she missed him and oh how she melted on the way this man would stare at her na parang siya ang pinaka magandang babae sa buong mundo ngunit hindi, she was deeply hurt “Sino ka ba talaga? May I just reminded you how much you insulted me this past few weeks or nagka amnesia ka na?” she paused “tapos heto ka ngayon, playing the role of the most romantic bachelor, are you playing with me? or your conscience is bugging you dahil you decided to settle down with Eve and now clearing out your ruthless actions over me?” mahina ngunit mariin na pagkasabi niya.

Napakunot-noo ito at tumigil na sila sa pagsayaw, now their standing at the middle of the dance floor at nagtatagisan ng tingin sa isa’t-isa “What are you talking? Eve? What she has to do -?”

“Ganyan ka ba talaga?, well natural, mag propropose ka na kay Eve-

“Wait, me proposing with Eve? Where hell did you get that idea? Are you jealous with her? – napataas ang kilay ni Jew, is she too transparent at nalaman agad ni Drei na nagseselos siya? Sasagot na sana siya ng biglang –.

“Drei darling” malambing na boses ng isang babae na ikinapantig naman ng tenga ni Jew at higit sa lahat humawak pa ito sa braso ni Drei. “Why don’t you two sit down, kanina pa kayo nakatayo rito at pinagtitinginan ng mga tao, worried lang ako” mahina niyang pagkasabi ngunit sapat lang para lalong mainis si Jew na hindi naman niya napansin.

Nabwibwisit na talaga siya sa nakikita at naririnig niya, ngayon ay heto sa harapan niya ang babaeng kanina lang ay tinatanggi pa ni Drei na pakakasalan nito, eh heto na ang ebidensiya and the nerve she called him darling, and to think gusto na niyang sumabog, damn she is madly jealous, this is the second time she felt this kind of emotion, at sa lalakeng kinaiinisan pa niya talaga ha, tiningnan niya si Drei na halata naman sa mukha nito na walang maisagot kay Eve, gusto pa yata nitong maka-score sa kanya before his marriage proposal, ahh now she concluded base sa mga insults sa kanya ng lalakeng ito ay mukhang alam na nito ang reputation niya about men at gusto ba nitong makipaglaro sa kanya bago magpatali kay Eve? That’s it, he thinks that she was easy! Damn this brute! Ewan ba niya pero ayaw niya atang paniwalaan yon “I think I better go, excuse me” saka dali dali siyang naglakad papunta sa exit ng deck.

“Eve what have you done?” kunot noong baling nito habang nakatingin lang sa papalayong si Jew

“What did I do?” takang tanong niya at saka pinanlakihan ito ng mata “God is she jealous over me? Sorry, well dear I thought kasi na inaaway mo nanaman si Jew when i saw you two stop dancing, baka kasi hindi mo ma- control ang sarili mo at kung ano nanaman ang masabi mo kay Jew like nung sa gazebo, kaya I decided to step in para sana ma-cool down muna kayo-” mahabang paliwanag niya.

“Hey Drei, what are you two-?” sabad ng paparating na si Justin sa stage

“Justin can you just dance with Eve, I really have something to settle” nayayamot na sabi nito. “Minsan talaga wrong timing ka Eve” naiinis ito na nasisiyahan to think na hindi nga kaya nagseselos si Jew kay Eve? Ugh how he love the idea at least possible that the lady likes her too. Dali-dali na siyang naglakad pasunod kay Jew.

“Go get her!” pahabol pang sabi ni Eve at natatawa naman itong isinayaw na lamang ni Justin

–=-=-=-=–

“I need distance, why don’t you get it?” hindi na niya alam kung gaano kalayo na rin ang nalalakad niya mula ng dali-dali siyang bumaba sa yacht kanina well hindi naman kalayuan sa yatch, good thing nakadaong lang ito malapit sa port, she don’t know where to go basta she was hurt and she knows why, lalo pang bumilis ang lakad niya ng marinig niyang sumisigaw si Drei at tinatawag ang pangalan niya at kanina pa animo’y hinahabol siya. Mabuti na lang at wala masyadong tao sa shoreline dahil halos lahat ay nasa yacht for the party ang naisip ni Jew pero hindi alintana ang mga matang nagmamatyag sa kanila ilang minuto palang ang nakakalipas.

Nandiyan ang iharang nito ang katawan sa kanya para tumigil na siya sa paglakad, ang pag alalay nito sa kanya habang naglalakad siya pero pilit naman siyang umiiwas rito.

“W-Wait!” Hinihingal na sabi nito at pinagkahigpitan ang hawak sa braso ni Jew kaya kahit anong waksi doon ng dalaga ay hindi iyon maalis “Please Jewish Mari, we have so much mis understanding, let’s talk about it” Iniharap niya si Jew sakanya hawak pa rin ang magkabilang balikat nito at pinagkatitigan ang dalaga “Listen!” bulyaw niya sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Jew at pilit inihaharap ang mukha nito sa kanya ng pilit pa rin ang pagpumiglas nito.

“I’m sorry that I have to be rude to you and turns out that I’m the one being hurt, I’m sorry that I played the asshole role this previous encounters that we had and turns out that I am the one being impaired” halos namamaos ngunit malumanay na pahayag nito “I’m sorry that I initiated those kisses that in turn makes me more addicted with it, with you! Sorry that I have to intrude in your life at my worst because that’s the only way I knew to be with you.” makahulugan at nagsusumamong pahayag nito

Mapakla siyang ngumiti ‘God the man is so handsome and how ironic the pain?, tumatagos iyon sa pagkatao niya, lalo na sa puso niya, how can she hell resist him then? Bullshit… NO he’s getting married!’ sigaw ng utak niya “That kind of speech coming from a man soon to be married? How deceivious to hear!” she sarcastically roared while nerviously faking her smile, dahil alam niyang nagbabadya na ang kanyang mga luha na lumabas sa kanyang mga mata. At first she wanted to kiss him dahil sa mga sinasabi nito kanina but then again mabilis siyang bumalik sa reyalidad, walang happy ending, walang ganitong klaseng lalake and he’s just a dream at gigisingin na agad niya ang sarili bago pa mahuli ang lahat.

Napakunot-noo siya, after of what he said, yun lang ang isasagot sa kanya ng babaeng ito, he was supposed to say the next line that he loves her and he wants to clear with her that he’s not marrying anyone, pero mukha yatang wala na iyong silbi dahil hindi naman siya gusto nito, and he was in great pain damn him to think that this lady likes her too, sandali ay nagtagisan sila ng pagkakatitig sa isa’t-isa then a phone rings.

Dali-dali naman si Jew na kunin ang phone nito sa kanyang pouch and answered it para matigil na rin ang pantasya niya.

“What’s it Mosh?” she ask then after Mosh replied “Si Joseph? Where is he?” after few seconds hearing Mosh “Okay I’ll be back in there” sabay off ng phone at bumaling kay Drei na matamang nakatitig lang sa kanya animo’y nahihirapan ang kalooban at nakikiusap ngunit-

“Jewish – ” he whisphered her name

“Let’s stop this, I don’t wanna play games with you, besides Mosh is my bestfriend and Ate Julia is so dear to me so please, I know exactly what you thinks of me but i’m over with it,… I’ll go ahead” at nagsimula na siyang lumakad pabalik ng yatch ewan ba niya pero bawat hakbang niya ay panay pa rin ang dalangin niya na hahabulin siya ni Drei at pipigilan siya nito… but her wrong, he never followed, so she’s damn right, the man doesn’t like her, she almost fall with him.. but good thing… she immediately recovers.

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

15 thoughts on “Chapter 7: Ever Since

  1. So sad……

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 12:22 hapon
  2. si joseph ggantihan lng z jew,z jew ssgutin ang proposal n joseph kz inis xa ky drei,,haha hula lng

    Posted by luvlyangel | Disyembre 9, 2013, 4:09 hapon
  3. awts

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 4:33 hapon
  4. Omg

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 1:36 umaga
  5. bakit pa kc di tinuloy ni drei ang sasabihin..kainis….sarap mo halikan drei..ang bagal mo…whew!

    Posted by jao | Mayo 13, 2012, 10:42 hapon
  6. ayun na eh!!andun na eh!!
    panira aman ng moment!
    Ahmf!! . .but lately joseph staring at them, . .
    OM!!joseph’s back wat will happen da two of them after thiz discoution nd after thiz night??
    hmmm. .i can’t wait to figure it out!!!hahah! ;;)

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 10:41 umaga
  7. Ang malaking akala. . Hmm. . . pgnda ng paganda yuhoO untl nw gising pa ko waah

    Posted by jassimplegrl | Oktubre 17, 2010, 4:29 umaga
  8. @melai…paxenxa na po now lang me nakapag online, ngayong hapon na po ang labas ng next chapter nito…
    salamat sa lahat ng inyong komento….

    Posted by laine8855 | Hunyo 26, 2010, 11:51 umaga
  9. kelan po labas ng next chapter n2….
    bitin n aq s sobra ganda….

    Posted by melai | Hunyo 25, 2010, 10:01 hapon
  10. yeah..fantastico..next chap plzz..

    Posted by eithak | Hunyo 24, 2010, 4:38 hapon
  11. anu yun… may balak ba na masama c joseph kay Jew
    hahaha
    basta gusto ko na next chapter

    Posted by Khira | Hunyo 24, 2010, 3:42 hapon
  12. wow i can w8 for d next chapter..very exciting ….

    Posted by melai | Hunyo 23, 2010, 6:06 hapon
  13. ouch… ganda ng story……….

    Posted by deezz | Hunyo 23, 2010, 5:47 hapon
  14. hehehehehe…… 8s my 1st!!!!
    🙂

    gumaganda na ang storya……

    Posted by ghie | Hunyo 23, 2010, 5:39 hapon
  15. I love it!!cnt w8!!next chap plz..

    Posted by lappa | Hunyo 23, 2010, 4:19 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: