binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 6 : Finding My True Love

MULA NG maging magkaibigan sina Yuan at Yanyan ang bawat araw na dumadaan at lumilipas ay nangangahulugan na lumalawak ang kanilang pagkakaibigan. Halos araw- araw silang magkasama ni Yanyan at lagi siyang nasa bahay ng mga ito.  Umuuwi lamang siya kapag oras na ng tulugan.  Doon na rin siya kumakain kina Yanyan nagdadala siya ng ulam at kina Yanyan na ang kanin. Araw-araw ay ganoon na ang kanilang set up. Kung hindi mo sila kilala ay mapagkakamalan mo silang magkasintahan o mag-asawa. Naging malapit din si Yuan sa dalawang kapatid ni Yanyan. Tinutulungan niya ang mga ito sa mga assignment at kung walang pasok ang mga ito ay nagbabasketball sila ng mga ito pagkatapos ng trabaho niya sa palengke. Masayang masaya siya sa company ng magkakapatid lalo kay Yanyan dahil lalo niyang nakikilala ang pagkatao nito na hindi niya inaakalang mangyayari. Habang tumatagal tuloy ay lalo siyang humahanga sa dalaga at may parte ng pagkatao niya ang unti-unting umuusbong para sa dalaga ngunit ito ay hindi niya masyadong pinapansin dahil sapat na para sa kanya ang anumang mayroon sa kanila ng dalaga.  Sa parte naman ni Yanyan ay masaya rin naman siya na naging kaibigan niya si Yuan kahit pa napilitan lang siya noong una.  Saka napatunayan niyang hindi pala totoo ang akala niyang antipatiko at bastos ang binata dahil ang totoo ay napakabait, gentleman at maaalalahanin nito pero makulit pa rin kaya naman hindi pa rin niya maiwasang matarayan at maaway niya ito kapag umatake ang pagiging makulit nito.  Isa rin sa nagustuhan niya kay Yuan ay ang pagiging malapit nito sa kanyang dalawang kapatid.  Naranasan tuloy ulit nilang magkaroon ng kuya sa katauhan nito. Dati kasi malapit ang mga ito sa dati niyang kasintahan na si Julio. Halos lahat ng ginagawa ni Yuan sa kanyang mga kapatid ay pareho rin ng ginagawa ni Julio.  Ang pagkakaiba nga lang ay kasintahan niya si Julio samantalang si Yuan ay kaibigan niya lamang. Madalas nga siyang tuksuhin ni Cleo na baka hindi magtagal ay mahulog ang kanyang loob kay Yuan dahil sa sobrang lapit nila sa isa’t isa simula ng maging magkaibigan sila nito.

Sabi ni Cleo mas lagi ngang magkasama sina Yuan at Yanyan kesa silang dalawa ni Yanyan. Pero para sa kanya ay imposibleng magkagusto siya kay Yuan hindi dahil sa mahirap itong mahalin kundi dahil sa may mahal pa siyang iba.  Ito ay ang dating kasintahan niya na hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin niya kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng boyfriend simula ng naghiwalay sila nito ng hindi maayos. Ngunit umaasam siyang makalimutan ang pagmamahal niya para sa dating nobyo.

Sa palengke habang abala sa pag-aayos ng kanilang paninda sina Yanyan at Cleo katulong si Yuan sa pagbubuhat ng banyera ng isda ay dumating si Leon ang masugid na manliligaw ni Yanyan.

” Hello,my babes! Kamusta ka na? Namiss mo ba ako? Ako kasi sobrang miss na kita kaya naman nandito na ako para masilayan ko ang ganda ng my babes ko.” bungad na wika ni Leon na tulad dati ay pa- cute pa rin.

” My babes ka diyan! Tigilan mo nga ako,Leon. Huwag mo akong simulan ngyon umagang- umaga.” pagsusungit na naman niya kay Leon.

” Ang guwapo mo naman ngayon, Leon diyan sa ayos mo. Sigurado maraming mapapatingin sa iyo niyan.” sabad ni Cleo mula sa likod.

” Salamat,Cleo. Mabuti ka pa napansin mo ang kaguwapuhan ko ngayon. Talagang nagpaguwapo ako para lang kay Yanyan,my babes.” pa- cute na naman ni Leon habang nakatitig sa dalagang iniibig.

” Ewan ko sa inyong dalawa diyan.” asik niyang wika sa dalawa.

” Siya ba si Leon,Cleo?” biglang tanong ni Yuan buhat sa likod.

” Oo,Yuan. Siya si Leon ang masugid na manliligaw ni Yanyan dati pa. Bagay na bagay sila, di’ba?” ang nakakalokong sagot ni Cleo.

” Ako nga pala si Yuan.” pagpapakilala ni Yuan kay Leon sabay lahad ng kamay.

” Leon,pare.” ganting pagpapakilala rin nito sabay nakipagkamay din kay Yuan.

” Boyfriend nga pala ni Yanyan.” wika ni Yuan.

Sa sinabing iyon ni Yuan ay pare-parehong hindi nakapagsalita ang mga ito lalo si Yanyan ay hindi nagawang magreact. Pati si Leon ay hindi rinnakapagsalita at makikita sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabing iyon ni Yuan.

Gustuhin man bawiin ni Yuan ang nasabi ay alam niyang huli na dahil kita niya sa mga mata ng mga ito ang pagkagulat. Pinanindigan na lang niya ang nasabi. Hanggang sa nagpaalam na si Leon na aalis at nagsarado na ng tindahan sila Yanyan ay hindi iyon napag-usapan. Napag-usapan na lang iyon ng naglalakad na silang pauwi nila Cleo at Yanyan.

” Naloka talaga ang beauty ko kanina sa sinabi mo,Yuan. Speechless ako do’n. Sobrang nagulat talaga ako sa sinabi mo.” tatawa-tawang wika ni Cleo habang naglalakad na sila.

” Hmmm… Ewan ko nga ba kung bakit ko nasabi iyon kanina. Babawiin ko sana kaya lang nakita ko mga itsura ninyo kaya pinanindigan ko na.” paliwanag na wika niya.

” Puro ka talaga kalokohan, Bakulaw. Loko ka talaga.” taray na wika niya sa ginawa kanina ni Yuan.

“ Nakita nyo ba itsura ni Leon? Nakakaawa kaya.” sambit ni Cleo na ang tinig ay naaawa nga talaga.

” Sorry na lang sa kanya. Love ko si Yanyan,my babes ko kaya ko ginawa iyon. Saka para rin naman sa kanya iyon para manligaw na siya ng iba kasi alam naman nating di talaga type ni Yanyan,my babes si Leon. Di ba,Yanyan my babes?” wika nito at ginaya ang pagtawag kay Yanyan ni Leon ng my babes.

” My babes pala ha! Etong sa’yo.” mabilis na wika nito sabay sinuntok sa sikmura si Yuan.

” Aray! Ang sakit.” namimilipit na wika ni Yuan habang hawak- hawak ang sikmurang nasuntok ni Yanyan.

” Alam mo kayong dalawa talaga kakaiba talaga ang sweetness ninyong dalawa. Kinikilig ako sa inyong dalawa. Aaayyyyeeeiiii!” pahabol na wika ni Cleo sa dalawa.

” Oo nga eh! Grabeng magmahal sa akin si Yanyan. Kaya nga love na love ko siya eh!” sang- ayon na wika ni Yuan.

” Anong sweet-sweet ang pinagsasasabi niyo diyan. Hindi noh! Talagang pananakit iyon lalo sa makulit na tulad nitong si Yuan.” ang sabi ni Yanyan sabay lapit kay Yuan para pingutin pa ito dahil sa sinabi nito.

” Aaarrraaaayyyy! Naku naman,Yanyan masakit.. Aaaarraaaayyyy ko po… Masakit talaga!” pagmamakaawa ni Yuan sa ginagawa niyang pagpingot dito.

” Masakit ba,Yuan? Eto pang isa oohhh!” wika niya at lalong diniinan ang ginawang pagpingot kay Yuan.

Natatawa na lang si Cleo sa itsura ng dalawa habang naglalakad sila.

” Kawawang Yuan! But infairness bagay ang dalawa. Bagay na bagay. ” wika niya sa sarili na napapangiti habang tinitingnan ang papalayong sina Yuan at Yanyan.

Habang abala sa pagbabasa ng mga papeles si Kenny ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. Akala niya ay si Yuan ang nasa kabilang linya kaya sinagot niya agad ito.

” Hello Yuan! Buti napatawag ka.”

” No! Alam kong magkasingguwapo kami ni Yuan pero hindi ako si Yuan.” sabi ng nasa kabilang.

” So if you’re not Yuan, who’s this? ” medyo iritang tanong niya.

” It seems you’re not in the mood. Am I right? ” pagtatanong din nito.

” Sort of because Im reviewing all files here when you call.” masungit na sagot niya.

” Hindi ka pa rin nagbabago, Kenny boy. If you’re doing something you dont want to disturbed.” sambit ng kausap ni Kenny sa kabilang linya.

” July? July,ikaw ba yan?” tanong na naman niya but this time excited na ang tono. Gusto niyang malaman kung tama ba siya ng hinala.

” Yes,Kenny boy! One and only July.” mabilis namang sagot ng nagngangalang July.

” Kamusta na,dude? Its been a year when last time we talked and saw each other.” pangangamusta ni Kenny.

” Im fine but not really because Im bored here. Besides I missed you and Yuan. Our boys hangout. I really missed doing that.” pagbabalik tanaw nawika nito.

” We missed you too, July. Especially your naughty doing. How I wish someday we can hangout again just like before.”

” Of course,dude! ” But how? If your in Australia.”

” Well, see you guys four months from now.”

” You mean, you mean your going home? Is that for good?”

” Yeah! Its for good. I want to raise and have my own family in the Philippines than here.”

” Ow! So you mean you want to get married asap? So it means you have a girlfriend?”

” Yes, I want to get married as soon as possible but I dont have a girlfriend. I just have ex-girlfriend. But Im not sure if she’s still in their house two years ago. ”

” You still love her,dude?”

” Yeah! And she’s the only girl I want to spend my life with. And I will find her as soon as I go back to the Philippines. That is my first thing I’ll do.”

” You know what your like Yuan.”

” What about him?”curious n atanong nito.

” He’s finding a girl who will love him as he is not because of his money and he wants to find her true love too. He’s crazy because he pretend poor and he live in squatters area now.”

” Really? Wow! I understand, Yuan. He’s not crazy. He just want to find his happiness. I hope he find that girl and his true love in that place. Someday you understand him like i understand him.”

” Whatever! And I assure you it wont happen to me to find a girl who will love me or to find my ex-girlfriend.”

” Well,let see! Nasaktan pala talaga siya sa ginawa sa kanya ni Vinia. Im sure he can find a right girl there who can love him as he is. ”

” I hope so. ”

” Got to go, Kenny boy I have a meeting now. I will call you again. Bye. ”

” Okey. Takecare. Bye.”

Habang nakaupo sa labas ng bahay nila si Yanyan ay hindi nito namalayan ang paglapit ni Yuan. Galing naman ito sa loob ng bahay at nakikipaglaro sa kanyang dalawang kapatid ng kanyang iwan ang mga ito para nga magpahangin sa labas ng kanilang bahay.

” Lalim naman ng iniisip natin diyan. Puwede ko bang malaman? ” bungad ni Yuan na ikinagulat naman ni Yanyan. Hindi kasi niya naramdaman ang paglapit ni Yuan.

” Nakakagulat ka naman, Yuan. Loko ka talaga. Wala naman akong iniisip. ” tangging wika niya.

” Kung wala bakit ka nagulat? ” tanong nito dahil hindi siya kumbinsido sa sinabi ng kaibigan.

” May naalala lang. ” tipid na sagot nito.

” Ano naman? Puwede mo bang ishare sa akin? ” pangungulit ni Yuan.

” Naalala ko lang sina inay at itay. Sana nandito pa sila kasama namin. Sobrang miss ko na sila. ” malungkot na wika niya at mababakas mo sa tinig at mga mata nito ang lungkot na nararamdaman nito.

” Alam mo pareho tayo. Miss ko na rin ang mama at papa ko. Kahit hindi ko na matandaan ang mga ginagawa namin noong buhay pa sila. I was seven then when they left me forever. Pero iniisip ko na lang na masaya na sila kung nasaan man sila ngayon kasama si Papa Jesus. Kaya sana ikaw din. ” sabi ni Yuan na titig na titig kay Yanyan.

” Oo naman. Kaso nga lang hindi ko talaga maiwasang hindi ko sila mamiss.” wika naman ni Yanyan.

” Kunsabagay pero ako alam ko proud na proud sila sa iyo. Kasi kahit wala na sila naging maayos ang buhay mo at ng mga kapatid mo. Talagang kumakayod ka para sa inyo ng mga kapatid mo at napag-aaral mo pa mga kapatid mo. Kung tutuusin nga puwede mo namang hindi gawin iyon kung iba ka,di’ba? ” mahabang sambit ni Yuan na proud na proud din sa kaibigan.

” Yuan naman eh! Pinapaiyak mo ako. Thank you sa mga sinabi mo ha! Talagang kakayod ako ng kakayod para sa mga kapatid ko kahit minsan nahihirapan na ako. Kasi naman kahit anong kayod ko hindi pa rin sumasapat sa amin ng mga kapatid ko. Lagi pa rin kaming kapos. Hindi ko nga mapakain ng masarap ang mga kapatid ko.” mahabang bulalas ni Yanyan sabay punas ng luha sa mga mata. Masyado kasi siyang na-touch sa mga sinabi ni Yuan sa kanya.

” Hayaan mo tutulungan kita kung may maitutulong ako at kung problema mo lang din ang di mo mapakain ng masasarap ang mga kapatid mo ako ng bahala doon bukas. Bibili ako ng masarap na ulam na kakainin natin. Ako ang sagot doon kaya huwag ka ng umiyak diyan ha! ” pakuwelang sambit ni Yuan sabay lapirot sa tungki ng ilong ni Yanyan.

” Loko mo talaga, Yuan. Drama moment ko na nga sinira mo pa. ” pagtataray niyang kunwari kay Yuan.

” Ayoko lang kasing malungkot ka at ayokong umiiyak ka kasi panget ka na nga lalo ka pa pumapanget at tulo pa uhog mo. ” sabay halakhak nito ng malakas.

” Sira! Late na,Yuan. Umuwi ka na sa inyo. Maaga pa tayo bukas. ” pagtataboy nito sa binata.

” Ouch naman! Tinataboy mo na ako? Huhuhuhuhu! ” arte nitong sagot kay Yanyan at nagkunwaring umiiyak.

” Umarte ka na naman. Hindi naman gano’n yon eh. Ikaw talaga. Inaantok na kasi ako kaya tulog ka na rin. ” pagpapaliwanag niya.

” Gano’n ba? Sige uuwi na ako. Pahinga ka na ha! Huwag ka ng malungkot. Sige,goodnight. Sarado mong mabuti yang pinto nyo. Nytnyt and sweetdreams.” malambing na wika ni Yuan kay Yanyan with matching smile pa.

” Opo,kuletz. Iyong pinto mo rin sarado mong mabuti. Ingat ka rin sa daan.” malambing ding tugon ni Yanyan.

” Opo, dragon ilolock kong mabuti. Sige,babye. ” pamamaalam nito at ng nakatalikod na si Yuan para umuwi ay tinawag muli siya ni Yanyan.

” Yuan,sandali lang. ” pigil ni Yanyan sa binatang kaibigan.

” Bakit? ” tanging nasabi nito.

“Thank you and Goodnight. ” wika ni Yanyan sabay halik sa pisngi ni Yuan at mabilis ng pumasok ng bahay si Yanyan.

Kaya naman hindi na nito nakita ang pagkatulala ni Yuan sa bigla niyang paghalik sa binata. Nang gabing iyon ay parehong nakatulog ng may mga ngiti sa labi ang dalawa.

Kinabukasan naging normal ang naging araw nila. Kahit nakakapagod ang trabaho nila ay naging masaya pa rin iyon. Kung may oras si Yuan ay dumadaan siya sa puwesto nila Yanyan para mangulit pero ang totoo ay para masilayan ang kagandahan ni Yanyan. Kahit pagod at pawisan ay lalo pa yatang gumaganda.

Nang araw din na iyon ay makikita mo sa itsura ni Yuan ang kakaibang saya na dulot ng halik ni Yanyan ng nagdaang gabi. Kahit pa sabihing sa pisngi lang ang halik na iyon ay halik pa rin iyon na galing sa babaing mahalaga sa buhay niya. Kahit sabihin mang walang ibang ibig sabihin ang halik na iyon sa taong humalik. Basta para kay Yuan ay ang halik na iyon ay hinding- hindi niya malilimutan.

Kapag naaalala niya ang halik na iyon ay bigla- bigla na lang siyang napapangiti. Pagkatapos kasi siyang halikan ni Yanyan ng nakaraang gabi ay talagang natulala siya at hindi agad nakakilos. Basta hawak- hawak lang niya ang kanang pisngi na hinalikan ni Yanyan hanggang sa paglalakad nga niya ay tanda pa niyang hawak nya pa rin ang pisngi. Parang nawala pa nga siya sa kanyang sarili ng oras na iyon. Ni hindi na nga niya namalayan ang kanyang pagtulog ng gabing iyon. Namalayan na lang niya na umaga na at oras na para pumasok siya.

Ang araw din na iyon ay tinupad ni Yuan ang kanyang sinabi kay Yanyan na bibili siya ng masarap na ulam para makain nila. Bumili siya ng isang buong lechon manok, lechon kawali, isang box ng pizza, coke,cake at ice cream. Nagulat tuloy ang dalawang magkapatid ng dumating siya na ang daming bitbit na pagkain.

“Ate Yanyan nyo dumating na ba? ” tanong ni Yuan sa dalawa habang inihahain ang mga dalang pagkain sa mesa. Isa-isa niyang pinaglalagay sa mga pinggan ang mga pagkain. Hindi pa kasi niya nakikita si Yanyan.

” May binili lang po sa labas,kuya Yuan. ” sagot naman ni Ricky habang tinutulungan si Yuan sa paghahain.

” Ganoon ba. Tamang tama pala para kapag dumating na ate Yanyan nyo kakain na tayo. ” sambit ni Yuan.

“ Wow, kuya Yuan ang sarap naman po ng pagkain natin. Sarap po nitong lechon manok. ” tuwang-tuwang wika ni Emman pagkakita sa nakahain na masasarap na pagkain sa mesa at inamoy-amoy pa ang umuusok pang lechon manok.

” Ano ka ba naman, Emman? Umayos ka nga diyan. Nakakahiya kay kuya Yuan. Saka baka akalain pa niyang hindi ka pa nakakain ng lechon manok. ” suway naman ni Ricky sa kapatid.

” Hindi pa naman talaga,kuya eh. Matagal na tayong hindi nakakain ng lechon noh. Okey lang naman,di ba kuya Yuan? ” sambit ni Emman at muling inamoy- amoy ang lechon.

” Okey lang yan, Ricky. Sarap ngang amuyin ng lechon eh. Join ka sa amin ni Emman. ” tugon ni Yuan at inamoy-amoy rin ang lechon kasama si Emman.

Maya- maya ay nakisali na rin si Ricky sa mga ito.

Nasa ganoong tagpo sila ng dumating si Yanyan.

” Hoy! Kayong tatlo ano iyang ginagawa niyo diyan? Para kayong engot sa ginagawa nyo. ” biglang tanong ni Yanyan pagkakita sa ginagawa ng tatlo.

” Andiyan ka na pala, Yanyan. Kain na tayo. Gutom na kami nina Ricky at Emman. Nakapaghain na kami. Ikaw na lang kulang para makakain na tayo. Tara na,kain na tayo. ” yaya sa kanya ni Yuan.

” Oo nga po, ate. Gutom na gutom na kami. ” sabay na sang-ayon ng dalawa nyang kapatid sa sinabi ni Yuan.

Sa paglapit ni Yanyan sa mesa ay nagulat din siya sa nakitang pagkain na nakahain sa mesa.

” Dami naman niyan, Yuan. Baka naman naubos na lahat ng kinita mo sa pagkakargador sa palengke para lang makabili niyan. ” reklamong wika niya kay Yuan. Hindi naman sa ayaw niya sa mga pagkaing binili ni Yuan. Nag- aalala lang siya sa binata dahil baka naubos ang kinita nito sa pagbili ng mga nakahain sa mesa. Alam niya kasi ang hirap kumita lang ng pera.

” Huwag kang mag-alala, Yanyan pinag-ipunan ko ang ipinambili ko diyan kasi alam kong magagalit ka kapag inubos ko ang perang kinita ko para ipambili niyan. Kaya kumain ka na. Huwag ka ng manermon. Alam ko namang gutom ka na rin at gusto mo ng lantakan ang lechon manok. ” paliwanag nito at sabay humalakhak pagkatapos niyang sabihin ang huling salita na sinabi niya.

” Loko ka talaga,Yuan. Sige kain na tayo. Nag-aalala lang naman ako,Yuan. ” nahihiyang sagot niya.

” Thanks,anyway. ” tugon na lang ni Yuan at pinaglagay pa niya sa plato ng pagkain si Yanyan saka inabot sa dalaga. Habang ang dalawang kapatid nito ay tahimik na kumakain na.

” Thank you, Yuan. Thank you talaga. ” makahulugang wika niya kay Yuan habang titig na titig sa binata.

Tanging ngiti lang ang tinugon ng binata sa kanya. Para kay Yuan ay gagawin niya ang lahat para matulungan at mapasaya ang dalaga. Mahal na mahal na niya ang dalaga at ito na ang gusto niyang babae na mahalin magpakailan pa man.

Talakayan

12 thoughts on “Chapter 6 : Finding My True Love

  1. Hmmp sweet!

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 2:25 umaga
  2. pano yan darating n si July….tsk tsk tsk

    Posted by alma | Setyembre 10, 2012, 10:01 hapon
  3. OM!!!her ex’bf is coming bck!!! wat if in few days maging cla na???
    tax biglang dadating c ex??
    wat will happen kaya??. .
    waaaah!!kakaexite!! . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 1, 2012, 12:00 umaga
  4. nako. ayan na ulet si julio.. tss

    Posted by angel_YL | Disyembre 28, 2010, 4:51 hapon
  5. Tatanong ko lang po kung pwede ring mag sulat ng novel jan. Shishare ko lang po imagination ko.

    Posted by Yasmin | Setyembre 3, 2010, 7:17 hapon
  6. ai ganun!!! nakaka excite ang bawat chapter…everyday q inoopen ang web n2 pr lang d2 s FINDING MY TRUE LOVE..haist…enweis…at least..i have an idea now…thank you, author!

    Posted by pink_samurai | Hunyo 24, 2010, 10:48 hapon
  7. thank you for reading my story, toppers.. thank you din po sa mga comments.. every monday and friday po ang posting ng FINDING MY TRUE LOVE po.. sana po til d end mkasama ko po kayo sa pagbbsa ng story ko..

    again thank you very much.. godbless..

    Posted by krazekriszy | Hunyo 24, 2010, 10:34 umaga
  8. hala! naku patay.. may kontrabida na yata.. huwag ka ng bumalik, july kung ikaw b si julio.. masaya na si yanyan kay fafa yuan.. nxt chap na po, otor..

    thanks.. nxt chap. plssss…

    Posted by rize | Hunyo 24, 2010, 2:18 umaga
  9. pede po bang ipost nio lahat ng chapter bawat araw…

    Posted by pink_samurai | Hunyo 23, 2010, 11:34 hapon
  10. nku excitig nmn.
    hehehehe.frnds pla cla nung ex ni yanyan
    wawa amn yuan…
    ka excite..nxt chapter na poh

    Posted by alexis_shawn27 | Hunyo 23, 2010, 8:14 hapon
  11. Kakakilig naman si yuan…
    july at si julio ay iisa… hmmmmm…..
    magkaibigan pa talaga sina julio at yuan…

    naku… patay si yuan, darating na yung karibal niya sa puso ni yanyan…

    Posted by Dana Faye Andrew-Fonacier | Hunyo 21, 2010, 10:20 umaga

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: Finding My True Love (CHAPTER 1-6) | fedelynblog - Disyembre 13, 2015

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: