binabasa mo ang...
Ever Since

Chapter 6: Ever Since

CHAPTER 6 LAINe SERIES: JEW & DREI

“Hey tumigil ka nga, mind your voice lady… para namang ni re rape ka diyan kung makatili ka” he roared irritatedly.

“Well ano pa nga ba ang intention mo?” napaupo siya sa kama at dumampot ng unan at hinampas hampas niya ang mukha nito habang sinasangga naman ni Drei iyon ng mga kamay nito na animoy bakal at hindi man lang matinag “Bakit ka tumabi dito sakin sa bed, maniac ka, gusto mo maka score sakin noh?”

“Bilib din naman talaga ako sa confidence mo noh, look at yourself, excess fats over that area” pointing Jewish tummy, kahit kabaliktaran naman iyon, her curves was in perfect shape lalo pa at naka bikini top at micro mini shorts lang ito, lalo ng hindi pa rin nakalampas sa paningin niya ang malulusog na harapan ng dalaga, but of course to save his ego he need to reverse her by saying her exact opposite looking figure “And your cheeks are even like binombahan ng hangin sa loob ng bibig mo” patuloy na pang asar pa niya at iniakto pa niya.

Why this man has gone too far insulting her “Ugh, haven’t you seen yourself lately sa mirror?” sabay taas pa niya ng kilay at animo’y sinisipat ang mukha nito “Because you perfectly look like a reddish awful man at my sight” saka sumambulat ng katatawa.

‘Hell no, namamaga pa rin kaya ang mukha niya dahil sa allergy?’ naiinis siya dahil mukhang nanalo nanaman ito sa battle talk nila, and his great defense – well actually gusto niya talagang gawin kanina pa, why not? he moved so quickly and on the other hand Jew didn’t realize what he was planning to do.

“What are yo -” Naramdaman na lang niya ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya.. Napakasarap ng mga halik nito at wari’y tinutukso siyang tumugon. She was not able to help herself. She opened her lips to his insistent quest. Hinayaan niyang saliksikin nito ang bawat sulok ng kanyang bibig at lasapin ang lambot at tamis ng kanyang nagpaparayang mga labi. Guilt nagged at her. Alam niyang hindi niya dapat hayaan si Drei sa ginagawa nito pero mas nangingibabaw ang utos ng kalooban niya na palayain niya ang kanyang sarili. Drei kissed her more deeply. Passion flared inside her, so intense she could hardly bear it. Para bang kayang kaya niyong tupukin ang kanyang katinuan. In desperate attempt to quench the flames, she conjured a clear picture of Joseph in her mind. She was surprised when it took a while before she was able to do so. It was ridiculous and she told herself. So from the thought bigla na lang marahas niyang tinulak ang dibdib ni Drei palayo sa kanya, she didn’t know where that courage had came, basta ang mahalaga eh nahimasmasan na siya, ngunit parang may kung anong tumututol sa kalooban niya and looking at Drei’s eyes now, parang nawawari niyang ito rin ay ayaw pang tapusin ang kung anung nasimulan nila pero hindi- she made her mind.

“You disgust me, you brute” habang animo’y pinapahid ang labi ng likod ng kanyang palad.

“Well may I just remind that you witch kissed back this handsome brute awhile” panunudyo niya pero sa totoo lang ay gusto niya uli itong halikan at ikulong sa mga bisig niya.

“Ahhhhhh, get out of here, Ahhhh” she shouted even louder then biglang nagbukas ang pinto at sabay pa silang napatingin nito sa may pintuan

“Girl anung problema?” nagmamadaling pumasok ito at biglang natigilan “Drei? What the heck you were doing here?” nagpapalit-palit siya ng tingin sa dalawa, si Jew na naka bikini top lang at shorts at medyo magulo ang hair at ang kapatid naman niya ay half naked, to his horror “Oh shoot you two are making out?”

“Nooooo!!!” magkasabay pa nilang sigaw rito, si Drei naman ay dali daling tumayo at inayos ang sarili.

“Your arrogant brother just came in to our room, my god nagulat na lang ako pagka gising ko ng makita ko siyang nakayakap sakin!” bulyaw niya

“Hey yumakap ka rin naman sakin ah” saka pilyong ngumiti

“Oh you see Mosh, napaka maniac ng kakambal mo, so you admitted na niyakap mo nga ako, well FYI kung niyakap man kita eh that’s because I thought you were Mosh, you took advantage of me, nagsalita na ako pagkagising ko and yet, hindi ka pa rin nagsalita agad”

“Well FYI” animo’y panggagaya niya rito na ikinatalim naman ng tingin nito sa kanya “Dahil like you kagigising ko pa lang din, and as to the part na niyakap kita well because I thought you were Adrian too, gusto ko sana siyang asarin para gumising na at ma solo ko iyang bed, dahil masakit pa rin talaga ang ulo ko because of my allergies, I think you can clearly seen the proofs on my body here,” he irritably said.

Natigilan naman si Jew, oo nga at medyo namumula mula pa ito pero kahit na “Oh yeah right! eh bakit ka ba nandito sa room namin?, oh don’t tell me Mosh ka share natin siya sa room?” baling niya sa kaibigan

“Ofcourse not, diyan sila sa tapat no, well hep- sandali nga, oo nga bakit nandito ka sa room ko? diba nga ayaw mong maki share sakin kaya dun ka sa kabila, anu to? dinadalaw mo lang ako?” biro niya.

“Like I said masama ang pakiramdam ko and I forgot the key and ni lock ni Eve pati terrace ng cottage namin kaya hindi ako makapasok, alam mo naman siguro kung gaano kalayo ang lobby ng resort para pag aksayahan ko pang kumuha ng duplicate key so I decided na dito muna ako mag stay, dumaan ako sa terrace and she was wrapped by comforter so I thought she was you, pag aabalahan ko pa ba naman alamin kung ikaw ba siya o hindi eh masakit na ang ulo ko at nahihilo pa ko so to cut the story, yes we nap at the same bed and we woke up seeing each other at the same bed period”

“Yun naman pala girl may point ang kambal ko, carry na yan, patawarin mo na” maarteng pahayag nito.

“Well I haven’t heard any sorry from that beast ever since we’ve met so how can I forgive someone as him?” nagdadabog na inayos ang sarili

Napilitan na siyang magsalita ng titigan siya ni Mosh “Well I too haven’t heard any good words coming from that witch so how can I return the favor? Ako, I just wanted to rest, that’s it” sabay naglakad na ito palabas ng cottage.

“Have you heard that beast?, Mosh wala talagang manners ang kakambal mo!” she shouted na parang batang nagmamaktol sa inis.

–=-=-=-=–

“Mosh anu ba? We’re at work!” kanina pa siya kinukulit nito habang nag aayos siya ng mga laces at flower arrangements kung saan nag start na ang team nila na i-decorate ang inside ng yacht.

“Girl Malandi ka, mukha yatang nagiging habit niyo na ni Drei ang magka-tabi sa bed ahh, this is the second time at palagi pang ako ang nakakahuli sa inyo, tell me naka first base ba si Drei sayo sa cottage? Magsabi ka” animo’y kinikilig ito.

“Big no, tatadyakan na talaga kita diyan eh, your brother is real arrogant gigantic rude, now I really disagree with the expression that first impression lasts, because for all I know and the hell I care, the words doesn’t fit your brother, I thought he was this nice at our condo then magsimula nung sa bar ni Elie until this afternoon puro kabwisitan na lang ang dala niya sakin tuwing magkikita kami, wala naman akong natatandaan na may ginawa ako sa kanyang masama, Grrr, Urgh, he’s making me so deliriously angry”

He smiled “Well you know what, na cu-curios na rin nga ako diyan sa kambal ko eh, yes almost eight years kaming hindi nagkasama ng matagal, pero I know him, he never been that rude to anyone like base sa mga kwento mo, like sample si Ate Julia, she was so bossy at many times pero ni minsan I never heard na sumagot si Drei sa kanya, kaya, well aside sa nakita ko kung paano kayo magbalitaktakan sa harapan ko kanina eh, I could tell that I’m seeing a whole new Drei, thanks to you.”

Nagtaas siya ng kilay “Thanks to me” she give emphasis to last word referring to herself “At my expense? yeah right Mosh! Why don’t we just get working?, yung mga lights ayusin mo na kaya, go”

“Yes Ma’am” dagdag pang aasar nito at saka lumayo na rito.

–=-=-=-=–

Dinner time at almost nine p.m. na ng matapos ang team sa yacht decoration, at napili nilang kumain sa isa sa pinaka sikat na resto sa Palawan, ang Villa Elaine Restaurant, hindi pa man nakakapasok si Jew ay naaninag na agad niya ang pamilyar na mukha na gumugulo sa kanya ng nagdaang mga oras, solo lang ang lalake, kumukulo nanaman ang dugo niya, she just rolled her eyes ng makitang nakatingin din ito sa direction niya.

“Ma’am Jew dun na lang daw po tayo, pinaaayos na iyong long table para sa team natin” saad ni Demi

“Si Mosh, asan?”

“Umalis muna po may sasamahan lang daw siya, ewan ko dun baka new prospect nanaman, gwapo eh” hinalihininan ng tawa

Napangiti siya pero agad ring napalis ang ngiting iyon ng pagka upo niya sa table kung saan nagkataong halos nakapaharap siya sa kinauupuan ni Drei ay nakita niyang may lumapit na babaeng naka two piece lang dito at halos natatakpan lang ng lace ang bikini nito, sa loob loob niya ‘naglagay pa siya, sana she wear nothing at all na lang’ well sexy ang babae at matangkad, parang panlaban sa Ms. Earth yun nga lang hindi niya ma pinpoint kung anong country ang ni rerepresent nito, malayong Philippines dahil medyo darker pa sa kayumanggi ang kulay nito, pero why the girl is flawless, ganyan ba ang gusto ni Drei, morena? Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ng humalik ang babae sa pisngi sabay akbay pa kay Drei at animo’y may binubulong, sandali, she already formed a conclusion, hindi bat kanina lang ay sinabi nitong ‘Like I said masama ang pakiramdam ko and I forgot the key and ni lock ni EVE pati terrace ng cottage namin’ to her horror ‘hindi kaya ito ang Eve na binaggit nito kanina at kasama niya sa cottage?, is she his girlfriend?, pakialam ba niya!’ wala sa loob na pinilig pilig niya ang ulo at napatingin ulit siya kay Drei at nagtama ang paningin nila, ngumiti lang naman ito sa kanya animo’y nang-aasar, she on the other hand rolled her eyes away from him, baka kasi isipin pa nito na tinitingnan niya sila, she don’t want to give this idiot even just a bliss of happiness at her expense, instead she focus sa sineserve na food sa kanila and she started na ring makipag tawanan sa mga tauhan niya. Then out of nowhere ay pumailanlang ang tunog ng Bossa sa paligid ng resto. Hindi naman niya iyon masyadong pinansin hanggang sa lumapit ang waiter sa kanya -.

“Ms. Jewish Favela?” tanung ng waiter

“Y-Yes?” nagulat pa siya

“I believe this is for you Ma’am.” nakangiting inabot ang boquet of white roses.

Inabot naman niya iyon at naghiyawan ang mga kasamahan niya ng Uhhy, Yeee’ at ang iba ay nagtatanong kung kanino galing “Thank you pero kanino ba galing ito” takang tanung niya sa waiter na ngumiti lang at umalis na rin sa harapan niya.

“Ma’am ayan o may card” atribida talaga ang assistant niya na ito, siya na mismo ang kumuha ng card at iniabot kay Jew.

Bago buksan ang card ay napatingin muna si Jew sa may gawi nila Drei, tama ba ang nakikita niyang nakasimangot ito? samantalang kani kanina lamang eh halos nasisiyahan itong makipag landian sa kausap na babae. Well care ba niya saka binuksan ang card, dahil atribida talaga ang assistant niya hindi na niya napansing nauna pa itong bumasa sa card.

“Oh my gosh guys, it’s from Sir Joseph!” napakalakas ng pagkasabi nito at alam ni Jew na rinig na rinig ito sa table nila Drei, then nagsimula nanaman ang panunukso ng team kay Jew.

“Naku guys let’s just finish our food” Ewan ba niya kung bakit siya nasisiyahan, kung dahil sa roses ni Joseph o dahil sa tingin niya ay nagseselos si Drei, then her phone rings. Nag excuse siya para tahakin ang daan papuntang gazebo sa labas ng resto for her privacy pero inulan pa rin siya ng pangangantiyaw ng mga kasama niya hanggang makalayo siya sa mga ito.

“Joseph, thanks sa roses, ayon niloloko nanaman ako ng buong team, thanks to you!”

“Did you like it?” he said it softly

“Of course I do, how are you?” Napangiti ito ng malambing

“Not so fine, aside sa sobrang na mi-miss na kita eh, I can’t wait na makauwi na diyan, you sure you were behave kahit I’m gone there for several weeks already? Hmm?”

Napangiti na siya “Of course I am, pero kung sasabihin mong mag e-extend ka pa diyan ng another month, baka hindi na ako makapag pigil at may makita akong iba” biro niya

“Well that in I would still trust you, aagawin naman kita sa kung sinong iyan sa oras na makabalik ako diyan” sabay tawa nito

She half smiled. “eh teka nga Mister, kelan mo po ba balak umuwi ha?”

“Sooner than you think, o sige na my collegues are here at tinatawag na ako sa board room, I miss you sweetheart and i love you” he said it sweetly

“Love you too, you take care ha, bye, mwaaaah” sabay off ng phone, nagulat na lang siya ng biglang pagharap niya ay napatama siya sa napakalaking bulto sa harap niya, pasalamat siya rito dahil kung hindi pa nito nahawakan ang baywang niya ay malamang na napabuwal na siya – pero bigla siyang napatingala at agad din siyang lumayo rito “Ikaw nanaman? What are you doing here? Are you following me?”

“What if I said yes, what would you do?” tumitig siya sa mga mata ni Jew ng diretso. “What if I said that I’m still not over to our kisses and I wanted continuation right here” pilyong ngumiti ito at saka ay dahan dahang lumakad palapit kay Jew.

“You were crazy, huwag kang lalapit!” she warned him sabay tulak sa dibdib nito “Why? aren’t you contented dun sa babaeng kasama mo sa resto? Well I think Mr. Safierna kailangan mo ng bumalik dahil baka naiinip na iyon kahihintay” ‘hindi ba parang nasa tone niya ang pagseselos? Well keber niya yun ang nafe-feel niya that moment eh’

“Who? si Eve? Don’t mind her, she’s fine, what matters now is us, I believe may mga issues pa tayo na unresolved” sabay hapit sa baywang ni Jew

“You were real awful, bitawan mo nga ako” nagpapapalag siya

“Oh why a sudden change honey, kanina naman ng halikan kita sa cottage ay hindi ka ganyan mag react, the last I check ay tumutugon ka pa nga sa mga halik ko” akmang hahalikan niya ito pero –

“No! get away from me” pilit na iniiwas ang mukha sa binata, at nagpipilit pa rin siyang kumawala sa pagkakahapit nito “You were a jerk! just the first time we met sa Ford launch”

“O since you brought that up, well hindi bat nag enjoy ka rin naman ng halikan kita doon, if we weren’t distracted by your assistant and that of wannabee boyfriend mo eh di sana mas marami pa tayong nagawa at our first meeting -.”

“Bastos ka!” sabay ginawaran niya ng malakas na sampal ito.

“What’s that for?” kunway hinimas ang panga at ngumiti “Aren’t you enjoying my company? Isn’t this is what you want? Ang habul-habulin ka ng lalake then after a week of being together like making them experience your taste, they’ll be dumped and after that what?- they will be going crazy drooling over you at enjoy na enjoy ka nama-” hindi na niya natapos pa ang mga sasabihin dahil isang sampal nanaman ang umalingawngaw sa kanyang pisngi, now he is sorry looking at Jewish angelic face na mangiyak-ngiyak na, there he’s  not prepared to see her cry infront of him and worst that teardrops is because of him.Damn him!

“Sa palagay ko Mr. Safierna, you went beyond your boundaries this time, you talk as if you knew me eh hindi ko naman natatandaan na naging isa ka sa mga lalake ko that I had dumped before” taas noong sabi niya para asarin ito at tama siya nakita niyang kumulimlim ang mukha nito na nagpakatitig sa kanya “I don’t know what your up to at naging ganito ang treatment mo sakin, well just for your peace of mind, ang nagyari sa Ford launch was a big mis understanding, yes I thought you were Mosh because we have our bet na dapat maging lalake siya that night and I thought the kiss was just part of it nothing else, siguro siya na lang tanungin mo about that because I really can’t stand talking with you for so long, so other than that, I thought you were this nice yun pala out of nowhere you turned into a disgusting brute and to tell you frankly, I am absolutely hating you idagdag pa natin ang mga pang iinsulto mo sakin. So if you think that you’re my idea of a perfect boyfriend, then think again, I have absolutely no desire for you! Excuse me!” tinulak niya ang dibdib nito at dali dali siyang naglakad palayo roon.

–=-=-=-=–

“Gusto mo ba Drei baliin ko yang buto mo?” iiling iling na sabi nito habang lumalapit kay Drei at naupo sa may gazebo

Kung sa ibang pagkakataon siguro ay matatawa siya dahil sa may pagka slang ang pagturan nito, ngunit dahil alam niyang seryoso ito ay “Eve? How long you’ve been there?” takang tanong niya.

“Not long, enough to heard and saw everything, and if I were Jew?… I wouldn’t just slap your god damn handsome face twice, sisipain pa kita! I thought you like the lady? Why are you insulting her? You’ve never been this like, yes she’s right, you were awful and a jerk” she takes a long pause ng wala siyang sagot na marinig rito.

“No, you don’t just like her, hell your inlove with her” she happily exclaimed at kunot-noo lang ang tugon doon ni Drei. “But, anung ginagawa mo?”

“I just wanted her to learn her lesson” makahulugan niyang pahayag

“Well your making her learned the wrong way, you should apologize to her” symphaty on her voice.

“You know what, ever since we’ve met, she always brings out the nastiest part of me, I don’t know, like kanina siguro dahil nagselos lang ako dahil sa Joseph na yun that’s why nagawa at nasabi ko ang mga hindi dapat” inis na napasuklay ng buhok niya.

“Eh hindi bat ikaw ang nauna? hindi ba kaya ka naging extra sweet sakin kanina sa resto eh para magselos siya, well you succeeded, I saw it in her eyes that she was, kaya lang, she was save ng dumating ang waiter with roses for her and now in turn ikaw ang nagselos ng sobra, iba ka rin ano, hindi mo pa nga siya girlfriend eh you were acting as if you were, how much more kung maging kayo if ever, I think Jew will not be happy with that kind of attitude baka hindi kayo magtagal, so if I were you, try to fix yourself this early before your paths cross again at mag create pa ng greater damage, baka lalong lumayo pa siya sayo, ikaw rin.” mahabang litanya niya.

No reactions coming from Drei na huminga lang ng malalim, then -.

“Asan na ba si Adrian?, Dapat bumalik na sila agad ni Justin ng siya naman ang kulitin mo” nayayamot na sabi niya ngunit napa-ngiti naman siya.

“Hey Drei, at minamasama mo pa talaga ang pag advice ko sayo ha, hmf” kunway nagtatampo ito “let’s go na nga sa cottage at nag break lang ako sa pag-iimpake, maaga pa tayo tomorrow o gusto mo pa ba talagang sumabay samin pabalik ng Manila?” panunudyo niya sabay hawak sa braso ni Drei at iginiya na ito para maglakad at sa di kalayuan naman ay ang mga matang lumuluha.

LAINe–=-=-=-=–

About Laine

Romance Novel Writer. A lady seeking for eternity through writing. I just want to have a life away from reality!

Talakayan

11 thoughts on “Chapter 6: Ever Since

  1. Magada ang love story nla ziggy

    Posted by alice | Hulyo 11, 2014, 1:12 umaga
  2. Its hurt u know….lol

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 6, 2014, 12:09 hapon
  3. awts

    Posted by nesilita | Nobyembre 26, 2013, 2:46 hapon
  4. Ang lupet m0 drei…

    Posted by Regino | Nobyembre 3, 2013, 9:26 hapon
  5. Kwawa nman c jew

    Posted by eli | Nobyembre 3, 2013, 1:15 umaga
  6. pti aq nanggigil yl reading hehe

    #carriedaway!

    Posted by aileen | Oktubre 12, 2013, 8:30 hapon
  7. ka iyak…toinkkss

    Posted by yen | Hunyo 1, 2013, 2:33 umaga
  8. OM!!!after a long year!
    shes crying for a men!!
    hahahah! ! . . .
    Or he just hurt she’s ego?. .
    hmmm. .the storie’s coming more exiting hahah! ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 28, 2012, 10:04 umaga
  9. well cant w8 s nxt chapter…hope it will be soon…tnx

    Posted by melai | Hunyo 23, 2010, 6:50 umaga
  10. AWWW BITIN..NEXT NA PO PLSSS…TNX

    Posted by eizzy | Hunyo 21, 2010, 5:47 umaga
  11. nice story i love it…grabeeehhhhhh…

    Posted by oxann | Hunyo 19, 2010, 3:58 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: