binabasa mo ang...
Finding My True Love

Chapter 5 : Finding My True Love

Simula ng magkrus muli ang landas nila Yuan at Yanyan ay walang tigil na ang bangayan ng dalawa. Hindi matatapos ang araw na hindi sila nagbabangayan. Dinadaan na lang ni Yuan sa pang- aasar ang pagkausap kay Yanyan. Gustuhin man niyang kausapin ng maayos ang dalaga ay pagtataray naman ang isasagot sa kanya nito. Kaya naman napagpasyahan na lang niyang pikunin at asarin na lang ito. Hindi na siguro dadating ang araw na magiging magkaibigan sila nito. Gayunpaman, hindi rin natatapos ang araw na hindi niya pinuri ang kagandahan nito. Tulad ngayon kahit mukhang pagod na pagod na ang itsura nito ay gandang- ganda pa rin siya rito. Lihim niyang tinititigan ang dalaga sa malayo. Iyon ang kanyang gawain kapag nagkakaroon siya ng oras. Hinding hindi niya pagsasawaang titigan ang maamo at magandang mukha ng dalaga.

” Haaayy! Ang ganda talaga niya.” ang wala sa sariling naibulalas niya. Lingid sa kanyang kaalaman ay narinig pala ito ng kaibigan niyang kargador din sa palengke.

” Narinig ko ‘yon,pare. Tingin ko si Yanyan ang sinasabi mong maganda, hindi ba?” bungad na wika nito na ang tono ay siguradong sigurado talaga.

” Wala ah! Wala akong sinasabi dito. Saka bakit naman ako magagandahan sa dragon na iyon sobra kayang taray no’n sa akin. Kung makakabuga nga lang siya ng apoy siguradong nabugahan na niya ako at matagal ng natusta.” tangging sambit niya na ang tono ay kunwaring inis.

” Pero aminin mo,pare maganda talaga si Yanyan kahit saang anggulo mo siya tingnan. Kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong mapansin ni Yanyan talagang liligawan ko siya.” nangangarap na wika nito.

” E,d ligawan mo,pare para mapansin ka niya talaga.”

” Loko ka,Yuan! Tingnan mo naman ang itsura ko sa itsura ni Yanyan masyado siyang maganda para sa akin.
Pero kung may isang tao ang bagay kay Yanyan isa lang nasa isip ko. Match na match talaga silang dalawa.”

” Sino naman iyon?”

” Gusto mo talagang malaman kung sino iyon?”

” Oo para makausap ko na kung may plano siyang ligawan si Yanyan huwag na niyang ituloy.”

” Bakit naman,Yuan?”

” Dahil malas niya kapag naging girlfriend niya si dragon. Baka awayin lang siya araw-araw.”

” Palagay ko hindi,pare kundi swerte kapag naging girlfriend si Yanyan.”

” Bakit mo naman nasabing swerte? If i know wala pang naging boyfriend iyan kahit isa. Bakit ngayon walang boyfriend si dragon?”

” Nagkaboyfriend na iyang si Yanyan kaso naghiwalay din. Mayaman kasi naging boyfriend niya tapos matapobre ang pamilya ng boyfreind niya. Akala yata pera lang ang habol ni Yanyan sa anak nila pero ang totoo mahal niya talaga ang anak nila, Sobrang bait kaya ng boyfriend niya kasi katu-katulong nila iyon dito kapag walang trabaho iyon at kaibigan din namin.” mahabang kuwento nito kay Yuan.

” Gano’n ba? Nasaan na ngayon ang boyfriend niyang iyon? Kung mahal niya talaga si dragon sana ipinaglaban niya.” paliwanag ni Yuan.

” Balita namin dati pinadala na ng Australia para mailayo kay Yanyan. Saka alam namin pinaglaban naman niya kaso nga lang inatake yata sa puso ang mommy niya kaya napilitang hiwalayan na talaga si Yanyan.” pagkukuwentong muli nito kay Yuan.

” Grabe naman pala naging buhay pag-ibig ni dragon.” tanging naibulalas ni Yuan.

” Oo,pare saka kitang-kita namin kung gaano kamahal ni Yanyan si Julio. Simula nga ng naghiwalay sila hindi na muling nagmahal si Yanyan eh. Matagal na rin iyon simula ng maghiwalay sila. May two years na siguro iyon.” wika nito kay Yuan at umalis na pagkatapos.

” Mahal pa kaya niya ang dati niyang kasintahan? Babalik pa kaya ito sa buhay ni dragon?” tanging naiwan na tanong ni Yuan sa sarili.

” Bez,grabe naman iyang itsura mo. Kanina pa ganyan iyan tapos hanggang ngayon ganyan pa rin,hindi nagbabago.”

” Anong problema sa itsura ko? Eh, dati pa naman ganito itsura ko ah.”

” Nakasambakol kasi iyang mukha mo eh. Matatakot mga kustomer natin niyan. May problema ka ba?”

” Wala akong problema. May naalala lang ako kaya ganito ako ngayon.”

” Ano bang naalala mo,bez?” pati tuloy ito ay napaisip na rin sa posibleng maalala ng bestfriend niya. Maya- maya ay nagsalita siyang muli.

” Oh my! Naalala ko na,bez. Diba fourth year anniversary nyo bukas ni Julio.”

” O-oo, bez. Fourth year anniversary na sana namin ni Julio.” pautal na wika ni Yanyan habang nakatingin sa kawalan.

” Kamusta na kaya siya, Yanyan? May balita ka ba?” mabilis na tanong ni Cleo habang naghihintay ng isasagot ng kaibigan niya.

” Ewan ko,bez. Pagod na akong isipin siya sa totoo lang pero kahit anong gawin ko bigla na lang siyang pumapasok sa isip ko ng paulit ulit. ” sagot niyang sabi kay Cleo na may namumuong luha sa mga mata at maya- maya nga ay pumatak na ang mga ito.

” Mahal mo pa ba siya,bez?” seryosong naitanong niya sa bestfriend niyang si Yanyan kahit na ramdam niyang mahal pa nito ang dating kasintahang si Julio kahit na dalawang taon na rin hiwalay ang mga ito.

Si Julio ay dating kasintahan ni Yanyan. Umabot ng two years ang relasyon nila. Kapwa nila mahal ang isat isa at wala silang naging problema maliban sa mga magulang ni Julio. Mayaman kasi ang pamilya ng dating nobyo samantalang siya ay mahirap lamang kaya tutol ang mga ito sa kanilang relasyon. Tingin kasi ng mga ito ay pera lamang ang dahilan kaya niya minahal ang anak ng mga ito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil mahal lamang ng mga ito ang anak nila. Pero hindi naman totoo ang tingin ng mga ito kay Yanyan kaya niya mahal ang anak ng mga ito dahil totoong mahal niya ang anak ng mga ito tulad ng nararamdaman niyang pagmamahal ng anak nila sa kanya. Hanggang sa umabot na nga sa puntong pinamili na ng mga ito si Julio kung sila na magulang nito o si Yanyan na hindi nila matatanggap kahit na kailan. Ang pinili ni Julio ay si Yanyan dahil sobrang mahal nito ang nobya at hindi siya mabubuhay ng wala ito sa buhay niya. Handa na sana si Julio na umalis sa bahay nila ng biglang atakehin sa puso ang kanyang mama. Nang mangyare ang insidente na iyon ay wala ng naging balita si Yanyan kay Julio dahil hindi na ito muling nakipagkita kay Yanyan hanggang sa pumunta na ito sa Australia kasama ang mga magulang nito.

” Ang totoo,bez oo mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kaya hindi ko alam kung kaya ko pang magmahal ng iba kung hindi lang siya.” tapat na pag- amin nito na makikita ang kalungkutan sa mga mata nito.

Tanging yakap na lang ang sinagot ni Cleo sa bestfriend niyang si Yanyan. Kung may magagawa lang ako para makalimutan mo si Julio gagawin ko.” tanging nawika niya sa sarili at nahagip ng kanyang paningin si Yuan.

Kinagabihan, habang nakahiga na si Yuan ay hindi pa rin siya makatulog kahit na matagal na siyang nakahiga. Gustuhin man niyang matulog na agad ay hindi niya magawa dahil sa bawat pikit ng kanyang mga mata ay nakikita niya ang magandang mukha ni Yanyan. Halos gabi-gabi ay ito ang nangyayare sa kanya. Ganoon na ba siya kaadik sa kagandahan ni dragon na kahit sa pagtulog ay nakikita niya pa rin ito.

“May pagkakataon pa kayang maging magkaibigan kami ni dragon?” tanong na wika niya sa sarili.

” Meron naman, basta huwag mo na siyang aasarin at pipikunin pag nagkikita kayo.” sagot naman ng kabilang bahagi ng kanyang utak.

” Bukas na bukas makikipag- ayos na ako sa kanya.” pasya niya sa sarili at hindi rin nagtagal ay nakatulog siyang may mga ngiti sa labi.

” Magandang morning sa iyo, walang kasinggandang binibini. ” bungad kay Yanyan ng masugid niyang manliligaw na si Leon sabay abot sa kanya ng gumamela na halata mong pinitas lang sa tabi-tabi.

” Hay naku, Leon tigilan mo ko ha! Ang aga-aga huwag mong sirain ang umaga ko ha!” asik ni Yanyan dito.

” Yanyan,my babes naman napakaganda ng araw nagsusungit ka na. Alam mo naman kapag nagsusungit ka lalo akong naiinlove sa iyo eh. Saka sabi nga the more you hate the more you love,babes” pa- cute na wika nito na sinamahan pa nito ng beautiful eyes.

” Huwag mo nga akong matawag-tawag na my babes tumatayo balahibo ko at anong koneksyon ng kasabihan na iyon sa ating dalawa,aber?”

” Ibig sabihin lang na mahal mo ako kaya ganyan iyang pakikitungo mo sa akin. Kaya naman mahal na mahal kita,Yanyan.”

” Mukha mo, Leon. Saka sinabi ko na sa iyo na hindi kita gusto kaya puwede ba tigilan mo na ako.”

” Hindi ako mapapagod na bumalik dito hanggat hindi ko nasusungkit ang matamis mong oo. Aalis na muna ako,babes pero babalik din ako para dalawin ka ulit. Cleo, ikaw na muna bahala sa babes ko ha! baling na wika nito sa kadarating na si Cleo.

” Oo naman,Leon akong bahala sa babes mo.” sang- ayon naman ni Cleo habang tatawa-tawang nakatanaw sa papalayong si Leon.

” Kainis ka talaga, Cleotilde. Nag- agree ka pa talaga. Lalong hindi ako no’n titigilan eh.” inis na wika ni Yanyan.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Cleo sa sinabi ng kaibigan bago nagsalita pagkatapos.

” Kahit naman hindi ako nag-agree hindi ka pa rin titigilan ni Leon kasi nga sobrang patay na patay iyon sa beauty mo,bez.” isang malakas na tawa ulit ang pinakawalan ni Cleo.

Natatawa kasi si Cleo sa mukha ng manliligaw ni Yanyan na si Leon. Kamukha kasi ng artistang si kuhol ang manliligaw ni Yanyan at bungi pa ito. Simula kasi ng makilala ni Leon si Yanyan ay hindi na ito tumigil sa panliligaw sa dalaga. Hindi na nga pinakikitunguhan ng maganda ni Yanyan minsan si Leon para tumigil na ito sa panliligaw pero sadya yata talagang makulit ito dahil patuloy pa rin ito sa panliligaw.Imbes na tumigil ay lalo pa raw siyang nagkakagusto kay Yanyan.

” Ewan ko sa iyo,bez. Magtrabaho ka na nga kesa tumawa diyan. Baka kasi pagkamalan kang baliw eh.” mataray na wika ni Yanyan sa kaibigan.

” But infairness,bez bagay kayo ni Leon kasi para kayong Beauty and the Beast.” sabay bumunghalit ng tawa.

” Baliw!” tanging nasambit ni Yanyan at inayos ang kanilang panindang isda.

Kinahapunan, matiyagang hinihintay ni Yuan ang pag- uwi ni Yanyan. Pinaghandaan niya talaga ang araw na iyon para sa kanila ni Yanyan dahil desidido na siyang makipag- ayos sa dalaga. Gusto na niyang maging magkaibigan sila nito at sawa na rin siya sa bangayan nilang dalawa. Gusto na rin niyang makilala ang dalaga ng lubusan. Gagawin na niyang lahat maging magkaibigan lang sila nito. Halos isa’t kalahating oras na siyang naghihintay kay Yanyan ngunit hindi pa rin ito dumadaan sa lagi nitong dinadaan kapag uuwi na ito sa hapon. Alam niyang sa lugar na iyon tanging dumadaan ang dalaga dahil halos araw-araw niyang nakikita ang dalaga dito. Basta hindi siya susuko dahil alam niyang dadaan din si Yanyan doon. May ginawa lang siguro kaya wala pa. Habang naghihintay siya ay pasipul-sipol siya para malibang siya kahit papaano. Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang kanyang hinihintay. Hindi na niya hinintay na makalapit ito sa kanya dahil agad niya itong sinalubong kaya naman nagulat ang dalaga pagkakita sa kanya.

” Hi Yanyan! Magandang hapon. Bulaklak nga pala para sa iyo. Pasensiya ka na kungyan lang nakayanan ko.” kinakabahang bungad niya sa naglalakad na si Yanyan sabay abot ng bulaklak dito.

” Kanina maganda ang araw ko pero ngayong nasa harapan na kita at kausap nasira na ang araw ko.” pagtataray niya agad sa binata at nagsalitang muli. ” Bakit mo naman ako binibigyan ng bulaklak? Buhay pa ako para sabihin ko sa iyo. Gusto mo na yata akong mamatay kaya binibigyan mo na ako ng bulaklak eh.”

” Grabe ka naman,Yanyan. Ikaw na nga itong binibigyan ng bulaklak,ikaw pa itong galit. Saka hindi naman iyan bulaklak ng patay para pag- isipan mo ako ng ganoong kasama.” seryosong paliwanag ng binata.

” So,utang na loob ko pa pala sa iyo ngayon ang pagbibigay mo sa akin ng bulaklak. Ganoon ba iyon?” mataray na sambit ni Yanyan.

” Hindi naman. Gusto ko lang naman maging magkaibigan tayong dalawa. Halos lahat na kasi kaibigan ko na puwera lang ikaw. Kaya gusto ko sana maging magkaibigan na tayo.”

” Marami na akong kaibigan kaya hindi ko na kailangan ng isa pa. Tama na iyong mga kaibigan ko na iyon. Ayoko ng dagdagan pa. Kaya maghanap ka na lang ulit ng pagbibigyan mo nitong bulaklak mo ha!” sabay soli ng bulaklak sa binata at naglakad ng mabilis para hindi na siya sundan pa ng binata.

” Naman,Yanyan! Nakikipagbati at nakikipag-friends na ako sa iyo tinatarayan mo pa ako. Ganyan ka ba talaga kataray sa mga lalaki?”

” Hindi naman. Actually, sa iyo lang ako ganito dahil hindi kita feel maging kaibigan. Kaya sana maintindihan ng napakalawak mong taniman ng kamote ang sinabi ko. Kaya kung puwede lang huwag mo na akong susundan pa kung ayaw mong masaktan.”

” Saktan mo na ako kung sasaktan mo ako pero susundan pa rin kita.”

Halos lahat tuloy ng kanilang nakakasalubong ay napapatingin sa kanilang dalawa kasi naman para silang may relasyon na may LQ.

” Ewan ko sa iyo. Bahala ka diyan.” buwisit na wika ni Yanyan habang tumatawid ng kalsada.

” Ayaw mo talagang maging friends tayo ,Yanyan?” Sigaw na wika ni Yuan sa dalaga. Kailangan kasi niyang sumigaw para marinig siya ng dalaga dahil nasa kabilang kalye na ito.

” Ayoko talaga! kaya tantanan mo na akong bakulaw ka.” ganting sigaw niya rin sa binata.

” Okey! So,wala ka palang pakialam kahit masagasaan ako ng mga sasakyan dito? Sige,umalis ka na. Hayaan mo ako ditong mamatay.” sigaw nito habang nakahiga sa kalsada.

Kaya naman nagkaroon ng trapik dahil humihinto ang mga sasakyan para hindi nila masagasaan ang lalaking nakahiga sa kalsada at ang iba naman ay umiiwas.

” Patawarin mo na,miss yang boyfriend mo. Kawawa naman siya magpapakamatay oh!” sigaw ng mga tao sa paligid.

Halo-halo na nga ang naririnig niyang hiyawan ng mga tao sa kanila. Kaya kahit inis man ay pinuntahan niya sa gitna ng kalsada si Yuan para patayuin na ito at itigil ang ginagawang kalokohan.

” Hoy,bakulaw tumayo ka nga diyan. You’re making a scene here! Can you please stop this nonsense scene.” bulyaw na wika niya sa binata.

” I will stop this if you accept my request to be your friend.” pambablackmail ni Yuan kay Yanyan. Wala na kasi siyang choice kundi gawin iyon.

” Oo na oo na. I’ll accept it. Tumayo ka na diyan,puwede?!” napipilitang sagot niya.

” Sure na ba yan? Baka napipilitan ka lang diyan.” pangungulit ng binata.

” Oo na nga eh.” si Yanyan

” Talagang talaga?” si Yuan

“Ewan ko sa iyo! Ang kulit mo. Bahala ka nga diyan.” inis na wika niya sabay walkout.

Sa nangyare ay mabilis na siyang bumangon para habulin ang nagwalkout na dalaga. Sa kanyang pagbangon ay humingi siya ng sorry sa kanyang ginawang eksena sa mga taong nakasaksi nito.

” Eto naman oh! Nagbibiro lang eh!” habol na wika niya sa dalaga.

” Feeling mo kasi nakakatuwa ang ginawa mo eh.” asar na sigaw ni Yanyan kay Yuan sabay batok dito ng malakas.

” Aray ko naman! Basta friends na tayo ha!” gulat na nasambit niya dahil talagang nagulat siya sa ginawang pambabatok ni Yanyan sa kanya.

” Bagay lang sa’yo ‘yan.” sigaw nito at sabay na silang naglakad nito pauwi.

Talakayan

10 thoughts on “Chapter 5 : Finding My True Love

  1. nice all stories in here….. Like it so much

    Posted by alice | Hulyo 11, 2014, 1:08 umaga
  2. n_n

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 5:20 hapon
  3. Wow nman . Kinikilig ako

    Posted by eli | Nobyembre 6, 2013, 2:10 umaga
  4. maganda,. Kaso sana Hindi na nag eenglish si yanyan 2nd year highskul lang nmn xa,. Para feel talaga ang character nyang mahirap,.

    Posted by jomai | Agosto 18, 2012, 2:52 hapon
  5. ayiiiiiiiie!!moment #1 har.har!😉

    Posted by pazawaiy_1901 | Pebrero 29, 2012, 11:34 hapon
  6. WOW! I love this story! next chapter please!!!!!!!

    Posted by faith | Hunyo 18, 2010, 10:42 hapon
  7. ganda…next chap plzz..

    Posted by eithak | Hunyo 18, 2010, 2:15 hapon
  8. Gusto ko ang story na to….
    Excited na ako sa susunod na chapter…

    Posted by Dana Faye Andrew-Fonacier | Hunyo 18, 2010, 11:27 umaga
  9. hahahaha….. ako talaga ang first…… hehehehe…..

    ganda, excited na ako….

    Posted by ghie | Hunyo 18, 2010, 11:05 umaga
  10. klan po su2nod na chapter
    inaabangan ko po kc to

    Posted by kiyoshi | Hunyo 18, 2010, 10:32 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: