binabasa mo ang...
The Man of Hikari's Dreams

The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 11

Chapter 11

Pinilit na lamang ng binata na bumalik sa pagtulog, though he knew it would take a lot of time para mangyari iyon. It always happens. At masasabi niyang nakakasanayan na niya ang sitwasyong ito na nagigising sa hating gabi na humihingal at malakas ang pulso dahil sa paulit-ulit na panaginip na iyon.

He couldn’t even understand why it’s always happening to him.

Pagkakinabukasan ay late na nang magising ang binata. Alas nuwebe na nang makaalis siya ng bahay niya. He was driving in his car nang mag-ring ang cell phone niya.

“Hello,” sagot niya sa kabilang linya, hawak ang aparato sa kaliwang kamay habang ang isang kamay naman ay nakahawak sa manibela ng kotse.

“Rohann,” anang nasa kabilang linya.

Na-recognized niya na ang tumatawag ay ang kanyang mommy na nasa Amerika ngayon kasama ang buong kapamilya niya.

“Mom…”

“Oh, son, what is going on with you?,” anito na mahihimigan sa boses ang matinding pag-aalala para sa anak. “Kanina pa ako tawag ng tawag sa cell phone mo but you were not answering it. I was expecting na maaga ay gising ka na.”

“I’m so sorry mom,” aniya. “Late na ako nang magising.”

“What’s wrong with you, son? Lately ay parati ka na yatang late gumigising. I know you too well, hijo. You’re always an early bird kahit na galing ka kung saan-saan. Tell me, is there something you wanna tell me?”

Napapailing na lamang siya. His mom is too keen. At alam niyang hindi siya titigilan nito kapag hindi nito nalalaman ang nangyayari sa kanya.

“I’m okay, mom,” he denied. Kahit kasi i-share pa niya dito ang tungkol sa wirdong mga panaginip niya ay hindi siya nito maintindihan. It will only worry her.

“Are you sure?”

“Of course.”

“So, when are you coming here? Excited na sina Tauline at Evan sa pagdating mo dito.”

Ang ate Tauline niya at Kuya Evan ang tinutukoy nito na mga kapatid niya. Matagal na siya nitong pinapa-migrate sa Amerika ngunit sadyang hindi pa siya handing tumira doon. There’s something in this place na parang pinipigilan siyang umalis, the thing he doesn’t even know what.

“As soon as I can fully decide,” aniya.

“I don’t like that answer.” Anito.

Natawa siya sa sinabi nito.

“You’ll be forced to, mom. You don’t have any choice kung gusto niyo talaga akong tumira diyan,” biro niya dito. Still, unable to decide.

“Nagtatampo na ako sa’yo, hijo. Ang tagal-tagal mo nang nagtatrabaho diyan, eh may naghihintay namang magandang posisyon dito sa company ng daddy mo at hinihintay lang ang pagdating mo. Bakit ba hindi mo malubayan ang Pilipinas? Ikaw na lang ang natitira sa angkan nating mga Buenavista diyan”

“I have reasons, mom,” aniya, na kahit siya ay hindi man lang malaman kung ano talaga ang nagpipigil sa kanyang bumiyahe patungong Amerika. It’s like he would be missing his entire life if he would do that rather than staying here. Kung ano iyon ay hindi niya matukoy.

“Alright, alright.” His mom gave up. “I’m giving you one week to decide. Okay?”

“Very well,” aniya.

Nakarating sa isang matayog na Construction Company namely Wincester Construction Firm si Rohann sa may boundary ng syudad. Doon siya nagtatrabaho bilang isang Landscape Engineer. Nag-e-enjoy naman siya sa kanyang propesyon at satisfied naman siya sa kanyang malaking sahod, though it was a lot better kung magtatrabaho siya sa Amerika as what his mom would like him to do.

Doon ay makikita ang magandang view ng paligid. Ang kanilang kompanya ay overlooking kasi at makikita from the top ang nagtataasang mga bukirin na hindi karaniwang nakikita sa main city. Those small mountains were already developed and was already constructed with lime stones. Kung titingnan ng buo ay para kang nakakakita ng mountains na napapaligiran ng lime stones. That was their team’s finished work. And they have been paid huge amount of money because of their state-of-the-art work.

Ang bukirin na iyon ay parating dinadayo ng mga turista each and everyday kung kaya parating busy ang kanilang site. Sa loob naman kasi ng malaki nilang building ay naroroon ang malaking museum na nakapaloob ang iba’t ibang klase ng mga bato at jewels na pinakaiingatan ng mga businessman na nagmamay-ari niyon. As a whole, the establishment he is working is getting busier and busier each day.

Matapos ang office hours ay dumiretso na si Rohann sa kanyang paboritong tambayan, ang free place kung saan niya inaaliw ang sarili through drag racing or motor cross. He also drinks with few friends like Joe.

Matagal na rin siyang hindi nakakapunta dito lately because of his hectic schedule. It was already Seven PM nang makita niya ang close friend na si Joe. Masaya silang nagkwentuhan at mag inuman until he felt like drunk already. Sadyang naparami yata ang tungga niya sa alak.

“Man, you’re already wasted,” kantsyaw sa kanya ng kaibigan nang mapunang nalalasing na siya.

And before he could think of any possible things to say, namalayan na lamang niya ang sariling ikinukwento kay Joe ang mga weird things na nangyayari sa kanya lately.

“Man,” aniya sa kaibigan, muling tumutungga ng alak. “Lately ay parati akong dinadalaw ng kakaibang mga panaginip. Actually, it’s almost every night. And I’m beginning to think that I’m already having sleep disturbances.”

Natawa si Joe sa ikinuwento niya. “What are those dreams ba, pare?”

“Almost every night na akong nananaginip, and heck, those dreams are all the same. The scenario was always like this… Nasasagasaan ko ang isang babae and I ended up holding her na naliligo sa dugo at walang malay. I could say that I killed her accidentally.”

“What a heck…,” nahihiwagaang sambit ng kaibigan sa sinabi niya.

“And the weirdest thing of all is, that woman is very familiar to me.”

“Oh?”

“Yes.”

“Kilala mo ba?”

“Actually, I’ve seen her months ago. I just knew her by face. Kahit nga ngayon ay hindi ko pa nakakalimutan ang mukha niya. But I didn’t know her name. I just saw her once. I was… I was caught by her innocent face…”

“Just where do you saw her?,” curious na tanong nito sa kanya.

“In the–”

“Pare!”

Naputol ang kung ano pa sanang sasabihin niya nang may tumapik sa balikat niya. It was Arthur. Another close friend of him na katulad niya’y mahilig din sa karera.

“Hey!” Gumanti siya ng tapik sa balikat nito.

“Long time no see, pare, ah,” anito at tumabi sa kanya. “I’ve heard na doon ka na maninirahan sa Amerika?”

Nag-join ito sa inuman nila.

“I haven’t make any decision yet,” he said.

“That’s better. It means that you’re gonna stay here for a while and you’re gonna join our race for today.” Arthur challenged him.

Napangiti lamang siya.

“C’mon, ikaw yata ang pinakamalupit naming ka-compete sa racing. Why not join us now? May drag race ngayong Eight o’clock. So, ano? Call?”

Tinapik ni Joe ang balikat niya, giving him a signal to accept their friend’s challenge.

Tumungga muna siya ng alak bago sinabing, “Call.”

Nasa loob ng balkonahe ng kanilang bahay si Hikari, constantly gazing the dark skies wrapped with bright stars.

She kept thinking about him. Ngayon ay iyon na lamang ang tanging magagawa niya. To think about him.

Kagabi nang makauwi siya matapos makausap ang misteryosong manghuhulang iyon ay matagal siyang nag-isip hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang sari-saring mga katanungang nagsusumiksik sa isipan niya. Where did she exactly met him? Or, did she really met him? Hindi yata niya matandaang nakita na niya ito, or worst, nakadaupang palad man lang.

Kung nangyari man iyon, malamang ay na-mesmerized na siya the moment she first laid her eyes on him. But no, she couldn’t think of any event or happening in her life kung saan nakita niya si Rohann.

Napahinga na lamang siya ng malalim. How could she see him again kung ganitong wala siyang ideya kung saan sila unang nagkita? This is too absurd to find out.

Muli ay ibinaling niya ang tingin sa madilim na kalangitan.

Ang sabi ni Julia sa kanya noon, when you think about that person, he would think about you, too. She even remembered her saying…

“I once read a certain book. It states that if you keep on thinking about that person, he will keep on thinking of you as well…”

Would he ever think of her too, now that she keeps on thinking about him? Nais niyang suntuin ang sarili sa naiisip na iyon.

Silly…

She doubt if he knows her exactly…

Ilang segundo na lang ang hinihintay at magsisimula na ang drag race. Nakaparada na sa starting line ang mga magagarang kotse at isa na doon ang kay Rohann. He was now ready. He was drunk but he could control it ganitong naaaliw siya sa gagawing racing. He has always been a race addict.

Hinihintay na lamang ng lahat ng kalahok ang go signal.

Nang marinig ang go signal ay pinatakbo na ng lahat ang kotse ng napakatulin. Narinig niyang naghihiwayan ang mga taong sumaksi sa small event na iyon. They hit their machine to a full level. Ilang minuto lang ay nakita na ng lahat na ang kotse ni Rohann ang nangunguna.

But…

While driving, suddenly ay nakita ni Rohann ang isang babae sa may di kalayuan, nakatayo sa gitna ng daan. Her face is familiar, the one he saw months ago… And the one he’s been dreaming of almost every night. And he was going to hit her!

Dahil sa nararamdamang pagkataranta ay mabilis siyang tumadyak sa kanyang break, dahilan upang lumikha ng malakas na ingay ang makina ng kanyang sinasakyan. Natigilan ang lahat ng sumasaksi sa drag race na iyon. Nagtataka kung bakit niya iyon ginawa. He didn’t have any idea na siya lamang ang nakakakita ng pigurang iyon.

Nahinto ang kotse niya sa isang tabi. The others continued to race, naiwan ang kotse niya sa gilid ng daan. Nang tumingin sa labas ay parang bulang naglaho sa paningin niya ang pigura ng babaeng iyon.

What the heck is happening to me?, nagtataka sa sariling tanong ng isipan niya. Alam niya, bunga lamang iyon ng alak na nainom niya, kung kaya wala siyang nagawa kundi napasandal na lamang sa sandalan ng upuan ng driver’s seat, unable to act something right for a while.

It was almost Two o’clock dawn nang mag-decide si Rohann na umuwi na. Nagsipag-uwian na rin ang kanyang mga kaibigan. Kanina matapos ang race ay takang taka siyang tinanong ng mga ito kung bakit bigla niyang hinito ng napakabilis ang kanyang kotse, and worst, hindi na ipinagpatuloy ang race. Ikinibit na lamang niya iyon ng balikat. He couldn’t dare tell them exactly what happened, dahil baka pagtawanan lamang siya ng mga ito at baka sabihin ng mga ito na he’s getting insane dahil kung anu-ano na lamang ang mga nakikita niya.

On the way na siya to his house nang makaramdam ng pagkahilo. He decided to stop for a while at maghanap ng malapit na twenty-four hours coffee shop.

Nang makababa sa kotse ay bahagya siyang nagulat nang makita sa harap niya ang matandang babae. Muntik na siyang mahintakutan sa biglang presensya nito.

“Magandang umaga po,” aniya. Nang mamukhaan ito ay parang may naalala siya. Parang nakita niya na ang matandang ito somewhere.

“Matagal na rin kitang hindi nakakausap, hijo.”

Pagkarinig sa boses nito ay naalala na niya agad kung saan at kailan niya ito nakita.

“Kumusta na ho kayo?,” he genuinely asked the old lady. Ngayo’y naaalala na niya na isa itong manghuhula. Minsan nga napagkatuwaan niyang magpahula dito and asked her about his fate in love. Gusto tuloy niyang kantsyawan ang sarili dahil doon.

He remembered…

Sa Wincester Construction Firm…

Napakaraming turista ang dumadayo sa kanilang firm nang araw na iyon. Perhaps it was all because grand opening ng araw na ito ng kanilang newly opened museum. Kabilang na sa mga dumayo doon ang matandang tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa isang sulok ng museum na iyon. Nalaman niyang isa itong manghuhula nang ikwento nito sa kanya ang identity nito. He doesn’t believe in sorcerers and fortune tellers, pero parang nahihiwagaan siya sa matandang ito.

Marami tuloy silang napagkwentuhan. Isa na doon ang pagkasawi niya sa pag-ibig last month nang minsang mag-propose siya ng kasal sa girlfriend na si Aldana.

“This ring,” aniya na ipinakita sa matanda ang mamahaling singsing. “Ito ang singsing na ibinigay ko sa kanya when I proposed to her. Pero, nabigo ako nang sabihin niya sa akin ng diretso na hindi pa siya handing magpakasal. She’s a fashion model.” Napahinga siya ng malamim. “At ayon sa kanya, ayaw muna niyang magkaroon ng lifetime commitment. Hindi pa siya handa. But after that night, hindi na siya tumawag sa akin. Nalaman ko na lang na may iba na pala siyang dini-date. I was shocked nang makatanggap ako ng text message galing sa kanya saying that she’s going to London, at nakikipaghiwalay na siya sa akin dahil may iba na siyang mahal.”

Nanatiling nakikinig ang matandang manghuhula sa kanya.

Nagtataka tuloy siya sa sarili. Why on Earth is he telling her all about his love life? Pakiramdam kasi niya ay hindi niya kontrolado ang sarili at this moment. Para bang may hypnotism ang matandang ito para magsalita ng magsalita tungkol sa buhay niya.

“Hijo,” anito.

He looked at her.

“Ang babaeng sinasabi mo ay isa lamang bahagi ng iyong nakaraan at maaari mo nang kalimutan, dahil hindi kayo ang nakatakda para sa isa’t isa.”

Natigilan siya sa sinabi nito.

“Nakikita ko sa iyong mga mata na malapit mo nang makilala ang babaeng hinahanap mo… At kapag nakilala mo na siya, wag na wag mo siyang pakawalan. Maniwala kang siya ang nakatakda para sa iyo.”

“Ganon po ba?”

Pero hindi siya naniniwala sa mga hula-hula.

“Here,” aniya and handed the old lady the ring. “Sa’yo na po ‘yan.”

Napakunot-noo ang matanda sa ginawa niya.

“Ibenta n’yo or kahit ano’ng gawin n’yo d’yan. Hindi ko na po kailangan ang singsing na ‘yan. Well, that’s my way of moving on.”

Nang akmang tatayo na siya ay pinigilan siya ng matanda.

“Bakit po?,” takang aniya rito.

“Nararamdaman ko’ng malapit mo na siya’ng makilala, Hijo…”

Ngayo’y naririto sa harapan ang matandang manghuhulang iyon. And he doesn’t even know why kung ano ang pakay nito.

“Hijo, naaalala mo pa ba ang sinasabi ko sayo noon?”

May mga bahagi pa rin ng sinasabi nito ang hindi niya maintindihan. Ngunit pinilit na lamang niyang ignorahin ang bagay na iyon.

“Yeah. Pero pasensya na po kayo. Hindi po ako nagpapaniwala sa mga hula o ano pa man.”

Hindi nito pinansin ang sinabi niya.

“Kailangan mo’ng makinig, Hijo…”

Hayun at animo nahihipnotismo na naman siya dito, dahilan para makinig siya sa mga sasabihin nito…

Matapos ang ilang sandaling pakikipag-usap sa matandang manghuhula ay parang binagsakan ng langit at lupa si Rohann. Matagal nang nakaalis ang matanda ngunit naiwan siyang hungkag ang kalooban.

Hindi na niya naituloy ang planong pagkakape dahil doon. He is damn affected by what she just told her, dahilan para maghirap ang kalooban niya.

Why on earth am I exactly feeling this way?, nagtataka sa sariling naitanong niya.            I haven’t even got a chance to talk to her… He was referring to that girl she just met months ago and that girl she always dreamed about.

Dahil doon ay gumawa siya ng isang tough na desisyon. He promised to himself not to harm her ever, kung kaya kailangan niyang gawin ang mahirap na desisyong ito. It was stupid, but he believed that old fortune teller. And he believed that the girl he met months ago was the woman destined for him.

But…

Napabuntong-hininga na lamang siya. He found himself getting his cell phone and calling his mom in the US.

“Hello, Hijo?,” sagot ng mommy niya makaraan ang ilang sandaling paghihintay.

“I’m going there in the US, mom,” he said. He wasn’t really sure if this decision is right, but he knows this is for the best.

“Are… are you sure?” Maging ang mommy niya ay nahihimigan ang pag-aalangan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

“Yes.”

Mula sa di-kalayuan ay nakita ng matandang manghuhula ang papalayong sasakyan ng binata. Napangiti ang matanda habang sinusundan ng tingin ang kotse nito.

Ngayon, panahon naman para tingnan kung ang dalawa nga ay para sa isa’t isa o hindi. Isang maling desisyon lang at maglalaho na ang pinapangarap nilang tunay na pag-ibig…

Napapangiting umalis sa lugar na iyon ang matanda.

About pearlangeli12

i'm an imaginative kind of person...

Talakayan

13 thoughts on “The Man of Hikari’s Dreams – Chapter 11

  1. Takte nmn s lola pa mistiryus epek!

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 5:42 hapon
  2. love moves in mysterious way🙂 hahaa

    Posted by luvlyangel | Disyembre 14, 2013, 9:38 umaga
  3. aahhh…so talagang una nagkita ung matanda at si Rohann…

    grabeeeehhhh….so much mystery😀

    ganda talaga🙂

    Posted by jeh089 | Disyembre 28, 2010, 9:19 umaga
  4. wow!! ahaha may pagka mystery toh ah😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 20, 2010, 2:34 hapon
  5. ganda…tlga nga true n pag kayo khit cno humadlang,.,,kau p rin in d end…next chapter n kya ang sagot???/

    Posted by melai | Hunyo 23, 2010, 7:35 umaga
  6. obeeeeeeeeeeeeeerrrrrrrrrrr..kakabitin nmn..nxt chapter n poh plsssssssssssssssssss

    Posted by alexis_shawn27 | Hunyo 17, 2010, 6:12 hapon
  7. nxt chapter. yeeeeee!!! xNa mAgKita N cLa…. exCiTeD n meH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by xxBunZxx | Hunyo 16, 2010, 7:41 hapon
  8. ganda nman… next chapter na pls.. nakakaexcite.. thanks talga ang ganda..

    Posted by sjyo_0208 | Hunyo 16, 2010, 3:38 hapon
  9. ang tagal naman po nilang magkita…naeexcite na po tlaga ako…hehehe….ang ganda ganda talaga nya…thanks….

    Posted by jhunez | Hunyo 16, 2010, 11:46 umaga
  10. ano ba yan? nakakabitin!ilang chapter po ba ito?
    pero maganda xa..promise!
    sana sa next chapter magkita na sila..

    Posted by shon | Hunyo 16, 2010, 9:22 umaga
  11. oyyyyyyy 1st ako d2 sa comment hehehehehehe next chapter na

    Posted by gel | Hunyo 16, 2010, 8:38 umaga
  12. ganda tlga po ^^ nkaka excite

    Posted by bhaby143always | Hunyo 16, 2010, 2:03 umaga
  13. can’t wait for the next chapter., ilang chapters po ba eto? thanks…

    Posted by temperence | Hunyo 15, 2010, 10:20 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Hunyo 2010
M T W T F S S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: